Anong Uri ng Iglesia ang Maituturing na may Gawain ng Banal na Espiritu

Setyembre 16, 2019

Kumusta mga kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot,

Ilang buwan na ang nakararaan, nasaksihan ko ang pagpapaligsahan sa isa’t isa ng mga pastor sa aming iglesia para sa katanyagan at pagtamo at pandaraya para sa posisyon. Sa kalabisan ay inatake at siniraan pa nila ang isa’t isa sa mga sermon. Hindi nakakaaliw pakinggan ang mga sermon nila, at walang sustansiyang nakukuha ang aming mga espiritu. Idagdag pa doon, laganap ang paglamig ng pananampatalaya ng mga kapatid. Hinahanap nila ang kayamanan, nag-iimbot sila sa kasiyahan ng laman at sumusunod sila sa mga makamundong kalakaran, inilalaan ang buong atensiyon nila sa pagkain, pag-inom at pagsasaya. Mas madalas na basta na lamang hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang mga kapatid, ngunit sa halip ay pumupunta lang kapag may nangyaring sakuna sa kanilang mga buhay o kapag mayroong importanteng pista ... Naharap sa ganitong sitwasyon sa iglesia namin, umalis ako upang humanap ng iglesia na mayroong gawain ng Banal na Espiritu. Gayunman, naghanap ako sa maraming lugar at natuklasan na karamihan sa mga iglesia ay katulad lang ng sa’min, at nag-umpisa akong mawalan ng pag-asa. Gayunman, kamakailan lang ay nakahanap ako ng iglesia na madalas magtanghal at nagdaraos ng mga pagdiriwang, at mayroon pa silang mga pastor na mula sa ibang mga bansa upang magbigay ng sermon. Napakainit at masigla ang kapaligiran sa iglesiang ito, at maraming tao ang dumadalo sa bawat pagtitipon. Habang tinitingnan ang iglesiang ito na napakasigla at sa mga kapatid na masigasig na dumalo sa mga pagtitipon, naisip ko na marahil ay mayroong paggawa ng Banal na Espiritu ang iglesia na ito. Gayunman, hindi nagtagal ay nadiskubre ko na kahit na tila masigla ang iglesia, ang mga sermon na ipinapangaral ng mga pastor ay hindi nakakapagbigay ng pakinabang sa buhay ng mga kapatid at hindi nagagawang paluguran ang aming mga espiritu. Ang patuloy na pag-awit at pagsayaw ay nagagawa lamang baguhin ang kapaligiran ng iglesia—habang nagaganap iyon, lahat kami ay napakasigla, ngunit kapag umupo na kami upang makinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor, mag-uumpisa kaming antukin. Idagdag pa, palaging nagpapaligsahan ang mga kapatid sa mga donasyon at panalangin. Kung sino man ang magdonate ng marami ay itinuturing na isang taong mahal ang Panginoon, at kung sinuman ang nananalangin nang matagal at nagsasabi ng magagandang salita sa kanilang mga panalangin ay itinuturing na espirituwal na tao.... Sa ganitong uri ng iglesia, ang mga kapatid ay hindi lamang basta walang katapatan o kababaang loob ngunit bagkus ay lalo lamang tumitindi ang kanilang kahambugan at lalo silang nagiging ipokrito. Nakatuon sila sa pagpapahayag sa kanilang mga sarili at pagpapasikat sa harap ng iba at labis-labis ang pagiging mapagmagaling at arogante. Sa tuwing may nangyayaring isyu sa kanila, basta na lamang nila iyong hinaharap sa kung paanong paraan nila gusto, at hindi sila nakikinig kahit kanino pa—hindi nila sinusunod ang mga turo ng Panginoon. Nahaharap sa ganitong uri ng sitwasyon sa iglesia, hindi ko mapigilang isipin: Mayroon kayang gawain ng Banal na Espiritu ang isang iglesia na sa labas ay mukhang marubdob? Palagi na akong nalilito sa tanong na ito, kaya nais ko sanang humingi ng sagot sa inyo.

Wenxi

Hello Wenxi,

Ang paghahanap mo sa isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu ay napakaganda at sa kabuuan ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Tungkol naman sa lahat ng kasamaang nagaganap sa mga iglesiang iyon, malinaw na mararamdaman nating taliwas iyon sa mga itinuturo ng Panginoon, at ang ganoong uri ng iglesia ay maaaring nawalan na ng gawain ng Banal na Espiritu. Tungkol naman sa kung may gawain ba ng Banal na Espiritu o wala ang isang iglesia na mistulang marubdob, hindi madali para sa amin na malaman ito. Ngunit ang totoo, kung mauunawaan natin ang mga resultang natatamo ng gawain ng Banal na Espiritu, natural na madali nating magagawang malaman ang bagay na ito.

Bilang sagot sa tanong na ito, basahin muna natin ang ilang mga sipi: “Ang kaliwanagan sa tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay hindi upang panatilihin ang rubdob ng tao; ito ay upang magbukas ng daan para sa pagpasok ng tao, gayundin ay upang tulutan ang tao na makilala ang Banal na Espiritu, at mula riyan ay nabubuo ang isang puso na may paggalang at pagsamba sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2). “Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwan nang binibigyan Niya sila ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at sa kanilang tunay na pagpasok at tunay na kalagayan. Pinahihintulutan din Niya silang maintindihan ang masugid na mga layunin ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao sa kasalukuyan, upang mayroon silang paninindigan na isakripisyo ang lahat para mapalugod ang Diyos, na dapat nilang mahalin ang Diyos maging kapag nakasasagupa sila ng pag-uusig at kahirapan, na dapat silang tumayong saksi sa Diyos kahit pa ibig sabihin noon ay dumanak ang kanilang dugo o ibigay nila ang kanilang buhay; hindi sila magkakaroon ng mga pagsisisi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 1). “Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagama’t sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig sa Diyos, ang pag-ibig sa kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas).

Mula sa mga siping ito, magagawa nating maunawaan na ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi naroon para lamang magmukha tayong may biglang bugso ng pagiging masigasig, at hindi ito naroon para lamang sumunod tayo sa mga relihiyosong ritwal at panuntunan. Sa halip, ginagabayan tayo nito upang maunawaan ang kalooban at ipinagagawa, at upang malaman ang ating sariling mga kapintasan at kakulangan na nakapaloob sa Kanyang mga salita. Ipinakikita nito sa atin ang daan ng pagsasagawa at hinahayaan tayong matamo ang tustos para sa ating mga buhay. Hindi lamang natin basta mapapalawak ang ating pang-unawa sa ating sariling katiwalian, ngunit maaari rin tayong patuloy na magtamo ng bagong kaalaman tungkol sa Diyos, dahilan upang magkaroon tayo ng pusong may takot at pagmamahal sa Diyos, upang maaari nating sundin ang Diyos, makasunod sa mga turo ng Panginoon at maibigay ang lahat sa atin upang gugulin ang ating mga sarili para sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu, madalas tayong liliwanagan ng Banal na Espiritu at palaging magkakaroon ng liwanag na tatanglaw sa atin kapag binabasa natin ang mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu, kapag nagsalita o kumilos tayo sa paraan na taliwas sa mga turo ng Panginoon, mararamdaman natin ang Banal na Espiritu na binabalaan tayo at nakikipag-ugnayan sa atin. At kapag alam na natin sa ating mga sarili, magsisi sa Diyos at magsagawa nang naaayon sa mga salita ng Diyos, noon magpapatuloy ang Banal na Espiritu sa paggabay sa atin, at mapapalapit tayo nang mapapalapit sa Panginoon. Sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu, mayroon tayong lugar para sa Diyos sa ating mga puso. Nagagawa nating parangalan ang Diyos bilang dakila at, anumang paghihirap, pag-uusig o kahirapan ang harapin natin, palagi tayong may paninindigan na maghanap upang mapaluguran ang Diyos, upang kumilos ayon sa mga ipinagagawa ng Diyos, upang hindi maigapos o mapigilan ng mga puwersa ni Satanas, at ang uri ng pamumuhay natin ay maaaring luwalhatiin ang pangalan ng Diyos sa lahat ng paraan. Sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu, maaari nating ituring na mahalaga ang itinuturing ng Diyos na mahalaga at maiisip ang iniisip ng Diyos, at maipapakita natin ang pagsasaalang-alang sa Kanyang kalooban at magagawa ang ating mga tungkulin upang mapaluguran ang Diyos. Sa madaling sabi, sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at habang nasa tabi natin ang Banal na Espiritu, paggabay ng mga salita ng Diyos kapag nahaharap tayo sa mga isyu at paninindigan na magsagawa nang naaayon sa mga salita ng Diyos, kung ganoon ay ang ating pagkatao at ang pamumuhay natin ay magiging higit na normal. Mapapalapit tayo nang mapapalapit sa Diyos, at ang ating mga espiritu ay mapapahinga, payapa at masaya. Kapag, sa mga pagtitipon sa iglesia, ay nakita nating nakakamit ng mga taong naghahangad ng katotohanan ang mga resultang ito sa magkakaibang antas sa paglipas ng panahon, kung ganoon ay pinatutunayan nito na ang iglesia na ito ay isang may gawain ng Banal na Espiritu. Gaya ng binanggit lang ni Sister Wenxi, kahit na ang iglesia ay maaaring madalas na gumawa ng iba’t ibang palabas, nagdaraos ng lahat ng klase ng pagdiriwang at tila mainit at masigla mula sa labas, kahit na gaano karaming beses tayong dumalo sa mga pagtitipon, wala pa ring magiging bagong liwanag kapag nakinig tayo sa mga sermon. Ang ating mga totoong problema at paghihirap ay mananatili pa ring walang kasagutan. Ang mga buhay natin ay mananatiling walang sustansiya at wala tayong magiging kaalaman tungkol sa Diyos. Kung ang pastor, nangangaral o ordinaryong kapatid, kung ang kanilang pagsasalita at kilos ay taliwas sa mga turo ng Panginoon at hindi pa rin sila nakakaramdam ng pagsisisi at hindi nadisiplina, kung ganoon ay patunay ito na ang iglesia na ito ay walang gawain o proteksiyon ng Banal na Espiritu. Sinasabi ng Biblia, “Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak” (Kawikaan 26:23). Kung ang isang iglesia ay lumilitaw lamang na marubdob sa labas, ngunit ang puso ng mga tao ay lumalayo sa Diyos at wala silang normal na relasyon sa Diyos, mas lalo nang hindi nila naisasagawa ang mga salita ng Diyos o sundin ang utos ng Panginoon, kung ganoon ay paanong maituturing na may gawain ng Banal na Espiritu ang iglesia na iyon? Hindi ba iyon “sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak”? Samakatuwid, kung ang isang iglesia ba ay may gawain ng Banal na Espiritu ay hindi natutukoy sa kung gaano karaming tao ang mayroon ito, o sa antas ng nakikita nating pagiging masigasig nito, o sa kung gaano karaming magagandang gawain ang tila ginagawa ng mga miyembro nito. Sa halip, iyon ay natutukoy sa kung ang mga tao ay nagagawang makamit ang panustos para sa kanilang mga buhay o hindi at kung patuloy ba silang nagtatamo ng bagong kaalaman sa Diyos o hindi. Kung basta na lamang tayong kakapit sa iilang literal na kahulugan at mga panuntunan, kung kailanman ay hindi tayo tinustusan ng katotohanan, kung kailanman ay hindi tayo magtatamo ng kahit anong bagong kaalaman sa Diyos, kung ang mga buhay natin ay hindi kailanman umasenso at ang ating mga totoong problema ay hindi kailanman naayos, kung ganoon, ang ganitong uri ng iglesia ay isang iglesia na walang gawain at presensiya ng Banal na Espiritu.

Ang totoo, karamihan sa mga kapatid na tapat na nananampalataya sa Panginoon at naranasan noon ang gawain ng Banal na Espiritu ay magagawang mapagtanto na laganap ang pagbagsak sa buong mundo ng relihiyon, at na nawala na rito ang gawain at presensiya ng Banal na Espiritu. Karamihan sa mga pinuno ng relihiyon ay hindi isinasagawa ang salita ng Panginoon at hindi nila pinananatili ang utos ng Panginoon. Ang pinanghahawakan lamang nila ay ang tradisyon ng mga tao na ipinamana at nakatuon sila sa pagpapaliwanag ng kaalaman sa biblia at teolohikang teorya upang magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Ni hindi sila nagpapatotoo sa Panginoon o dinadakila ang Panginoon, at sila ay lubos nang naligaw mula sa paraan ng Panginoon. Ang mga mananampalataya sa kalahatan ay namumuhay sa estado ng pagkakasala at pangungumpisal, gumagawa ng mga kasalanang laganap, at palayo sila nang palayo mula sa Panginoon at hindi nakakaramdam ng utang-na-loob sa Panginoon. Ang iba pa nga ay sumusunod sa mga makamundong kalakaran at hinahabol ang katanyagan, yaman at estado, at nag-iimbot sila sa kasiyahan ng laman. Malinaw na ang mundo ng relihiyon ay nawalan na ng gawain ng Banal na Espiritu at kinasusuklaman at tinatanggihan ng Diyos. Tunay na tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig(Mateo 24:12). Dahil dito ay hindi natin maiwasang isipin ang katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang karaniwang Hudyo nang mga panahong iyon ay hindi nagawang panatilihin ang mga batas at hindi magaganda ang sakripisyong inihahandog ng mga pari. Ang mga baka at ibon ay binibili at ibinebenta sa templo at walang disiplina kahit pa may isang taong lumabag sa batas. Mula sa labas, tila napakasigla ng templo at maingay sa dami ng mga taong paroo’t-parito, ngunit ang totoo, matagal na itong walang gawain ng Banal na Espiritu. Ang pangunahing dahilan ng pagkawasak ng mga templo sa Kapanahunan ng Kautusan ay dahil hindi sumusunod sa mga kautusan ni Jehova ang mga pinuno ng Hudaismo sa panahong iyon at wala silang mga pusong-may-takot-sa-Diyos. Kumakapit lamang sila sa mga tradisyon ng tao na ipinagpasa-pasa, isinantabi ang mga utos ng Diyos at tuluyan nang naligaw mula sa paraan ng Diyos, kaya naman sila isinumpa ng Diyos. Ang pinakamahalagang punto dito ay: Dahil ang Diyos na nagkatawang-tao—ang Panginoong Jesus—ay isinagawa ang Kanyang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa Panahon ng Biyaya, na pagbabago ng gawain ng Panginoon, lahat nang tumanggap sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay natamo ang gawain ng Banal na Epsiritu at nakahanap ng bagong daan ng pagsasagawa. Gayunman, ang mga tumanggi at lumaban sa gawain ng Panginoong Jesus, ay inalis sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Nawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sila sa kadiliman at pagkawasak.

Sa kasalukuyan, nawala na sa mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu at karamihan ay nawasak na, at walang dudang ang mabuting kalooban ng Diyos ang nasa likod nito. Iprinopesiya sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin(Amos 4:7–8). Ang mga salitang “isang bahagi ay inulanan” sa Biblia ay ang mga iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu at na, sa pamamagitan ng presensiya ng Diyos, masisiyahan ang mga tao sa pagtutustos at pagdidilig ng tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Ang mga salitang “ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo” ay ang mga iglesia na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung hindi tayo magkukusang maghanap ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay tuluyang mawawala sa atin ang pagtustos ng tubig ng buhay, at mahuhulog tayo sa kadiliman at pagkawasak. Malinaw na ang kalooban ng Diyos ay magkusa tayong maghanap ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu at hanapin ang mga yapak ng Diyos, dahil tanging sa paraang ito lamang natin maaayos ang pangunahing dahilan ng pagkawasak sa mga iglesia at upang muling matamo ang gawain at presensiya ng Banal na Espiritu. Gaya nang panahong tumama sa lupain ng Canaan ang taggutom. Tanging sa pamamagitan lamang ng pag-alis ni Jacob at kanyang pamilya doon at pagpunta sa Ehipto sa paghahanap ng pagkain lamang sila nakaligtas mula sa taggutom at nabuhay.

Kung ganoon ay paano tayo maghahanap ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu? Ang totoo ay matagal nang sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang paraan sa paggawa nito. Sa Kanyang propersiya tungkol sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, sinabi ni Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Iprinopesiya sa Aklat ni Joel, kabanata 2, bersikulo 29: “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.” At iprinopesiya sa maraming bahagi sa kabanata 2 at 3 ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Mula sa mga propesiyang ito ay makikita natin na, kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw, magsasabi Siya ng mas maraming salita at tutubigan at tutustusan tayo, at papayagan tayong maunawaan ang lahat ng katotohanan. Kapag naabot natin ang mga kinakailangan ng Diyos at nalaman ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia, kung ganoon ay magagawa nating makasunod sa mga yapak ng Panginoon at matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya naman, kailangan nating mag-ingat nang husto kung anong iglesia ang nagpapatotoo sa pagpapahayag ng Diyos ng mga bagong salita at paggawa ng mga bagong gawain. Dapat tayong makinig sa mga salitang ito kung matutustusan ba nito ang buhay natin at malulutas ang ating mga problema o hindi. Dapat nating alamin kung ang mga kapatid ba sa iglesia na ito, habang tinutubigan at tinutustusan ng mga salita ng Diyos, ay madalas na magtamo ng bagong kaalaman sa Diyos o hindi. Kung ang kanilang buhay ay patuloy na umuunlad o hindi. Kung ang kanilang pagkatao at ang isinasabuhay ba nila ay lalong nagiging normal o hindi, at iba pa. Kung ang mga praktikal na resultang ito ay naroon, kung ganoon ay pinatutunayan nito na ang iglesiang ito ay may gawain ng Banal na Espiritu, at isa iyong iglesia kung saan ang Diyos Mismo ang gumagawa at kung saan naroon ang Diyos.

Nagbitaw sa atin ng Pangako ang Panginoong Jesus: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7). Tapat ang Panginoon, at kung gugugol tayo ng mas maraming oras sa pananalangin at paghingi sa Panginoon, kung ganoon ay tiyak na mahahanap natin ang mga salitang binigkas ng Diyos na nagbalik sa mga huling araw. Matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu at magiging mga taong nakakasabay sa mga yapak ng Kordero!

Salamat sa Diyos. Nawa ay gabayan tayo ng Diyos!

Espirituwal na Tanong at Sagot

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

What is the meaning of rapture in Tagalog?

Ano ang meaning of rapture in Tagalog? Nangangahulugan ba talaga ito ng pagiging nadala sa isang ulap upang makatagpo ang Panginoon? Basahin ang artikulong ito para malaman ang tunay na kahulugan ng rapture.

Leave a Reply