Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Tayog
Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: “Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkuling ito. Nagigipit ako ng napakaraming bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod….” Sa panahong iyon, nagdala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya nakipag-usap ako sa kanya: “Lahat ng gawain ay ginagampanan ng Diyos; ang tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging pagkabalisa, ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos.” Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang nakapagpapalinaw. Kinilala rin ng kapatid na babaeng iyon na siya ay nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang puso, at ginawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos, at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtaglay ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.
Pagkalipas ng dalawang buwan, muling inilagay ako ng iglesia upang magtipon ng ilang dokumento. Noong una akong naging kasali sa gawaing ito, dahil hindi ko naintindihan ang mga may kaugnayang prinsipyo, wala akong magagawa kundi mahulog sa isang kalagayan ng pagiging negatibo at salungatan kapag naharap sa lahat ng dokumento na kailangang tipunin. Wala akong naintindihang anumang bagay, gayunman ay hindi ko lang kailangang tuparin ang tungkuling ito kundi itinalaga pa sa paghahanap ng mga kakulangan sa mga dokumento. Sobra ang hiniling sa akin nito! Nakaramdam lamang ako ng sobrang kagipitan at hindi na kayang huminahon, at hindi ko rin alam kung paano umasa sa Diyos. Ako ay sobrang balisa na hindi ako makakatulog nang tatlong magkakasunod na araw at gabi. Sobra akong nataranta sa aking sitwasyon. Nang tulungan ko ang bagong pinuno ng iglesia na iyon na lutasin ang kanyang problema, naramdaman ko na lubos kong naunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Ngunit paanong nang dumaan ako sa gayong problema ngayon, hindi ko alam kung paano harapin ang gayong karanasan? Lumapit ako sa Diyos na dinadala ang aking pagkalito at pagkatuliro.
Nang maglaon, nakita ko ang mga salita ng Diyos sa “Gawain at Pagpasok (2)”: “Kapag gumagawa at nagsasalita ang tao, o kapag nagdarasal sila at gumagawa ng kanilang mga espirituwal na debosyon, biglang lumilinaw sa kanila ang isang katotohanan. Gayunman, ang totoo ay nakikita lamang ng tao ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu (natural, ang kaliwanagang ito ay konektado sa pakikipagtulungan ng tao) at hindi kumakatawan sa tunay na tayog ng tao. Pagkaraan ng isang panahon ng karanasan kung saan nakakaharap ng tao ang ilang paghihirap at pagsubok, ang tunay na tayog ng tao ay lumilitaw sa ilalim ng gayong mga pangyayari. … Pagkaraan lamang ng ilang ulit na mga karanasang katulad nito matatanto ng marami sa mga napukaw sa loob ng kanilang espiritu na ang kanilang naranasan noong araw ay hindi ang sarili nilang indibiduwal na realidad, kundi isang panandaliang pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at na natanggap lamang ng tao ang liwanag na ito. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, kadalasa’y sa malinaw at kaibang paraan, nang hindi ipinaliliwanag kung paano nangyari ang mga bagay-bagay o kung saan patungo ang mga ito. Ibig sabihin, sa halip na isama ang mga paghihirap ng tao sa paghahayag na ito, tuwiran Niyang inihahayag ang katotohanan. Kapag naharap ang tao sa mga paghihirap sa proseso ng pagpasok, at pagkatapos ay isinasama niya ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu, nagiging aktwal na karanasan ito ng tao” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang pinag-iisipan ko ang siping ito, naunawaan ko: Ang katotohanang naunawaan ko nang tulungan ko ang kapatid na babae na malutas ang kanyang problema ay nagmula sa pagpapalinaw ng Diyos. Dahil sa kooperasyon ko noong panahong iyon kaya tinanggap ko ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Ngunit hindi ito ang aking tunay na katayuan at hindi rin nagpakita na natanggap ko na ang aspeto ng katotohanan. Niliwanagan ako ng Banal na Espiritu upang maunawaan ang katotohanan noong panahong iyon dahil kinailangan ito sa aking gawain, at sa pamamagitan ng aking kooperasyon ay tinulungan Niya ako upang malutas ang mga problema at kahirapan sa aking gawain. Ngunit bago ako nagkaroon ng tunay na karanasan tungkol dito, ang aking katayuan ay ganito lamang kaliit. Kaya nang nakakatagpo ako ng mga paghihirap sa pagpasok, sa pamamagitan lamang ng paglakip ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu na ang katotohan ay magiging karanasan sa buhay ko.
Sa ilalim ng kaliwanagan at patnubay ng salita ng Diyos, pinakalma ko ang aking puso upang tumingin at umasa sa Diyos, at sa pamamagitan ng maingat na pagkukumpara at pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo ng may kinalaman sa pagtitipon ng mga dokumento, tinanggap ko nang hindi namamalayan ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos, na nagpapahintulot sa akin upang unti-unti kong makita ang mga suliranin sa mga dokumento, at makakuha ng higit na kalinawan sa aking pag-iisip habang binabago ko ang mga dokumento. Nagawa ko ring unti-unting lumabas mula sa aking pagiging negatibo at maling pagkaunawa.
Salamat sa Diyos. Sa pamamagitan ng karanasang ito ay nakita ko ang aking totoong katayuan nang malinaw, itinutuwid ang mga paglihis sa aking pag-unawa. Ito ang nagpakita sa akin na ang aking pagkaunawa sa katotohanan na niliwanagan ng Banal na Espiritu ay hindi nangahulugan na nagtaglay ako ng realidad ng aspetong ito ng katotohanan. Mula ngayon, higit kong handang dalhin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa totoong buhay upang maisagawa at makapasok, upang ang mga katotohanang ito ay tunay na magiging katotohanan ng aking buhay.