Hindi na Ako Kailanman Magrereklamong Muli Tungkol sa Kapalaran Ko

Hunyo 16, 2024

Ni Yi Xin, Tsina

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka, at umaasa ang mga magulang ko sa mga pananim para makaraos. May isang mayamang pamilya sa nayon namin, at may malaki at maganda silang bahay. Ang mga bata roon ay madalas na may mga bagong damit na masusuot at masasarap na pagkain. Inggit na inggit ako sa kanila. Naisip kong kailangan kong mag-aral nang mabuti, makapasok sa magandang unibersidad sa hinaharap, at makahanap ng magandang trabaho. Nang sa gayon, magiging angat ako sa karamihan, at titingalain at kaiinggitan ako ng iba. Gayunman, noong unang taon ko sa hayskul, na-diagnose ako na may systemic lupus erythematosus. Ito ay isang walang lunas na rheumatic autoimmune disease. Kailangan mong maggamot nang panghabambuhay. Noong panahong iyon, nalugmok ako sa depresyon, at hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng ganitong sakit. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko sa pag-aaral. Madalas na ang mga grado ko ay kasama sa pinakamatataas sa klase, at inakala ko na kung makakapasok ako sa magandang unibersidad, mababago ko ang kapalaran ko. Pero sa hindi inaasahan, mga dalawampung araw bago ang gaokao exam, hindi ako nakabangon sa sobrang taas ng lagnat ko at kinailangan kong manatili sa ospital para magpagamot, na nakaapekto sa resulta ng pagsusulit ko. Sa huli, hindi ako nakapasok sa isang magandang unibersidad at nakapasok lang ako sa isang ordinaryong vocational college. Pero hindi ako handang sumuko sa kapalaran ko, at pagkapasok ko sa kolehiyong iyon, nagpatala ako sa isang prep class para sa pagsusulit para makapasok sa unibersidad. Gayunpaman, pagkatapos lamang ng kalahating taon ng pagpasok sa klase, lumala ang sakit ko. Madalas akong sinisinat, maga at nananakit ang mga kasu-kasuan ko sa kamay at binti, at kahit ang pag-akyat sa hagdan ay mahirap. May mga pagkakataon pa ngang hindi ko mabuhat ang termos ko. Sa huli, wala akong magawa kundi ang tumigil sa pag-aaral at umuwi. Ang ibang kaibigan ko na kaedad ko ay malulusog at nagsisikap para matupad ang mga pangarap nila. Hindi ko maiwasang tumingala sa langit at mapabuntong hininga, iniisip ko, “Bakit sobrang hindi patas sa akin ang kapalaran? Bakit napakahirap ng buhay ko?” Madalas kong sinisisi ang lahat ng tao at bagay, at kung minsan ay napapaisip pa nga akong magpakamatay na lang. Pero dahil nakikita ko ang mga magulang ko na nagpapakaabala para sa akin, hindi ko maatim na gawin ang mga naiisip ko. Ang nagagawa ko lang ay ang bilangin ang mga lumilipas na araw.

Kalaunan, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nanumbalik ang magandang kalusugan ko, at nagagawa ko nang mabuhay nang normal. Isinaayos ng lider na gumawa ako ng mga video. Noon, masigasig ako, at aktibo kong pinag-aralan ang video production. Kalaunan, na-promote ako bilang superbisor, at sobrang saya ko. Naging mas aktibo pa nga ako kapag ginagawa ko ang tungkulin ko. Sinisinat ako kung minsan, pero nagpatuloy pa rin ako sa paggawa sa tungkulin ko. Kalaunan, dahil sa pagsasaalang-alang sa aking kalusugan, isinaayos ng lider na umuwi na ako sa bahay namin at gawin ang anumang tungkuling pwede kong gawin doon. Hindi ko malaman ang gagawin. Mukhang hindi na ako magkakaroon pa ng tsansang mahasa, at naisip ko, “Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dahil sa malubhang sakit na ito? Talagang masama ang kapalaran ko.” Pagkatapos niyon, ginampanan ko ang mga text-based na tungkulin sa iglesia. Madalas kong iniisip, “Mga text-base na tungkulin lang ang ginagawa ko; hindi ako mamumukod-tangi o mapapansin.” Sobra akong nalungkot. Dahil nakikita ko kung gaano kadalas nakakapunta sa iba’t ibang lugar ng pagtitipon ang mga lider para ibahagi ang mga salita ng Diyos at lutasin ang mga problema, na mukhang kahanga-hanga at matagumpay, naisip ko, “Kung mauunawaan ko lang kahit kaunti pa ang katotohanan at malulutas ang mga isyu sa kalagayan ng mga kapatid, siguro ay pipiliin din ako ng lahat bilang lider.” Kaya, sa tuwing nakikipagtipon ako, pinagtuunan ko ng pansin ang mga kalagayan ng mga kapatid. Kapag umuuwi ako, naghahanap ako ng ilang salita ng Diyos at pagkatapos ay ibinabahagi ko ang mga salitang ito sa mga kapatid sa sumunod na pagtitipon. Nang nakita kong nakikinig nang mabuti ang lahat sa aking pagbabahagi, talaga namang napakasaya ko. Pero noong papunta na sa tamang direksyon ang lahat ng bagay, nahulog ako sa bike ko habang papunta sa isang pagtitipon. Malala ang tama sa binti ko kaya hindi ako makalakad, at kinailangan kong manatili sa bahay para magpagaling. Litong-lito ako, iniisip ko, “Nito lang ay napakaaktibo ko sa tungkulin ko; paanong bigla itong nangyari sa akin? Bakit napakamalas ko?” Ang mas nakapagpadismaya pa sa akin ay malapit nang magdaos ng eleksyon ang iglesia; naisip kong pwede akong mapili, pero sinabi ng lider sa akin, “Ang mga lider ang namamahala sa lahat ng gawain ng iglesia. Dahil hindi maayos ang kalusugan mo, sa tingin ko ay mapapagod ka nang husto. Mas mabuting manatili ka sa mga tungkulin na text-based.” Pinakikinggan ang lider, parang binuhusan ako ng malamig na tubig, at nanlamig ang puso ko. Para bang ang pagiging isang lider ay talagang hindi para sa akin. Kalaunan, nang dumalo ako sa mga pagtitipon, wala na akong sigla na gaya ng dati. Ayaw ko nang pagsikapan pang pagbulayan ang mga problema ng mga kapatid. Ang bagong napiling lider noong panahong iyon, na si Chen Fang, ay kasing-edad ko, at talagang naiinggit ako sa kanya. Malusog siya at nagawa niyang mapili bilang isang lider, samantalang ang nagagawa ko lang ay kaunting text-based na tungkulin. Sa isip ko ay nagreklamo ako, iniisip ko, “Gusto kong masigasig na gugulin ang sarili ko para sa Diyos; bakit napakahina ng katawan ko? Gusto kong gawin iyon, pero wala akong lakas. Talagang masama ang kapalaran ko.” Hindi ko alam ang gagawin, naisip ko, “Kahit na hindi ako pwedeng maging lider, kung magtatagumpay ako sa mga text-based na tungkulin ko, hindi ba’t titingalain pa rin ako ng mga kapatid?” Nang maisip ko ito, masigasig kong sinuri ang mga manuskrito. Pero nang magtatapos na ang taon, sobrang sumakit ang binti ko kaya hindi ako makalakad. Iyon pala ay avascular necrosis. Hindi nagtagal, maraming pang-aarestong nangyari sa iglesia, at hindi ako makalabas para makausap ang mga kapatid. Sobrang lungkot ko, iniisip ko, “Bakit napakasama ng kapalaran ko? Dati, gusto kong umasa sa pag-aaral ko para mabago ang kapalaran ko, pero hindi iyon nangyari nang ayon sa plano ko. Inakala ko na pagkatapos manampalataya sa Diyos, magiging maganda na ang kapalaran ko, pero hindi pa rin naging maayos ang bagay-bagay para sa akin. Ngayon, malala na ang sakit ko, at hindi ko magawa ang tungkulin ko dahil sa mapapanganib na sitwasyon. Ang araw na makikilala ako ay hindi na kailanman darating. Ang kapalaran ko ay ang magdusa!” Buong araw na basang-basa ng luha ang mukha ko, at hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay. Noong panahong iyon, sumagi rin sa isip ko na pwede akong sumulat ng mga artikulo, pero sa sandaling maisip ko ang kapalaran ko at kung paanong nagiging walang silbi ang paghahangad ko, wala na akong ganang magsulat, at buong araw akong nalulugmok sa depresyon.

Isang araw, isang sister na nakatira sa malapit ang nagdala ng ilang salita ng Diyos sa akin. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos, at nanalangin ako sa Kanya, “Diyos ko, salamat sa Iyong habag. Sa panahong ito, namumuhay ako nang lugmok sa depresyon. Iniisip ko na masama ang kapalaran ko, kaya hindi ko pa hinanap ang katotohanan o natutuhan ang mga aral. Diyos ko, masyado akong mapaghimagsik!” Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Iba-iba ang pinag-uugatan ng pag-usbong ng negatibong damdamin na depresyon sa bawat tao. Ang pagkaramdam ng depresyon ng isang uri ng tao ay maaaring nagmumula sa kanyang palagiang paniniwala na mayroon siyang masamang kapalaran. Hindi ba’t isa ito sa mga sanhi? (Oo.) Noong siya ay bata pa, nakatira siya sa probinsya o sa isang mahirap na lugar, ang kanyang pamilya ay hindi mayaman at maliban sa ilang simpleng kagamitan, wala siyang masyadong mahalagang pag-aari. Marahil ay mayroon siyang isa o dalawang set ng damit na kailangan niyang isuot kahit na may mga butas na ang mga ito, at karaniwan na hindi siya nakakakain ng masasarap na pagkain, kundi kailangan pa niyang maghintay ng Bagong Taon o ng mga pista upang makakain ng karne. Minsan siya ay nagugutom at wala siyang sapat na maisusuot upang hindi siya ginawin, at ang pagkakaroon ng isang malaking mangkok na puno ng karne ay isang malabong pangarap lamang, at kahit ang paghanap ng isang pirasong prutas para makain ay mahirap. Dahil siya ay nabubuhay sa gayong kapaligiran, nararamdaman niya na iba siya sa ibang mga tao na nakatira sa malaking lungsod, na may mayayamang magulang, at nakakakain at nakakapagsuot ng anumang naisin nila, na agad nakukuha ang lahat ng naisin nila, at maalam sa mga bagay-bagay. Iniisip niya, ‘Ang ganda ng kapalaran nila. Bakit ang aking kapalaran ay napakasama?’ Gusto niya na palaging mamukod-tangi at mabago ang kanyang kapalaran. Ngunit hindi ganoon kadaling baguhin ang kapalaran ng isang tao. Kapag isinilang ang isang tao sa gayong sitwasyon, kahit na subukan pa niya, mababago ba niya nang husto ang kanyang kapalaran, at mapapabuti ba niya ito nang husto? Kapag nasa hustong gulang na siya, hinaharang siya ng mga hadlang saanmang dako siya pumunta sa lipunan, siya ay inaapi saanman siya magpunta, kaya palagi niyang nararamdam na malas siya. Iniisip niya, ‘Bakit ba napakamalas ko? Bakit ba palagi akong nakakatagpo ng masasamang tao? Mahirap ang buhay noong bata pa ako, at sadyang ganoon talaga iyon. Ngayong ako ay matanda na, mahirap pa rin ang sitwasyon. Gusto ko palaging ipakita kung ano ang kaya kong gawin, pero kailanman ay hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon. Kung hindi ako magkakaroon ng pagkakataon kailanman, hindi bale na. Gusto ko lang naman magsikap at kumita ng sapat na pera upang magkaroon ng magandang buhay. Bakit ba kahit iyon ay hindi ko magawa? Bakit ba napakahirap na magkaroon ng magandang buhay? Hindi ko naman kailangang mamuhay nang nakahihigit sa lahat ng iba pa. Gusto kong mamuhay na parang isang taong tagalungsod man lang at hindi mahamak ng mga tao, at hindi maging mas mababang klase na mamamayan. Kahit papaano, kung tatawagin ako ng mga tao ay hindi sila sisigaw ng “Hoy ikaw, halika rito!” Kahit papaano ay tatawagin nila ako sa aking pangalan at kakausapin nang may respeto. Pero hindi ko man lang matamasa na kausapin ako nang may respeto. Bakit ba napakalupit ng aking tadhana? Kailan ba ito matatapos?’ Noong hindi pa nananalig sa Diyos ang gayong tao, itinuturing niyang malupit ang kanyang tadhana. Ngunit pagkatapos niyang magsimulang manalig sa Diyos at makita na ito ang tunay na daan, iniisip na niya na, ‘Sulit ang lahat ng paghihirap noon. Lahat ng iyon ay pinangasiwaan at ginawa ng Diyos, at mabuti ang ginawa ng Diyos. Kung hindi ako nagdusa nang ganoon, hindi sana ako nanalig sa Diyos. Ngayong nananalig na ako sa Diyos, kung matatanggap ko ang katotohanan, dapat ay maging mas maganda na ang tadhana ko. Ngayon ay nakapamumuhay na ako ng patas na buhay sa iglesia kasama ng mga kapatid ko, at tinatawag ako ng mga tao na “Brother” o “Sister,” at kinakausap nila ako nang may paggalang. Ngayon, natatamasa ko na ang pakiramdam na nirerespeto ako ng iba.’ Mukhang nagbago na ang tadhana niya, at tila hindi na siya nagdurusa at wala na siyang masamang kapalaran. Sa sandaling magsimula siyang manalig sa Diyos, nagiging determinado siyang magampanan nang mabuti ang kanyang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, nagagawa niyang magtiis ng mga paghihirap at magpakasipag, mas nakakayanan niya ang anumang usapin kaysa sa ibang tao, at nagsusumikap siyang makamit ang pagsang-ayon at paggalang ng karamihan. Iniisip niya na baka mapili pa siyang lider sa iglesia, isa sa mga tagapamahala, o lider ng grupo, at kung magkagayon, hindi ba’t bibigyang-karangalan niya ang kanyang mga ninuno at pamilya? Hindi ba’t nabago na niya ang kanyang tadhana kung magkagayon? Ngunit ang kanyang mga pangarap ay hindi natutupad sa realidad, kaya pinanghihinaan siya ng loob at iniisip niya, ‘Maraming taon na akong sumasampalataya sa Diyos at magandang-maganda ang ugnayan ko sa mga kapatid, pero bakit tuwing panahon na para pumili ng lider, ng tagapamahala, o ng lider ng grupo, hindi ako kailanman napipili? Dahil ba sobrang ordinaryo ng hitsura ko, o dahil hindi ganoon kahusay ang pagganap ko, at walang nakapansin sa akin? Tuwing may botohan, umaasa ako nang kaunti, at magiging masaya na ako kung mapipili ako bilang isang lider ng grupo man lang. Punong-puno ako ng kasiglahan na masuklian ang Diyos, pero lagi lang akong nadidismaya sa tuwing may botohan at hindi man lang ako nasasali sa mga ibinoboto. Bakit ganoon? Maaari kayang ang kaya ko lang talagang gawin sa buong buhay ko ay ang maging isang karaniwang tao, isang ordinaryong tao, isang taong hindi kahanga-hanga? Kapag nagbabalik-tanaw ako sa aking pagkabata, kabataan, at noong may edad na ako, ang landas na aking tinahak ay palaging napakaordinaryo at wala akong nagawang anumang kahanga-hanga. Hindi naman sa wala akong ambisyon, o na masyadong kulang ang aking kakayahan, at hindi rin sa kulang ako sa pagsusumikap o na hindi ko kayang magtiis ng hirap. May mga pangarap at mithiin ako, at masasabi pa ngang may ambisyon ako. Kaya bakit ba kailanman ay hindi ko magawang mamukod-tangi? Sa huling pagsusuri, masama lang talaga ang aking kapalaran at nakatadhana na akong magdusa, at ganito isinaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa akin.’ Habang mas pinag-iisipan niya ito, mas pumapangit ang tingin niya sa kanyang kapalaran. … Anuman ang mangyari sa kanila, palagi nilang iniuugnay ito sa pagkakaroon nila ng masamang kapalaran; palagi nilang pinaglalaanan ng lakas ang ideyang ito ng pagkakaroon ng masamang kapalaran, nagsusumikap silang magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa at pagpapahalaga rito, at habang iniisip nila ito, mas lalong nalulugmok sa depresyon ang kanilang damdamin. Kapag nakagagawa sila ng maliit na pagkakamali sa pagganap ng kanilang tungkulin, iniisip nila, ‘Naku, paano ko magagawa nang maayos ang tungkulin ko kung ganito kasama ang kapalaran ko?’ Sa mga pagtitipon, nagbabahagi ang kanilang mga kapatid at iniisip nila ito nang paulit-ulit, ngunit hindi nila ito nauunawaan, at iniisip nila, ‘Naku, paano ko mauunawaan ang mga bagay-bagay kung ganito kasama ang kapalaran ko?’ Tuwing nakakakita sila ng isang taong mas magaling magsalita kaysa sa kanila, na kayang mas malinaw at mas maliwanag na talakayin ang pagkaunawa nito kaysa sa kanila, lalo pa silang nalulugmok sa depresyon. Kapag nakakakita sila ng isang taong kayang magtiis ng mga paghihirap at magbayad ng halaga, na nakakakita ng mga resulta sa pagganap ng tungkulin nito, na nakatatanggap ng pagsang-ayon ng kanyang mga kapatid at naitataas ang ranggo, nararamdaman nila ang kalungkutan sa kanilang puso. Kapag nakakakita sila ng isang tao na nagiging lider o manggagawa, lalo pa silang nalulugmok sa depresyon, at kahit kapag nakakakita sila ng isang taong mas magaling kumanta at sumayaw kaysa sa kanila, at nadarama nilang mas mababa sila sa taong iyon, ay nalulugmok sila sa depresyon. Sinumang mga tao, o anumang mga pangyayari, o bagay ang kanilang nakahaharap, o anumang sitwasyon ang kanilang nakatatagpo, palagi silang tumutugon sa mga ito nang may emosyon ng pagkalugmok sa depresyon. Kahit kapag nakakakita sila ng isang taong may suot na damit na medyo mas maganda kaysa sa kanila o na ang ayos ng buhok ay medyo mas maganda, palagi silang nalulungkot, at umuusbong ang selos at inggit sa kanilang puso hanggang sa wakas ay malugmok silang muli sa depresyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). “Sa huli, dahil sa palaging paniniwala nila na may masama silang kapalaran, nalulugmok sila sa kawalan ng pag-asa, namumuhay nang walang tunay na layunin at kain-tulog na lamang, naghihintay ng kamatayan; sa gayon, lalo at lalo silang nawawalan ng interes sa paghahangad sa katotohanan, sa maayos na pagganap ng kanilang tungkulin, sa pagkakamit ng kaligtasan, at sa iba pang mga hinihingi ng Diyos, at lalo pa nga nilang tinututulan at tinatanggihan ang mga bagay na ito. Ginagawa nilang dahilan at batayan ang kanilang masamang kapalaran para hindi hangarin ang katotohanan at hindi magawang kamtin ang kaligtasan gaya ng inaasahan. Hindi nila sinusuri ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon o negatibong emosyon sa mga sitwasyon na kanilang kinakaharap at sa gayon ay hindi nila nalalaman at nalulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon, sa halip, ginagamit nila ang kanilang pananaw sa pagkakaroon ng masamang kapalaran sa kanilang pagtugon sa bawat tao, pangyayari at bagay na nakakaharap at nararanasan nila, at dahil dito ay lalo pa silang nalulugmok sa depresyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). Ang inilantad ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Palagi kong iniisip na masama at malupit ang kapalaran ko, at dahil dito, madalas akong namumuhay sa emosyon ng depresyon. Noong bata pa ako, nakita ko na ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya at ginusto kong umasa sa pag-aaral para baguhin ang kapalaran ko, pero sa kasawiang palad, nang unang taon ko sa hayskul ay na-diagnose ako na may lupus erythematosus. Noong bumalik ang sakit ko pagkatapos na pagkatapos ng gaokao exam, hindi ako nakapasok sa isang magandang unibersidad. Kalaunan, kinailangan kong tumigil sa pag-aaral at umuwi na lang dahil sa malalang kondisyon ng kalusugan ko. Dahil nakikita kong hindi ako makakaasa sa kaalaman para baguhin ang kapalaran ko, sobrang nagdaramdam ang puso ko at madalas akong nagrereklamo na hindi patas ang kapalaran sa akin. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, palagi akong atubiling gampanan ang mga text-based na tungkulin na wala namang nakakakita, at ginusto kong mahirang bilang lider sa pamamagitan ng aktibong paglutas sa mga kalagayan ng mga kapatid. Gayunpaman, dahil sa sitwasyon ng kalusugan ko, hindi ako pinili ng mga kapatid. Lalo kong nadama na masama ang kapalaran ko, at sa mga pagtitipon ay hindi na ako kasing-aktibo gaya nang dati. Batay sa sitwasyon ko, isinaayos ng iglesia na manatili ako sa bahay ng pamilyang tinutuluyan ko at suriin ang mga manuskrito. Gusto ko pa ring magkamit ng ilang tagumpay at hangaan ako ng mga tao, pero hindi inaasahang lumala ang lagay ng kalusugan ko, at dahil sa avascular necrosis ay hindi ako nakakalabas para gawin ang tungkulin ko. Mas lalo akong nalungkot. Inisip kong walang naging maayos sa anumang ginagawa ko, at na kapalaran ko ang magdusa. Namuhay ako sa emosyon ng depresyon at sinukuan ko na ang sarili ko, ayaw ko nang hangarin pa ang katotohanan at ayaw ko nang magsulat pa ng mga artikulo. Naniwala akong binigyan ako ng isang masamang kapalaran at wala nang dahilan pa para patuloy na maghangad. Ang pananaw ko sa bagay-bagay ay katulad ng sa mga taong hindi nananalig sa Diyos: Kapag nahaharap sa paghihirap, ang nagiging kongklusyon ko ay masama ang kapalaran ko at gusto kong labanan ang kapalaran sa lahat ng ginagawa ko. Nang matalo ako sa labanan, nagreklamo akong masama ang kapalaran ko. Ilang taon na akong nananampalataya sa Diyos pero wala akong totoong pagpapasakop sa Kanya. Hindi ko alam kung paano hahanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema ko, namumuhay lang ako sa kalagayan ng depresyon at paninisi sa Diyos. Paano ko matatawag ang sarili ko na isang mananampalataya sa Diyos?

Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nalaman ko na walang mabuti o masamang kapalaran. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang isinaayos ng Diyos na kapalaran ng isang tao, ito man ay maganda o masama, ay hindi dapat tingnan o sukatin gamit ang mga mata ng tao o ang mga mata ng manghuhula, ni hindi ito dapat sukatin batay sa laki ng yaman at kabantugang natatamasa ng taong iyon sa kanyang buong buhay, o kung gaano karaming paghihirap ang kanyang nararanasan, o kung gaano siya kamatagumpay sa kanyang paghahangad sa mga oportunidad, kasikatan, at kayamanan. Gayunpaman, ito mismo ang malubhang pagkakamali na ginagawa ng mga nagsasabing sila ay may masamang kapalaran, ito rin ay isang paraan ng pagsukat ng kapalaran ng isang tao na ginagamit ng karamihan ng mga tao. Paano ba sinusukat ng karamihan sa mga tao ang kanilang sariling kapalaran? Paano sinusukat ng mga makamundong tao kung ang kapalaran ng isang tao ay maganda o masama? Pangunahin na ibinabatay nila ito sa kung ang takbo ng buhay ng taong iyon ay maayos o hindi, kung siya ay nakakapagtamasa o hindi ng yaman at kabantugan, kung siya ay nakapamumuhay nang higit na marangya kaysa sa iba, kung gaano siya nagdurusa at kung gaano karami ang natatamasa niya sa kanyang buong buhay, kung gaano siya katagal mabubuhay, kung ano ang kanyang propesyon, kung ang kanyang buhay ay puno ba ng hirap o kaya ay maginhawa at madali—ang mga ito at iba pa ang kanilang ginagamit upang sukatin kung ang kapalaran ng isang tao ay maganda o masama. Hindi ba’t ganito niyo rin sinusukat ito? (Oo.) Kaya, kapag ang karamihan sa inyo ay nakakaharap ng isang bagay na hindi ninyo gusto, kapag dumaranas kayo ng paghihirap, o hindi ninyo magawang matamasa ang isang mas mataas na uri ng pamumuhay, iisipin ninyong may masamang kapalaran din kayo, at malulugmok kayo sa depresyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). “Noon pa man ay pauna nang itinakda ng Diyos ang kapalaran ng mga tao, at hindi mababago ang mga ito. Ang ‘magandang kapalaran’ at ‘masamang kapalaran’ na ito ay magkakaiba sa kada tao, at ito ay nakadepende sa kapaligiran, sa kung ano ang nararamdaman ng mga tao at kung ano ang kanilang hinahangad. Kaya naman, ang kapalaran ng isang tao ay hindi maganda at hindi rin masama. Maaaring napakahirap ng buhay mo, ngunit maaari mong isipin na, ‘Hindi ako naghahangad ng marangyang buhay. Masaya na ako na may sapat akong makakain at maisusuot. Lahat ay dumaranas ng paghihirap sa kanilang buhay. Sinasabi ng mga makamundong tao, “Hindi mo makikita ang bahaghari maliban na lang kung umuulan,” kaya’t may halaga ang paghihirap. Hindi ito masyadong masama, at hindi masama ang kapalaran ko. Binigyan ako ng langit ng kaunting pasakit, ilang pagsubok, at pagdurusa. Iyon ay dahil mataas ang tingin Niya sa akin. Ito ay isang magandang kapalaran!’ May mga tao namang nag-iisip na ang paghihirap ay masama, na ito ay nangangahulugan na may masama silang kapalaran, at tanging ang pamumuhay na walang paghihirap, na puno ng kaginhawahan at kaalwanan, ang nangangahulugang may maganda silang kapalaran. Para sa mga hindi mananampalataya, ‘kanya-kanyang opinyon ito ng mga tao sa usapin.’ Paano itinuturing ng mga nananalig sa Diyos ang usaping ito ng ‘kapalaran’? Pinag-uusapan ba natin ang pagkakaroon ng ‘magandang kapalaran’ o ‘masamang kapalaran’? (Hindi.) Hindi natin sinasabi ang ganitong mga bagay. Sabihin nang may maganda kang kapalaran dahil nananalig ka sa Diyos, kung gayon, kung hindi mo susundin ang tamang landas sa iyong pananampalataya, kung ikaw ay parurusahan, ilalantad at palalayasin, nangangahulugan ba ito na may magandang kapalaran ka o may masamang kapalaran? Kung hindi ka nananalig sa Diyos, imposibleng ikaw ay mailalantad o mapapaalis. Ang mga hindi nananalig at ang mga relihiyoso ay hindi nagsasalita tungkol sa paglalantad o pagkilatis sa mga tao, at hindi rin sila nagsasalita tungkol sa pagpapaalis o pagpapalayas ng mga tao. Dapat sana ay nangangahulugan ito na may magandang kapalaran ang mga tao kapag sila ay nakakapanalig sa Diyos, ngunit kung sila ay maparurusahan sa huli, ibig bang sabihin niyon na may masama silang kapalaran? Ang dati nilang magandang kapalaran ay biglang nagiging masama—kaya alin nga ba rito? Kung maganda man o hindi ang kapalaran ng isang tao ay hindi isang bagay na maaaring husgahan, hindi ito kayang husgahan ng mga tao. Lahat ng ito ay ginawa ng Diyos, at ang lahat ng isinasaayos ng Diyos ay maganda. Sadyang magkakaiba lang talaga ang takbo ng kapalaran ng bawat indibidwal, o ang kanilang kapaligiran, at ang mga tao, pangyayari, at mga bagay na kanilang kinakaharap, at ang landas sa buhay na kanilang nararanasan sa kanilang mga buhay ay magkakaiba; ang mga bagay na ito ay magkakaiba sa kada tao. Ang kapaligirang pinamumuhayan at kapaligirang kinalalakhan ng bawat indibidwal, na parehong isinaayos ng Diyos, ay lahat magkakaiba. Ang mga bagay na nararanasan ng bawat indibidwal sa kanilang mga buhay ay lahat magkakaiba. Walang tinatawag na magandang kapalaran o masamang kapalaran—lahat ng ito ay isinasaayos ng Diyos, at lahat ng ito ay ginawa ng Diyos. Kung titingnan natin ang usapin mula sa perspektiba na lahat ng ito ay ginawa ng Diyos, lahat ng ginagawa ng Diyos ay maganda at tama; sadya lamang na sa perspektiba ng mga hilig, damdamin, at mga pagpili ng tao, may ilang taong pumipili ng komportableng buhay, pinipiling magkaroon ng kasikatan at kayamanan, ng magandang reputasyon, na magkaroon ng kasaganaan sa mundo, at maging matagumpay. Naniniwala sila na nangangahulugan ito na mayroon silang magandang kapalaran, at na ang mabuhay nang pangkaraniwan at hindi matagumpay, palaging nasa pinakababa ng lipunan, ay isang masamang kapalaran. Ganito nakikita ang mga bagay-bagay mula sa perspektiba ng mga hindi nananalig at ng mga makamundong taong naghahangad ng mga makamundong bagay at naglalayon na mabuhay sa mundo, at ganito umuusbong ang ideya ng magandang kapalaran at masamang kapalaran. Ang ideya ng magandang kapalaran at masamang kapalaran ay umuusbong lamang mula sa makitid na pang-unawa at mababaw na pananaw ng tao sa kapalaran, at mula sa mga paghusga ng mga tao sa dami ng pisikal na paghihirap na kanilang tinitiis, at sa dami ng kasiyahan, at kasikatan at yaman na kanilang nakakamit, at iba pa. Sa totoo lang, kung titingnan natin ito mula sa perspektiba ng pagsasaayos at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao, walang gayong mga interpretasyon na magandang kapalaran o masamang kapalaran. Hindi ba’t tumpak ito? (Oo.) Kung titingnan mo ang kapalaran ng tao mula sa perspektiba ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti, at ito ang kailangan ng bawat indibidwal. Ito ay dahil ang sanhi at bunga ay may bahagi sa mga nakaraan at kasalukuyang buhay, ang mga ito ay paunang itinakda ng Diyos, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa mga ito, at ang Diyos ang nagpaplano at nagsasaayos sa mga ito—walang magagawa rito ang tao. Kung titingnan natin ito mula sa ganitong pananaw, hindi dapat husgahan ng mga tao ang kanilang sariling kapalaran bilang maganda o masama, hindi ba?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). Pagkatapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko sa wakas na mula sa perspektiba ng Diyos, walang mabuti o masamang kapalaran. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti. Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos sa kapalaran ng bawat tao. Ang pamantayan ng mga tao sa paghatol kung ang kapalaran ba nila ay mabuti o masama ay batay sa kung gaano sila nagdurusa sa buhay nila, kung gaanong kaluwalhatian at kayamanan ang natatamasa nila, at kung gaano sila katagumpay sa paghahangad nila sa katanyagan, pakinabang, at mga inaasahan sa hinaharap. Mula ito sa perspektiba ng mga mga kagustuhan ng laman ng tao at hindi talaga umaayon sa layunin ng Diyos. Ito ang pinaniwalaan ko; inakala ko na ang malulusog, na nakapagkakamit ng katanyagan at pakinabang at nakapagtatamasa ng kaluwalhatian at kayamanan ay mga taong may mabubuting kapalaran, samantalang ang mga may karamdaman, namumuhay sa kahirapan, at ginugugol ang buong buhay nila bilang pangkaraniwan nang hindi tinitingala ay mga taong may masasamang kapalaran. Kaya, dahil palagi akong pinahihirapan ng karamdaman, at dahil gusto kong hangarin ang katanyagan, pakinabang, at mga inaasam sa hinaharap pero hindi ako kailanman nagtagumpay, inakala ko na mayroon akong masamang kapalaran. Ang pananaw ko sa bagay-bagay ay katulad ng sa mga walang pananampalataya; pananaw ito ng mga hindi mananampalataya. Ang ilang tao ay malusog at ginugugol nila ang buong buhay nila sa patuloy na pagsusumikap para sa pera, katanyagan, pakinabang, at katayuan. Kahit na matupad ang mga hinihiling nila, hindi nila alam ang halaga o kahulugan ng pamumuhay. Ang ilang tao ay ginugugol ang mga araw nila nang hungkag ang pakiramdam nila, samantalang ang iba ay hinahanap ang lahat ng klase ng pampasigla. Ang ilan ay nalulugmok sa pagpapasasa ng sarili, samantalang ang iba ay pinipili pang magpakamatay. Ang mga tao bang ito ay may magagandang kapalaran? Masaya at nagagalak ba talaga sila? Naisip ko na bagama’t galing sa mga ordinaryong pamilya ang ilang kapatid at hindi na-promote bilang mga lider o superbisor sa sambahayan ng Diyos, ginagawa pa rin nila ang kanilang mga tungkulin at nauunawaan nila ang ilang katotohanan. Ang ilan pa nga sa kanila ay sumulat ng mga artikulo na nagpapatotoo sa Diyos: hindi masasama ang kapalaran nila. Kahit na pinahirapan ako ng karamdaman, madalas akong nananalangin sa Diyos dahil dito, at hindi naglakas-loob ang puso ko na umiwas sa Kanya. Dagdag pa rito, sa loob ng maraming taong ito, naunawaan ko ang ilang katotohanan sa pamamagitan ng aking mga text-based na tungkulin. Lahat ng ito ay kapaki-pakinabang sa aking buhay pagpasok. Gayundin, ang kalikasan ko ay mapagmataas at ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan ay napakalakas, kaya ang hindi pagpromote sa akin na gawin ang mga tungkuling matataas ay ang paraan ng pagprotekta ng Diyos sa akin. Ang mas mahalaga ay na kung wala ang karamdaman kong ito, tiyak na ibibigay ko ang buong puso ko sa paghahangad sa pera, katanyagan, at pakinabang sa mundo, mamumuhay ako sa kapangyarihan ni Satanas, pagdurusahan ko ang pinsala at panlalansi nito at lubusan akong mabibihag nito, at hindi ko matatanggap ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Sa katunayan, marami akong nakamit mula sa karamdamang ito, pero palagi akong nagrereklamo na masama ang kapalaran ko. Sa buong panahong ito ay nasa akin ang pagpapala, pero hindi ko ito namamalayan! Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Ang ilang tao ay nagsisimulang maniwala sa Diyos dahil sa karamdaman. Ang karamdamang ito ay ang biyaya ng Diyos para sa iyo; kung wala ito, hindi ka maniniwala sa Diyos, at kung hindi ka naniwala sa Diyos ay hindi ka makararating nang ganito kalayo—at sa gayon ay pag-ibig ng Diyos maging ang biyayang ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Ngayon, naranasan ko na mismo ang mga salitang ito ng Diyos. Hindi na ako magrereklamo na masama ang kapalaran ko dahil sa karamdaman ko.

Binasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Nauunawaan na ba ninyo kung ang mga iniisip at pananaw ng mga taong palaging nagsasabing may masama silang kapalaran ay tama o mali? (Mali sila.) Malinaw na ang mga taong ito ay nakakaranas ng emosyon ng depresyon dahil sa pagkalugmok sa pagiging sagad-sagaran. … Tinitingnan nila ang mga isyu at mga tao mula sa sagad-sagaran at maling pananaw na ito, kung kaya’t sila ay paulit-ulit na namumuhay, tumitingin sa mga tao at bagay, at umaasal at kumikilos sa ilalim ng epekto at impluwensya ng negatibong emosyong ito. Sa huli, paano man sila mamuhay, tila napapagod sila nang husto na hindi na nila kayang magpakita ng anumang sigla sa kanilang pananampalataya sa Diyos at paghahangad sa katotohanan. Paano man nila piliing mamuhay, hindi nila magampanan ang kanilang tungkulin nang positibo o aktibo, at kahit na maraming taon na silang nananalig sa Diyos, hindi sila kailanman tumutuon sa pagganap ng kanilang tungkulin nang buong puso at kaluluwa o sa pagganap ng kanilang tungkulin nang maayos, at siyempre, lalong hindi sila naghahangad ng katotohanan, o nagsasagawa alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Bakit nga ba ganito? Sa panghuling pagsusuri, ito ay dahil palagi nilang iniisip na mayroon silang masamang kapalaran, at dahil dito ay labis silang nalulugmok sa depresyon. Lubos silang nawawalan ng sigla, pakiramdam nila ay wala silang magagawa, para silang naglalakad na bangkay, walang kabuhay-buhay, hindi nagpapakita ng anumang positibo o optimistikong pag-uugali, lalo na ng anumang determinasyon o tibay na ialay ang katapatan na dapat nilang ialay sa kanilang tungkulin, mga responsabilidad, at obligasyon. Sa halip, mabigat ang loob silang nagsisikap araw-araw nang may pabayang saloobin, nang walang direksyon at magulo ang pag-iisip, at iniraraos pa nga nila ang mga araw nang wala sa sarili. Wala silang kamalay-malay kung gaano katagal nilang iraraos ang mga bagay-bagay. Sa huli, wala silang ibang magagawa kundi paalalahanan ang kanilang sarili, sabihin na, ‘Ay, itutuloy ko na lamang na iraos ang mga bagay-bagay hangga’t kaya ko! Kung isang araw ay hindi na ako makakapagpatuloy, at naisin ng iglesia na itiwalag ako at paalisin, dapat na lang nila akong paalisin. Ito ay dahil may masama akong kapalaran!’ Makikita mo na maging sa kanilang sinasabi ay sumuko na sila. Ang emosyong ito ng depresyon ay hindi lamang isang simpleng lagay ng kalooban, kundi, higit pa rito, may malubha itong epekto sa mga iniisip, puso, at paghahangad ng mga tao. Kung hindi mo mababago kaagad ang iyong mga emosyon na nalulugmok sa depresyon, hindi lamang nito maaapektuhan ang iyong buong buhay, sisirain din nito ang iyong buhay at dadalhin ka sa iyong kamatayan. Kahit pa nananalig ka sa Diyos, hindi mo makakamit ang katotohanan at kaligtasan, at sa huli, mamamatay ka. Kaya naman, iyong mga naniniwalang may masama silang kapalaran ay dapat magising na ngayon; ang palaging pagnanais na malaman kung maganda o masama ba ang kanilang kapalaran, ang palaging paghahangad ng isang uri ng kapalaran, ang palaging pag-aalala sa kanilang kapalaran—ito ay hindi magandang bagay. Dahil palagi mong sineseryoso ang iyong kapalaran, kapag naharap ka isang maliit na kaguluhan o hindi kaaya-ayang pangyayari, o kapag nagkaroon ng pagkabigo, mga dagok, o kahihiyan, kaagad kang naniniwala na ito ay dahil sa sarili mong masamang kapalaran at kamalasan. Kaya’t paulit-ulit mong pinaaalalahanan ang iyong sarili na mayroon kang masamang kapalaran, na hindi maganda ang kapalaran mo tulad ng ibang tao, at paulit-ulit na nilulugmok mo ang iyong sarili sa depresyon, napapaligiran, naigagapos, at naiipit ng negatibong emosyong ito ng depresyon, at hindi mo ito matakasan. Labis na nakakatakot at mapanganib na mangyari ito. Bagama’t ang emosyong ito ng depresyon ay maaaring hindi magdulot sa iyo na mas lalong maging mayabang o mapanlinlang, o magdulot sa iyo na maghayag ng kasamaan o pagmamatigas, o ng iba pang mga tiwaling disposisyon; bagama’t maaaring hindi ito umabot sa antas na maghahayag ka ng tiwaling disposisyon at susuwayin mo ang Diyos, o maghahayag ka ng tiwaling disposisyon at lalabagin ang mga katotohanang prinsipyo, o magdudulot ka ng pagkagambala at kaguluhan, o gagawa ng masasamang gawain, pagdating sa diwa, ang emosyong ito ng depresyon ay isang napakalubhang pagpapamalas ng kawalang kasiyahan ng mga tao sa realidad. Sa diwa, ang pagpapamalas na ito ng kawalang kasiyahan sa realidad ay isa ring kawalang kasiyahan sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. At ano ang mga kahihinatnan ng kawalang kasiyahan sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Tiyak na napakalulubha ng mga ito at magdudulot kahit papaano sa iyo na magrebelde laban sa Diyos at suwayin Siya, at dahil sa mga ito ay hindi mo matatanggap ang mga binibigkas at tinutustos ng Diyos, at hindi mo mauunawaan at pakikinggan ang mga turo, tagubilin, paalala, at babala ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). Ipinabatid sa akin ng mga salita ng Diyos na matindi ang mga kahihinatnan ng palaging nasa negatibong emosyon ng pesimismo at depresyon. Bukod sa hindi magawang ituring ng mga tao nang tama ang mga bagay na nangyayari sa kanila, nagdudulot din ito na mawalan sila ng interes sa paggawa sa kanilang tungkulin at paghahangad sa katotohanan, at sa huli ay nawawalan sila ng tsansang maligtas. Ang mas malubha pa rito ay ang ganitong uri ng depresyon ay ang pagkadismaya sa realidad at sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang diwa nito ay pagrereklamo sa Diyos at tahimik na paghihimagsik laban sa Kanya. Napakaseryoso ng kalikasan nito. Naapektuhan ang iskor ko sa gaokao dahil bumalik ang karamdaman ko, at tumigil din ako sa pag-aaral at umuwi na lang sa bahay dahil sa karamdaman ko. Dahil dito, masyado akong nasaktan, kaya sinisisi ko ang lahat ng tao at bagay. Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, pinigilan din ako ng sakit ko na ma-promote at mahasa, at palagi kong naiisip na masama ang kapalaran ko, sinisisi ko ang Diyos sa pagbibigay sa akin ng ganitong katawan. Iniraraos ko na lang din ang paggawa ko sa aking tungkulin, wala akong pagnanais na aktibong makipagtulungan. Palagi akong naiipit sa maling pananaw na ito na mayroon akong masamang kapalaran, at palala nang palala ang depresyon ko, lagi akong nagrereklamo at mali ang pagkaunawa ko sa Diyos. Kung hindi ako magbabago, sa huli ay mawawala sa akin ang tsansang maligtas dahil sa paglaban ko sa Diyos. Ang ganitong maling kaisipan at pananaw ay masyadong nakakalason. Nagdudulot itong harapin ng mga tao ang mga usaping nangyayari sa kanila nang walang saloobin ng pagpapasakop, at sa huli, naloloko at napipinsala lamang sila ni Satanas. Nang mapagtanto ko ito, nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, palagi akong nagrereklamo na masama ang kapalaran ko at namuhay ako sa loob ng negatibong emosyon ng depresyon. Isa itong tahimik na paghihimagsik laban sa Iyo; nilalabanan Kita. Diyos ko, ayaw kong magpatuloy nang ganito; pakiusap gabayan Mo ako.”

Pagkatapos nito, binasa ko ang mga salita ng Diyos at natutuhan ko kung paano ituring nang tama ang kapalaran ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang dapat na maging saloobin ng mga tao tungkol sa kapalaran? Dapat kang sumunod sa mga pagsasaayos ng Lumikha, aktibo at masikap na hanapin ang layunin at kahulugan ng Lumikha sa Kanyang pagsasaayos ng lahat ng ito at maunawaan ang katotohanan, gamitin ang iyong pinakamahusay na kakayahan sa buhay na ito na isinaayos ng Diyos para sa iyo, gampanan ang mga tungkulin, responsabilidad, at obligasyon ng isang nilikha, at gawing mas makabuluhan at mas mahalaga ang iyong buhay, hanggang sa wakas ay matuwa sa iyo ang Lumikha at maalala ka Niya. Siyempre, mas mainam kung makakamit mo ang kaligtasan sa pamamagitan ng iyong paghahanap at pagsisikap nang husto—ito ang pinakamagandang resulta. Anu’t anuman, sa usapin ng kapalaran, ang pinakaangkop na saloobin na dapat taglayin ng nilikhang sangkatauhan ay hindi ang paghuhusga at paglilimita nang walang pasubali, o ang paggamit ng mga sukdulang pamamaraan para harapin ito. Siyempre, lalong hindi dapat subukang labanan, piliin, o baguhin ng mga tao ang kanilang kapalaran, bagkus dapat nilang gamitin ang kanilang puso upang pahalagahan ito, at hanapin, siyasatin, at sundin ito, bago ito harapin nang positibo. Sa huli, sa kapaligirang pinamumuhayan at sa landas sa buhay na inilaan para sa iyo ng Diyos, dapat mong hanapin ang paraan ng pag-asal na itinuturo sa iyo ng Diyos, hanapin ang landas na hinihingi ng Diyos na iyong tahakin, at danasin ang kapalaran na itinakda ng Diyos para sa iyo sa ganitong paraan, at sa huli, ikaw ay pagpapalain. Kapag iyong naranasan ang kapalaran na isinaayos ng Lumikha para sa iyo sa ganitong paraan, ang iyong mapahahalagahan ay hindi lamang paghihinagpis, kalungkutan, mga luha, kirot, pighati, at pagkabigo, sa halip, higit pa rito ay iyong mararanasan ang kasiyahan, kapayapaan, at kaginhawahan, pati na rin ang kaliwanagan at pagtanglaw ng katotohanan na ipinagkakaloob ng Diyos sa iyo. Bukod pa rito, kapag ikaw ay naligaw sa iyong landas sa buhay, kapag ikaw ay naharap sa pighati at pagkabigo, at kinakailangan mong pumili, mararanasan mo ang paggabay ng Lumikha, at sa huli ay magkakamit ka ng pang-unawa, karanasan, at pagpapahalaga sa kung paano mamuhay nang pinakamakabuluhan. Kaya hindi ka na muling maliligaw sa buhay, hindi ka na laging mag-aalala, at siyempre, hindi ka na muling magrereklamo na masama ang iyong kapalaran, at lalong hindi ka na malulugmok sa depresyon dahil sa pakiramdam mo na masama ang iyong kapalaran. Kung mayroon ka ng ganitong saloobin at gagamitin mo ang paraang ito upang harapin ang kapalaran na isinaayos ng Lumikha para sa iyo, hindi lamang magiging mas normal ang iyong pagkatao, magkakaroon ka rin ng normal na pagkatao, at ng mga kaisipan, pananaw, at prinsipyo sa kung paano tingnan ang mga bagay ng normal na pagkatao, ngunit magkakaroon ka rin, siyempre, ng mga pananaw at pang-unawa sa kabuluhan ng buhay na hindi kailanman tataglayin ng mga hindi nananalig(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na anumang uri ng kapalaran ang isinasaayos ng Diyos para sa atin, dapat palagi tayong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Ito ang katwirang dapat taglayin ng mga nilikha. Anuman ang kapalaran natin, ang pinakamahalaga ay kaya nating hangarin ang katotohanan, tuparin ang tungkulin natin bilang nilikha, at isabuhay ang isang buhay na may halaga at kabuluhan. Si Job, nang una siyang pagpalain ng Diyos ng napakaraming alagang hayop, ari-arian, at mabubuting anak, inakala ng mga tao na may mabuti siyang kapalaran. Pero hindi nakita ni Job ang mga ito bilang mga kasiyahan at tumuon lamang siya sa pagtahak sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kalaunan, naharap siya sa mga pagsubok. Nawala ang lahat ng ari-arian niya sa loob lamang ng isang gabi, namatay ang mga anak niya, at nabalot din ng sugat ang buong katawan niya. Sa mga mata ng tao, naharap siya sa matinding kamalasan. Pero hindi tiningnan ni Job ang mga nangyari sa kanya mula sa pananaw ng tao, hindi rin siya naghimagsik at lumaban. Sa halip, tinanggap niya ang mga bagay mula sa Diyos, hinanap ang layunin ng Diyos, at pinuri ang banal na pangalan ng Diyos, sa huli ay nanindigan siya sa kanyang pagpapatotoo. Ibinunyag ng Diyos ang sarili Niya kay Job at nakita Siya ni Job. Naging payapa at masaya ang puso ni Job, at sa huli, namatay siya sa katandaan. Gayunpaman, kapag iniisip ko ang kapalaran ko, palagi kong gustong baguhin ito at pinagsisikapan kong makatakas dito. Hindi ko masigasig na hinanap o hinarap ito nang positibo, kaya, namuhay ako sa napakasakit na paghihirap. Naalala ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Ano ang sanhi ng kirot na ito? Dahil ba sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay ipinanganak na hindi maswerte? Malinaw na alinman dito ay hindi totoo. Pangunahin na ito ay dahil sa mga landas na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Napagtanto ko na sobra akong nasasaktan dahil may problema sa landas ng paghahangad ko. Bago ako nanampalataya sa Diyos, gusto kong umasa sa kaalaman para baguhin ang kapalaran ko. Hinangad kong mamukod-tangi sa karamihan at mamuhay nang maginhawa at masagana. Pagkatapos sumampalataya sa Diyos, hinangad ko pa rin ang reputasyon at katayuan sa aking tungkulin, dahil gusto kong tingalain ako ng iba. Nang pigilan ako ng sakit ko na matupad ang mga hiling ko, nagreklamo akong masama ang kapalaran ko at namuhay ako sa emosyon ng depresyon. Ang pagnanais ko para sa reputasyon ay napakatindi. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, “Mabuti nga ba talaga ang kapalaran ng isang tao at may halaga ba talaga ang pamumuhay dahil lamang nagkamit siya ng reputasyon at katayuan?” Naisip ko kung paano ibinunyag at itiniwalag ng iglesia ang maraming tao. Bagama’t na-promote ang ilang tao para gawin ang tungkulin ng pamumuno, hindi hinangad ng ilan sa kanila ang katotohanan, kundi matigas nilang hinahangad ang reputasyon at katayuan at itinataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili sa mga kapatid. Hindi nila tinanggap ang mapungusan, at sa huli ay nabunyag at itiniwalag sila. Nakita ko na kung hindi hahangarin ng mga tao ang katotohanan at hindi gagawin ang kanilang tungkulin nang praktikal, kahit na ma-promote sila at mahasa, kahit na hangaan sila ng maraming tao, hindi nila makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mabubunyag at maititiwalag sila sa huli. Naisip ko kung paanong, sa umpisa, ay nagsimula akong manampalataya sa Diyos dahil sa karamdaman ko. Natamasa ko ang pagtutustos ng mga salita ng Diyos at naunawaan ko ang ilang katotohanan. Tuwing magkakasakit ako at namumuhay sa pagiging negatibo ko, ginagamit ng Diyos ang mga salita Niya para bigyang-liwanag at gabayan ako at hayaan akong patuloy na mabuhay. Talagang maraming ibinigay sa akin ang Diyos. Gayunpaman, hindi ko naisip na suklian ang pag-ibig Niya at nanatili lamang ako sa tungkulin ko nang praktikal. Ang inaasam ko lang ay ang pansariling reputasyon at katayuan ko, at hindi ako tapat sa Diyos. Talagang masyado akong mapaghimagsik! Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa pagsisisi, at nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, naging masyado akong mapaghimagsik. Palagi kong hinahangad ang reputasyon at katayuan at hindi ko pa tinahak ang tamang landas; talagang hindi ako nararapat sa pagpili Mo. Diyos ko, ang gusto ko lang ay manampalataya nang wasto sa Iyo at magpasakop sa Iyo, gawin ang tungkulin ko nang praktikal.” Nang maunawaan ko ito, hindi na ako nalugmok sa depresyon.

Noong panahong iyon, hindi ko makausap ang mga kapatid, kaya nagpursige ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, nagdarasal at mas napapalapit sa Kanya at nagsanay ako na sumulat ng mga sermon. Minsan, bahagyang lumalala ang lagay ko, at napakasakit ng mga kasu-kasuan ko na hindi na ako makakilos o makatayo. Nang hindi ko namamalayan, medyo nababagabag na ako, lalo na nang makita ko ang video ng mga kapatid na kumakanta, sumasayaw, at nagpupuri sa Diyos. Inggit na inggit ako, iniisip ko, “Ang mga kapatid na iyon ay malusog, at nakakaawit sila, nakakasayaw, at nakakapagpuri sa Diyos. Ang saya siguro niyon! Samantalang ako ay hindi man lang makatayo.” Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, at tahimik akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na protektahan ang puso ko. Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsabing: “Hindi magkapareho ang mga tungkulin. May isang katawan. Bawat isa’y ginagawa ang kanyang tungkulin, bawat isa’y nasa kanyang lugar at ginagawa ang kanyang buong makakaya—para sa bawat siklab may isang kislap ng liwanag—at naghahangad na lumago sa buhay. Sa gayon Ako ay masisiyahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 21). Nagsasaayos ang Diyos ng iba’t ibang tungkulin para sa bawat tao. Ang mga kapatid na iyon ay umawit, sumayaw, at nagpuri sa Diyos, at ginawa ko naman ang mga text-based na tungkulin at nagpatotoo sa Kanya. Ang bawat tungkulin ay may sariling papel. Basta’t ginagawa ng isang tao ang kanyang tungkulin batay sa makakaya ng kanyang abilidad, sasang-ayunan siya ng Diyos. Pagkatapos kong maisip ito, mas nakaramdam ng paglaya ang puso ko. Ngayon, hindi na ako naniniwalang masama ang kapalaran ko. Gusto ko lamang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, hangarin nang wasto ang katotohanan, at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Kaya ako nakalaya sa maling pananaw na may masama akong kapalaran ay dahil lahat sa gabay ng mga salita ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman