Ang Pagsubok ng Isang Mahirap na Sitwasyon
Simula noong bata pa ako, palagi akong naiimpluwensiyahan ng lipunan. Gusto kong nakikiayon sa ibang tao sa lahat ng ginagawa ko—ang mga taong nasa paligid ko ay mga Kristiyano, kaya gano’n din ako. Pero noong inasam kong matuto tungkol sa Diyos, sinimulan kong pagnilayan ang ilang katanungan: Bakit tayo naniniwala sa Diyos? Paano natin makikilala ang Diyos? Sa madilim at masamang mundo na ito, nasaan ba talaga ang katotohanan? Bakit dumaranas ang mga tao ng paghihirap sa buhay? Ang mga tanong na ito ay parang sunod-sunod na misteryo, at hindi ako kailanman nakahanap ng mga kasagutan. Buti na lang, tinanggap ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at nahanap ko ang mga sagot sa lahat ng nakalilitong bagay na ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nalaman ko na ang pananampalataya sa Diyos ay tungkol sa pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos, at sa pamamagitan nito ay makilala, masunod, at mahalin Siya. Nalaman ko rin na sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok at pagpipino para gawing perpekto ang mga tao at linisin ang kanilang katiwalian. Kaya, ipinagdasal ko na dumating sa akin ang mga pagsubok. Hiniling ko pa nga na sana sa Tsina ako ipinanganak para maranasan ko ang pang-aapi at pang-uusig ng diyablong si Satanas gaya ng nararanasan ng mga kapatid na Chinese, at matunog akong makapagpatotoo at magawang isang mananagumpay ng Diyos sa pamamagitan ng paghihirap na iyon. Nagulat ako kung gaano ko kabilis nakaharap ang gayong kapiligiran.
Dahil sa pandemya, nagsara ang kumpanya na pinagtatrabahuhan ko at nawalan ako ng trabaho. Sinubukan kong maghanap ng trabaho sa maraming kumpanya, pero hindi ako kailanman natawag para sa isang interview. Habang lumilipas ang panahon, lumala lang ang mga bagay. Wala akong kabuhayan o pera para bumili ng pagkain. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dati, dumadalo ako sa mga online na pagtitipon, nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nanonood ng mga pelikula ng iglesia, at ginagawa ang tungkulin ko kasama ang iba pagkagaling sa trabaho. Ito ang mga pinakaimportanteng bagay sa akin, pakiramdam ko ay magandang paraan ang mga ito para isagawa ang pananampalataya. Pero ngayong pinagdadaanan ko ang pagsubok na ito, naisip ko na dahil nananalig ako sa nag-iisang tunay na Diyos, tiyak na aalagaan at tutulungan Niya ako. Nagdasal din ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng trabaho. Akala ko, dahil isa akong mananampalataya, ibibigay sa akin ng Diyos ang lahat ng hihilingin ko, pero hindi ganoon ang ginawa ng Diyos. Medyo nakaramdam ako ng kahinaan noon, at labis akong nalito. Binabasa ko ang mga salita ng Diyos at nagdarasal araw-araw, kaya bakit hindi ako tinutulungan ng Diyos noong nagdurusa ako? Nang sumagi sa isip ko, naalala ko si Job. Noong nawala sa kanya ang lahat ng kanyang pagmamay-ari, nagawa pa rin niyang panindigan ang kanyang patotoo. Naniwala si Job na ang lahat, mabuti at masama, ay ang makapangyarihang pagsasaayos ng Diyos, at hindi siya kailanman nagreklamo. Pinasalamatan niya ang Diyos sa pagbibigay sa kanya ng mga materyal na pagpapala, at nang mawala sa kanya ang mga ito, pinuri niya pa rin ang pangalan ng Diyos na si Jehova. Nung pag-isipan ko nang mabuti ang tungkol sa pananampalataya at mga dasal ni Job, napagtanto ko kung gaano kaliit ang pananampalataya ko—wala itong binatbat kumpara kay Job. Alam kong dapat kong tularan ang halimbawa ni Job, at magpasakop sa makapangyarihang pagsasaayos ng Diyos tulad ng ginawa niya. Pero kapag naiisip ko ang kawalan ng sapat na makakain, at kung paano ko nasagad ang aking mobile data at hindi ako makadalo sa mga online na pagtitipon, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, kung magutom man ako o hindi, kung makakapagtipon man ako o hindi, ay ganap na nasa Iyong mga kamay. Handa akong ipagkatiwala ang mga suliraning ito sa Iyo, at magpapasakop sa Iyong makapangyarihang pagsasaayos.” Ang pagdarasal sa gano’ng paraan ay nagbigay sa akin ng kapayapaan. Nung araw ring iyon, pagkatapos kong magdasal, may biglaang nangyari—tumawag ang tiyuhin ko at tinanong ako kung gusto kong magtrabaho sa kanyang construction company. Kahit na nakakapagod ang gawain sa konstruksyon, pagkatapos ng isang linggong paggawa, kumita ako ng sapat na pera para saglit na suportahan ang sarili ko. Talagang nagpasalamat ako sa Diyos. Kapag binabalikan ko ang mga inilantad ko sa yugtong ito, nagtataka ako kung bakit ko inakala na dahil lang nananampalataya ako sa Diyos ay ibibigay Niya sa akin ang anumang hingiin ko. Tapos isang araw, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa tungkol dito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng nasa tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). “Ang relasyon ng tao sa Diyos ay para lamang sa sarili niyang interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng pagpapala. Sa madaling salita, katulad ito ng relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho lamang ang empleyado para matanggap ang mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon, transaksyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid. Ngayong umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, sino ang makapagbabaligtad ng gayong takbo? At ilang tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano na kagrabe ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ibinuhos ng mga tao ang kanilang sarili sa galak ng pagiging mapalad, walang sinumang makakaisip kung gaano kahiya-hiya at hindi magandang tingnan ang gayong relasyon sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang ating mga motibo sa pagtanggap ng mga pagpapala gayundin ang mga tiwali nating kalagayan. Maraming tao ang sa totoo lang ay naghahanap lamang ng kaginhawahan ng Diyos sa kanilang pananampalataya. Ayaw nilang makaranas ng kahit anong kasawian, at umaasa sila na ibibigay ng Diyos ang lahat ng gusto nila. Kailanman ay wala silang pakialam kung napapalugod ba nila ang Diyos. Para sa kanila, ang pagpapasakop sa Diyos at pagtugon sa Kanyang mga hinihingi ay hindi mahalaga; ang pinakamahalaga ay na ibinibigay ng Diyos sa kanila ang gusto nila. Sa panahon ng aking pananampalataya sa Panginoon, madalas kaming pinagdadasal ng mga pastor at elder para sa mga pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, ang ganoong uri ng paghahangad ay ginagawang abnormal ang relasyon natin sa Diyos. Gaya na lang ng ibinubunyag ng mga salita ng Diyos: “Ang relasyon ng tao sa Diyos ay para lamang sa sarili niyang interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng pagpapala. Sa madaling salita, katulad ito ng relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho lamang ang empleyado para matanggap ang mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon, transaksyon lamang.” Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, at kailangan kong suriin ang sarili ko. Nakita kong nanalig ako para lang din sa pagkamit ng mga pagpapala ng Diyos. Ang layuning iyon ay nakatago sa kaibuturan ng aking puso. Akala ko, dahil bumalik na ang Diyos sa lupa, tiyak na pagpapalain Niya ang lahat ng tumatanggap sa Kanya. Naisip ko na dahil tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi na nalalayo sa akin ang mga pagpapala, na malapit nang gumanda ang buhay ko. Pero hindi gano’n ang nangyari. Nakaranas ako ng mga pagdurusa at naging mas mahirap ang buhay ko, at naging mahina ako at negatibo. Wala akong kinikita, wala akong pagkain, at hindi ako makagamit ng internet para sumali sa mga online na pagtitipon. Paano ko patuloy na maisasagawa ang pananampalataya ko? Sumama ang loob ko, at pakiramdam ko, walang pakialam sa akin ang Diyos. Kung saan-saan ako nagpunta para maghanap ng trabaho at nagdasal para sa tulong ng Diyos, pero hindi kailanman sumagot ang Diyos, at hindi Niya ibinigay sa akin ang ipinagdasal ko. Hindi ko maunawaan, at nagkaroon ako ng mga pagdududa tungkol sa Diyos. Tulad lang ito ng sinasabi ng Diyos: “Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Nahiya ako sa inilantad ko dahil sa pagbubunyag ng mga salita ng Diyos. Ipinakita rin sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pagkakaroon ng pananampalataya alang-alang sa mga pagpapala ay maling pananaw. Dahil nakita ko ang Diyos bilang tagapagkaloob ng mga pagpapala, at ang sarili ko bilang tagatanggap ng mga pagpapala, nang hindi binigay sa akin ng Diyos ang magandang trabaho na gusto ko, sinisi ko Siya at inisip na wala talaga Siyang pakialam sa akin. Nakita ko kung gaano kakakatwa, kamangmang, at kahangal ang aking pananaw sa pananampalataya. Inalala ko kung paanong pumupunta ako sa mga relihoyosong pagtitipon simula pa nung bata ako, at ang naririnig ko lang ay, “Bibigyan ka ng Diyos ng malalaking pagpapala! Pagpapalain ka ng Diyos kung isa kang mananampalataya. Magdasal at humiling ka ng mga bagay sa Diyos, at tiyak na Siya ay sasagot.” Ang mga bagay na itona narinig ko mula sa mundo ng relihiyon, sa aking mga magulang, at sa ibang mga nakapaligid sa akin ay nagkaroon ng malaking epekto sa akin at nagparamdam sa akin na kailangan ko lang manalig para makamit ang mga pagpapala ng Diyos at makalaya mula sa makamundong pagdurusa. Dati, hindi ko kailanman naisip na mali ang pagkakaroon ng pananampalataya na may pagnanasa para sa mga pagpapala, lalong hindi ko napagtanto na iyon ay isang satanikong disposisyon. Wala akong anumang pagkaunawa tungkol dito hanggang sa mabasa ko ang mga salita ng Diyos na naglalantad sa katiwalian ng mga tao.
Tinanong ko ang sarili ko pagkatapos niyon: Ang pananampalataya ba ay talagang para lang sa pagtanggap ng mga materyal na pagpapala? Iyon bang mga may sapat na pera at materyal na pagmamay-ari ang mga taong sinasang-ayunan ng Diyos? Kung gano’n, bakit sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 6:27, “Magsigawa kayo hindi para sa pagkaing napapanis, kundi para sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagkat Siya’y tinatakan ng Diyos Ama”? Bakit sinabi rin Niyang, “Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na nasisira ng gamu-gamo at ng kalawang, at kung saan nahuhukay at nananakaw ng mga magnanakaw: Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi nasisira kahit ng gamu-gamo o ng kalawang, at doo’y hindi nahuhukay at hindi nananakaw ng mga magnanakaw: Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman naroroon ang iyong puso” (Mateo 6:19–21)? Napagtanto ko noon na ang palaging paghingi sa Diyos ng mga materyal na pagpapala ay labis-labis na pagnanasa ng sangkatauhan—ito ang tiwaling disposisyon natin, at kinasusuklaman ito ng Diyos. Ito’y ganap na dahil iniligaw ni Satanas ang tao kaya hindi natin nalalaman ang pagkakakilanlan ng Diyos, at lalong hindi natin nalalaman na pinaghaharian ng Diyos ang ating mga kapalaran. Hindi natin nagagawang magpasakop sa ating Lumikha—sa halip lagi tayong may mga hinihingi sa Kanya. Kapag maayos ang takbo ng lahat ng bagay, nagpapasalamat tayo sa Diyos at pinupuri Siya, pero kapag nahaharap tayo sa mga paghihirap sa buhay, kapag hindi natutugunan ng Diyos ang ating mga hinihingi, iniiwasan natin ang Diyos at sinisisi Siya. Naisip ko si Abraham. Handa siyang magpasakop sa kahit anong mula sa Diyos. Mabuti o masama, wala siyang pansariling pasya. Nang sabihin ng Diyos kay Abraham na ialay ang kanyang anak, handa si Abraham na gawin ang sinabi ng Diyos. Talagang masakit ito para sa kanya, pero hindi niya tinanong ang Diyos, “Bakit Mo ito ipinapagawa sa akin? Paano Mo ako natatrato nang ganito?” Naniwala si Abraham na anuman ang hingin ng Diyos, wasto ito at dapat siyang sumunod. Alam niya na ang Diyos ay ang Lumikha, at siya mismo ay isang nilikha, kaya dapat niyang tanggapin ang anumang mga utos o hinihingi ng Diyos at magpasakop sa mga ito nang walang kapalit. Nakamit ng pananampalataya ni Abraham ang pagsang-ayon ng Diyos. Pero ang mga tao ngayon ay ibang-iba kay Abraham. Palaging laman ng isip natin ang mga materyal na pagpapala at binabalewala ang kalooban ng Diyos. Hinikayat tayo ng Panginoong Jesus: “Hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, at ang Kanyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33). Hindi tayo dapat maghangad ng mga materyal na pagpapala; sa halip, dapat nating hangarin na bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos, hanapin ang katotohanan, at gawin nang maayos ang ating mga tungkulin. Iyon ang mahalaga. Ang Diyos ang Lumikha. Mas alam Niya ang nasa isip natin, at mas alam din Niya kung anong kailangan natin. Pero dahil sa pagtitiwali ni Satanas, ang pag-iisip ng sangkatauhan ay ganap na inokupa na ng kasakiman at mga materyal na pagpapala—hindi tayo nananalig sa Diyos para sundin at palugurin Siya, kundi para lang magkamit ng mga pagpapala at matugunan ang ating mga sariling pagnanasa. Tulad na lang ng ibinubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling kapakanan; kapag tinatalikdan nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, ito ay para pagpalain, at kapag tapat sila sa Kanya, ito ay para gantimpalaan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa hangaring pagpalain, gantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit. Sa lipunan, nagtatrabaho ang mga tao para sa kanilang pansariling pakinabang, at sa sambahayan ng Diyos, gumagawa sila ng tungkulin para pagpalain. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikdan ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa: Wala nang mas maganda pang katibayan ng satanikong kalikasan ng tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang tumpak na katotohanan tungkol sa akin. Nakita ko ang kamangmangan at pagiging makasarili ko, at natutunan ko kung paano ako dapat magdasal at magpasakop sa Diyos kapag hindi umaayon ang mga pangyayari sa mga kuro-kuro ko. Hindi pwedeng humingi na lang ako ng biyaya at mga pagpapala.
Hindi nagtagal ay nagkaroon na naman ako ng ganoong problema. Dahil isang linggo lang akong nagtrabaho sa lugar ng tiyuhin ko bago ako nagbitiw, at pagkatapos niyon ay nasa bahay lang ako, nakatuon sa aking tungkulin, mabilis akong naubusan ng pera. Hindi ko alam kung saan manggagaling ang sunod kong kakainin o kung paano ako maghahanap ng trabaho dahil wala akong degree o anumang kwalipikasyon para sa trabaho. Wala akong kahit anong ari-arian, at walang perang pambili ng mas maraming data para sa mobile plan ko. Talagang kailangan ko ng internet para makadalo sa mga pagtitipon at makagawa ng tungkulin. Dahil sa pag-iisip tungkol dito, nanghina na naman ako, at pakiramdam ko wala na akong pag-asa. Noon din, sinabi sa akin ng nanay ko na dahil sa pandemya, wala silang pangkain, at umaasa silang matutustusan ko sila. Ang malamang nasa parehong kagipitan gaya ko ang nanay ko ay nakapanghihina at masakit para sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin. Pakiramdam ko, sobra akong nagdurusa kumpara sa ibang tao, na talagang napakahirap ng buhay ko. Hindi ko maunawaan nang malinaw ang kalooban ng Diyos. Akala ko, dahil araw-araw akong abala sa tungkulin ko, dapat akong alagaan ng Diyos, kaya bakit palala nang palala ang sitwasyon ko? Noong panahong iyon, maraming beses akong nagbasa ng mga salita ng Diyos at nakinig sa ilang himno ng papuri. Dalawa sa mga siping ng mga salita ng Diyos ang nakatulong sa akin na maunawaan ang Kanyang kalooban. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangarin at inaasam, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa alinmang mga aspeto na hindi ka nadalisay at nagpakita ka ng katiwalian, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mong mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino at kung hindi sila nagtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang pagkaalipin sa katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto, ang mga tao ay nakagapos pa rin sa kanilang satanikong kalikasan, at sa alinmang aspeto na mayroon pa rin silang sarili nilang mga ninanasa at hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat silang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng masasakit na pagsubok. Walang nakakaunawa sa kalooban ng Diyos, walang nakakakilala sa pagkamakapangyarihan at sa karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Magiging imposible iyan!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Ang mga tao ay palaging humihingi nang labis-labis sa Diyos, palaging iniisip: ‘Tinalikuran namin ang aming mga pamilya upang tuparin ang aming mga tungkulin, kaya dapat kaming pagpalain ng Diyos. Kumilos kami alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, kaya dapat kaming gantimpalaan ng Diyos.’ Maraming tao ang nagkikimkim ng ganoong mga bagay sa puso nila bagamat naniniwala sila sa Diyos. … Ang mga tao ay lubhang walang katwiran: hindi nila isinasagawa ang katotohanan at pagkatapos ay nagrereklamo sila tungkol sa Diyos, at hindi nila ginagawa ang dapat nilang gawin. Dapat piliin ng mga tao ang landas ng paghahangad sa katotohanan, ngunit sila ay nayayamot sa katotohanan, nananabik sila sa mga kasiyahan ng laman, at palagi nilang sinisikap na magkamit ng mga pagpapala at magtamasa ng biyaya, habang nagrereklamo na ang mga hinihingi ng Diyos sa tao ay sobra-sobra. Palagi nilang hinihingi sa Diyos na maging mahabagin sa kanila at na pagkalooban sila ng mas marami pang biyaya, at na hayaan silang makaramdam ng kasiyahan ng laman—sila ba ay mga taong tapat na naniniwala sa Diyos? … Ang mga salitang ito na binibigkas ng mga tao ay ganap na walang katwiran at walang pananalig. Binigkas ang lahat ng ito dahil ang labis-labis na hinihingi ng mga tao ay hindi natupad, kaya hindi sila nasisiyahan sa Diyos. Ang lahat ng ito ay mga bagay na nagmumula sa kanilang puso, at ganap na kinakatawan ng mga ito ang kalikasan ng mga tao. Ang mga bagay na ito ay umiiral sa mga tao, at kung hindi iwawaksi ang mga ito, magdudulot pa ang mga ito na magreklamo at magkamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos sa anumang oras o saan mang lugar. Malamang na lapastanganin ng mga tao ang Diyos, at maaaring lisanin nila ang tunay na daan sa anumang oras at saan mang lugar. Ito ay lubhang natural” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Noon, tumutok ako sa tungkulin ko araw-araw, hanggang sa puntong hindi ko na masyadong nabibigyang-pansin ang pamilya ko, sa paniniwalang dapat akong gantimpalaan ng Diyos, at bigyan ako ng mga pagpapala. Hindi ko ginusto ang labis-labis na mga gantimpala mula sa Diyos, isang trabaho lang na sapat para makaraos ako—at kapag nagkatrabaho na ako, mas magiging mahusay ako sa aking tugkulin. Pakiramdam ko, makatwiran naman ang kahilingang iyon, hindi naman talaga sobra-sobra. Pero sa pagninilay sa mga ibinunyag ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang pagkakaroon ng mga gano’ng labis-labis na kahilingan at pagnanasa ay nagpapakita na hindi ako nagpasakop sa Kanya; sa halip, iginigiit ko sa kanya na gawin ang kung anu-ano para sa akin. Ipinakita rin sa akin ng mga salita ng Diyos na kung ang isang tao ay palaging may mga di-makatwirang hinihingi sa Diyos, mahirap para sa kanya na isagawa ang katotohanan, at malamang na ipagkakanulo at tatalikdan niya ang Diyos kapag hindi natutugunan ang mga hinihingi niya. Naunawaan ko noon kung bakit ko kinaharap ang mga paghihirap na ito. Sa panlabas, mukha akong labis na nagdurusa, na kaawa-awa talaga ako, pero sa totoo lang, dumadaan ako sa pagpapatibay ng pagdurusa. Bagamat pakiramdam ko ay hindi ko na ito kaya, hindi ito nangangahulugan na iniwanan ako ng Diyos. Ito ay para ipakita sa akin ang mga maling pananaw at karumihan sa aking pananampalataya, at ibaling ang mga ito sa tamang direksyon na inaasahan ng Diyos na susundan ng mga tao. Hindi ko maiwasang isipin: “Hindi ba gusto ko ng isang magandang trabaho kung saan kikita ako ng pera? Hindi ba gusto ko ng mobile data at na matugunan ang mga pangunahin kong pangangailangan? Hindi ba gusto kong magawa ang tungkulin ko nang walang hadlang, nang walang anumang problema? Oo, gusto ko. Kung gayon, dahil umaasa akong matamo ang mga bagay na ito, bakit hindi isinasaayos ng Diyos na makuha ko ang mga ito? Sadyang ganoon lang ba ako kamalas, kasawi?” Syempre hindi—napakaswerte ko. Ito’y pagmamahal ng Diyos na dumarating sa akin. Sinang-ayunan ng Diyos ang mga sitwasyong kinalalagyan ko. Ang mga ito ay Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos, para hanapin ko ang katotohanan, matuto ako ng mga aral, at malinis ko ang mga karumihan sa aking pananampalataya. Kung isasagawa ko ang pananampalataya ko sa isang ganap na maganda at maginhawang kapaligiran nang hindi nakakaranas ng anumang masama’t hindi kanais-nais na mga sitwasyon, ang pananampalataya at pagmamahal ko sa Diyos ay magkakaroon ng mga motibo, pagnanasa, at karumihan, na hindi Niya sasang-ayunan. Umaasa ang Diyos na ang mga tao ay totoo, tapat at masunurin sa Kanya sa anumang sitwasyon. Tulad na lang ng isang bata. Kung mahal lang nila ang kanilang tatay kapag binibigyan sila nito ng isang maginhawang materyal na buhay, at kung hindi ay kinamumuhian ito at sinasabing, “Kung hindi mo ibibigay sa akin ang lahat ng gusto ko, hindi kita irerespeto o kikilalanin bilang tatay ko,” anong klaseng bata iyan? Iyan ay isang walang galang na bata na walang konsensya at katwiran. Salamat sa Diyos! Iyan din ang sitwasyon na kinakaharap ko. Ang pagdaan sa mga gano’ng bagay ang mismong kinakailangan ko para linisin ang mga karumihan sa aking pananampalataya.
Pagkatapos niyon, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ano ang tunay na paniniwala sa Diyos ngayon? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang buhay realidad mo at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Ang paniniwala sa Diyos ay upang sumunod ka sa Diyos, mahalin ang Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat gampanan ng isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong kamtin ang isang pagkakilala sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos, sa kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, sa kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang mga pinakamahalagang dapat taglayin ng iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos sa pangunahin ay ang paglipat mula sa isang pamumuhay ng laman tungo sa isang buhay ng pagmamahal sa Diyos; mula sa pamumuhay na nakapaloob sa katiwalian tungo sa pamumuhay na nakapaloob sa buhay ng mga salita ng Diyos; ito ay paglabas mula sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang nakakayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi ang pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamit ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto, at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-satanas na disposisyon. Pangunahin ang paniniwala sa Diyos upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mangyaring mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong gawin ang kalooban ng Diyos, at tuparin ang plano ng Diyos, at magawang patotohanan ang Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat umikot sa pagnanais na makita ang mga tanda at mga kababalaghan, o hindi ito dapat alang-alang sa iyong personal na laman. Tungkol ito dapat sa pagtataguyod sa pagkilala sa Diyos, at kakayahang sumunod sa Diyos, at, tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ang mga pangunahing layunin ng paniniwala sa Diyos. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang ikalugod Niya. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo ng higit na pagkakilala sa Diyos, at pagkaraan lamang nito makasusunod ka sa Diyos. Tanging kung may pagkakilala ka sa Diyos na magagawa mong ibigin Siya, at ito ang layuning dapat taglayin ng tao sa kanyang paniniwala sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos). Bagamat nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos pagkatapos na pagkatapos kong magkaroon ng pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, hindi ko talaga ito naunawaan noong panahong iyon. Pagkatapos kong pagdaanan ang lahat ng paghihirap na iyon ay saka lang ako nagkaroon ng kaunting pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay talagang hindi tulad ng inakala ko—na hangga’t nananalig ako sa Diyos at ginugugol ko ang sarili ko sa Kanya, dapat Niya akong bantayan at protektahan, at tugunan ang bawat pangangailangan ko. Mali ang ganoong pananaw sa pananampalataya. Sa ating pananampalataya, dapat nating maranasan ang mga salita ng Diyos, at mapalugod Siya sa lahat ng bagay. Magbigay man o mag-alis ang Diyos, dapat tayong magpasakop sa Kanya at tunay na ibigay ang ating mga sarili. Kung sa pananampalataya ng mga tao, ang hinahangad lang nila ay kilalanin ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at magpasakop sa Kanyang makapangyarihang mga pagsasaayos, sasang-ayunan ng Diyos ang kanilang pananampalataya. Ang sinumang kayang mahalin nang sukdulan ang Diyos at sundin Siya hanggang kamatayan, gaya ni Pedro, ay isang taong ginawang perpekto ng Diyos. Buti na lang, binigyan ako ng Diyos ng kaliwanagan para malaman ang tamang pananaw sa pananampalataya sa pamamagitan ng sitwasyong ito, na nagbigay katatagan at kapayapaan sa akin. Umusal ako ng isang panalangin ng pagpapasakop sa Diyos, hinihiling lang sa Kanya na bigyan ako ng lakas para makayanan ang paghihirap na iyon. Sa gulat ko, kinabukasan, pinadalhan ako ng tiyuhin ko ng kaunting pera, na nagbigay-daan para makabili ako ng ilang pagkain at mobile data. Taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos sa pagbubukas ng landas para sa akin.
Higit pa rito, nakahanap ako ng isang part-time na trabaho. Hindi talaga ito madaling trabaho, pero pwede akong kumita nang sapat para matugunan ang mga pangunahin kong pangangailangan. Tunay kong naranasan na ang pagtanggap at pagpapasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos ay isang pinakabatayang aral na dapat nating matutuhan sa tunay na buhay, at na pwede itong makatulong sa atin na malaman ang kataas-taasang kapangyarihan at mga kamangha-manghang gawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating karanasan. Ito ang saloobing dapat nating taglayin sa lahat ng uri ng mga isyu sa buhay. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag nahaharap sa mga problema sa tunay na buhay, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? Kapag naharap ka sa ganitong mga problema at hindi mo alam kung paano unawain, harapin, at danasin ang mga ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyong magpasakop, ang iyong pagnanais na magpasakop, at ang realidad ng iyong pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una, dapat mong matutuhan ang maghintay; sunod, dapat mong matutuhang maghanap; kasunod, dapat mong matutuhang magpasakop. Ang ‘paghihintay’ ay nangangahulugan na paghihintay sa panahon ng Diyos, hinihintay ang mga tao, pangyayari, at bagay na Kanyang isinaayos para sa iyo, naghihintay sa Kanyang kalooban na unti-unting ibunyag sa iyo kung ano mismo ito. Ang ibig sabihin ng ‘paghahanap’ ay pagmamasid at pag-unawa sa maalalahaning mga layunin ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, pangyayari, at bagay na inilatag Niya, pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan ng mga ito, pag-unawa sa dapat maisagawa ng tao at mga paraang dapat nilang sundin, pag-unawa sa mga resulta na nais na makamtan ng Diyos sa mga tao at ano ang mga gusto Niyang magawa sa kanila. Ang ‘pagpapasakop,’ mangyari pa, ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinaayos ng Diyos, pagtanggap sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at, sa pamamagitan nito, ay malaman kung paano idinidikta ng Lumikha ang kapalaran ng tao, kung paano Niya tinutustusan ang tao ng Kanyang buhay, kung paano Niya pinapagana ang katotohanan sa tao. Lahat ng bagay sa ilalim ng mga pagsasaayos at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay sumusunod sa natural na mga batas, at kung pagpasyahan mo na hayaan ang Diyos na isaayos at diktahan ang lahat para sa iyo, dapat mong matutuhan ang maghintay, dapat mong matutuhan ang maghanap, at dapat mong matutuhan ang magpasakop. Ito ang saloobin na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais magpasakop sa awtoridad ng Diyos, ang pangunahing katangian na dapat taglayin ng bawat tao na nagnanais tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Upang magkaroon ng ganoong saloobin at para magkaroon ng ganoong katangian, dapat ay lalo kang magpunyagi. Ito ang tanging paraan para makapasok sa tunay na realidad” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Bagamat nabasa ko na dati ang siping ito ng mga salita ng Diyos, iba ang pakiramdam na mabasa ito matapos pagdaanan ang ilang paghihirap. Nakikita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang paghahanap sa kalooban ng Diyos, paghihintay at pagpapasakop, ay ang unang diskarte na dapat mayroon ang isang tao kapag may kinakaharap siyang problema. Pero hindi ito iyong pasibong tipo ng paghihintay—may kasama itong pagdarasal, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, paghahanap ng kalooban ng Diyos, at pagninilay sa iyong sarili. Sa ganitong paraan, malalaman mo ang tunay mong kalagayan at mauunawaan kung anong dapat mong pasukin. Sa pamamagitan ng ganitong klase ng paghahanap at karanasan, makikita natin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang mga aktwal na gawa.
Nung una, gusto ko lang gawin ang mahirap na part-time na trabahong iyon sa loob ng isang buwan, para lang kumita ako nang sapat para makaraos, pagkatapos ay gugugulin ko ang natitira kong oras sa aking tungkulin. Pero nagkaroon ako ng problema sa cellphone ko. Naisip ko na kung magtatrabaho ako ng isa pang buwan, makakabili ako ng isa pang cellphone at laptop. Gayunpaman, isa akong lider ng iglesia, at marami akong gawain sa iglesia na kailangang pangasiwaan. Ang paggawa sa aking tungkulin ang pinakamahalagang bagay sa akin—ito ang prayoridad ko, kaya nagpasya akong umalis sa trabaho ko. Matapos malaman ng nakatataas na lider ang tungkol sa sitwasyon ko, sinabi niya sa akin na para matulungan akong gawin nang maayos ang tungkulin ko, pwede akong tulungan ng iglesia na bumili ng laptop at ng ilang internet bandwith. Talagang nasabik akong marinig iyon—hindi ko maipahayag ang saya na nararamdaman ko. Alam kong ito’y ganap na biyaya ng Diyos. Nakita ko rin na hindi naman pinapahirap ng Diyos ang mga bagay para sa akin. Gusto lang Niya na maging totoo ako at masunurin. Naranasan ko ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng pagdurusa. Dati, ang naiisip ko tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa tao ay malabo at hindi naaayon sa realidad. Matapos maranasan ang mga pangyayaring iyon at matuto ng mga aral mula sa mga ito ay saka ko lang tunay na napagtanto na ang bawat isa sa mga pangyayaring iyon ay pinangasiwaan ng Diyos. Ginawa niya ang mga ito para subukin ako, gabayan ako na unti-unting maunawaan ang Kanyang kalooban, baguhin ang mga maling pananaw ko sa pananampalataya, at ipatahak sa akin ang tamang landas ng paghahangad. Talagang pagmamahal ito ng Diyos sa akin. Naunawaan ko rin ang tamang saloobin na dapat taglayin sa mga panahon ng paghihirap.
Hindi nagtagal, naharap ako sa isa pang tunay na pagsubok. Makalipas ang isang buwan sa trabahong, noong kakasweldo ko pa lang, nanakawan ako. Naitakbo nila ang kalahati ng sweldo ko. Pero salamat sa proteksyon ng Diyos, kahit na may mga kutsilyo sila, hindi nila ako sinaktan. Agad kong naisip na hinayaan ng Diyos na mangyari ito dahil sa Kanyang mabubuting layunin. Naisip ko si Job na sobrang yaman, pero noong kinuha ang lahat ng kanyang pagmamay-ari at namatay ang lahat ng anak niya, nagpasakop siya nang walang pasubali, walang mga reklamo, at pinuri pa rin ang pangalan ng Diyos. Hindi ako mayaman—isa lang akong pangkaraniwang tao. Bagamat kailangan ko ang perang iyon at napakarami kong plano kung anong gagawin ko rito, handa akong tularan ang halimbawa ni Job sa pananampalataya at pagsunod. Nagdasal ako, “Diyos ko, hindi Ka maarok, hindi ko ganap na maunawaan kung bakit ito nangyari, pero naniniwala ako na ang kalooban Mo ay nakapaloob dito. Handa akong magpasakop sa Iyong mga pagsasaayos. Pakiusap, antigin Mo ang puso ko at gabayan Mo ako para hindi ako masadlak sa isang negatibong kalagayan.” Talagang napanatag ako pagkatapos ng dasal ko, na para bang walang nangyari. Patuloy kong ginawa nang mahinahon ang tungkulin ko tulad ng dati, nang walang pag-aalala o pagkabalisa. Kumpara sa saloobin ko bago ko maunawaan ang katotohanan sa kataas-tasaang kapangyarihan ng Diyos, ibang-iba ito. Iyon ay dahil nalaman ko na pinangasiwaan at isinaayos ng Diyos ang mga bagay sa ganoong paraan para linisin at iligtas ako. Lumalim din ang pag-unawa ko sa pagmamahal ng Diyos. Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi lang ipinapahayag sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng mga materyal na pagpapala, dahil mga pagnanasa lang ng laman ang matutugunan ng mga bagay na. Ang tunay na pagmamahal ng Diyos ay ang malaman natin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol, pagtuwid, pagsubok, at pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ay para malaman natin kung bakit tayo may pananampalataya, paano magkaroon ng takot sa Diyos at iwasan ang kasamaan, paano mahalin at palugurin ang Diyos, at sa huli ay magpasakop sa lahat ng Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos. Naalala ko ang ilang salita ng Diyos: “Ang pagmamahal ng tao sa Diyos ay itinayo sa pundasyon ng pagpipino at paghatol ng Diyos. Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, ang pagkakaroon ng isang mapayapang buhay-pamilya o mga materyal na pagpapala, hindi mo pa natatamo ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay hindi maituturing na matagumpay. Isinagawa na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao, ngunit ang tao ay hindi magagawang perpekto gamit lamang ang biyaya, pag-ibig, at awa. Sa mga karanasan ng tao, nararanasan niya ang kaunting pag-ibig ng Diyos at nakikita ang pag-ibig at awa ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng kaunting panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at awa ay walang kakayahang gawing perpekto ang tao, walang kakayahang ihayag yaong tiwali sa kalooban ng tao, at walang kakayahang alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pagmamahal at pananampalataya. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang panahon, at hindi makakaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). “Sa anong mga kaparaanan isinasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos higit sa lahat ay binubuo ng katuwiran, poot, pagiging maharlika, paghatol, at sumpa, at ginagawa Niyang perpekto ang tao higit sa lahat ay sa pamamagitan ng Kanyang paghatol” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, lubos kong naramdaman na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay talagang para linisin ang lahat ng mga hindi matuwid na katangian ng sangkatauhan. Ang mga karumihan sa ating pananampalataya at ang ating mga tiwaling disposisyon ay malilinis lamang sa pamamagitan ng paghatol at paglalantad, mga pagsubok at pagpipino ng Kanyang mga salita. Hindi iyon makakamit sa pamamagitan lang ng pagtamasa sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Hindi ko sana kailanman mauunawaan ang mga bagay na ito kung wala ang mga salita ng Diyos, at kung wala ang mahihirap na sitwasyong ito. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.