Huwag Hayaan ang Pagmamahal na Palabuin ang Iyong Isipan
Noong Hunyo ng 2015, pumunta ako sa iglesia para maglingkod bilang diyakono ng ebanglehyo. Isang babaeng nagngangalang Li Jie ang nasa grupo ng pagdidilig, at kailangan naming gumawa nang magkasama nang madalas. Halos magkasing-edad kami, at pareho ang mga buhay namin at may parehong mga personalidad. Pareho rin naming naranasan na pigilan ng aming mga asawa—marami kaming pagkakatulad. Nagkasundo kami. Saka bago lang ako sa iglesiang iyon, kaya hindi ko kilala ang ibang mga miyembro at maraming hamon sa aking tungkulin. Nakipagbahagian siya sa akin at talagang masigasig na tinulungan ako, at palagi akong nandoon para sa kanya kapag nagkakaroon siya ng mga problema sa buhay niya. Paglipas ng panahon, nagsimula kaming magbahagi ng mga kaloob-looban naming iniisip at damdamin. Nakaramdam kami ng isang tunay na magandang ugnayan at magkasundung-magkasundo kami.
Kalaunan, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia at hindi na kami gaanong nakapag-ugnayan. Ilang buwan ang lumipas at narinig ako ang ilang kapatid na nagbabanggit ng mga problema kay Li Jie. Sabi nila talagang mapagmataas siya, at kapag may mga problema ang iba, hindi lang siya walang pasensya sa kanila, kundi pinagagalitan at hinahamak pa sila. Pakiramdam ng lahat pinipigilan niya sila. Sinabi ito sa kanya ng isang namamahala, pero tumanggi siyang tanggapin iyon at naging bastos tungkol doon. Labis siyang nakakagambala sa pagpupulong. Ayaw niyang tanggapin ang pagbabahagi ng iba, kundi ibinubunton lang ang sisi sa ibang tao. Sabi ng lahat wala siyang gawain ng Espiritu, magulo at nakakalito ang pagbabahagi niya, at minsan, hinihila niya pababa ang ibang tao. Dalawang buwan nang hindi maayos ang pagdidilig niya sa mga baguhan. Nang marinig ko ang lahat ng ito, alam ko sa puso ko na hindi na siya angkop sa tungkulin ng pagdidilig. Iminungkahi ng ilang kasamahan na palitan siya, sinasabing maaantala ang gawain ng iglesia. Talagang hindi ako komportable sa ideyang iyon—ayaw ko siyang tanggalin. Si Li Jie ang una kong nakaugnayan noong bago ako sa iglesia at marami siyang naitulong sa akin. Maganda ang naging relasyon namin, kaya kung sasang-ayon akong tanggalin siya, takot ako sa kung anong iisipin niya, kung sasabihin niyang wala akong puso. At talagang mahalaga sa kanya ang kasikatan, kaya hindi ba siya magiging miserable kung matatanggal siya? Hindi ko makayang tanggalin siya noong inisip ko iyon sa ganoong paraan. Nagdahilan ako na hindi maayos ang ginagawa ni Li Jie kamakailan, pero hindi lang siya ang may kasalanan doon. Mabagal matuto at nakakulong sa mga kuru-kurong pangrelihiyon ang mga baguhan na dinidiligan niya, kaya normal lang na hindi niya iyon magawang mabuti. At saka, kaya niya laging magsipag at gumawa sa loob ng mahabang panahon. Kung tatanggalin namin siya, matatagalan bago kami makakahanap ng magandang kapalit, kaya mas mabuti na siya kaysa sa wala. Nag-alinlangan ang ilang kasamahan nang marinig nila ito mula sa akin. Mabigat sa loob na nagkasundo ang lahat na panatilihin siya sa tungkuling iyon pansamantala at maghanap ng kapalit. Nakahinga ako nang maluwag, pero iniisip ko rin na bagaman hindi pa siya tinatanggal sa ngayon, kailangan din iyong gawin kapag nakahanap na ng magandang kapalit. Siguro kung tutulungan ko siya, bubuti ang paggawa niya at pagkatapos ay hindi na siya matatanggal sa tungkulin. Kaya noong gabing iyon dumiretso ako sa bahay ni Li Jie matapos ang pagtitipon ko sa gabi at kinausap ko siya tungkol sa mga dahilan kung bakit nagkukulang ang paggawa niya at ang mga problema sa tungkulin niya. Wala siyang kamalayan sa sarili at nagdahilan lang siya. Sumama ang loob ko nang makita ko siyang kumikilos nang ganoon. Lalo ko pa siyang binahagian pagkatapos noon para tulungan siyang humusay sa kanyang tungkulin, pero hindi kailanman bumuti ang paggawa niya. Nagdulot iyon ng matinding pagkabalisa sa akin. Matapos ang kaunting panahon, pinadalhan ako ng isang lider ng ilang sulat para makibalita tungkol sa pagbabago ng tungkulin ni Li Jie. Nagdahilan lang ako sa kanya sa pamamagitan ng pagsasabing wala pa akong nahahanap na magandang kapalit. Patuloy na tumangging tumanggap ng payo si Li Jie, at nakipag-ugnayan siya nang walang pag-aapruba sa isang sister na may banta sa kaligtasan kung kailan maaaring nagbabantay ang mga pulis. Wala akong nagawa kundi ang tanggalin siya sa tungkulin niya.
Kalaunan nilagay ako ng iglesia para mamahala sa gawain ng pag-eebanghelyo, at naisip ko si Li Jie na nasa bahay lang, miserable at walang ginagawang tungkulin. Ganadung-ganado siya noon sa gawain ng pag-eebanghelyo, kaya tila isa iyong magandang pagkakataon para hayaan siyang magsimula uling gumawa ng tungkulin. Binanggit ko ang ideyang iyon sa isang pagpupulong ng mga kasamahan, sinasabing may karanasan siya at mga kalakasan sa ganoong uri ng gawain, na alam niyang nagkamali siya at pinagsisihan niya iyon. Sabi ko dapat namin siyang bigyan ng pagkakataon na sumali sa grupong nag-eebanghelyo. Sumang-ayon ang lahat. Nagulat ako nang hindi nagtagal, nakarinig ako ng mga sumbong mula sa mga kapatid na nagkaroon siya ng mga problema dati sa diyakono sa pag-eebanghelyo, kaya sa mga pagtitipon lagi siyang nagsasalita tungkol sa kung paanong ang diyakono ay siniil siya noon, at patuloy niya iyong inuungkat. Marami sa mga kapatid ang nagkaroon ng pagkiling laban sa diyakono at ibinukod ito. Nakikipagkomprontasyon si Li Jie sa diyakono sa mga pagpupulong sa gawain at ilang kapatid ang kumampi sa kanya. Hindi nakatapos ng anumang gawain ang diyakono sa pag-eebanghelyo, at malala nitong hinadlangan ang gawain ng iglesia. Nagulat ako nang marinig iyon. Alam kong pormal nang humingi ng dispensa ang diyakono kay Li Jie, at nagbahagi na ako sa kanya. Sinabihan ko siyang kilalanin ang sarili niya, huwag pumasok sa mga bagay-bagay, kundi maluto ng leksyon. Pero hindi ko inaasahan na patuloy niyang panghahawakan ang mga bagay-bagay, at tatanggi na bumitaw. Talagang nakakagambala na sa loob ng iglesia ang ugali niya, at kung magpapatuloy iyon, kakailanganin niyang iwan ang grupong nag-eebanghelyo. Lalo’t lalo akong nag-alala sa kanya. Ilang beses akong pumunta para bahagian siya. Mga tamang bagay ang sinabi niya sa harap ko pero pareho pa rin ang patuloy niyang ikinikilos sa mga pagtitipon. Binahagian at tinulungan na siya ng ilang diyakono, pero wala siyang kamalayan sa sarili at hindi nagbabago.
Hindi nagtagal, nalaman ng lider ang tungkol sa lahat ng ito. Nakakagambala siya sa iglesia, ayaw magsisi matapos ang paulit-ulit na pagbabahagi, at nagkakaroon ng matinding epekto. Kung gagamitin ang mga prinsipyo, kailangan siyang tanggalin, at pagkatapos ay alisin sa iglesia kung hindi pa rin siya magsisisi. Nabigla ako nang marinig ko ito. Inisip ko kung paano niya isinuko ang lahat at nagtiis nang matindi. Hindi ba’t talagang nakakapanghinayang kung tatanggalin siya? Ang dami niyang itinulong sa akin nang maglingkod ako bilang isang diyakono sa pag-eebanghelyo at ako ang taong pinakamalapit sa kanya sa iglesiang iyon. Pakiramdam ko labis na wala akong puso kung hindi ako magsasalita para sa kanya. Paano ko siya mahaharap ulit kung talaging matatanggal siya? Sigurado akong talagang masasaktan siya at sasama ang loob sa akin. Nang inisip ko iyon sa ganoong paraan, sinabi ko sa mga kasamahang iyon na may ilang problema nga si Li Jie, pero palagi siyang naglilingkod sa iglesia at mahusay sa gawain ng pag-eebanghelyo, kaya baka masyado naman iyong malupit. Iminungkahi kong bigyan siya ng isa pang pagkakataon at mas maraming tulong, at baka sakaling magbago siya. Napakahigpit na sumagot ang isang kasamahan, sabi niya, “Sister Xin, hindi mo sinusunod ang mga prinsipyo ng katotohanan, kundi nagpapadala ka sa emosyon. Maayos naman si Li Jie sa gawain ng pag-eebanghelyo noon at masipag siya. Pero ayaw niyang tumanggap ng katotohanan—namumuhi siya sa katotohanan at gumaganap ng negatibong papel dito. Malala niyang ginambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi natin siya puwedeng kunsintihin dahil sa pagmamahal natin. Pag-isipan mo ito.” Nang sabihin niya ito, napagtanto kong talagang hindi ko sinusunod ang mga prinsipyo kay Li Jie, pero hindi ko pa rin makaya, at gusto kong bigyan siya ng lider ng isa pang pagkakataon.
Noong pauwi ako mula sa pagtitipon, pakiramdam ko umiikot ang paligid, at takot akong idilat ang mga mata ko. Ni hindi ako makalakad. Naupo ako sa tabi ng kalsada, at napagtanto kong malamang ang Diyos ito na dinidisiplina ako. Tahimik akong nagdasal. Noong oras na iyon, malinaw na pumasok sa isip ko ang ilan sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos, “Kapag nagkakasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, nguni’t sa halip ito ay sanhi ng isang saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang kalagayan na kinaroroonan nila. Ito ay isang bagay na sobrang nakakatakot” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII). Nilagyan ng kaunting takot ng mga salitang ito mula sa Diyos ang puso ko. Nakita kong maaaring nilalabag ko ang disposisyon ng Diyos. Nagsimula akong magnilay at napagtanto kong simula nang sabihin sa akin ng lider na dapat kong alisin si Li Jie at hayaan siyang magnilay sa sarili, hindi ko hinahanap ang katotohanan o isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Nagmamatigas lang akong ipagtanggol siya. Walang anumang lugar ang Diyos sa puso ko, at nagkasala na ako sa Kanya. Mabilis akong nagdasal sa Diyos, inaaming mali ako at umaasang magninilay sa aking sarili. Matapos magdasal, gumegewang kong pinilit ang sarili ko na umuwi. Nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos pagdating ko roon. Sabi ng Diyos, “May lubhang madamdaming kalikasan ang ilang tao; araw-araw, sa lahat ng kanilang sinasabi, at sa lahat ng paraan ng pag-akto nila sa iba, namumuhay sila ayon sa kanilang emosyon. Nakararamdam sila ng pagmamahal para sa taong ito at sa taong iyon, at araw-araw, pakiramdam nila ay obligado silang magbalik ng mga pabor at magbalik ng mga mabubuting damdamin; sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa, nabubuhay sila sa mundo ng emosyon. … Masasabi na ang mga emosyon ang nakamamatay na kapintasan ng taong ito. Ang lahat ng ginagawa niya ay pinaghaharian ng kanyang mga emosyon, wala siyang kakayahang magsagawa ng katotohanan, o kumilos ayon sa prinsipyo, at madalas na malamang na magrebelde sa Diyos. Mga emosyon ang pinakamatindi niyang kahinaan, ang kanyang nakamamatay na kapintasan, at ganap na kayang magdala sa kanya sa kapahamakan. Ang mga taong sobrang emosyonal ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan o sundin ang Diyos. Sila’y abala sa laman, hangal at magulo ang pag-iisip, kalikasan nila ang magpahalaga sa mga damdamin. Namumuhay sila ayon sa kanilang mga emosyon” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Labis akong naantig nang mabasa ko ito at hindi ko mapigil ang mga luha ko. Nakita kong talagang pinaghaharian ako ng aking damdamin para sa iba, na iyon ang kahinaan ko, ang aking nakapagpapabagsak na kahinaan. Handang-handa at payag si Li Jie na tulungan ako kaya nakaramdam ako ng isang tunay na kaugnayan sa kanya, at paglipas ng panahon, marami kaming naging pagkakapareho. Nagsasalita ako ayon sa emosyon sa tuwing nasasangkot siya sa isang bagay, palaging inaalala ang kanyang damdamin at pumapanig sa kanya. Hindi ko patas na magamit ang mga prinsipyo. Alam kong hindi niya nagagawa nang mabuti ang kanyang tungkulin, na nakakagambala ito, mas matimbang ang masama sa mabuti, at dapat siyang tanggalin agad. Pero dahil sa matibay naming ugnayan, nag-alala akong baka mawalan siya ng tungkulin o mapaalis sa iglesia, kaya sumunod ako sa emosyon ko at naghanap ng lahat ng uri ng dahilan para kumbinsihin ang iba na panatilihin siya. Gusto ko pa nga siyang tulungan na mapabuti ang paggawa niya para hindi siya maalis sa kanyang posisyon. Kung hindi dahil sa pinagsamahan namin, hindi ko siya susuportahan nang ganito katindi. Tatratuhin ko ang sinumang iba pang kapatid ayon sa mga prinsipyo. Sa puntong iyon nakita ko na ganap na akong pinamamahalaan ng aking pagmamahal sa aking tungkulin, pinapaboran at kinukunsinti siya saanman nang walang pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo. Hindi ko iniisip ni bahagya ang gawain o mga interes ng sambahayan ng Diyos, kundi ganap akong nagsasalita at kumikilos batay sa sarili kong damdamin—napakamakasarili noon!
Nagbasa ako ng ilan pang mga salita ng Diyos na mas nagmulat sa aking mga mata sa problemang ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Anong mga isyu ang may kaugnayan sa mga emosyon? Una ay kung paano mo kinikilatis ang sarili mong pamilya, at kung ano ang nagiging reaksyon mo sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kasama sa ‘mga bagay na kanilang ginagawa’ ang kapag mapakialam at mapanghimasok sila, kapag mapanghusga sila sa mga tao kapag nakatalikod ang mga ito, kapag ginagawa nila ang mga bagay na ginagawa ng mga walang pananampalataya, at iba pa. Magagawa mo bang hindi kilingan ang iyong pamilya? Kung pasusulatin ka ng ebalwasyon tungkol sa kanila, gagawin mo kaya ito nang patas at walang halong damdamin, na isinasantabi ang sarili mong mga emosyon? Sentimental ka ba sa mga taong nakapalagayan mo ng loob o tumulong sa iyo noon? Magiging mahigpit, walang kinikilingan at walang pinapanigan ka kaya tungkol sa kanilang mga kilos at pag-uugali? Iuulat o ilalantad mo ba sila agad kapag nadiskubre mong nakikialam at nanghihimasok sila? Higit pa rito, sentimental ka ba sa mga taong malalapit sa iyo, o kapareho mo ng mga interes? Wala kayang kikilingan at walang papanigan ang iyong ebalwasyon, pakahulugan, at tugon sa kanilang mga kilos at pag-uugali? At ano kaya ang magiging reaksyon mo kung idinikta ng prinsipyo na kailangang gumawa ng kaukulang hakbang ang iglesia laban sa isang taong may koneksyon sa iyo, o may emosyonal kang koneksyon, at salungat ang mga hakbang na ito sa sarili mong mga kuru-kuro? Susunod ka kaya? Patuloy ka bang palihim na makikipag-ugnayan sa kanila, magpapalinlang ka pa rin ba sa kanila, masusulsulan ka pa rin ba nilang magdahilan para sa kanila, na mangatwiran at ipagtanggol sila? Ilalagay mo kaya ang iyong sarili sa alanganin upang tulungan ang mga naging mabait sa iyo, nang hindi alintana ang mga prinsipyo ng katotohanan at walang pakialam sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? May kinalaman sa lahat ng ito ang iba’t ibang isyung may kaugnayan sa mga emosyon, hindi ba? Sinasabi ng ilang tao na, ‘Ang mga emosyong ito na sinasabi Mo—hindi ba’t mga kamag-anak at miyembro ng pamilya lang ang sangkot dito? Hindi ba ang saklaw lang nito ay mga magulang, kapatid na lalaki at babae, at iba pang miyembro ng pamilya?’ Hindi; marami itong saklaw na iba’t ibang tao. Huwag na nating pag-usapan ang mga miyembro ng pamilya, may ilang tao na hindi man lang kayang hindi kilingan ang kanilang matatalik na kaibigan at kabarkada. Lahat ng lumalabas sa kanilang bibig ay may pagkiling. Halimbawa, kapag may isang taong pabaya, at malamang na gumawa ng masama, inilalarawan nila siya na mahilig magpakasaya, walang iniintindi sa buhay at isang late bloomer. At mayroon bang emosyon sa mga salitang ito? Kapag walang koneksyon sa kanila ang pabayang taong ito, hindi gaanong magaan ang kanilang mga salita: ‘Halata namang isa siyang anticristo, siya’y tampalasan at masama, lahat ng gawin niya ay mapakialam at mapanghimasok.’ Humingi ka ng katibayan, tutugon sila, ‘Wala pang katibayan sa ngayon—subalit masasabi mo kaagad na siya’y masama. Sinasabi ng mga salita ng Diyos na ito ang kanyang kalikasan.’ Siguradong-sigurado sila sa pagkakakilatis sa kanya. Ganito ang nabubuhay ayon sa kanilang mga emosyon, hindi ba? At anong klase ang mga nabubuhay ayon sa kanilang mga emosyon? Wala bang kinikilingan ang gayong mga tao? Kagalang-galang ba sila? (Hindi.) Ang mga taong nabubuhay ayon sa mga hilig at interes ng laman ay nabubuhay ayon sa kanilang mga emosyon” (“Pagkilala sa mga Huwad na Lider (2)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Hindi Ko binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na maglabas ng kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin, at natutuhan Kong kamuhian nang sukdulan ang mga damdamin ng mga tao. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, at sa gayon ay naging ‘iba’ Ako sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinasamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang ‘konsensya’; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging nanlulupaypay sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking pamamahala sa mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa ibabaw ng lupa? Sino, katulad Ko, ang nakapagtrabaho na araw at gabi, na hindi iniisip ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano ng Aking pamamahala? Paanong maikukumpara ang tao sa Diyos? Paanong magiging kaayon ng Diyos ang tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 28). Ang pagbabasa nito ay nagbigay sa akin ng dagdag na kalinawan sa kung ano ang kahulugan ng pagiging pinamamahalaan ng pagmamahal, at nakita ko na kinamumuhian ito ng Diyos sa mga tao. Inuudyukan tayo nito na labagin ang mga prinsipyo ng katotohanan, gumawa ng masama, at labanan ang Diyos. Iniangat ako ng Diyos para maging isang lider, pero sa paghawak sa ibang tao, hindi ko isinasagawa ang katotohanan o tinatrato sila nang patas, nang ayon sa mga prinsipyo. Dinepensahan ko si Li Jie dahil sa matibay naming ugnayan, tumatangging alisin siya o tanggalin siya kahit na iyon ang dapat gawin. Ginagamit ko ang gawain ng sambahayan ng Diyos para gumawa ng mga pabor, isinasakripisyo ang mga interes ng iglesia. Pininsala nito ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid at walang ginawa kundi guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Wala akong utang na loob—nagpapakatraydor ako. Hindi ba iyon panghihiya at paglaban sa Diyos? Napuno ako ng pagsisisi sa mga kilos ko nang makita ko ang lahat ng iyon, at nagmadali akong magdasal at magsisi sa Diyos. Sa isang pagtitipon kalaunan, nagsalita ako tungkol sa kung paano ako pinagharian ng emosyon sa pamamahala sa buong sitwasyon. Batay sa ugali ni Li Jie, tinanggal ko siya sa kanyang tungkulin para makapagnilay siya.
Mga anim na buwan ang lumipas, at hindi lang siya hindi nagkaroon ng anumang tunay na pag-unawa sa masama niyang asal, kundi ipinipilit niyang ginawan siya ng mali, na hindi naging patas ang lider. Sinabi niya sa iba na hinamak siya ng lider at may sama ito ng loob sa kanya. Binahagian siya ng lider tungkol sa katotohanan at sinuri ang kanyang asal, pero ayaw niya iyong tanggapin, at puro siya pagdadahilan. Hindi pa nga ito pinansin ni Li Jie, direkta niya itong tinalikuran bilang tahimik na pagprotesta. Nagrereklamo siya at nagpapalaganap ng pagiging negatibo sa iba, nagsasalita tungkol sa kung gaano karami ang naging paghihirap niya nang walang kapalit na anumang mga pagpapala habang ang mga pinagpala ay ang mga hindi karapat-dapat. Ang ilan sa mga kapatid na nakikipag-ugnayan sa kanya ay humantong sa pagkampi sa kanya at pagtatanggol sa kanya. Maraming tao ang nagsabi na may masama siyang pagkatao, talagang naging mapili siya sa pagkain sa tahanan ng kanyang host, at nagreklamo sa likod ng kapatid niyang host na hindi siya binibilhan nito ng pagkain. Kuripot siya sa kanyang pera at nagreklamo tungkol sa pagiging mahirap, na lumoko sa mga kapatid para tulungan siya dahil sa pagmamahal, binigyan nila siya ng pera o ibang mga bagay. At tingin niya karapatan niyang tanggapin iyon, na para bang utang nilang lahat ang tulong na iyon sa kanya. Isa siyang parasitiko sa sambahayan ng Diyos. Dahil sa lahat ng ito, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa “Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan.” Sabi ng Diyos, “Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat tiyak na aalisin sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong tiwali at napakasamang disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang tiwali at napakasamang disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong diyablong si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakaabala at nakakagambala sa gawain ng Diyos, nakakasama sa pagpasok ng mga kapatid sa buhay, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang siping ito ng mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng mas mabuting pagkakilala kay Li Jie. Tumanggi siyang tanggapin ang katotohanan, nanggugulo siya at mapanghusga nang hindi gumaganap ng isang positibong papel, isang bulok na mansanas na gumugulo sa buhay-iglesia namin. Nang punahin siya at nawalan ng tungkulin, hindi siya nagsisi kailanman, kundi naging dismayado siya, nagreklamo tungkol sa mga lider, at patuloy na nanggulo sa buhay-iglesia. Ang ganoong uri ng tao na namumuhi sa katotohanan, mapaghiganti, agresibo, at masama ay hindi kailanman maililigtas. Guguluhin niya lang ang gawain ng iglesia gaya ng isang soro na nagwawala sa manukan, lumalamon sa mga inahin. Dapat tanggalin ang masasamang tao para makapagpatuloy ang gawain ng sambahayan ng Diyos at magkaroon tayo ng isang wastong buhay ng iglesia. Ang Diyos ay matuwid at banal. Nililigtas Niya ang may mabubuting pagkatao na nagmamahal sa katotohanan, hindi ang mga gumagawa ng masama. Likas na namumuhi ang masasamang tao sa katotohanan at hindi tunay na magsisisi gaano man karami ang makuha nilang pagkakataon. Ang mga nagmamahal sa katotohanan ay maaaring maghayag ng katiwalian, maging nakakagambala, at magsalita ng ilang mapanghusgang bagay, pero matapos iyon, kaya nilang magnilay sa kanilang sarili at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at magsisi at magbago. Binigyan ng iglesia si Li Jie ng maraming pagkakataon, pero hindi siya nagsisi kailanman. Mas dinagdagan niya lang ang kanyang mga pag-atake at paggambala. Masama ang diwa niya. Kailangan siyang palayasin batay sa mga prinsipyo ng iglesia. Bilang isang lider ng iglesia, alam kong kailangan kong magbahagi sa iba para ilantad ang paggawa niya ng masama at pirmahan ang mga dokumento ng kanyang pagkakatiwalag. Nag-atubili pa rin ako na gawin ito. Nag-alala akong tuluyan na siyang bumigay kapag talagang tinanggal na siya sa iglesia. Nagdasal ako sa Diyos pagkaisip ko sa bagay na ito at hiniling sa Kanya na patnubayan ako na mapagtagumpayan ang emosyon ko.
Tapos nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos, sipi apat sa “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama.” “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong masuwayin sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at nag-uukol ng budhi at pagmamahal sa kanila, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba nakikisama sa mga demonyo? Kung hindi pa rin magawa ng mga tao sa mga araw na ito na makita ang kaibhan ng mabuti at masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang layon na hangarin ang kalooban ng Diyos o magawang kupkupin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa kahulugan ng pagiging matuwid? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba masuwayin sa gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Labis akong nakonsiyensya nang mabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos. Alam na alam ko na mapanggawa siya ng gulo, tagapagdulot ng problema na hindi kailanman nagsisisi, isang gumagawa ng masama na namumuhi sa katotohanan sa diwa, pero pinangalagaan ko pa rin siya, palaging ninanais na panatilihin siya sa loob ng iglesia. Hinahayaan kong mapinsala ng isang masamang tao ang gawain ng iglesia, pumapanig ako kay Satanas, lumalaban sa Diyos. Ang mga pilosopiya ni Satanas na “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig,” “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” ang gumagabay sa akin. Palagi kong pinahahalagahan ang koneksyon sa iba, iniisip na iyon lang ang paraan para maging makatao, para maging isang mabuting tao. Akala ko ang kahit ano pa ay pagiging walang puso at na tatanggihan ako ng iba. Talagang katawa-tawa ako roon. Ang mga makamundong pilosopiyang iyon ay mukhang tama at akma ang mga iyon sa mga kuru-kuro ng tao, pero laban ang mga iyon sa katotohanan at sa mga prinsipyo. Kung sentimental tayo at mapagmahal sa lahat, isa iyong hangal na paraan para magmahal ng iba, at ganap iyong walang prinsipyo. Hinihiling ng Diyos na maging maprinsipyo tayo sa iba, maging mapagmahal sa mga kapatid at magkaroon ng konsiyensya sa Diyos, na tanggihan ang mga gumagawa ng masama, mga hindi mananampalataya, mga demonyo, at si Satanas. Hindi ba ang pagiging sentimental sa mga ganoong uri ng tao ay hangal at hunghang? Ang ganoong uri ng pagmamahal ay walang pag-unawa at mga prinsipyo—nagmumula iyon sa kahangalan. Hindi lang tayo nito nililigaw, kundi ang pagsunod sa isang gumagawa ng masama ay talagang kayang makapaminsala sa gawain ng sambahayan ng Diyios. Nakita kong nabubuhay ako sa mga satanikong pilosopiya, at napakahangal noon, napakawalang dignidad. Alam kong hindi tatanggapiin ni Li Jie ang katotohanan na isa siyang gumagawa ng masama na gumagambala sa iglesia, at kailangan siyang tanggalin. Pero nanatili ako sa damdamin ko, pinipigilan ng aking pagmamahal. Nangunsinti ako nang paulit-ulit. Masakit iyon, nakakapagod, at naglilimita sa akin, pero higit sa lahat hindi ako nagsasagawa ng mga katotohanang nauunawaan ko. Lumalaban ako sa Diyos. Tinatamasa ko ang biyaya at pagliligtas ng Diyos, pero gumagawa ako laban sa Kanya, pinoprotektahan si Satanas at ang isang gumagawa ng masama. Talagang wala akong konsiyensya at katwiran. Sa wakas, naging malinaw sa akin na ang pagiging pinaghaharian ng emosyon ay pagtalikod sa Diyos at sa katotohanan. Tapos naisip ko kung paanong sa loob ng maraming taon, gumagawa ang Diyos ng napakaraming gawain sa akin at nagbayad ng malaking halaga. Wala akong binigay sa Kanyang anuman bilang kapalit, kundi pumanig pa kay Satanas laban sa Kanya. Napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsiyensya nang maisip ko iyon sa ganoong paraan.
Nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos sa aking debosyonal matapos iyon. Sabi ng Diyos, “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao saiba ayon sa iniuutos ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahanap ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban. Ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot sa Diyos, at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinamumuhian ng Diyos, at dapat din natin silang kamuhian. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang aking ina? At sino-sino ang aking mga kapatid? … Sapagka’t sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang kasabihang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas angkop ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi napapahalagahan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito” (“Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakatulong iyon na linawin ang prinsipyong ito para isagawa, “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.” Tanging ang mga may tunay na pananampalataya, naghahanap ng katotohanan, at tapat sa kanilang tungkulin ang tunay na magkakapatid, at sila ang karapat-dapat sa ating pagmamahal. Ang mga tumatangging tanggapin ang katotohanan, kundi palaging nakagagambala sa iglesia, na namumuhi sa katotohanan at namumuhi sa Diyos ay masasamang tao lahat, mga hindi mananampalataya, mga demonyo, at si Satanas. Karapat-dapat sila sa pagkasuklam at pagtanggi natin. Iyon lang ang paraan para tratuhin ang mga tao gamit ang mga prinsipyo at nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa isang pagtitipon matapos iyon, nagbahagi ako tungkol sa kung ano ang isang masamang tao at kung paano sila makikilala, at inihayag ko ang masasamang ugali ni Li Jie. Nagbahagi rin ako tungkol sa mga prinsipyo sa pagtatanggal ng isang tao mula sa iglesia, at sa sandaling naunawaan nilang lahat ang katotohanan, sinimulan nilang ilantad ang masasamang gawain ni Li Jie. Tinanggal siya sa huli.
Napuno talaga ako ng pasasalamat sa Diyos matapos ang lahat ng iyon. Kung hindi dahil sa inihayag ng Diyos at sa paghatol ng Kanyang mga salita, patuloy pa rin akong mabubuhay sa mga satanikong pilosopiyang iyon, bulag lang na nahahabag sa iba, hindi masabi ang mabuti sa masama, ang tama sa mali, pumapanig kay Satanas laban sa Diyos nang hindi ito namamalayan. Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang panganib at mga kahahantungan ng pagiging pinaghaharian ng pagmamahal, at tinulungan akong makatakas sa mga gapos ng pagmamahal, para matrato ko ang mga tao ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Labis akong nagpapasalamat para sa pagmamahal at pagliligtas ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.