Nauuna ang Kayabangan Bago ang Pagbagsak

Hulyo 23, 2020

Ni Xinjie, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mayabang ang mga tao, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong mayabang ang mga disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos. Bagama’t, sa tingin, maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mayabang na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—walang kuwenta iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mayabang na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos na magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong klaseng tao ay walang pagpipitagan sa Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya(Pagbabahagi ng Diyos). Nang mabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos, naalala ko ang isang bagay na naranasan ko kailan lang. Noon, mayabang talaga ako at mapagmagaling. Naging lider na ako sa iglesia sa loob ng ilang taon, nakagawa na ako ng ilang gawain at nagdusa nang kaunti, at kaya kong lutasin ang ilang praktikal na isyu sa aking tungkulin. Kaya sinamantala ko ang lahat ng ito, at hindi pinansin ang sinuman. Pagkatapos ay pinakitunguhan at dinisiplina ako, at sa pamamagitan ng paghatol at mga paghahayag ng mga salita ng Diyos, nagkamit ako sa wakas ng kaunting pagkaunawa sa aking likas na kayabangan. Nagsisi ako at kinamuhian ko ang aking sarili. Nagsimula akong magtuon sa pagsasagawa sa katotohanan, at sumailalim sa kaunting pagbabago.

Tinanggap ko ang isang posisyon sa pamumuno sa isang iglesia noong 2015. Nakipagtulungan sa akin si Sister Li, at kasisimula pa lang niyang maglingkod bilang isang lider. Ang mga diakono at lider ng grupo sa iglesia ay medyo baguhan pa sa pananampalataya, kaya medyo mababaw pa ang pagbabahagi nila tungkol sa katotohanan. Naisip ko, “Mas matagal akong naging mananampalataya kaysa sinuman sa inyo, matagal-tagal na akong naging lider. Kailangan kong gampanan ang malaking papel dito at ipakita sa lahat ang pagkakaibang nagagawa ng karanasan.” Kaya, mangunguna ako sa anumang bagay, at kapag nanghihina o nahihirapan ang isang kapatid sa kanilang tungkulin, kapag nagkaroon ng pagkaantala sa gawain ng iglesia, sa anumang pinakamasalimuot na mga problema, o sa mga bagay na hindi malutas ng aking partner at mga kapwa-manggagawa, nagprisinta akong asikasuhin ang lahat ng iyon. Nagsimulang dumami ang gawain ng iglesia pagkaraan ng kaunting panahon at bumuti ang kalagayan ng mga kapatid. Nagagawa na nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Gusto rin nilang lapitan ako para magbahagi tungkol sa kanilang mga problema, at hiningi ang aking opinyon. Siyang-siya ako talaga sa sarili ko at hindi ko maiwasang bilangin ang lahat ng gawaing nagawa ko, iniisip na: “Kung hindi ako ang namahala, walang paraan para sumulong nang husto ang gawain ng iglesia. Kung hindi dahil sa aking pagbabahagi, hindi bubuti nang husto ang kalagayan ng iba. Mukhang talagang taglay ko ang realidad ng katotohanan at nakakagawa ako ng praktikal na gawain.” Kalaunan ay kinailangang umuwi ni Sister Li upang asikasuhin ang ilang bagay, kaya ginawa kong mag-isa ang gawain ng iglesia. Noong una, medyo naligalig ako at pinanatili sa puso ko ang Diyos sa lahat ng pagkakataon. Pagkatapos ng bawat pagtitipon masusi kong pinag-aralan kung paano ito nairaos, at agad akong nag-alok ng suporta sa sinumang nanghihina o negatibo. Pagkaraan ng ilang panahon, nakita ko na lahat ay nagtitipon at ginagawa ang kanilang tungkulin tulad ng nararapat, at lahat ng gawain ng iglesia ay nagpapatuloy nang maayos. Nakahinga ako nang maluwag at hindi ko maiwasang masiyahan nang husto sa sarili ko. Pakiramdam ko napatunayan ko na ang sarili ko sa loob ng lahat ng taong ito ng paglilingkod bilang isang lider. Napakarami ko nang nakita at nalutas na mga problema; nagkaroon ako ng iba’t ibang karanasan sa gawain at kaya kong asikasuhin ang mga bagay nang mag-isa. Inakala ko na isa talaga akong haligi ng iglesia. Lalo na sa panahong iyon, kung kailan maaga akong bumabangon at nagtatrabaho hanggang gabi nang walang reklamo tungkol sa kapaguran o hirap, pakiramdam ko talaga ay karapat-dapat akong purihin nang kaunti. Bago ko pa nalaman, nabubuhay pala ako sa kalagayang masyadong nasisiyahan sa sarili at tuwing binabasa ko ang mga salita ng Diyos na humahatol at naglalantad sa sangkatauhan, hindi ko inaangkop ang mga iyon sa sarili ko. Kapag hindi maganda ang lagay ng mga kapatid, hindi ako nagbahagi ng katotohanan sa kanila, kundi sa halip ay itinaboy ko sila at madalas ko silang sermunan, na sinasabing, “Ganito ka na katagal na nananampalataya, pero hindi mo pa rin hinahangad ang katotohanan. Bakit hindi ka pa nagbabago kahit kaunti?” Kung minsan matapos magbahagi tungkol sa isang bagay, sabi ng mga kapatid, hindi pa rin daw nila alam kung ano ang gagawin. Hindi nagtatanong kung bakit, hinihiya ko lang sila, na sinasabing, “Hindi naman sa hindi ninyo alam, ayaw lang ninyo ito isagawa!” Nadama nilang lahat na hinihigpitan ko sila at hindi sila nangahas na kausapin ako tungkol sa kanilang mga problema.

Nahalal si Sister Liu kalaunan bilang isang lider na makakasama ko sa gawain. Akala ko hindi pa siya gaanong matagal sa pananampalataya at baka hindi niya maunawaan ang ilang bagay kahit pagkatapos ng mga talakayan, kaya kailangang ako ang masunod sa halos lahat ng bagay sa iglesia, malaki at maliit. Kung minsan nagdedesisyon ako at pagkatapos ay ipinagagawa ko iyon kay Sister Liu. Minsan, nakatanggap kami ng isang liham mula sa aming lider na hinihilingan kaming magrekomenda ng isang tao para sa isang partikular na tungkulin. Alam kong may kaugnayan ito sa gawain ng bahay ng Diyos, kaya kinailangan naming pag-usapan iyon ng partner ko at mga kapwa-manggagawa, kaya lang naisip ko, “Napakatagal ko nang ginagampanan ang aking tungkulin sa iglesia. Alam ko na ang lahat tungkol sa mga kapatid, kaya ayos lang na ako ang magpasiya.” Kaya, nagdesisyon ako nang hindi tinatalakay iyon kay Sister Liu at pagkatapos ay ipinaayos ko sa kanya ang mga bagay-bagay. Kahit magkasama kaming naglingkod bilang mga lider, tinrato ko siyang isang tauhan. Kung minsan kapag hindi niya naasikasong mabuti ang isang bagay, nagagalit ako sa kanya. Nabubuhay siya sa pagiging negatibo at pakiramdam niya ay wala siyang anumang nauunawaan at hindi nagagawa nang maayos ang kanyang tungkulin. Umabot siya sa puntong iyon dahil sinusupil ko siya, pero hindi pa rin ako nagmuni-muni tungkol sa sarili ko. Sa halip, lalo ko pang nadama na taglay ko ang realidad ng katotohanan at may kakayahan ako sa aking gawain, kaya kinailangan kong pamahalaan ang gawain ng iglesia. Lalo akong naging mas mapanupil at mayabang. Kapag nagmumungkahi ng iba ang mga kapwa-manggagawa sa oras ng talakayan tungkol sa gawain, madalas ay hindi man lang ako nakikinig, kundi basta pinatatahimik ko lang sila. Naisip ko, “Ano ba ang alam ninyo? Hindi ba mas may alam ako pagkaraan ng maraming taon ng pagiging isang lider?” Kaya sa akin palagi ang huling pagpapasiya sa lahat ng bagay sa gawain ng iglesia. Kalaunan ay tinulutan ng Diyos na lumitaw ang ilang sitwasyon para pakitunguhan ako. Palaging may hadlang sa aking tungkulin: Hindi ako nakakasipot sa mga appointment sa mga tao, at humihirang ako ng mga taong hindi nakaayon sa mga prinsipyo. Itinuro ng lider ang mga pagkakamali ko sa aking gawain, at pinakitunguhan at tinabasan ako. Sa kabila nito, hindi pa rin ako nagmuni-muni tungkol sa sarili ko. Akala ko kailangan ko lang mas makinig. Binalaan ako ng isang kapwa-manggagawa, “Hindi ba dapat mong pagmuni-munihin kung bakit lumitaw ang mga problemang ito?” Naiinis na sinabi ko, “Walang perpektong tao, at lahat ay nagkakamali. Hindi kailangang pagmuni-munihin ang lahat.” Kinumusta ako ng ilang kapatid kung okey lang ako, at sinabi ko na ayos lang ako, pero ang totoo ay iniisip ko, “Bakit magkakaroon ng problema? Kahit hindi maayos ang lagay ko, kaya kong harapin itong mag-isa. Hindi ninyo kailangang mag-alala. Matagal na akong lider, kaya hindi ko ba nauunawaan ang katotohanan nang higit kaysa inyo?” Gaano man nila ako balaan, ayaw kong makinig. Lubos akong nabubuhay sa loob ng aking tiwaling disposisyon at mas nagdidilim ang aking espiritu. Nagsimula akong maidlip nang basahin ko ang mga salita ng Diyos at wala akong masabi sa panalangin. Dumami nang dumami ang mga problemang naglilitawan sa iglesia. Lubos akong bulag. Wala akong kabatiran sa maraming problema at hindi ko alam kung paano harapin ang mga iyon. Hindi nagtagal, isang survey sa pangkalahatang opinyon ang ginawa sa iglesia, at sinabi ng lahat ng kapatid na talagang mayabang ako at ayaw kong tumanggap ng katotohanan. Sabi nila diktador ako, na pinagagalitan ko ang mga tao at hinihigpitan sila. Natanggal ako sa posisyon ko dahil doon. Sa araw na iyon, ibinahagi sa akin ng lider ang mga pagsusuri ng lahat. Dama ko na ibinubuhos ng Diyos ang Kanyang matinding galit sa akin sa pamamagitan ng paghahayag at pakikitungo ng mga kapatid sa akin. Para akong isang dagang kalye na pinandidirihan ng lahat at itinatakwil pa ng Diyos. Hindi ko maunawaan kung paano ako lumubog nang husto. Sa aking pagdurusa, humarap ako sa Diyos na naghahangad: “Diyos ko, noon pa man ay inisip ko nang responsable ako sa aking gawain sa iglesia, na taglay ko ang kaunting realidad ng katotohanan. Hindi ko inisip kailanman na magkakaroon ako ng napakaraming problemang tulad ngayon. Sa paningin ng iba, isa akong mayabang na tao na hindi tatanggap ng katotohanan. Diyos ko, hindi ko alam kung paano ako nagkaganito. Mangyaring liwanagan at gabayan Mo akong makilala ang sarili ko at maunawaan ang Iyong kalooban.”

Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang pinakamabuting gawin ay maglaan kayo ng higit na pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa sarili. Bakit hindi kayo nabibiyayaan ng Diyos? Bakit kasuklam-suklam sa Kanya ang inyong disposisyon? Bakit pinupukaw ng inyong pananalita ang Kanyang galit? Sa sandaling magpamalas kayo ng katiting na katapatan, pinupuri ninyo ang inyong sarili, at humihingi kayo ng gantimpala para sa maliit na ambag; hinahamak ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagsunod, at nawawalan kayo ng galang sa Diyos kapag may simpleng gawain kayong naisakatuparan. … Yaong mga gumaganap sa kanilang tungkulin at yaong mga hindi; yaong mga namumuno at yaong mga sumusunod; yaong mga tumatanggap sa Diyos at yaong mga hindi; yaong mga nag-aabuloy at yaong mga hindi; yaong mga nangangaral at yaong mga tumatanggap ng salita, at iba pa: lahat ng taong iyon ay pinupuri ang kanilang sarili. Hindi ba ito nakakatawa sa inyo? Lubos na nababatid na naniniwala kayo sa Diyos, magkagayunma’y hindi kayo nakaayon sa Diyos. Lubos na nababatid na hindi kayo karapat-dapat, patuloy pa rin kayong nagyayabang. Hindi ba ninyo nadarama na nabawasan na nang kaunti ang inyong katinuan kaya wala na kayong kontrol sa sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). “Huwag mong isipin na nauunawaan mo ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na hindi sapat ang lahat ng nakita at naranasan mo para maunawaan mo kahit ang ika-sanlibong bahagi ng Aking plano ng pamamahala. Kung gayon ay bakit napakayabang mong kumilos? Ang katiting na talento at kaunting kaalaman mo ay hindi sapat para gamitin ni Jesus kahit isang segundo lamang ng Kanyang gawain! Gaano ba talaga karami ang karanasan mo? Ang nakita mo at lahat ng narinig mo sa buong buhay mo at ang naisip mo ay maliit kaysa sa gawaing ginagawa Ko sa isang saglit! Ang pinakamabuti ay huwag kang mamintas at maghanap ng mali. Maaari kang magmayabang hangga’t gusto mo, ngunit isa ka lamang nilalang na ni hindi kapantay ng isang langgam! Lahat ng laman ng iyong tiyan ay mas kakaunti kaysa sa laman ng tiyan ng isang langgam! Huwag mong isipin na, komo nagkaroon ka na ng kaunting karanasan at nauna ka sa tungkulin, may karapatan ka nang magkukumpas at magmayabang. Hindi ba ang iyong karanasan at pagkauna sa tungkulin ay bunga ng mga salitang nabigkas Ko? Naniniwala ka ba na kapalit ang mga iyon ng sarili mong pagsisikap at pagpapagod?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Ang inihayag ng mga salita ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Nabalisa ako, at noon lang ako nagsimulang magmuni-muni tungkol sa sarili ko. Pagkatapos gawin ang aking tungkulin bilang isang lider sa loob ng ilang taon, inakala ko na dahil medyo matagal akong nasa posisyong iyon, naunawaan ko ang mas maraming katotohanan at mas may kakayahan ako kaysa sa iba, na isa akong haligi ng iglesia, at walang magagawa ang iglesia kung wala ako. Nang magtamo ako ng kaunting tagumpay sa aking tungkulin, inakala ko na naunawaan ko na ang lahat, na taglay ko ang realidad ng katotohanan, na mas mahusay ako kaysa kaninuman. Inakala ko na ang pagkakaroon sandali ng pananampalataya, ang pagkakaroon ng kaunting karanasan ang nagbigay ng karapatan para magmayabang ako at na mas nakatataas ako kaysa sa ibang mga tao. Hindi ko man lang pinansin ang mga suhestyon ng mga kapatid, lalong hindi ko sila hinanap o tinanggap. Kahit noong nagmamalasakit sila sa akin at kinukumusta nila ang lagay ko, pakiramdam ko mas mataas ang tayog ko kaysa sa kanila, kaya kaya kong harapin ito, at hindi ko kailangan ang tulong nila. Nang matuklasan ko ang kanilang mga pagkakamali at paghihirap, hindi ako nagbahagi tungkol sa katotohanan para tulungan sila, kundi pinagmalakhan ko sila. Talagang hindi sila nakagawa ng tama sa paningin ko at kinagalitan ko sila nang husto. Dahil dito, hinigpitan ko ang mga kapatid at nabuhay sila sa pagiging negatibo. Paano naging pagtupad iyon sa aking tungkulin? Malinaw na paggawa iyon ng kasamaan. Wala akong ipinakita kundi ang mayabang at mapagmataas na masamang disposisyon. Nang maging tao ang Diyos sa mga huling araw, na ipinapahayag ang katotohanan at gumagawa upang iligtas ang tao, gumawa Siya ng napakadakilang gawain, pero hindi Siya kailanman nagpasikat, at hindi Niya ipinakilala ang Kanyang Sarili bilang Diyos. Sa halip, Siya ay mapagkumbaba at tago, tahimik na ginagawa ang gawain ng pagliligtas. Nakita ko na napakamapagkumbaba at kaibig-ibig na Diyos, samantalang napakataas ng pagtingin ko sa sarili ko, na lubhang ginawang tiwali ni Satanas at puno ng masasamang disposisyon, at sa aking mga kakayahan dahil lang sa matagal-tagal na akong nananampalataya, at naunawaan ko ang mas maraming doktrina, at may kaunting karanasan ako sa gawain. Tumayo ako sa aking pedestal at ayaw kong bumaba. Lubos akong walang kaalaman tungkol sa sarili ko, wala akong anumang alam tungkol sa sarili ko, at mayabang ako na wala sa katwiran. Kasuklam-suklam ako. Matapos ilantad ng Diyos, nakita ko sa wakas ang aking tunay na tayog. Nagawa kong lutasin ang ilang isyu sa aking tungkulin dahil lang sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung wala ang Kanyang gawain at patnubay, lubos akong bulag at walang nauunawaang anuman. Hindi ko malutas ang sarili kong mga problema, lalo na ang sa ibang mga tao. Magkagayunman, masyado akong naging hambog. Naging napakayabang ko talaga. Sa puntong iyon ikinahiya ko ang ugali ko.

Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung talagang nasasaloob mo ang katotohanan, natural na magiging tama ang landas na iyong tinatahak. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang kayabangan at kahambugan, makikita mo na imposibleng hindi sumuway sa Diyos; mapipilitan kang sumuway sa Kanya. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Sa huli, gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga kuru-kuro para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan! Upang malutas ang kanilang masasamang gawa, kailangan muna nilang lutasin ang problema ng kanilang likas na pagkatao. Kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi posibleng maghatid ng pangunahing resolusyon sa problemang ito(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos napagtanto ko na ang likas na kayabangan ko ang ugat ng paggawa ko ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Sa udyok ng aking likas na kayabangan, inangkin ko ang karangalan sa mga resulta ng gawain ng Banal na Espiritu nang magkaroon ako ng kaunting tagumpay sa aking tungkulin, na ipinangangalandakan ang sarili bilang pinakamagaling sa iglesia. Walang kahihiyang naniwala ako na tumanggap ako ng pagliligtas ng Diyos, subalit wala akong kaalaman tungkol sa sarili ko. Sa aking tungkulin, palagi kong ipinagpaparangalan na mas mataas ang ranggo ko, na itinuturing ang aking sarili na mas mahusay at mas mataas kaysa sinuman, palaging minamaliit ang iba. Ginamit ko pa ang mga salita ng Diyos para payuhan ang mga kapatid, at sa pagpaplano ng gawain hindi ko tinalakay ang mga bagay-bagay sa sister na tumutulong sa akin. Sa halip, naging dominante ako at laging ako ang nasusunod. Gumawa pa akong mag-isa ng mga desisyon tungkol sa mahahalagang bagay para sa gawain ng bahay ng Diyos. Ginawa ko lang tau-tauhan ang sister na iyon at lumikha ako ng sarili kong imperyo sa iglesia. Dahil sa aking likas na kayabangan, binalewala ko ang lahat ng iba pa at hindi pinanatili ang Diyos sa puso ko. Hindi ko hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan kapag naharap ako sa isang isyu, at itinuring ko pang katotohanan ang sarili kong mga ideya, at hinikayat ang lahat ng iba pa na pakinggan at sundin ako. Ipinaalala nito sa akin ang pagbibigay ng Diyos ng kaunting kapangyarihan sa arkanghel para pamahalaan ang iba pang mga anghel sa langit, pero nawalan ito ng lahat ng katwiran dahil sa kayabangan nito, na nag-aakalang espesyal ito at gustong makapantay ang Diyos. Dahil dito, nagkasala ito sa disposisyon ng Diyos, at isinumpa ito ng Diyos at itinapon mula sa langit. At ngayon, itinaas ako ng Diyos para gumawa bilang isang lider upang purihin Siya at magpatotoo sa Kanya sa lahat ng bagay, upang makapagbahagi ako tungkol sa katotohanan para lutasin ang mga praktikal na isyu, ipaunawa sa iba ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Pero hindi ko hinanap ang katotohanan o ginawa ang aking tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa halip ay nang-agaw ako ng kapangyarihan, inilagay ko sa sentro ang sarili ko, at hinikayat ang lahat ng pakinggan at sundin ako. Paano ako naiba sa arkanghel? Nagplano ang Diyos ng mga sitwasyon para harangan ang aking landas, at pagkatapos ay binalaan ako sa pamamagitan ng mga kapatid, pero hindi ko tinanggap iyon o nagmuni-muni man lang tungkol sa aking sarili. Masyado akong matigas at suwail! Noon ko pa ginagawa ang aking tungkulin nang may mayabang na disposisyon, sinusupil ang mga kapatid, kaya nabuhay sila sa pagiging negatibo at hindi nila nalutas ang kanilang mga paghihirap. Wala ring anumang naging pagsulong sa gawain ng iglesia. Puro kasamaan ang lahat ng ginawa kong iyon dahil naging kontrolado ako ng aking kayabangan! Likas ang katigasan ng ulo ko at kayabangan. Kung hindi sa marahas na paglalantad at pakikitungo sa akin ng Diyos sa pamamagitan ng mga kapatid, at pagtatanggal sa akin mula sa aking tungkulin, hindi sana ako kailanman nakapagmuni-muni tungkol sa aking sarili. Kung nagpatuloy iyon, nakagawa pa sana ako ng mas marami pang kasamaan. Nagkasala sana ako sa disposisyon ng Diyos, pagkatapos ay naisumpa at naparusahan ng Diyos, kagaya ng arkanghel. Sa puntong iyon nagtamo ako ng pagkaunawa sa mabubuting layon ng Diyos. Ginagawa Niya ito noon para pigilan ako sa aking masasamang landasin at para bigyan ako ng pagkakataong magsisi. Ito ang Diyos na pinoprotektahan at inililigtas ako. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa puso ko.

Matapos akong mapalitan, naisagawa ni Sister Liu nang normal ang kanyang tungkulin, at batay sa sinabi ng iba, bagama’t hindi pa masyadong matagal na nananampalataya ang bagong halal na lider at mga diakono, kapag tinatalakay ang gawain walang sinumang kumapit sa sarili nilang mga ideya, kundi sa halip ay nagdasal sila at sumandig sa Diyos, na hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan nang magkakasama. Nagtulungan ang lahat, at unti-unting sumiglang muli ang gawain ng iglesia. Nahihiya talaga akong marinig ito. Noon ko pa inakalang hindi kaya ng gawain ng iglesia na magpatuloy nang wala ako, pero sa harap ng mga katunayan, nakita ko na ang gawain ng bahay ng Diyos ay natatapos na lahat at suportado ng Banal na Espiritu, at hindi ito isang bagay na magagawa ng iisang tao. Ginagampanan lang ng mga tao ang sarili nilang tungkulin. Gaano man katagal na tayong nananampalataya sa Diyos, basta’t umaasa tayo sa Diyos para hanapin at isagawa ang katotohanan sa ating tungkulin, mapapasaatin ang patnubay at mga pagpapala ng Diyos. Ang pagtupad ng aking tungkulin nang hindi hinahanap ang katotohanan, kundi buong kayabangang ginagawa ang anumang gusto ko, at pagiging diktador ko ay kasuklam-suklam para sa Diyos. Kung wala ang patnubay ng Diyos, nawala sa akin at naging walang kabuluhan ang gawain ng Banal na Espiritu. Wala akong magawang anuman. Dati-rati ay bulag ako sa aking kayabangan, hindi masawata, buong kayabangang inuutusan ang mga tao, na pinipigilan at sinasaktan ang mga kapatid, at nagambala ko ang gawain ng iglesia. Nakonsiyensya ako nang husto, at labis na nagsisi sa aking sarili. Nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, naging masyado akong bulag. Hindi ko pa nakikilala ang sarili ko, palagi kong iniisip na mas marami akong nauunawaan dahil mas matagal akong naging isang lider, kaya mas mahusay ako sa lahat. Nangibabaw ang kayabangan ko sa aking tungkulin, at nakagambala ito sa gawain ng Iyong bahay. Diyos ko, ayaw ko nang lumaban sa Iyo, at hangad kong tunay na magsisi.”

Pagkatapos ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Ang mga salita ng Diyos ay napakalinaw. Diyos ang nagpapasiya sa kalalabasan ng mga tao hindi ayon sa kung gaano katagal na silang naniwala, gaano karami ang kanilang maipapangaral, o gaano karami na ang kanilang nagawa, kundi ayon sa kung hinahanap nila ang katotohanan, kung nabago na nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at kung magagawa nila ang tungkulin ng isang nilalang. Ito ang pinakamahahalagang bagay. Dati-rati, hindi ko alam ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Matagal-tagal na akong naniwala, nagkaroon na ako ng ilang taon ng karanasan bilang isang lider, at nagkaroon na ako ng kaunting tagumpay sa aking tungkulin. Sinamantala ko ang lahat ng ito. Akala ko kung patuloy akong naghangad sa gayong paraan, ililigtas ako ng Diyos, kaya hindi ako nagtuon sa pagdanas na mahatulan, makastigo, mapakitunguhan, at matabas ng Diyos. Binalewala ko lalo na ang paghahanap sa katotohanan sa tungkulin kong lutasin ang aking mga tiwaling disposisyon. Dahil dito, halos hindi nagbago ang aking disposisyon sa buhay pagkaraan ng maraming taon ng pagsampalataya sa Diyos, at nabubuhay pa rin sa aking likas na kasamaan at kayabangan, na gumagawa ng masama at nilalabanan ang Diyos. Nakita ko na hindi natin makikilala ang ating sarili o tunay na makakapagsisi sa Diyos kung hindi natin hahangarin ang katotohanan sa ating pananampalataya. Gaano man karaming gawain ang ating nagawa, gaano man karami ang ating naipangaral, kung walang pagbabago sa ating disposisyon sa buhay, isusumpa at aalisin pa rin tayo ng Diyos. Pinagpapasiyahan ito ng matuwid na disposisyon at banal na diwa ng Diyos. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos hindi ko na sinamantala kung gaano katagal na akong naniwala o gaano karaming gawain na ang aking nagawa, kundi nagsimula akong magtuon sa pagsisikap sa mga salita ng Diyos, pagmumuni-muni at pagkilala sa aking sarili, at paghahangad na mabago ang masasamang disposisyon.

Pagkatapos niyon, binigyan ako ng isa pang tungkulin sa iglesia. Kapag nakikipagtulungan ako sa mga kapatid, mas mapagpakumbaba na ako, at kapag nagsabi sila ng ibang mga pananaw, pakiramdam ko kung minsan ay tama ako at gusto kong makinig sila sa akin, pero agad kong napagtanto na ipinapakita ko na naman ang aking mayabang na disposisyon, kaya nagdarasal ako sa Diyos at isinasantabi ko ang aking sarili para hanapin ang katotohanan kasama ng mga kapatid, at lutasin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagtatalakayan. Sinabi ng lahat ng kapatid na hindi na ako kasingyabang ng dati, na mas lumago na ako. Ang marinig ang pagsusuri nilang ito sa akin ay talagang nakaantig sa akin. Alam kong nakamtan ito sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kahit hindi ko pa lubos na naaalis ang aking mayabang na disposisyon at napakalayo ko pa sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos, nakita ko na ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos. Nakita ko na ang gawain at mga salita ng Diyos ay talagang makapagbabago at makakadalisay sa mga tao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanging sa Pag-unawa ng Katotohanan Mo Tunay na Makikilala ang Iyong Sarili

Sa sandaling ginawang tiwali ni Satanas ang isang tao, ang kanyang kalikasan ay nagiging kalikasan ni Satanas. Anuman ang pagnanalita, pagkilos, o saloobin, lahat ng mga ito ay dominado ng kalikasan ng tao. Maaaring pakitunguhan ng isang tao ang kanyang tiwaling disposisyon at unti-unti itong baguhin, kung kikilalanin lamang niya ang kanyang kalikasan.