Hindi na Ako Nag-aalala Tungkol sa Kinabukasan ng Aking mga Anak

Enero 7, 2025

Ni Gao Liang, Tsina

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng mga magsasaka at pagkatapos ko ng middle school, umalis ako ng bahay para maghanap ng trabaho. Kinalaunan, nakilala ko ang aking may-bahay at nagkaroon kami ng mga anak. Masipag na talaga ako noon pa man, pero madalas na mahirap pagkasyahin ang suweldo. Nang malaman ng bayaw ko ang tungkol dito, kinuha niya ako para magtrabaho sa excavator sa kanyang grupo. Sa mga sumunod na taon, nagawa kong kumita ng kaunting pera at nagawa kong magpatayo ng bagong bahay at magkaroon ng mas mainam na buhay.

Tinanggap ko ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw noong 2013 at binalanse ko ang aking pananalig at ang aking trabaho. Naisip ko na dapat kumita ako ng mas maraming pera habang bata pa ako para matulungan ko ang anak kong lalaki na makapagsimula kalaunan. Ito ang responsabilidad ko bilang isang ama. Kinalaunan pa, nagsimula akong maglingkod bilang lider ng isang grupo, at pagkatapos, noong 2017, napili ako para maglingkod bilang diyakono ng pagdidilig. Gayumpaman, hindi ko talaga ito gustong tanggapin, dahil alam kong hindi ito magiging kasingdali ng pangunguna sa isang maliit na grupo. Kailangan kong mapaunlakan ang iskedyul ng mga bagong mananampalataya para sa mga pagtitipon, at tiyak na maiimpluwensiyahan niyon ang aking kita sa paghuhukay. Kung hindi ako makakapag-ipon ng sapat na pera, paano ko matutulungan ang anak ko sa hinaharap? Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, tinanggihan ko ang tungkulin. Pero pagkatapos ay nakonsensiya talaga ako. Napakaraming isinakripisyo ng Diyos para iligtas tayo, at ngayong kailangan ng gawain ng iglesia ng aking pakikipagtulungan, ang iniisip ko lang ay ang pagkita ng pera para matulungan ang anak ko at ayaw kong tanggapin ang tungkuling ito. Hindi ba’t nakakasakit ito para sa Diyos? Nang mapagtanto ko ito, lumuhod ako sa sahig at nagsisising nanalangin sa Diyos, nangangakong hindi ko na tatanggihan ang kahit anong itatakdang gawain. Noong 2018, inihalal ako ng mga kapatid para maglingkod bilang lider sa iglesia. Nakaramdam ako ng matinding pagtatalo ng loob: Isang full-time na tungkulin ang pagiging lider na namamahala sa kabuuan ng gawain. Hindi ako makakapag-ipon ng pera para sa kinabukasan ng anak ko, at pagkatapos hindi ko magagampanan ang responsabilidad ko bilang isang ama. Pero naisip ko rin kung paanong nakonsensiya ako noong tinanggihan ko ang isang itinakdang gawain dati, kaya tinanggap ko ang tungkulin.

Pagkatapos kong maging lider ng iglesia, wala na akong oras para gawin ang trabaho kong paghuhukay, kaya para makaraos, umasa kami sa perang kinikita ng asawa ko sa pagtitinda ng mga gulay. Nang makapagtapos ang anak ko sa pag-aaral, nakakuha siya ng trabaho sa isang pabrika, na nagpagaan sa pasanin namin. Pero nang dumating ang panahon para mag-asawa ang anak kong lalaki, wala pa rin kaming bahay, sasakyan, o kahit anong ipon para sa kanya. Paano ko ito sasabihin sa anak ko? Pakiramdam ko ay binigo ko siya. Minsan kapag umuuwi siya sa bakasyon, ipinagluluto ko siya ng masarap na masarap na pagkain at ipinapakita ko ang higit na pag-aalaga sa kanyang buhay para medyo mabawasan ang aking pagkakonsensiya. Noong pagtatapos ng Agosto ng 2023, gusto ng nakatataas kong lider na itaas ako ng ranggo at ilagay ako sa isang tungkulin na malayo sa bahay, kaya pinag-usapan namin ng asawa ko ang bagay na ito. Tinanong niya kung ano ang opinyon ko. Sinabi ko, “Hindi ko gustong umalis, kasi kung aalis ako kailangan mong balikatin nang mag-isa ang pasanin para sa pamilya natin. Bata pa ang anak nating babae at hindi pa nag-aasawa ang anak nating lalaki. Kung aalis ako, ano ang mangyayari sa pamilya natin?” Sumagot ang asawa ko, na sinasabing, “Kung mahaharap tayo sa mga problema puwede tayong manalangin sa Diyos. Ngayong itinakda na sa iyo ang tungkulin na ito, dapat magkaroon ka ng pusong nagpapasakop. Kaya kong asikasuhin ang mga bagay sa bahay, huwag kang mag-alala.” Ilang araw pagkatapos, sumulat ang nakatataas na lider para hingin sa mga tao na suriin ako, pero hindi ko hiniling sa mga kapatid na magsulat sila. Naisip ko, “Ako ang lalaki sa aking tahanan, ako ang may responsabilidad na magbuhat ng pasanin ng aming pamilya. Nasa tamang edad na ang aking anak na lalaki para mag-asawa, pero wala pa rin kaming bahay, sasakyan o ipon na naihanda para sa kanya. Ang mga kapitbahay namin na may anak na kaedad niya ay lahat may mga bahay at sasakyan nang naihanda para sa mga anak nila. Paano kung kuwestiyunin ako ng anak ko kung bakit hindi ako makapagtustos para sa kanya samantalang lahat ng mga magulang na ito ay nakakapagtustos sa kanilang mga anak? Anong klaseng ama ako? Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Bukod pa roon, nagkasakit ang anak kong babae at hindi ko siya maaalagaan kung aalis ako.” Habang iniisip ang lahat ng ito, sobrang sumama ang pakiramdam ko at ayaw ko nang gawin ang tungkulin ko nang malayo sa bahay. Pero alam ko rin na hindi magiging masaya ang Diyos kung tatanggihan ko ang tungkulin. Ngunit sa kabilang banda, mahihirapan naman ang pamilya ko kung aalis ako. Naipit ako sa sitwasyong iyon at napakahirap niyon. Sa mga sumunod na araw, hindi ako makapagtuon at nalimutan ko pang diligan ang mga baguhan. Napagtanto ko na may mali sa kalagayan ko, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Sa mga araw na ito, nabubuhay ako sa kadiliman at nagdurusa ako. Pakiliwanagan Mo ako upang maunawaan ko ang katotohanan at gabayan Mo ako palabas ng kalagayang ito.”

Nang nagdedebosyonal ako, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Mayroon ding mga tao, na dahil nananalig na sila sa Diyos, namumuhay ng buhay-iglesia, nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at gumaganap sa kanilang mga tungkulin, ay hindi na magkakaroon ng sapat na oras para makipag-ugnayan nang normal sa kanilang mga anak na walang pananalig, sa kanilang asawa, mga magulang, o mga kaibigan at kamag-anak. Partikular na hindi nila maaasikaso nang maayos ang kanilang mga anak na walang pananalig, o magagawa ang anumang bagay na kinakailangan ng kanilang mga anak, kaya nag-aalala sila sa kinabukasan ng kanilang mga anak at sa mga oportunidad para sa mga ito. Lalo na kapag malaki na ang kanilang mga anak, may ilang tao na mag-uumpisa nang mag-alala: Makakapagkolehiyo kaya ang aking anak o hindi? Anong kurso ang kukuhanin niya kung makapagkolehiyo siya? Ang aking anak ay hindi nananalig sa Diyos at gusto niyang pumasok sa kolehiyo, kaya ako ba, bilang isang taong nananalig sa Diyos, ang dapat magbayad para sa kanyang pag-aaral? Dapat ko bang asikasuhin ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan at suportahan siya sa kanyang pag-aaral? At pagdating sa kanyang pag-aasawa, pagtatrabaho, at maging sa kanyang pagkakaroon ng sariling pamilya at mga anak, anong papel ang dapat kong gampanan? Anong mga bagay ang dapat kong gawin at hindi dapat gawin? Wala silang ideya tungkol sa mga bagay na ito. Sa sandaling dumating ang ganitong pangyayari, sa sandaling malagay sila sa ganitong sitwasyon, naguguluhan sila at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin, o kung paano harapin ang ganitong mga bagay. Sa paglipas ng panahon, umuusbong ang pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala sa mga bagay na ito: Kung gagawin nila ang mga bagay na ito para sa kanilang anak, natatakot silang malabag ang mga layunin ng Diyos at magalit sa kanila ang Diyos, at kung hindi nila gagawin ang mga bagay na ito, natatakot silang hindi magampanan ang kanilang mga responsabilidad bilang magulang at masisi ng kanilang anak at ng iba pang miyembro ng pamilya; kung gagawin nila ang mga bagay na ito, natatakot silang mawawala ang kanilang patotoo, at kung hindi nila gagawin ang mga bagay na ito, natatakot silang mahamak ng mga makamundong tao, at mapagtawanan, makutya, at mahusgahan ng kanilang mga kapitbahay; natatakot silang mabigyan ng kahihiyan ang Diyos, ngunit natatakot din silang magkaroon ng masamang reputasyon at mapahiya nang husto na hindi na nila kayang ipakita ang kanilang mukha. Habang nag-aalinlangan sila sa mga bagay na ito, umuusbong ang pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala sa kanilang puso; nababagabag sila na hindi nila alam kung ano ang dapat gawin, nababalisa sila na mali ang kanilang gagawin anuman ang kanilang mapili, at na hindi nila alam kung angkop ba ang anuman sa kanilang ginagawa, at nag-aalala sila na kung patuloy na mangyayari ang mga bagay na ito, isang araw ay hindi na nila kakayanin ang mga ito, at kung sila ay manlulupaypay ay mas mahihirapan pa sila. Ang mga taong nasa ganitong sitwasyon ay nakadarama ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay, malalaki o maliliit na bagay man ang mga ito. Kapag ang mga negatibong emosyon na ito ay nagsimula nang lumitaw sa kanila, nababalot sila ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala, at hindi nila magawang palayain ang kanilang sarili: Kung gagawin nila ito, mali ito, kung gagawin nila iyon, mali iyon, at hindi nila alam kung ano ang tamang gawin; gusto nilang palugdan ang ibang tao, ngunit natatakot silang magalit ang Diyos; nais nilang gumawa ng mga bagay para sa ibang tao upang maganda ang masabi tungkol sa kanila, ngunit ayaw nilang bigyan ng kahihiyan ang Diyos o na kamuhian sila ng Diyos. Kaya palagi silang nalulubog sa mga damdaming ito ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Nababagabag sila kapwa para sa ibang tao at para sa kanilang sarili; nababalisa sila sa mga bagay-bagay kapwa para sa ibang tao pati na rin para sa kanilang sarili; at nag-aalala rin sila sa mga bagay-bagay para sa ibang tao pati na rin para sa kanilang sarili, kaya nalulubog sila sa doble-dobleng paghihirap na hindi nila matakasan. Ang mga negatibong emosyon na tulad nito ay hindi lamang nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay, bagkus ay nakakaapekto rin sa pagganap nila ng kanilang mga tungkulin, pati na rin siyempre sa kanilang paghahangad sa katotohanan sa isang antas. Ito ay isang uri ng paghihirap, ibig sabihin, ang mga ito ay mga paghihirap na may kinalaman sa pag-aasawa, buhay-pamilya, at personal na buhay, at dahil sa mga paghihirap na ito kaya madalas na naiipit ang mga tao sa pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Hindi ba’t dapat kaawaan ang mga tao kapag sila ay naiipit sa ganitong uri ng negatibong emosyon? (Dapat nga.) Dapat ba silang kaawaan? Sinasabi niyo pa rin, ‘Dapat,’ na nagpapakita na nakikisimpatya pa rin kayo sa kanila. Kapag ang isang tao ay nalubog sa isang negatibong emosyon, anuman ang kwento sa likod ng pag-usbong ng negatibong emosyong iyon, ano ang dahilan ng pag-usbong nito? Ito ba ay dahil sa kapaligiran, dahil sa mga tao, pangyayari, at bagay na nasa paligid ng taong iyon? O dahil ba nagugulo sila ng katotohanang ipinapahayag ng Diyos? Ang kapaligiran ba ang nakakaapekto sa tao, o ang mga salita ba ng Diyos ang nakakagulo sa kanilang buhay? Ano nga ba ang mismong dahilan? Alam ba ninyo? Sabihin ninyo sa Akin, maging ito man ay sa normal na buhay ng mga tao o sa pagganap ng kanilang tungkulin, mayroon bang ganitong mga paghihirap kung hinahangad nila ang katotohanan at handa silang isagawa ang katotohanan? (Wala.) Mayroong ganitong mga paghihirap batay sa obhetibong katunayan. Sinasabi ninyo na walang ganito, kung gayon, maaari kayang nalutas na ninyo ang mga paghihirap na ito? Kaya ba ninyong gawin iyon? Ang mga paghihirap na ito ay hindi kayang lutasin, at mayroong mga ganito batay sa obhetibong katunayan. Ano ang kalalabasan ng mga paghihirap na ito sa mga taong naghahangad sa katotohanan? At ano ang magiging resulta ng mga ito sa mga hindi naghahangad sa katotohanan? Magkakaroon ang mga ito ng dalawang resulta na magkaibang-magkaiba. Kung hinahangad ng mga tao ang katotohanan, hindi sila maiipit sa mga paghihirap na ito at hindi sila malulubog sa mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Sa kabaligtaran, kung hindi hinahangad ng mga tao ang katotohanan, nasa kanila pa rin ang mga paghihirap na ito, at ano ang kalalabasan? Iipitin ka ng mga ito upang hindi ka makawala, at kung hindi mo malutas ang mga ito, sa huli ay magiging mga sobrang komplikadong negatibong emosyon ang mga ito sa kaibuturan ng iyong puso; makakaapekto ang mga ito sa iyong normal na buhay at sa normal na pagganap sa iyong mga tungkulin, at dahil sa mga ito ay mararamdaman mo na naaapi ka at hindi makalaya—ito ang kalalabasan mo dahil sa mga ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Ang mga salita ng Diyos ay isang napakalaking pagsisiwalat ng aking kalagayan. Nang makita kong nasa tamang edad na ang aking anak na lalaki, inisip ko na bilang ama ng tahanan, responsabilidad ko na kumita ng mas maraming pera para matulungan siyang magsimula ng pamilya at ilunsad ang kanyang karera, kaya tinanggihan ko ang pagtatakda ng iglesia na maglingkod ako bilang diyakono ng pagdidilig. Kinalaunan nang mapili akong maging lider ng iglesia, tinanggap ko ang tungkulin, pero nakita kong malapit na sa tamang edad ang anak kong lalaki, at napaisip ako kung paano siya makakahanap ng mapapangasawa nang wala siyang sasakyan o bahay na nakapangalan sa kanya. Sasabihin ba ng anak ko na hindi ako naging mabuting ama? Ang mga alalahaning ito ay nag-ugat sa aking puso at madalas akong mabalisa dahil sa mga ito. Ngayon, nang itakda ng iglesia na gumawa ako ng mga tungkulin nang malayo sa bahay, nabagabag akong muli ng mga alalahaning iyon. Nag-aalala ako na dahil hindi pa nakakahanap ang anak ko ng mapapangasawa, kapag umalis ako para gawin ang tungkulin ko, siguradong kamumuhian niya ako, at siguradong pagtsitsismisan ako ng mga kapitbahay namin. Pero kung hindi ako aalis, tatanggihan ko ang aking tungkulin. Sobrang nalilito ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Maraming taon na akong nananalig sa Diyos, pero hindi ko pa rin nauunawaan ang katotohanan at napipigilan pa rin ako ng mga responsabilidad ko sa pamilya. Inakala ko na dahil ako ang ama ng tahanan dapat kong buhatin ang pasanin para sa aming pamilya at kumita ng sapat na pera para matulungan ang aking anak na lalaki sa kanyang pamilya at propesyonal na karera. Ang resulta, lagi akong puno ng pag-aalala at hindi ko maigugol nang buo ang aking sarili sa aking tungkulin. Kailangan kong hanapin ang katotohanan para malutas agad ang kalagayang ito.

