Namamalaging Pasakit

Hulyo 17, 2026

Ni Liu Yan, Tsina

Noong Mayo 2004, inaresto si Wu at ako pauwi galing sa isang pagtitipon dahil ipinagkanulo kami ng isang Hudas. Sa istasyon ng pulis, walang tigil ang interogasyon sa akin ng mga pulis, pilit na inaalam kung sino ang mga lider ng iglesia at kung nasaan ang mga handog. Nang tumanggi akong magsalita, pinaligiran ako ng apat o limang pulis, pinagtutulak at binubugbog. Isang pulis ang malupit na binugbog ang buong katawan ko ng isang kawayan na mahigit isang metro ang haba at sinlaki ng hinlalaki, habang paulit-ulit niyang idinidiin ang kanyang paa sa mga hita ko. Isang babaeng pulis ang malakas akong sinampal sa mukha. Ipinosas nila ang mga kamay ko sa aking likuran at bigla itong hinatak. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagpapahirap—para akong sinasakal. Tumagaktak ang pawis sa mukha ko, at salitan nila akong binubugbog at tinatanong. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko man lang maibaba ang sarili kong pantalon para magbanyo; isang babaeng pulis pa ang kailangang humatak nito para sa akin. Nakita ko ang malalaking pasa sa aking mga hita at sa gilid ng aking mga pigi, kulay ube na parang talong. Sobrang sakit na hindi man lang ako maka-squat. Noong gabing iyon, nang makitang hindi pa rin ako nagsasalita, pinaupo nila ako sa napakalamig na sahig at patuloy akong tinanong nang halinhinan. Hindi nila ako hinayaang gumalaw o matulog. Namanhid at namaga dahil sa lamig ang aking balakang at mga binti. Nahihilo ako at kumikirot sa sakit ang ulo ko. Sa tuwing pumipikit ako, sinisigawan ako ng isang pulis. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya, na parang mamamatay na ako. Naisip ko, “Kung hindi ako magsasalita, hindi nila ako palalayain. Hindi ko alam kung anong uri ng pagpapahirap ang susunod nilang gagawin. Kakayanin ko kaya? Kung papahirapan nila ako hanggang mamatay, hindi ba’t masasayang lang ang pananalig ko? Paano pa ako maliligtas kung mamamatay ako?” Kaya, gumawa ako ng kuwento, umaasang malilinlang ko sila, pero hindi sila naniwala sa akin at nagpatuloy lang sa pagtatanong.

Bandang alas-singko o alas-sais ng hapon kinabukasan, dinala kami ni Wu ng mga pulis mula sa Municipal Public Security Bureau at National Security Brigade sa isang hotel para ipagpatuloy ang interogasyon. May mga blackout curtain sa mga bintana, at may mga armadong pulis na nagbabantay. Nang makita ko ito, kinilabutan ako. Sobra akong natakot, hindi ko alam kung paano nila ako pahihirapan sa susunod. Walang tigil akong nanalangin sa Diyos sa puso ko. Inihiwalay ako ng mga pulis kay Wu at salit-salitan kaming tinanong, 24 oras sa isang araw. Pinaupo nila ako sa isang silya at hindi ako pinayagang gumalaw o matulog. Kapag pumipikit ako, sinisigawan nila ako ng mga insulto. Nahilo at natuliro ako dahil sa pagpapahirap. Makalipas ang dalawang araw, ipinagkanulo ako ni Wu. Sinabi niya sa kanila na ako ang responsable sa paglilipat ng mga handog. Ipinagkanulo rin niya ang ilang lider ng distrito, mga pamilyang nagpapatuloy sa kanilang bahay, at mga pamilyang tagapag-ingat. Hawak ang pag-amin ni Wu, isang pulis ang pabanta na nagsabi sa akin, “Walang silbi kung hindi ka magsasalita. Sinabi na niya sa amin ang lahat. Saan mo inilipat ang mga handog? Hahanapin namin ang perang iyon kahit kailangan pa naming maghukay para dito. Hahatulan ka pa rin namin kahit hindi ka magsalita! Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay pangunahing puntirya ng paghihigpit ng estado. Ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay gumugulo sa kaayusan ng lipunan. Ilegal ito. Kahit patayin ka namin, hindi kami mapapahamak! Binubugbog ka namin nang ganito, kung gayon ay bakit hindi pumupunta ang Diyos mo at hindi ka inililigtas? Walang Diyos!” Pagkatapos ay pinilit nila akong magsabi ng mga bagay na lumalapastangan sa Diyos. Nang tumanggi ako, malakas niya akong sinampal sa mukha. Malupit siyang umangil, “Marami kaming paraan para harapin ka! Kung hindi ka magsasalita, lalaslasin namin ng kutsilyo ang mukha mo at sisirain namin ang itsura mo, pagkatapos ay isisilid ka namin sa sako at itatapon sa Ilog Huangpu para ipakain sa mga isda!” Naisip ko, “Kayang gawin ng mga buktot na pulis na ito ang kahit ano. Kung talagang itatapon nga nila ako sa ilog, walang sinumang makakaalam na namatay ako. Ayoko pang mamatay ngayon. Kung mamamatay ako, hindi ba’t masasayang lang ang pananalig ko? Paano pa ako maliligtas? Siguro dapat may sabihin na lang ako…. Saka, nagsalita na si Wu. Wala nang halaga kung aminin ko man ito o hindi.” Pagkatapos, sinabi sa akin ng pulis ang mga tirahan ng mga pamilyang nagpapatuloy sa kanilang bahay at mga pamilyang tagapag-ingat na tinukoy ni Wu, pati na ang paglalarawan at mga pangalan ng mga sister. Tahimik ko na lang itong kinumpirma. Pero sabi ng pulis, “Inamin na niya ang lahat at uuwi na siya agad. Kinumpirma mo lang ang mga sinabi na niya sa amin. Wala ka namang isinukong kahit isang tao o bahay. Kung hindi mo gagawin ‘yan, ikukulong ka pa rin namin. Kasalanan mo ‘yan dahil sa masama mong asal at pagtangging makipagtulungan!” Naisip ko na kung magsasabi lang ako nang kaunti pa, baka pakawalan na nila ako, o bigyan nila ako ng mas magaan na sentensiya. Kaya, ibinigay ko sa kanila ang tirahan ng isa pang sister na nagpapatuloy sa kanyang bahay. Sa sandaling ipinagkanulo ko ang sister ko, pakiramdam ko ay parang inihagis ako sa impiyerno. Hindi ko mailarawan ang pakiramdam. Parang naubos lahat ng lakas ko. Bumagsak ako sa sahig, humahagulgol. Sinubukan kong kunin ang isang kable ng kuryente para magpakamatay, pero tinapakan ng isang pulis ang kamay ko. Napuno ako ng pagsisisi sa pagkakanulo sa aking sister, at sa puso ko, paulit-ulit kong sinumpa ang sarili ko, sinasabing karapat-dapat akong mamatay at mawasak. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging maaawain, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, hindi Ko gusto ang sinumang minsan nang nagkanulo sa Akin, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan. Dapat Ko itong sabihin sa inyo: Sinumang lubusang wumawasak sa puso Ko ay hindi makatatanggap ng kapatawaran mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon…(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Lubos akong natakot sa mga salita ng Diyos. Naramdaman kong hindi maaaring salungatin ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ipinagkanulo ko ang sister ko at ang Diyos. Sinalungat ko ang disposisyon ng Diyos, at ayaw na sa akin ng Diyos. Tapos na talaga ang buhay ko bilang isang mananampalataya. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay mas mainam pang mamatay kaysa mabuhay.

Pero hindi pa rin ako pinakawalan ng mga pulis. Patuloy nila akong tinanong para makakuha ng impormasyon tungkol sa iglesia. Pinilit nula akong paupuin sa isang silya, 24 oras sa isang araw, nang hindi ako hinahayaang gumalaw o matulog. Pinahirapan nila ako sa pamamagitan ng pagkakait sa akin na matulog sa loob ng halos isang linggo. Sa tindi ng paghihirap, hindi ako makakain. Nang makitang malapit na akong bumagsak, dinala ako ng mga pulis sa ospital para lagyan ako ng suwero. Pagbalik namin, patuloy nila akong tinanong nang salit-salitan at ipinakita sa akin ang mga litrato ng mga kapatid, pinatutukoy sila sa akin. Sinabi ko sa sarili ko, “Sinalungat ko na ang disposisyon ng Diyos at naging isang kahiya-hiyang Hudas. Hindi ko na puwedeng ipagkanulong muli ang Diyos.” Kaya gaano man nila ako tinanong, wala akong sinabi. Pagkalipas ng isang buwan, sinentensiyahan nila ako ng dalawang taon sa isang pag-aaral muli sa pamamagitan ng labor camp dahil sa “panggugulo sa kaayusan ng lipunan.” Noong dinadala kami ni Wu ng mga pulis sa pag-aaral muli sa pamamagitan ng labor camp, sinabi sa akin ni Wu na inaresto ang sister na ipinagkanulo ko. Pinalaya siya matapos gumawa ng paraan ang kanyang pamilya, pero palagi siyang minamanmanan. Nang marinig ko ito, para akong tinusok ng karayom sa puso. Kinamuhian ko ang sarili ko sa dahil sa pagiging sobrang takot ko na mamatay, at sa pagkakanulo sa sister ko na naging dahilan para hindi na siya makadalo sa mga pagtitipon o magawa ang kanyang tungkulin. Napakaraming beses akong umiyak at nanalangin sa Diyos, nagmamakaawa sa Kanya na maghanda ng isa pang sitwasyon para bigyan ako ng isa pang pagkakataon. Nanumpa ako na kahit pahirapan pa ako ng mga pulis hanggang mamatay, hindi ko kailanman muling ipagkakanulo ang aking mga kapatid. Sa loob ng dalawang taon ko sa labor camp, sa tuwing naaalala ko ang mga salita ng Diyos: “Mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila,” naramdaman kong hindi na ako kailanman magkakaroon ng pagkakataong maligtas at mauuwi ako sa impiyerno, para danasin ang kaparusahan. Dahil sa isiping iyon, naging sobrang negatibo ako. Ang paghihirap ay mas masahol pa sa kamatayan. Naramdaman ko pa nga na ang pagkamatay ay magiging isang kaluwagan mula sa pagdurusa ng aking kaluluwa.

Pagkatapos ng dalawang taon sa kulungan, pinalaya ako at nakauwi, pero sobrang hiya ko para harapin ang mga kapatid ko. Kinamuhian ko ang sarili ko sa pagiging isang kahiya-hiyang Hudas na ipinagkanulo ang isang sister. Dumanas ako ng matinding pagdurusa ng kalooban, kumbinsido na hindi na ako kailanman ililigtas ng Diyos at na nakatadhana na akong isumpa at parusahan. Nasiraan ako ng loob, nawalan ng pag-asa, at gusto ko nang mamatay para matapos na ang lahat. Isang araw, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “1. Kung tunay kang isang tagapagserbisyo, makakapagserbisyo ka ba sa Akin nang deboto, nang walang anumang bahid ng pagpapabaya o pagiging negatibo? … 10. Kaya mo bang maging tapat Kong tagasunod, nakahandang magdusa para sa Akin habambuhay kahit na wala kang makamit?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)). Ang mga salita ng Diyos ay parang sinag ng liwanag na tumagos sa kadiliman sa puso ko, na nagbigay sa akin ng lakas ng loob na mabuhay. Totoo nga. Biyaya ng Diyos na makapagserbisyo ako para sa Kanya sa pananalig ko. Kahit hindi ako iligtas ng Diyos sa huli, dapat pa rin akong magserbisyo para sa Kanya. Habang pinagninilayan ko ang Kanyang mga salita, bahagya akong nagkaroon muli ng pananalig. Pinanabikan ko ang araw na makakapagbasa akong muli ng mga salita ng Diyos, makikipagtipon at gagawa muli ng tungkulin kasama ang mga kapatid. Minsan, may mga sister na pumupunta sa bahay ng nanay ko para magtipon, at naiinggit ako sa kanila dahil nakakapagbasa sila ng mga salita ng Diyos nang magkakasama. Sa pag-iisip kung gaano kalaki ang pagkakautang ko sa Diyos, gusto kong gawin ang anumang makakaya ko para sa iglesia. Kapag dumarating ang mga sister para magtipon, nagbabantay ako para sa kanila sa labas, tinitingnan ang paligid. Minsan, nag-iipon ako ng kaunting pera para ibigay bilang handog. Ito lang ang tanging paraan para gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko.

Noong tagsibol ng 2011, may isang sister na nakahanap sa akin at nagtanong, “Handa ka bang dumalo sa mga pagtitipon?” Nang sandaling iyon, sobrang naantig ako kaya naipon ang luha sa mga mata ko. Alam kong ito ang awa ng Diyos, at binibigyan Niya ako ng isa pang pagkakataon. Kalaunan, isinaayos ng iglesia na magdilig ako ng mga baguhan. Wala akong pinalampas na araw, umulan man o umaraw. Gusto ko lang magserbisyo nang taimtim para makabawi sa aking pagsalangsang. Sa tuwing nababasa ko ang mga salita ng Diyos na nanghihikayat, nagbibigay-ginhawa, o nagpapalakas ng loob, pakiramdam ko ay tulad ng isang mapagmahal na ina ang Diyos na nauunawaan ang ating mga kahinaan at naaawa sa ating murang isipan, inililigtas tayo sa abot ng Kanyang makakaya, at dumadaloy ang luha sa aking mukha. Pero sa sandaling maalala kong naging Hudas ako at ipinagkanulo ang Diyos, pakiramdam ko ay hindi para sa akin ang mga salitang iyon. Hindi ililigtas ng Diyos ang isang tulad ko. Hindi ako kalipikadong tumanggap ng Kanyang mga pangako o ng Kanyang kaligtasan. Sa tuwing naiisip ko ito, nalulugmok ako sa pagkasira ng loob at pagdurusa.

Noong 2016, nagsimula akong gumawa ng tungkuling nakabatay sa teksto. Minsan, nabasa ko ang isang patotoong batay sa karanasan na isinulat ng isang brother. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis pero mas pinili niyang mamatay kaysa maging Hudas. Sobrang napahiya ako. Pareho kaming inaresto, pero nanindigan siya sa kanyang patotoo, samantalang ako naman ay ipinagkanulo ang Diyos at nakagawa ng pagsalangsang. Kung hindi ko lang sana pinahalagahan ang laman ko noon, hindi ba’t nanindigan din sana ako sa aking patotoo tulad niya? Hindi ba’t sana ay naiwasan ko ang lahat ng taon ng pagdurusa ng kalooban ko? Sa mga pagtitipon, kapag naririnig kong nagbabahaginan ang mga sister tungkol sa pagkakilala sa sarili nilang katiwalian sa isang partikular na aspekto, naiisip ko, “Nagbubunyag lang sila ng ilang tiwaling disposisyon. Iba ako. Ipinagkanulo ko ang mga kapatid ko. Naging Hudas ako. Nakagawa ako ng isang malubhang pagsalangsang, at hindi ito kailanman mabubura. Hindi ako ililigtas ng Diyos.” Pagkatapos niyon, sa tuwing may nakikita akong mga materyal tungkol sa pagpapaalis sa mga Hudas, nasisiraan ako ng loob at nagdurusa, natatakot na baka ako rin ay mapaalis balang araw. Noong taglamig ng 2022, inaresto ang dalawang taong dati kong nakatrabaho, sina Liu Jing at Chen Hong. Ipinagkanulo nila ang kanilang mga kapatid at mga pamilyang nagpapatuloy sa kanilang tahanan bago pa man sila sinimulang pahirapan ng mga pulis. Ipinagkanulo pa nga ni Chen Hong ang mga handog. Pagkatapos, wala silang ipinakitang anumang pagsisisi at sunud-sunod silang pinaalis sa iglesia. Sa pag-iisip na ako, tulad nila, ay naging Hudas din at maaaring mapaalis balang araw, lubha akong nasiraan ng loob.

Bagama’t ginagawa ko ang aking tungkulin sa lahat ng mga taong ito, palaging nagdurusa at nasisiraan ng loob ang puso ko dahil sa aking pagsalangsang at hindi makahanap ng kaluwagan. Hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan para lutasin ang negatibong kalagayan ko, pakiramdam ko sapat na para sa isang tulad ko na magserbisyo lang nang taimtim. Nagpatuloy ito hanggang sa nabasa ko ang mga salita ng Diyos sa aking mga espirituwal na debosyon: “May isa pang ugat na sanhi kung bakit nalulugmok ang mga tao sa pagkasira ng loob, at ito ay na may ilang partikular na bagay na nangyayari sa mga tao kapag wala pa sila sa hustong gulang o pagkatapos nilang tumuntong sa hustong gulang, ibig sabihin, gumagawa sila ng mga paglabag o ng mga bagay na walang kabuluhan, mga bagay na pawang kahangalan, at mga bagay na pawang kamangmangan. Nasisiraan sila ng loob dahil sa mga paglabag na ito, dahil sa mga bagay na kanilang ginawa na pawang walang kabuluhan at mangmang. Ang ganitong uri ng pagkasira ng loob ay isang pagkondena sa sarili, at ito rin ay isang uri ng paglalarawan sa kung anong uri sila ng tao. … ang mga taong gumawa ng mga bagay na ito ay madalas na nababagabag nang hindi sinasadya, kapag may partikular na bagay na nangyayari, o sa ilang partikular na kapaligiran at konteksto. Dahil sa pagkabagabag na ito, hindi nila namamalayan na nasisiraan na sila ng loob nang husto, at sila ay naigagapos at napipigilan na ng kanilang pagkasira ng loob. Tuwing sila ay nakikinig sa isang sermon o sa isang pagbabahagi tungkol sa katotohanan, unti-unting pumapasok ang pagkasira ng loob na ito sa kanilang isipan at sa kaibuturan ng kanilang puso, at nag-iisip sila nang husto, tinatanong ang kanilang sarili, ‘Kaya ko bang gawin ito? Kaya ko bang hangarin ang katotohanan? Kaya ko bang makamit ang kaligtasan? Anong uri ako ng tao? Nagawa ko ang bagay na iyon dati, dati akong ganoong uri ng tao. Wala na ba akong pag-asang mailigtas? Ililigtas pa ba ako ng Diyos?’ Ang ilang tao ay nagagawa minsan na bitiwan at talikdan ang kanilang pagkasira ng loob. Ginagamit nila ang kanilang sinseridad at ang lahat ng kanilang naiipong lakas sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, mga obligasyon, at mga responsabilidad, at ibinubuhos pa nga nila ang kanilang buong puso at isipan sa paghahangad sa katotohanan at pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, at sa pagsusumikap na maunawaan ang mga salita ng Diyos. Gayumpaman, sa sandaling may maganap na partikular na sitwasyon o pangyayari, muli silang nasisiraan ng loob, at nararamdaman nilang muli sa kaibuturan ng kanilang puso na inakusahan sila. Iniisip nila, ‘Ginawa mo ang bagay na iyon dati, at ganoon kang uri ng tao noon. Makapagkakamit ka ba ng kaligtasan? May saysay pa ba ang pagsasagawa ng katotohanan? Ano ang tingin ng Diyos sa nagawa mo? Patatawarin ka ba ng Diyos sa nagawa mo? Mababawi ba ang paglabag na iyon sa pamamagitan ng pagbabayad ng halaga sa ganitong paraan?’ Madalas nilang sinasaway ang kanilang sarili at nakakaramdam ng pag-aakusa sa loob-loob nila, at madalas silang nagdududa at nagkukuwestiyon sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman maiwaksi ang pagkasira ng loob na ito, at sa kanilang puso, palagi silang nababagabag sa nakakahiyang bagay na kanilang nagawa. Kaya, maraming taon na silang nananampalataya sa Diyos at tila ba hindi nila narinig ang anumang sinabi ng Diyos, ni tila naunawaan ang alinman dito. Para bang hindi nila alam kung ang pagkakamit ng kaligtasan ay may kinalaman sa kanila, kung maaari ba silang mapatawad at matubos, o kung sila ba ay kalipikado na matanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang pagliligtas. Wala silang kaalam-alam tungkol sa lahat ng bagay na ito. Dahil hindi sila nakakatanggap ng anumang mga kasagutan, at dahil hindi sila nakakatanggap ng anumang tumpak na hatol, sa kaibuturan nila ay palagi silang nasisiraan ng loob. Sa kaibuturan ng kanilang puso, paulit-ulit nilang inaalala ang kanilang ginawa, paulit-ulit nila itong inuulit sa kanilang isipan, inaalala kung paano nagsimula ang lahat at kung paano ito natapos, inaalala kung ano ang nangyari dati at ang nangyari pagkatapos. Paano man nila ito alalahanin, palagi silang nakakaramdam ng pagkakasala, at kaya patuloy silang nasisiraan ng loob tungkol sa bagay na ito sa loob ng ilang taon. Kahit na ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin, kahit na naglilingkod sila bilang isang superbisor para sa isang partikular na aytem ng gawain, pakiramdam pa rin nila ay wala silang pag-asa na maligtas(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (2)). Eksakto sa kalagayan ko ang inilantad ng mga salita ng Diyos. Mula nang maaresto ako at ipagkanulo ko ang sister ko, at magawa ang pagsalangsang na iyon, palagi na lang akong namumuhay sa damdamin ng pakasira ng loob. Naramdaman kong sinalungat ko ang disposisyon ng Diyos, at na tiyak na kinasusuklaman Niya ako, at na gaano man ako maghangad, hindi Niya ako kailanman ililigtas. Kapag nakakakita ako ng mga salita ng Diyos na nagpapalakas ng loob at nanghihikayat, pakiramdam ko ay hindi para sa akin ang mga iyon, kundi para sa mga kapatid na hindi kailanman nakagawa ng pagsalangsang. Sa tuwing nakakakita ako ng mga materyal tungkol sa pagpapaalis sa mga Hudas, nakaramdam ako ng pagkabalisa at hindi mapakali ang puso ko. Pakiramdam ko na dahil naging Hudas din ako tulad nila, baka mapaalis din ako balang araw. Bagama’t ginagawa ko ang tungkulin ko sa iglesia, laging nakasara ang puso ko sa Diyos, at hindi ako makatipon ng anumang lakas para hangarin ang katotohanan. Naging kontento na lang ako sa taimtim na pagse-serbisyo. Kahit na nakagawa ako ng pagsalangsang ng pagkakanulo sa isang kapatid, kinaawaan pa rin ako ng Diyos at binigyan ng pagkakataong gawin ang tungkulin ko. Sa mga sandali ng aking matinding pasakit at kahinaan, ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para akayin ako palabas sa pagkanegatibo at tulungan akong makahanap ng landas ng pagsasagawa. Palagi akong tinutustusan ng Diyos ng katotohanan at buhay, pero hindi ko alam kung ano ang makabubuti sa akin. Hindi ko taimtim na hinangad ang katotohanan para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Sa halip, nagkamali ako ng pagkaunawa sa Diyos at naging mapagbantay ako sa Kanya, namumuhay sa damdamin ng pagkasira ng loob. Talagang wala akong konsensiya o katwiran. Masyadong malaki ang pagkakautang ko sa Diyos at hindi ako karapat-dapat sa Kanyang pagliligtas! Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi Niya gustong mamuhay ako sa damdamin ng pagkasira ng loob dahil sa aking pagsalangsang. Nais Niyang makalaya ako mula sa mga paglilimita nito at taimtim na hangarin ang katotohanan, na tahakin ang landas ng kaligtasan. Alam kong kailangan kong mas kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at hanapin ang katotohanan para malutas ang tiwali kong disposisyon; hindi ko maaaring ipagpatuloy ang pamumuhay sa gitna ng mga paglilimita ng aking pagsalangsang at umatras sa pagkanegatibo.

Kalaunan, nagnilay ako, “Bakit ako namuhay sa pagkasira ng loob noong naramdaman kong wala na akong pag-asang maligtas? Anong tiwaling disposisyon ang kumokontrol sa akin?” Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang hinahangad ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay ang magtamo ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang layon sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong intensyon at inaasam, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa alinmang aspekto na ang mga tao ay hindi nadalisay at nagbubunyag pa rin ng katiwalian, ito ang mga aspekto kung saan dapat silang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Naghahanda ang Diyos ng mga kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang sumailalim sa pagpipino sa mga ito nang sa gayon ay makilala mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan magiging handa kang isuko ang iyong mga plano at mga pagnanais at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos kahit pa nangangahulugan ito ng pagkamatay. Samakatwid, kung ang mga tao ay hindi sasailalim sa ilang taon ng pagpipino, kung hindi sila magtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila mapapalaya ang sarili nila mula sa mga paglilimita ng katiwalian ng laman sa kanilang mga kaisipan at puso. Sa alinmang aspekto, ang mga tao ay nalilimitahan pa rin ng kanilang satanikong kalikasan, at sa alinmang aspekto na mayroon pa rin silang sarili nilang mga ninanais at hinihingi, ito ang mga aspekto kung saan dapat silang magdusa. Sa pagdurusa lamang matututunan ng mga tao ang mga aral, na ang ibig sabihin ay nakakamit nila ang katotohanan, at nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng pagdurusa at pagsubok. Walang nakakaunawa sa mga layunin ng Diyos, nakakakilala sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Iyon ay imposible!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Lumalabas pala na namumuhay ako sa pagkasira ng loob dahil gumuho ang pagnanais ko sa mga pagpapala. Mula pa sa umpisa, nanampalataya ako sa Diyos para lang mapagpala. Iyon ang dahilan kung bakit aktibo ako sa mga pagtitipon at masigasig sa aking tungkulin. Hindi man lang ako nalimitahan kahit noong hinadlangan, isinumpa, at binugbog ako ng asawa kong di-nananampalataya. Hindi nagtagal matapos akong manampalataya sa Diyos, umalis ako ng bahay para gawin ang tungkulin ko. Tinalikuran ko ang lahat para maligtas, manatiling buhay, at matamo ang magandang hantungan na inihanda ng Diyos para sa tao. Nang maaresto ako at naging Hudas, naniwala akong hindi na ako ililigtas ng Diyos. Nang makita kong gumuho ang pag-asa kong mapagpala, namuhay ako sa palagiang kalagayan ng pagkanegatibo at ayaw ko nang hangarin ang katotohanan. Nakita ko na mali ang intensyon ko sa pananampalataya sa Diyos. Hindi ito para hangarin ang katotohanan, kundi para magkamit ng mga pagpapala. Wala akong ipinagkaiba sa mga nasa Kapanahunan ng Biyaya na naghangad na makinabang hangga’t nais. Sa pananampalataya ko sa Diyos, ang tanging iniisip ko lang ay kung paano makakakuha ng mga pagpapala at pakinabang mula sa Kanya. Hindi ko kailanman inisip kung paano hahangarin ang katotohanan para malutas ang aking pagsalangsang, o kung paano susuklian ang Diyos para sa Kanyang pagmamahal at pagliligtas. Talagang wala akong pagkatao! Sa pamamagitan ng pagdanas sa pagbubunyag na ito, sa wakas ay nakilala ko ang mga pagtatangkang pakikipagtawaran at karumihan sa aking pananalig. Ang mga ito ay tunay na nakaririmarim at kasuklam-suklam sa Diyos!

