Pagbitaw sa Pagkaramdam ng Pagkakautang sa Aking Anak

Nobyembre 25, 2024

Ni Xin Cheng, Tsina

Noong bata pa ako, hindi lang responsable ang nanay ko sa mga kinakain at sinusuot namin, kailangan niya ring magtrabaho sa bukirin. Kapag tapos na siya roon, kailangan na niyang umuwi at gumawa ng gawaing bahay. Kaya naman, naisip ko na kailangang mamuhay ng mga babae nang ganito para maging mga mabuting asawa at mapagmahal na ina. Nang mag-asawa na ako, tulad ng aking ina, tatlong beses isang araw akong naghahanda ng kakainin ng asawa at anak ko, inaasikaso ko ang mga pangunahin nilang pangangailangan, at ginagawa ko ang lahat ng gawaing bahay. Gayunpaman, noong isang taong gulang ang aking anak, namatay ang asawa ko sa isang aksidente sa sasakyan. Labis akong nagdalamhati noon at naisip kong wala nang kabuluhan ang buhay, pero nagpatuloy akong mabuhay para sa aking anak. Para mabigyan ko ng buong pamilya ang aking anak, pinakasalan ko ang pangalawa kong asawa. Dahil nakita kong maalaga siya sa anak ko, nagkaroon ng kaunting kapanatagan ang puso ko. Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, madalas akong makitipon at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos kasama ng mga kapatid. Naunawaan ko ang ilang katotohanan at sinimulang gampanan ang aking tungkulin. Kalaunan, dahil alam na sa nayon na nananampalataya ako sa Diyos, sinimulan akong matyagan ng mga pulis, at kinailangan kong umalis ng bahay para gampanan ang aking tungkulin. Ipinagkatiwala ko ang aking anak sa pangangalaga ng aking asawa at ng kanyang mga magulang. Habang nasa malayo ako at ginagampanan ang aking tungkulin, labis akong nangungulila sa aking anak, at palagi kong nararamdaman na hindi ko nagagampanan ang aking responsabilidad bilang isang ina. Pinananabikan ko ang panahon kung kailan, kung tutulutan ng mga sitwasyon, ay makakauwi ako at mababayaran ko ang pagkakautang ko sa aking anak.

Noong Hulyo ng 2023, palihim akong bumiyahe pauwi at nalaman kong nagsampa na ng diborsiyo ang aking asawa. Sinabi niya rin na hindi nagsisikap ang anak ko at hindi nagtatagal sa anumang trabaho, at kung patuloy ko siyang hindi didisiplinahin, mawawalan na siya ng pag-asa. Sinisi ako ng aking mga magulang sa hindi pag-aalaga sa aking anak at pag-antala sa kanyang mga potensyal sa hinaharap. Nang marinig ko ito, naisip ko, “Kung mananatili ako sa bahay at uudyukan ko siya nang kaunti, hindi ba’t sisimulan niyang gawin ang mga wastong bagay at magagawang tahakin ang tamang landas?” Sa pagtingin sa sitwasyon ng aking anak at pagharap sa mga batikos mula sa mga nakapaligid sa akin, lalo akong nakonsensiya sa aking anak. Isang araw, bumisita sa bahay ko ang aking tiyahin at sinabing tinulungan ng pinsan ko ang kanyang anak na magbukas ng tindahan ng inihaw na manok. Gayunpaman, naisip ng kanyang anak na masyadong marumi ang trabahong iyon at nanatili na lamang itong naglalaro sa bahay buong araw. Anuman ang sabihin ng pinsan ko, hindi siya nakinig. Sa pakikinig sa kuwento ng tiyahin ko, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Mali ang sabihin na, ‘Ang pagkabigo ng mga anak na sumunod sa tamang landas ay may kinalaman sa kanilang mga magulang.’ Sino man ito, kung siya ay isang partikular na uri ng tao, tatahak siya sa isang partikular na landas. Hindi ba’t natitiyak ito? (Oo.) Ang landas na tinatahak ng isang tao ay tumutukoy sa kung ano sila. Ang landas na tinatahak niya at kung magiging anong uri siya ng tao ay nakasalalay sa kanya. Ito ay mga bagay na pauna nang itinakda, likas, at may kinalaman sa kalikasan ng tao. Kaya, ano nga ba ang silbi ng mga turo ng magulang? Kaya ba nitong pamahalaan ang kalikasan ng isang tao? (Hindi.) Hindi kayang pamahalaan ng mga turo ng magulang ang kalikasan ng tao at hindi nito kayang lutasin ang problema sa kung anong landas ang tatahakin ng isang tao. Ano ang tanging maituturo ng mga magulang? Ang ilang simpleng pag-uugali sa pang-araw-araw na buhay ng kanilang mga anak, ilang medyo mababaw na kaisipan at mga tuntunin ng pag-asal—ito ang mga bagay na may kinalaman sa mga magulang. Bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, dapat tuparin ng mga magulang ang kanilang responsabilidad, na turuan ang kanilang mga anak na sumunod sa