Ang Pangalan ng Diyos Ay Totoong Misteryoso

Nobyembre 9, 2020

Ni Jack, Canada

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya gagawin ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya mananatili sa dati? Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lamang si Jehova at si Jesus, subalit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Ipinapakita ng mga salita Niya na bawat pangalang taglay Niya ay may kahulugan. Kumakatawan ito sa isang kapanahunan, isang yugto ng gawain. Nagbabago ang mga pangalan ng Diyos ayon sa hinihingi ng gawain Niya, ngunit magbago man ang Kanyang mga pangalan, ang Kanyang disposisyon ay hindi mababago. Ang Diyos ay laging Diyos. Dati, sa Biblia ako kumakapit. Natali ako sa pagkaunawa ko, akala ko, di na magbabago ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hanggang may napanood ako’t nalaman ang misteryo ng mga pangalan ng Diyos, at kumalas sa pagkaunawa ko para masundan ang yapak ng Kordero.

Isinilang ako sa isang pamilyang Kristiyano, at sinabi sa’kin ng pamilya ko na ang Panginoong Jesus ay ang tunay na Diyos at Tagapagligtas, at makakapasok lang ako sa kaharian ng langit sa pagdarasal sa Kanya. Nung lumaki na ‘ko at nag-aral sa divinity school, madalas sabihin ng pastor, “Si Jesuscristo ang ating Tagapagligtas. Hindi magbabago kailanman ang Kanyang pangalan. Dahil sinasabi sa Biblia na ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman’ (Mga Hebreo 13:8). Kaya dapat sang-ayunan natin ang pangalan ng Panginoong Jesus at malulugod tayo kapag Siya’y dumating.” Lalong pinatibay ng mga ito ang pananampalataya ko at inilaan ko ang sarili ko para kapag dumating ang Panginoon, iaakyat ako sa kalangitan.

Nagpastol ako ng mga mananampalataya sa lugar namin matapos grumaduate sa divinity school nung Abril 2015. Pero kakaunti lang ang mga dumadalo sa service, nakita ng namamahala na kulang ang mga donasyon at ni hindi makapagtustos, kaya nagpautang siya sa mga miyembro. Nang hindi sila makabayad nang may interes, inaaway sila ng opisyal sa pinansyal at mula nun, ayaw na nilang dumalo sa service.

Para mapasiglang muli ang simbahan, nangaral ako ng ebanghelyo sa lugar namin. Binisita ko’ng mga mananampalataya at nag-organisa ng pagtitipon. Nag-ayuno at nagdasal din ako nang dalawa o tatlong beses sa isang linggo, hinihiling sa Panginoon na gabayan ako para sumulong. Pero kahit anong sipag kong magtrabaho, kaunti pa rin ang mga dumadalo. Sa pagtamlay ng simbahan, nanghina ang loob ko at nabawasan ang pananampalataya ko. Kaya mas nagsikap akong magdasal, magbasa ng Banal na kasulatan, at mag-ayuno, nagdown-load at nanood din ako ng mga pelikulang pangrelihiyon, pero di ko pa rin madama ang gawain ng Banal na Espiritu. Hungkag pa rin ako sa espirituwal at nasa kadiliman Puno ng pasakit akong dumaing sa Panginoon: “Oh, Panginoon! Sabi sa Biblia, hangga’t humihiling kami sa Iyong pangalan, ibibigay Mo ito sa’min. Papanglaw na nang papanglaw ang simbahan. Nagdadasal ako sa Iyong pangalan pero bakit hindi ko maramdaman ang presensya Mo? Panginoon, nasaan ka?” Salamat at dininig ng Diyos ang dasal ko.

Isang araw nung Pebrero 2016 Nakita ko ang pellikula sa You Tube na Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia. Malinaw na ipinaliwanag nito ang misteryo ng Biblia. Nagkaro’n ako ng bagong pagkaunawa sa Biblia at pinasaya ako nito. Pero ang ipinagtaka ko ay kung sa’n nagmula ang mga salitang iyon. Wala sa Biblia ang mga ito! Mayamaya’y dinownload ko ang video at pinanood pa ito nang maraming beses, at mas lalo ko itong nagugustuhan. Ang pagbabahagi ay lubos na nakaayon sa Biblia. Nalaman ko na ginawa ito ng Kidlat ng Silanganan, kaya patuloy akong naghanap ng mga pelikula nila at ‘di sinasadyang nakita ko ang pelikulang Nagbago ang Pangalan ng Diyos?! Naengganyo ako sa pamagat kaya dinownload at pinanood ko ito agad. Sabi rito, pag dumating ang Diyos sa mga huling araw, di na Siya tatawaging Jesus, magkakaro’n na Siya ng bagong pangalan. Gulat na gulat ako. Naisip ko, “Sinasabi sa Biblia na: ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman’ (Mga Hebreo 13:8). Bakit mababago ang pangalan ng Diyos? Sa mga nagdaang panahon, ang mananampalataya’y nagdarasal at kumikilos sa pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi kailanman nagbago ‘yan. Ba’t nasabi ng Kidlat ng Silangan na nagbago ang pangalan ng Diyos?”

Pagkatapos ay narinig ko ang pagbabahaging ito ni Sister Yang sa pelikula: “Sabi sa Biblia: ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman.’ Ang disposisyon ng Diyos at ang diwa Niya’y walang hanggan at hindi nagbabago. Di ibig sabihing ‘di na magbabago ang pangalan Niya.” Nagbasa rin siya ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagbabago. Ito ay tama, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nagbabagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling salita, ang Diyos ay palaging magiging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, magagawa ba Niyang akayin ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit nagawa na Niya ang gawain sa dalawang kapanahunan? … At dahil dito, ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi nagbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya. Anupaman, hindi mo maaaring ibatay ang anim na libong taong gawain sa iisang punto, o limitahan ito gamit ang mga patay na salita. Ganito ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasingpayak ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatagal sa isang kapanahunan lamang. Ang pangalang Jehova, halimbawa, ay hindi maaaring laging kumatawan sa pangalan ng Diyos; maaari ding gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa pangalan na Jesus. Isa itong tanda na ang gawain ng Diyos ay laging kumikilos nang pasulong(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Pagkatapos, sinabi ni Sister Yang: “Sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, gumagawa Siya ng iba’t-ibang gawain at nagtataglay ng iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan. Ngunit ang diwa ng Diyos ay hindi nagbabago. Ang Diyos ay laging Diyos. Ibig sabihin, ang pangalan man Niya’y Jehova o Jesus, pareho pa rin ang diwa Niya. Iyon pa rin ang Diyos na gumagawa. Hindi alam ng mga Fariseong Judio na magbabago ang pangalan Niya sa pagbabago ng gawain Niya sa iba’t ibang kapanahunan. Inisip nila na tanging si Jehova ang Diyos nila, ang kanilang Tagapagligtas. Kumapit sila sa maling paniniwala nila, na ‘Tanging si Jehova ang Diyos; wala nang ibang tagapagligtas kundi si Jehova.’ Kaya nang ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa pangalan ni Jesus, matindi nilang kinundena at nilabanan Siya at sa bandang huli ay ipinako pa Siya sa krus. Gumawa sila ng kasuklam-suklam na krimen at sila’y pinarusahan ng Diyos. Walang makakaarok ng karunungan ng Diyos, at walang makapaglilimita sa Kanya. Sa mga huling araw, kung itatatwa natin ang diwa ng Diyos o ang gawaing ginawa ng isang Diyos dahil binago Niya ang Kanyang gawain at pangalan, Kahibangan at kamangmangan ang tawag d’yan! Ang pangalang tinataglay Niya sa bawat kapanahunan ay may kahulugan at dakilang kaligtasan para sa tao.”

Sa bahaging ito ng pelikula, naunawaan ko na pwedeng magbago ang pangalan ng Diyos, at totoo rin na, “Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman.” tinutukoy sa Biblia, hindi nagbabago ang diwa’t disposisyon Niya, pero di ibig sabihing di magbabago ang pangalan at gawain Niya. Nagbabago ang pangalan ng Diyos tulad ng hinihingi ng gawain Niya. Ang pagkaunawa ko’y base sa literal na kahulugan ng nakatala sa Biblia, na di magbabago ang pangalan Niya—yun pala, haka-haka ko lang ‘yun! Iginiit ng mga Fariseo na si Jehova ang kanilang Diyos at ang pangalang ito’y hindi magbabago. Kaya naniwala sila na sinumang hindi tinawag na Mesias ay hindi Diyos nang dumating na ang Panginoong Jesus. Nilabanan nila at kinundena ang Panginoong Jesus, kaya tuluyan silang napagkaitan ng Kanyang pagliligtas. Dapat kong isantabi ang mga pananaw ko at makinig sa pagbabahagi sa pelikula para hindi ko masalungat ang Panginoon gaya ng mga Fariseo.

Pagkatapos ay may isa pang itinanong ang pangunahing tauhan: “Anong kahulugan ng bagong pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan?” Naisip ko, “Magandang tanong ‘yan, at hindi ko rin alam ang sagot. Nagbahagi lang sila na may kahalagahan ang bagong pangalan ng Diyos at ito’y kaligtasan ng sangkatauhan, kaya anong kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos?” Binasa ni Sister Feng ang ilan sa mga salita ng Diyos. “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. … Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang pamimitagan na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).

Pagkatapos, nagbahagi si Sister Feng, “Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Iyan ay kumatawan sa disposisyon ng kamahalan poot, pagsumpa’t awang ipinahayag Niya sa mga tao ng kapanahunang iyon. Sinimulan Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa pangalang Jehova. Nagbigay Siya ng mga batas at pinamunuan ang sangkatauhan sa kanilang buhay. Inutos Niyang mahigpit na sundin ang batas at matutong sambahin at dakilain Siya. Ang mga pagpapala ng Diyos ay darating sa sumusunod sa batas at ang mga lumabag sa batas ay babatuhin hanggang sa mamatay o susunugin ng apoy mula sa langit. Kaya sinunod ito ng mga Israelita at itinuring ang pangalan ni Jehova na sagrado at namuhay nang libu-libong taon sa paggabay ni Jehova. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao’y lalong naging tiwali’t makasalanan at ‘di masunod ang batas. Ang lahat ay laging nanganganib na maparusahan sa pagsuway dito Kaya ang Diyos ay sinimulan ang yugto ng gawain ng pagtubos taglay ang pangalang Jesus. Tinapos Niya’ng kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa kapanahunang ito, Ipinahayag ni Jesus ang mga disposisyon ng pagmamahal at awa. Pinagkalooban Niya ng biyaya ang tao, at sa huli’y ipinako sa krus upang tubusin ang tao mula kay Satanas. Matapos ‘yan, nagsimulang magdasal ang tao sa pangalan ni Jesus, upang sambahin ang pangalan Niya, at tamasahin ang kapatawaran at biyaya ng Diyos Makikita natin sa naunang dalawang yugto ng gawain Niya na ang pangalang tinataglay ng Diyos ay mahalaga. Kinakatawan ng mga ito ang gawain at disposisyong ipinapahayag Niya. Sa Kapanahunan ng Biyaya, kung ang Panginoon ay tinawag na Jehova nang dumating Siya, sa halip na Jesus, ang gawain ng Diyos ay nahinto na sana sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi sana nagtamo ng kaligtasan ang tiwaling sangkatauhan, kundi pagkundena at kaparusahan sa paglabag sa kautusan ang kanilang kinahantungan. Kung tinaglay pa rin Niya ang pangalan ni Jesus sa mga huling araw, ang tiwaling sangkatauha’y tatanggap lang ng kapatawaran sa kasalanan nila. Hindi sila kailanman nagtamo ng kadalisayan. Ito’y dahil napatawad ang mga kasalanan nila sa pagtubos ng Panginoong Jesus, ngunit nandun pa rin ang likas nilang kasamaan. Patuloy silang magkakasala at sasalungat sa Diyos at hindi ganap na natamo ng Diyos. Iyan ang dahilan kaya nagkatawang-tao muli ang Diyos sa mga huling araw, upang hatulan at linisin ang sangkatauhan sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus—upang ganap na mailigtas ang tao sa kasalanan. Sinimulan Niya’ng Kapanahunan ng Kaharian at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Sumulong ang gawain Niya’t nagbago ang kapanahunan. Ang gawain Niya ay iba na. Nagbago rin ang pangalan Niya alinsunod dito.”

Sa puntong ito, naisip ko, “May kahulugan ang pagkakaro’n ng Diyos ng mga bagong pangalan. Kumakatawan ito sa isang kapanahunan. Ang Jehova na ginamit ng Diyos sa kapanahunan ng Kautusan, ay kumatawan sa mga disposisyon ng Diyos sa kamahalan, poot, sumpa’t awa. Ang Jesus, na tinaglay Niya sa Kapanahunan ng Biyaya, ay kumatawan sa maawain at mapagmahal Niyang disposisyon, Sa mga huling araw, darating ang Diyos upang magdalisay at magligtas. Pag nagbabago ang gawain Niya, nagbabago ang mga pangalan Niya. Ang dami palang misteryong nakapaloob sa mga pangalan Niya.” Lalong tumindi ang interes ko, kaya patuloy kong pinanood ang video.

Matapos ‘yan, Ibinahagi ni Sister Feng na ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay Makapangyarihang Diyos at binanggit ang Pahayag 1:8: “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.” Sinasabi rin sa Pahayag 11:16–17: “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.” Marami pang propesiya sa Pahayag tulad ng 4:8, 16:7, at 19:6 na nagsasabing ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay “ang Makapangyarihan,” ang Makapangyarihang Diyos,

Pinasadahan ko ang Biblia ko para sa kumpirmasyon habang nakikinig, at nakita ko ngang naroon ang pangalang “Makapangyarihan”. Nagulat ako’t napaisip, “Ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay malinaw na binanggit noon pa man, sa Pahayag, araw-gabing pinuri ng apat na buhay na nilalang ang Diyos: ‘Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating(Pahayag 4:8). Pinupuri nila ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos! Ang pangalang ang ‘Makapangyarihan’ ay binanggit sa marami pang ibang dako. Ang pangalang ‘Makapangyarihang Diyos’ sa mga huling araw ay nakaayon sa mga propesiya sa Pahayag! Naniniwala ako sa Panginoon at marami nang nabasang Kasulatan—ba’t hindi ko napansin ang mga misteryong ito?”

Nanood pa ako at may narinig akong nagsabi nito: “Ang Diyos ay matalinong Diyos, at bawat ginagawa Niya ay may kahalagahan. Ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay kumakatawan sa Kanyang gawain at disposisyong ipinahahayag Niya sa mga huling araw. Kung hindi Niya personal na ihahayag ang mga misteryong ito, hindi natin ito mauunawaan ga’no man tayo magbasa ng Biblia.” Pagkatapos, binasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).

Nagbahagi siya, “Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian sa ilalim ng pangalang Makapangyarihang Diyos. Ipinahahayag Niya ang katotohanan upang ilantad ang likas na kasalanan at at hatulan ang ating pagsuway upang malaman natin ang likas nating katangian at diwa sa pamamagitan nito, alamin kung gaano tayo ginawang tiwali ni Satanas, unawain ang ugat ng ating katiwalian, at alamin ang matwid, hindi naagrabiyadong disposisyon ng Diyos. Itinuturo din Niya ang paraan para mabago ang mga disposisyon natin upang maiwaksi natin ang kasamaan, hanapin ang katotohanan, baguhin ang mga disposisyon natin at maligtas ng Diyos. Pumarito ang Diyos upang hatula’t dalisayin ang tao, ibukod ayon sa uri, gantimpalaan at parusahan, upang ganap na maligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan. at makumpleto ang 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos. Kaya nagpakita ang Diyos taglay ang matwid, makahari, mabangis Niyang disposisyon na hindi magpapalampas ng paglabag. Hayagan niyang ipinakita ang likas Niyang disposisyon, at kung anong mayroon Siya. Dumating Siya upang hatulan at kastiguhin ang katiwalian at pagiging di-matwid ng mga tao. upang iligtas tayo mula sa kasalanan at ipanumbalik ang orihinal na wangis ng tao. Gusto Niyang makita ng lahat na hindi lang Niya nilikha ang lahat kundi pinamamahalaan din Niya. Hindi lang Siya alay sa kasalanan, kaya Niya rin tayong gawing perpekto, at dalisayain. Siya ang Una, at Siya rin ang Huli. Walang makakaarok ng pagiging kamangha-mangha Niya. Kaya ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay pinakaakma sa mga huling araw. Sinumang nagdarasal sa pangalang ito’t nagbabasa ng mga salita Niya’y maaring makamit ang patnubay ng Banal na Espiritu, at matamasa ang mayamang kabuhayan ng Diyos. Ang relihiyosong mundo ay nakararanas ngayon ng kapanglawan. Ang pananampalataya ng tao’y nanlalamig, sila’y mahina at nagnanasa ng sekyular na bagay, ang mga mangangaral ay nauubos, at ang mga tao’y hindi na naaantig sa panalangin. Parami nang parami ang mga nagpapatangay sa mga makamundong tukso. Hindi sila makasabay sa Cordero at walang panustos ng tubig na buhay. Nasasadlak sila sa kadiliman at naliligaw.”

Ang makita ito’y kapana-panabik sa akin—Ang mga salita Niya ay totoong may awtoridad, lalo na ito: “Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita.” Ang mga salitang ito’y puno ng kamahalan at katuwiran. Walang sinuman maliban sa Diyos ang makapagsalita ng puno ng awtoridad at kamahalan. Ito ay tinig ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay totoong nagbalik na! Naglingkod ako nang lubos at bumisita sa mga bahay para makinig ang mga mananampalataya at dumalo sa pagtitipon. Nag-ayuno’t nagdasal pa ko nang ilang beses pero hindi na napasiglang muli ang simbahan. Nanamlay rin ang pananampalataya ko, hindi ko madama ang Panginoon Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain upang hatulan at dalisayin ang sangkatauhan sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Tayo’y hindi tumutugon sa bagong gawain ng Diyos. Wala tayong natanggap na panustos ng mga salita Niya o gabay ng Espiritu. Nasadlak tayo sa kadiliman. Kapag tinatanggap natin ang pagliligtas Niya sa mga huling araw nagdarasal sa pangalan Niya at nagbabasa ng mga salita Niya matatamo natin ang gabay ng Banal na Espiritu.

Nagbasa pa sila ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, dapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Kaya mas naunawaan ko na si Jehova, si Jesus, at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. ngunit lagi Siyang gumagawa base sa pangangailangan ng tao. Ang Diyos lang ang makakapaghayag ng mga misteryong ito Ang pagtanggap sa pangalan Niya’y di pagkakanulo sa Panginoong Jesus, at sa puso ko, alam kong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang pagtanggap sa pangalan Niya’y hindi pagkakanulo sa Panginoong Jesus, ito’y pagsunod sa mga yapak ng Cordero. Tulad ng sinasabi sa Pahayag: “Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon(Pahayag 14:4).

Nakipag-ugnayan ako sa mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagtitipong kasama nila, naunawaan ko ang ilang katotohanan at marami ring nalutas na mga palaisipan ko noon. Nakatanggap ako ng mga espirituwal na panustos. Ramdam kong ako’y nadala na sa harap ng trono at nakadalo sa piging ng Cordero. Salamat sa Makapangyarihang Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Daan Tungo sa Pagdadalisay

Ni Allie, Estados Unidos No’ng 1990, bininyagan ako, sa ngalan ng Panginoong Jesus. At no’ng taong 1998, naglingkod na ako sa simbahan....

Ito ang Tinig ng Diyos

Ipinanganak ako sa isang pamilyang Kristiyano at, noong bata pa ako, sumasama ako sa aking mga magulang sa mga pagsamba. Pinanatili ko pa...