Mga Pagninilay sa Hindi Paggawa sa Iba ng mga Hindi Mo Gustong Gawin sa Iyo

Marso 28, 2023

Ni Bai Xue, Timog Korea

Napakaraming problema ang biglang lumilitaw sa tungkulin ko, kapwa malalaki at maliliit. Ang ilan ay mula sa pagiging masyadong pabaya, at ang ilan ay mula sa hindi pagkaalam sa mga prinsipyo. Medyo nag-aalala ako, natatakot na iwawasto ako ng lider o ng sister na katrabaho ko, sasabihing padaskol-daskol ako sa tungkulin ko, pero halos hindi binabanggit ng kapareha ko ang mga problema, sinasabi sa akin na maging mas maingat na lang sa hinaharap. Palagi akong natutuwa dahil dito. Kalaunan, nang makita kong may ilang kapansin-pansin na mga problema ang iba sa kanilang mga tungkulin, naramdaman kong nagiging masyado silang padaskol-daskol sa kanilang gawain, at gusto kong magbahagi sa kanila at suriin ang problema para maunawaan nila ang kalikasan nito at ang malulubhang kahihinatnan ng pagpapatuloy nang ganoon. Pero naisip ko, makakasakit sa pride ng ibang tao ang tahasang pagtukoy ng mga isyu nila. Mas mabuting magsabi lang nang sapat para ipaalam sa kanila ang isyu, at tapusin na doon. Bukod pa roon, nagkakaproblema rin ako ng ganoon, kaya anong karapatan kong magsalita? Paano kung iwinasto ko ang iba para sa isang bagay, at kalaunan ay ginawa ko rin ito? Hindi ba ako magiging mapagkunwari? Naisip ko na magsasabi na lang ako ng magagandang bagay. Sa ganoong paraan, kung may magawa man akong mali sa hinaharap, hindi magrereklamo ang iba. Ang pagpapatawad sa iba ay pagpapatawad sa sarili mo. Nang isipin ko ito sa ganoong paraan, nawala ang katiting na katuwiran sa puso ko. Sinabi ko sa kapareha ko, “Hindi na kailangang punahin ang mga partikular na taong may mga problema. Pwedeng banggitin na lang natin ang mga problema.” Wala siyang anumang itinugon. Medyo hindi ako mapalagay pagkatapos niyon. Malalaman kaya ng iba na may problema sila kung hindi sila partikular na pupunahin? Magbabago kaya sila sa hinaharap? Kung hindi, makakaapekto iyon sa gawain. Nagtalo ang kalooban ko. Gusto kong magsalita pero hindi ako naglakas-loob, at sa hindi pagsasalita, naramdam kong hindi ko ginagawa ang tungkulin ko. Pagkatapos, nagtaka ako kung bakit napakahirap nito para sa akin. Ano ang pumipigil sa akin na ilantad ang mga problema ng iba? Tahimik akong nagdasal, hinihiling sa Diyos na gabayan ako sa pag-unawa sa aking isyu.

Kalaunan, sinabi ko sa isa pang sister ang tungkol sa kasalukuyan kong kalagayan, at pinadalhan niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. Talagang namulat ako sa pagbabasa nito, at nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa sa problema ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tagapagtaguyod ba kayo ng kasabihang pangmoralidad na, ‘Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo’? Kung tagapagtaguyod ng kasabihang ito ang isang tao, palagay ba ninyo ay dakila siya at marangal? May ilan na magsasabing, ‘Hindi naman siya namimilit, hindi niya pinahihirapan ang iba, o inilalagay sila sa alanganin. Hindi ba’t ang bait niya? Lagi siyang mahigpit sa kanyang sarili pero maluwag sa iba; hindi niya kailanman ipagagawa sa sinuman ang isang bagay kung siya mismo ay hindi ito gagawin. Binibigyan niya ng malaking kalayaan ang iba, at ipinararamdam sa mga ito ang matinding pagmamahal at pagtanggap. Kaybait niyang tao!’ Gayon ba talaga ang sitwasyon? Ang implikasyon ng kasabihang ‘Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo,’ ay na dapat mo lamang ibigay o itustos sa iba ang mga bagay na gusto mo at nakasisiya sa iyo. Ngunit anong mga bagay ang gusto at ikinasisiya ng mga tiwaling tao? Mga tiwaling bagay, mga di-makatwirang bagay, at maluluhong pagnanasa. Kung ibibigay at itutustos mo sa mga tao ang mga negatibong bagay na ito, hindi ba’t magiging mas tiwali nang mas tiwali ang buong sangkatauhan? Mababawasan nang mababawasan ang mga positibong bagay. Hindi ba’t ito ang totoo? Totoo na lubhang tiwali ang sangkatauhan. Gustong hangarin ng mga tiwaling tao ang katanyagan, pakinabang, katayuan, at mga kasiyahan ng laman; nais nilang maging mga tanyag na tao, maging makapangyarihan at higit sa karaniwang tao. Nais nila ng komportableng buhay at ayaw nila ng mahirap na trabaho; nais nilang iabot na lamang sa kanila ang lahat ng bagay. Napakakakaunti sa kanila ang nagmamahal sa katotohanan o mga positibong bagay. Kung ibibigay at itutustos ng mga tao sa iba ang kanilang katiwalian at mga pagkiling, ano ang mangyayari? Katulad lamang ito ng mawawari ninyo: Magiging mas tiwali nang mas tiwali ang sangkatauhan. Hinihiling ng mga tagapagtaguyod ng ideya na ‘ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo,’ na ipasa ng mga tao sa iba ang kanilang katiwalian, mga pagkiling, at maluluhong pagnanasa, na ginagawa ang ibang mga tao na maghangad ng