tamang landas, mag-aral nang mabuti, at magsumikap na maging mas magaling kaysa sa iba paglaki nila, na huwag gumawa ng masasamang bagay o maging masamang tao. Kailangan ding pangasiwaan ng mga magulang ang pag-uugali ng kanilang mga anak, turuan ang mga ito na maging magalang at bumati sa mga nakatatanda sa tuwing nakikita ang mga ito, at turuan ang mga anak ng iba pang mga bagay na may kaugnayan sa pag-uugali—ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang. Ang pag-aalaga sa buhay ng kanilang anak at pagtuturo sa kanila ng ilang pangunahing tuntunin ng pag-asal—iyan ang saklaw ng impluwensiya ng magulang. Tungkol naman sa personalidad ng kanilang anak, hindi ito maituturo ng mga magulang. Ang ilang magulang ay mahinahon lang at ginagawa nila ang lahat nang hindi nagmamadali, samantalang ang kanilang mga anak ay lubos na walang pasensiya at hindi mapirmi sa kinaroroonan kahit sandali man lang. Lumalayo sila nang sila-sila lang para maghanap-buhay pagdating ng 14 o 15 taong gulang nila, gumagawa sila ng kanilang sariling mga desisyon sa lahat ng bagay, hindi nila kailangan ang kanilang mga magulang, at kayang-kaya nilang magsarili. Itinuturo ba ito ng kanilang mga magulang? Hindi. Kaya, ang personalidad, disposisyon, at maging ang diwa ng isang tao, pati na ang landas na kanyang pipiliin sa hinaharap, ay walang kinalaman sa kanilang mga magulang. … May problema sa ekspresyon na ‘Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.’ Bagaman may responsabilidad ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak, ang tadhana ng isang anak ay hindi naitatakda ng kanyang mga magulang, kundi ng kalikasan ng isang anak. Malulutas ba ng edukasyon ang problema sa kalikasan ng isang anak? Talagang hindi nito malulutas iyon. Ang landas na tinatahak ng isang tao sa buhay ay hindi naitatakda ng kanyang mga magulang, kundi ito ay pauna nang itinakda ng Diyos. Sinasabi na ‘Ang kapalaran ng tao ay itinakda ng Langit,’ at ang kasabihang ito ay ibinuod ng karanasan ng tao. Bago umabot sa hustong gulang ang isang tao, hindi mo malalaman kung anong landas ang kanyang tatahakin. Kapag nasa hustong gulang na siya, at may sariling mga kaisipan at kakayahang magnilay-nilay sa mga problema, magpapasya siya kung ano ang gagawin niya sa labas, sa mas malawak na komunidad. Sinasabi ng ilang tao na gusto nilang maging mataas na opisyal, ang iba naman ay nagsasabing gusto nilang maging abogado, at ang iba ay gustong maging manunulat. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang pasya at mga ideya. Walang sinuman ang nagsasabi ng, ‘Hihintayin ko na lang na turuan ako ng aking mga magulang. Anuman ang ituro nila sa akin, magiging ganoon ako.’ Walang taong ganito kahangal. Kapag umabot na sila sa hustong gulang, nagsisimulang mapukaw at unti-unting lumalago ang mga ideya ng mga tao, kaya lalong mas nagiging malinaw ang landas at mga layon sa kanilang hinaharap. Sa panahong ito, unti-unting nagiging halata at malinaw kung anong klaseng tao sila at kung saang grupo sila nabibilang. Mula sa puntong ito, unti-unting malinaw na natutukoy ang personalidad ng bawat tao, pati na rin ang kanilang disposisyon, ang landas na kanilang hinahangad, ang kanilang direksiyon sa buhay, at ang grupong kinabibilangan nila. Saan nakabatay ang lahat ng ito? Sa huli, ito ay pauna nang itinakda ng Diyos—wala itong kinalaman sa mga magulang ng isang tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Napakalinaw magsalita ng Diyos. Kung tinatahak ng isang anak ang tamang landas ay hindi nakadepende sa kung paano siya tinuturuan ng kanyang mga magulang; nakadepende ito sa kalikasan ng anak. Matuturuan at makokontrol ng mga magulang ang panlabas na pag-uugali ng anak, ngunit hindi nila mababago ang kapalaran ng kanilang anak. Hindi mababago o matutukoy ng mga magulang ang magiging propesyon at ang tatahaking landas ng kanilang anak. Halimbawa, araw-araw binabantayan at dinidisiplina nang husto ng pinsan ko ang anak ng tiyahin ko, pero siya ay naging kung sino pa rin siya dapat na maging, maghapon na naglalaro at hindi man lang pumapasok sa paaralan. Nagbukas ng tindahan ang pinsan ko para sa kanya, sa kagustuhan nitong asikasuhin niya ang ilang tamang bagay, pero nagpatuloy pa rin siyang umistambay pagkatapos niyon, humihingi lang sa mga magulang niya ng perang panggastos. Naisip ko rin ang aking hipag na madalas makipagtalo sa kanyang asawa. Kapag nagagalit siya, nakikitira siya sa bahay ng kanyang ina at ayaw niyang turuan ang kanyang anak. Gayunpaman, palaging matataas ang grado ng kanyang anak, at mas matalino ito sa mga kaedad nito. Hindi ito dahil tinuruan siya nang mabuti ng aking hipag; may likas na kagustuhan lang siyang mag-aral. Nagawa niyang magsikap dito at maging masigasig. Noong bata pa ang anak ko, madalas ko siyang turuan na mag-aral nang mabuti at tahakin ang tamang landas, pero siya iyong tipo ng bata na hindi tinatablan ng pagdidisiplina. Pagkagaling sa paaralan, maglalaro na lang siya ng mga computer game at hindi makikinig sa anumang sinasabi ko, at kapag sinubukan kong maging estrikto sa kanya, magwawala siya. Ngayon, hindi siya tumatahak sa tamang landas o gumagawa ng mga wastong bagay, at pinili niya ito, bagay na tinukoy ng kanyang kalikasan. Hindi mababago ng mga itinuro ko sa kanya ang kanyang pinili, at hindi rin nito matutukoy ang kanyang mga potensyal sa hinaharap. Nang maintindihan ko ito, hindi ko na sinisi ang sarili ko na wala ako sa tabi ng aking anak at hindi ko siya naturuan, at nakita ko rin ang sarili kong pagmamataas at kamangmangan. Gusto ko palaging umasa sa pagtuturo sa aking anak para mabago ang kinabukasan at buhay niya; wala akong katwiran!

Noong Nobyembre ng 2023, nakipag-ugnayan ako sa aking anak. Noong panahong iyon, mag-isang nakatira ang anak ko sa luma naming bahay at hindi kasama ang asawa ko at ang mga magulang niya. Hindi siya nagluluto, lumalabas lang siya para bumili ng pagkain, at hindi siya naglilinis ng kuwarto, hinahayaan lang niyang matambak sa kama niya ang maruruming damit. Nasaktan ang puso ko na makita ito. Suplado at wala siyang pakialam nang kausapin ko siya, nagagalit sa akin sa hindi ko pag-aalaga sa kanya at hindi niya ako kinikilala bilang kanyang ina. Lalo akong nakaramdam ng pagkakautang sa kanya, sa pag-iisip na, bilang kanyang ina, hindi ko siya naalagaan nang mabuti o nagampanan ang aking responsabilidad sa kanya. Nilinis ko ang loob at labas ng kuwarto niya at nilabhan ko ang lahat ng damit niya. Madalas siyang hindi pumasok sa trabaho at nananatili lang sa bahay para maglaro, kaya sinabi ko sa kanya, “Dapat mong gawin ang mga nararapat na bagay; huwag mo laging pag-alalahin ang pamilya mo sa iyo.” Gayunpaman, hindi man lang siya nakinig; hindi siya nagbago pagkatapos noon. Kalaunan, itinakwil ng asawa ko ang aking anak dahil sa hindi nito paggawa sa mga tamang bagay at ayaw na niyang alagaan ito. Naisip ko, “Dapat siguro ay maghanap ako ng trabaho at pagkatapos ay magtrabaho ako habang inaalagaan ko ang aking anak, para magampanan ang aking responsabilidad bilang isang ina.” Pero kailangan ko pa ring diligan ang mga baguhan, at kung magtatrabaho ako para kumita ng pera at aalagaan ko ang anak ko, maaantala nito ang gawain ng pagdidilig. Sobra akong naguluhan. Sa pag-iisip na nagmula sa Diyos ang aking tungkulin at hindi ako maaaring kumilos nang walang konsensiya at abandonahin ito, nagpasya akong huwag maghanap ng trabaho. Gayunpaman, hindi ko mabitawan ang aking anak; kapag hindi ako abala sa aking tungkulin, uuwi ako at aalagaan siya, at naiisip ko rin siya habang ginagawa ko ang aking tungkulin. Kalaunan, nais ng iglesia na gawin ko ang aking tungkulin sa ibang bahagi ng bansa, at mas hindi ko na kayang bitawan ang aking anak, sa pag-aalala na kung malayo ako sa bahay, wala nang paraan para maalagaan ko siya. Pero naisip ko noon kung paano nangangailangan ng pagtutulungan ng mga tao ang pagpapalawak ng ebanghelyo ng kaharian. Ilang taon ko nang ginagawa ang tungkulin ko, tumatanggap ako ng kaunting pagsasanay at nauunawaan ko ang ilang katotohanan, at hindi pwedeng wala akong konsensiya kapag nahaharap sa biyaya ng Diyos, kaya pumayag akong pumunta sa ibang lugar para gampanan ang aking tungkulin. Pero hindi ko inaasahan na sa parehong oras na iyon, nakahanap ang anak ko ng trabahong gusto niya. Magtatrabaho na siya at kikita na ng pera, matutustusan na niya ang mga pansarili niyang gastusin sa buhay, at tinanggap na ulit siya ng asawa ko. Nasorpresa talaga ako.

Kalaunan, nagnilay ako sa sarili ko, iniisip na, “Ano ba ang pinakadahilan kaya hindi ko magawang bitawan ang aking anak?” Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mga taong nabubuhay sa tunay na lipunang ito ay ginawa nang labis na tiwali ni Satanas. Sila man ay nakapag-aral o hindi, marami sa tradisyonal na kultura ang nakatanim na sa mga kaisipan at pananaw ng mga tao. Sa partikular, kinakailangan ng mga babae na asikasuhin ang kanilang mga asawa at palakihin ang kanilang mga anak, na maging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, inilalaan ang buong buhay nila sa kanilang mga asawa at anak at nabubuhay para sa kanila, tinitiyak na ang pamilya ay may kakainin tatlong beses sa isang araw, at ginagawa ang paglalaba, paglilinis, at lahat ng gawaing-bahay nang maayos. Ito ang tinatanggap na pamantayan ng pagiging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina. Iniisip din ng bawat babae na ganito dapat gawin ang mga bagay-bagay, at na kung hindi niya ito gagawin ay hindi siya isang mabuting babae, at nilabag niya ang konsensiya at ang mga pamantayan ng moralidad. Magiging mabigat sa konsensiya ng ilang tao ang paglabag sa mga pamantayan ng moralidad na ito; mararamdaman nilang binigo nila ang kanilang mga asawa at anak, at na hindi sila mabubuting babae. Ngunit pagkatapos mong manalig sa Diyos, makapagbasa ng maraming salita Niya, maintindihan ang ilang katotohanan, at maunawaan ang ilang bagay, ay iisipin mo, ‘Ako ay isang nilikha at dapat kong gampanan ang aking tungkulin nang ganito, at gugulin ang sarili ko para sa Diyos.’ Sa oras na ito, mayroon bang hindi pagkakatugma sa pagitan ng pagiging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, at sa paggampan mo ng iyong tungkulin bilang isang nilikha? Kung nais mong maging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, hindi mo magagawa ang tungkulin mo nang buong oras, ngunit kung nais mong gawin ang tungkulin mo nang buong oras, hindi ka maaaring maging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina. Anong gagawin mo ngayon? Kung pipiliin mong gawin ang tungkulin mo nang maayos at maging responsable para sa gawain ng iglesia at maging tapat sa Diyos, dapat mong isuko ang pagiging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina. Ano nang iisipin mo ngayon? Anong uri ng hindi pagkakatugma ang lilitaw sa isip mo? Mararamdaman mo bang tila binigo mo ang iyong mga anak, ang iyong asawa? Saan nanggagaling ang damdaming ito ng pagkakasala at pagkabalisa? Kapag hindi mo ginagampanan ang tungkulin ng isang nilikha, nararamdaman mo bang tila binigo mo ang Diyos? Wala kang pagkaramdam ng pagkakasala o pananagutan dahil sa puso at isip mo ay wala ni katiting na bahid ng katotohanan. Kaya, anong naiintindihan mo? Ang tradisyonal na kultura at ang pagiging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina. Kaya ang haka-haka na ‘Kung hindi ako isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, hindi ako isang mabuti o disenteng babae’ ay lilitaw sa isip mo. Ikaw ay gagapusin at pipigilan ng haka-hakang ito mula sa puntong iyon, at pananatilihin kang ganoon ng mga uring ito ng mga haka-haka kahit pagkatapos mong manalig sa Diyos at gawin ang tungkulin mo. Kapag mayroong hindi pagkakatugma sa pagitan ng paggawa mo sa tungkulin mo at ng pagiging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, bagamat maaaring piliin mo nang may pag-aatubili na gampanan ang tungkulin mo, na magtaglay ka ng kaunting katapatan sa Diyos, magkakaroon pa rin ng pagkaramdam ng pagkabalisa at pananagutan sa puso mo. Kaya naman, kapag mayroon kang kaunting bakanteng oras habang ginagawa mo ang tungkulin mo, maghahanap ka ng mga pagkakataon upang alagaan ang iyong mga anak at asawa, sa higit pang pagnanais na bumawi sa kanila, at iisipin mo na ayos lang kahit na kailanganin mo pang lalong magdusa, basta’t mayroon kang kapayapaan ng isip. Hindi ba’t ito ay idinulot ng impluwensiya ng mga ideya at teorya ng tradisyonal na kultura tungkol sa pagiging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina? Ngayon ay mayroon ka nang paa sa magkabilang kampo, nagnanais na gampanan ang tungkulin mo nang maayos ngunit nagnanais ding maging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina. Ngunit sa harap ng Diyos, mayroon lang tayong iisang responsabilidad at obligasyon, iisang misyon: ang gampanan nang tama ang tungkulin ng isang nilikha. Nagampanan mo na ba nang maayos ang tungkuling ito? Bakit ka lumihis ulit? Wala ba talagang pagkaramdam ng pananagutan o paninisi sa puso mo? Dahil ang katotohanan ay hindi pa rin nakapaglatag ng mga pundasyon sa puso mo, at hindi pa ito naghahari doon, maaari kang malihis habang ginagawa mo ang tungkulin mo. Bagamat ngayon ay nagagawa mo ang tungkulin mo, ang totoo ay hindi mo pa rin naaabot ang mga pamantayan ng katotohanan at ang mga hinihingi ng Diyos. … Na tayo ay nakakapanalig sa Diyos ay isang oportunidad na ipinagkaloob Niya; ito ay itinakda Niya at biyaya Niya. Kaya, hindi mo na kailangang tuparin pa ang obligasyon o responsabilidad mo sa kahit kaninuman; dapat mo lang tuparin ang tungkulin mo sa Diyos bilang isang nilikha. Ito ang dapat gawin ng mga tao higit sa ano pa man, ang pangunahing bagay na dapat gawin bilang ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang tao. Kung hindi mo ginagampanan nang maayos ang tungkulin mo, hindi ka isang karapat-dapat na nilikha. Sa mata ng ibang tao, maaaring isa kang mabuting asawa at mapagmahal na ina, isang napakahusay na maybahay, isang anak na may paggalang sa magulang, at isang kagalang-galang na miyembro ng lipunan, ngunit sa harap ng Diyos, ikaw ay isang naghihimagsik laban sa Kanya, isang hindi ginampanan ang mga obligasyon o tungkulin niya kahit kailan, isang tinanggap ngunit hindi kinumpleto ang atas ng Diyos, isang sumuko sa kalagitnaan. Maaari bang makamit ng isang gaya nito ang pagsang-ayon ng Diyos? Ang mga taong tulad nito ay walang halaga(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay-daan sa akin na maunawaan na noong makita ko ang mga kababaihan sa paligid ko na naghahangad lahat na maging mabuting asawa at ina, itinuring ko rin itong pamantayan sa pagiging isang mabuting babae. Naniwala ako na nag-aalaga nang mabuti sa kanyang anak at asawa ang isang mabuting babae, at pinapanatiling maayos ang lahat ng gawain sa bahay. Nang makapag-asawa na, ginawa ko ang lahat ng gawaing bahay, iniisip na isa itong bagay na dapat kong gawin kahit gaano pa ito nakakapagod. Nang umalis ako para gampanan ang aking tungkulin at hindi na ako makapaghanda ng makakain tatlong beses sa isang araw para sa aking anak o maalagaan siya sa kanyang pang-araw-araw na buhay, naisip ko na nabigo akong gampanan ang aking responsabilidad bilang isang ina, at sinisi ko ang aking sarili at nabagabag ako, pakiramdam ko ay may pagkakautang ako sa aking anak. Nang pinuna at hinusgahan ako ng mga tao sa mundo, lalo kong naramdaman na naging pabaya ako, at wala akong ibang inisip kundi kung paano ko maaalagaan ang aking anak, mababawasan ang paghihirap niya, at magagawa ang aking makakaya para mabayaran ang pagkakautang ko sa kanya. Nang makita kong hindi makapagtipon nang normal ang mga baguhan, hindi ako kaagad nakahanap ng mga nauugnay na katotohanan para malutas ang kanilang mga problema, sinusuportahan ko lamang sila kapag nagiging sobrang negatibo na sila na gusto na nilang sumuko. Nagdusa ng kawalan ang buhay ng mga baguhan. Inuna ko ang mga papuri mula sa mga tao sa mundo at ang pagganap sa responsabilidad ko sa aking anak, hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia at naging pabaya ako sa aking tungkulin. Kahit pa gampanan ko ang responsabilidad ko bilang isang ina at maghanda ako ng makakain tatlong beses sa isang araw para sa aking anak, nabigo naman akong gampanan ang tungkulin na dapat kong gawin bilang isang nilikha. Naisip ko ang lahat ng banal at mga propeta sa mga nagdaang kapanahunan, pati na rin ang maraming kapatid, na tinalikuran ang kanilang mga pamilya at propesyon para ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, na nagdadala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos para matanggap nila ang pagliligtas Niya. Isa itong bagay na sinasang-ayunan ng Diyos, isang mabuti at makatarungang gawa at may halaga at kabuluhan ang mamuhay nang ganito. Ibinigay sa akin ng Diyos ang buhay ko at ang lahat ng mayroon ako. Labis akong nagtamasa ng pagdidilig at pagtustos mula sa mga salita ng Diyos, at pag-ibig at biyaya Niya ang lahat ng ito. Nangangahulugan ito na dapat kong gampanan nang mabuti ang aking tungkulin at suklian ang pag-ibig ng Diyos. Gayunpaman, noong hindi ko nagampanan nang maayos ang aking tungkulin, hindi ako nakaramdam ng pagkakautang sa Diyos dahil dito, sa halip, nakaramdam pa ako ng pagkakautang sa aking anak. Mayroon ba talaga akong konsensiya o pagkatao? Nakita ko na bagamat makapagpapasaya sa mga tao ang paghahangad na maging mabuting ina sa mata ng iba at pupurihin ka nila dahil dito, ang paggawa nito ay nangangahulugan lang ng pamumuhay para sa pamilya at laman; pag-aaksaya ng oras ang lahat ng ito at hindi ito magpapahintulot sa akin na mamuhay nang may kabuluhan.

