“Ikinulong” ng Sarili Kong Ama

Pebrero 13, 2023

Ni Keanna, Ukraine

Noong tag-araw ng 2020, kami ng kapatid kong si Albina ay nakakita ng video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tinatawag na Paggising Mula sa Panaginip. Sa video, sinabi nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Nagkainteres kami rito kaya nag-download kami ng app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nakipag-ugnayan sa mga kapatid mula sa iglesia. Nagpatotoo sila sa amin kung paano nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming katotohanan, nagsagawa ng gawain ng paghatol at nakagawa na ng grupo ng mananagumpay. Tuwang-tuwa ako at nagbasa ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na puno ng awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang mga salita, at lahat ay katotohanan, at napagtanto ko na walang sinumang tao ang makapagpapahayag ng gayong mga salita—ito ang tinig ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus! Labis kaming naging inspirado ng kapatid ko at masaya naming tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Madalas kaming makipagtipon sa mga kapatid online at magbahaginan ng mga salita ng Diyos.

Pero sa gulat namin, nang makita ng tatay namin na dumadalo kami sa mga pagtitipon online ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at hindi nagdarasal kasama ang mga rebulto ng Ortodokso, sinabi niyang sumasamba kami sa ibang Diyos at nagtataksil sa Panginoong Jesus. Alam kong mali ang sinabi niya. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos, iisang Espiritu. Kinakatawan nila ang Diyos na gumagawa ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Diyos ang pangalang Jesus para gawin ang gawain ng pagtubos. Ngayon, sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos at gumamit ng bagong pangalan para gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang bagong pangalan na ginagamit ng Panginoong Jesus sa Kanyang pagbabalik. Hindi ko pinagtataksilan ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pananalig sa Makapangyarihang Diyos, sinasalubong ko ang pagbabalik ng Panginoon at sinusundan ang mga yapak ng Diyos. Pero hindi pa nabasa ng tatay ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi nakilala ang gawain ng Diyos at kaya hindi niya alam na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya, pero hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita at nanindigan siya sa kanyang mga pananaw, pinagalitan pa nga ako. Sinabi niya na kung mahuhuli niya kaming nagbabasa na naman ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, bubugbugin niya kami, at kahit na mapatay niya kami sa bugbog at makulong siya, gagawin niya ito para hindi kami makapanalig sa Makapangyarihang Diyos. Nagulat ako nang marinig ko ang mga sinabi ng tatay ko. Hindi ko akalain na kaya niyang sabihin ang ganoong kalupitan para lang pigilan kaming manalig. Noong araw na iyon, pinagtabuyan niya kami palabas ng bahay at napilitan kaming umupo sa labas nang ilang oras suot ang aming pajama. Talagang masama ang loob ko sa oras na iyon at nagdasal ako sa Diyos: “Mahal na Diyos, medyo nanghihina po ako, pero alam kong kailangan kong maging matatag at tiisin ang lahat ng ito. Gaano man ako hadlangan ng tatay ko, patuloy akong mananalig sa Iyo. Pakiusap bigyan Mo po ako ng pananalig at lakas.” Nang sandaling iyon, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi naniniwala. Gayunman, para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaang ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ibuhos ang lahat ng iyong pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Naantig ang puso ko ng mga salita ng Diyos at tinulungan ako nitong kumalma. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nakita ko na gaano man ako hadlangan ng tatay ko, nasa mga kamay pa rin siya ng Diyos, kaya hindi ko siya dapat katakutan. Dapat akong manalangin sa Diyos na pagkalooban ako ng tapang at karunungan para malagpasan ko ang pagsubok na ito. Pagkatapos niyon, bagamat madalas akong pinapagalitan ng tatay ko, pinagbabawalan akong makipag-ugnayan sa mga kapatid, at madalas pang tinitingnan ang telepono ko, ginagawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para makaiwas sa pagsusubaybay niya at madalas akong nagtatago sa banyo, sa paliguan, sa silong o sa hardin para makausap ko ang mga kapatid.

Hindi nagtagal, nagsimula kaming magsanay bilang mga tagapagdilig ng mga baguhan at palihim na tumanggap ng mga tungkulin, pero unti-unting dumami ang mga baguhang nangangailangang diligan kung kaya’t nakikipagbahaginan at nakikipagtipon ako sa kanila sa silid ko araw-araw. Dahil dito, naghinala ang tatay ko na nakikipagtitipon na naman ako kaya hinigpitan niya ang kanyang pagsusubaybay. Maliban sa tinitingnan niya ang telepono ko, kapag nag-iisa ako sa silid ko, tahimik pa siyang pumapasok para tingnan kung ano ang ginagawa ko. Naglagay rin siya ng mga security camera sa bahay at pinasubaybayan pa ako sa nakababata kong kapatid kapalit ng mga regalo. Kung minsan, wala akong magawa kundi burahin ang lahat ng may kinalaman sa iglesia at tungkulin ko sa telepono ko at pansamantalang umalis sa group chat ng pagtitipon, pero sa huli, nahuli ako ng tatay ko na nagsasagawa ng pananampalataya ko. Noong araw na iyon, nakainom na naman siya at sinimulan niya akong pagalitan at nagsabi pa ng mga kalapastanganan tungkol sa Diyos. Hindi ko na ito kinaya, at kaya sinabi ko: “Nananalig ako sa tunay na Diyos, ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming katotohanan para iligtas ang sangkatauhan at palayain tayo mula sa kasalanan at mga sakuna. Ito lang ang pagkakataon ko para makamit ang kaligtasan, kaya dapat kong isagawa ang aking pananampalataya. Kung patuloy mo akong susubukang pigilan sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, wala akong magagawa kundi umalis dito at maghanap ng ibang matitirhan.” Wala siyang sinabi, at sa sandaling panahon pagkatapos niyon, halos wala siyang sinabing kahit ano tungkol sa pananampalataya ko at huminto na siya sa pagtatangkang pigilan ako. Akala ko ay lumipas na ang lahat ng ito, at hindi ko kailanman naisip na may nakaambang kaguluhan pagkatapos niyon. Isang araw, nang kasisimula ko lang sa isang pagtitipon, pumasok ang kapatid ko at sinabing iginigiit ng tatay namin na makita ang telepono ko, pero hindi ko ito ibinigay sa kanya, dahil baka sirain niya iyon. Telepono lang ang paraan para makapag-ugnayan ako sa iglesia, at ang tanging paraan para makapagbasa ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kaya, dali-dali akong nakipag-ugnayan sa isang sister mula sa iglesia at ipinaliwanag ang sitwasyon ng pamilya ko at pinalipat sa kanya ang mga baguhang diniligan ko. Pagkatapos niyon, tinago ko ang telepono ko.

Isang araw, inimbitahan ng tatay ko ang tito ko, hinihiling dito na pigilan kaming manalig sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ko alam kung anong mga pamamaraan ang gagamitin nila para pigilan kami. Pagkatapos ay sumagi sa isip ko ang ilang salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagmamasid sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang linlangin ang taong ito at ilagay sa kapahamakan. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagsupil ng pamilya ko sa aking pananampalataya ay pagsubok at paggambala ni Satanas. Ayaw ni Satanas na sundin ko ang Diyos at mailigtas ako ng Diyos, kaya ginamit nito ang pamilya ko para atakihin ako at pilitin akong itatwa at pagtaksilan ang Diyos. Ito ang mapanlinlang na pakana ni Satanas. Naisip ko kung paano sinalakay ni Satanas si Job noong sinubok siya. Nawasak ang lahat ng kanyang ari-arian, namatay ang kanyang mga anak at nagkaroon ng pigsa ang kanyang buong katawan. Sa kabila ng gayong matinding pagdurusa, nagawa pa rin ni Job na magpatotoo sa Diyos at ipahiya si Satanas. Alam kong dapat kong tularan si Job: Gaano man ako pigilan at hadlangan ng tatay at tito ko, kailangan kong magpatuloy sa aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, manindigan at ipahiya si Satanas.

Pagpasok na pagpasok ng tito ko sa silid namin, sinimulan niya kaming pilitin na bitiwan ang aming pananampalataya. Sabi niya: “Iniwan niyo ang Panginoong Jesus at hindi na kayo nagsisimba—isa itong pagtataksil sa Panginoon!” Sumagot ako: “Ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisa at parehong Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong salita at nagpahayag ng hindi mabilang na mga katotohanan at misteryo, tulad ng misteryo ng 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang tagong kuwento ng Kanyang tatlong yugto ng gawain, gayundin ang mga misteryo ng mga pangalan ng Diyos. Inihayag din Niya ang ugat ng pagiging makasalanan ng sangkatauhan at ang realidad ng paggawang tiwali sa atin ni Satanas, ipinapakita sa atin ang landas tungo sa kaligtasan. Maraming tao sa buong mundo ang kumikilala sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos bilang ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, at nasalubong nila ang pagbabalik ng Panginoon. Kaya paano mo nasasabing pinagtataksilan namin ang Panginoon sa pamamagitan ng pananalig sa Makapangyarihang Diyos? Nang pumarito ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, marami ang umalis sa templo para sundan Siya—masasabi mo bang ipinagkanulo nila ang Diyos na si Jehova? Tanging ang mga hindi nakakarinig sa tinig ng Diyos at hindi sumusunod sa Panginoon kapag nagpapatotoo ang mga tao sa Kanyang pagbabalik ang talagang nagtataksil sa Panginoon.” Nang marinig ito, nagalit ang tito ko. Sabi niya: “Tingnan mo nga siya! Hindi man lang niya pinag-isipan ang sinabi ko at sinubukan pa akong pangaralan. Nag-eebanghelyo siya at sinusubukang isali ako sa iglesia!” Pagkatapos, sinubukan akong kumbinsihin ng asawa ng tito ko. Nang may nanunuyang tono, iminungkahi niya na magpakasal na lang ako tulad ng ibang mga babae at maghangad ng isang matatag na pamilya at buhay-trabaho, sa halip na gugulin ang lahat ng oras ko sa pagsasagawa ng pananampalataya at pag-eebanghelyo. Sumagot ako, sinasabing: “Mula nang maging isa akong mananampalataya, marami na akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkamit ng kabatiran sa maraming bagay, natutunan ang kahulugan ng buhay, at kung ano ang pinakamakabuluhang hangarin sa buhay. Sa mga taon na ito, habang tumitindi ang mga pandemya, digmaan at taggutom, magagarantiya ba ng kasiyahan at paglilibang sa laman ang ating kaligtasan o mapoprotektahan ba tayo nito sa mga sakuna? Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, pagkamit sa katotohanan at pagwaksi sa kasalanan tayo magkakamit ng proteksyon ng Diyos sa mga sakuna at makakapasok sa Kanyang kaharian. Ito ang tanging daan patungo sa kaligtasan.” Hindi sila umimik. Nang makita ang aking matatag na paninindigan, tinawag nila ang lolo ko at isa pang tito para pagtulungan ako. Naisip ko kung paano nananatiling matatag ang mga kapatid na Chinese sa harap ng pag-uusig at panganib. Gusto kong magpatotoo para sa Diyos at ipahiya si Satanas tulad nila, kaya’t nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin sa akin ng lolo ko at ng iba pa mula ngayon, pakiusap bigyan Mo po ako ng pananalig at lakas.” Pagdating pa lang ng lolo ko, sinimulan na niya kaming pagalitan ng kapatid ko at hinawakan pa ang kanyang sinturon nang may pananakot, sinasabing: “Kung hindi ninyo bibitiwan ang pananalig niyo sa Makapangyarihang Diyos, hindi ko na kayo mga apo!” Nang marinig ko ito, naisip ko: Hinding-hindi ko bibitiwan ang pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos kahit abandonahin ako ng buong pamilya ko. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung sinuman ang magkaila sa Akin sa harap ng mga tao, ay siyang ikakaila Ko rin sa harap ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 10:33). Hindi nakakatakot na maabandona ng mga tao dahil kayang mabuhay ng isang tao nang wala ang kapwa mga tao, pero kung aabandonahin tayo ng Diyos, tapos na ang lahat. Kaya kahit paano nila ako hadlangan, hinding-hindi ko itatatwa ang Diyos. Matatag kong sinabi: “Nakilala ko ang Makapangyarihang Diyos bilang ang tunay na Diyos. Anuman ang sabihin mo, hinding-hindi ko bibitiwan ang aking pananalig sa Makapangyarihang Diyos.” Sinabi rin ng kapatid ko na hindi niya tatalikuran ang kanyang pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Nagulat lahat ng nandoon sa sinabi namin. Nagalit nang husto ang tito ko, kinuha nito ang telepono ko at pinagtatanong ako, sinasabing: “Sino ang tinatawagan mo araw-araw sa teleponong ito? Sino sila? Ano ang mga pangalan nila? Ibigay mo sa akin ang mga numero ng telepono nila! Isusumbong ko sila sa pulis!” Pagkatapos ay inutusan niya akong i-unlock ang telepono ko. Nang hindi ako sumagot, lalo siyang nagalit at sinabing: “Mukhang walang pag-asa sa iyo, hindi ka nakikinig sa anumang sinasabi namin. Dapat ka naming ipadala sa isang psychiatrist para magamot.” Sa mga mata nila, ang pananampalataya ay isang uri lang ng paninindigan sa relihiyon, at inaakala nila na hindi normal ang mga taong nagsasakripisyo at gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos. Pagkatapos niyon, nagsalitan ang ibang miyembro ng pamilya sa panunumbat at pagsaway sa akin, pero hindi kami nagpatinag ng kapatid ko at sumagot pa kami. Sa huli ay napuno na sila sa amin at umuwi na sila.

Hindi sila tumigil doon. Pagkalipas ng dalawang araw, ipinakita sa amin ng tatay ko ang ilang video na naninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Labis na nakakasama ng loob ang mga ito, dahil alam kong hindi totoo ang mga ito at sinisiraan nito ang iglesia. Maaaring hindi pa ako matagal na nananalig sa Makapangyarihang Diyos, pero nabasa ko ang Kanyang mga salita at nakaunawa ng kaunting katotohanan. Alam ko ang landas na dapat tahakin ng isang tao para mapalaya sa kasalanan at maging dalisay, at alam ko kung anong mga bagay sa buhay ang pinakamakabuluhang hangarin. Nagsimula akong magsagawa na tanawin ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos at nagkaroon ng kaunting pagkakilala sa mabuti at masama. Nakagawa na ako ng mga pagpapabuti sa ilang aspeto at nakinabang ako nang husto sa aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Nakaramdam ako ng kapayapaan ng loob at kasiyahan at kumbinsido ako na ito ang tunay na daan, ang landas kung saan tayo iginigiya ng Diyos simula pa noon. Kaya sinabi ko sa tatay ko: “Hindi mo pa nasiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at naniniwala ka sa lahat ng tsismis at maling paniniwala online. Ito ang mga kasinungalingan ng diyablo. Naniniwala ako sa tunay na Diyos….” Pero pagkasabi ko nito, agad na sumabad ang tatay ko at sinimulan na naman akong pagalitan. Kalaunan, dumating muli ang tito ko at sinimulan akong gipitin, sinasabing: “Keanna, pamilya ka namin, at mahal na mahal ka naming lahat. Ginagawa namin ito para sa ikabubuti mo. Magpapasalamat ka sa amin kalaunan. Pakiusap, iwanan mo ang iglesiang ito sa lalong madaling panahon.” Ipinaalala sa akin ng mga sinabi niya kung paanong ginamit ni Satanas ang asawa ni Job para atakihin ito. Sinabi ng asawa ni Job: “Pinananatili mo pa rin ba ang iyong integridad? Sumpain mo ang Diyos, at mamatay ka” (Job 2:9). Pero hindi sumunod si Job sa asawa niya, sa halip ay sinumbatan ito ng pagsasalita “gaya ng pagsasalita ng isang hangal na babae.” Ngayon, pinipwersa at hinahadlangan din ako ng pamilya ko. Sinasabi nila na ginagawa nila ito para sa sarili kong kapakanan, pero ito ay para talaga pilitin akong talikuran ang Makapangyarihang Diyos. Sawa na ako sa mga kasinungalingan at panlilinlang nila, kaya tahimik na lang akong umupo roon at hindi ko sila pinansin. Ang dami kong gustong sabihin sa kanila, pero alam kong hindi nila ako pakikinggan. Nang makitang hindi ako sumusunod sa kanilang mga iginigiit, kinuha ng tatay ko ang kanyang sinturon at hinampas ako nang ilang beses sa mukha at mga kamay, iniwang nanghahapdi ang mga kamay ko at umaagos ang mga luha sa mukha ko. Sa huli, kinumpiska nila ang mga telepono namin ng kapatid ko at hindi na kami makapag-ugnayan sa iglesia. Pagkatapos niyon, patuloy kaming sinubaybayan ng tatay ko pinagbawalan kaming basahin ang mga salita ng Diyos. Sinusundan niya ako kahit saan ako magpunta kaya hindi ako nakapag-iisa at tinitingnan pa nga niya ang mga ekspresyon ng mukha ko—kung mukhang may iniisip ako, sumisigaw siya: “Huwag kang maglakas-loob na isipin ang Diyos na pinaniniwalaan mo!” Naalala ko ang ilang salita ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). “Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay malademonyo at, higit pa rito, wawasakin sila. … Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Inilantad ng Diyos ang diwa ng mga hindi mananampalataya. Akala ko noon walang mas malapit kaysa sa pamilya, pero pagkatapos nila akong paulit-ulit na apihin at hadlangan at sa paghahambing niyon sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay nakita ko ang tunay na kulay nila. Sa kabila ng paniniwala nila sa Panginoon, wala silang ni katiting na pagnanais na maghanap kapag nahaharap sa isang napakalaking bagay gaya ng pagbabalik ng Panginoon. Hindi nila pinakinggan ang tinig ng Diyos at hindi sinalubong ang Panginoon at ginamit pa nga nila ang lahat ng paraan na kailangan para hadlangan tayo sa pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos, nagsasabi ng kung anu-anong panghuhusga at pagkondena laban sa Kanya. Sila ay mga taong napopoot sa Diyos, lumalaban sa Diyos. Dahil mga kaaway sila ng Diyos, mga kaaway ko rin sila. Hindi ako katulad nila.

Sa kabila ng pagkakaroon ng kaunting pagkakilala sa pamilya ko, patuloy nila akong sinusubaybayan, hindi makadalo sa mga pagtitipon at hindi ko man lang makausap nang pribado ang kapatid ko tungkol sa mga espirituwal na bagay, kaya, sa paglipas ng panahon, nagsimula akong manghina. Noong panahong iyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala. Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Pinagaan ng mga salita ng Diyos ang loob ko at naramdaman kong malapit Siya sa akin. Naiintindihan ng Diyos ang iniisip at pinagdadaanan ko at ginamit ang Kanyang mga salita para aluin ako at bigyan ako ng lakas ng loob. Alam ko na ang dahilan kung bakit napakahirap pumasok sa kaharian ng langit at kung bakit patuloy na inuusig at tinatanggihan ang tunay na daan ay dahil namumuno si Satanas sa mundong ito at hindi nito pinahihintulutan ang Diyos na pumarito para magpahayag ng katotohanan at iligtas ang sangkatauhan, lalong hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na sumunod at manalig sa Diyos. Bilang resulta, inuusig ang mga taong nananalig. Sa Kapanahunan ng Biyaya, marami ang inusig at naging martir pa nga dahil sa kanilang pananalig sa Panginoong Jesus. Ngayon, sa Kapanahunan ng Kaharian, muling nagkatawang-tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Sa China, napakaraming mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos ang inaresto, inusig, binugbog at pinahirapan ng CCP, pero nananatili silang matatag sa kanilang pananalig sa Diyos at nagpapatotoo para sa Kanya. Nahaharap sa pag-uusig na ito mula sa aking pamilya dahil sa pananalig ko sa Diyos, isang dakilang karangalan para sa akin na makapagpatotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Nahaharap ako sa ilang paghihirap, pero naglalaman ito ng mabubuting layunin ng Diyos. Kulang ako sa pananalig at hindi ko makita ang pakana ni Satanas, kaya gumawa ang Diyos sa pamamagitan ng paghadlang at pag-uusig ng pamilya ko para turuan akong umasa sa Kanya at hanapin ang katotohanan para magkaroon ng pagkakilala. Nakatulong sa akin ang sitwasyong ito na maunawaan ang katotohanan at lumaki ang tayog ko. Matapos mapagtanto ang mga layunin ng Diyos, mas gumaan ang pakiramdam ko at hindi na ako gaanong nabalisa, at nagpasya akong umasa sa Diyos sa karanasang ito. Hangga’t nasa tabi ko ang Diyos, hindi mahalaga kung sino ang sumasalungat o humahadlang sa akin.

Noong panahong iyon, patuloy kaming sinusubaybayan at sinusupil ng pamilya namin. Hindi kami makabasa ng mga salita ng Diyos, at sobrang sama ng loob ko na naisipan kong tumakas. Sa nakikita ko, ang pagtakas lang ang tanging paraan para makawala sa sitwasyong iyon. Kung aalis ako ng bahay, makapananampalataya ako nang normal, pero may balakid sa lahat ng pamamaraan ng pagtakas. Laging nasa bahay ang tatay ko at hindi ko alam kung paano siya iiwasan. Sinusubaybayan din ako ng ibang miyembro ng pamilya. Bukod doon, wala akong pera at hindi ko alam kung saan ako pwedeng pumunta. Nag-aalala ako na kung tatakas ako, papupuntahin ng tatay ko ang pulis sa mga kapatid. Lubha akong nanlumo at palaging umiiyak, at ayaw kong may sinumang makakita sa akin nang ganoon. Noong panahong iyon, nabubuhay ako sa palagiang pagkatakot. Kapag nagdarasal ako sa aking silid, lagi akong nag-aalala na baka biglang pumasok ang tatay ko, na sisirain niya ang pinto at sisigawan ako. Lalo akong nag-alala, na baka bubugbugin at pagagalitan niya kami ng kapatid ko. Hindi ko alam kung gaano magtatagal ang pang-uusig na ito. Habang iniisip kung paanong regular na nakakapagtipon ang mga kapatid ko at nakakagawa ng kanilang mga tungkulin, samantalang wala akong ganoong pagkakataon, nakaramdam ako ng inggit sa kanila kaya’t nanalangin ako sa Diyos: “Mahal na Diyos, nahihirapan akong magsagawa ng pananampalataya sa bahay. Gusto ko pong lisanin ang bahay ko, para makapagtipon at malaya kong magawa ang aking tungkulin. Pakiusap, magbukas Ka po ng landas para sa akin.”

Isang araw, sa wakas ay naiwasan ko ang lahat ng miyembro ng pamilya ko at nakita ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos sa aking telepono. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job. Bagama’t mahina si Job at isinumpa ang araw ng kanyang sariling pagsilang, hindi niya itinanggi na lahat ng bagay sa buhay ng tao ay ipinagkaloob ni Jehova, at na si Jehova rin ang Siyang babawi sa lahat ng ito. Paano man siya sinubok, pinanatili niya ang pananampalatayang ito. Sa iyong karanasan, anumang pagpipino ang pinagdaraanan mo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, sa madaling salita, ay ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Ang Kanyang ginagawang perpekto sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan ay ang pananampalataya, pagmamahal, at mga hangarin ng mga tao. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa mga tao, at hindi nila ito nakikita, hindi ito nadarama; sa gayong mga sitwasyon, kinakailangan ang iyong pananampalataya. Kinakailangan ang pananampalataya ng mga tao kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, at kinakailangan ang iyong pananampalataya kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan mong gawin ay manampalataya at manindigan at tumayong saksi. Nang umabot si Job sa puntong ito, nagpakita sa kanya ang Diyos at nangusap sa kanya. Ibig sabihin, sa pananampalataya mo lamang makikita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung walang pananampalataya, hindi Niya ito magagawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). “Kung maraming bagay ang sumasapit sa iyo na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro ngunit nagagawa mong isantabi ang mga iyon at magtamo ng kaalaman tungkol sa mga kilos ng Diyos mula sa mga bagay na ito, at kung sa gitna ng mga pagpipino ay ipinapakita mo ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos, ito ay pagtayong saksi. Kung mapayapa ang iyong tahanan, natatamasa mo ang mga kaginhawahan ng laman, walang umuusig sa iyo, at sinusunod ka ng iyong mga kapatid sa iglesia, maipapakita mo ba ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos? Mapipino ka ba ng sitwasyong ito? Makikita ang iyong pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan lamang ng pagpipino, at magagawa kang perpekto sa pamamagitan lamang ng mga bagay na nangyayari na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro. Sa pamamagitan ng maraming salungat at negatibong bagay, at paggamit ng lahat ng uri ng pagpapamalas ni Satanas—mga kilos nito, mga paratang, mga paggambala at panlilinlang—malinaw na ipinapakita ng Diyos sa iyo ang nakakatakot na mukha ni Satanas, at sa gayo’y ginagawang perpekto ang iyong kakayahang makilala si Satanas, upang kamuhian mo si Satanas at talikuran ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, malinaw kong napagtanto ang layunin Niya at nakita ko na sa ating pananampalataya, dapat tayong dumaan sa mga pagsubok at pagpipino. Sa pamamagitan lang ng mga pagpipinong ito natin makakamit ang tunay na pananalig sa Diyos. Sa kuwento ni Job—pagkatapos niyang sumailalim sa pagsubok at manindigan sa kanyang patotoo, lumakas ang kanyang pananalig sa Diyos at napahiyang lumayo si Satanas. Alam kong dapat kong gawing huwaran si Job at manindigan sa pagsubok na ito, pero ipinakita ko ang sarili ko na talagang walang pananalig. Kapag regular akong nakakapagtipon sa isang payapa at ligtas na kapaligiran, matibay ang pananalig ko at sinasabi ko pa ngang: “Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko sisisihin ang Diyos.” Pero noong inaapi ako ng aking pamilya at ikinukulong sa bahay ko nang walang kalayaan, nagiging negatibo at mahina ako. Hindi ko tinalikuran ang pananampalataya ko sa Diyos, pero palagi akong nagrereklamo, at lagi kong gustong umiwas sa paghihirap, naghahanap ng magaang buhay at maginhawang uri ng pagsamba. Malinaw nitong ipinakita na taksil sa Diyos ang kalikasan ko. Naisip ko kung gaano katatag si Job noon. Nang subukin at atakihin siya ni Satanas, hindi man lang siya nagreklamo sa Diyos, hindi kailanman humingi ng anumang hindi makatwiran na mga kahilingan sa Diyos, lalong hindi niya kinuwestiyon ang Diyos sa pagpapahintulot na mangyari sa kanya ang mga ganoong bagay. Nagpasakop si Job at iginalang niya ang Diyos, samantalang ako, hindi. Napagtanto ko na ginagamit ng Diyos ang sitwasyong ito para subukin ako at gawing perpekto ang aking pananampalataya. Kung gusto kong palaging maginhawang isagawa ang aking pananampalataya, iwasan ang mga sitwasyon na isinaayos Niya at hindi matuto mula sa mga ito, mauuwi ako sa wala. Sumagi sa isip ko na sa kabila ng kaunting paghihirap ko, laging nasa tabi ko ang Diyos para gabayan ako. Nang naging mahina ako, nagbigay-ginhawa sa akin ang mga salita ng Diyos at binigyan ako ng lakas ng loob. Kaya paano ko nagagawang magreklamo sa Diyos? Talagang wala akong konsensya. Naiinggit ako noon sa mga kapatid na hindi inaapi ng kanilang pamilya, pero ngayon na naisip ko ito: Sa huli, sino ang mas maraming nakakamit? Mas marami bang nakakamit ang taong namumuhay sa paglilibang at biyaya, o ang isang taong nakakaranas ng pang-aapi at paghihirap? Malinaw kung ano ang sagot. Ang lahat ay nasa kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang pangangasiwa, at hindi gumagawa ang Diyos ng walang kabuluhang gawain. Tanging ang Diyos ang nakakaalam kung anong mga sitwasyon ang magiging pinakamainam para sa pag-usad ng buhay ko, at hindi ako, kaya dapat akong magpasakop at maghanap.

Hindi nagtagal pagkatapos niyon, nakahanap ng trabaho ang tatay ko at nagsimulang lumabas nang madalas. Noong panahong iyon, nagawa namin ng kapatid ko na ligtas na makipagtipon at makapagbahagi ng mga salita ng Diyos. Tungkol naman sa mga surveillance camera na inilagay ng tatay ko, bukod sa hindi ito gumana laban sa amin, sa katunayan nakatulong pa ito sa pagprotekta sa amin, dahil sa tuwing umuuwi ang tatay ko, nakikita namin sa mga camera ang pagdating niya at inihihinto namin ang aming pagtitipon. Kapag umalis na siyang muli, ipinagpapatuloy na namin ang pagbabahagi. Kapag nasa bahay ang tatay ko, hindi kami nakakadalo sa mga pagtitipon, kaya nagpapaalam kami sa kanya na pupunta sa isang tindahan at pagkatapos ay sinasamantala namin ang pagkakataon na makapagbahagi sa parke sa labas. Noong 2022, inatasan ako ng aking lider ng iglesia na ipagpatuloy ang pagdidilig sa mga baguhan at kalaunan ay naging superbisor ako. Ipinagpatuloy ko ang tungkulin ko sa gitna ng panunupil at mga paghadlang ng tatay ko.

Naranasan ko ang mga salita ng Diyos, napagmasdan ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan at nagkamit ng pananalig sa Kanya. Natuto akong umasa sa Diyos at nagsagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang sarilinan para lutasin ang aking mga isyu. Nagkaroon din ako ng pagkakilala sa mga miyembro ng pamilya na hindi nananalig at natuto ako kung paano sila pakitunguhan. Hinding-hindi ko matututunan ang alinman sa mga ito habang nabubuhay sa kaginhawaan. Napakaganda at praktikal ng gawain ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply