Ibinunyag Ako ng Pagharap sa Pag-aayos ng Tauhan
Ni Zhou Jing, Tsina Nung Marso 2021, ako ang namamahala sa gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Gumawa ako ng ulat sa lider tungkol sa lawak ng...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Nakikipagtulungan ako sa gawain ng pag-aalis sa iglesia, at sa loob ng ilang taon ng pagsasagawa, naarok ko ang ilang prinsipyong kaugnay ng mga tungkulin ko, at nagkamit ako ng ilang resulta sa mga tungkulin ko. Kapag nagtatalakay sa mga isyu, karaniwang sumasang-ayon sa mga pananaw ko ang mga lider, diyakono, at mga kapatid na nakatrabaho ko. Kapag nahihirapan silang makakilatis nang malinaw sa mga usapin, nilalapitan nila ako para makipagbahaginan at tinatanggap nila ang mga opinyon ko. Nagsimula akong makaramdam na nakatataas ako sa iba, iniisip na mas magaling ako kaysa sa kanila. Noong Disyembre 2020, na-promote ako para gawin ang mga tungkulin ko sa ibang rehiyon. Mas matagal nang gumagawa ng tungkuling ito kaysa sa akin ang dalawang sister na nakakatrabaho ko, at mas naaarok nila ang mga prinsipyo. May ilang beses na magkakasama naming sinuri ang mga materyal para sa pagpapaalis ng tao, at masusing sinuri ng dalawang sister ang mga ito sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga prinsipyo. Gusto ko sanang magsalita sa pagbabahaginan, pero pakiramdam ko ay napagbahaginan na nila ang naunawaan ko, at na hindi ko man lang napansin ang ilan sa mga problemang tinukoy nila, kaya naisip ko na mas mabuting huwag na lang magsalita ng kahit ano, at wala namang magiging silbi ang pagsaasalita, at pagmumukhain lang ako nitong walang sapat na kakayahan. Kaya naman, nanatili akong tahimik. Sa ibang pagkakataon, sinuri namin ang isang dokumento para sa pagpapatalsik sa isang masamang tao. Sa tingin ko ay hindi naman talaga masamang tao ang taong iyon, kaya ibinahagi ko ang perspektiba ko. Pagkatapos, sinabi ng isa sa mga sister na naniniwala siya na may diwa ng isang masamang tao ang taong ito, at ibinigay niya ang kanyang pagsusuri tungkol dito sa pamamagitan ng paggamit bilang batayan sa masasamang gawa at diwa ng mga kilos ng taong ito. Sumang-ayon din sa kanya ang isa pang sister. Pagkatapos makinig sa sinabi nila, naisip ko na tama ang pagbabahaginan ng mga sister at nakabatay ito sa mga prinsipyo, bigla akong nakaramdam ng matinding hiya. Naisip ko, “Pinahiya ko ang sarili ko. Ano na ang iisipin ng mga sister tungkol sa akin ngayon? Iisipin kaya nilang wala akong pagkilatis at mahina ang kakayahan ko?” Kalaunan, nang muli naming sinuri ang mga materyal, hindi ako nangahas na basta na lang magtapat at ipahayag ang mga pananaw ko, dahil natakot ako kung ano ang magiging tingin sa akin ng iba kung mali ang pagbabahagi ko. Noon, ang mga kapatid na nakatrabaho ko ay hindi gaanong mahusay na nakagawa sa kanilang mga tungkulin nang gaya ko, pero ngayon, ang mga sister na nakakatrabaho ko ay mas mahusay kaysa sa akin sa lahat ng paraan, kaya pakiramdam ko ako ang pinaka-walang kakayahan doon, at parang wala akong presensiya at madalas akong nasasadlak sa pakiramdam na parang may pumipigil sa akin. Noong panahong iyon, masama ang kalagayan ko, at minsan, gusto ko pa ngang tumakas sa sitwasyong ito at hindi na gawin ang mga tungkulin ko roon. Hindi nagtagal, dahil sa pagbabawas ng bigat ng trabaho, kinailangang bawasan din ang mga tauhan, at katamtaman lang ang kakayahan ko nang sinuri ito ng mga lider, at itinalaga nila ako sa ibang tungkulin.
Makalipas ang ilang panahon, dahil sa pagdami ng trabaho, sumulat ang mga lider para hilingin sa akin na magpatuloy sa paggawa ng gawain ng pag-aalis sa iba pang rehiyon. Nang makita ko ang sulat nila, medyo nakaramdam ako ng pagtutol, iniisip ko, “Mas mahusay kaysa sa akin ang kakayahan ng mga kapatid na makakatrabaho ko roon, at mas mahusay rin sila kaysa sa akin sa pagbabahagi ng katotohanan at pagtingin sa mga bagay-bagay. Hindi ako magiging kapansin-pansin sa tungkulin ko roon at baka maipapahiya ko lang ang sarili ko. Ayaw kong pumunta roon.” Kaya tumanggi ako, nagdadahilan, sinasabing wala akong kakayahan at hindi ko kaya ang tungkuling ito. Habang dumarami ang trabaho, sumusulat sa akin ang mga lider at manggagawa nang ilang beses sa pagbabahaginan, pero kapag naiisip ko na may mahusay na kakayahan at mga kakayahan sa gawain ang mga kapatid sa kabilang rehiyon, pakiramdam ko ay hindi ako magkakaroon ng anumang presensiya roon, kaya patuloy kong tinatanggihan ang kanilang mga kahilingan. Ang totoo, hindi ako kumportable sa pag-iwas sa mga tungkulin ko, at nakonsensiya ako, pero inisip ko na, “Pareho lang naman kahit saan ko gawin ang mga tungkulin ko, at nangangailangan din ng pakikipagtulungan ng mga tao ang gawain dito, kaya mas magsisikap na lang ako at gagawin nang maayos ang tungkulin ko rito.”
Makalipas ang ilang panahon, sumulat sa akin ang isang sister, kung saan ginawa niyang batayan ang sarili niyang mga karanasan sa pagkakatalaga sa kanyang mga tungkulin para makapagbahaginan sa akin, at ipinakita niya na ang pag-aatubili ko na gawin ang mga tungkulin ko sa kabilang rehiyon ay baka dahil napipigilan ako ng reputasyon at katayuan. Pinaalalahanan din niya ako na harapin ang mga problema ko at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Nang makita ko na ibinuhos ng sister ang puso niya sa pakikipagbahaginan sa akin, talagang labis akong naantig. Napagtanto ko na paulit-ulit kong tinatanggihan ang mga tungkulin ko, at sa paggawa nito, tunay akong naghihimagsik laban sa Diyos! Alam kong isa itong panibagong pagkakataon mula sa Diyos para magsisi ako, at kailangan kong sunggaban ito. Nakita ko sa sulat na may nahanap ang sister na isang sipi ng mga salita ng Diyos para basahin ko: “Anong uri ng kalagayan ang nasa loob ng mga tao kapag mayroon silang mapagmatigas na disposisyon? Pangunahin na matigas ang kanilang ulo at inaakala nilang mas matuwid sila kaysa sa iba. Palagi silang kumakapit sa sarili nilang mga ideya, palagi nilang iniisip na tama ang kanilang sinasabi, ganap silang nagmamatigas, at hindi nagbabago ang kanilang pananaw. Ito ang saloobin ng pagiging mapagmatigas. Para silang sirang plaka, hindi nakikinig kaninuman, nananatiling hindi nagbabago ang landas ng pagkilos, ipinipilit na magpatuloy rito, tama man ito o mali; may kaunting kawalan ng pagsisisi rito. Gaya nga ng kasabihan, ‘Hindi takot sa kumukulong tubig ang mga patay na baboy.’ Alam na alam ng mga tao kung ano ang tamang gawin, pero hindi nila ito ginagawa, matatag nilang tinatanggihang tanggapin ang katotohanan. Isa itong uri ng disposisyon: ang pagiging mapagmatigas. Sa anu-anong uri ng sitwasyon ka naghahayag ng mapagmatigas na disposisyon? Madalas ka bang mapagmatigas? (Oo.) Napakadalas! At dahil disposisyon mo ang pagiging mapagmatigas, kasama mo ito sa bawat segundo ng bawat araw ng iyong pag-iral. Pinipigilan ng pagiging mapagmatigas ang mga tao na makaharap sa Diyos, pinipigilan sila nito na magawang tanggapin ang katotohanan, at pinipigilan sila nito na makapasok sa katotohanang realidad. At kung hindi ka makapapasok sa katotohanang realidad, magkakaroon ba ng pagbabago sa aspektong ito ng iyong disposisyon? Kapag may matinding paghihirap lang. Mayroon na ba ngayong anumang pagbabago sa aspektong ito ng inyong mapagmatigas na disposisyon? At gaano kalaking pagbabago na ang nangyari? Sabihin, halimbawa, na dati ay napakatigas ng iyong ulo, pero may kaunti nang pagbabago sa iyo ngayon: Kapag nahaharap ka sa isang isyu, may kaunti kang pagkakonsensiya sa iyong puso, at sinasabi mo sa iyong sarili, ‘Kailangan kong magsagawa ng kaunting katotohanan sa bagay na ito. Dahil inilantad na ng Diyos ang mapagmatigas na disposisyong ito—dahil narinig ko na ito, at alam ko na ito ngayon—kailangan ko nang magbago, kung gayon. Nang ilang beses akong maharap sa ganitong mga uri ng mga bagay noon, pinagbigyan ko ang aking laman at nabigo ako, at hindi ako masaya rito. Sa pagkakataong ito, kailangan kong isagawa ang katotohanan.’ Kapag may ganitong pagnanais, posibleng maisagawa ang katotohanan, at ito ay pagbabago. Kapag matagal-tagal ka nang may karanasan sa ganitong paraan, at kaya mong isagawa ang mas marami pang katotohanan, at nagdudulot ito ng mas malalaking pagbabago, at nababawasan nang nababawasan ang pagbubunyag ng iyong mapagrebelde at mapagmatigas na mga disposisyon, nagkaroon na ba ng pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay? Kung nakikitang mas nababawasan ang iyong mapagrebeldeng disposisyon, at nagiging mas mapagpasakop ka na sa Diyos, nagkaroon na ng totoong pagbabago. Kaya, hanggang sa anong antas mo kailangang magbago para matamo mo ang tunay na pagpapasakop? Nagtagumpay ka na kapag wala ni katiting na pagmamatigas, kundi pagpapasakop lamang. Isa itong mabagal na proseso. Hindi nangyayari sa isang magdamag lang ang mga pagbabago sa disposisyon, inaabot ito ng mahahabang panahon ng karanasan, maging ng habambuhay. Kung minsan, kinakailangang magdusa ng maraming matinding paghihirap, mga paghihirap na kagaya ng pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli, mga paghihirap na mas masakit at mas mahirap pa kaysa sa pagtatanggal ng lason mula sa iyong mga buto” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili). Inilantad ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Namumuhay ako sa isang mapagmatigas na disposisyon. Ito ang pumigil sa akin na lumapit sa Diyos para hanapin ang katotohanan, at ang dahilan kung bakit hindi ako makapagpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Ginunita ko ang pagsasaayos ng mga lider na gawin ko ang mga tungkulin ko sa ibang rehiyon. Alam ko na kailangan kong unahin ang gawain ng iglesia, pero inalala ko na mas mahusay kaysa sa akin ang kakayahan at pagkilatis ng mga sister na makakatrabaho ko, at kinatakutan ko na ang pakikipagtulungan sa kanila sa aking mga tungkulin ay bukod sa hindi magbibigay sa akin ng anumang karangalan, kundi pagmumukhain din nito na wala akong sapat na kakayahan, at parang wala ako roon. Para maprotektahan ang reputasyon at katayuan ko, matigas kong tinanggihan ang mga tungkulin ko nang paulit-ulit, at gaano man makipagbahaginan sa akin ang iba, hindi ako nakikinig. Ganap na sarado ang puso ko sa Diyos. Talagang mapagmatigas ako at hindi nagpapatalo! Alam kong mabigat ang trabaho sa rehiyong iyon at na kailangan nila ng mas maraming tao na makakatulong, pero sa kritikal na sandaling ito, dangal at katayuan ko lang ang inalala ko, at hindi ko man lang isinaalang-alang ang gawain ng iglesia. Napakamakasarili ko, kasuklam-suklam, at walang anumang pagkatao! Talagang nagsisi ako, kaya nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, napakasutil at mapagmatigas ng disposisyon ko. Alam ko ang katotohanan pero hindi ito isinasagawa. Handa akong baguhin itong mapaghimagsik kong kalagayan at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema ko Pakiusap, gabayan at akayin Mo po ako.” Pagkatapos nito, sumulat ako sa mga lider, nagpapahayag ng aking kahandaang gawin ang mga tungkulin ko sa ibang rehiyon.
Kalaunan, pinagnilayan ko kung bakit ayaw kong gawin noon ang mga tungkulin ko sa ibang rehiyon, at napagtanto ko na ito ay dahil nakasagabal ito sa reputasyon at katayuan ko. Kaya sadya kong hinanap ang katotohanan sa aspektong ito. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Mabigat sa kalooban na ginagawa ng mga anticristo ang kanilang tungkulin para makakuha ng mga pagpapala. Itinatanong din nila kung magagawa ba nilang magpakitang-gilas at kung titingalain ba sila kapag ginawa nila ang tungkuling ito, at kung malalaman ba ng Itaas o ng Diyos kung gagawin nila ang tungkuling ito. Ito ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang nila kapag ginagawa nila ang isang tungkulin. Ang unang gusto nilang matiyak ay kung anong mga pakinabang ang maaari nilang makuha sa paggawa ng isang tungkulin at kung maaari ba silang pagpalain. Ito ang pinakamahalagang bagay sa kanila. Hindi nila kailanman iniisip kung paano isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at suklian ang pagmamahal ng Diyos, kung paano ipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos nang sa gayon makamit ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos at matamo ang kaligayahan, lalong hindi nila kailanman hinahangad na maunawaan ang katotohanan, o hinahanap kung paano lutasin ang kanilang mga tiwaling disposisyon at isabuhay ang isang wangis ng tao. Hindi nila kailanman isinasaalang-alang ang mga bagay na ito. Ang iniisip lang nila ay kung maaari ba silang pagpalain at magkamit ng mga pakinabang, kung paano magkaposisyon, kung paano magkaroon ng katayuan, kung paano nila makukuha ang pagrespeto ng mga tao, at kung paano mamukod-tangi at maging pinakamahusay sa iglesia at sa karamihan ng tao. Tiyak na ayaw nilang maging mga ordinaryong tagasunod. Gusto nilang laging maging una sa iglesia, ang may huling salita, maging mga lider, at mapakinggan sila ng lahat. Saka lamang sila makokontento. Nakikita naman ninyo na ang puso ng mga anticristo ay nag-uumapaw sa mga bagay na ito. Tunay nga ba silang gumugugol para sa Diyos? Taos-puso ba nilang ginagawa ang kanilang tungkulin bilang mga nilikha? (Hindi.) Kung gayon, ano ang gusto nilang gawin? (Ang humawak ng kapangyarihan.) Tama iyon. Sinasabi nila, ‘Para sa akin, gusto kong mahigitan ang lahat ng tao sa sekular na mundo. Kailangan na ako ang maging una sa anumang grupo. Ayaw kong pumangalawa lang, at hindi ako kailanman magiging isang sidekick. Gusto kong maging isang lider at ang may huling salita sa anumang grupo ng mga tao na kinabibilangan ko. Kung hindi ako ang may huling salita, susubukan ko ang lahat ng posibleng paraan para kumbinsihin kayong lahat, para respetuhin ninyo akong lahat, at para piliin ninyo ako bilang lider. Sa sandaling may katayuan na ako, ako na ang may huling salita, kailangan nang makinig sa akin ang lahat. Kailangan na ninyong gawin ang mga bagay-bagay ayon sa paraang gusto ko, at kailangang mapasailalim kayo sa kontrol ko.’ Anumang tungkulin ang ginagawa ng mga anticristo, sisikapin nilang ilagay ang sarili nila sa mataas na posisyon, sa isang nakalalamang na posisyon. Hindi sila kailanman makokontento sa kanilang posisyon bilang isang ordinaryong tagasunod. At ano ang pinakakinahuhumalingan nila? Iyon ay ang tumayo sa harap ng mga tao na inuutusan at pinagagalitan ang mga tao, ipinagagawa sa mga tao ang kanilang sinasabi. Hindi nila iniisip kailanman kung paano gawin nang maayos ang kanilang tungkulin—lalo nang hindi nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo habang ginagawa ang kanilang tungkulin, upang isagawa ang katotohanan at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Sa halip, nag-iisip sila nang husto ng mga paraan para mapatanyag ang sarili, para tumaas ang tingin sa kanila ng mga lider at itaas sila ng ranggo, upang sila mismo ay maging lider o manggagawa, at mamuno sa ibang mga tao. Ito ang pinag-iisipan at inaasam nila buong araw. Hindi pumapayag ang mga anticristo na pamunuan ng iba, ni hindi sila pumapayag na maging ordinaryong tagasunod, lalo na ang manahimik na lamang habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin nang walang nakukuhang atensyon. Anuman ang kanilang tungkulin, kung hindi sila maaaring maging bida, kung hindi sila maaaring maging mataas sa iba at maging lider ng ibang tao, nagiging nakababagot para sa kanila ang paggawa ng kanilang tungkulin, at nagiging negatibo sila at nagsisimulang tamarin. Kung walang papuri o pagsamba ng iba, lalong hindi ito interesante sa kanila, at lalong wala silang pagnanais na gawin ang kanilang tungkulin. Ngunit kung maaari silang maging bida habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin at sila ang may huling salita, lumalakas sila, at handang danasin ang anumang paghihirap. Palagi silang may personal na mga layunin sa pagganap sa kanilang tungkulin, at gusto nila na palagi mamukod-tangi bilang isang pamamaraan para matugunan ang kanilang pangangailangan na talunin ang iba, at matugunan ang kanilang mga pagnanais at ambisyon. Habang ginagawa ang kanilang tungkulin, dagdag pa sa pagiging masyadong mapagkompetensiya—nakikipagkompetensiya, sa lahat ng bagay, para mamukod-tangi, manguna, mangibabaw sa iba—iniisip din nila kung paano mapanatili ang kanilang kasalukuyang katayuan, reputasyon at katanyagan” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na kahit saan man ginagawa ng mga anticristo ang kanilang mga tungkulin, ginagawa nila ito para matugunan ang pagnanais nila para sa katayuan. Kung sila ay mga prominenteng tao o mga lider ng mga tao, at nagagawa nilang mamukod-tangi at makakuha ng paghanga, kung gayon, masyado silang ganado sa lahat ng ginagawa nila. Pero kung hindi nila kayang mamukod-tangi at palagi silang nabibigong mapatanyag ang kanilang sarili, ni ayaw na nilang gawin ang kanilang mga tungkulin. Nang paghambingin ko ang mga pananaw ko sa paghahangad batay sa pagkaunawang ito, napagtanto ko na kapareho ito ng pananaw ng isang anticristo. Nang itinalaga ako para gawin ang tungkulin ko sa ibang rehiyon at nakita kong mas mahusay kaysa sa akin ang kakayahan at mga kakayahan sa gawain ng mga sister na katrabaho ko, pakiramdam ko ay wala akong sapat na kakayahan at wala akong silbi sa kanila, at na parang wala ako roon. Dahil dito, madalas akong namumuhay sa lungkot at pagpipigil, at hindi ko inisip kung paano magagawa nang maayos ang tungkulin ko, at madalas kong hinihiling na matakasan ang sitwasyong ito. Matapos akong italaga sa ibang tungkulin, hindi ko pinagnilayan ang maling landas na tinahak ko, at nang isinaayos ng mga lider na muli kong gawin ang mga tungkulin ko sa ibang rehiyon, nakahanap ako ng mga dahilan para tumanggi dahil pakiramdam ko ay hindi ko magagawang mamukod-tangi. Kahit maraming beses nakipagbahaginan sa akin ang mga kapatid, at alam kong mabigat ang trabaho sa rehiyong iyon at agarang nangangailangan ng mas maraming tao na makakatulong, binalewala ko pa rin ang gawain ng iglesia. Masyadong nangingibabaw ang pag-aalala ko para sa reputasyon at katayuan. Palagi kong sinasabi na ginagawa ko ang mga tungkulin ko para mapalugod ang Diyos at masuklian ang pagmamahal Niya, pero ngayon, nakita ko na ang aking mga sakripisyo, paggugol, at pagdurusa ay lahat para lamang sa reputasyon at katayuan. Hindi ko talaga ginagawa ang mga tungkulin ko, bagkus ay sinusubukan kong gamitin at linlangin ang Diyos. Kalaunan, tinanong ko ang sarili ko, “Bakit ba masyado kong pinahahalagahan ang reputasyon at katayuan?” Ito ay dahil ang mga satanikong lason tulad ng, “Mas mabuting maging isang malaking isda sa isang maliit na lawa,” at “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” ay nag-ugat sa puso ko at naging mga layon na hahangarin ko at mga panuntunan para mabuhay. Naniniwala ako na ang kahulugan ng pamumuhay ay mamukod-tangi at makamit ang paghanga ng mga tao, at na ang gayong pamumuhay ay makabuluhan at may halaga. Kung hindi ako kailanman mamumukod-tangi o palagi na lang akong mamaliitin saan man ako magpunta, pakiramdam ko ay namumuhay ako ng isang kalunos-lunos na buhay. Bagama’t tila ginagawa ko ang mga tungkulin ko, sa loob-loob ko ay nakatuon lang ako sa kung paano itatag ang aking sarili at makamit ang reputasyon at katayuan, at kapag kailangan ng gawain ng iglesia ang pakikipagtulungan ko, naghahanap ako ng mga dahilan para tumanggi dahil hindi natutugunan ang mga pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Sa pamumuhay na ayon sa mga satanikong lason na ito, talagang naging mayabang at makasarili ako, nang walang anumang wangis ng tao, at di-sinasadyang naghimagsik at lumaban ako sa Diyos. Noong panahong iyon, paulit-ulit kong tinanggihan ang mga tungkulin ko at madalas akong natatakot at hindi mapalagay, na para bang nasa bingit ako ng panganib. Ang saloobin kong ito sa mga tungkulin ko ay malamang na sumasalungat sa disposisyon ng Diyos, at kung hindi ako magsisisi sa Diyos, tiyak na isasantabi at ititiwalag ako ng Diyos. Nang mapagtanto ito, talagang natakot ako, at napagtanto ko rin na ang pagtanggi sa mga tungkulin ko ay isang malubhang isyu. Napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsensiya, at kinamuhian ko ang sarili ko na nagawa kong maghimagsik laban sa Diyos sa ganitong paraan, nag-iiwan ng mga bakas ng pagsalangsang at mantsa. Talagang napakalaki ng utang ko sa Diyos! Ang paghahangad ng reputasyon at katayuan ay isang landas na walang balikan na humahantong sa pagkawasak, kaya, ninais kong baguhin ang mga pananaw ko sa paghahangad.
Kalaunan, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa at pagpasok sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sapagkat nais mong manatili nang mapayapa sa sambahayan ng Diyos bilang isang miyembro, dapat matutunan mo muna kung paano maging isang mabuting nilikha at tuparin ang iyong mga tungkulin ayon sa iyong lugar. Sa sambahayan ng Diyos, tunay ka nang matatawag na isang nilikha. Ang pagiging nilikha ang iyong panlabas na pagkakakilanlan at titulo, at dapat may kasama itong mga partikular na pagpapamalas at diwa. Hindi lang ito tungkol sa pagkakaroon ng titulo; ngunit dahil isa kang nilikha, dapat mong tuparin ang mga tungkulin ng isang nilikha. Sapagkat isa kang nilikha, dapat mong gampanan ang mga responsabilidad ng pagiging isang nilikha. Kaya, ano ang mga tungkulin at responsabilidad ng isang nilikha? Malinaw na inilalatag ng salita ng Diyos ang mga tungkulin, obligasyon, at responsabilidad ng mga nilikha, hindi ba? Mula sa araw na ito, isa ka nang tunay na miyembro ng sambahayan ng Diyos, ibig sabihin, kinikilala mo ang iyong sarili bilang isa sa mga nilikha ng Diyos. Dahil dito, mula sa araw na ito, dapat mong muling pag-isipan ang mga plano mo sa buhay. Hindi mo na dapat hangarin at sa halip ay bitiwan mo na dapat ang mga mithiin, pagnanais, at layon na dati mong itinakda sa buhay mo. Sa halip, dapat mong baguhin ang iyong pagkakakilanlan at perspektiba para makapagplano sa mga layon at direksiyon sa buhay na dapat mayroon ang isang nilikha. Una sa lahat, hindi ang pagiging isang lider ang dapat mong layon at direksiyon, o ang mamuno o mangibabaw sa anumang industriya, o ang maging isang kilalang taong gumagawa ng partikular na gampanin o isang taong bihasa sa partikular na kasanayan. Ang layon mo dapat ay ang tumanggap ng iyong tungkulin mula sa Diyos, ibig sabihin, ang alamin kung ano dapat ang gawain mo ngayon, sa sandaling ito, at unawain kung anong tungkulin ang kailangan mong gampanan. Kailangan mong itanong kung ano ang hinihingi sa iyo ng Diyos at kung anong tungkulin ang isinaayos para sa iyo sa Kanyang sambahayan. Dapat kang makaunawa at malinawan sa mga prinsipyong dapat maintindihan, mapanghawakan, at masunod tungkol sa tungkuling iyon. Kung hindi mo maalala ang mga ito, maaari mong isulat ang mga ito sa papel o i-rekord ang mga ito sa iyong computer. Maglaan ka ng oras para suriin at pag-isipan ang mga ito. Bilang miyembro ng mga nilikha, ang dapat na pangunahin mong layon sa buhay ay ang tuparin ang iyong tungkulin bilang isang nilikha at maging isang kalipikadong nilikha. Ito dapat ang pinakapangunahing layon mo sa buhay. Ang pangalawa at mas partikular ay kung paano gawin ang iyong tungkulin bilang isang nilikha at maging isang kalipikadong nilikha. Siyempre, dapat lang na talikuran ang anumang layon o direksyon na nauugnay sa iyong reputasyon, katayuan, banidad, kinabukasan, at iba pa” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 7). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na isa akong nilikha, at dapat akong magsikap na tuparin ang mga tungkulin ko bilang nilikha. Responsabilidad ko ito. Hindi ako dapat palaging nakatuon sa kung ano ang tingin sa akin ng iba o sa pakikipagkompetensiya sa iba tungkol sa kung sino ang may mas mahuhusay na kasanayan. Ang dapat kong gawin ay magpasakop, gawin ang mga tungkulin ko ayon sa mga hinihingi at prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa praktikal na paraan, higit na magdasal sa Diyos tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ko nauunawaan, maghanap ng pakikipagbahaginan sa iba, at pagsumikapan ang mga katotohanang prinsipyo. Ito ang tamang paraan ng pagsasagawa.
Ngayong ginagawa ko ang tungkulin ko sa ibang rehiyon, minsan, nagkakamali pa rin ako sa paghuhusga o pagkakalkula ng mga usapin kapag sinusuri ko ang mga materyal sa pagpapaalis ng mga tao. Nang magkaroon ng mga isyu sa mga desisyong isinulat ko tungkol sa pagpapaalis, at nag-alok ang lahat ng mga suhestiyon at pagwawasto, medyo hindi pa rin ako komportable at nag-alala ako kung ano ang tingin sa akin ng iba. Nang lumitaw ang mga damdaming ito, napagtanto ko na nagagapos at napipigilan na naman ako ng aking pagnanais para sa reputasyon at katayuan, kaya’t nagdasal ako sa Diyos, handang harapin nang tama ang mga pagkukulang, ko, tanggapin ang mga tamang suhestiyon, at gawin ang mga tungkulin ko ayon sa mga prinsipyo. Matapos ang kaunting karanasan, nakita ko na bagaman marami pa akong pagkukulang sa mga tungkulin ko, nakausad naman ako sa pagkilatis sa mga tao at sa pagtingin sa mga tao at bagay-bagay sa pamamagitan ng patnubay, pagbabahaginan, at tulong ng mga nakatuwang kong kapatid. Naging mas tumpak din ang pagpili ko ng mga salita kaysa dati. Talagang nakatulong sa akin ang mga bagay na ito na mapunan ang marami kong pagkukulang. Bagaman nag-aalala pa rin ako minsan tungkol sa reputasyon at katayuan ko, nagagawa kong magdasal sa Diyos para maghimagsik laban sa aking sarili at hindi magpapigil sa pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Zhou Jing, Tsina Nung Marso 2021, ako ang namamahala sa gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Gumawa ako ng ulat sa lider tungkol sa lawak ng...
Gaya ng sinabi ng Diyos: “Sa ngayon, hindi ka maaring masiyahan na sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas-ng-loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan?”
Ni Xinping, TsinaIsang taon na ang nakalilipas, lumipat ako sa isa pang iglesia. Una sa lahat, pakiramdam ko ay hindi ako bagay rito dahil...
Shiji Lungsod ng Ma’anshan, Lalawigan ng Anhui Noong panahon na nagtatrabaho ako bilang isang pinuno sa iglesia, madalas na nagbabahagi...