Kalaunan, binasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng isang landas ng pagsasagawa tungkol sa kung paano pakikitunguhan ang mga anak. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nasa hustong gulang man ang kanilang mga anak o hindi pa, ang buhay ng mga magulang ay pagmamay-ari lamang nila, hindi pagmamay-ari ng kanilang mga anak. Natural na hindi libreng yaya o alipin sa kanilang mga anak ang mga magulang. Anuman ang mga ekspektasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak, hindi ibig sabihin na hahayaan na lamang nila ang kanilang mga anak na basta-basta silang utus-utusan nang walang anumang kabayaran, o na maging utusan, kasambahay, o alipin sila ng kanilang mga anak. Anuman ang mga damdamin mo para sa iyong mga anak, ikaw ay isa pa ring taong nakapagsasarili. Hindi mo dapat akuin ang responsabilidad sa kanilang buhay kapag nasa hustong gulang na sila, na para bang ganap na tamang gawin iyon, dahil lang sa sila ay mga anak mo. Hindi mo kailangang gawin ito. Sila ay mga taong nasa hustong gulang na; natupad mo na ang iyong responsabilidad na palakihin sila. Mamumuhay man sila nang maayos o hindi sa hinaharap, kung sila man ay magiging mayaman o mahirap, at kung sila man ay mamumuhay nang masaya o malungkot, personal na nilang usapin iyon. Walang kinalaman ang mga bagay na ito sa iyo. Bilang isang magulang, wala kang obligasyon na baguhin ang mga bagay na iyon. Kung hindi masaya ang kanilang buhay, hindi ka obligadong sabihin na: ‘Hindi ka masaya—mag-iisip ako ng paraan para ayusin ito, ibebenta ko ang lahat ng ari-arian ko, uubusin ko ang lahat ng lakas ko sa buhay para pasayahin ka.’ Hindi mo kinakailangang gawin ito. Kailangan mo lang tuparin ang iyong mga responsabilidad, iyon lang. Kung gusto mo silang tulungan, maaari mo silang tanungin kung bakit hindi sila masaya, at tulungan silang maunawaan ang problema sa teoretikal at sikolohikal na antas. Kung tatanggapin nila ang tulong mo, mas mainam pa iyon. Kung hindi, kailangan mo lang tuparin ang iyong mga responsabilidad bilang magulang, at wala nang iba pa. Kung gusto ng iyong mga anak na maghirap, problema na nila iyon. Hindi mo kailangang mag-alala o mabahala tungkol dito, o na hindi makakain o makatulog nang maayos. Sobra-sobra na kung gagawin mo iyon. Bakit sobra-sobra na? Dahil nasa hustong gulang na sila. Dapat silang matutong mamahala sa lahat ng bagay na kinakaharap nila sa buhay nang sila lang. Kung nag-aalala ka sa kanila, iyan ay pagmamahal lang; kung hindi ka nag-aalala sa kanila, hindi ito nangangahulugang wala kang puso, o na hindi mo natupad ang iyong mga responsabilidad. Sila ay nasa hustong gulang na, at ang mga nasa hustong gulang ay dapat humarap sa mga problema ng ganitong edad at pangasiwaan ang lahat ng bagay na dapat gawin ng mga taong nasa hustong gulang. Hindi sila dapat umasa sa kanilang mga magulang sa lahat ng bagay. Siyempre, hindi dapat akuin ng mga magulang ang responsabilidad sa kung magiging maayos ba ang mga trabaho, propesyon, pamilya, o buhay may asawa ng kanilang mga anak kapag nasa hustong gulang na ang mga ito. Maaari kang mag-alala tungkol sa mga bagay na ito, at maaari kang magtanong tungkol dito, ngunit hindi mo kailangang lubusang pangasiwaan ang mga ito, iginagapos ang iyong mga anak sa tabi mo, dinadala sila kahit saan ka magpunta, binabantayan sila kahit saan ka magpunta, at iniisip sila: ‘Kumakain kaya sila nang maayos ngayon? Masaya kaya sila? Maayos kaya ang trabaho nila? Pinahahalagahan ba sila ng kanilang amo? Mahal ba sila ng kanilang asawa? Masunurin ba ang kanilang mga anak? Matataas ba ang marka ng kanilang mga anak?’ Ano ang kinalaman ng mga bagay na ito sa iyo? Kayang lutasin ng iyong mga anak ang sarili nilang mga problema, hindi mo kailangang makialam. Bakit Ko itinatanong kung ano ang kinalaman ng mga bagay na ito sa iyo? Ang ibig Kong sabihin dito ay walang kinalaman sa iyo ang mga bagay na iyon. Natupad mo na ang iyong mga responsabilidad sa iyong mga anak, napalaki mo na sila tungo sa hustong gulang, kaya dapat ay huwag ka nang makialam. Sa sandaling gawin mo ito, hindi ibig sabihin na wala ka nang gagawin. Napakarami pa ring bagay na dapat mong gawin. Pagdating sa mga misyong kinakailangan mong tapusin sa buhay na ito, bukod sa pagpapalaki ng iyong mga anak tungo sa hustong gulang, mayroon ka pang ibang misyon na dapat tapusin. Maliban sa pagiging magulang sa iyong mga anak, ikaw ay isang nilikha. Dapat kang humarap sa Diyos at dapat mong tanggapin ang iyong tungkulin mula sa Kanya. Ano ang iyong tungkulin? Natapos mo na ba ito? Inialay mo na ba ang iyong sarili rito? Natahak mo na ba ang landas tungo sa kaligtasan? Ito ang mga bagay na dapat mong pag-isipan. Tungkol sa kung saan susunod na pupunta ang iyong mga anak kapag nasa hustong gulang na sila, kung ano ang magiging buhay nila, kung ano ang magiging mga sitwasyon nila, kung magiging masaya at masigla sila, walang kinalaman sa iyo ang mga bagay na ito. Nakapagsasarili na ang iyong mga anak, sa panlabas at mental na aspekto. Dapat mo silang hayaan na makapagsarili, dapat kang bumitiw, at hindi mo sila dapat subukang kontrolin. Sa aspekto man ng panlabas na parte ng mga bagay-bagay, pagmamahal, o mga ugnayan ng pamilya, natupad mo na ang iyong mga responsabilidad, at wala nang ugnayan sa pagitan mo at ng iyong mga anak(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 18). “Bilang isang taong sumasampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan at kaligtasan, ang natitirang enerhiya at oras sa buhay mo ay dapat igugol sa pagganap ng iyong tungkulin at sa anumang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos; hindi ka dapat gumugol ng anumang oras sa iyong mga anak. Hindi pag-aari ng iyong mga anak ang buhay mo, at hindi ito dapat gamitin para sa kanilang buhay o pananatiling buhay, o para tugunan ang iyong mga ekspektasyon sa kanila. Sa halip, dapat itong ilaan sa tungkulin at sa ipinagkatiwalang gampanin ng Diyos sa iyo, pati na rin sa misyon na dapat mong tuparin bilang isang nilikha. Dito nakasalalay ang halaga at kabuluhan ng iyong buhay. Kung handa kang mawalan ng iyong sariling dignidad at maging alipin ng iyong mga anak, na mag-alala para sa kanila, at gawin ang lahat para sa kanila upang matugunan ang mga sarili mong ekspektasyon sa kanila, walang kabuluhan at walang halaga ang lahat ng ito, at hindi ito gugunitain. Kung magpapatuloy kang gawin ito at hindi mo bibitiwan ang mga ideya at kilos na ito, nangangahulugan lamang ito na hindi ka isang taong naghahangad sa katotohanan, na hindi ka isang kuwalipikadong nilikha, at na labis kang mapaghimagsik. Hindi mo iniingatan ang buhay o ang oras na ibinigay sa iyo ng Diyos. Kung ang buhay at oras mo ay iginugugol lamang para sa iyong laman at mga damdamin, at hindi para sa tungkuling ibinigay sa iyo ng Diyos, ang buhay mo ay walang kabuluhan at walang saysay. Hindi ka karapat-dapat mabuhay, hindi ka karapat-dapat magtamasa ng buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat magtamasa ng lahat ng ibinigay sa iyo ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang responsabilidad at obligasyon ng isang magulang ay ang palakihin ang kanyang anak hanggang sa ito ay nasa hustong gulang na, at turuan ito kung paano umasal. Kapag nasa hustong gulang na ang anak at may kakayahan nang mamuhay mag-isa at harapin ang mga problema, dapat na itong palayain ng mga magulang nito. Kung naghahangad ang isang tao na maging isang mabuting asawa at ina at gugugulin niya ang buong buhay niya para lamang sa kanyang pamilya at mga anak nang hindi ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, walang anumang halaga o kabuluhan ang kanyang buhay. Ang responsabilidad ko lang sa aking anak ay ang palakihin siya hanggang tumuntong siya sa hustong gulang, bigyang-liwanag ang kanyang isipan at turuan siyang tahakin ang tamang landas at gawin ang mga wastong bagay. Naisip ko kung paanong noong bata pa ang anak ko ay madalas siyang maglaro hanggang gabing-gabi na. Kinausap ko siya tungkol sa kung paano maaaring makapinsala sa mga tao ang paglalaro ng online games at tinuruan ko siyang maging isang praktikal na tao, sinabihan ko pa nga siya kung paano nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay, na nagpapatotoo sa tunay na pag-iral ng Diyos. Gayunpaman, hindi siya nakinig at hinangad lamang niya ang kaaliwan at kasiyahan, kaya itinakwil siya ng asawa ko dahil sa hindi niya paggawa ng mga wastong bagay at ayaw na siyang alagaan nito. Ito ang kinahinatnan ng landas na kanyang tinahak, at ito ang pagdurusa na dapat niyang tiisin. Nagampanan ko na ang responsabilidad ko bilang kanyang ina, at wala akong pagkakautang sa kanya. Kung ang isinaalang-alang ko lang ay ang buhay niya at binitiwan ko ang tungkulin ko para alagaan siya, ibinibigay ang lahat ng oras at lakas ko sa kanya at ganap na pinangangasiwaan ang kanyang kinabukasan, hanggang sa isakripisyo ko ang mga huling taon ng buhay ko, kung gayon, talagang napakahangal ko! Napagtanto ko ito: Nasa hustong gulang na ang anak ko. Nagpapasya na siyang mag-isa at may sariling landas na dapat sundan, pati na rin ang kakayahang mamuhay mag-isa at harapin ang mga problema. Hindi ko siya pwedeng alagaan habambuhay, lalo na ang baguhin ang kanyang kapalaran. Hindi lang ako ina ng aking anak, kundi isa rin akong nilikha. Dapat akong mamuhay para tapusin ang misyong ipinagkatiwala sa akin ng Diyos at gawin nang maayos ang aking tungkulin. Marami pa ring mga tao ngayon ang hindi pa humaharap sa Diyos, pati na rin maraming baguhan na hindi pa nag-ugat at kailangang madiligan sa lalong madaling panahon. Ito ang responsabilidad at tungkulin ko, at dapat akong maglaan ng mas maraming oras at lakas sa paggawa nito. Para naman sa anak ko, ang magagawa ko lang ay ipagkatiwala ang lahat sa Diyos at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang tadhana ng bawat tao ay itinatakda ng Diyos; kaya, kung gaano karaming pagpapala o pagdurusa ang mararanasan nila sa buhay, kung anong klaseng pamilya, buhay may asawa, at mga anak ang magkakaroon sila, kung anong mga karanasan ang pagdaraanan nila sa lipunan, at kung anong mga pangyayari ang kanilang mararanasan sa buhay, hindi nila mahuhulaan o mababago ang mga gayong bagay, at mas lalo nang walang kakayahan ang mga magulang na baguhin ang mga iyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagdurusang tinitiis ng isang tao sa buhay, ang kaligayahang kanyang tinatamasa, at ang mga bagay na kanyang nararanasan ay pawang paunang itinakda ng Diyos at hindi maaaring baguhin ng sinuman. Hindi nga mabago ng mga magulang ang kanilang sariling kapalaran, kaya paano nila mababago ang sa anak nila? Ang kapalaran sa buhay ng isang anak, pati na rin ang mga tagumpay at kabiguan at mga paghihirap na dapat niyang maranasan, ay pawang paunang itinakda ng Diyos noon pa man. Ito ang kanyang landas sa buhay at isang bagay na dapat niyang maranasang mag-isa. Dahil sa mga pag-aresto at pag-uusig ng malaking pulang dragon, hindi ko na magawang alagaan ang aking anak, at hindi ko siya mabigyan ng anumang pinansiyal na suporta. Malaki na siya ngayon, at kailangan niyang mamuhay mag-isa, suportahan ang kanyang sarili, at tahakin ang sarili niyang landas sa hinaharap. Ngayong may landas na akong isasagawa, pakiramdam ko ay napagaling na ako. Kung tutulutan ng mga sitwasyon at makakahanap ako ng magandang pagkakataon, uuwi ako at makikipagkita ako sa kanya, pero mas maraming oras at lakas ang gugugulin ko sa paggawa nang maayos sa aking tungkulin. Sa pamumuhay nang ganito, panatag at payapa ang puso ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply