Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Susi sa Maayos na Koordinasyon
Noong Agosto 2018, ang tungkulin ko ay paggawa ng mga props sa pelikula kasama si Brother Wang. Sa umpisa, naramdaman ko na ang dami kong hindi alam kaya humihingi ako lagi ng tulong kay Brother Wang. Hindi nagtagal, natutunan ko na ang gawain. At nag-aral din ako ng interior design at nagtrabaho sa konstruksyon at may kaunting karanasan sa pagkakarpintero kaya hindi nagtagal, nakaya kong gumawa ng mga props nang mag-isa. At napagtanto ko na magaling si Brother Wang sa pagdidisenyo ng mga panloob na set pero ang paggawa ng mismong props ay hindi niya talento. Kaya noong nagkaroon kami ng magkaibang mga pangangatuwiran sa bagay na iyon, ayaw kong makinig sa kanya. Naisip ko laging mas magaling ako sa paggawa ng props at ang mga plano ko ay mas maayos kaysa sa kanya. Sa paglipas ng panahon, mas nagbanggaan kami at minsan nagtalo kami nang matagal kung ano ang gagawin sa isang maliit na piraso ng kahoy. Madalas akong nagpaparaya alang-alang sa aming relasyon pero lagi kong nararamdaman na tama ako. Pagkalipas ng ilang panahon, nadama ko na talagang miserable ako at ayoko nang gumawa na kasama siya.
Minsan, kailangan naming gumawa ng bubong na gawa sa pawid para sa isang video pero wala kaming anumang matibay na kahoy para sa mga poste, kaya kailangang kami ang gumawa ng mga ito. Pinag-usupan namin ang mga ideya namin para rito. Sinabi ko dapat gawin muna namin ang mga hulmahan para sa mga poste, pagkatapos buhusan ang loob nito ng kongkreto para maging mas matibay ang mga ito. Pero sinabi ni Brother Wang ang mga haligi ay magiging sobrang makinis, at hindi makatotohanan. Kung gumamit tayo ng basahang tela maari nating magaya ang pagkayari at hugis ng isang katawan ng puno. Naisip ko, “Nagtrabaho ako sa konstruksyon pero hindi ko kailanman nakitang ginamit ang tela sa isang sementadong poste. Anuman ang maging hitsura nito, ang kapal nito ay mahirap makontrol at hindi ito magiging matibay.” Kaya tinanggihan ko ang ideya niya, pero sinabi niya na gusto pa rin niyang subukan ito. Nanlaban ako noong nakita kong hindi niya tinatanggap ang mungkahi ko. Naisip ko, “Bakit hindi ka na lang makinig sa akin? Hindi ito mahalaga—Tama naman ako. Ang mga resulta ang magsasalita para sa kanilang sarili. Kung masira ito, huwag mong sabihing hindi kita binalaan.” Hindi kami magkasundo, kaya pareho kaming umalis at ginawa ang sarili naming gawain. Maghapon akong nagtrabaho at nakagawa ng isang poste. Iniisip ko kung anong hitsura ng poste ni Brother Wang, at kung ang mga poste ay maipagsasama dahil gumawa kami ng sarili naming mga gawa. Medyo hindi ako mapalagay sa isiping ito kaya tiningnan ko ang gawa niya. Nang makarating ako roon, nakita kong talagang hindi maayos ang poste niya. Nang oras na iyon, naisip ko, “Sinabi ko sa iyo na hindi ito gagana pero ayaw mong makinig sa akin, at ngayon malinaw na ang ideya ko ay mas mabuti kaysa sa iyo.” Pagkatapos sinabi ko kay Brother Wang, “Brother Wang, ang posteng ito ay medyo makapal. Ang ginagawa nating bahay na pawid ay hindi malaki, kaya magkakasya ba ito? At madami ring mga bitak sa loob nito, at hindi ito mukhang napakatibay. Ang mga posteng ginawa natin ay mukhang labis na magkaiba. Paano natin magagamit ang mga ito sa paggawa ng pelikula? Huwag mong ipagpatuloy ang paggawa nito sa ganitong paraan. Hindi ba dapat na gawin na lang natin ang ideya ko?” Nagulat ako nang marinig kong sabihin niyang, “Ang poste ko ay medyo makapal, pero hindi naman talaga isyu iyon. Ang sementadong poste mo ay hindi mukhang katawan ng puno. Kalaunan, kakailanganin nito ang mas maraming trabaho.” Noong nakita ko na hindi lang niya tinanggihan, kundi sinabi niya na hindi maayos ang ginawa ko, talagang hindi ako komportable. Naisip ko, “Bakit ba ang hirap mong kausapin? Ang hirap makipagtrabaho sa iyo!” Umupo ako sa harapan ng computer pagkatapos ng hapunan at inisip ang nagdaang araw. Medyo masama ang loob ko. Naisip ko na talagang malinaw na mali si Brother Wang at lagi siyang nakikipagbanggaan sa akin. Talagang ayoko nang makipagtrabaho sa kanya. Pero naisip ko na iniiwasan ko ang isyu, na hindi ako nagpasakop. Nadama ko na mas labis akong nahihirapan at masama ang loob ko, kaya nagtungo ako sa harapan ng Diyos sa panalangin, hinihiling ko sa Diyos na gabayan ako na makilala ang sarili ko upang makapagtrabaho ako nang maayos kasama si Brother Wang.
Tiningnan ko ang website ng Iglesia pagkatapos noon at binasa ang ilang mga salita ng Diyos tungkol sa koordinasyon sa paglilingkod. Sinasabi ng Diyos: “Sa panahong ito, maraming tao ang hindi nagbibigay-pansin sa kung anong mga aral ang dapat matutunan habang nakikipag-ugnayan sa iba. Natuklasan Kong marami sa inyo ang hindi man lamang natututo ng mga aral habang nakikipag-ugnayan sa iba; kumakapit ang karamihan sa inyo sa sarili ninyong mga pananaw. Kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang gusto mong sabihin at sinasabi ng iba pa ang gusto nilang sabihin, at ang isa ay walang kaugnayan sa iba; hindi talaga kayo nagtutulungan man lamang. Kayong lahat ay masyadong nakatuon sa pagpapaabot lamang ng mga sarili ninyong pagkakita o sa pagpapalaya ng mga ‘bigat’ na dinadala ninyo sa loob ninyo, nang hindi naghahanap ng buhay kahit sa pinakamaliit na paraan. Mukhang ginagawa lang ang gawain nang hindi nag-iisip, laging naniniwalang dapat mong tahakin ang sarili mong landas anuman ang sinasabi o ginagawa ng iba; iniisip mong dapat kang magbahagi habang ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, anuman ang maaaring maging kalagayan ng iba. Hindi ninyo nagagawang tuklasin ang mga kalakasan ng iba, at ni hindi rin ninyo kayang suriin ang mga sarili ninyo. Ang pagtanggap ninyo sa mga bagay-bagay ay talagang lihis at mali. Masasabing kahit ngayon ay nagpapakita pa rin kayo ng matinding pagmamagaling, na para bang nagbalik kayo sa dating sakit na iyon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita). “Ang pagtutulungan ng magkakapatid ay isang proseso mismo ng pagbabalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba. Ginagamit mo ang iyong mga lakas upang punan ang mga pagkukulang ng iba, at ginagamit ng iba ang kanilang mga lakas upang punan ang sa iyo. Ito ang ibig sabihin na pagbalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba, at upang makapagtulungan sa pagkakaisa. Tanging sa pagtutulungan sa pagkakaisa pagpapalain ang mga tao sa harap ng Diyos, at, kapag mas nararanasan ang ganito ng isang tao, mas nagtatamo sila ng praktikalidad, ang landas ay nagiging mas maliwanag, at nagiging mas panatag sila. Kung lagi kang nakikipagtalo sa iba, at laging hindi napahihinuhod ng iba, na hindi kailanman nais makinig sa iyo; kung susubukan mong panatilihin ang karangalan ng iba, ngunit hindi nila ginagawa ang ganito sa iyo, na sa pakiramdam mo ay mahirap tiisin; kung gigipitin mo sila dahil sa kung anumang sinabi nila, at maalala nila ito, at, sa susunod na lumabas ang isang usapin, muli nilang ginawa iyon sa iyo—matatawag ba na pagbalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba at pakikipagtulungan nang maayos ang ginagawa mo? Ito ay tinatawag na alitan, at pamumuhay sa pamamagitan ng iyong mainit na dugo