Isang Wastong Saloobin sa Tungkulin ng Isang Tao

Agosto 3, 2022

Ni Milan, Pilipinas

Dati akong nagdidilig ng mga baguhan para sa iglesia, pero dahil medyo kulang ang kakayahan ko, maraming katotohanan ang hindi ko kayang ibahagi nang malinaw, at hindi ko malutas ang mga problema ng mga baguhan. Isa pa, palagi kong pinoprotektahan ang aking reputasyon at katayuan. Kapag may mga bagay na hindi malinaw sa akin, nahihiya akong humingi ng tulong sa iba. Dahil dito, hindi ko nagawang mabuti ang pagdidilig sa mga baguhan at natanggal ako dahil doon. Pagkatapos ay isinaayos ng lider na pangasiwaan ko ang pangkalahatang gawain. Talagang sumama ang loob ko nang maharap sa pagsasaayos na ito sa tungkulin. Hindi ko lang ito matanggap, lalo na nang makita kong mas maraming tao ang tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at agarang nangangailangan ng pagdidilig. Dahil sa pagbabago sa tungkulin ko noon, napaisip ako kung ako ay pinalayas. Nag-alala ako kung ano ang iisipin ng iba sa akin kapag nalaman nila, na iisipin nilang kulang ako sa kakayahan at kaya ko lang gumawa ng mababang gawain at maliliit na trabaho. Nagdidilig ako ng mga bagong mananampalataya kasama ng iba noong una, pero ngayon na pinangangasiwaan ko ang mga pangkalahatang gawain, maliliit na gawain lang, ano ang punto sa ganoong uri ng tungkulin? Gaano man ako kahusay gumawa, magiging tagapagserbisyo lang ako at sa huli ay mapapalayas. Habang mas iniisip ko iyon, lalong sumasama ang loob ko. Hindi ko tinatapos nang maayos ang mga gawain ko, bagkus ay kuntento na lamang ako na gumawa nang wala sa loob nang hindi isinasapuso ang mga ito. Minsan ay maraming bagay na dapat gawin sa gabi, pero magsisimula akong matulog nang napakaaga. Tapos, pinadalhan ako ng mensahe ng isang sister na namamahala sa pagdidilig, hinihiling sa akin na tumulong na pagsama-samahin ang ilang dokumento ng gawain mula sa dati. Nakaramdam ako ng labis na pagtutol nang mabasa ko iyon. Hindi na ako nagdidilig, bakit niya hinihiling sa akin na gawin iyon? Pero hindi ako makatanggi, kaya may pag-aatubili akong pumayag na gawin iyon. Ngunit kinabukasan ay humiling sa akin ang isa pang sister na tagapagdilig na tumulong ako sa isang bagay. Talagang nag-aatubili ako, iniisip na, “Ang mga pangkalahatang gawain ay talagang maliliit na trabaho lang, at kahit sino ay pwedeng mag-utos sa akin ng gagawin. Hindi ko naman talaga ito trabaho, kaya bakit niya ako pinatutulong?” Natakot ako na iisipin niya na hindi ko sinusuportahan ang gawain ng iglesia kung tatanggi ako. Dahil walang magawa, sinabi ko sa kanya na gagawin ko iyon.

Sa loob ng ilang araw, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko kahit kaunti. Hindi ko nagawang tanggapin ang pagbabago ng tungkulin na mula sa Diyos at tumutol ako sa lider, iniisip na pinahihirapan niya ako. Sinabi ko sa isang sister na nakapareha ko noon, nang medyo sinasadya, “Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng bakanteng oras sa gawain ko ng pagdidilig at ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin. Kailanman ay hindi ako tinulungan ng lider kapag nagkakaroon ng problema, pero tinanggal niya ako agad-agad. Kung ganoon, hayaan mo na! Dahil natanggal ako, malamang na may aral dito para sa akin.” Matapos marinig iyon, pakiramdam din ng sister ay hindi naging patas sa akin ang lider. Noong panahong iyon, pakiramdam ko talaga ay naagrabyado ako. Bakit ako itinalagang mangasiwa ng pangkalahatang gawain? Maliliit na trabaho lang ba ang kaya kong gawin? Hindi ba ako karapat-dapat linangin? Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng silbi simula noon, at kahit na ipagpatuloy ko ang aking pananampalataya hanggang sa huli, mapapalayas ako. Ang mga saloobing ito ay lalo pang nagpahirap sa akin. Napagtanto ko na mali ang kalagayan ko kaya agad akong lumapit sa Diyos sa panalangin at sinabing, “Diyos ko, ano ba ang mali sa akin? Isa rin itong tungkulin, kaya bakit hindi ako nasisiyahan sa pangangasiwa sa mga pangkalahatang gawain? Diyos ko, pakiusap, bigyan Mo po ako ng kaliwanagan at gabayan Mo po ako para maunawaan ko ang sarili ko at tumigil ako sa pamumuhay sa katiwalian.”

Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos tungkol sa saloobin ng mga anticristo sa pagbabago ng tungkulin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang tungkuling nararapat sa iyo ay dapat batay sa sarili mong mga kalakasan. Kapag minsan ay hindi ka magaling sa tungkuling isinaayos ng iglesia para sa iyo o hindi iyon isang bagay na nais mong gawin, maaari mong ipaalam ang isyu at lutasin iyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Ngunit kung nagagampanan mo ang tungkulin, at isang tungkulin iyon na dapat mong gampanan, at ayaw mong gawin iyon dahil lang sa natatakot kang magdusa, may problema sa iyo bilang isang tao. Kung handa kang sumunod at kaya mong talikdan ang iyong laman, masasabi na makatwiran ka. Gayunman, kung lagi mong sinusubukang kalkulahin kung aling mga tungkulin ang mas kagalang-galang, at ipinalalagay mo na ang ilang tungkulin ay magiging dahilan para hamakin ka ng iba, patunay ito na mayroon kang tiwaling disposisyon. Bakit masyado kang may kinikilingan sa iyong pagkaunawa sa mga tungkulin? Magagampanan mo kaya nang maayos ang isang tungkulin kung pinili mo iyon batay sa sarili mong mga ideya? Hindi naman talaga totoo iyon. Ang pinakamahalaga rito ay ang paglutas sa iyong tiwaling disposisyon, at kung hindi mo gagawin iyon, hindi mo magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin, kahit nasisiyahan ka roon. Ang ilang tao ay ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang walang mga prinsipyo, at ang pagganap nila sa kanilang tungkulin ay palaging batay sa sarili nilang mga kagustuhan, kaya hindi nila nalulutas kailanman ang mga paghihirap, palagi nilang iniraraos lang ang bawat tungkuling ginagampanan nila, at sa huli ay pinalalayas sila. Maliligtas ba ang ganitong mga tao? … Ang masasamang tao at mga anticristo ay hindi kailanman nagkakaroon ng tamang saloobin sa kanilang mga tungkulin. Ano ang iniisip nila kapag inililipat sila? ‘Palagay mo ba isa lang akong tagapagsilbi, isang taong nagsisilbi kung ano ang iutos mo, na basta mo lamang mapapaalis kapag tapos ka na sa akin? Aba, hindi ko hahayaang tratuhin ako nang ganito! Gusto kong maging lider o manggagawa, dahil iyon lamang ang kagalang-galang na trabaho rito. Kung hindi mo ako hahayaang maging lider o manggagawa at gusto mo pa rin akong mag-ambag, kalimutan mo na lang iyon!’ Anong klaseng saloobin ito? Pagsunod ba ito? Ano ang nagbubunsod sa saloobing ito ukol sa paglilipat sa kanilang tungkulin? Kapusukan, sarili nilang mga ideya, at tiwaling disposisyon nila, tama ba? At ano ang mga kahihinatnan ng pagharap dito sa ganitong paraan? Una sa lahat, magagawa ba nilang maging tapat at taos sa kanilang susunod na tungkulin? Hindi, hindi nila magagawa. Magkakaroon ba sila ng positibong saloobin? Anong uri ang magiging kalagayan nila? (Isang kalagayan ng panlulumo.) Ano ang diwa ng panlulumo? Ito ay paglaban. At ano ang pinakahuling resulta ng isang mapanlaban at nanlulumong lagay ng loob? Magagawa ba nang maayos ng isang taong gayon ang pakiramdam ang kanyang tungkulin? (Hindi.) Kung palaging negatibo at mapanlaban ang isang tao, akma ba siyang gumanap sa isang tungkulin? Anumang tungkulin ang kanyang ginagampanan, hindi niya iyon magagampanan nang maayos. Paulit-ulit lang ang sitwasyong ito, at hindi magiging maganda ang kalalabasan. Bakit ganoon? Ang gayong mga tao ay wala sa mabuting landas; hindi nila hinahanap ang katotohanan, hindi sila masunurin, at hindi nila maunawaan nang maayos ang saloobin at pakikitungo sa kanila ng pamilya ng Diyos. Problema ito, hindi ba? Ganap na angkop na pagbabago iyon sa tungkulin, ngunit sinasabi ng mga anticristo na ginagawa iyon para pahirapan sila, na hindi sila tinatratong tao, na ang pamilya ng Diyos ay walang pagmamahal, na tinatrato silang parang makina, tinatawag kapag kailangan sila, pagkatapos ay isinasantabi kapag hindi. Hindi ba’t binabaluktot niyon ang lohika? May konsensya o katwiran ba ang isang taong nagsasabi ng gayong bagay? Wala siyang pagkatao! Binabaluktot niya ang isang ganap na makatwirang bagay; binabaluktot niya ang isang ganap na angkop na pagsasagawa at ginagawang isang bagay na negatibo—hindi ba ito ang kasamaan ng isang anticristo? Mauunawaan ba ng isang taong ganito kasama ang katotohanan? Talagang hindi. Problema ito ng isang anticristo; babaluktutin niya ang lohika ng anumang nangyayari sa kanya. Bakit siya nag-iisip sa baluktot na paraan? Dahil siya ay likas na napakasama, masama ang diwa. Una sa lahat, ang kalikasan at diwa ng isang anticristo ay masama, na sinusundan ng kanilang kabangisan, at ang mga ito ang kanilang mga pangunahing katangian. Ang likas na kasamaan ng mga anticristo ay humahadlang sa kanilang maunawaan nang tama ang anumang bagay, at sa halip ay binabaluktot nila at namamali ang pakahulugan nila sa lahat ng bagay, nagmamalabis sila, gumagawa ng walang saysay na pagtutol, at hindi nila maasikaso nang maayos ang mga bagay-bagay o mahanap ang katotohanan. Sumunod, aktibo nilang nilalabanan ang mga bagay-bagay at naghahangad na maghiganti, o ipinapakalat pa ang sarili nilang mga kuru-kuro at pagiging negatibo, na inuudyukan at hinihikayat ang iba na gambalain ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Lihim silang nagpapakalat sa paligid ng ilang hinaing, nanghuhusga kung paano tinatrato ang mga tao sa sambahayan ng Diyos, ang mga tuntunin para sa pangangasiwa nito, kung paano ginagawa ng ilang lider ang mga bagay-bagay, at kinokondena ang mga lider na ito. Anong uri ng disposisyon ito? Kalupitan ito(“Gusto Nilang Umatras Kapag Walang Katungkulan o Walang Pag-asang Magtamo ng mga Pagpapala” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na sa harap ng anumang bagay, hindi kaya ng mga anticristo na unawain nang tama ang kalooban ng Diyos, bagkus ay palaging mali ang pagkaunawa nila sa mga bagay-bagay. Itinuturing nila ang isang simpleng pagbabago sa tungkulin na para bang ibinababa sila ng ranggo, iniisip na pinahihirapan sila. Pakiramdam pa nga nila ay para silang mga robot na inuutusan ng sambahayan ng Diyos. Nagiging negatibo at lumalaban sila, at posible nilang iwanan ang kanilang tungkulin anumang oras, isinasawalang-bahala ang gawain ng iglesia. Ang mga anticristo ay may napakasamang kalikasan! Pero nakita ko na kumikilos ako sa parehong-parehong paraan. Dapat ay nagnilay ako kung paano ako nabigo pagkatapos matanggal at pinahalagahan ko ang pagkakataong ito sa isang bagong tungkulin. Pero hindi man lang ako nagnilay-nilay. Pakiramdam ko ay pinaghihigpitan ako ang lider, na ang pangangasiwa sa pangkalahatang gawain ay nakabababa at nakahihiya, na gumagawa ako ng maliliit na trabaho, isa akong tagapagserbisyo, at hindi karapat-dapat linangin. Hindi ko lang kayang magpasakop dito, bagkus ay naramdaman ko pa na labis akong naagrabyado, at tutol na tutol ako sa tungkuling ito. Palagi akong nagpapakatamad, gumagawa nang wala sa loob, sumasabay lang sa agos. Nakikipagkumpetensya ako sa Diyos at ginagamit ang ganitong uri ng pagiging negatibo para labanan ang Diyos. Ayaw kong makipagtulungan nang lumapit sa akin ang mga sister na tagapagdilig para humingi ng tulong, bagkus ay puno ako ng mga hinaing. Akala ko ay inuutus-utusan nila ako, pinahihirapan at pinagagawa ng maliliit na trabaho. Talagang naging hindi ako makatwiran! Gusto kong ilabas ang mga damdamin ko ng pagiging agrabyado, kaya ipinahayag ko ang mga hinaing ko sa dati kong partner, nagrereklamo tungkol sa lider. Naapektuhan siya niyon at sa huli ay nakaramdam siya ng pagkiling laban sa lider. Ganap akong inilantad ng pagbabagong iyon ng tungkulin. Ginawa ko ang tungkulin ko nang lubos na nakabatay sa personal na kagustuhan, nagnanais lamang na gumawa ng isang tungkulin na magpapaganda sa imahe ko. Sa mas mababang katayuan, pakiramdam ko ay hindi ako titingalain ng iba at wala akong pag-asa sa mga pagpapala, kaya negatibo ako at nag-atubili, nilalabanan ang Diyos, inilalabas pa nga ang galit ko sa aking tungkulin. Ipinakalat ko ang sarili kong mga pagkiling at kuru-kuro, at nakakuha ng isa pang tao para ipaglaban ako. Paano iyon naiiba sa isang anticristo? Wala talaga akong pagkatao o katwiran!

Pagkatapos ay nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos “Ang ilang tao ay hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, lagi silang walang ingat at pabasta-basta, na nagiging sanhi ng mga pagkagambala o kaguluhan, at sa huli, pinapalitan sila. Gayunman, hindi sila pinatatalsik sa iglesia, na pagbibigay sa kanila ng pagkakataong magsisi. Lahat ay may mga tiwaling disposisyon, at lahat ay may mga pagkakataon na naguguluhan sila o nalilito, mga pagkakataon na mababa ang kanilang tayog. Ang layon ng pagbibigay sa iyo ng pagkakataon ay upang mabago mo ang lahat ng ito. At paano mo ito mababago? Dapat mong pagnilayan at malaman ang nakaraan mong mga pagkakamali; huwag kang magdahilan, at huwag kang magpakalat ng mga kuru-kuro. Kung mali ang pagkaunawa mo sa Diyos at basta ipinapasa mo na lang ang mga maling pagkaunawang ito sa iba, upang sila rin ay magkamali ng pagkaintindi sa Diyos na kasama mo, at kung mayroon kang mga kuru-kuro at naglilibot ka na ikinakalat ang mga iyon, upang magkaroon ng mga kuru-kuro ang lahat na kasama mo, at sinisikap na mangatwiran sa Diyos na kasabay mo, hindi ba’t pagpukaw ito sa pagkabagabag ng lahat? Hindi ba ito pagsalungat sa Diyos? At may buti bang maidudulot ang pagsalungat sa Diyos? Maliligtas ka pa ba? Inaasam mo na ililigtas ka ng Diyos, ngunit nilalabanan at sinasalungat mo ang Diyos; maaari ka pa bang iligtas ng Diyos? Kalimutan mo na ang mga pag-asam na ito. Nang makagawa ka ng pagkakamali, hindi ka pinanagot ng Diyos, ni hindi ka Niya pinalayas dahil sa nag-iisang pagkakamaling ito. Binigyan ka ng sambahayan ng Diyos ng pagkakataon, at tinulutan kang patuloy na gampanan ang isang tungkulin, at magsisi, na siyang oportunidad na ibinigay sa iyo ng Diyos; kung mayroon kang konsensya at katinuan, dapat mong pahalagahan ito. Ang ilang tao ay palaging walang ingat at pabasta-basta kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, at pinapalitan sila; ang ilan ay inililipat. Ibig sabihin ba nito ay pinalayas na sila? Kung hindi iyon sinabi ng Diyos, may pagkakataon ka pa rin. Kaya ano ang dapat mong gawin? Dapat mong pagnilayan at kilalanin ang sarili mo, at tunay kang magsisi; ito ang landas. Ngunit hindi iyon ang ginagawa ng ilang tao. Lumalaban sila, at sinasabi kung saan-saan na, ‘Hindi ako pinayagang gampanan ang tungkuling ito dahil mali ang nasabi ko at may napasama ako ng loob.’ Hindi nila hinahanap ang problema sa sarili nila, hindi sila nagninilay, hindi nila hinahanap ang katotohanan, hindi nila sinusunod ang mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos, at sinasalungat nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga kuru-kuro. Hindi ba naging Satanas na sila? Kapag ginagawa mo ang mga bagay na ginagawa ni Satanas, hindi ka na isang tagasunod ng Diyos. Naging kaaway ka na ng Diyos—maaari bang iligtas ng Diyos ang Kanyang kaaway? Hindi. Inililigtas ng Diyos ang mga taong may mga tiwaling disposisyon, mga tunay na tao—hindi mga diyablo, hindi ang Kanyang mga kaaway. Kapag nilalabanan mo ang Diyos, at nagrereklamo ka tungkol sa Diyos, at nagkakamali ka ng pagkaintindi sa Diyos, at hinuhusgahan mo ang Diyos, na nagkakalat ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, lubos kang laban sa Diyos; nagpoprotesta ka laban sa Diyos(“Tanging sa Paghahanap ng mga Prinsipyo ng Katotohanan Nagagampanan nang Maigi ng Isa ang Kanyang Tungkulin” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Labis akong napukaw ng mga salita ng Diyos. Bagama’t natanggal ako, hindi inaalis ng Diyos sa akin ang pagkakataong magampanan ang isang tungkulin. Hindi Niya sinabi na hindi ko maaaring hangarin ang katotohanan, na ako ay palalayasin. Isinaayos na tumanggap ako ng isa pang tungkulin, binibigyan ako ng pagkakataon upang tunay na pagnilayan at unawain ang aking sarili. Pero dahil hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, inakala ko na ang pagkakatanggal sa akin ay pagkawala ng katayuan at reputasyon. Naging negatibo ako at mapanlaban. Napakarebelde ko at hindi makatwiran! Noong nagdidilig ako sa mga bagong mananampalataya, dahil wala akong mabuting kakayahan, hindi ako makapagbahagi nang malinaw sa katotohanan, at hindi nalulutas sa tamang panahon ang mga katanungan ng mga baguhan. Natatakot na maliitin ako ng iba, lagi akong nagpapanggap at hindi nagtatapat at nanghihingi ng tulong tungkol sa mga paghihirap na hinaharap ko. Nagbahagi sa akin ang lider tungkol sa mga prinsipyo at pamamaraan para sa tungkuling iyon, pero nakontento na ako na malaman lang ang tungkol sa mga iyon, at pagkatapos ay hindi ko inisip kung paano isasagawa at gagamitin ang mga iyon. Kaya maraming prinsipyo ang hindi ko naunawaan pagkatapos ng maraming pagbabahagi at kailanman ay hindi nagkaroon ng magagandang resulta ang gawain ko ng pagdidilig. Hindi lamang mababa ang kakayahan ko, kundi masyado akong mapagmataas at walang gana na hanapin ang katotohanan. Hindi ko talaga pinagbubuti ang mga kasanayan ko, at walang pag-usad sa gawain ko. Kaya kinailangan akong ilipat sa ibang tungkulin. Pero ayaw kong kilalanin ang katiwalian at mga pagkakamali ko. Tinrato ko ang paglilipat sa akin nang may galit at tumanggi akong tanggapin ito. Mali pa nga ang pagkaunawa ko na inilalantad ako ng Diyos, pinagmumukha akong masama, na palalayasin Niya ako. Katawa-tawa at wala ako sa katwiran doon. Dahil sa aking mababang kakayahan at kawalan ng mga tagumpay sa pagdidilig ng mga baguhan, madalas akong nalulumbay. Kung patuloy kong gagawin ang tungkuling iyon, hindi lamang nito mapipinsala ang sarili kong buhay, kundi maaantala rin nito ang gawain ng iglesia. Batay sa kakayahan at mga kalakasan ko, binigyan ako ng lider ng isang tungkulin na kaya kong gampanan. Pagsunod iyon sa prinsipyo, at pagiging responsable sa buhay ko. Pero hindi ko alam kung ano ang makabubuti para sa akin. Hindi ako nagnilay-nilay para kilalanin ang sarili ko, bagkus ay gumawa ako ng ganting atake, hinuhusgahan ang lider sa kanyang likuran, nagkakalat ng pagiging negatibo. Mula sa panlabas, parang naghahanap lang ako ng mali sa lider, pero ang totoo ay sumasalungat ako sa Diyos, lumalaban sa Kanya. Nalalantad nang ganito, nakita ko na hindi lang ako kulang sa kakayahan, kundi mayroon din akong malubhang tiwaling disposisyon. Kung hindi ako magpapasakop tulad ng nararapat at taimtim na gagawin ang aking tungkulin, malalantad ako at mapalalayas!

Sa aking pagninilay-nilay, natuklasan ko rin ang isang maling pananaw na taglay ko. Akala ko ang mga tungkulin ay may iba’t ibang ranggo, na mayroong mabababa at matataas, at ang paggawa lamang ng gawaing pamumuno o pagdidilig ang tunay na tungkulin, habang ang mabababang gawain at pangkalahatang gawain ay hindi maituturing na isang tungkulin. Akala ko ang gawaing iyon ay mababang klase ng trabaho, na ang paggawa sa mga tungkuling ito ay paglilingkod lamang, at ako ay mapapalayas pagkatapos ng aking serbisyo. Kaya nang marinig kong itinatalaga akong mangasiwa sa pangkalahatang gawain, nanliit ang pakiramdam ko, na tinatrato akong parang isang makina, Talagang tutol ako rito at ni wala akong gana na gawin ang aking tungkulin. Pero sa sambahayan ng Diyos, ang lahat ng tungkulin ay para sa plano ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ito man ay pagiging isang lider, tagapagdilig, o paggawa ng pangkalahatang gawain, lahat ng ito ay atas ng Diyos, at ang lahat ay kailangang magtulungan nang mabuti. Katulad lang ito ng isang makina, ang bawat bahagi ay may silbi, kaya walang malaki o maliit, mataas o mababa, marangal o hamak sa mga tungkulin, iba-ibang papel lamang. Anuman ang tungkulin na kanilang ginagawa, ang lahat ay may mga aral na dapat matutuhan, mga katotohanang dapat nilang pasukin. Hangga’t hinahanap natin ang katotohanan, lahat tayo ay maililigtas ng Diyos. Pero laging mali ang iniisip ko sa mga bagay-bagay. Akala ko na ang pangangasiwa sa pangkalahatang gawain ay mababang gawain lamang, maliliit na trabaho, at pagseserbisyo. Ginamit ko ang baluktot at masamang pananaw na iyon sa pagkakabago ng tungkulin ko at mali ang pagkaunawa ko sa kalooban ng Diyos. Kasuklam-suklam at kamuhi-muhi iyon sa Diyos.

Naalala ko roon ang ilan sa mga salita ng Diyos. “Ang inaasam ng Diyos ay para ang bawat tao ay magawang perpekto, sa kahuli-hulihan ay matamo Niya, lubos Niyang malinis, at maging mga tao na Kanyang minamahal. Hindi mahalaga kung sinasabi Ko mang kayo ay paurong o mahina ang kakayahan—ito ay tunay lahat. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong pabayaan ka, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang magsisikap, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang mapapabayaan. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa antas ng iyong pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t ibang mga pangkalahatang ugnayan, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Nang mabasa ko ang salita ng Diyos, talagang naantig ako, pero nahiya rin ako. Mali ang pagkaunawa ko at sinisi ko ang Diyos nang hindi inuunawa ang Kanyang kalooban. Sa katunayan, hindi kailanman sinabi ng Diyos na hindi Niya ililigtas ang mga taong may mababang kakayahan, at hindi Niya tinatrato ang mga tao batay sa kanilang kakayahan o kung anong tungkulin ang kanilang ginagawa. Tinitingnan Niya kung mahal at hinahanap nila ang katotohanan. Iyon ang susi sa kung sila ay maililigtas. Naisip ko ang isang tao na gumagawa ng masama na itiniwalag ng sambahayan ng Diyos noon. Mukha siyang may kakayahan at nakapukaw ng paghanga ang tungkulin niya, pero palagi siyang naghahangad ng katayuan, inaapi ang iba at ibinubukod ang mga may ibang pananaw. Natabasan at naiwasto na siya nang paulit-ulit, pero hindi siya nagsisi. Kalaunan, gumawa siya ng maraming kasamaan at itiniwalag sa iglesia. At ang mga huwad na lider at anticristo na nalantad at napalayas nitong mga nakaraang taon ay mukhang may kakayahan at mga kaloob lahat, pero hindi nila hinanap ang katotohanan. Lahat sila ay gumawa ng maraming kasamaan para sa karangalan at katayuan, at nasa isang landas na laban sa Diyos. Gaano man kalaking tingnan ang kakayahan ng isang tao, gaano man kataas ang kanyang katayuan, kung hindi niya hinahanap ang katotohanan, siguradong ilalantad at palalayasin siya ng Diyos. Naisip ko rin ang ilang kapatid na may katamtamang kakayahan na may mga pangkaraniwang tungkulin, pero nagagawa nila itong isapuso, ginagampanan ang papel ng isang nilikha. Kapag nagbubunyag sila ng katiwalian, lumalapit sila sa Diyos upang manalangin at maghanap, upang pagnilayan at kilalanin ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Maaaring magbago ang mga tiwali nilang disposisyon sa paglipas ng panahon. Napakamatuwid ng disposisyon ng Diyos. Hindi tinatrato ng Diyos ang sinuman nang hindi patas. Anuman ang kalidad ng ating kakayahan, anumang tungkulin ang ating ginagawa, nililinang at dinidiligan ng Diyos ang lahat nang pantay-pantay, at nagsasaayos Siya ng mga sitwasyon para maranasan natin ang mga salita ng Diyos at makapasok tayo sa realidad ng katotohanan. Napakapraktikal ng gawain ng Diyos para iligtas ang tao! Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, hindi na ako masyadong tutol sa kasalukuyan kong tungkulin, bagkus ay gusto kong magpasakop dito at gampanan ito.

Nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Ngayon, kapag gumaganap ka ng isang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, malaki man ito o maliit, may kinalaman man ito sa pisikal na paggawa o paggamit ng iyong utak, ginagawa man ito sa labas o loob ng iglesia, ang tungkuling ginagampanan mo ay hindi nagkataon lamang. Paanong pinili mo ito? Ito ay pinangasiwaan ng Diyos. Dahil lamang sa tagubilin ng Diyos kaya ka natinag, at nagkaroon ng ganitong kabatiran ng misyon at pananagutan, at nagagawang gampanan ang tungkuling ito. Sa mga di-mananampalataya, marami ang kaakit-akit, matatalino o may kakayahan. Ngunit pinapaboran ba sila ng Diyos? Hindi, hindi sila pinili ng Diyos, kayo lang ang pinapaboran ng Diyos, ang pangkat na ito ng mga tao. Pinagagampanan Niya sa inyo ang bawat uri ng papel, ipinatutupad ang bawat uri ng tungkulin at pananagutan sa Kanyang gawain ng pamamahala, at kapag sa huli ay nagwakas at nakumpleto ang plano ng pamamahala ng Diyos, magiging lubos na kaluwalhatian at karangalan iyon! At kaya habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kasalukuyan, dumaranas ng kaunting paghihirap ang mga tao, kapag isinusuko nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili, kapag nagbabayad sila ng halaga, kapag nawawalan sila ng katayuan, katanyagan at kayamanan sa mundo, kapag wala na sila ng mga bagay na iyon, tila lumalabas na kinuha ng Diyos ang mga bagay na iyon mula sa kanila—ngunit may nakamit silang higit na katangi-tangi at mahalaga. Ano ang nakamit nila mula sa Diyos? Sa pamamagitan ng pagganap ng tungkulin nakakamit ng mga tao ang katotohanan at buhay. Tanging kapag nagampanan mo na nang maayos ang iyong tungkulin, kapag natapos mo na ang tagubilin ng Diyos para sa iyo, kapag ipinamuhay mo ang buong buhay para sa iyong misyon at atas na ibinigay ng Diyos, kapag mayroon kang magandang patotoo at namuhay ka nang kapaki-pakinabang na buhay—saka ka lang magiging isang tunay na tao! At bakit Ko sinasabing isa kang tunay na tao? Sapagkat hinirang ka ng Diyos, pinahintulutan ka Niyang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos sa Kanyang pamamahala, at wala nang hihigit pang halaga o kahulugan sa iyong buhay(Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ang Diyos ay hindi tumitingin sa sinasabi o ipinapangako mo sa harap ng Diyos. Tumitingin ang Diyos sa ginagawa mo, ngunit walang pakialam ang Diyos kung gaano kataas, kahiwaga, o kalaki ang iyong mga ikinikilos; kahit maliit na bagay ang ginagawa mo, kung nakikita ng Diyos ang sinseridad sa iyong mga kilos, sasabihin ng Diyos, ‘Taos-pusong naniniwala sa Akin ang taong ito. Hindi siya kailanman nagpapalabis. Kumikilos siya ayon sa kanyang katungkulan. At bagama’t maaaring hindi malaki ang kanyang naiambag sa sambahayan ng Diyos, at mahina ang kanyang kakayahan, matatag siya sa lahat ng kanyang ginagawa; siya ay may sinseridad.’ Ano ang kabilang sa ‘sinseridad’ na ito? Kabilang dito ang takot at pagsunod sa Diyos, gayundin ang tunay na pananampalataya at pagmamahal; kabilang dito ang lahat ng nais makita ng Diyos. Para sa iba, maaaring hindi kapansin-pansin ang gayong mga tao, maaaring ito ay isang taong tagaluto ng pagkain o tagalinis, isang taong gumaganap ng isang ordinaryong tungkulin. Ang gayong mga tao ay hindi kapansin-pansin sa iba, wala silang anumang malaking nagawa, at wala silang anumang kapuri-puri, kahanga-hanga o nakakainggit tungkol sa kanila—mga ordinaryong tao lamang sila. Gayunpaman, nasa kanila ang lahat ng nais ng Diyos, lahat ay naisasabuhay nila, at ibinibigay nila ang lahat ng iyon sa Diyos. Ano pa ba sa palagay ninyo ang nais ng Diyos? Nasisiyahan ang Diyos(Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na kahit na anong tungkulin ang makuha ko, ito ay mula sa pamamahala at pagsasaayos ng Diyos. Dapat akong magpasakop at harapin ang lahat ng ito nang buong puso. Anuman ang kakayahan ko o gaano man karami ang nagagawa ko, dapat ilaan ko ang lahat ng mayroon ako, ibigay ko ang lahat ng makakaya ko. Iyon ang kalooban ng Diyos, at iyon talaga ang paggawa ng aking tungkulin.

Pagkatapos nito, tinaglay ko ang tamang saloobin at masigasig kong ginampanan ang pangkalahatang gawain, at pagkaraan ng sandaling panahon, nakita ko na hindi talaga ito ang nakababagot na trabahong inakala ko. Maraming prinsipyo na mauunawaan at mapapasok sa tungkuling iyon, at nangangailangan ito ng isang taos na pusong naghahanap sa katotohanan sa pagganap ng tungkuling ito. Sa loob ng isang panahon ng pagsasagawa, marami akong nakamit mula sa pangangasiwa sa pangkalahatang gawain. Natutuhan ko ang ilang kasanayan at naunawaan ang ilang prinsipyo, at naranasan ko rin kung gaano kapraktikal ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Binago ng paglilipat ng tungkulin na ito ang maling pananaw ko sa mga tungkulin at naging handa akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at gawin ang aking makakaya sa aking tungkulin. Salamat sa Diyos!

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Paglabas Mula sa Pagkalito

Gaya ng sinabi ng Diyos: “Sa ngayon, hindi ka maaring masiyahan na sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas-ng-loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan?”

Kontakin Kami Gamit ang Messnger