Ang Masasamang Kahihinatnan ng Pagpoprotekta sa Sarili
Ni Xiaowei, TsinaInilipat si Sister Guan Xin para kumustahin ang gawain ng aming iglesia noong 2019. Nakilala ko siya dalawang taon nang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong Nobyembre 2024, nagsasala ako ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan sa iglesia. Isang araw, dumating ang superbisor namin sa pagtitipon ng aming pangkat at sinabi niya na batay sa mga artikulong isinumite namin kamakailan, nakita niyang hindi pa namin masyadong naarok ang ilang prinsipyo. Gusto niyang magsuri ng ilang artikulo kasama namin para sabay-sabay naming maunawaan nang husto ang mga prinsipyo. Pumili siya ng ilang artikulo at hiniling sa bawat isa sa amin na suriin ang mga iyon at pagkatapos ay ibahagi ang aming mga komento batay sa mga prinsipyo. Nang marinig kong kailangan naming isa-isang sabihin ang aming mga opinyon, nagsimula akong kabahan. Naisip ko, “May ilang artikulong nasala ko kamakailan na may mga malinaw na problema. Ginagamit niya kaya ito para makita kung naarok ko na ang mga prinsipyo, para makita kung angkop ako sa tungkuling ito? Kapag nalaman niyang hindi ko pa naaarok ang mga prinsipyo, tiyak na ipatatanggal niya ako.” Pagkatapos noon, hindi ko na mapatahimik ang puso ko para magbasa ng mga artikulo. Patuloy ko na lang inisip kung paano makapagbibigay ng mas komprehensibong sagot, at kung ano ang sasabihin para hindi malantad ang sarili kong mga kakulangan. Pagkatapos naming basahin ang unang artikulo, unang nagbahagi si Zhang Yan ng kanyang perspektiba. May tinukoy siyang isang isyu na hindi ko napansin. Nang makita kong tumango ang superbisor bilang pagsang-ayon, naisip ko, “Mukhang tama ang punto ni Zhang Yan. Kapag ako na ang magsasalita, idadagdag ko rin ang aspektong iyon para maging mas kompleto ang sagot ko. Sa ganoong paraan, hindi iisipin ng superbisor na wala akong kakayahan.” Sumunod, tinawag ako ng superbisor. Ibinahagi ko ang mga isyung nakita ko at tiniyak kong idagdag ang puntong sinabi ni Zhang Yan. Nang sa wakas ay sinuri ng superbisor ang artikulong ito na iniuugnay ang mga prinsipyo, sinabi niyang angkop ang perspektiba ni Zhang Yan. Medyo nakahinga ako nang maluwag, pero hindi rin ako mapakali. Medyo nakokonsensiya ako. Pagkatapos, binanggit ng superbisor ang iba pang mga isyu na hindi ko napansin. Agad akong napaisip, “Hindi ko man lang napansin ang gayon kasimpleng mga problema. Siguradong iniisip ng superbisor na napakababa talaga ng kakayahan ko para hindi ko mapansin ang ganoon kalinaw na mga problema kahit na ilang taon na akong gumagawa ng tungkuling nakabatay sa teksto. Kailangan kong maging mas maingat sa susunod na magpapahayag ako ng aking opinyon.” Habang sinisimulan namin ang kasunod na artikulo, matagal bago kumalma ang puso ko; hindi ko maialis sa isip ko ang hindi magandang sagot ko kanina tungkol sa naunang artikulo. Hindi nagtagal, nagsimula akong antukin at hindi ko na talaga nasundan ang natitirang bahagi ng artikulo. Sa panahon ng talakayan, nang tanungin ng superbisor ang aking opinyon, kaunti lang ang nasabi ko. Pagdating sa pagtukoy kung anong mga problema ang mayroon sa pagkaunawa ng may-akda, nautal lang ako at parang ang tagal bago ako nakapagsalita. Noong una, sasabihin ko na sanang naidlip ako at hindi ko talaga naintindihan, pero pagkatapos ay nag-alala ako na kapag nakita ng superbisor na inaantok ako kahit sa ganitong sitwasyon, baka isipin niyang nasa masama akong kalagayan at wala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nangyari iyon, siguradong malapit na akong matanggal. Kaya, mabilis kong sinubukang pagtakpan ang sarili ko, at sinabi: “Sandali lang, hinahanap ko kung saan ko isinulat ang isyung nakita ko.” Nag-scroll ako gamit ang mouse, mabilis na pinapasadahan ang artikulo, nagmamadali ang isip kong makahanap agad ng isang mahalagang isyu na maisasagot sa superbisor. Sa huli, nainip ang superbisor at sinabing, “Sabihin mo lang kung ano ang nakita mo. Bakit masyado kang nahihirapang sumagot?” Dahil wala nang ibang magawa, sa huli ay umamin na ako, “Nawala ang isip ko at medyo inantok ako. Hindi ko na talaga nasundan.” Pagkatapos ay hiniling na lang ng superbisor sa isa pang sister na magbahagi ng pananaw nito. Sobrang napahiya ako sa sandaling iyon. Hindi mapalagay ang loob ko, at nag-aalala ako na baka ipatanggal ako ng superbisor dahil sa paggampan ko kamakailan. Pagkalipas lang ng ilang oras, pagod na pagod na ang isip ko. Ayoko nang ituloy pa ang pagsasala ng mga artikulo at pag-aaral ng mga propesyonal na kasanayan kasama ang superbisor.
Kalaunan, nagsimula akong magnilay-nilay, “Nagsasala ng mga artikulo at nakikipagbahaginan ng mga prinsipyo ang superbisor kasama namin. Hindi ba’t magandang pagkakataon ito para mapunan ang mga pagkukulang ko? Bakit masyado akong kinakabahan at pagod na pagod?” Sakto noong panahong iyon, inilabas ang mga pinakabagong salita ng Diyos. Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag nakikipag-usap Ako sa mga tao, kung minsan ay nagtatanong ng ilang katanungan, ang ilang taong may komplikadong pag-iisip ay nagbubulay-bulay, ‘Napakadirekta ng Iyong tanong. Hindi ko alam kung ano ang ibig Mong sabihin sa pagtatanong nito. Kailangan kong mag-ingat sa aking sagot!’ Sinasabi Ko, nagkakamali ka. Sinuman ang kausapin Ko o anuman ang mga itanong Ko, ang pinakalayunin ay laging tuklasin at lutasin ang mga problema, tulungan at gabayan ka, at tulungan kang lutasin ang mga problema. Una, hindi ito para ilantad ka at ipahiya. Ikalawa, hindi ito para subukin kung nagsasabi ka ng totoo o kung ikaw ay isang taong totoo. Ikatlo, hindi ito para lansihin ka para ibunyag mo ang iyong tunay na sitwasyon. Ikaapat, lalong hindi ito para subukin kung kaya mong gawin ang gawain o kung makakagawa ka ng aktuwal na gawain. Sa katunayan, paano man Ako makipag-usap sa iyo, lahat ng ito ay para tulungan at gabayan kang tuparin ang iyong tungkulin, gawin nang maayos ang gawain, at lutasin ang mga problema. Masyadong pinag-iisipan ng ilang tao ang Aking mga simpleng tanong, takot na takot na mayroon itong kung anong nakatagong kahulugan. Ang ilan ay naghihinala pa nga na nagpapakana Ako laban sa kanila. Malinaw na gusto kitang tulungang lutasin ang mga problema, ngunit mali ang inaakala mo na nagpapakana Ako laban sa iyo. Hindi ba’t pag-aagrabyado ito sa Akin? (Oo.) Kaya ano ang isyu rito? Ang puso ng tao ay mapanlinlang! Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao nang malakas, ‘Ikaw ang Diyos, kailangan kong sabihin sa Iyo ang katotohanan, at maging tapat sa Iyo. Sumusunod ako sa Iyo, nananampalataya ako sa Iyo!’ sa kaibuturan, hindi sila ganoon mag-isip. Gaano man kaordinaryo at kasimple ang Aking mga tanong, madalas itong binibigyang-kahulugan ng mga tao sa sobrang sensitibong paraan. Sa pamamagitan ng kanilang mga haka-haka at sa kanilang pagsisiyasat, dumadaan sila sa maraming liko-liko at tila natatagpuan ang pinal na sagot, ngunit sa realidad, malayo ito sa orihinal na intensyon ng Aking mga salita. Malinaw na isa itong napakasimpleng tanong, ngunit masyado nila itong pinag-iisipan. Hindi ba’t sobrang sensitibo ng gayong mga tao? Anuman ang itanong Ko, nagugulo ang kanilang puso matapos itong marinig: ‘Bakit Mo ito tinatanong? Paano ako sasagot sa paraang masisiyahan Ka at hindi ako magbubunyag ng anumang mga kapintasan? Ano ang dapat kong unang sabihin, at ano ang isusunod?’ Sa loob ng tatlo hanggang limang segundo, lumalabas ang mga salita, nang walang anumang pagkaantala. Mas mabilis pa sa computer ang kanilang isip. Bakit napakabilis? Ang totoo, ang prosesong ito ay naging pangkaraniwan na sa kanila; ito ang kanilang karaniwang panlalansi at estilo sa pakikitungo sa mga tao at pangangasiwa ng mga bagay-bagay. Nagpapakana sila laban sa lahat. Kaya, gaano man kasimple ang Aking mga tanong, masyado nila itong pinag-iisipan, naniniwalang mayroon Akong kung anong motibo o layunin. Pinagbubulay-bulayan nila sa kanilang puso, ‘Kung sasagot ako nang totoo, hindi ba’t malalantad ko ang tunay kong sitwasyon? Katumbas iyon ng pagkakanulo sa aking sarili. Hindi ko hahayaang malaman Mo ang tunay kong kalagayan. Kaya paano ako sasagot nang angkop? Paano kita mapapasaya at matutugunan, paano Ka magkakaroon ng magandang impresyon sa akin, at paano Mo ako patuloy na gagamitin?’ Tingnan ninyo kung gaano kamapanlinlang ang mga taong ito! Masyadong komplikado ang isipan ng mga taong ito. Paano man Ako makipag-usap sa kanila, magdududa sila at magsisiyasat. Makakapagsagawa ba ng katotohanan ang gayong mga tao? Maaari ba silang maging angkop para sa paggamit ng Diyos? Hinding-hindi. Ito ay dahil masyadong komplikado ang isipan ng gayong mga tao, at hindi talaga simple; sinumang nakikipag-ugnayan sa kanila nang matagal ay makikita ito” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (26)). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, pakiramdam ko ay inilarawan nito ang mismong kalagayan ko. Bagama’t inilalantad ng Diyos ang mga iniisip at ideya na ibinubunyag ng mga tao kapag nakikipag-ugnayan kay Cristo, napagtanto ko na madalas kong ibunyag ang parehong mentalidad kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba. Naisip ko kung paanong sinabi sa amin ng superbisor mula sa simula na nagsasala siya ng mga artikulo kasama namin para tulungan kaming matutunan ang mga prinsipyo, at na ang paghingi ng aming mga perspektiba ay isang paraan para maunawaan ang aming mga pagkukulang at paglihis para makapag-alok siya ng espesipikong pakikipagbahaginan at pagtulong. Pero sobrang komplikado ng isip ko. Palagi kong pinagdududahan ang kanyang mga motibo, ipinapalagay na sinusubok niya ang pagkaarok namin sa mga prinsipyo at sinusubukang tukuyin kung angkop kami para sa tungkuling ito. Kumbinsido ako na kapag nalaman niyang masyado akong maraming pagkukulang, ipatatanggal niya ako. Para hindi malantad ang aking mga pagkukulang, hindi ako sumagot nang totoo tungkol sa bilang ng mga problemang nakita ko nang ipahayag ko ang aking opinyon. Sa halip, ginawa ko ang lahat para isipin ng superbisor na mayroon akong mahusay na pagkaarok sa mga prinsipyo at komprehensibong pananaw sa anumang problema. Umabot pa sa puntong kinopya ko ang punto ni Zhang Yan. Noong sinusuri namin ang pangalawang artikulo, malinaw na nakaidlip ako at wala akong natukoy na anumang isyu, at dapat sana ay naging matapat na lang ako tungkol dito. Ngunit natakot ako na kung sasabihin ko ang katotohanan, mas sasama pa ang impresyon sa akin ng superbisor, kaya nagsinungaling ako at sinabing nakalimutan ko kung saan ko isinulat ang isyung nakita ko. Nagkunwari pa akong hinahanap ito, na sinayang lang ang oras ng lahat. Ang totoo, nang hingin ng superbisor ang opinyon ko, ang kailangan ko lang gawin ay sumagot nang totoo. Kung mali ako, maaari ko namang suriin ang paglihis ko at itama ito. Pero masyadong komplikado ang isip ko: Palagi kong sinusubukang hulaan ang mga intensyon ng superbisor. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang bawat pangungusap sa isip ko bago ako magsalita. Habang nagninilay ako, napagtanto ko na naipakita ko na rin ang pagpapamalas na ito noon. Noong una akong nagsimula sa tungkuling ito, sa tuwing hinihingi ng lider ang aking mga saloobin sa ilang mga isyu, labis akong kinakabahan. Hindi ko namamalayang sinusubukan kong hulaan kung tinatasa niya ba ang aking kakayahan at abilidad na tingnan ang mga bagay-bagay, para matantiya kung angkop ba ako para sa tungkulin. Mabilis kong pinagninilayan sa puso ko kung paano magsasalita sa paraang hindi ako makikilatis ng lider. Kailangan kong labis na pag-isipan ang bawat salita, at nakapapagod mamuhay nang ganoon. Nakita ko na hindi lang ito isang panandaliang pagbubunyag ng mapanlinlang na disposisyon, kundi palagi akong namumuhay sa isang kalagayan ng pagkakalkula. Ang mismong kalikasan ko ay mapanlinlang. Naisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ‘Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anumang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Sinabi rin ng Makapangyarihang Diyos: “Kung mapanlinlang ka, magiging mapagbantay at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananalig mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananalig” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Talagang Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa). Ang diwa ng Diyos ay katapatan; gusto Niya ang matatapat na tao at kinasusuklaman ang mga taong mapanlinlang. Ang isang taong mapanlinlang ay hindi maaaring maligtas at makapasok sa kaharian ng langit. Napagtanto ko na kung hindi ako magsisisi at magbabago, at hindi magiging isang matapat na tao, kung gayon, anuman ang aking talikuran o igugol, sa huli ay ititiwalag at itataboy ako ng Diyos. Nang maisip ito, bumigat ang puso ko, at nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, napakamapanlinlang ko. Lahat ng salita at kilos ko ay puno ng pagkakalkula. Hindi ako isang taong matapat. Kung magpapatuloy ako nang ganito, tiyak na ititiwalag Mo ako. Nais kong iwaksi ang aking mapanlinlang na disposisyon at maging isang taong matapat. Hinihiling ko ang Iyong gabay.” Pagkatapos, nagbukas ako ng kalooban at inilantad ko ang aking kalagayan sa superbisor. Hindi niya ako sinumbatan; sa halip, nagbahagi siya tungkol sa katotohanan para tulungan ako at hinikayat akong isagawa ang katotohanan at maging isang taong matapat.
Kalaunan, nagnilay ako, bakit kaya ako laging nag-aalala na malantad ang mga pagkukulang ko? Naalala kong narinig ko na ilang kapatid ang natanggal kamakailan dahil palagi silang bigong maarok ang mga prinsipyo sa kanilang mga tungkulin, na nagdulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain. Dahil may ilang problema sa mga artikulong isinumite ko kamakailan, inakala kong naroon ang superbisor para obserbahan at tasahin ako, at na kapag natuklasan niyang hindi ko pa naarok ang mga prinsipyo, ipatatanggal niya ako. Para matugunan ang kalagayang ito, naghanap ako ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May mga prinsipyo kung anong uri ng mga tao ang inaangat at ginagamit ng sambahayan ng Diyos, at kung anong uri ang hindi nito ginagamit, kung sinong mga tao ang nililinang nito, at kung sino ang hindi; lahat ng ito ay nakabatay sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Kahit sino pa ang iangat at gamitin, ang layon ay linangin sila para magawa nila nang maayos ang kanilang tungkulin at malaman kung paano danasin ang gawain ng Diyos, at para magawa nilang pasanin ang gawain at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Anuman ang problemang nilulutas, ang layon ay ang bigyang-kakayahan sila na maunawaan ang higit pang katotohanan, at matutong kumuha ng mga aral at magkamit ng pagkilatis mula sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nakakaharap nila. Sa ganitong paraan, mas madali para sa kanila na pumasok sa katotohanang realidad sa lahat ng aspekto. Hindi ito tungkol sa pagsasamantala sa iyo para magserbisyo ka, lalong hindi ito tungkol sa pagsasamantala sa iyo para punan ang isang bakanteng posisyon dahil walang mahanap na angkop na tao, para lang paalisin ka kapag may dumating nang angkop na tao. Hindi ganoon iyon. Sa katunayan, binibigyan ka nito ng pagkakataon na sanayin ang iyong sarili. Kung hahangarin mo ang katotohanan, makakapanindigan ka; kung hindi mo hahangarin ang katotohanan, hindi ka pa rin makakapanindigan. Tiyak na hindi dahil sa hindi ka gusto ng sambahayan ng Diyos kaya maghahanap ito ng magagamit laban sa iyo at maghahanap ng pagkakataon para itiwalag ka. Kapag sinabi ng sambahayan ng Diyos na lilinangin at iaangat ka nito, tunay ka nitong lilinangin. Ang mahalaga ay kung paano mo pinagsisikapan ang katotohanan. Kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, susukuan ka ng sambahayan ng Diyos at hindi ka na nito lilinangin. Ang ilang tao, pagkatapos ng isang panahon ng paglilinang, ay tinatanggal dahil mahina ang kanilang kakayahan at hindi sila makagawa ng aktuwal na gawain. Ang ilan, sa panahon ng kanilang paglilinang, ay hindi tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, kumikilos nang sutil, at ginagambala at ginugulo ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at sila ay tinatanggal. Mayroon pa ring iba na hindi talaga naghahangad sa katotohanan, na tumatahak sa landas ng mga anticristo, palaging gumagawa para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at sila ay tinatanggal at itinitiwalag. Ang mga sitwasyong ito ay pawang pinangangasiwaan ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa paggamit sa mga tao. Lilinangin pa rin ng sambahayan ng Diyos ang mga kayang tumanggap sa katotohanan at magsikap para sa katotohanan, kahit pa makagawa sila ng mga pagsalangsang sa pamamagitan ng paggawa ng ilang pagkakamali. Kung hindi ito isang taong kayang tumanggap sa katotohanan, at hindi niya tinatanggap ang katotohanan kapag dumarating sa kanya ang pagpupungos, dapat siyang direktang tanggalin at itiwalag. … Anuman ang sitwasyon, kapag inaangat ng sambahayan ng Diyos ang mga taong ito, ito ay palaging para linangin sila at akayin sila patungo sa katotohanang realidad, umaasang magagawa nila nang maayos ang gawain ng iglesia at matutupad ang mga tungkuling dapat nilang tuparin. Kahit pa hindi mo alam kung paano gawin ang ilang gawain dahil ikaw ay hangal at kulang sa malalim na pang-unawa o dahil mahina ang iyong kakayahan, hangga’t pinagsisikapan mo ang mga katotohanang prinsipyo, mayroon kang ganitong pagpapahalaga sa responsabilidad, handa kang gawin nang maayos ang gawaing ito, at kaya mong pangalagaan ang gawain ng iglesia, lilinangin ka pa rin ng sambahayan ng Diyos kahit pa nakagawa ka ng ilang kahangalan noon. … Gaano man karaming gawain ang kaya mo, o anuman ang iyong kakayahan, ang pag-aangat at paggamit sa iyo ay hindi pagsasamantala sa iyo. Sa halip, ang layunin ay gamitin ang pagkakataong ito para hayaan kang magsanay sa paggawa ng gawain, at para gawin kang perpekto sa pamamagitan ng iyong paghahangad sa katotohanan at sa pamamagitan ng pagsisikap nang husto at pagsasabalikat ng mabibigat na pasanin. Sa isang banda, pineperpekto ka mismo nito; sa kabilang banda, isinasakatuparan din nito ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Naghanda ka na ng mabubuting gawa at nagkaroon ka pa ng mga pakinabang sa iyong personal na buhay pagpasok. Napakaganda niyon! Iyon ay dalawang magandang resulta sa isang pagkilos” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (26)). Nakita ko sa mga salita ng Diyos na kapag iniaangat ng sambahayan ng Diyos ang isang tao, tunay siyang nililinang nito. Mag-aalok ng gabay at tulong ang mga lider at superbisor para sa mga pagkukulang niya. Kung kaya niyang tanggapin ang katotohanan, hindi lang siya uusad sa sarili niyang buhay, kundi gaganda rin nang gaganda ang mga resulta ng kanyang gawain. Bukod dito, may mga prinsipyo ang sambahayan ng Diyos sa pagtatanggal ng mga tao; hindi nito basta-basta tinatanggal ang isang tao dahil lang sa ilang pagkukulang o kakapusan. Ang ilan sa mga taong natanggal o itiniwalag kamakailan ay tinanggal lamang dahil naaantala ng kanilang mahinang kakayahan ang gawain, at pagkatapos ay isinaayos ng iglesia ang isang mas angkop na tungkulin para sa kanila batay sa kanilang kakayahan; ang iba ay tinanggal dahil sa pagiging masyadong sutil, tumatangging tanggapin ang anumang pagbabahagi tungkol sa mga prinsipyo, at nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain. Sa pagbabalik-tanaw sa panahon ko sa paggawa ng tungkuling nakabatay sa teksto, sa tuwing nakikita ng mga lider at superbisor na nasa masama akong kalagayan o na hindi maganda ang mga resulta ng tungkulin ko, nakikipagbahaginan sila para tulungan ako. Kapag nakikita nilang umunlad ako pagkatapos ng isang panahon, hinahayaan nila akong magpatuloy sa pagsasanay sa tungkuling ito. Sa pagkakataong ito, nang makita ng lider na palagi kaming nagkakaproblema sa aming tungkulin, isinaayos niya na tulungan kami ng superbisor na pag-aralan ang mga prinsipyo. Ginawa ito sa pag-asang maaarok namin ang mga prinsipyo sa lalong madaling panahon at tutuparin nang maayos ang aming mga tungkulin. Ito ay tulad lamang ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kapag sinabi ng sambahayan ng Diyos na lilinangin at iaangat ka nito, tunay ka nitong lilinangin. Ang mahalaga ay kung paano mo pinagsisikapan ang katotohanan.” Naisip ko ang sarili kong karaniwang kakayahan at ang limitadong pagkaarok ko sa ilang prinsipyo. Ang pagtukoy ng superbisor sa mga bagay-bagay at pagtulong kapag lumilitaw ang mga problema, at pag-aaral ng mga prinsipyo kasama ko, ay makatutulong sa akin na magawa nang mas maayos ang tungkulin ko. Napakagandang bagay niyon! Ito ay ang Diyos na ginagamit ang mga tao, pangyayari, at bagay para tunay akong linangin. Dapat ay nagpapasalamat ako sa Diyos, pero sa halip, hinarap ko ang lahat nang may pagkakalkula at pusong puno ng pagkamapanlaban. Talagang wala akong konsensiya at katwiran!
Pagkatapos, gumawa ang superbisor ng isang plano sa pag-aaral para sa lahat batay sa aming mga pagkukulang at nakahanap ng mga kaugnay na salita ng Diyos para makipagbahaginan at matulungan ako. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso. Pagkatapos noon, sinimulan kong taimtim na pagnilayan ang mga kaugnay na prinsipyo kasama ang aking mga sister. Sa pamamagitan ng isang panahon ng pag-aaral, naunawaan ko nang may higit na kalinawan ang mga prinsipyo, at nabawasan nang malaki ang bilang ng mga isyu sa mga artikulong isinumite ko. Sa pamamagitan ng praktikal na karanasang ito, mas lalo kong naramdaman na kapag iniaangat at nililinang ng sambahayan ng Diyos ang mga tao, ginagawa nito iyon para tulungan tayong maarok ang mga prinsipyo at magawa nang maayos ang ating mga tungkulin, at kasabay nito, para tulungan tayong maunawaan ang katotohanan at umunlad sa ating buhay. Isang araw, habang nagsasala ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng ilang bagong pagkaunawa sa aking problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ilang taon nang nanampalataya sa Diyos ang ilang tao subalit hindi nauunawaan ang kahit katiting na katotohanan. Ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay ay nananatiling kapareho ng sa mga walang pananampalataya. Kapag nakikita nila ang isang huwad na lider o anticristo na nabubunyag at naititiwalag, iniisip nila, ‘Ang pananampalataya sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pamumuhay sa harap ng Diyos ay parang pagtawid sa alambre! Para itong paglalakad sa gilid ng bangin!’ At sinasabi ng iba, ‘Ang pagiging lider at manggagawa at ang paglilingkod sa Diyos ay delikado. Gaya lang ito ng sinasabi ng mga tao: “Ang pagiging malapit sa hari ay kasingmapanganib ng pagsama sa tigre.” Kung may magawa o masabi kang mali, masasalungat mo ang disposisyon ng Diyos, at ititiwalag ka at parurusahan!’ Tama ba ang mga komentong ito? ‘Pagtawid sa alambre’ at ‘paglakad sa gilid ng bangin’—ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang ibig sabihin ng mga salitang ito ay na may malaking panganib, na may malaking panganib sa bawat sandali, at na sa kaunting kapabayaan ay matitisod ka. Ang ‘Ang pagiging malapit sa hari ay kasingmapanganib ng pagsama sa tigre’ ay isang karaniwang kasabihan ng mga walang pananampalataya. Nangangahulugan itong mapanganib na maging malapit sa isang diyablong hari. Kung iaangkop ng isang tao ang kasabihang ito sa paglilingkod sa Diyos, saan siya nagkakamali? Ang ikumpara ang isang diyablong hari sa Diyos, sa Lumikha—hindi ba’t kalapastanganan ito sa Diyos? Isa iyong malubhang problema. Ang Diyos ay isang matuwid at banal na Diyos; ganap na likas at may katwiran na dapat parusahan ang tao sa paglaban sa Diyos o pagiging mapanlaban sa Kanya. Si Satanas at ang mga diyablo ay wala ni isang bahid ng katotohanan; sila ay marumi at buktot, pinapatay nila ang mga inosente, at nilalamon ang mabubuting tao. Paano sila maihahalintulad sa Diyos? Bakit binabaluktot ng mga tao ang mga katunayan at sinisiraan ng puri ang Diyos? Malaking kalapastanganan ito sa Diyos!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling mga Tiwaling Disposisyon). Ang kalagayan ko ay ang mismong inilantad ng mga salita ng Diyos. Bagama’t maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, hindi ko kayang tingnan ang mga bagay-bagay mula sa perspektiba ng katotohanan. Sa halip, kumapit ako sa mga perspektiba ng mga walang pananampalataya, namumuhay ayon sa satanikong pilosopiya na, “Huwag kailanman layuning pinsalain ang iba, ngunit palaging mag-ingat laban sa pinsalang maaari nilang gawin sa iyo.” Palagi akong mapagbantay kapag nakikipag-ugnayan sa mga tao, palaging nag-aalala na baka pagplanuhan ako nang masama kung magpapabaya ako kahit sandali. Katulad na lang sa pagkakataong ito, nang makita ng superbisor na may mga problema at paglihis na lumilitaw sa aming tungkulin at gusto niyang magsuri ng mga artikulo kasama namin para tulungan kaming maarok ang mga prinsipyo. Ako naman, inakala ko na gusto niyang malaman ang tunay kong sitwasyon para magamit niya itong ebidensya para ipatanggal ako. Dahil dito, puno ng pagkamapanlaban ang puso ko sa kanya. Mapagbantay ako sa lahat ng oras, na para bang nakaharap sa isang malakas na kaaway, nag-aalala na kung magpapabaya ako kahit isang segundo, baka may masabi akong mali, at sasamantalahin niya ang pagkukulang ko at ipatatanggal ako. Sa mga lugar kung saan hawak ni Satanas ang kapangyarihan, ang mga ugnayan ng mga tao ay puno ng alitan at pagkakalkula. Ang pinakamaliit na kapabayaan ay maaaring humantong sa pagpaplano nang masama laban sa iyo at pagkawala ng iyong opisyal na posisyon, at maaari pa ngang malagay sa panganib ang iyong buhay. At heto ako, ginagawa ang tungkulin ko sa sambahayan ng Diyos, pero mapagbantay ako na para bang laban sa mga kapangyarihang naghahari sa mundo. Hindi ako naniniwala na ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos, o na ang Diyos ay tunay at taos-puso sa bawat isa sa atin. Ito ay paninirang-puri at paglapastangan sa Diyos! Kakila-kilabot ang kalikasan nito! Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, sa lahat ng taon na ginagawa ko ang aking tungkulin sa Iyong sambahayan, natamasa ko ang Iyong pagdidilig at panustos, naunawaan ko ang maraming katotohanan, at natutunan ko ang ilang prinsipyo kung paano umasal. Lahat ng ito ay Iyong pag-ibig at pagliligtas. Pero mapagbantay pa rin ako laban sa Iyo, at napakalalim ng hadlang sa pagitan natin. Talagang nakapagpapadalamhati ito sa Iyo. Diyos ko, handa akong magsisi. Nais kong hangarin ang pagiging isang taong matapat para aliwin ang Iyong puso. Pakiusap, gabayan Mo ako.”
Sa isa pang pagkakataon, may iba pang superbisor na nag-aaral ng mga propesyonal na kasanayan kasama namin at hiniling sa amin na isa-isa naming ibahagi ang aming mga perspektiba. Noong una, medyo kinakabahan pa rin ako, nag-aalala na hindi ako makasasagot nang maayos o na magkakaroon ako ng ilang paglihis at makikilatis ako ng superbisor. Sa sandaling iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Para makamit ang pakikipag-usap sa iba nang walang pagpapakana, dapat mong matutunang makipag-usap sa loob ng saklaw ng konsensiya at pagkamakatwiran ng normal na pagkatao. Ang layunin ng pakikipag-usap ay ang tulungan ang iba at para na rin makatanggap ng tulong at mga pakinabang mula sa iba. Ito ang normal na pakikipag-usap, at sa paraang ito ay makakamit mo ang pakikipag-usap nang walang pagpapakana” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (26)). “Upang maging sinsero, dapat mo munang isantabi ang iyong mga pansariling pagnanais. Sa halip na magtuon ng pansin sa kung paano ka itinuturing ng Diyos, dapat mong ipagtapat ang iyong sarili sa Diyos at sabihin ang anumang nasa puso mo. Huwag pagbulay-bulayan o isaalang-alang kung ano ang mga magiging kahihinatnan ng mga salita mo; sabihin kung anuman ang iniisip mo, isantabi ang mga motibasyon mo, at huwag magsalita ng mga bagay upang makamtan lamang ang ilang layunin. Mayroon kang masyadong maraming mga personal na intensyon at adulterasyon; palagi kang nagtatantiya sa paraan ng iyong pagsasalita, isinasaalang-alang ang, ‘Dapat ko itong sabihin, at hindi iyon, dapat akong mag-ingat tungkol sa aking sasabihin. Gagawin ko ito sa paraang makikinabang ako, at matatakpan ang aking mga pagkukulang, at mag-iiwan ng magandang impresyon sa diyos.’ Hindi ba’t ito ay pagkikimkim ng mga motibo? Bago mo ibuka ang iyong bibig, puno ang isip mo ng mga tusong kaisipan, makailang beses mong binabago para itama ang gusto mong sabihin, kaya nang lumabas na ang mga salita mula sa iyong bibig hindi na napakadalisay ng mga ito, at hindi na tunay kahit bahagya man lamang, at naglalaman na ng sarili mong mga motibo at mga pakana ni Satanas. Hindi ito ang pagiging sinsero; ito ay ang pagkakaroon ng masasamang motibo at layunin” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikalawang Bahagi)). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na para matigil sa pagiging mapagkalkula, dapat mong isagawa ang pakikipagbahaginan sa iba mula sa loob ng konsensiya at pagkamakatwiran ng normal na pagkatao, nang walang sarili mong mga motibo at layon, at nang hindi sinusuri o pinoproseso ang iyong mga salita. Kailangan mo lang sabihin kung ano ang iniisip mo. Ang layon ay tulungan ang isa’t isa at para makinabang ang lahat. Napagtanto ko na ang pag-aaral ng superbisor ng mga propesyonal na kasanayan kasama namin ngayon ay isang pagkakataon para matuto kami mula sa mga kalakasan ng isa’t isa at mapunan ang aming mga pagkukulang sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga prinsipyo, para mas maarok namin ang mga ito. Dapat ko itong harapin nang may tapat na saloobin, magsalita ayon sa naunawaan ko, at kung may masabi akong mali, dapat lang na tanggapin ko ang gabay at tulong ng aking mga kapatid. Napakagandang pagkakataon nito para matuto at makipagtalakayan; hindi ko kailangang mag-alala nang sobra. Kaya nanalangin ako sa aking puso, “O Diyos, pakiusap, panatilihin Mong tahimik ang puso ko sa Iyong harapan, at nawa’y tanggapin ko ang Iyong pagsisiyasat habang ibinabahagi ko ang aking mga pananaw.” Pagkatapos manalangin, nagawa kong patahimikin ang sarili ko at pagnilayan ang mga prinsipyo. Nagkamit pa nga ako ng ilang bagong kabatiran sa ilan sa mga ito at naramdaman kong mas malinaw ko nang naunawaan ang mga ito kaysa dati. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan ng superbisor, natuklasan ko rin ang ilan sa sarili kong mga pagkukulang. Pakiramdam ko ay medyo napalaya ako sa sesyon ng pag-aaral na iyon, at nagkaroon ako ng mga pakinabang. Pagkatapos noon, sa tuwing sumasama sa amin ang superbisor para suriin ang mga artikulo o tinatanong ako, sinasadya kong isagawa ang pagiging isang taong matapat ayon sa mga salita ng Diyos. Naging mas malaya ang pakiramdam ng puso ko, at nakatikim ako ng kaunting kagalakan ng pagiging isang taong matapat. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Xiaowei, TsinaInilipat si Sister Guan Xin para kumustahin ang gawain ng aming iglesia noong 2019. Nakilala ko siya dalawang taon nang...
Ni Ronald, MyanmarNoong Oktubre 2019, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sa mga pagtitipon, nakita kong...
Ni Guozi, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya, at noong ako ay isang taong gulang, tinanggap ng aking ina ang...
Ni Zhang Han, Greece Palagi akong nasa pagsasanay sa paggawa ng video sa iglesia, pagkatapos isang araw noong Hunyo 2020, sinabi sa akin ng...