kasamaan, ginhawa, pera, at pag-unlad. Ito ba ang tamang landas sa buhay? Malinaw na makikita na may malaking problema sa kasabihang ‘Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo’. Ang mga kamalian at kapintasan doon ay napakalinaw; ni hindi iyon nararapat na suriin at unawain. Sa pinakamaliliit na pagsusuri, malinaw na makikita ang mga mali at katawa-tawang bagay roon. Gayunman, marami sa inyo ang madaling mahikayat at maimpluwensiyahan ng kasabihang ito at ang tumatanggap dito nang walang pagkilatis. Kapag nakikipag-ugnayan sa iba, madalas ninyong gamitin ang kasabihang ito para paalalahanan ang sarili ninyo at payuhan ang iba. Sa paggawa nito, inaakala ninyo na ang inyong pagkatao ay partikular na marangal, at na napakamakatwiran ninyo. Ngunit hindi mo natatanto, naihayag na ng mga salitang ito ang mga prinsipyong ipinamumuhay mo at kung nasaang panig ka pagdating sa mga isyu. Kasabay nito, nalinlang at nailigaw mo ang iba na unawain ang mga tao at sitwasyon nang may pananaw at panig na kapareho ng sa iyo. Talagang hindi ka makapagdesisyon, at ganap na hindi makapanindigan. Sinasabi mo, ‘Anuman ang isyu, hindi iyon kailangang seryosohin. Huwag mong pahirapan ang sarili mo o ang iba. Kung pahihirapan mo ang ibang tao, pinahihirapan mo rin ang sarili mo. Ang pagiging mabait sa iba ay pagiging mabait sa sarili mo. Kung mahigpit ka sa ibang tao, mahigpit ka rin sa sarili mo. Bakit mo pahihirapan ang sarili mo? Ang hindi paggawa sa iba ng ayaw mong gawin sa sarili mo ang pinakamainam na bagay na magagawa mo para sa sarili mo, at ang pinakamapagsaalang-alang.’ Ang saloobing ito ay malinaw na hindi pagiging metikuloso sa anumang bagay. Wala kang malinaw na panig o pananaw sa anumang isyu; magulo ang pananaw mo sa lahat ng bagay. Hindi ka metikuloso at nagbubulag-bulagan ka na lang sa mga bagay-bagay. Kapag sa wakas ay tumayo ka na sa harap ng Diyos at sinuri ang sarili mo, magiging masyadong magulo rin iyon. Bakit? Dahil lagi mong sinasabi na dapat ay huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo. Lubha itong nakapapanatag at nakasisiya, ngunit kasabay nito ay magsasanhi ito sa iyo ng malaking problema, kaya hindi ka magkakaroon ng malinaw na pananaw o panig sa maraming bagay. Siyempre pa, ginagawa ka rin nitong hindi maunawaan nang malinaw kung ano ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa iyo kapag naranasan mo ang mga sitwasyong ito, o kung ano ang resultang dapat mong makamtan. Nangyayari ang mga bagay na ito dahil hindi ka metikuloso sa anumang bagay na ginagawa mo; dulot ito ng iyong magulong saloobin at mga pananaw. Ang hindi paggawa sa iba ng ayaw mong gawin sa sarili mo ba ang mapagparayang saloobing dapat mong taglayin para sa mga tao at bagay? Hindi. Teorya lamang iyon na mukhang tama, marangal, at mabait kung titingnan, ngunit ang totoo ay lubos itong negatibo. Malinaw na lalong hindi ito prinsipyo ng katotohanan na dapat sundin ng mga tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan 10). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang saloobin ko sa pakikisalamuha sa iba. Kapag nakakakita ako ng isyu sa pagharap ng isang tao sa kanyang tungkulin, ayaw kong malinaw na tukuyin ito. Sa panlabas, mukhang nagiging mabait ako, hinahayaan ang iba na manatiling kagalang-galang, at hindi sila ipinapahiya, pero may lihim akong motibo. Dahil madalas na padaskol-daskol din ako sa tungkulin ko at may mga parehong isyu, natatakot akong tukuyin ang mga problema sa iba at kalaunan ay magpakita ng ganoong mismong problema. Hindi ba ako magiging mapagkunwari dahil doon? Makakasama rin sa akin ang pagiging mahigpit sa iba, kung hindi ko hahayaang makaiwas ang sarili sa mga isyu, kaya ayokong seryosohin ang mga problema ng iba, mas pinipili kong pagtakpan ang mga ito. Alam na alam ko na kung palagi silang pabaya sa kanilang mga tungkulin, hindi lamang sila hindi makakakuha ng magagandang resulta o makakagawa ng anumang mabubuting gawa, bagkus ay makakaapekto rin ito sa gawain ng iglesia, makakapagsanhi pa ng malalaking kagambalaan. Bilang superbisor, dapat ay umaako ako ng responsibilidad, nagbabahagi at tumutukoy sa mga isyu ng iba, at kapag kinakailangan, inilalantad, sinusuri, at iwinawasto sila. Subalit para maiwasang mapahiya at maprotektahan ang aking katayuan, nawalan ako ng kahit katiting na pagnanais na isagawa ang katotohanan. Sa panlabas, mukha talaga akong maunawain, pero ang totoo, gusto kong protektahan ang sarili ko at maiwasang banggitin ng iba ang mga problema ko. Kung hindi dahil sa paghahayag ng mga salita ng Diyos, hinding-hindi ko mapagtatanto na ang hindi pagtukoy sa mga problema ng iba, sa katanuyan, ay nagmumula sa pagiging apektado at kontrolado ng mga satanikong pilosopiya. Hinding-hindi ko sana makikita kung gaano ako naging mapanlinlang.

May nabasa ako sa mga salita ng Diyos. “Sa literal na diwa, ang ibig sabihin ng ‘Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo’ ay na kung hindi mo gusto ang isang bagay, o hindi mo gustong gawin ang isang bagay, hindi mo rin dapat ipilit ito sa ibang mga tao. Tila ba matalino at makatwiran ito, ngunit kung gagamitin mo ang satanikong pilosopiyang ito sa pagharap sa bawat sitwasyon, makagagawa ka ng maraming pagkakamali. Malamang na masasaktan, maililigaw, o mapipinsala mo pa nga ang mga tao. Gaya lamang ng kung paanong hindi mahilig mag-aral ang ilang magulang, ngunit gusto nilang mag-aral ang kanilang mga anak, at laging hinihikayat at hinihimok ang mga itong mag-aral mabuti. Kung iaangkop mo rito ang hinihingi na ‘huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo,’ hindi dapat pilitin ng mga magulang na ito ang kanilang mga anak na mag-aral, dahil sila mismo ay hindi nasisiyahan doon. May ibang tao na nananalig sa Diyos, ngunit hindi hinahangad ang katotohanan; subalit sa puso nila ay alam nila na ang pananalig sa Diyos ang tamang landas sa buhay. Kapag nakikita nila na wala sa tamang landas ang kanilang mga anak, hinihimok nila ang mga ito na manalig sa Diyos. Kahit na hindi nila mismo hinahangad ang katotohanan, gusto pa rin nilang hangarin ito ng mga anak nila at pagpalain ang mga ito. Sa ganitong sitwasyon, kung tatratuhin nila ang iba kung paano nila gustong tratuhin sila, hindi dapat pilitin ng mga magulang na ito ang kanilang mga anak na manalig sa Diyos. Magiging alinsunod iyon sa satanikong pilosopiyang ito, ngunit masisira din nito ang pagkakataon ng kanilang mga anak na maligtas. Sino ang responsable sa resultang ito? Hindi ba’t nakasisira sa mga tao ang tradisyonal na kasabihang pangmoralidad na hindi paggawa sa iba ng ayaw mong gawin sa sarili mo? … Hindi ba’t lubos nang napabulaanan ng mga halimbawang ito ang kasabihang ito? Walang anumang tama rito. Halimbawa, ang ilang tao ay hindi nagmamahal sa katotohanan; nagnanasa sila ng mga kaginhawahan ng laman, at naghahanap ng mga paraan para magpakatamad sa pagganap ng kanilang tungkulin. Ayaw nilang magdusa o magbayad ng halaga. Iniisip nila na maganda ang sinasabi ng kasabihang ‘Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo,’ at sinasabi nila sa mga tao, ‘Dapat kayong matutong magsiya. Hindi ninyo kailangang isagawa nang maayos ang inyong tungkulin o maghirap o magbayad ng halaga. Kung maaari kayong magpakatamad, magpakatamad kayo; kung maaari kayong maging pabasta-basta sa isang bagay, gawin ninyo iyon. Huwag ninyong masyadong pahirapan ang sarili ninyo. Tingnan ninyo, ganito ako mamuhay—masarap, hindi ba? Perpekto talaga ang buhay ko! Pinapagod ninyo ang sarili ninyo sa pamumuhay nang ganyan! Dapat kayong matuto sa akin.’ Tumutugon ba ito sa hinihingi na ‘hindi paggawa sa iba ng ayaw mong gawin sa sarili mo’? Kung kikilos ka sa ganitong paraan, isang tao ka ba na may konsiyensiya at katwiran? (Hindi.) Kung mawalan ng konsiyensiya at katwiran ang isang tao, hindi ba’t wala siyang kabutihan? Ang tawag dito ay kawalan ng kabutihan. Bakit ganito ang tawag natin dito? Dahil inaasam nila ang ginhawa, pabasta-basta sila sa kanilang tungkulin, at sinusulsulan at iniimpluwensiyahan nila ang iba na sumama sa kanila sa pagiging pabasta-basta at sa pananabik sa ginhawa. Ano ang problema rito? Ang pagiging pabasta-basta at pagiging iresponsable sa iyong tungkulin ay isang panlalansi at paglaban sa Diyos. Kung patuloy kang magiging pabasta-basta at hindi ka magsisisi, malalantad ka at mapalalayas(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan 10). “Kung minamahal ng mga tao ang katotohanan, magkakaroon sila ng lakas na hangarin ang katotohanan, at makakapagsumikap na isagawa ang katotohanan. Matatalikuran nila ang dapat na talikuran, at mabibitiwan ang dapat na bitiwan. Sa partikular, ang mga bagay na may kinalaman sa iyong sariling kasikatan, pakinabang, at katayuan ay dapat na bitiwan. Kung hindi mo bibitiwan ang mga ito, nangangahulugan ito na hindi mo minamahal ang katotohanan at wala kang lakas para hangarin ang katotohanan. Kapag may nangyayari sa iyo, dapat mong hanapin ang katotohanan. Kung, sa mga oras na iyon na kailangan mong isagawa ang katotohanan, lagi kang may makasariling puso at hindi mo mabitiwan ang iyong pansariling interes, hindi mo maisasagawa ang katotohanan. Kung hindi mo kailanman hinahanap o isinasagawa ang katotohanan sa anumang sitwasyon, hindi ka isang tao na nagmamahal sa katotohanan. Kahit gaano karaming taon ka nang nananalig sa Diyos, hindi mo makakamit ang katotohanan. Ang ilang tao ay palaging hinahangad ang kasikatan, pakinabang, at pansariling interes. Anumang gawain ang isinasaayos ng iglesia sa kanila, lagi silang nag-iisip nang mabuti, ‘Makikinabang ba ako rito? Kung oo, gagawin ko ito; kung hindi, hindi ko ito gagawin.’ Ang ganitong tao ay hindi nagsasagawa ng katotohanan—kaya magagampanan ba nila nang maayos ang tungkulin nila? Hinding-hindi. Kahit na hindi ka gumagawa ng masama, hindi ka pa rin isang taong nagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, hindi minamahal ang mga positibong bagay, at anumang mangyari sa iyo, pinapahalagahan mo lang ang sarili mong reputasyon at katayuan, ang iyong pansariling interes, at kung ano ang nakabubuti para sa iyo, kung gayon ay isa kang tao na pansariling interes lang ang motibasyon, at ikaw ay makasarili at walang dangal. … Kung hindi kailanman isinasagawa ng mga tao ang katotohanan matapos ang maraming taong pananalig sa Diyos, isa sila sa mga walang pananampalataya, sila ay masasama. Kung hindi mo kailanman isinasagawa ang katotohanan, kung lalo pang dumarami ang mga paglabag mo, nakatakda na ang katapusan mo. Makikita nang malinaw na ang lahat ng iyong paglabag, ang maling landas na tinatahak mo, at ang pagtanggi mong magsisi—ang lahat ng ito ay nagsasama-sama at nagiging sangkaterbang masasamang gawa; kaya naman ang katapusan mo ay na mapupunta ka sa impiyerno, at mapaparusahan ka(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Hindi ko maiwasang manginig sa inihahayag ng mga salita ng Diyos. Ang pagbatay sa mga pakikipag-ugnayan sa “Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo” ay pinagmukha akong maunawain sa iba, pero sa katunayan, pinipinsala ko sila. Hindi ako nagsasagawa o pumapasok sa mga salita ng Diyos o sa Kanyang mga hinihingi. Kinukunsinti ko ang iba sa kanilang mga problema, hindi hinihiling sa kanila na isagawa ang salita ng Diyos, na para bang dapat lang silang maging katulad ko, hindi naghahanap ng pag-usad, negatibo, at napakasama. Iresponsable ang paggawa ng mga bagay sa ganoong paraan. Ito ay pagiging mapagpasaya ng mga tao. Ito ay hindi tama at walang kabutihan. Ganoon ang inaasal ko. Hindi ko mahal ang katotohanan, at hinahangad ko lang na gawing panatag ang sarili ko. Ayaw kong seryosohin ang tungkulin ko o maging detalyado. Maraming iba’t ibang isyu at paglihis sa tungkulin ko, pero natatakot akong ilantad ang aking mga pagkakamali. Umasa akong hindi masyadong magiging mahigpit sa akin ang lider at ang kapareha ko. Natatakot din ako na kung masyado akong prangka sa iba, kakailanganin kong magpakita ng halimbawa at tanggapin ang kanilang pangangasiwa, na hindi magpapadali sa buhay ko. Kaya gusto kong protektahan ang iba at tulutan silang maging katulad ko, hindi binabanggit ang mga problemang napansin nila, at hindi binabantayan ang isa’t isa. Bago makamit ang katotohanan, may gawi na ang mga tao na sundin ang kanilang mga tiwaling disposisyon sa buhay, nagpapakatamad at nagiging pabasta-basta sa kanilang mga tungkulin. Sa ganitong pagkakataon pinakahigit na kinakailangan ng pangangasiwa at paggabay sa isa’t isa. Magandang bagay ito, at pinoprotektahan nito ang gawain ng iglesia. Bilang superbisor, dapat pinangunahan ko talaga ang pagsasagawa ng katotohanan, pero bukod sa hindi pagiging isang mabuting halimbawa, tinulutan ko ang lahat na maging padaskol-daskol at hindi magsikap na umusad, tulad ko. Sa diwa, nasusuya ako sa katotohanan, at ayaw kong tanggapin ito. Nangunguna ako sa pagiging pabaya at pandaraya sa Diyos. Hindi ko lang hindi ginagawa nang maayos ang tungkulin ko, pinipinsala ko rin ang mga kapatid ko. Habang mas pinagninilayan ko ito, mas nakikita kong mas malubha itong isyu kaysa sa inaakala ko. Para protektahan ang reputasyon at katayuan ko, binalewala ko ang gawain ng iglesia at ang pagpasok ng mga kapatid sa buhay. Napakamakasarili ko at ubod ng sama. Naunawaan ko rin kung bakit sinasabi ng Diyos na ang mga taong ganoon ay walang pananampalataya, na sila ay masasamang tao na nanlilinlang para makapasok sa sambahayan ng Diyos. Ito ay dahil ang tanging nasa puso nila ay ang kanilang mga sarili—hindi nila iniisip ang gawain ng iglesia. Umaasa ang Diyos na maisasagawa nating lahat ang katotohanan, magsasalita at kikilos nang may prinsipyo. Pero hindi ko mahal ang katotohanan. Umasa ako na poprotektahan ng lahat ang bawat isa, at walang sinuman ang magsasagawa sa katotohanan. Ginagawa ko ang kabaligtaran ng ninanais ng Diyos—ito ay paggawa ng masama. Akala ko noon na ang sadyang paggambala lang sa gawain ng iglesia ang paggawa ng masama na kasusuklaman ng Diyos, pero nakita ko noon na ang pagprotekta sa sarili mong mga interes sa bawat pagkakataon, pagsasalita at pagkilos dahil sa katiwalian, at hindi pagsasagawa sa katotohanan ay paggawa rin ng masama. Nang mapagtanto ito, agad akong nagdasal sa Diyos sa pagsisisi: “Diyos ko, isa akong superbisor, pero hindi ko isinasagawa ang katotohanan. Para protektahan ang reputasyon at katayuan ko, ginusto kong protektahan ng lahat ang isa’t isa. Wala akong konsensya o katwiran, at hindi ako karapat-dapat sa tungkuling ito. Diyos ko, gusto ko pong magsisi at magbago.” Pagkatapos magdasal, inilista ko ang lahat ng kamakailang problema ng iba sa mga tungkulin nila. Natigilan ako nang makita ko ang mga detalye ng lahat ng isyung ito. Ilang tao ang naging iresponsable at pabaya sa kanilang tungkulin, na nangangahulugan na kailangang gawing muli ang ilang gawain. Talagang hindi ako naging komportable nang makita ko ang sunod-sunod na problema. Hindi ko akalain na napakaraming problema sa mga tungkulin ng bawat isa. Pero naisip ko pa rin na pwede kong pabayaan ang mga bagay-bagay, pinagbibigyan ang iba at ang sarili ko. Wala akong pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Kung nagpatuloy ang mga bagay nang ganoon, magiging kasalanan kong lahat ang mga pagkaantala sa gawain namin.

Nang gabing iyon, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na maunawaan ang aking asal. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Anuman ang ginagawa nila, isinasaalang-alang muna ng mga anticristo ang sarili nilang mga interes, at kumikilos lang sila kapag napag-isipan na nilang lahat iyon; hindi nila tunay, taos, at talagang sinusunod ang katotohanan nang walang pakikipagkompromiso, kundi ginagawa nila ito nang may pagpili at may kondisyon. Anong kondisyon ito? Ito ay na dapat maingatan ang kanilang katayuan at reputasyon, at hindi sila dapat mawalan ng anuman. Kapag natugunan ang kondisyong ito, saka lang sila magpapasya at pipili kung ano ang gagawin. Ibig sabihin, pinag-iisipang mabuti ng mga anticristo kung paano tatratuhin ang mga prinsipyo ng katotohanan, ang mga atas ng Diyos, at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, o kung paano haharapin ang mga bagay na kaharap nila. Hindi nila isinasaalang-alang kung paano tuparin ang kalooban ng Diyos, kung paano iingatang huwag mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung paano mapapalugod ang Diyos, o kung paano makikinabang ang mga kapatid; hindi ang mga ito ang isinasaalang-alang nila. Ano ang isinasaalang-alang ng mga anticristo? Kung maaapektuhan ba ang sarili nilang katayuan at reputasyon, at kung bababa ba ang kanilang katanyagan. Kung ang paggawa ng isang bagay ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid, subalit magdurusa naman ang sarili nilang reputasyon at mapagtatanto sa maraming tao ang kanilang tunay na tayog at malalaman kung anong uri ng kalikasan at diwa ang mayroon sila, kung gayon, tiyak na hindi sila kikilos alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kung ang paggawa ng praktikal na gawain ay magiging sanhi para maging mataas ang tingin sa kanila, tingalain sila at hangaan sila ng mas maraming tao, o magkaroon ng awtoridad ang kanilang mga salita at mas maraming tao pa ang magpasakop sa kanila, kung gayon ay pipiliin nilang gawin ito sa ganoong paraan; kung hindi naman, hinding-hindi nila pipiliin na isantabi ang sarili nilang mga interes para ikonsidera ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o ng mga kapatid. Ganito ang kalikasan at diwa ng mga anticristo. Hindi ba makasarili at napakasama nito? Sa anumang sitwasyon, itinuturing ng mga anticristo na pinakamahalaga ang kanilang katayuan at reputasyon. Walang sinumang maaaring makipagkumpitensya sa kanila. Anumang pamamaraan ang kailangan, basta’t naaakit at napapasamba nito ang mga tao sa kanila, gagawin ito ng mga anticristo. … Sa madaling salita, ang layunin at motibo sa likod ng lahat ng ginagawa ng isang anticristo ay umiinog sa dalawang bagay na ito—katayuan at reputasyon. Ang diretsahan man niyang paraan ng pagsasalita, pagkilos, o pag-uugali, o isang uri man ng pag-iisip at pananaw o paraan ng paghahanap, umiinog ang lahat ng ito sa kanyang reputasyon at katayuan. Ganito ang paraan ng paggawa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay para protektahan ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Hindi nila kailanman isinasaalang-alang kung paano protektahan ang gawain ng iglesia o kung ano ang makakabuti sa kanilang mga kapatid. Mas gugustuhin nilang makitang naaapektuhan ang gawain ng iglesia kaysa ilagay sa panganib ang kanilang mga pansariling interes. Masyado nilang binibigyang-halaga ang reputasyon at katayuan. Sa pagninilay ko, nakita ko na kumilos ako tulad mismo ng isang anticristo. Kapag nahaharap sa isang bagay, lagi kong inuuna ang aking mga interes, reputasyon, at katayuan. Nang makita ko na may mga taong nagiging pabaya sa kanilang tungkulin, alam kong dapat ko itong tukuyin at iwasto sila para makita nila ang kanilang mga problema at makilala ang kanilang katiwalian. Pero ayaw kong mapasama ang loob ninuman, at gusto kong protektahan ang sarili ko, kaya hindi ko isinagawa ang katotohanan. Wala akong masabi na isang salita na naaayon sa katotohanan. Sa halip, nag-isip ako nang husto para matiyak na makakaiwas ako sa problema. Talagang tuso ako at mapanlilang, isang mapagpasaya ng mga tao na nagnanais na gumitna sa mga usapin. Patuloy ko lang hinahangad ang kasikatan at katayuan, pinoprotektahan ang sarili kong mga interes, tinutulutan ang iba na gawin ang kanilang mga tungkulin dahil sa katiwalian, hindi iniisip ang gawain ng iglesia. Nasa landas ako ng isang anticristo. Kung nagpatuloy ako sa ganoong landas, tiyak na ilalantad at palalalyasin ako ng Diyos. Ipinakita sa akin ng pagkakatantong ito kung gaano kabigat ang problemang ito. Nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako para mabitiwan ko ang kasikatan at katayuan, maitaguyod ang gawain ng iglesia, at matupad ang aking mga responsibilidad.

Marami pa akong binasang salita ng Diyos pagkatapos niyon. “Hindi ipinag-uutos ng Diyos na gawin lamang ng mga tao ang nais nilang gawin ng iba sa kanila, sa halip ay hinihiling Niya sa mga tao na maging malinaw sa mga prinsipyong dapat nilang sundin kapag nahaharap sila sa iba’t ibang sitwasyon. Kung tama at naaayon ito sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, kailangan mong kumapit dito. At bukod sa kailangan mong kumapit dito, kailangan mo ring pagsabihan, hikayatin, at bahaginan ang iba, upang maunawaan nila kung ano ba mismo ang kalooban ng Diyos, at kung ano ang mga prinsipyo ng katotohanan. Ito ay iyong responsabilidad at obligasyon. Hindi hinihiling sa iyo ng Diyos na hindi ka manindigan, at lalong hindi Niya hinihinging ipagpasikat mo kung gaano ka kabuti. Dapat kang kumapit sa mga bagay na ipinayo at itinuro ng Diyos sa iyo, at ang tinutukoy ng Diyos sa Kanyang mga salita: ang mga kinakailangan, ang pamantayan, at ang mga prinsipyo ng katotohanan na dapat sundin ng mga tao. Hindi ka lamang kailangang kumapit sa mga iyon, kundi kailangan mong kumapit sa mga iyon magpakailanman. Kailangan mo ring magsagawa sa pamamagitan ng pagiging halimbawa, gayundin ay hikayatin, pangasiwaan, tulungan, at gabayan ang iba na kumapit, sumunod, at isagawa ang mga prinsipyong ito ng katotohanan sa parehong paraan na ginagawa mo. Hinihingi ng Diyos na gawin mo ito; hindi Niya hinihingi na pagbigyan mo ang sarili mo o ang ibang mga tao. Hinihingi ng Diyos na manindigan ka nang tama sa mga isyu, kumapit ka sa mga tamang tuntunin, at alamin mo kung ano mismo ang mga pamantayan sa mga salita ng Diyos, at na malaman mo kung ano mismo ang mga prinsipyo ng katotohanan. Kahit pa hindi mo ito maisakatuparan, kahit pa ayaw mong gawin ito, hindi mo ito gusto, mayroon kang mga haka-haka, o nilalabanan mo ito, kailangan mong ituring ito bilang responsabilidad mo, bilang obligasyon mo. Kailangan mong makipagbahaginan sa mga tao tungkol sa mga positibong bagay na nagmumula sa Diyos, sa mga bagay na tama at wasto, at gamitin ang mga iyon para matulungan, maimpluwensiyahan, at magabayan ang iba, upang makinabang at tumatag ang mga tao dahil dito, at tumahak sila sa tamang landas sa buhay. Ito ay iyong responsabilidad, at hindi ka dapat magmatigas na kumapit sa ideya na ‘ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo’ na naitanim ni Satanas sa isipan mo. Sa mga mata ng Diyos, ang kasabihang iyan ay isa lamang pilosopiya sa pamumuhay; isa ito sa mga panlalansi ni Satanas; hindi ito ang tamang landas, ni hindi ito isang positibong bagay. Ang hinihingi lamang sa iyo ng Diyos ay maging isa kang matuwid na tao na malinaw na nauunawaan kung ano ang kanyang dapat at hindi dapat gawin. Hindi Niya hinihiling sa iyo na maging mapagpalugod ng mga tao o maging isang taong hindi makapanindigan; hindi Niya hiniling sa iyo na wala kang panigan. Kapag ang isang bagay ay tungkol sa mga prinsipyo ng katotohanan, kailangan mong sabihin ang kailangang sabihin, at unawain ang kailangang unawain. Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang isang bagay ngunit nauunawaan mo ito, at maaari mo siyang gabayan at tulungan, kailangang-kailangan mong tuparin ang responsabilidad at obligasyong ito. Kailangan ay hindi ka lamang tumayo-tayo sa tabi at manood, at lalong hindi ka dapat kumapit sa mga panlalansi na naitanim ni Satanas sa iyong isipan tulad ng hindi paggawa sa iba ng ayaw mong gawin sa sarili mo. … Kung lagi mo itong susundin, isa kang taong namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya; isang taong ganap na nabubuhay sa isang satanikong disposisyon. Kung hindi mo susundan ang daan ng Diyos, hindi mo mahal o hinahangad ang katotohanan. Anuman ang mangyari, ang prinsipyong dapat mong sundin at ang pinakamahalagang bagay na kailangan mong gawin ay ang tulungan ang mga tao hangga’t kaya mo. Hindi mo dapat gawin ang sinasabi ni Satanas na gawin lamang sa kapwa mo ang nais mong gawin sa iyo, o maging isang ‘matalino’ na mapagpalugod ng mga tao. Ano ang ibig sabihin ng tulungan ang mga tao hangga’t kaya mo? Ang ibig sabihin nito ay pagtupad sa iyong mga responsabilidad at obligasyon. Sa sandaling makita mo na bahagi ng iyong mga responsabilidad at obligasyon ang isang bagay, dapat kang magbahagi tungkol sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ito ang ibig sabihin ng pagtupad sa iyong mga responsabilidad at obligasyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan 10). Mula sa mga salita ng Diyos ay nakita ko na ang hindi paggawa sa iba ng hindi mo gustong gawin sa iyo ay isang taktika, isang pakana na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali at kontrolin ang pag-iisip ng mga tao para mamuhay sila ayon sa mga satanikong pilosopiya, hindi isinasagawa ang katotohanan sa kanilang mga pakikipag-ugnayan. Nangungunsinti sila at binibigyang luwag ang isa’t isa. Kung mamumuhay ang lahat ayon sa kanilang tiwaling disposisyon, makukuha ni Satanas ang kontrol at magiging mas makapangyarihan ang kasamaan. Sa huli, tatalikdan sila ng Banal na Espiritu. Bagamat hindi ko pa kayang isakatuparan o isagawa ang mga salita ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi, kailangan kong tuparin ang aking mga responsibilidad at ibahagi sa iba ang kaliwanagan at pagkaunawa ko sa mga salita ng Diyos. Kung makakakita ako ng mga taong lumalabag sa mga prinsipyo ng katotohanan sa kanilang mga tungkulin, sa halip na magpakita ng saloobin ng pagiging maluwag at mapagparaya, kailangan kong maging maprinsipyo, tumulong sa iba sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagpuna. Saka lang ako makapagtataguyod sa gawain ng iglesia at makatutupad sa aking tungkulin. Kailangan ko ring tumayo bilang halimbawa ng pagsasagawa sa katotohanan. Totoong may mga problema sa tungkulin ko, pero hindi ko pwedeng pagbigyan lang ang sarili ko, magpanggap, o takasan ang realidad. Kung gagawain ko iyon, hinding-hindi ako uusad. Dapat maagap kong aminin ang mga isyu ko, tanggapin ang pangangasiwa ng iba, at seryosohin ang tungkulin ko. Napagtanto ko rin na ang ideyang kailangan wala kang mga pagkakamali at mga isyu para pumuna ng iba ay hinding-hindi naaayon sa katotohanan—ito ay paglalagay sa sarili mo sa pedestal. Isa lang akong tiwaling tao na may malubhang satanikong disposisyon. Madalas akong lumalabag sa mga prinsipyo ng katotohanan sa aking tungkulin, at kailangang sumailalim sa paghatol at pagtabas ng Diyos. Kailangan ko rin ng pangangasiwa ng mga kapatid. Kung mas maraming problema ang lumitaw, kailangan kong harapin ang mga ito, hindi patuloy na takbuhan ang mga ito. Nakapagbibigay-liwanag sa akin na mapagtanto ito, at nakahanap ako ng landas para sa pagsasagawa. Sa sumunod na pagtitipon, una kong tinalakay ang mga kamakailang isyu na mayroon sa aking tungkulin, inilalantad at sinusuri ang aking kapabayaan, at hiniling sa lahat na bantayan ako. Sinabi ko rin sa kanila na hayaan itong magsilbing babala. Sa wakas, pinuna ko rin ang dalawa sa mga kapatid na naging pabaya at nagbahagi sa mga kahihinatnan ng pagkabigong magbago. Talagang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong gawin iyon.

Nakaaantig talaga para sa akin nang ang isang brother na iwinasto ko ay kinilala ang kanyang problema dahil pinuna ko siya nang ganoon, at pinadalhan niya ako ng mensahe na nagsasabing, “Kung hindi ako inilantad at iwinasto nang ganoon, magiging ganap akong walang kamalayan sa isyu ko. Salamat sa pagtulong sa akin nang ganito. Ngayon gusto ko talagang magnilay-nilay at pumasok sa katotohanan.” Labis akong naantig ng mensaheng ito. Dati, ayaw kong winawasto at nilalantad, kaya mas ayaw kong gawin iyon sa iba, pero sa katunayan, hindi iyon nakabubuti para sa kanila. Talagang pinagsisihan ko ang pagprotekta sa aking sariling reputasyon at katayuan, laging pinagbibigyan at kinukunsinti ang mga problema ng bawat isa sa kanilang mga tungkulin, at hindi tinutupad ang tungkulin at mga responsibilidad ko. Pakiramdam ko ay may utang ako sa Diyos, at sa mga kapatid. Napagtanto ko rin na ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos ang prinsipyong dapat nating isabuhay. Ang magawang tukuyin nang diretshan ang mga problema sa iba ay nakatutulong sa kanila—at nakabubuti rin sa ating mga sarili. Pero ang hindi paggawa sa iba ng kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo ay talagang isang satanikong kabulaanan na nakapipinsala sa mga tao. Nakita ko rin na ang laging pagkatakot na maiwasto kapag lumilitaw ang mga problema sa tungkulin ko ay nangangahulugang hindi ko nauunawaan ang kahalagahan ng naiwawasto. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang pangangasiwa sa mga tao, pagbabantay sa kanila, pagkilala sa kanila—lahat ng ito ay para tulungan silang pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, para bigyan sila ng kakayahang gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos at ayon sa prinsipyo, upang hindi sila makagulo o makagambala, upang hindi sila magsayang ng panahon. Ang layon ng paggawa nito ay lubos na dahil sa responsibilidad sa kanila at sa gawain ng sambahayan ng Diyos; walang masamang hangarin doon(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa). Totoo iyon. Lahat tayo ay may mga tiwaling disposisyon at lahat tayo ay malamang na maging padaskol-daskol at mapanlinlang sa ating tungkulin. Kung walang mangangasiwa at magsisiyasat sa gawain natin, o magbibigay ng pagbabahagi at pagpupuna para sa ating mga problema, hindi tayo makakapagtrabaho nang maayos. Kukunsintihin lang natin ang sarili nating kaginhawahan, o walang pakundangan pa ngang gagawa ng isang bagay na makagagambala sa gawain ng iglesia. Kaya, kapag pinangangasiwaan ng mga lider ang gawain o nagbibigay ng pagpuna, sila ay nagiging responsable sa kanilang tungkulin, at ito ay para itaguyod ang gawain ng iglesia. Mabuti rin ito para sa ating pagpasok sa buhay, hindi para pahirapan tayo. Pero isa akong superbisor na sumusnod sa satanikong ideya ng “hindi paggawa sa iba ng ayaw mong gawin sa sarili mo.” Nakita ko ang mga isyu sa mga tungkulin ng iba pero nanatili akong mabait sa lahat. Hindi ako nagbahagi, tumulong, o nagwasto kaninuman, bagkus ay pinagbigyan at pinrotektahan sila. Ito ay iresponsable, bukod pa sa nakapipinsala sa iba at sa iglesia. Binago ng karanasang ito ang maling ideya ko at ipinakita sa akin ang kahalagahan ng pangangasiwa at pagkalantad.

Talagang nakaaantig sa akin ang karanasang ito. Nakita ko na kapag namumuhay tayo ayon sa mga satanikong pilosopiya, lahat ng ideya natin ay mali. Hindi natin mapag-iiba ang tama sa mali, at hindi natin alam kung ano ang naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at mga hinihingi ng Diyos. Madaling sundin ang mga satanikong pilosopiya at gumawa ng mga bagay na nakagagambala sa gawain ng iglesia. Ang pagtanaw lang sa mga bagay at pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos ang naaayon sa Kanyang kalooban. Natikman ko rin ang tamis ng pagsasagawa ng katotohanan at nagkaroon ng lakas ng loob na tumuon sa paggawa ng kung ano ang hinihingi ng Diyos sa hinaharap. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanging sa Pag-unawa ng Katotohanan Mo Tunay na Makikilala ang Iyong Sarili

Sa sandaling ginawang tiwali ni Satanas ang isang tao, ang kanyang kalikasan ay nagiging kalikasan ni Satanas. Anuman ang pagnanalita, pagkilos, o saloobin, lahat ng mga ito ay dominado ng kalikasan ng tao. Maaaring pakitunguhan ng isang tao ang kanyang tiwaling disposisyon at unti-unti itong baguhin, kung kikilalanin lamang niya ang kanyang kalikasan.