Inapi ng Aking Pamilya: Isang Karanasang Nagbibigay-aral
Hindi humadlang sa akin ang asawa ko noong bago ako sa pananampalataya, at ibinahagi ko rin sa kanya ang ebanghelyo. Pero masyado siyang nakatuon sa pagkita ng pera, kaya ayaw niyang sumali sa pananampalataya. Tapos napansin niya na nagbago ang buong asal ko at higit na mas pasensyosa na ako, kaya naging suportadong-suportado niya ito. Pero makalipas ang isang taon, nagsimula siyang humadlang sa akin. Isang araw nang umuwi siya galing sa trabaho, tinanong niya ako, “Ang Kidlat ng Silanganan ang pinaniniwalaan mo, ’di ba? Isinabay ko pauwi si Mike ngayong araw at sinabi niya sa ’kin na sinasabi ng lahat ng pastor ng simbahan niya na hindi ito ang tunay na daan, na ang mga sermon nito ay malalim at madaling mailigaw ng mga ’yon. Binalaan ako ni Mike na hindi ka dapat makinig sa mga sermon nito.” Amo niya si Mike, at isang matagal nang nananampalataya sa Panginoon. Marami talaga siyang talento—malaki ang respeto ng asawa ko sa kanya. Nakita ko na inisip ng asawa kong tama si Mike, kaya sinabi ko sa kanya na hindi niya nauunawaan ang mga usapin ng pananampalataya at hindi puwedeng ulitin lang niya ang sinasabi ng ibang tao. Tila nag-atubili siya sandali, tapos wala nang sinabing anuman.
Tapos, isa pang pagkakataon, seryoso niyang sinabi sa akin, “Nagsaliksik ako online, at ang iyong Makapangyarihang Diyos ay tinutugis ng Partido Komunista. Dagdag pa na ang mga tao’y nagsasabi ng maraming bagay tungkol sa Makapangyarihang Diyos, na isa lang Siyang tao, hindi Diyos, at na ginagatasan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga tao para sa pera. Hindi na kita puwedeng hayaang dumalo ng mga pagtitipon kasama ang mga tao mula sa Iglesia. Nangangamba akong malilinlang ka.” Galit na galit ako na marinig ito at tumugon, “Hindi mo pa nababasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at hindi mo nauunawaan ang Iglesia. Paano mo basta nagagawang di-makatwirang humusga batay sa ilang sabi-sabi online? Alam mo na naniniwala ang lahat ng Kristiyano sa Panginoong Jesus at alam mo na Siya ang tunay na Diyos. Dalawang libong taon ang nakararaan, noong gumagawa ang Panginoong Jesus, kinondena at itinatwa rin Siya ng maraming tao. Sinabi nilang isa lang Siyang regular na tao, anak ng isang karpentero. Ang Panginoong Jesus ay mukhang isang regular na tao sa panlabas, pero Siya’y may banal na diwa, at kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at tubusin ang sangkatauhan. Siya ang Espiritu ng Diyos na nakabihis ng katawang-tao, ang Manunubos ng sangkatauhan. Kung makikinig tayo sa Partido Komunista at sasabihin na sinumang mukhang normal na tao sa panlabas ay hindi Diyos, hindi ba’t pagtatatwa rin ’yon sa Panginoong Jesucristo? Tulad ng Panginoong Jesus, mukhang ’di kapansin-pansin ang Makapangyarihang Diyos, pero nakapagpapahayag Siya ng katotohanan, nakapagpapahayag ng tinig ng Diyos. Napakarami ko nang nabasang salita ng Makapangyarihang Diyos ngayon. Ibinubunyag ng mga ito ang lahat ng uri ng misteryo tungkol sa Biblia, at sinasabi sa atin kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, ang ugat ng lahat ng kadiliman at kasamaan sa ating mundo, at ang katotohanan tungkol sa katiwalian ng tao. Ipinapakita rin ng mga ito sa atin ang landas para mapalaya sa kasalanan, maligtas ng Diyos, at makapasok sa kaharian ng langit. Walang sinumang makapagpapahayag ng mga katotohanang ito, gaano man katanyag o kadakila. Sinong tao ang makapagpapahayag ng katotohanan? Sino ang makagagawa ng gawain ng pagtubos at pagliligtas? Walang may kaya nito. Pinatutunayan nito na ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang Diyos na nagkatawang tao na pumarito sa sangkatauhan.” Sinabi ko rin sa kanya na hindi kailanman nanawagan para sa mga handog ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang lahat ng libro ng mga salita ng Diyos ay ibinibigay ng libre. Ang pahayag ng CCP na gusto lang ng Iglesia ang pera ng mga tao ay purong paninira. Sinabi ko sa kanya na talagang hindi siya puwedeng malinlang ng mga kasinungalingang ’yon. Walang imik siyang naglakad palayo.
Tapos minsan nang bumalik ako mula sa pagbabahagi ng ebanghelyo, iritang-irita niyang sinabi sa akin, “Nakita ko online na sinasabi ng Partido na inaabandona ng mga tao sa Iglesia ninyo ang kanilang pamilya. Madalas kang lumalabas nitong huli. Naghahanda ka na bang umalis?” Sabi ko, “Inaalagaan kong mabuti ang tahanan natin. Paano mo nasasabi ’yan? Lumalabas ako para ibahagi ang ebanghelyo, para malaman ng mga tao na pumarito na ang Tagapagligtas at puwede nilang tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Nakita mo na kung paanong palaging nagiging mas tiwali ang mga tao, sumusunod sa masasamang kalakaran at namumuhay sa kasalanan. Tingnan mo ang mga kaibigan mo—lahat sila’y kung hindi nagsusugal ay nagpupunta sa mga bayarang babae. Mayroon bang mabuti ni isa?” “Naging napakasama na ng mundo. Ang lahat ay itinatatwa at nilalabanan ang Diyos, at nasa rurok ng katiwalian. Ipinopropesiya ng Biblia ang malalaking sakuna sa mga huling araw na wawasak sa buong tiwaling sangkatauhan. Lumalaki ang mga sakuna ngayon. Kung tatanggapin lang ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos, at aalisin ang kasalanan at katiwalian sila maaaring maprotektahan ng Diyos sa mga sakuna at makapasok sa Kanyang kaharian. Nauunawaan ng mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos kung gaano kaagarang nais ng Diyos na iligtas ang mga tao, at handa kaming bitiwan ang mga kasiyahan ng laman, para subukang magbahagi at magpatotoo tungkol sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Paggawa ito sa kalooban ng Diyos—ito’y matuwid at paggawa ng mabubuting gawa!” “Pero hindi hinahayaan ng Partido Komunista ang mga tao na magkaroon ng pananampalataya, magbahagi ng ebanghelyo, o magpatotoo sa Diyos, at parang baliw na inaaresto at inuusig nito ang mga Kristiyano. Napilitan ang maraming Kristiyano na malayo sa kanilang pamilya, hindi makabalik. Ang ilan ay naaresto pa at nakulong, o nausig hanggang mamatay. Hindi ba’t ang lahat ng ito’y dulot ng pang-uusig ng Partido Komunista sa mga Kristiyano? Pero sinisisi nila ang mga biktima, sinasabing inaabandona ng mga mananampalataya ang kanilang pamilya. Hindi ba ’yon pagbaluktot sa mga bagay-bagay, binabaligtad ang katotohanan? Tama at wasto ang pagkakaroon ng pananampalataya. May napakaraming mananampalataya sa buong mundo. Saan nasisira ng pananampalataya ang mga pamilya? Masama ang CCP, wala itong ibang ginagawa kundi magsinungaling. Pero hindi mo ito kinamumuhian—pinaniniwalaan mo pa nga ang mga kasinungalingan nito. Nakikiayon ka lang dito, sinasabing iniiwan namin ang pamilya namin. Pinalalabo niyan ang tama at mali.” Nalinlang na siya ng mga kasinungalingan ng CCP, kaya hindi niya talaga ako pinakinggan. Galit niyang sinabing, “Wala akong pakialam. Maniwala ka sa kahit ano, huwag lang sa Makapangyarihang Diyos.” Nang makitang desidido siya rito, bigla akong nakadama ng kaunting pagkataranta. Higit isang dekada na kaming mag-asawa at marami na kaming pinagdaanan nang magkasama. Lagi naming tinatalakay ang lahat ng bagay at sinusuportahan ang isa’t isa, nang walang anumang malalaking alitan. Ang makita siyang galit na galit sa akin dahil sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos ay talagang nakasasama ng loob. Tahimik akong nagdasal, hinihiling sa Diyos na gabayan ako para maunawaan ang Kanyang kalooban. Naalala ko ang siping ito mula sa mga salita ng Diyos matapos ang dasal ko: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Nakatulong ito sa akin na maunawaan na sa panlabas ay mukhang humahadlang ang asawa ko sa aking pananampalataya, pero sa totoo’y nasa likod nito ang pakikialam ni Satanas. Gusto ni Satanas na pagharian at angkinin ang mga tao magpakailanman. Ayaw nitong lumapit ako sa harap ng Diyos at sambahin Siya, kaya sinusubukan nito ang lahat para pigilan ako, ginagamit ang mga kasinungalingan at sabi-sabi online para iligaw ang asawa ko, sinusubukan siyang gamitin para hadlangan ako, para isuko ko ang tunay na daan at pagtaksilan ang Diyos dahil sa damdamin ko para sa kanya. Napakalupit at napakasama ni Satanas! Dahil nalalaman ito, nagpasya ako na anumang gawin ni Satanas, pananatilihin ko ang pananampalataya ko at susunod sa Diyos, at hindi susuko kailanman kay Satanas! Kaya sinabi ko sa kanyang, “Naniniwala at sumusunod ako sa Diyos. Ito ang tamang landas. Ito ang pinili ko, at wala kang karapatang makialam!” Walang imik siyang naglakad palayo, galit na galit.
Isang araw nakita niya akong nakikinig ng mga himno ng mga salita ng Diyos. Nakasimangot, galit niyang sinabing, “Sinabi ko sa ’yong huwag kang maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Bakit hindi ka nakikinig? Si Mike ay napakahabang panahon nang mananampalataya, talagang isa siyang tapat na Kristiyano. Sinabi niya sa akin na ang Kidlat ng Silanganan ay hindi ang tunay na daan, kaya kung maniniwala ka sa Diyos, pumunta ka sa iglesia ni Mike. Malaki iyon at kilalang-kilala. Dadalo ako ng service kasama mo linggu-linggo, at puwedeng sabihan ni Mike ang pastor niya na kausapin ka.” Sabi ko sa kanya, “Bakit napakasigurado mo sa sinasabi ni Mike? Bakit mo tinitingala ang mga pastor?” “Nakikita mo lang na may mga kuwalipikasyon ang mga pastor at kilalang-kilala, pero wala kang pakialam kung ano talaga ang ipinapangaral nila. Kung walang pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos, hindi sila magkakaroon ng panustos ng katotohanan. Nagsasalita lang sila ng tungkol sa kaalaman sa Biblia, mga katulad lang din ng dati. Wala silang nasasabi kung paano isasagawa ang mga salita ng Panginoon o lulutasin ang pagkamakasalanan ng mga tao. Walang anumang magagawa para sa akin ang pagdalo sa iglesiang ’yon. Nasisiyahan ako sa mga pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; mapag-alaga sila. Nakakaunawa ako ng mas maraming katotohanan sa bawat pagtitipon at natututuhan ko kung paano isasabuhay ang normal na pagkatao. Ikaw mismo ang nagsabi na nakakita ka ng kaunting pagbabago sa akin mula nang magkamit ako ng pananampalataya. Kaya bakit hindi mo kayang bumatay sa mga katunayan, bagkus ay ipinipilit na maniwala sa mga kasinungalingan ng CCP at humahadlang sa akin?” Hindi siya makasagot, kaya binantaan na lang niya ako: “Ayaw mo lang makinig sa akin. Kung ipagpipilitan mo ’to, ibibigay mo sa akin lahat ng pera at bank account mo, at dapat mong ilipat sa pangalan ko ang bahay.” Ang marinig siyang sabihin ’yon ay parang kutsilyong sumaksak sa puso ko. Sa buong panahon ng pagiging mag-asawa namin, talagang naging matipid ako at nagsikap na kumita ng pera. Hindi madali ang pagkuha namin ng down payment para mabili ang bahay. Ni hindi ko pinagbibigyan ang sarili kong magkaroon ng kahit isang bagong damit. Wala akong tinipid para sa tahanan namin. Nabigla ako na nasasabi niya sa akin ang ganoon kasakit na bagay. Paanong hindi kami nagkakasundo ngayon matapos ang maraming taon dahil lang sa pananampalataya ko? Kung wala akong pera o pag-aari, anong gagawin ko kung palayasin niya ako? Para iyong kutsilyo na pinapaikot-ikot sa puso ko. Pumasok ako sa kuwarto at nagsimulang umiyak, nagdarasal sa Diyos sa aking pagluha, “Diyos ko, nasasaktan po ako at talagang nanghihina. Hindi ko alam kung paano lalampasan ang ganito. Pakiusap, gabayan Mo po ako para maunawaan ang kalooban Mo.”
Tapos naisip ko ang ilan sa mga salita ng Diyos, “Noong araw, lahat ng tao ay humaharap sa Diyos para gawin ang kanilang mga pagpapasya, at sinasabing: ‘Kahit wala nang ibang nagmamahal sa Diyos, kailangan ko Siyang mahalin.’ Ngunit ngayon, sumasapit sa iyo ang pagpipino, at dahil hindi ito nakaayon sa iyong mga kuru-kuro, nawawalan ka ng pananampalataya sa Diyos. Tunay na pagmamahal ba ito? Nabasa mo na nang maraming beses ang mga gawa ni Job—nalimutan mo na ba ang mga iyon? Ang tunay na pagmamahal ay nabubuo lamang kapag may pananampalataya. Nagkakaroon ka ng tunay na pagmamahal para sa Diyos sa pamamagitan ng mga pagpipinong pinagdaraanan mo, at sa pamamagitan ng iyong pananampalataya ay nagagawa mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos sa iyong mga praktikal na karanasan, at sa pamamagitan din ng pananampalataya ay tinatalikdan mo ang iyong sariling laman at hinahangad mo ang buhay; ito ang dapat gawin ng mga tao. Kung gagawin mo ito, makikita mo ang mga kilos ng Diyos, ngunit kung wala kang pananampalataya, hindi mo makikita ang mga kilos ng Diyos o mararanasan ang Kanyang gawain” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Binigyan ako ng kaunting lakas ng mga salita ng Diyos. Sa harap ng pang-aapi at paghihirap, ang nais ng Diyos ay tunay na pananampalataya at pagmamahal. Anuman ang pinagdaraan natin o gaano man tayo nagdurusa, hindi tayo puwedeng lumihis sa Kanya. Alam kong napakasuwerte ko na marinig ang tinig ng Diyos sa mga huling araw. Ang magawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at matamasa ang pagtustos ng lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos ay pawang pagmamahal Niya para sa akin. May halaga at kabuluhan ang pagdurusa para makasunod kay Cristo. Para ito sa pagiging matuwid. Naisip ko ang mga apostol at disipulo ng Panginoong Jesus, na sumunod sa Diyos at nagpatotoo para sa Kanya. Brutal silang inusig ng pamahalaang Romano, at kinondena at inapi ng mga lider ng relihiyon. Ang ilan ay minartir pa nga para sa Panginoon, at ibinigay ang sarili nilang buhay. Ang kaunting pinagdurusahan ko ngayon ay walang-wala kung ihahambing sa pinagdaanan ng mga banal sa mga kapanahunan. Hindi ako dapat maawa sa sarili ko, bagkus ay matuto mula sa kanila. Kailangan kong sumunod sa Diyos hanggang sa huli, anuman ang mangyari. Nang maisip ito, pinunasan ko ang mga luha ko, lumabas ng kuwarto, at sinabi sa asawa ko, “Higit isang dekada na tayong mag-asawa at marami akong nagawa para sa tahanan natin. Ngayon gusto mong alisin lahat ng pera at pag-aari ko, pinansiyal akong kinokontrol para maisuko ang tunay na daan. Hindi ako makikinig sa ’yo. Susunod ako sa Diyos!” Nagwala siya nang marinig niyang sabihin ko ito. Parang nawala siya sa sarili, hinablot niya palayo sa akin ang MP3 player ko at pagkatapos ay hinalughog ang lahat ng personal na gamit ko. Kinuha niya ang lahat ng dokumento ng pagkakakilanlan at alahas ko, at ang bank cards at pera ko. Tapos hinablot niya ang cellphone ko, napakalakas na hinagis ’yon sa sahig, tapos kumuha siya ng isang bangkito at binasag ang cellphone. Sinusubukan niyang putulin ang lahat ng ugnayan ko sa mundo sa labas sa ganoong paraan.
Tapos pinapunta niya sa bahay namin ang aking mga magulang, mga kapatid na babae at bayaw, at pinagkaisahan nila akong lahat. Ang mga kapatid ko’y nakakita ng lahat ng uri ng paninira online na ginawa ng Partido Komunista tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pinakitaan ako ng mga bagay tungkol sa kaso ng Zhaoyuan na inimbento ng CCP. Sabi ko, “Alam ko ang lahat ng ’yan. Nilitis ng korte ng CCP ang kaso ng Zhaoyuan, at hindi sinabi ng mga suspek na ’yon na kabilang sila sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw nilang sinabi sa korte na hindi sila kailanman nagkaroon ng ugnayan sa Iglesia, pero iginiit ng hukom ng Partido Komunista na sila’y mga kasapi ng iglesia. Hindi ba’t pagdidiin lang ’yon sa Iglesia? Hindi ba’t malinaw na isa itong huwad na kasong gawa-gawa nila?” “Alam n’yong ang Partido Komunista ay ateista, at inuusig nito ang mga relihiyosong paniniwala mula pa nang mapunta ito sa kapangyarihan. Paano n’yo nagagawang maniwala sa anumang sinasabi nito laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Pero nalinlang ng mga kasinungalingan nito ang dalawang kapatid ko, at hindi sila gumamit ng anumang kritikal na pag-iisip sa mga sabi-sabi na ipinakalat ng CCP. Sabi nila, “Ito ang sinasabi ng lahat ng pangunahing news outlet. Paanong hindi ito magiging totoo?” Sinabi ko sa kanila, “Ang lahat ng Chinese media outlet ay kontrolado ng Partido Komunista, sila ang mga tagapagbalita ng CCP. Kailangan nilang sabihin ang anumang ipapasabi sa kanila ng CCP at hindi sila nangangahas na mag-ulat ng tungkol sa katotohanan. Maraming banyagang media ang binili rin ng CCP at sinasabi kung ano ang gusto nito. Hindi n’yo ba nakikita na ’yon ang nangyayari? Napakalinaw ng mga katunayan at ang matatalino ay hindi nakikinig sa mga sabi-sabi. Ang payo ko sa inyo’y buksan n’yo ang mga mata n’yo at tumigil na bulag-bulagang makinig sa mga sabi-sabi na ’yon.” Wala silang anumang nasabi do’n. Galit na sinabi ng mama ko, “Hindi ka talaga nakikinig sa amin. Mahirap ba talaga para sa ’yo na isuko ang Makapangyarihang Diyos? Nag-aalala sa ’yo ang buong pamilya dahil sa pananampalataya mo. Bakit ayaw mong makinig sa payo namin?” Tapos ay nagsimula siyang umiyak. Napakahirap sa akin na makitang malungkot ang mama ko. Kaming tatlo’y mag-isa niyang pinalaki, at hindi ’yon madali para sa kanya. Ngayong matanda na siya, ayokong mag-alala siya sa akin. Halos maluha ako nang maisip ko ito. Tapos sinabi ng nakababata kong kapatid, “Tingnan mo nga kung anong ginagawa mo kay mama. Gusto mo ba siya, o ang Makapangyarihang Diyos?” Malamig na sinabi ng isa ko pang kapatid, “Kung gusto mong panatilihin ang relihiyon mo, ’di mo kami masisisi sa ’di namin pagtrato sa ’yo na parang pamilya. Isusumbong ka namin sa pulisya para sa isang krimen, sasabihin naming nanggantso ka ng tao, at pababalikin ka nila sa Tsina. Huwag mong kakalimutang ako ang nag-sponsor sa ’yo para makapunta sa Canada.” Galit na galit akong marinig silang sabihin ang lahat ng ’yon. Hindi ko kailanman inakala na susubukan nila akong piliting isuko ang pananampalataya ko at binabantaan pa ako gamit ang mga napakasama at kasuklam-suklam na taktika. Hindi ako puwedeng malinlang. Naturalized Canadian citizen na ako, kaya hindi nila ako puwedeng basta-basta kasuhan at ipadeport. Hindi ko kailanman inakala na ang kadugo kong kapatid ay magsasabi ng ganoon sa akin. Ang sama ng pakiramdam ko at ’di ko mapigilang umiyak.
Tapos naisip ko ang isa sa mga himno ng iglesia. “Kasama Ka Hanggang Wakas”: “Ang Iyong mga salita’t gawain ay gumagabay sa ’kin, at ang Iyong pag-ibig ay umaakit sa ’king sumunod sa Iyo. Tinatamasa ko ang Iyong mga salita araw-araw. Ikaw ang aking laging kasama. ’Pag ako’y negatibo at mahina, ang Iyong mga salita ang aking panustos at lakas. ’Pag ako’y dumaranas ng mga dagok at pagkabigo, ang Iyong mga salita ang tumutulong sa aking bumangon. ’Pag ako’y sinasalakay ni Satanas, ang Iyong mga salita ang nagbibigay sa ’kin ng tapang at karunungan. ’Pag akong nakakaharap ng mga pagsubok at pagpipino, ang Iyong mga salita’y ginagabayan ako upang tumayong saksi. Sinasamahan at ginagabayan ako ng Iyong mga salita, at ang puso ko’y masigla at panatag. Totoong-totoo ang Iyong pag-ibig, at ang puso ko’y puno ng pasasalamat” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Alam ko na kahit may mapang-aping pamilya na hindi ako nauunawaan, laging nasa tabi ko ang Diyos. Nang may kaliwanagan at patnubay ng Kanyang mga salita, kaya kong mahalata ang mga panlalansi ni Satanas, at pinaginhawa ako ng Diyos, at binigyan ako ng lakas at pananampalataya gamit ang Kanyang mga salita. Hindi na ako naging masyadong miserable nang isipin ko ito sa ganoong paraan. May isa pang sipi akong naalala: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. … Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Sa pagninilay rito, naunawaan ko na ang landas tungo sa kaharian ng langit ay puno ng mga paghihirap na hindi maiiwasan ninuman. Ang pang-aapi at pag-atake na ito mula sa pamilya ko ay isang pagkakataon para sa akin na tumayong saksi sa harap ni Satanas. Ito’y pagtataas at pagpapala sa akin ng Diyos, isang bagay na hindi ko makukuha kailanman sa isang komportableng kapaligiran. Ang pagdurusang ’yon ay may halaga at kabuluhan. Nakatitiyak na ito ang tunay na daan, na ito ang gawain ng Diyos, gaano man karaming pang-aapi at pagdurusa ang harapin ko, handa akong patuloy na sumunod sa Diyos.
Nang makitang hindi ako aatras, nagniningning sa galit ang kanyang mga mata, at agresibo niyang sinabing, “Alam kong ang kaibigan mo ang nagpasampalataya sa ’yo. Gusto lang niyang makakuha ng pera mula sa ’yo. Kinasusuklaman ko siya. Maniwala ka man o hindi, papatayin ko siya kahit na ibig sabihin no’n ay makukulong ako.” Ang marinig siyang sabihin ito ay lubos na kabigla-bigla sa akin, at talagang nakakatakot. Hindi ko naiwasang magsimulang manginig. Talagang hindi ko kailanman inakala na ang lalaking kinasama ko sa lahat ng mga taong ’yon ay puwedeng biglang maging napakabrutal. Anong klase siyang asawa? Malinaw na isa siyang demonyo na kinamumuhian ang Diyos at ang katotohanan! Sinabi niya ang isang kakila-kilabot na bagay para lang mapigilan ako sa pananampalataya. Nakita ko no’n ang kanyang napakasalbaheng katangian at talagang natakot akong papatayin niya ang kaibigan ko. Hindi pa ako nakakabawi nang sabihin ng mama ko sa akin, “Mukhang mag-aaway kayong dalawa. Kumuha ka ng ilang damit at tumuloy ka muna sa bahay ko ng ilang araw. Hindi ka puwedeng makipag-ugnayan sa labas o pumasok sa trabaho, bagkus manatili ka sa bahay at pag-isipan ang nagawa mo.” Nag-alala ako nang marinig siyang sabihin ’yon. Nabaliw na ang asawa ko—sinong nakakaalam kung anong gagawin niya. Binasag niya ang cellphone ko para hindi ko mabalaan ang kaibigan ko. Ngayon ay hindi nila ako pinapayagang makipag-ugnayan sa sinuman o kahit na pumasok sa trabaho. Hindi ba’t pagkulong sa bahay ’yon? Hindi ko alam kung paano ako makikipag-ugnayan sa iglesia, at tatahak ng isang buhay-iglesia. Agad akong tumawag sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na gabayan ako. Tapos naalala ko na ang mga karapatang panrelihiyon ay protektado sa mga bansang Kanluranin, na ang mga tao ay may kalayaan sa paniniwala. Gusto ng mga kapatid kong isuplong ako sa mga pulis, na siraan ako, kaya puwede rin akong magsampa ng reklamo sa mga pulis. Sa isang banda, para ito sa proteksyon ng kaibigan ko, at sa isa pang banda, kung sangkot ang mga pulis, hindi sila mangangahas na manggulo. Kaya sabi ko sa mama ko, “Ayokong pumunta sa bahay mo, gusto kong magsampa ng police report.” Natigilan sila at walang sinabing anuman. Agad akong umalis para magpunta sa himpilan ng pulisya. Pagdating ko ro’n, dagli kong sinabi sa kanila ang tungkol sa pang-uusig sa akin ng pamilya ko dahil sa pananampalataya ko. Ni hindi sila halos makapaniwala na mangyayari ang ganoong bagay sa isang bansang Kanluranin. Dumamay talaga sila, at hinatid ako pauwi sa bahay. Binalaan nila ang asawa at pamilya ko, “Mayroon tayong kalayaan sa relihiyon sa bansang ’to. Hindi kayo puwedeng makialam sa kanyang pananampalataya o paghigpitan ang kanyang personal na kalayaan. Kung gusto niyang pumasok sa trabaho, hindi kayo puwedeng humadlang sa kanya. Bilang karagdagan, ang mga dokumento ng pagkakakilanlan ay personal na pag-aari. Ibalik n’yo ang mga ito sa kanya.” Hindi na sila nangahas na subukang pilitin ako matapos marinig iyon mula sa mga pulis. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos, at pinasalamatan ko Siya sa pagbubukas ng daan palabas para sa akin.
Napigil ng batas ang asawa ko, kaya hindi siya nangahas na gumawa ng direktang aksiyon laban sa akin, pero hindi siya sumuko at patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para pilitin akong isuko ang pananampalataya ko. Makalipas ang dalawang araw, sinimulan niya akong piliting ilipat sa pangalan niya ang bahay. Nabahala ako nang sabihin niya ito. Dalawang araw lang ang nakararaan, kinuha niya lahat ng pera at alahas ko, at ngayon gusto niyang ilipat ko sa pangalan niya ang bahay. Kung palalayasin niya ako, walang matitira sa akin. Tsaka hindi rin ako tatanggapin ng mga magulang at kapatid ko. Nagsimula na namang sumama ang loob ko nang maisip ko ang lahat ng ’yon, pero sa sandaling ’yon ay naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at mga panahong ito ay binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinuman ang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din siya ni Satanas, at binubuntutan ito sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ng ito ay upang makamit ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na makuha ng Diyos ang sinuman; nais nito para sa kanyang sarili ang lahat ng nais ng Diyos, gusto nitong sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). “Kung nais ng mga taong mailigtas, at nais nilang ganap na makamit ng Diyos, ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay dapat humarap sa mga maliliit at malalaking tukso at pag-atake na galing kay Satanas. Ang mga taong nangingibabaw sa mga tukso at pag-atake na ito at nagagawang ganap na talunin si Satanas ay ang mga nailigtas ng Diyos. Ibig sabihin, ang mga tao na nailigtas ng Diyos ay iyong mga sumailalim sa mga pagsubok ng Diyos, at ang mga tinukso at inatake ni Satanas nang hindi mabilang na pagkakataon. Nauunawaan ng mga taong nailigtas ng Diyos ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos, at nagagawa nilang sumunod sa dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi nila itinatakwil ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa gitna ng mga panunukso ni Satanas. Ang mga taong nailigtas ng Diyos ay nagtataglay ng katapatan, sila ay may mabubuting puso, napaghihiwalay nila ang pag-ibig at poot, may pagkakaunawa sila sa katarungan at sila ay makatwiran, at nagagawa nilang pangalagaan ang Diyos at pahalagahan ang lahat ng sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi naigagapos, namamanmanan, napararatangan, o naaabuso ni Satanas. Sila ay ganap na malaya, sila ay ganap na napalaya at napakawalan na. Si Job ay isang tao ng kalayaan, at ito ang tiyak na kahulugan kung bakit ipinasa siya ng Diyos kay Satanas” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Ang dahilan kaya nalampasan ni Job ang mga paratang at panunukso ni Satanas ay mayroon siyang tunay na pananampalataya, pagsunod, at paggalang sa Diyos. Naniwala siya sa ganap na pamamahala ng Diyos at na ang lahat ng mayroon siya’y ibinigay sa kanya ng Diyos, kaya nagawa niyang tanggapin ito at magpasakop, nagbigay man o nag-alis ang Diyos. Nang nawala kay Job ang kanyang pag-aari, mga anak, at nagkaroon pa siya ng mga pigsa sa buong katawan, hindi pa rin niya sinisi ang Diyos, bagkus ay pinuri niya ang Kanyang pangalan. Sinabi sa kanya ng asawa niya, “Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? Sumpain mo ang Diyos, at mamatay ka” (Job 2:9). At kinagalitan niya siya, sinasabing, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Ang patotoo ni Job ay talagang naging inspirasyon sa akin. Gusto kong maging tulad niya. Gaano man ako apihin ng asawa ko o gaano man karaming pag-aari ang kunin niya sa akin, kahit pa palayasin niya ako at walang itira sa akin, susunod pa rin ako sa Diyos sa pananampalataya, tatayong saksi at ipapahiya si Satanas.
Kinabukasan, nang nagpunta kami sa bangko para ilipat ang mortgage, sinabi sa amin ng empleyado ng bangko na bagong utang pa lang ito, kaya kung gusto naming makakuha ng bagong mortgage, napakakomplikadong proseso nito at magiging malaki rin ang mawawala sa ’min. Iminungkahi niya na kung posible, ilipat namin ito makalipas ang limang taon. Wala nang magawa ang asawa ko, kaya sumuko siya. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa puso ko at talagang nadama kung gaano katotoo ang mga salita ng Diyos: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Nakipag-ugnayan akong muli sa mga kapatid pagkatapos no’n. Nang malaman niya ’to, tinanong ng asawa ko kung magpapatuloy ako sa pagpunta sa mga pagtitipon. Nagtanong ako bilang tugon, “Pinaplano mo bang humadlang na naman sa akin? Kung oo, puwede akong umalis at tumira sa ibang lugar. Hindi ba’t nag-aalala ka na gagantsuhin ako ng Iglesia, at na aabandonahin ko ang pamilya natin? Sa loob ng mga taon ko sa Iglesia, pinerahan na ba nila ako? Totoo ba ang mga sabi-sabi na inaabandona naming mga mananampalataya ang pamilya namin?” Natigilan siya, at makalipas ang ilang sandali’y sinabing, “Tama ka. Hindi ko nakita ang Iglesia na pinerahan ka, at hindi mo kami inaabandona. Masyado akong napaniwala ng mga sabi-sabi na ’yon. Gusto kitang pigilan para ’di ka malinlang. Puwede mong paniwalaan ang anumang gusto mo.” Ang saya-saya ko. Hindi pa ako dumadalo nang normal sa mga pagtitipon mula nang simulan niyang hadlangan ako, at alam kong hindi na niya ako pipigilan. Kalaunan, nagsimula niyang maramdaman na talagang masakit sa ulong pamahalaan ang pera namin at hindi siya magaling dito, kaya ibinigay niya sa akin ang lahat para pamahalaan. Hindi na niya ulit binanggit ang paglalagay sa mortgage sa pangalan niya.
Ang karanasang ito ng pang-aapi ng pamilya ko sa akin ay nagpakita sa akin kung gaano kasama ang Partido Komunista. Hindi lang nito hibang na inuusig at inaaresto ang mga Kristiyano sa Tsina, kundi nagpapakalat ito ng mga kasinungalingan online, sinisiraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sinusubukang lokohin ang buong mundo para salungatin ang Iglesia, para labanan ang Diyos kasama nito, para ang lahat ay maparurusahan sa impiyerno sa huli. Ang Partido Komunista ay isang masamang demonyo na lumalaban sa Diyos, na nagliligaw sa mga tao at nilulunok sila nang buo. Si Satanas ay sukdulan ng sama, pero ginagamit ang karunungan ng Diyos batay sa mga pakana ni Satanas. Gusto ni Satanas na gamitin ang pang-aapi na ’yon para pagtaksilin ako sa Diyos, para mawala ang pagkakataon ko na maligtas, pero hindi nito kailanman inakala na tinulutan ako nito na magkaroon ng pagkakilala at talagang makita ang kapangitan nito. Isinumpa ko ito at tinanggihan ito mula sa aking puso, at ang pananampalataya ko sa Diyos ay mas lumakas. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.