Ang mga Paghihirap na Kinaharap ng Isang Mananampalataya sa Kanyang Katandaan
Noong taglagas ng 2007, tinanggap namin ng asawa ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Binabasa namin ang mga salita ng Diyos araw-araw, nagtitipon at ginagawa ang aming mga tungkulin kasama ang mga kapatid, tinatamasa ang masaganang buhay. Lubos kaming nagpapasalamat sa Diyos. Nung una, sinusuportahan ng aming anak na lalaki at ng kanyang asawa ang pananampalataya namin. Pero ang isang magandang bagay ay hindi nagtatagal. Nung sumunod na taon, nakita ng aming manugang ang ilang pekeng balita ng Partido Komunista sa TV na gumagawa-gawa ng mga paratang laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at napaniwala siya. Sabi niya, lumalaban kami sa Partido at nagsimula siyang kontrahin kami. Kapag dumarating ang mga kapatid para sa mga pagtitipon, nakaismid ang mukha niya at tumatangging papasukin sila, at minsan ay gumagawa pa ng eksena sa amin.
At isang beses, sinubukan niya kaming pilitin na isuko ang pananampalataya namin, sinasabing kapag natuklasan ng CCP ang isang mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, tatlong henerasyon ng pamilya nito ang masisira. Hindi makakapag-aral sa kolehiyo, makakasali sa hukbo, makakapasok sa Partido, o magiging isang opisyal ang mga anak at apo nila. Mahihirapan silang makahanap ng trabaho o mapapangasawa. Nagalit ako pagkatapos niyang sabihin ‘yon. Sinabi ko sa kanya, “Ang kapalaran ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos lahat. Hindi ang Partido Komunista ang may huling kapasyahan.” Nagagalit niyang sinabi, “Nasa kapangyarihan ang Partido ngayon. Kung sasabihin nilang hindi ka makakapag-kolehiyo, hindi ka makakapag-kolehiyo. Kung hindi ka nila papayagan na magtrabaho, hindi mo magagawa. Maaapektuhan ng pananampalataya mo ang kinabukasan ng mga apo mo!” Tapos ay galit siyang umalis. Hindi makapunta sa bahay namin ang mga kapatid para sa mga pagtitipon dahil sa kanyang pagtutol, kaya hindi kami namuhay ng buhay-iglesia sa loob ng anim na buwan. Nung una kaming naging mananampalataya, napansin ng aming manugang na mas masigla kami at bumuti nang husto ang kalusugan namin, at sumusuporta talaga siya. Pero mula nang mapaniwala siya ng mga kasinungalingan ng Partido Komunista, naging parang kaaway namin siya, pinapagalitan kami buong araw, sinasabihan kaming talikdan na namin ang aming pananampalataya. Pinagtawanan din kami ng ibang mga taganayon. Medyo nanghina ako, para bang napakahirap na manalig sa Diyos, kaya nagdasal ako kaagad. Naisip ko kung paanong nung parehong beses na nagkatawang-tao ang Diyos at pumarito sa lupa upang iligtas ang sangkatauhan, itinaboy at siniraan Siya ng sangkatauhan. Ang Diyos ay kataas-taasan at dakila, pero tiniis Niya ang kahihiyan at paghihirap na ‘to para lamang iligtas ang sangkatauhan. At bilang isang tiwaling tao, nananalig ako sa Diyos para ako’y maligtas, pero dahil lamang sa panghahamak at panghihiya ng aking manugang, at pangungutya at paninira ng mga kapitbahay, naging negatibo at nagreklamo ako. Lubos akong di-makatwiran. Ang paghihirap na iyon ang kailangan kong tiisin sa aking pananampalataya at paghahangad sa katotohanan, kaya kailangan ko ang kapasyahan na umasa sa Diyos at mabilis na sumulong. Dahil hindi kami makagawa ng asawa ko ng tungkulin sa bahay, maaari kaming lumabas para magbahagi ng ebanghelyo. Iyon ay isa pang tungkulin na dapat naming gawin! Kalaunan, lumabas kami para magtrabaho kasama ng ilang kapatid at hindi nagtagal ay nakapagdala kami ng mahigit sampung kaibigan at kamag-anak sa harap ng Diyos. Pagkatapos nun, lalo kaming naging masigasig sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.
Noong Disyembre 2012, isinumbong ako ng isang relihiyosong tao dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at dinala ako ng mga pulis sa isang detention center nang ilang oras. Pinakawalan lang nila ako dahil sa katandaan ko, at dahil wala talaga silang makuha sa akin. Pagbalik sa nayon, nakita ako ng sekretarya ng sangay ng brigada at nanunuya niyang sinabi, “Akala ko’y makukulong ka nang tatlo o apat na taon. Ang bilis mong nakalabas! Ano bang ginagawa mo’t sumusunod ka sa Makapangyarihang Diyos sa edad mong ‘yan?” Hindi ako pinansin ng mga tao sa nayon nang makita nila ako, tapos ay tumawa sila at hinusgahan ako nang patalikod. Lantaran akong kinutya ng pinsan ko: “Nabaliw na siya sa pananampalataya! Kung kukunin ng Partido ang lupain niya at wala siyang anumang makakaing pananim, tingnan natin kung mananatili siyang mananampalataya!” Galit na galit ako. Ang pananampalataya natin ang tamang landas, pero inaaresto at inuusig tayo ng Partido Komunista, at kinukutya at hinahamak tayo ng ating mga kamag-anak at kapitbahay. Masakit talaga iyon. Naisip ko ang isang bagay na sinabi ng Diyos: “Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: ‘Sapagka’t ang aming magaang na kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng mas higit at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian.’ Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan nito. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kabuluhan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at matutupad doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito nakahimlay na nakapulupot. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at kaaway ng Diyos, kaya nga, sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-aapi, at natutupad ang mga salitang ito sa inyo, ang grupong ito ng mga tao, dahil dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Tama ‘yan! Sa pananalig sa Diyos at pagtahak sa tamang landas sa buhay sa China, sa bansang ito na hindi naniniwala sa Diyos, siguradong ipapahiya at aapihin tayo. Pero ang pagdurusang ‘to ay pansamantala, at ito’y alang-alang sa pagsunod sa Diyos at para maligtas, na isang marangal na bagay. Ang pagdurusang ito ay may halaga at kahulugan. Gumaan ang pakiramdam ko nang maunawaan ko ito, at hindi ko na gaanong naramdaman na napipigilan ako.
Sa bandang dulo ng buwang iyon, umuwi ang anak ko at ang kanyang asawa mula sa labas ng bayan para sa Bagong Taon. Pagkabalik na pagkabalik ng aming manugang, sinita niya kami ng asawa ko, “Sinabi na namin sa inyo na huwag manalig sa Diyos, pero hindi kayo nakikinig. Ipinipilit niyo ito! Kung iyan ang gagawin niyo, huwag niyo kaming idamay diyan. Kung isusuko niyo ang inyong pananampalataya, pwede kayong patuloy na tumira dito, pero kung ipipilit niyo ito, kailangan kayong umalis. Tuluyan na tayong maghiwalay, at walang hahadlang sa sinuman.” Habang sinasabi ito, sinampal niya sa mukha ang asawa ko sa matinding galit. Nagmadali akong humarang at sinabing, “Paano mo nagawang pagbuhatan siya ng kamay?” Sumagot siya, “Paglaban sa Partido ang pananampalataya ninyo sa Makapangyarihang Diyos, at ngayon ay nasangkot na ang buong pamilya natin.” Sabi ko, “Sa pananampalataya namin, nagtitipon at nagbabasa lang kami ng mga salita ng Diyos. Inaaresto at inuusig ng Partido ang mga mananampalataya at idinadawit pa ang mga miyembro ng pamilya namin. Ang Partido Komunista ang masama! Pero sa halip na kamuhian mo ang Partido, inuusig mo kami. Binabaliktad mo ang katotohanan, nalilito sa kung alin ang tama at mali!” Wala na siyang ibang sinabi pagkatapos nun. Nakatayo siya sa gilid, hinahayaan lang na tratuhin kami nang ganoon ng asawa niya, papalayasin na kaming dalawang matanda sa bahay. Lubos akong nadismaya at tumutulo ang mga luha sa mukha ko. Chinese New Year noon, ang iba ay may mga anak na masayang umuwi, muling nagsama-sama, pero gusto kaming paalisin ng manugang namin. Saan kami pupunta? Nakakalungkot din na makitang paulit-ulit na nagpupunas ng luha ang asawa ko. Lampas na kami sa 60 at hindi na tulad ng dati ang kalusugan namin. Kung magkakasakit kami at walang mga anak na mag-aalaga sa amin, anong gagawin namin? Kung mananatili kami sa bahay, magiging komportable ang katawan namin, pero hindi namin maisasagawa ang aming pananampalataya. Nagtalo talaga ang loob ko, at paulit-ulit akong tumawag sa Diyos, humihingi ng Kanyang patnubay. Naisip ko nung dumaan si Job sa pagsubok. Nawala sa kanya ang lahat ng kanyang anak at ari-arian ng pamilya, at nagkaroon ng pigsa ang buong katawan niya, pero hindi kailanman sinisi o itinatwa ni Job ang Diyos, at pinuri pa nga niya ang pangalan ng Diyos. May tunay na pananampalataya sa Diyos si Job, at nanindigan siya sa pagpapatotoo para sa Diyos, na nagkamit ng papuri ng Diyos. Sa puntong iyon, kailangan ko ring mamili: ang magtamasa ng maginhawang buhay at sumunod kay Satanas, o ang magdusa at sumunod sa Diyos. Binabantayan ng Diyos ang iniisip ko. Nang maisip ko ito, nagkaroon ako ng determinasyon na kahit anong hirap o pang-aapi ang kaharapin ko, susunod ako sa Diyos, maninindigan sa pagpapatotoo at ipapahiya si Satanas!
Naalala ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat kang magdusa ng paghihirap alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay-pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka ng gayong mahalay na buhay, at walang hinahangad na anumang mga layunin, hindi ba’t sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nakita ko Na ang pagkamit ng katotohanan sa pananampalataya ay nangangailangan ng pagdurusa at pagsasakripisyo. Ang pagtalikod sa tahanan ko at mga kaginhawahan ng laman para hanapin ang katotohanan Ay may halaga at kabuluhan. Isa pa, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ang nag-iisa nating pagkakataon na mailigtas at maperpekto ng Diyos. Ang mawalan ng pagkakataon na mahanap at makamit ang katotohanan para lang matamasa ang kaginhawahan ng laman, at sa huli ay hindi mailigtas ng Diyos, ay talagang isang kahangalan! Matagal ko nang gustong tamasahin ang isang payapang buhay-tahanan kung saan iginagalang ang mga magulang. Nag-aalala ako na walang mag-aalaga sa akin sa katandaan ko, at hindi ako makakaraos. Wala akong pananalig sa Diyos o lakas ng loob na makayanan ang pagdurusa. Napakababa ng tayog ko. May pananalig si Job sa Diyos at nanindigan sa kanyang patotoo, na isang maluwalhating bagay! Gusto kong maging katulad ni Job, na makayang magdusa para makamit ang katotohanan—ang pagdurusang ‘yon ay sulit!
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na mas maunawaan ang kalooban ng Diyos. “Ano ang tinutukoy ng salitang ‘pananampalataya’? Ang pananampalataya ay ang tunay na paniniwala at tapat na pusong dapat taglayin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahahawakan ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, kapag hindi ito kayang abutin ng tao. Ito ang pananampalatayang binabanggit Ko. Kailangang manampalataya ang mga tao sa mga panahon ng paghihirap at pagpipino, at ang pananampalataya ay isang bagay na sinusundan ng pagpipino; hindi mapaghihiwalay ang pagpipino at pananampalataya. Paano man gumawa ang Diyos, at anuman ang iyong sitwasyon, nagagawa mong hangarin ang buhay at hanapin ang katotohanan, at hangaring malaman ang tungkol sa gawain ng Diyos, at magkaroon ng pag-unawa sa Kanyang mga kilos, at nagagawa mong kumilos alinsunod sa katotohanan. Ang paggawa nito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya, at ang paggawa nito ay nagpapakita na hindi ka nawalan ng pananampalataya sa Diyos. Magkakaroon ka lamang ng tunay na pananampalataya sa Diyos kung nagagawa mong piliting hangarin ang katotohanan sa panahon ng pagpipino, kung nagagawa mong tunay na mahalin ang Diyos at hindi ka nagkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa Kanya, kung isinasagawa mo pa rin ang katotohanan anuman ang gawin Niya upang mapalugod Siya, at kung nagagawa mong hangarin nang taos-puso ang Kanyang kalooban at isaalang-alang ang Kanyang kalooban” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Kapag nahaharap tayo sa mga problema at pagsubok, at hindi natin alam kung ano ang gagawin, kailangan nating magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, manalig sa Kanyang makapangyarihang pamamahala, at magpasakop sa Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos. Iyon lang ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Tulad ni Job, na umasa sa kanyang pananampalataya para mapanindigan niya ang patotoo niya para sa Diyos, pinapahiya si Satanas at inaaliw ang Diyos. Habang mas iniisip ko ito, lalo akong nabibigyang-sigla. Kahit pa iwanan ako ng mga anak ko, kahit pa wala na akong magagawa, susunod pa rin ako sa Diyos! Inalo ko ang asawa ko, “Nagdurusa at inaapi tayo dahil sa pananalig sa Diyos—sulit ito! Kahit pa kailanganin nating mamalimos ng makakain, kailangan nating piliin ang Diyos!” Pinunasan niya ang mga luha niya at sinabing, “Sige, umalis na tayo sa bahay na ‘to!”
Nakahanap kami ng isang lumang abandonadong bahay at lumipat doon. Tumira kami roon nang walong taon. Sa mga taong iyon, kahit na naninirahan kami sa mga barungbarong at medyo hindi komportable ang katawan namin, dahil wala ang mga paghadlang at paggambala ng aming manugang, nakakapagtipon at nakakabasa kami nang normal sa mga salita ng Diyos, naibabahagi namin ang ebanghelyo at nagagawa ang aming tungkulin. Natutuhan namin ang ilang katotohanan, at nakaramdam kami ng labis na kapayapaan at kagalakan. Minsan kapag nahihirapan kami sa buhay, masigasig na tumutulong ang mga kapatid. Kapag nagiging mahina at negatibo kami, naroroon sila para magbigay sa amin ng suporta. Alam namin na ito ay ganap na pagmamahal ng Diyos, at taos-puso kaming nagpasalamat sa Kanya! Pero makalipas ang walong taon, muli kaming nagkaproblema.
Nakatira kami sa isang sirang bahay, kaya noong Nobyembre 2020, gusto itong sirain ng environmental bureau. Binigyan nila kami ng tatlong araw para umalis. Nabalisa ako agad. Saan kami pupunta? Hindi kami pwedeng bumalik sa bahay, at malapit na ang Chinese New Year, kaya makakaistorbo lang kami sa bahay ng iba. Wala kaming matitirhan. Sensitibo sa lamig at hangin ang asawa ko at madalas na sumasakit ang dibdib. Pa’no namin kakayanin nang walang matitirhan? Sa sobra kong pag-aalala napaiyak ako kasama niya. Nang makitang wala kaming matutuluyan, pinagtawanan kami ng mga taganayon: “‘Yan ang nangyayari sa inyong mga mananampalataya! Nilabanan ninyo ang Partido, ngayon wala man lang kayong matutuluyan. Iyan ang napapala ninyo!” Nahaharap sa mga pangungutya at pamamahiya ng mga hindi mananampalatayang iyon, lalo ko pang nakita ang kasamaan ng Partido Komunista! Inimbento nito ang mga kasinungalingang iyon, nililinlang ang mga karaniwang tao para kontrahin ang Diyos kasama nito. Lubusan ko itong kinasusuklaman. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Napakahirap para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon—ngunit sa pamamagitan ng paghihirap na ito ginagawa ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, na nagpapamalas ng Kanyang karunungan at kamangha-manghang mga gawa, at ginagamit ang pagkakataong ito upang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagdurusa ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, at sa pamamagitan ng lahat ng satanikong disposisyon ng mga tao ng maruming lupaing ito ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig, upang, mula rito, magkamit Siya ng kaluwalhatian, at makamit Niya yaong mga magpapatotoo sa Kanyang mga gawa. Ganyan ang buong kabuluhan ng lahat ng sakripisyong ginawa ng Diyos para sa grupong ito ng mga tao. Ibig sabihin, ginagawa ng Diyos ang gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng mga kumokontra sa Kanya, at sa gayon lamang maipamamalas ang malaking kapangyarihan ng Diyos. Sa madaling salita, yaon lamang mga nasa maruming lupain ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang magpapabukod-tangi sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sa maruming lupain, at sa mga yaon na naninirahan doon, nakakamit ang kaluwalhatian ng Diyos. Ganyan ang kalooban ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, nakita ko na hinahayaan ng Diyos na mangyari sa atin ang pang-aapi at ang mga paghihirap na ito para gawing perpekto ang ating pananampalataya at pagmamahal, at para malinaw nating makita ang masama at laban sa Diyos na diwa ng Partido Komunista, at pagkatapos ay talikdan at tanggihan ito mula sa puso, at maging handang sumandal sa Diyos para malampasan ang sitwasyong iyon.
Sa sandaling iyon, naisip kong pumunta sa bahay ng anak kong babae, kaya tinawagan ko siya, at nagulat ako nang malamig niyang sinabing, “May anak kang lalaki. Hindi ko oras para alagaan ka!” Naisip ko na ang anak kong lalaki at ang kanyang asawa ay madalas na nasa labas ng bayan para sa trabaho, at walang tao sa bahay, kaya pwede namin silang tulungan na bantayan ang bahay. Tinawagan ko sila at sinabing pwede kaming bumalik at tulungan sila sa gawaing bahay. Pero sinong mag-aakala, malupit na sinabi ng manugang ko, “Hindi ko ibibigay sa inyo ang mga susi namin sa bahay maliban kung sasabihin ninyong hindi na kayo mananampalataya. Kung hindi, hindi kayo makakauwi!” Parang katulad lang ‘yon ng pagpilit ng Partido Komunista sa mga kapatid na pirmahan ang “Tatlong Liham.” Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Mukhang ang manugang ko ang nang-aapi sa amin, ang nagsasabi sa aming ipagkanulo ang Diyos, pero ang totoo, ito’y pagsubok ni Satanas, at hindi kami pwedeng mahulog sa panlalansi nito! May isa pang sumagi sa isip ko na mula sa Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Salamat sa kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay magkaibang uri ng tao. Hindi mananampalataya ang mga anak ko, kaya’t nagtatrabaho sila para sa kayamanan at mga karera nila, para magkaroon ng mabubuting pagkakataon at magandang buhay. Nasa landas sila ng hindi mananampalataya, ng pagtataguyod ng mga pisikal na kaginhawahan. Kami ay mananampalataya, kaya’t hinahangad namin ang katotohanan at buhay, at nasa landas kami ng kaligtasan. Magkaiba kami ng landas at magkakaroon kami ng magkaibang resulta. Tanging ang mga may pananampalataya at nagpapasakop sa Diyos ang magkakaroon ng magandang kalalabasan at hantungan. Walang pananampalataya ang mga anak ko at lumalaban pa nga sa Diyos, kaya sa huli ay parurusahan sila ng Diyos! Ang Diyos ang namamahala sa kapalaran at kahihinatnan ng mga tao. Ang mga anak ko ay hindi man lang ang mga namamahala sa sarili nila, pero palagi kong ginustong umasa sa kanila. Hindi ba’t kahangalan iyon? Kaya pagkatapos, sinabi ko sa kanilang dalawa nang mahigpit at makatarungan, “Lubos na akong desidido sa landas na ito ng pananampalataya. Mas pipiliin ko pang mamalimos ng pagkain at gumala sa lansangan. Susunod pa rin ako sa Diyos hanggang sa huli!” Nung sandaling handa na kaming magpasakop at sumailalim sa anumang isinaayos ng Diyos para sa amin, sa hindi inaasahan, tumawag ang anak kong babae at sinabing pwede kaming makitira sa kanya. Alam kong ito ay pagbubukas ng Diyos ng isang labasan para sa amin, at paulit-ulit akong nagpasalamat sa Kanya!
Sa bahay ng anak kong babae, kadalasan ay gumagawa kami ng gawaing bahay, tapos ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos at pumupunta sa mga pagtitipon sa aming libreng oras. Pero hindi naman namin planong manatili roon nang matagal. Nakahanap kami ng asawa ko ng isang bakanteng lupa, nagtayo kami ng dalawang simpleng istraktura mula sa mahigit 5,000 yuan na benta ng trigo na mayroon kami, at umalis na kami sa bahay ng aking anak na babae. Hindi na kami napigilan ng mga anak namin mula noon. Normal na kaming nakakakain at nakakainom ng mga salita ng Diyos, nakakapagtipon, at nakagagawa ng tungkulin. Napakalaya at panatag ng pakiramdam ko.
Bagamat nagtiis kami ng ilang pisikal na pagdurusa sa karanasang iyon, nagkaroon kami ng pagkakilala sa masama at laban sa Diyos na diwa ng Partido Komunista, at nakita rin namin ang laban sa Diyos na diwa ng mga anak namin. Ang Diyos lang ang maaasahan natin, ang ating tanging kaligtasan. Nagpapasalamat ako sa patnubay ng mga salita ng Diyos, na nagbigay-daan sa akin na makapagpasya nang tama sa kabila ng mahihirap na sitwasyon.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.