Ang Paghusga Ayon sa Panlabas na Anyo ay Talagang Di-makatwiran
Sa nakaraan, madalas kong hinusgahan ang mga tao sa kanilang mga hitsura, mas hinahangaan ang kahali-halina, nakapag-aral at mahusay magsalitang mga tao. Naniwala akong ang gayong mga tao ay matalino, mahusay umunawa ng kapwa at mabuti at mabait sa pangkalahatan. Kamakailan lang, habang nalantad na mismo ang realidad, naiwasto ko ang di-makatwirang paraan ng pag-iisip na ito.
Isang gabing malapit nang magtakipsilim, bumalik ako sa bahay ng tinutuluyan kong pamilya nang makita ang isang binatilyong naka-amerikana at naka-sapatos ng balat na eleganteng magsalita at magdala ng sarili. May suot din siyang salamin sa matang pino ang pagkagawa, na dumagdag sa kilos niyang edukado at matalino. Ipinakilala kami ng kasera ko sa isa’t isa at sinabihan akong anak niya ang binatilyo at kasalukuyan siyang nagtratrabaho bilang opisyal sa munisipyo ng isang malaking siyudad. Mula sa mahirap na pinanggalingan at huminto sa pag-aaral sa murang edad, nakaramdam ako ng matinding inggit sa kanyang eleganteng pananamit, aral na pang-akit, huwag nang banggitin pa ang kanyang mas mataas na tinapos sa isang tanyag na institusyon at labis na kagalang-galang na trabaho. Iyon talaga ang unang pagkakataon kong nakakilala ng taong may gayong pang-akit at talino. Naisip ko sa sarili ko, ang taong may gayong edukasyon at nasa gayong kataas na katayuan at pag-aaral ay tiyak na palakaibigan, makatao at makatwiran. Sa gayong kaisipan, nagsimula akong makipagtalakayan tungkol sa pananampalataya sa binatilyo, pero medyo kabaligtaran sa inaasahan ko ang reaksiyon niya. Nagmadali siyang tumayo at hinampas ang kanyang kamao sa mesa habang sumisigaw, “Umalis ka rito ngayon din! Kung hindi ka umalis sa sandaling ito tatawag ako ng pulis!” Pagkasabi, inilabas niya ang kanyang cell phone at nagsimulang pindutin ang 110. Mabilis kong sinubukang makipagkasundo, nagsasabing, “Kaibigan, sigurado akong hindi ka talaga tatawag ng pulis, nagbibiro ka lang.” Gayunman, nanatili siyang matigas at ipinilit na umalis agad ako. Labis akong nablangko at hindi alam ang susunod na gagawin. Pagtingin ko sa relo halos alas diyes na ng gabi, kapag umalis ako ngayon saan ako matutulog? Sa sandaling iyon, sabi ng tinutuluyan ko, “Gabi na, puwedeng bukas ka na umalis.” Sa sandaling nakita ng anak na lalaki ng tinutuluyan ko na plano kong manatili nang gabing iyon, pinatindi niya ang pagsisikap, literal na itinutulak at kinakaladkad ako palabas ng pinto, habang sumisigaw, “Paanong ako, isang kadre ng gobyerno at nakikinabang sa pondo ng bayan, ay nagpapahintulot ng isang misyonero sa tahanan ko? Umalis ka na rito ngayon din!” Pagkasabi nito, galit na galit niyang pinulot ang bisikleta ko at ihinagis sa harap ko at pagkatapos itinulak ako at ang bisikleta ko palabas ng pintuan. Sinundan ako ng aking kasera na may balak na samahan ako sa bahay ng isa pang pamilyang kumukupkop, pero hindi siya pinayagan ng anak niyang lalaki, hinatak siya papasok at ikinandado ang pinto. Habang umaalis ako, narinig kong umiiyak ang kasera ko, “Saan mo inaasahang pumunta ng gabing-gabi ang isang batang babae nang mag-isa?” “Hayaan siyang pumunta kung saan siya pupunta—kasama niya ang pangangalaga ng Diyos wala siyang dapat ikatakot, hindi ba?” Pasigaw siyang sumagot, napaiyak ang kasera pabalik sa loob ng bahay.
Nakatulala sa kumukutitap na mga bituin sa kalangitan sa gabi at nagliliwanag na mga ilaw sa harapan ng mga kotse na umuugong sa kalsada, nalungkot ako at nalumbay. Umaapaw ang hinaing sa puso ko: Kung ayaw mong tumira ako sa bahay mo, di huwag, pero walang dahilan para pigilan mo ang kasera ko na dalhin ako sa ibang pamilyang kumukupkop. Paano ka naging sobrang di-makatao, sobrang mapanira! Kahit ang isang pulubi ay hindi dapat tratuhin sa ganitong paraan! Wala akong ideya kung nasaan ang ibang pamilyang kumukupkop at naiiwan akong walang mapupuntahan sa kalaliman ng gabi. Ano ang dapat kong gawin? … Sa mga iniisip na itong dumadagundong sa ulo ko, napaiyak ako. Sa sandaling iyon, ang pinong impresyon ko sa pang-akit, kaalaman, katayuan at edukasyon ng anak na lalaki ng kasera ko ay lubusang nabura. Naisip ko ang mga salita sa isang sermon, “Paano natin matatawag na tunay na mabubuting tao silang lumalaban o nagpaparusa sa Diyos? Mula nang ginawang tiwali ni Satanas ang tao, naging eksperto na siya sa pagbabalatkayo at pagtatakip sa sarili nito ng pilosopiya ng buhay. Sa labas, mukha siyang tao, pero kapag may nagsimulang magpatotoo sa Diyos, nalalantad ang masamang kalikasan nito. Kaunti ang nakakabatid nito, kaya madalas silang nabubulagan o naloloko ng mga karaniwang bukambibig at kabaitan ng iba. Ang mga salita at gawa ng Diyos ang pinakamahusay na maglalantad sa tao. Silang walang katotohanan ay mga ipokrito lang. Silang nakakaunawa sa katotohanan ay makikita nang malinaw ang usaping ito. Silang hindi nakakaunawa sa katotohanan ay nabibigong makita nang malinaw ang anumang bagay at bilang resulta ang kanilang pananaw ay di-makatwiran” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Nililimi ang mga salitang ito, nagkaroon ako ng kagyat na pagkatanto. Tunay, ang pagbabahagi ay tamang-tama: Ang mga tiwali ay lahat magaling sa pagkukunwari, at dahil lang sa sila ay mukhang edukado at magalang sa panlabas, hindi ito nangangahulgang mabuti sila sa diwa. Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan at maaaring tumanggap ng katotohanan ang mabubuti at mababait na tao, Kung ang isang tao ay parang mabait sa panlabas, ngunit hindi nila kinikilala ang Diyos o tinatanggap ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos—at may kakayahan pa sa pagsalungat, pang-iinis, at paggalit—kung gayon hindi sila matatawag na isang mabuting tao. Ako, gayunman, hindi tiningnan ang kapwa alinsunod sa salita ng Diyos, kundi Ako, gayunman, ay gumamit ng aking sariling imahinasyon at sekular na pananaw sa mundo para husgahan ang kapwa. Lagi kong inakala na ang mga may karunungan, katayuan at edukasyon ang tiyak na makatao, may katwiran at pag-unawa sa kapwa. Di-makatwiran ang pananaw ko. Kakaunti ang alam ko, silang hindi naniniwala sa Diyos ang mga demonyong lumalaban sa Diyos. Sa panlabas maaari silang magmukhang edukado at kaakit-akit, pero sa loob sila ay maysakit ng katotohanan at kinapopootan ang katotohanan. Ang pagtingin ng opisyal ng gobyernong ito sa pananampalataya at mga nananampalataya ay isang perpektong halimbawa. Sa ibabaw, mayroon siyang pang-akit, husay sa pagsasalita, at kultura, pero sa sandaling nagbukas ako tungkol sa usapin ng pananampalataya, lubusan siyang nawala dito. Sa pagbibintang sa akin, pagpapalayas sa akin at pagbabanta sa akin, lubusan niyang ibinunyag ang kanyang satanikong kalikasan na kalaban ng Diyos. Sa harap ng mga katunayang ito, natanto ko na Hindi ko lang dapat tasahan ang mga tao sa kung ano nasa panlabas; ang susi ay tingnan ang kanilang saloobin tungo sa Diyos at tungo sa katotohanan. Kung hindi nila mahal ang katotohanan at hindi tinatanggap ang katotohanan, kung gayon gaano man kagaling ang kanilang kasanayan o katayuan, gaano man sila mukhang kahanga-hanga sa labas, gaano man ka-edukado sila, hindi pa rin sila tunay na mabuti.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, natanto ko na hindi ko tiningnan ang mga tao sa kung sino talaga sila, kundi ibinabatay ko ang paghusga sa kanilang hitsura. Gaanong kahabag-habag, gaanong kamangmang ako. Nabunyag na kahit maraming taon na akong sumunod sa Diyos, hindi ko pa rin naunawaan ang katotohanan at tiyak na kailangan pang makamtan ang katotohanan. Dahil sila lamang na may katotohanan ang kayang makita sa kaibhan ng tao at makakita sa tunay na kalikasan ng mga sitwasyon; yaong hindi nakakaunawa sa katotohanan ay hindi maaaring makakita sa tunay na kalikasan ng anuman. Sa hinaharap namamanata akong ilaan ang sarili ko sa paghahangad na maunawaan ang katotohanan at taglayin ang katotohanan, matuto kung paano makita ang kaibhan ng mga tao at mga sitwasyon sa pamamagitan ng salita ng Diyos, iwasto ang lahat ng mga di-makatwirang pananaw at magsikap na matamo na maging isang katugma ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.