at mga tiwaling disposisyon. Hindi ito makapagtatamo ng pagpapala ng Diyos; hindi ito nakalulugod sa Kanya” (“Tungkol sa Matiwasay na Pakikipag-ugnayan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin nitong mga salita ng Diyos na si Brother Wang at ako ay hindi nagkakasundo dahil nabubuhay ako sa mayabang at mapagmagaling kong disposisyon. Gusto ko lagi na ako ang may huling salita sa aming tungkulin. Inisip ko lagi na ang paggawa ng mga props ay partikular na lakas ko, higit kay Brother Wang, kaya lagi akong nagmamataas at gusto kong makinig siya sa akin, at gawin ang sinabi ko. Noong nagmungkahi siya para sa mga poste, hindi ko ito tiningnan, kundi tinanggihan ko ito agad. Mababa pa nga ang tingin ko sa kanya at hindi ko siya pinahalagahan. Inisip ko na walang siyang anumang kasanayan, kaya ang mga mungkahi niya ay hindi karapat-dapat isaalang-alang. Noong nakita ko na hindi maayos ang poste niya naisip ko na tama ako, kaya banayad kong hinamak ang gawa niya at ninais na makiayon siya sa akin. Nang pinuna niya ang mga kakulangan sa plano ko hindi ko ito tinanggap o sinubok hanapin ang solusyon kasama siya. Nanlaban ako at hindi na gustong makipagtrabaho sa kanya. Nagsasalita lang ako at kumikilos upang patunayan ang sarili ko, para makiayon siya sa akin. Iyon ang ganap na mala-demonyong disposisyon ng kayabangan at pagmamagaling. Ang mga salitang ito ng Diyos ay lubusang naangkop: “Matatawag ba na pagbalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba at pakikipagtulungan nang maayos ang ginagawa mo? Ito ay tinatawag na alitan, at pamumuhay sa pamamagitan ng iyong mainit na dugo at mga tiwaling disposisyon. Hindi ito makapagtatamo ng pagpapala ng Diyos; hindi ito nakalulugod sa Kanya” (“Tungkol sa Matiwasay na Pakikipag-ugnayan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nararamdaman ko mula sa Kanyang mga salita na kinasusuklaman ng Diyos ang mga ganoong tao. Isiniayos ng Diyos para sa akin na makatrabaho si Brother Wang, umaasang mapupunuan namin ang kakulangan ng isa’t-isa at gagawin ang aming mga tungkulin nang maayos. Pero nagsalita lang ako at kumilos mula sa kayabangan, laging iniisip na tama ako at dapat na may huling salita. Ginusto ko na sundin ng iba ang mga ideya ko na akala mo iyon ang katotohanan na hindi tinatanggap ang mga ideya ng ibang tao. Kinapopootan ng Diyos ang ganoong uri ng disposisyon. Napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsensiya noong naisip ko ito, kaya nagtungo ako sa harapan ng Diyos sa panalanging ito: “O, Diyos ko, hindi ko kayang makagawa nang maayos kasama ang iba dahil sa kayabangan ko at ito ay nakaapekto sa tungkulin ko. Diyos ko, nais ko pong magsisi. Gusto kong isantabi ang sarili ko at makagawa kasama ang aking kapatid upang magawa nang maayos ang tungkulin namin.”
Binasa ko ang isa pang talata ng mga salita ng Diyos pagkatapos noon. “Minsan, kapag nakikipagtulungan upang matupad ang isang tungkulin, may pagtatalo ang dalawang tao tungkol sa isang usapin sa prinsipyo. May magkakaibang pananaw sila at umabot sila sa magkakaibang mga palagay. Ano ang maaaring gawin sa ganyang usapin? Ito ba ay isang usaping madalas nangyayari? Ito ay karaniwang pangyayaring nahihiwatigan ng pandama, dulot ng pagkakaiba-iba sa pag-iisip, mga kakayahan, mga pananaw, edad, at karanasan ng mga tao. Imposible para sa dalawang tao ang magkaroon ng pag-iisip na may magkatulad na mga nilalaman, kaya’t ang dalawang tao na maaaring magkaiba ang mga opinyon at pananaw ay isang karaniwang pangyayari at isang napakakaraniwang kaganapan. Huwag mo itong ikalito. Ang mahalagang tanong ay, kapag lumitaw ang gayong usapin, paano ka dapat makipagtulungan at hanaping makamit ang pagkakaisa sa harap ng Diyos at pagkakaisa ng palagay. Ano ang layunin ng pagkakaroon ng nagkakaisang palagay? Ito ay upang hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan hinggil sa bagay na ito, at hindi kumilos ayon sa mga layon mo o ng ibang tao, kundi magkasamang hanapin ang mga layon ng Diyos. Ito ang landas sa pagkakamit ng maayos na pagtutulungan. Tanging sa paghahanap mo lamang sa mga hangarin ng Diyos at ng mga prinsipyong hinihingi Niya makakamit ang pagkakaisa” (“Tungkol sa Matiwasay na Pakikipag-ugnayan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakita ko na para magkasundo sa aming kooperasyon, hindi pwedeng ideya lang ng isang tao ang susundan namin, kundi kailangan naming magsikap para sa mga prinsipyo ng katotohanan. Tunay ngang ang maayos na kooperasyon ay nangangahulugang paghahanap sa katotohanan at paggawa ayon sa prinsipyo. Dahil kami ni Brother Wang ay may magkaibang mga karanasan, kaalaman, at mga teknikal na kakayahan, normal na magkaroon ng magkaibang mga pananaw sa aming gawain. Natutunan ko na isantabi ang sarili ko at maghanap ng mga prinsipyo kasama siya. Kailangan naming magpasakop sa katotohanan at pagtibayin ang gawain ng bahay ng Diyos upang makamit namin ang patnubay ng Banal na Espiritu sa aming tungkulin. Sa pagkatanto nito, nagplano ako na magsabi kay Brother Wang sa pagbabahagi kinabukasan para mapag-isipan namin kung paano gawin nang magkasama ang props na iyon. Nagulat ako noong nagpunta siya para hanapin ako noong sumunod na umaga at sinabi niya na naging sobrang matigas ang ulo niya at ang plano niya ay hindi maayos. Sinira niya pa nga ang posteng ginawa niya at handa siyang sundin ang ideya ko. Napahiya ako noong narinig kong sinabi niya ito. Sinabi ko rin kay Brother Wang ang tungkol sa aking sariling kalagayan at pagkaunawa ko at nang pareho naming inalis ang pagmamataas namin, ang hadlang sa pagitan namin ay nawala. Nakita ko ang sarili kong mga kakulangan sa tungkulin ko pagkatapos noon. Ang ginawa kong poste ay talagang sobrang kinis at hindi ito kahawig ng tunay na katawan ng puno. Kinailangan pa itong baguhin nang isang beses. Nagpunta ako at tinalakay ito kay Brother Wang at talagang mabilis kaming nakahanap ng solusyon. Pinunuan namin ang kakulangan ng isa’t-isa at natapos namin ang tatlong poste sa isang araw. Dati, halos buong araw ang ginugol namin para makagawa ng dalawang poste lang, at walang alinmang tama rito. Ito ay higit na mas mahusay. Napagtanto ko kung gaano kahalaga na isagawa ang katotohanan at makipagtulungan sa mga kapatid sa tungkulin ko. Pero napakayabang at mapagmagaling ko kaya’t hindi nagtagal, nagkaroon ako ng ibang mga problema sa pagtatrabaho kasama ang iba.
Minsan, nagtrabaho ako kasama si Brother Li upang magtayo ng tent sa lokasyon para masilungan ng mga kapatid mula sa ulan. Nagmungkahi ako ng paraan sa pag-uusap namin na talagang nagustuhan niya. Sa sandaling iyon naisip ko, “Nagtrabaho ako sa konstruksyon dati, kaya tiyak na mas naiintidihan ko ito kaysa sa iyo.” Pero pagkatapos noon, binanggit niya ang isang alalahanin. Sinabi niya, “May labing-anim na poste lang tayo ngayon. May sapat ba tayo para sa planong ito? Magiging maayos ba ito? Magiging ligtas ba ito?” Naisip ko, “Isa itong tatsulok na istruktura. Hindi mo ba natutunan ang tungkol sa katatagan ng mga istrukturang tatsulok? Magiging talagang maayos ito, walang problema.” Kaya tumugon ako nang hindi ito pinahahalagahan, “Walang isandaang porsyentong garantiya na hindi magkakaroon ng problema, pero hanggang hindi tayo nagkakaroon ng bagyong nasa ika-sampung kategorya, magiging ayos lang ito.” Pagkatapos gusto niyang magguhit ako ng blueprint at ipaliwanag ang mga detalye at nawala ang pasensya ko, na sinasabing, “Hindi na kailangan. Nasa isip ko ang guhit at titiyakin ko na magagawa ito nang maayos.” Wala nang anumang sinabi. Noong sumunod na hapon noong nagsimula kaming magtayo ng tent, may isang kapatid ang nagmungkahi na magtayo muna kami ng dalawang bakal na poste para mapatibay ang bubong, at pagkatapos itayo ang mga gilid. Noong narinig ko ito naisip ko, “Tiyak na mas magpapatagal iyan. Napag-isipan ko na ito nang maraming beses at ang paraan ko ang pinakamabuting paraan. Bago ka rito at hindi ka kasali sa usapan. Ang plano ko ay talagang mas maayos.” Kaya sinabi ko sa kanya, “Magiging sobrang bagal niyan. Ang dalawang posteng iyon ay kailangang tanggalin kalaunan, kaya ang pagtatayo nito mula sa likuran ay magiging mas mabilis.” Wala na siyang anumang sinabi nang nakita niyang wala akong balak tanggapin ang ideya niya, kaya nagsimula akong magtayo ng tent base sa sarili kong plano. Noong nasa itaas na ako ng hagdan nakita ko na biglang nakalas ang kawit sa bakal na poste at natumba ang poste. Maswerteng natumba lang ito sa damuhan, hindi sa tao o anuman. Ninerbyos ako. “Anong nangyari?” Nagtaka ako. “Tiyak na hinigpitan ko ito, paanong matutumba na lang ito? Maaring hindi ito itinayo nang tuwid kaya ang kawit ay hindi maayos na nahigpitan.” Ganoon kasimple ang isipan ko at hindi ko ito sineryoso. Patuloy lang ako sa paggawa nito sa sarili kong plano. Mayamaya pa, ang poste na naitayo ay natumba papunta sa akin diretso sa hagdan na kinatatayuan ko. Nahulog ako nang higit sa anim na talampakan mula sa hagdan. Maswerteng hindi ako nasaktan. At napagtanto ko na ang dalawang aksidenteng ito ay hindi walang dahilan. Kung hindi dahil sa pag-iingat at proteksyon ng Diyos, ang resultang masaktan ng alinman sa mga posteng iyon ay magiging terible. Mas nakonsensya at mas natakot ako noong naisip ko ang tungkol dito at agad akong nagtungo sa harapan ng Diyos sa panalangin. “O, Diyos ko, hindi nagiging maayos ang mga bagay ngayong araw. Alam ko na ang Iyong mabuting kalooban ay nasa likod nito at may aral para sa akin na matutunan, pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong hanapin. Pakiusap patnubayan at tanglawan Mo ako na malaman ang Iyong kalooban.” Naisip ko ang mga salita ng Diyos pagkatapos manalangin: “Tuwing may ginagawa kang anuman, lagi itong nagugulo, o hindi ka makausad. Pagdidisiplina ito ng Diyos. Kung minsan, kapag matigas ang ulo mo at sumusuway ka sa Diyos, maaaring walang ibang nakakaalam niyon—ngunit alam iyon ng Diyos. Hindi ka makakaligtas sa Kanyang parusa, at didisiplinahin ka Niya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Pabalik-balik sa isip ko ang mga salitang ito: “Maaaring walang ibang nakakaalam niyon—ngunit alam iyon ng Diyos. Hindi ka makakaligtas sa Kanyang parusa, at didisiplinahin ka Niya.” Pagkatapos napagatanto ko kung gaano ko hindi pinahalagahan ang mga kapatid tungkol sa paggawa ng tent. Hindi ko pinakinggan ang mga mungkahi nila, kundi tinanggihan ko agad sila. Inisip ko na tama ako kaya dapat gawin namin ang gusto ko. Hindi ba’t sobrang yabang ko noon? Mapanganib na ito noong ginagawa pa lang. Kung natumba ito na nasa ilalim ang mga aktor, mahirap isipin kung ano ang mga kahihinatnan. Sa isiping iyon, nanalangin ako sa Diyos na baguhin ako. Pagkatapos may naisip akong bagay na sinabi ng Panginoong Jesus: “Kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 18:19). Ginising agad ako ng mga salita ng Diyos, alam ko na hindi ko kayang ituloy ang paggawa ng mga bagay sa ganoong paraan ngunit kailangan kong talakayin ang mga bagay at makipagtulungan sa mga kapatid. Pagkatapos may isa pa akong naisip: Una ang kaligtasan. Ang pinakamahalaga ay ang paggawa ng tent nang maayos gamit ang mga materyales na mayroon kami. At sinabi ng mga kapatid na base sa orihinal kong plano wala kaming sapat na bakal na poste para sa matibay na konstruksyon, pero kapag itinayo namin ang dalawa sa gitna, ang tuktok ng bubong ay magiging matibay. Lubos ang pagsang-ayon ko sa kanila. Ang orihinal kong plano ay talagang lilikha ng maraming panganib sa kaligtasan. Kaya pinag-usapan namin ito at hindi nagtagal may kumpletong plano na kami. May sapat na kaming bakal na poste at natapos ito bago magdilim.
Nang gabing iyon, inisip ko ulit ang nagdaang araw. Ang kayabangan ko ay muntikan nang magdala ng sakuna at ayaw kumalma ng damdamin ko. Agad akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako para makilala ang sarili ko. Kinuha ko ang telepono ko at tiningnan ko ang website ng Iglesia, kung saan nabasa ko ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi kailanman naghahanap ng katotohanan ang ilang mga tao habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ginagawa lamang nila kung anong gusto nila, kumikilos nang may katigasan ang ulo ayon sa kanilang sariling mga haka, at laging di-makatwiran at padalos-dalos. Ano ang ibig sabihin ng pagiging ‘di-makatwiran at padalos-dalos’? Nangangahulugan ito na kapag nakakaharap ka ng isang usapin, ang kumilos sa paanong tingin mong naaangkop, nang hindi pinag-iisipan, walang pag-aalintana sa sinasabi ng iba. Walang sinuman ang nakakalusot sa iyo, at walang sinuman ang makapagpapabago sa iyong isip, sa gayon hindi ka matitinag kahit bahagya; naninindigan ka, at kahit na may katuturan ang sinasabi ng iba, hindi ka nakikinig, at naniniwalang ang iyong pamamaraan ang tama. Magkagayunman, hindi ba dapat mataman mong pakinggan ang mga mungkahi ng iba? Gayunman, hindi ka matamang nakikinig. Tinatawag ka ng iba na matigas ang ulo. Gaano katigas ang ulo? Napakatigas ng ulo na sampung baka ay hindi ka mahahatak—napakatigas ng ulo, mapagmataas at sukdulan ang pagkasutil, ang uring hindi nakikita ang katotohanan hanggang ito ay kitang-kita na. Hindi ba tumataas ang gayong katigasan ng ulo sa antas ng pagiging sutil? Ginagawa mo ang anumang nais mo, anuman ang iniisip mong gawin, at hindi ka nakikinig sa sinuman. Kung may magsasabi sa iyo na hindi naaayon sa katotohanan ang bagay na ginagawa mo, sasabihin mo, ‘Gagawin ko ito naaayon man ito o hindi sa katotohanan. Kung hindi ito naaayon sa katotohanan, bibigyan kita ng ganito-at-ganoong dahilan, o gayon-at-ganyang pangangatwiran. Gagawin kong mapakinggan mo ako. Handa ako rito.’ Maaaring sabihin ng iba na nakagagambala ang iyong ginagawa, na magdudulot ito ng malulubhang kahihinatnan, na makakasira ito sa kapakanan ng bahay ng Diyos—ngunit hindi mo sila pinakikinggan, bagkus ay nag-aalok pa ng mas marami ng iyong pangangatuwiran: ‘Ito ang aking ginagawa, gusto mo man ito o hindi. Gusto ko itong gawin sa ganitong paraan. Maling-mali ka, at lubos akong makatwiran.’ Marahil nga’y makatwiran ka, at walang malubhang kahihinatnan ang iyong ginagawa—ngunit anong disposisyon ang iyong inilalantad? (Kayabangan.) Ang likas na kayabangan ay ginagawa kang sutil. Kapag mayroong ganitong sutil n disposisyon ang mga tao, hindi ba madali silang maging di-makatwiran at basta-basta?” (Pagbabahagi ng Diyos). “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mayabang ang mga tao, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong mayabang ang mga disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos. Bagama’t, sa tingin, maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mayabang na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—walang kuwenta iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mayabang na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos na magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong klaseng tao ay walang pagpipitagan sa Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya” (Pagbabahagi ng Diyos). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang sarili kong kapangitan. Matigas ang ulo ko at hindi makatuwiran gaya ng inihayag ng mga salita ng Diyos. Sa paggawa ng tent, kumapit ako sa sarili kong karanasan at muling kumilos nang may katigasan ang ulo. Hindi ako nakinig sa mga mungkahi ng ibang mga kapatid, kundi tinanggihan ko sila agad. Binalaan nila ako na tiyakin na ligtas ito, na ang tuktok ng bubong ay matibay, pero hindi ko sila pinansin. Gusto ko na ako ang may huling salita at gawin ng lahat ang gusto ko. Nakita ko na ang mayabang kong likas ang ugat ng aking pagwawalang halaga at katigasan ng ulo. Ang pagiging mayabang at ang paggawa ng mga bagay sa sarili kong paraan ay nakaapekto sa tungkulin ko dati. Pero nang panahong iyon, noong hindi ako nakinig sa isang makatwirang mungkahi kundi mahigpit na kumapit sa sarili kong ideya, halos nagdulot ako ng aksidente. Naging awtokratiko ako at matigas ang ulo sa aking kayabangan. Hindi ako nakakapagtrabaho nang maayos kasama ang iba at walang puwang ang Diyos sa puso ko. Wala akong pakialam ukol sa gawain ng bahay ng Diyos o sa kaligtasan ng iba. Determinado lang akong gawin ang sarili kong gawain. Nawala ang lahat ng katinuan sa akin sa kayabangan ko. Kung hindi dahil sa pag-iingat at proteksyon ng Diyos, hindi ko maisip ang mga kahihinatnan. Napagtanto ko sa huli kung gaano kapanganib na gawin ang mga bagay sa ganoong paraan. Hindi ko lang maaantala ang aming tungkulin, kundi maaaring magkaroon ng isang teribleng aksidente balang araw, at magiging sobrang huli na para sa pagsisisi! Talagang natakot ako sa isiping ito. Nagawa kong maunawaan nang kaunti ang mayabang na kalikasan ko at hindi ko na gustong gawin pa ang tungkulin ko sa ganoong paraan.
Pagkatapos noon, natagpuan ko ang landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. “Huwag kang magyabang. Kaya mo bang gawing mag-isa ang gawain, kahit ikaw ang may pinaka-propesyonal na kasanayan o pakiramdam mo ay pinakamaganda ang iyong kalidad sa lahat ng narito? Kaya mo bang gawing mag-isa ang gawain kahit taglay mo ang pinakamataas na katayuan? Hindi, hindi mo kaya nang wala ang tulong ng lahat. Samakatuwid, walang dapat magyabang at walang dapat magnais na kumilos nang pang-isahang panig; kailangang magpakumbaba ang isang tao, tanggalin ang kanyang sariling mga iniisip at pananaw, at makisama nang maayos sa kapulungan. Sila ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan at may taglay na pagkatao. Mahal ng Diyos ang gayong mga tao, at sila lamang ang maaaring maging deboto sa pagganap sa kanilang tungkulin. Ito lamang ang pagpapakita ng debosyon” (“Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo para sa kooperasyon. Anuman ang kalibre o kaloob ng isang tao, lahat tayo ay may mga kakulangan at mga kahinaan. Walang tao ang kayang gawin ang lahat ng bagay. Kailangan nating matutuhang isantabi ang sarili natin at makagawa nang maayos kasama ang iba kaya ang lahat ay kayang gamitin kung ano ang ibinigay ng Diyos sa kanila at kaya nating magsikap para sa parehong layunin na gawin ang ating mga tungkulin nang maayos. Sa muling pag-iisip sa aking tungkulin, may ilang mga kapatid ang may mga kalakasan na wala ako. Pagkatapos nila akong bigyan ng ilang mga payo at tulong, mas makakagawa ako nang maayos sa susunod. Minsan may mga ideya sila na hindi ko pinag-isipan at ang pagsunod sa kanilang mga mungkahi ay mag-iiwas sa ilang potensyal na mga problema. Napahiya ako sa pag-iisp nito. Hindi ko kilala ang sarili ko dati. Naging bulag na mayabang lang ako, pero ngayon natutunan ko na kailangan ko ang kooperasyon at tulong ng ibang mga tao, kung hindi, hindi ko magagawa nang maayos ang tungkulin ko. Ipinakita sa akin ng karanasan ko na kapag kumilos ako mula sa kayabangan at hindi nakipagtulungan sa iba, lagi akong nahahadlangan. Noong handa na akong magsisi, bitiwan ang sarili ko, at gumawa kasama ang iba, nagkaroon ako ng patnubay at pagpapala ng Diyos. Nakita ko na nais ng Diyos yaong may pagkatao na nagsasagawa ng katotohanan. Talagang naliwanagan ako rito at natagpuan ko ang landas ng pagsasagawa.
Noong ikatlong umaga, isang kapatid ang humiling na medyo patibayin ang tent. Naisip ko, “Tatanggalin na ito mamayang hapon pagkatapos gumawa ng pelikula. Kinakailangan pa ba iyon?” Pero naisip ko ito sa mga salita ng Diyos: “Walang dapat magyabang at walang dapat magnais na kumilos nang pang-isahang panig; kailangang magpakumbaba ang isang tao, tanggalin ang kanyang sariling mga iniisip at pananaw, at makisama nang maayos sa kapulungan. Sila ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan.” Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng landas ng pagsasagawa. Kinailangan kong bitiwan ang sarili kong mga pananaw upang makipagtulungan kay Brother Li, at tama man siya o mali, kinailangan ko munang magpasakop at maghanap. Pagkatapos napagtanto ko, may natitira pang lima o anim na oras ng paggawa ng pelikula at walang makapagsasabi kung paano magbabago ang panahon. Ang pagpapatibay nito ay mas magiging ligtas. Kaya pinatibay ko at ng isang kapatid ang tent. Tapos, bandang alas dos o alas tres ng hapong iyon, biglang lubhang lumakas ang hangin at ulan at ang bagyo ay nagtagal nang halos apatnapung minuto. Ligtas kaming naghintay sa bagyo sa loob ng tent. Naantig ako nito sa paraang hindi ko maipahayag. Nakita ko kung gaanong makapangyarihan at marunong ang Diyos. Hindi lang ang mga mungkahi ng iba ang tumulong sa aking makilala ang sarili kong masamang disposisyon, kundi ipinaalala rin sa akin ng Diyos sa kamangha-manghang paraang ito at prinotektahan kami sa bagyo. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!
Ang mga karanasang ito ang nagbigay sa akin ng pagkaunawa sa aking mayabang na mala-demonyong likas at kaunting pagpasok sa maayos na kooperasyon. Nakita ko na ang pagsasagawa ng katotohanan at ang hindi pagiging matigas ng ulo sa aking tungkulin ay talagang mahalaga para sa maayos na paggawa kasama ang iba. Ang naunawaan at nakamit ko ay ganap na dahil sa paghatol at pahayag, ng mga salita ng Diyos, gayundin sa pamamagitan ng Kanyang pagkastigo at pagdidisiplina. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.