Kalaunan, nagbasa ako ng dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung paano tratuhin ang mga pagsalangsang, at nakahanap ng landas para lutasin ang mga ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nakagawa ng maliit na pagsalangsang, ipinagpapalagay ng ilang tao na: ‘Ibinunyag at itiniwalag na ba ako ng Diyos? Hahampasin ba Niya ako?’ Naparito ang Diyos para gumawa sa pagkakataong ito hindi upang hampasin ang mga tao, kundi upang iligtas sila, sa pinakamataas na antas na posible. Walang sinuman na walang pagsalangsang—kung hahampasin ang lahat ng tao, magiging pagliligtas ba iyon? Ang ilang pagsalangsang ay ginagawa nang sadya, samantalang ang iba ay hindi sinasadya. Kung kaya mong magbago pagkatapos mong magkamit ng pagkakilala sa mga bagay na ginagawa mo nang hindi mo napipigilan, hahampasin ka ba ng Diyos bago mo iyon magawa? Ililigtas ba ng Diyos ang mga tao sa ganoong paraan? Hindi Siya ganoon gumawa! Mayroon ka mang mapaghimagsik na disposisyon o kumilos ka man nang hindi napipigilan, tandaan mo ito: Dapat kang magnilay-nilay at kilalanin ang iyong sarili. Baguhin mo ang iyong landas, kaagad, at magpunyagi ka nang buong lakas mo para sa katotohanan—at, anumang sitwasyon ang dumating, huwag sumuko sa kawalan ng pag-asa. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pagliligtas ng tao, at hindi Niya basta-bastang hahampasin ang mga taong nais Niyang iligtas. Tiyak ito. Kahit may isa ngang mananampalataya sa Diyos na Kanyang hinampas sa huli, garantisado pa rin na ang ginawang iyon ng Diyos ay matuwid. Pagdating ng panahon, ipapaalam Niya sa iyo ang dahilan kaya Niya hinampas ang taong iyon, para lubos kang makumbinsi. Sa ngayon, pagsikapan mo lang ang katotohanan, pagtuunan ang buhay pagpasok, at hangarin na tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Iyon ang tamang gawin! Paano ka man pakitunguhan ng Diyos sa huli, sigurado itong matuwid; hindi ka dapat magduda rito at hindi mo kailangang mag-alala. Kahit na hindi mo nauunawaan ang pagiging matuwid ng Diyos sa ngayon, darating ang araw na ikaw ay makukumbinsi. Gumagawa ang Diyos nang makatarungan at marangal; hayagan Niyang ibinubunyag ang lahat ng bagay. Kung maingat ninyo itong pagbubulayan, taos-puso ninyong mararating ang konklusyon na ang gawain ng Diyos ay ang iligtas ang mga tao at baguhin ang kanilang mga tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “At paano ka mapapawalang-sala at mapapatawad ng Diyos? Ito ay nakasalalay sa iyong puso. Kung sinsero kang magtatapat, kung tunay mong kikilalanin ang iyong pagkakamali at problema, at kikilalanin mo ang ginawa mo—isa man itong pagsalangsang o kasalanan—magkaroon ka ng saloobin ng tunay na pangungumpisal, makaramdam ng tunay na pagkamuhi sa iyong nagawa, at talagang ituwid ang sarili mo, at hindi mo na ulit gagawin ang maling bagay na iyon, kapag nagkagayon, balang araw, matatanggap mo ang pagpapawalang-sala at pagpapatawad ng Diyos, ibig sabihin, ang iyong kalalabasan ay hindi na ibabatay ng Diyos sa mga mangmang, hangal, at maruruming bagay na iyong nagawa noon. Kapag nasa ganitong antas ka na, hindi talaga tatandaan ng Diyos ang usapin; ikaw ay magiging katulad na lang ng ibang normal na tao, nang walang anumang pagkakaiba. Gayumpaman, bago ito mangyari ay kailangan mo munang maging sinsero at magkaroon ng tunay na saloobin ng pagsisisi, gaya ni David. Gaano karaming luha ang itinangis ni David para sa nagawa niyang paglabag? Hindi mabibilang ang kanyang iniluha. Ilang beses siyang umiyak? Napakaraming beses. Maaaring ilarawan ang mga iniluha niya gamit ang mga salitang ito: ‘Gabi-gabing lumulubog sa aking mga luha ang higaan ko.’ Hindi Ko alam kung gaano kalubha ang iyong paglabag. Kung ito ay labis na malubha, maaaring kailangan mong umiyak hanggang ang higaan mo ay lumutang sa iyong mga luha—maaaring kailangan mong magtapat at magsisi sa ganoong antas bago mo matanggap ang pagpapatawad ng Diyos. Kung hindi mo ito gagawin, nangangamba Ako na ang iyong paglabag ay magiging isang kasalanan sa mga mata ng Diyos, at hindi ka mapapawalang-sala rito. Pagkatapos ay magkakaproblema ka at mawawalan na ng saysay na talakayin pa ito. … Kung nais mong matanggap ang pagpapawalang-sala ng Diyos, kailangan mo munang maging tapat: Dapat kang magkaroon ng saloobin na taimtim na magtapat, at kailangan mo ring ialay ang iyong sinseridad at maayos na gawin ang iyong tungkulin, kung hindi ay wala nang dapat pag-usapan pa. Kung magagawa mo ang dalawang bagay na ito, kung maaantig mo ang Diyos sa iyong sinseridad at tapat na pananampalataya, para mapapawalang-sala ka Niya sa iyong mga kasalanan, magiging kagaya ka ng ibang tao. Titingnan ka ng Diyos sa paraang katulad ng pagtingin niya sa ibang tao, pakikitunguhan ka Niya sa paraang katulad ng pakikitungo Niya sa ibang tao, at hahatulan at kakastiguhin, susubukin at pipinuhin ka Niya sa paraang katulad ng ginagawa Niya sa ibang tao—hindi magiging iba ang magiging pagturing sa iyo. Sa ganitong paraan, hindi ka lamang magkakaroon ng determinasyon at pagnanais na hangarin ang katotohanan, kundi ikaw ay bibigyang-liwanag, gagabayan, at tutustusan din ng Diyos sa parehong paraan sa iyong paghahangad sa katotohanan. Siyempre, dahil ngayon ay mayroon ka nang sinsero at tunay na hangarin at isang taimtim na saloobin, hindi magiging iba ang pagtrato sa iyo ng Diyos sa kung paano Niya tinatrato ang iba at, tulad ng ibang tao, magkakaroon ka ng pagkakataon na mailigtas. Nauunawaan mo ito, tama? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (2)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kumikilos Siya ayon sa mga prinsipyo. Hindi Niya basta na lang kinokondena ang mga tao nang hindi na mababawi dahil lang sa iisang pagsalangsang nang hindi sila binibigyan ng pagkakataong magsisi. Tinitingnan ng Diyos kung kaya ba nating tunay na magsisi matapos tayong sumalangsang at hindi na muling sumalangsang pa. Naisip ko si David, na ginamit ang kanyang kapangyarihan para kunin ang asawa ni Urias. Nang mapagtanto niyang nagkasala siya at nagdulot ng pagkasuklam ng Diyos, tunay siyang nagsisi sa Diyos at hindi na kailanman ginawa ang kasalanang iyon. Sa kanyang katandaan, hindi man lang niya hinipo ang dalagang dinala para painitin ang kanyang higaan. Ang kanyang pagsisisi ay hindi lang salita; pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng mga tunay na kilos, kaya natanggap niya ang awa at pagpaparaya ng Diyos. Pagkatapos ay naisip ko sina Liu Jing at Chen Hong, na naging mga Hudas kahit hindi pa man pinahihirapan. Isinuko pa nga ni Chen Hong ang kinaroroonan ng mahigit isang milyong yuan na mga handog. Pagkatapos, wala silang ipinakitang anumang pagsisisi. Ang pagpapaalis sa kanila sa iglesia ay lubos na nagpakita ng katuwiran ng Diyos. Tinanggap ako muli ng iglesia dahil ipinagkanulo ko ang kapatid ko sa isang sandali ng kahinaan, nang hindi ko makayanan ang pagpapahirap. Pagkatapos niyon, napuno ako ng pagsisisi at paninisi sa sarili, at ginawa ko ang tungkulin ko sa abot ng aking makakaya, kaya binigyan ako ng sambahayan ng Diyos ng isa pang pagkakataon. Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at mabuti, at tinatrato Niya ang lahat ayon sa mga prinsipyo. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Walang sinuman na walang pagsalangsang—kung hahampasin ang lahat ng tao, magiging pagliligtas ba iyon?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Partikular na ipinadama sa akin ng mga salitang ito na ang Diyos ay tulad ng isang mapagmahal na ina, na ginagamit ang Kanyang mga salita para turuan ang isang anak na nagkamali, na nagpapaalala at nanghihikayat sa kanya na huwag sukuan ang kanyang sarili. Sa pagitan ng mga linya ng mga salita ng Diyos, naramdaman ko ang Kanyang masisidhing layunin, at ang Kanyang pagpaparaya at awa para sa sangkatauhan. Alam kong kailangan kong tunay na magsisi. Hindi na ako maaaring magapos ng aking pagsalangsang, hinahatulan ang sarili ko at sinusukuan ang sarili ko dahil doon. Kailangan kong gawin ang aking tungkulin nang buong puso, mas hanapin ang katotohanan kapag may dumarating na mga bagay-bagay, tumuon sa pagkilos ayon sa mga prinsipyo, at gumamit ng mga tunay na kilos para makabawi sa aking pagsalangsang.

Kalaunan, nagnilay ako at napagtanto kong ang ugat ng aking kabiguan ay dahil pinahalagahan ko ang aking buhay at natakot ako sa kamatayan. Kung gayon, paano ko malulutas ang problemang ito? Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at naunawaan ko kung paano harapin ang kamatayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—iba’t ibang uri ng kamatayan ang sumapit sa kanila. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Ito ba ay dahil may ginawa silang masamang gawa at pagkatapos ay pinarusahan ng batas? Hindi. Ipinakalat nila ang ebanghelyo ng Panginoon, pero hindi ito tinanggap ng mga tao ng mundo, at sa halip ay kinondena, binugbog, at ininsulto sila, at pinatay pa nga sila—ganyan kung paano sila minartir. Huwag nating pag-usapan ang pangwakas na kalalabasan ng mga martir na iyon, o ang pagbibigay-hatol ng Diyos sa kanilang mga gawa, bagkus ay itanong ito: Nang sumapit ang mga martir na iyon sa kawakasan, umayon ba sa mga kuru-kuro ng tao ang mga paraan ng pagtatapos ng kanilang mga buhay? (Hindi, hindi umayon ang mga ito.) Mula sa perspektiba ng mga kuru-kuro ng tao, nagbayad ang mga martir na iyon ng gayon kalaking halaga upang ipakalat ang gawain ng Diyos, pero sa huli ay labis silang pininsala ni Satanas hanggang sa mamatay sila. Hindi ito umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Gayumpaman, ang mga bagay na iyon ang mismong sumapit sa kanila—ito ang tinulutan ng Diyos. Anong katotohanan ang maaaring hinahanap dito? Ang pagpapahintulot ba ng Diyos na mamatay sila sa ganitong paraan ay sumpa at pagkondena Niya, o ito ba ay Kanyang pagsasaayos at pagpapala? Kapwa hindi. Ano ito? Nagdudulot ng pighati sa mga tao ang pag-iisip sa mga pagkamatay ng mga martir na iyon, ngunit ang mga ito ay talagang mga katunayan. Anong paliwanag ang dapat ibigay tungkol sa mga mananampalataya sa Diyos na namamatay sa ganitong paraan? Kapag binabanggit natin ang paksang ito, inilalagay ninyo ang inyong sarili sa kanilang kalagayan, kaya sa inyong puso, nakakaramdam ba kayo ng bigat ng kalooban at ng kaunting nakatagong kirot? Iniisip ninyo, ‘Ginawa ng mga taong ito ang kanilang tungkulin na maipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos at dapat ituring na mabubuting tao, kaya’t paano sila umabot sa gayong wakas at sa gayong kinalabasan?’ Ang totoo, ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ganoon din ang kanilang kinalabasan. Anuman ang paraan ng kanilang pagkamatay at paglisan o kung paano man ito nangyari, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtakda sa pangwakas na mga kinalabasan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ito mismo ang paraan ng pagkondena nila sa mundong ito at sa pagpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang pinakamahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay—upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang iproklama sa mundo, upang patunayan sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, na ang gawain ng pagtutubos sa buong sangkatauhan na ginawa Niya ay nagpapahintulot sa sangkatauhang ito na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katunayang ito magpakailanman. Hanggang sa anong antas ginampanan ng mga naging martir sa pagpapakalat ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakasukdulan ba? Paano naipamalas ang pinakasukdulan? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. … Paano man mamatay ang isang tao, hindi siya dapat mamatay sa presensya ni Satanas, hindi siya dapat mamatay sa mga kamay nito. Kung mamamatay ang isang tao, dapat siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos. Nagmula sa Diyos ang mga tao, at sa Diyos sila magbabalik—gayon ang katwiran at saloobing dapat taglayin ng isang nilikha(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pangangaral sa Ebanghelyo ay ang Tungkuling Hindi Mahihindian ng Lahat ng Mananampalataya). Ang mga disipulong sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena at inusig ng mundo dahil sa pagpapakalat ng Kanyang ebanghelyo, at naging martir pa nga. Bagama’t namatay ang kanilang laman, nagpatotoo sila nang malakas at matunog sa harap ni Satanas. Ang ginawa nila ay sinang-ayunan ng Diyos, at ang kanilang mga kaluluwa ay bumalik sa Kanya. Hindi ko ito nakita nang malinaw. Natakot akong pahirapan hanggang mamatay, kaya para mapangalagaan ang aking sarili, ipinagkanulo ko ang sister ko at ang Diyos. Naiwasan ng laman ko ang pagdurusa, pero ang panunumbat ng aking konsensiya at ang pagdurusa ng aking kaluluwa ay parang tinik sa puso ko. Mas masahol pa ito sa kamatayan! Ang espirituwal na pasakit na ito ay isang bagay na hindi kailanman mapupunan ng anumang materyal na bagay. Nang mapagtanto ang ugat ng aking kabiguan, handa na akong mas sangkapan ang sarili ko ng katotohanan sa larangang ito. Lihim din akong nagpasya na kung maaresto akong muli, hindi ko ipagkakanulo ang aking mga kapatid o ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kahit bugbugin pa ako hanggang mamatay. Maninindigan ako sa aking patotoo sa pamamagitan ng pag-asa sa mga salita ng Diyos!

Sa lahat ng mga taong ito, namuhay ako sa damdamin ng pagkasira ng loob, hindi makalaya. Ang mga salita ng Diyos ang kumalag sa buhol sa puso ko, nagbigay-daan sa akin na bitiwan ang aking mga maling pagkaunawa at harapin nang tama ang aking pagsalangsang, at nagdala sa aking espiritu ng paglaya at kalayaan. Nanalangin ako sa aking puso, “Diyos ko, ayaw ko nang maghimagsik pa laban sa Iyo. Magkaroon man ako o hindi ng mabuting kinalabasan at hantungan sa hinaharap, ayaw ko nang gawin ang tungkulin ko para lang sa mga pagpapala. Handa akong manindigan sa katayuan ng isang nilikha at taimtim na gawin ang aking tungkulin. Paano Mo man ako tratuhin sa hinaharap, at kahit pa parusahan at isumpa Mo ako, iyon ang Iyong katuwiran.” Pagkatapos manalangin, naging napakagaan ng pakiramdam ko. Sa pamamagitan ng karanasang ito, tunay kong napahalagahan na gaano man kalubha ang mga salita ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, at maging sumpa man ito o pagkondena, ang layunin ng Diyos ay palaging iligtas ang mga tao!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman