Paglusot sa Mahigpit na Pagkakubkob ni Satanas (Unang Bahagi)

Mayo 8, 2018

Ni Zhao Gang, Tsina

Sobrang lamig nitong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglalakad sa labas ang sobrang nilalamig kaya isinusuksok nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglalakad, ang mga katawan ay nakahukot. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid na lalaki at babae ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kama. Ang bawa’t isa ay may kopya ng Bibliya sa kanilang tabi at sa kanilang mga kamay ay hawak ng bawa’t isa ang isang kopya ng aklat ng mga salita ng Diyos, Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos. Dalawang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagbabahagi tungkol sa katotohanan hinggil sa tatlong yugto ng gawain. Ang dalawang kapatid ay nagguguhit ng mga larawan ng tatlong yugto ng gawain habang sila’y nagbabahagi: “Ang gawain ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay maaaring hatiin sa tatlong yugto. Mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya at pagkatapos ay hanggang sa Kapanahunan ng Kaharian, ang bawa’t yugto ng gawain ay mas mataas at higit na malalim kaysa nakaraang yugto. Ang gawaing ginagawa sa mga huling araw ay ang huling yugto ng gawain, kung saan nagpapahayag ang Diyos ng mga salita upang hatulan at linisin ang tao….” Tumatango kami habang nakikinig, at ang aming mga puso ay punô ng liwanag: Sino ang makakaisip na ang planong pamamahala ng Diyos para sa pagliligtas ng sangkatauhan ay magkakaroon ng napakaraming hiwaga! Bukod sa Diyos Mismo, sino pa ang malinaw na makapagsasalita tungkol sa mga hiwaga nitong tatlong yugto ng gawain ng Diyos nang napakalinaw? Tunay nga na ito ay gawain ng Diyos! Kami ay nagsalamuha hanggang sa gabi ng sumunod na araw, at ang buong grupo namin ay nagpahayag ng kahandaan na hanapin at suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Pagkatapos, ang dalawang kapatid ay nagbahagi ukol sa katotohanan tungkol sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang iba pa sa amin ay matamang nakikinig nang, walang anu-ano, biglang dumating ang pinuno ng aming simbahan na si Wang Ping. Pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay, itinuro niya ang dalawang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at tinanong ako: “Ano ang ginagawa ng dalawang ito?” Ako’y deretsahang nagsalita: “Sila ay sina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu—” Nguni’t bago pa ako matapos magsalita sinabi niya sa yamot na tono: “Sino sina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu? Nakikita ko na sila’y mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan, sila’y mga magnanakaw ng tupa….” Pagkatapos magsalita ni Wang Ping, lahat kami’y nangakaupo roong gulát na gulát. Naisip ko sa aking sarili: “Halos palaging nagsasalita si Kapatid na Wang Ping tungkol sa pagmamahal sa ating kapwa katulad ng pagmamahal sa ating mga sarili at tungkol sa pagmamahal sa ating mga kaaway; bakit ngayon siya ay pumunta ritong nagsasalita ng gayong hindi-makatwirang mga bagay? Bakit niya hinahatulan at kinukondena ang dalawang kapatid na ito?” Iniisip ko ito nang narinig ko si Kapatid Zhang na mahinahong nagsasabi kay Wang Ping: “Kapatid, walang mga natatagong layunin sa pagpunta namin dito ngayon. Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na. Nais lang naming ibahagi ang ebanghelyo ng mga huling araw ng Diyos sa iyo—” Sumabat si Wang Ping kay Kapatid na Zhang at sumigaw: “Nagbalik na ang Panginoon? Kahit na ang ilan sa amin na naglilingkod bilang mga pinuno ay hindi nakakaalam ng anuman tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya paano mo malalaman ang anuman tungkol dito? Iyan ay imposible! Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan: datapuwa’t hindi sila dininig ng mga tupa(Juan 10:8). Kayong dalawa ay kailangan nang umalis ngayon mismo at huwag nang bumalik dito kahit kailan.” Nang ito ay narinig kong sinabi ni Wang Ping, nakaramdam ako ng pagkasuklam sa aking kalooban: Ang kanyang mga pangangaral ay kadalasang palaging napakamakatwiran at may mabuting paliwanag; paano siya naging walang-kaawa-awa sa isang iglap? Kaya tinanong ko si Wang Ping: “Kapatid na Wang, gabi na. Saan mo sila gustong pumunta? Itinuturo sa atin ng Panginoon na dapat nating ibigin ang ating mga kaaway, huwag nang banggitin pa ang tungkol sa dalawang kapatid na ito na naniniwala sa Diyos. Kung ganito ang pakikitungo natin sa dalawang ito, para tayong mga hindi naniniwala sa Panginoon—” Nguni’t bago ko pa man lamang matapos ang aking sinasabi, nababahalang hinila ni Wang Ping ang kamay ng asawa ng aking bayaw at sinabi sa kanya at sa kanyang asawa: “Kung ayaw ni Zhao Gang na umalis ang dalawang babaing ito, tayo na lang ang umalis. Huwag na kayong makinig sa kanila!” Pagkatapos ay galit niyang hinila ang dalawang ito at umalis.

Matapos silang umalis, bumaling si Kapatid na Mu sa amin at nagtanong: “Mga kapatid, ano ang pakiramdam ninyong lahat sa eksenang ating nakita? Sama-sama nating talakayin ito.” Bumaling ang lahat ng mga kapatid sa akin, wala ni isa mang nagsasalita. Tahasan kong sinabi, “Kapatid, sa ating pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos nitong nakaraang dalawang araw, at sa pakikinig sa inyong pagbabahagi, matibay ang aking paniniwala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nguni’t, ang mga bagay na sinabi ni Wang Ping ay hindi walang dahilan. Kung tutuusin, siya ang ating pinuno at siya ay nananampalataya na sa Diyos sa loob ng mahabang panahon. Siya ay bihasa sa Biblia at laging abálá at ginugugol ang kanyang sarili para sa Panginoon. Kung nagbalik na ang Panginoon, siya ang nararapat na unang makaalam.” Magiliw na sumagot si Kapatid na Zhang, nagsasabing, “Naniniwala ang mga tao na ang pagbabalik ng Diyos ay dapat na maihayag muna sa mga pinuno na sila namang magsasabi sa mga mananampalataya, nguni’t mayroon nga bang anumang batayan sa mga salita ng Panginoon para sa ganitong uri ng kaisipan? Ito ba ay umaayon sa katotohanan at sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Malinaw na sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus na kapag Siya ay dumating, tiyak na bibigkas Siya ng mga salita at magpapahayag ng katotohanan, at na lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at pagkatapos ay naghahanap at tumatanggap dito ay sasalubong sa pagbabalik ng Panginoon at maitataas sa harap ng Diyos. Sinabi ba ng Panginoon na liliwanagan Niya ang sinumang namumuno hinggil sa Kanyang pagparito kapag Siya ay bumalik? Hindi, hindi Niya sinabi. Samakatuwid, ang pananaw na ito na taglay ng mga tao ay nagliligaw lamang at nanlilito sa mga tao, at kung naghihintay sila sa Panginoon na liwanagan sila kaugnay sa pangungusap na ito, kung gayon naghihintay lamang sila nang walang-kibo para sa pagdating ng katapusan. Tingnan natin kung ano ang sinasabi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Marami pa ngang naniniwala na anupaman ang bagong gawain ng Diyos, kailangan itong patunayan ng mga propesiya, at na sa bawat yugto ng gayong gawain, lahat ng sumusunod sa Kanya nang may “tapat” na puso ay kailangan ding pakitaan ng mga paghahayag; kung hindi, ang gawaing iyon ay hindi maaaring maging gawain ng Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Dagdag pa ang kakatwang puso ng tao at ang likas niyang pagkasuwail sa pagpapahalaga sa sarili at kahambugan, lalong nagiging mas mahirap para sa kanya na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi sinisiyasat nang mabuti ng tao ang bagong gawain ng Diyos, ni hindi niya ito tinatanggap nang mapagkumbaba; sa halip, ugali niya ang manlait habang hinihintay niya ang mga paghahayag at patnubay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng mga naghihimagsik at lumalaban sa Diyos? Paano makakamit ng gayong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). Mula sa mga salita ng Diyos ay ating natatanto na, sa usapin ng pagparito ng Panginoon, kung ang mga tao ay mistulang bulag na humahawak sa kanilang mga pagkaintindi at mga naguguniguni at hindi hinahanap ang katotohanan o nagtutuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, bagkus ay naghihintay lamang para liwanagan sila ng Diyos, kung gayon ay hindi nila kailanman magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Yaon lamang mga nag-iingat na makinig sa tinig ng Diyos ang makakagawang salubungin ang pagpapakita ng Panginoon. Sa katunayan, wala kahit isa sa mga taong sumunod sa Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang niliwanagan ng Diyos bago ang pagsunod kay Jesus. May narinig silang isa na nagpapatotoo sa Panginoong Jesus, o narinig nila ang Panginoon na nagsasalita o nangangaral, at sumunod sila sa Kanya pagkatapos lamang makilala ang tinig ng Panginoon. Bagaman natamo ni Pedro ang pagliliwanag ng Diyos at kinilala ang Panginoong Jesus bilang Cristo at maging ang Anak ng Diyos, nangyari lamang iyan matapos na kanyang nasundan ang Panginoong Jesus sa isang panahon; pagkatapos lamang na nagkaroon siya ng kaunting pagkakilala sa Panginoon mula sa Kanyang mga salita at gawa nagtamo siya ng pagliliwanag at pag-iilaw ng Banal na Espiritu—ito ay isang katunayan. Ngayon sa mga huling araw, ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan, at gumagawa ng gawain ng paghatol, pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Maraming tao ang tumatanggap at sumusunod sa Makapangyarihang Diyos, nguni’t wala kahit isa sa kanila na nagtamo ng pagliliwanag ng Diyos bago ang pagsunod sa Kanya. Ang Diyos ay matuwid at tiyak na hindi Niya itinatangi ang sinuman. Kinasisiyahan ng Diyos ang mga taong may mabubuting puso na nauuhaw sa paghahanap ng katotohanan. Ito ay katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin(Mateo 5:6). ‘Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios(Mateo 5:8). Sinabi rin ng Makapangyarihang Diyos: ‘Hinahanap ng Diyos ang mga taong nag-aasam na Siya’y magpakita. Hinahanap Niya sila na may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, mga hindi nakalimot sa Kanyang tagubilin, at naghahandog ng kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya ang mga kasing masunurin ng mga bata sa Kanyang harapan, at hindi Siya kakalabanin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Ito ay nagpapahintulot sa atin na makita na, hangga’t mahal ng tao ang katotohanan at nauuhaw para sa katotohanan, hindi alintana kung mayroon o wala siyang anumang estado, hindi alintana kung gaano ang nauunawaan niya sa Biblia, liliwanagan siya ng Diyos at gagabayan, at pahihintulutan Niya ang tao na marinig ang Kanyang boses at masaksihan ang Kanyang pagpapakita. Kung iniisip ng mga naglilingkod bilang mga pinuno na kailangan munang liwanagan sila ng Diyos kapag Siya’y bumalik, ito ay nagpapakita na wala silang anumang pagkaunawa sa gawain ng Diyos, at hindi nila alam ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ito rin ay nagpapakita na sila ay napakayayabang. Sinabi sa salita ng Makapangyarihang Diyos: ‘Kaya nga sinasabi Ko na yaong mga nagsasabing “lubos na nauunawaan” nila ang Diyos at ang Kanyang gawain ay walang kakayahan; lahat sila ay hambog at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; bukod pa riyan, hindi kayang ilarawan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay hamak na tulad ng isang langgam; kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga gustong magsabi na, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan,” o “Ang Diyos ay ganito o ganoon”—hindi ba sila mayabang magsalita?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos ay hindi-kayang-maarok ang kalaliman. Ang mga tao ay maliliit na nilalang lamang. Ang ating mga isipan at ating mga saloobin ay may hangganan, kaya paano natin maaarok ang gawain ng Manlilikha? Kaya, habang hinihintay natin ang Panginoon na bumalik, dapat nating panatilihin ang paggalang para sa Diyos sa ating mga puso at maghanap at magsiyasat na mabuti. Hindi natin dapat gamitin ang ating sariling mga pagkakaintindi at mga imahinasyon upang ikulong ang Diyos at sadyang hatulan ang Diyos, dahil lalabagin nito ang disposisyon ng Diyos, at sisirain din nito ang pagkakataon natin na makamit ang tunay na kaligtasan.”

Pagkatapos marinig ang salita ng Diyos, naunawaan ko na tayo ay napaka-walang-kabuluhan sa presensya ng Diyos, mas walang-kabuluhan kaysa isang langgam. Higit pa rito, tayo ay nagawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na tayo ay puno ng tiwaling disposisyon ng pagmamataas at kapalaluan. Gustung-gusto natin na laging umasa sa ating mga imahinasyon at pagkaintindi upang ikulong ang Diyos, at sa tuwing ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa ating mga pagkaintindi, itinatatwa pa natin ang Diyos, isinusumpa ang Diyos at nilalabanan ang Diyos. Tila, kung hindi nauunawaan ng tao ang katotohanan at walang kahit katiting na paggalang sa Diyos sa kanyang puso, kung gayon mangangahas siyang gawin ang anumang kanyang nais. Ito ay napaka-mapanganib! Ito ay nagpaalala sa akin na minsang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako’y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: Oo nga, Ama, sapagka’t gayon ang nakalugod sa iyong paningin(Mateo 11:25–26). Ngayon ko lamang nakita na ganito talaga ang katayuan ng mga bagay-bagay! Ang paghahayag ng salita ng Diyos at ang pagbabahagi ni Kapatid na Zhang ay nagtulot sa akin na makita na ang kaisipang ito na “ang mga pinuno ay dapat na silang maunang makatanggap ng pagliliwanag sa kaalaman tungkol sa pagdating ng Panginoon kapag Siya ay bumalik” ay mali at katawa-tawa, ito ay hindi talaga kaayon sa katotohanan, at ito ay lubos na nagmumula sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Sa katunayan, tanging ang mga nauuhaw para sa katotohanan at naghahanap sa tinig ng Diyos ang magkakaroon ng pagkakataon na tanggapin ang gawain ng Diyos at ang Kanyang gabay at madala sa harapan ng Diyos. Ito ay nagbigay sa akin ng bagong pagkaunawa sa pagkamakatarungan at pagkamatuwid ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Maaga pa nang ikatlong araw, pagkaalis nina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu, ang aking kapwa Kapatid na Guan, isang kamanggagawa na may mas mataas na antas sa aming simbahan, ay lumapit sa akin at nagtanong: “Kapatid na Zhao, narinig ko na kayo ay pareho ngayong naniniwala sa Kidlat ng Silanganan?” Sinabi ko sa kanya nang masigasig: “Oo, natanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, dahil sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos aking naunawaan ang maraming mga katotohanan na hindi ko nauunawaan noon, katulad ng mga misteryo ng Kanyang tatlong yugto ng gawain at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Nakikita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ‘Sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ na inihula sa Aklat ng Pahayag.” Sumulyap sa akin si Kapatid na Guan at sinabing: “Kapatid na Zhao, susunod ka ba talaga sa mga pinaniniwalaan ng mga taong ito? Alam mo ba kung anong uring tao sila?” Sinabi ko, “Nakikita ko na silang lahat ay may mabuting pagkatao at sila ay nagbabahagi tungkol sa katotohanan nang napakalinaw. Ang lahat ng bagay na kanilang tinatalakay ay may kinalaman sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Ako ay tunay na maraming natamo nitong nakaraang dalawang araw.” Galit na sinabi sa akin ni Kapatid na Guan: “Bakit napakatigas ng iyong ulo? Sinasabi sa atin ng Hebreo 6:6–8: ‘At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan. Sapagka’t ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila’y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios: Datapuwa’t kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.’ Isa kang mangangaral, ika’y nagtatamasa nang napakalaki sa biyaya ng Diyos, nguni’t hindi mo lang hindi pinangungunahan ang mga kapatid na maniwala sa Panginoon, bagkus ay pinangungunahan mo sila na umalis sa ating iglesia. Hindi ka ba natatakot na maparusahan? Kung ikaw ay hindi babalik mawawala sa iyo ang pag-iingat ng Panginoon, at hindi ka makakapamuhay nang masaya. Babalik ang dati mong mga sakit, at ang iyong dalawang anak ay hindi magkakaroon ng magagandang trabaho….”

Pagkaalis ng kapatid na Guan, ako ay kinabahan nang kaunti, at naisip ko sa aking sarili: Ang mga bagay na sinabi niya ay tila may katuwiran, kaya ano ang aking gagawin kung sakaling ang aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay magsanhi upang mawala sa akin ang biyaya ng Panginoon? Nang naisip ko ito naramdaman ko na humina ang aking puso, kaya ako ay nagmamadaling lumuhod at nanalangin sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Nanghina ako sa mga salita ni kapatid na Guan. Diyos! Totoo nga ba o hindi ang mga bagay na sinabi niya? Hindi ko talaga alam ang gagawin ngayon….” Habang ako ay nananalangin sa Diyos bumalik ang aking asawa, at sinabi ko sa kanya ang nangyari. Pagkarinig dito kinakabahan niyang sinabi: “Iyan ba talaga ang kanyang sinabi?” Tumango ako at nangangambang sinabi ng aking asawa: “Siya ay matagal nang isang pangunahing pinuno na naniniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at kabisado niya ang Biblia. Palagay ko’y hindi siya magsasabi ng mga kasinungalingan. Kung magiging katulad nga talaga ng kanyang sinasabi, ano ang dapat nating gawin?” Basta na lamang, bigla kong naisip ang tungkol sa katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos na ibinahagi nina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu: Ang gawain ng Diyos para sa pagliligtas ng sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto, nguni’t ang lahat ng tatlong yugto ng gawain ay isinasakatuparan ng iisang Diyos. Habang ito ay aking iniisip, bigla itong naging malinaw sa akin, at naibulalas ko sa aking asawa: “Tila hindi tama ang sinabi ni Kapatid na Guan. Sinabi niya na sa pamamagitan ng pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, iniiwan natin ang landas ng Panginoon at ipinagkakanulo ang Panginoong Jesus, nguni’t ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ating nababasa nitong mga huling ilang araw ay totoong tinig ng Diyos at ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sa pamamagitan ng pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, sa katunayan tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Kordero. Tayo ang siyang mga matatalinong birhen. Bakit tayo parurusahan ng Panginoon? …” Nasa gitna kami ng pagsasalamuha tungkol dito nang dumating ang Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu …

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply