Natupad na ang 5 Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon

Setyembre 19, 2020

Ni Zheng Xun

Madalas na nangyayari ngayon ang mga sakuna sa buong daigdig at ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesucristo ay sadyang natupad na. Nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ipinakikita sa iyo ng artikulong ito ang katuparan ng 5 propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, na makatutulong sa ating matiyak na nagbalik na nga talaga ang Panginoong Jesus. Sa artikulong ito, mahahanap mo ang paraan para maging matatalinong birhen at salubungin ang muling pagbabalik ng Panginoon.

Mga Nilalaman

1. Pagsulpot ng Giyera, Taggutom at mga Lindol

2. Ang Pagpapanumbalik ng Israel

3. Ipapangaral ang Ebanghelyo sa Bawat Sulok ng Mundo

4. Sasagana ang Katampalasanan at ang Pag-ibig ng mga Mananampalataya ay Lalamig

5. Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Kristo at mga Huwad na Propeta

1. Pagsulpot ng Giyera, Taggutom at mga Lindol

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 6 hanggang 8: “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” Ang mga sakunang nagaganap sa buong mundo sa mga nakalipas na taon ay lalong lumalaki at lumalala at, sa pagkagimbal ng tao, mga lindol, baha, tag-tuyot, wildfire, taggutom at pagkalat ng mga sakit ay madalas na nangyayari at nagkalat. Nasa pabago-bago at magulong estado ang mundo, at ang giyera, mga marahas na pagkilos, kaguluhan sa rehiyon at mga pag-atake ng mga terorista ay madalas mangyari at patuloy na tumataas. Halimbawa, sa Abril 2015, 16 estado sa US ang nakadiskubre na mayroon silang avian flu virus, at ipinahiwatig ng mga eksperto na ito ang pinakamalalang pagsiklab ng avian flu sa US sa loob ng 30 taon. Sa Abril 25, 2015, isang lindol na may 8.1 sa Richter scale ang naganap sa Nepal, nagdudulot ng pagkamatay ng mahigit 9,000 katao, nang may 22,000 na sugatan. Ito ang pinakamalaking natural na sakunang tumama sa Nepal sa loob ng 80 taon. Mula Nobyembre 2015 hanggang Hulyo 2016, nakaranas nang maraming pag-atake ng mga terorista ang Paris, Brussels, at pagkatapos ay ang Nice, na nagdulot ng pagkamatay ng mahigit 200 katao, nang may 700 na sugatan. Sa Abril 2016, nakaranas ang India nang pinakamalalang tag-tuyot sa 40 taon, na nagresulta sa mahigit 300 katao na nahirapang makahanap ng sapat na tubig para inumin. Mula ika-4 hanggang ika-6 ng Pebrero 2017, dahil sa malakas na pagbagsak ng niyebe, may naganap na magkakasunod na avalanche sa hangganan ng Afghanistan at Pakistan, na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 100 katao at naapektuhan ang halos 2,617 na pamilya, bumubuo ng kabuuan na 15, 702 katao. Sa madaling araw ng Abril 1, 2017, tumama sa Mocoa, Colombia ang mga baha at pagguho ng lupa sanhi ng malakas na ulan, pinapatay ang mahigit 316 katao at 332 na sugatan, nang may 103 kataong nawawala. Ito ang ikatlong sakunang may kinalaman sa panahon sa kasaysayan ng Colombia at itinuturing na pinakamalalang sakuna na tumama sa Mocoa. Ang kadalasan ng mga sakunang ito ang nagsisilbing paalala sa sangkatauhan mula sa Diyos, at mula sa mga ito ay makikita natin na ang propesiyang ito sa Biblia ay matagal nang naganap, at dumating nang muli ang Panginoon.

2. Ang Pagpapanumbalik ng Israel

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 32 hanggang 33: “Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw: Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.” Gaya ng alam nating lahat, ang pagsupling ng mga dahon ng puno ng igos ay binanggit patungkol sa pagpapanumbalik ng Israel. Naibalik ang Israel noong Mayo 14, 1948. Ang mga banal na kasulatang ito ay sinasabi sa atin na kapag nakita nating nanumbalik ang Israel, nasa pintuan na ang Anak ng tao. 70 taon na ang nakalipas mula nang manumbalik ang Israel. 70 taon na ang nakalilipas, ang Panginoon ay nasa pintuan, kaya’t hindi ba matagal na Siyang bumalik? Malinaw na ang propesiyang ito ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay naganap na rin.

3. Ipapangaral ang Ebanghelyo sa Bawat Sulok ng Mundo

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 14: “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.” “At ipangangaral ang evangeliong ito ... sa buong sanglibutan” ay nangangahulugan na kapag narinig na ng buong sanglibutan ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, darating si Kristo. (Hindi ito nangangahulugan na bawat tao ay narinig ang ebanghelyo o kapag bawat tao ay nananamplataya kay Kristo.) Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at nakumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nag-umpisang gabayan ng Banal na Espiritu ang mga alagad at apostol upang magpatotoo sa Panginoong Jesus. Mula noon, unti-unting kumalat ang ebanghelyo ng Panginoon sa iba’t ibang pinagmulan, gaya ng radyo, ang Internet, mga aklat, mga patalastas ng ebanghelyo o ebanghelismo ng mga mananamplataya. Naging matatag ang Kristiyanismo sa buong mundo, at maraming mga bansa ang ginawa pang pambansang relihiyon ang Kristiyanismo. Matagal na ring kumalat ang mga Kristiyano sa buong mundo, at marami pa ang tumanggap sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa Tsina, na pinamumunuan ng isang partidong pampulitika ng ateista. Matagal nang kumalat ang ebanghelyo ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa dulo ng mundo. Mga kapatid, pag-isipan ninyo ito sandali: Anong bansa, anong rehiyon sa mundo ang hindi pa nakakarinig ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus?

4. Sasagana ang Katampalasanan at ang Pag-ibig ng mga Mananampalataya ay Lalamig

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 12: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.” Lalo nang dumadami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon, at wala na ang paggawa ng Banal na Espiritu o presensiya ng Diyos doon. Kahit na ang iba ay tila may maalab na pananampalataya, naglalakad pa rin sila sa makamundong landas. Ang pag-iimbot ng kayamanan ay laganap sa mga mananampalataya, ang ilan ay nagbebenta ng iba’t ibang mga paninda sa kanilang mga iglesia, ang ilan ay nagnenegosyo at ang ilan ay nagpapatakbo ng mga pagawaan at inaabala ang kanilang mga sarili sa pagkita ng pera. Hindi nila iniisip na gumawa para sa Panginoon at namumuhay silang sangkot sa mga makamundong gusot. Kapag nangangaral ang mga pastor at mga nakatatanda, nagtutuon lamang sila sa pagpapaliwanag ng kaalaman sa Biblia at mga teolohikal na teorya sa halip na ipangaral ang mga salita ng Panginoon. Hindi sila nagpapatotoo sa Panginoon o dinadakila ang Panginoon, at hindi nila ginagabayan ang mga mananampalataya na maghanap upang maintindihan ang kalooban ng Panginoon. Kaya naman, sa huli ay ginagabayan nila ang kanilang mga taga-pakinig sa loob ng kaalaman sa Biblia, at ang kanilang grupo ay lalong nagiging malayo sa Diyos. Ang ilan sa mga pastor at nakatatanda ay nakikipagtunggalian sa isa’t isa at sumasali sa pagtatalo dahil sa inggit, sa kalabisan ay bumubuo pa sila ng mga grupo, naghihiwalay sa iba’t ibang pangkat at mga gang, nagnanakaw ng mga alay, sumasali sa seksuwal na maling gawain at wala nang pusong may takot sa Diyos. Ang masasamang gawain na ito ay lalo pang nangyayari sa mundo ng relihiyon at lalo pang napapabayaan ang mga iglesia. Hindi natin maiwasang maisip ang katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan dahil sa mga bagay na ito, noong ang mga templo na puno ng biyaya ni Jehova noon ay tila napabayaan, nagbibigay ng hindi magagandang alay ang mga pari, at naging palengke ang templo. May kaibahan ba sa pagitan ng mga iglesia sa panahong ito at ang templo sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan? Mula rito ay makikita natin na ang propesiyang ito sa Biblia ay lubos nang naganap, at na nagbalik na ang Panginoon.

5. Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Kristo at mga Huwad na Propeta

Sinasabi sa Marcos kabanata 13, bersikulo 6, na nang tanungin ng mga alagad ang Panginoong Jesus kung ano ang mga tanda sa Kanyang ikalawang pagdating sa mga huling araw, sinabi ng Panginoong Jesus, “Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.” At nakatala sa Mateo kabanata 24, bersikulo 24, “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.

Prinopesiya ng Panginoong Jesus na kapag nagbalik Siya sa mga huling araw, lilitaw ang mga huwad na Kristo at huwad na mga propeta. Sa mga nakalipas na taon, sunud-sunod na naglitawan ang mga huwad na Kristo at huwad na mga propeta sa mga bansang gaya ng China, South Korea, at Japan. Tinatawag nila ang kanilang mga sarili na Kristo, at hindi lamang nila basta sinusubukang magpanggap gamit ang pangalan ni Jesus, ngunit sinusubukan din nilang gayahin ang mga senyales ng Panginoong Jesus at mga himala, nagpapagaling ng may sakit, nagpapalayas ng demonyo, atbp. Mula sa pagpapakita ng napakaraming huwad na Kristo, makikita natin na ang propesiyang ito tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay naganap na, dahil kapag naglitawan na ang mga huwad na Kristo, dumating na ang tunay na Kristo. Sa panahong ito, lalo tayong dapat na magkusa at hanapin ang pagpapakita at gawa ng Diyos. Marahil, maaaring sabihin ng ilang mga kapatid: “Ngayon, napakaraming mga huwad na Kristo at huwad na mga propeta ang lumitaw. Kung magkukusa tayong hanapin at imbestigahan sila, anong gagawin natin kapag nalinlang tayo?” Ngunit kung hindi tayo maghahanap at magsasaliksik sa pagpapakita at gawain ng Diyos dahil takot tayo na malinlang, hindi natin malalaman na nagbalik na ang Panginoon, at hindi ba’t dahil doon ay higit na maaari tayong maiwan? Hindi ba tayo titigil sa pagkain dahil takot tayong mabilaukan, at mawalan ng marami upang makapag-ipon ng kaunti? Mula rito, makikita natin na kalokohan ang pag-angkin ng saloobin ng walang-naririnig, walang-nakikita at walang-nahahawakan sa lahat ng nangangaral sa pagdating ng Panginoon dahil sa takot na malinlang. Kung nais nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kung ganoon ay mahalaga na magawang malaman ang kaibahan sa pagitan ng mga huwad na Kristo at ng tunay na Kristo. Tanging sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang Panginoon at hindi malilinlang. Kung ganoon, ano ang mga katangian ng isang huwad na Kristo? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan.” Mula sa mga salita ng Panginoon, makikita natin na ang pangunahing katangian ng mga huwad na Kristo ay: Makagagawa lamang sila ng mga simpleng tanda at mga kababalaghan at mangangaral ng mga kamalian na tila totoo ngunit mali talaga upang linlangin ang mga tao. Lubos na hindi nila magagawang magpahayag ng anumang katotohanan upang lutasin ang problema ng sangkatauhan ng pagkakasala at pangungumpisal, at hindi nila masasagip ang sangkatauhan mula sa kanilang pagiging tiwali. Ito ay dahil ang diwa ng mga huwad na Kristo ay sa mga lubhang masasamang espiritu, at wala silang tinataglay na katotohanan. Tanging si Kristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Tanging si Kristo lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan, magpapakita sa atin ang daan at magbibigay sa atin ng buhay. Lahat ng mga hindi makapagpapahayag ng katotohanan upang tustusan tayo at magagawa lamang magpakita ng mga simpleng tanda at kababalaghan ay mga huwad na Kristo—ito ang pangunahing prinsipyo kung paano makikilala ang mga huwad na Kristo mula sa totoong Kristo. Gamit ang mga salita ng Panginoon bilang ating basehan, hindi natin kailangang mag-alala na malinlang tayo. Kung paano partikular na malalaman ang kaibahan sa pagitan ng mga huwad na Kristo at ng tunay na Kristo, Panoorin ang napakagandang bahagi ng Maikling Dulang ito, "Ang Totoo Ay Hindi Maaaring Maging Huwad".

Mula sa mga katotohanan sa taas, makikita natin na ang lahat ng mga propesiyang may kinalaman sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay naganap na—nagbalik na ang Panginoon. Gayunman, maraming mga tao ang tiyak na magtatanong: “Kung nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa natin Siya sinasalubong?” Naisip mo na ba na maaaring may mali sa paraan ng pagsasagawa natin ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus? Pagdating sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, maraming mga tao ang ginagawang numero unong prayoridad ang dumepensa laban sa mga huwad na Kristo. Kumakapit sila sa kanilang mga konsepto at pag-iisip at naniniwala na ang lahat nang nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon ay huwad, at hindi niya binibigyang pansin kung paano maging matalinong dalaga at marinig ang tinig ng Diyos. Ilang mga tao ang nagtutuon sa panonood at paghihintay, kumakapit sa pangalan ng Panginoong Jesus at pananatili sa Kanyang paraan. Ngunit ito ay walang kibong paghihintay lamang at kailanman ay hindi sila nagkukusa at humayo upang maghanap at magsaliksik, at hindi sila nagtutuon ng pansin na marinig ang tinig ng Panginoon. Paano natin masasalubong ang Panginoon sa pagsasagawa sa ganitong paraan? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin(Juan 10:27). “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Lucas 11:9). “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios(Mateo 5:3, 8). Tapat ang Panginoon, at hangga’t mayroon tayong pusong-naghahanap, aktibong sinasaliksik ang pagpapakita ng Panginoon at gawain sa mga huling araw, masigasig na nakikinig sa tinig ng Panginoon, at tinitingnan kung ang paraan bang ito ay may kahit anong pagpapahayag ng katotohanan at kung makapagtutustos ba ito sa atin ng buhay o hindi, kung ganoon ay tiyak na gagabayan tayo ng Panginoon upang makilala ang Kanyang ikalawang pagdating!

Tala ng Editor: Sa pamamagitan ng pagbabasa sa artikulong ito, nauunawaan na natin ngayon na ang lahat ng mga propesiya patungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay naganap na. Kung ganoon ay paano ba natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus? Nirerekomenda namin ang gospel page na Nagbalik na ang Panginoon, upang maaari nating ipagpatuloy ang paghahanap at tingnan ang aspetong ito ng katotohanan. Kung mayroon ka pang paliwanag, kaliwanagan o nahihirapan sa artikulong ito, mag-iwan ka ng comment, o kausapin kami online sa pamamagitan ng aming live chat sa webpage.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

4 na Prinsipyo ng Mabisang Panalangin

Ang pananalangin sa Diyos ay ang pinaka-direktang paraan para sa mga Kristiyano upang makipag-usap sa Diyos, at tanging ang mga mabisang panalangin ang dinidinig ng Diyos. Kaya, ang paggawa ng mga mabisang panalangin ay mahalagang parte ng pang-araw-araw na buhay ng mga Kristiyano