Kalaunan, natagpuan ko ang sipi na ito ng mga salita ng Diyos: “Para kanino ka ba nababagabag, nababalisa, at nag-aalala? Nararamdaman mo ba ang mga iyon upang makamit ang katotohanan? O upang makamit ang Diyos? O alang-alang sa gawain ng Diyos? O alang-alang sa kaluwalhatian ng Diyos? (Hindi.) Kung gayon, para saan pa na nararamdaman mo ang mga emosyong iyon? Lahat ito ay para sa iyong sarili, sa iyong mga anak, sa iyong pamilya, sa iyong dangal, sa iyong reputasyon, sa iyong hinaharap at mga inaasam, para sa lahat ng may kinalaman sa iyo. Ang gayong tao ay walang isinusuko, o binibitiwan, o pinaghihimagsikan, o inaabandona; wala silang tunay na pananampalataya sa Diyos, at walang tunay na katapatan sa pagganap ng kanilang tungkulin. Sa kanilang pananampalataya sa Diyos, hindi nila tunay na iginugugol ang kanilang sarili, nananalig lamang sila upang makapagkamit ng mga pagpapala, at malalim lamang silang nananalig sa Diyos upang tumanggap ng mga pagpapala. Puno sila ng ‘pananampalataya’ sa Diyos, sa gawain ng Diyos, at sa mga pangako ng Diyos, ngunit hindi pinupuri ng Diyos ang gayong pananampalataya, hindi rin ito inaalaala ng Diyos, sa halip ay kinamumuhian Niya ito. Ang gayong mga tao ay hindi sinusunod o isinasagawa ang mga prinsipyo sa pangangasiwa sa anumang bagay na hinihingi ng Diyos sa kanila, hindi nila binibitiwan ang mga bagay na dapat nilang bitiwan, hindi nila isinusuko ang mga bagay na dapat nilang isuko, hindi nila inaabandona ang mga bagay na dapat nilang abandonahin, at hindi nila iniaalay ang katapatan na dapat nilang ialay, kaya nararapat silang lumubog sa mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Gaano man sila magdusa, nagdurusa lamang sila para sa kanilang sarili, hindi para sa kanilang tungkulin at hindi para sa gawain ng iglesia. Samakatuwid, ang gayong mga tao ay sadyang hindi naghahangad sa katotohanan—sila ay mga tao na paimbabaw lamang na nananalig sa Diyos. Alam na alam nilang ito ang tunay na daan, ngunit hindi nila ito isinasagawa, o sinusunod. Ang kanilang pananampalataya ay kaawa-awa at hindi makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos, at hindi ito tatandaan ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos ang aking kalagayan. Sa halip na gugulin ang aking oras sa pag-iisip kung paano hangarin ang katotohanan at gampanan nang maayos ang aking tungkulin para mapalugod ang Diyos, ang iniisip ko lang ay kung paano ako nabibigong paghandaan ang kinabukasan ng aking anak, nag-aalala ako na iisipin ng aking anak na hindi ako naging mabuting ama, na masasabihan ako ng masama ng mga kapitbahay ko, at wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Kaya, tinanggihan ko ang tungkulin. Ipinakita nito sa akin na lahat ng mga kaisipan ko ay umiikot sa aking mga anak at sa aking reputasyon. Hindi ako nag-alala na ilang taon na akong nananalig sa Diyos pero hindi ko pa nakakamit ang katotohanan, hindi namroblema tungkol sa hindi magagandang resulta sa tungkulin ko bilang isang lider sa iglesia, hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa hindi ko pagpapasakop sa aking tungkulin at sa pagtanggi ko sa tungkulin, na nagpabigo sa Diyos, pero palagi akong nag-aalala sa aking pamilya, sa aking mga anak, at sa aking reputasyon. Inuna ko ang mga bagay na ito kaysa sa tungkulin ko bilang isang nilikha. Dahil sa pagtataas ng Diyos kaya nagawa ko ang tungkulin ko bilang isang lider, at inasahan ng Diyos na sa paggawa ko ng aking tungkulin, hahangarin ko ang katotohanan, matatamo ko ang pagbabago sa aking disposisyon at makakamit ko ang pagliligtas ng Diyos. At ano ang ginusto kong gawin? Gusto ko lang maging isang mabuting ama at mangalaga sa aking mga anak at maglinang ng isang magandang reputasyon. Alam na alam kong ang gawain ng iglesia ay nangangailangan ng aking pakikipagtulungan, pero hindi ako nagpasakop, alam na alam ko na ang paggawa ng aking tungkulin bilang isang nilikha ay isang nakatakdang tungkulin, ngunit tinanggihan ko ito. Tinanggihan ko ang tungkulin ng paglilingkod bilang isang diyakono ng pagdidilig, at inayawan ko ang pagkakataon na maitaas ang posisyon para lamang kumita ng mas maraming pera at maging mabuting ama. Nakita ko na sa kabila ng mga taon ko ng pananalig, ang mga pananaw ko sa mga bagay-bagay ay hindi naiiba sa pananaw ng mga walang pananampalataya. Walang-wala akong pagkamatapat sa aking tungkulin, at sa paningin ng Diyos, isa akong hindi mananampalataya. Naisip ko kung paanong para mailigtas tayo, nagkatawang tao ang Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, na tumuring sa Kanya bilang isang kaaway. Ipinahayag Niya ang mga katotohanan para magtustos sa atin, at upang pahintulutan tayong makamit ang katotohanan, sa hindi mabilang na paraan ay walang sawa Siyang nagdilig at nagpastol sa atin. Pero tinanggihan ko pa rin ang aking tungkulin alang-alang sa kinabukasan ng aking mga anak. Wala talaga akong konsensiya at katwiran! Nang mapagtanto ko ito, agad akong nahiya at nawala ang pag-ayaw ko na umalis ng aming bahay para sa aking tungkulin.

Kalaunan, patuloy akong nagnilay sa aking sarili: Bakit ba sa bawat pagkakataon na binibigyan ako ng tungkulin ay nabibigo akong magpasakop? Anong satanikong lason ang kumokontrol sa akin? Naghanap ako ng mga kaugnay na sipi ng mga salita ng Diyos at nakita ko ang sumusunod na sipi: “Ang mga ideyang ito ng tradisyonal na kultura, gayundin ang mga responsabilidad at posisyon ng mga lalaki sa lipunan, ay nagsasanhi ng kagipitan at maging ng kahihiyan, at binabaluktot din nito ang pagkatao ng mga lalaki, na nagiging sanhi ng pagkabalisa, depresyon, at madalas na halos pagkakalugmok ng maraming lalaki sa tuwing nasasadlak sila sa mga paghihirap. Bakit ganito ang nangyayari? Sapagkat iniisip nila na sila ay mga lalaki, na ang mga lalaki ay dapat kumita ng pera para maitaguyod ang kanilang pamilya, na dapat nilang gampanan ang kanilang mga responsabilidad bilang lalaki, at na hindi dapat umiyak o maging malungkot ang mga lalaki, at na ang mga lalaki ay hindi dapat walang trabaho, kundi dapat na maging haligi ng lipunan, at ang punong suporta ng pamilya. Gaya ng sinasabi ng mga walang pananampalataya, ‘Ang mga lalaki ay hindi madaling mapaluha,’ ang isang lalaki ay hindi dapat magkaroon ng mga kahinaan, o ng anumang pagkukulang. Ang mga ideya at pananaw na ito ay dulot ng maling pagkakategorya ng mga moralista sa mga lalaki, gayundin ang patuloy na pagtataas ng mga ito sa katayuan ng mga lalaki. Ang mga ideya at pananaw na ito ay hindi lamang nagsasailalim sa mga lalaki sa lahat ng uri ng gulo, pagkayamot, at dalamhati, ngunit nagiging mga tanikala din ang mga ito sa loob ng kanilang isipan, na nagiging dahilan para lalong maging mahirap ang kanilang posisyon, sitwasyon at mga pakikipagharap sa lipunan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). “Kung nais mong makalaya sa mga gapos na ito, dapat mong hanapin ang katotohanan, ganap na unawain ang diwa ng mga ideyang ito, at huwag kumilos sa ilalim ng impluwensya o kontrol ng mga ideyang ito ng tradisyonal na kultura. Dapat mong tuluyang abandonahin ang mga ito at maghimagsik ka laban sa mga ito, at huwag nang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos alinsunod sa mga ideya at pananaw ng tradisyonal na kultura, o gumawa ng anumang panghuhusga at pagpapasya batay sa tradisyonal na kultura; sa halip, tingnan ang mga tao at bagay, umasal at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Sa ganitong paraan, tatahak ka sa tamang landas, at magiging isang tunay na nilikha na sinang-ayunan ng Diyos. Kung hindi, makokontrol ka pa rin ni Satanas, at patuloy kang mamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at hindi mo magagawang mamuhay sa mga salita ng Diyos: Ito ang mga katunayan ng usapin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga responsabilidad at ang posisyon sa lipunan na itinalaga sa mga lalaki ay paraan ni Satanas para siluin sila, dahilan kaya iniisip nilang dapat nilang suportahan ang pamilya nila sa anumang oras dahil ito ang kanilang responsabilidad. Halimbawa na ang aking ama na isang guro. Mula pagkabata, ikinintal niya ang mga ideyang ito sa akin, sinabi sa akin na ako ang magiging haligi ng pamilya at kailangan kong suportahan ang lahat sa pamilya. Pinagawa niya rin ako ng mga gawaing-bahay para matutunan ko ang responsabilidad ng isang lalaki. Matapos makapag-asawa, ginawa kong prayoridad ang mga responsabilidad ko bilang ama ng aming pamilya. Para masiguro ang magandang kalidad ng buhay para sa pamilya ko at matulungan ang anak kong lalaki na makapagsimula, nagtrabaho ako nang lampas-lampas sa oras para kumita ng pera at matupad ang responsabilidad ko bilang isang ama. Lahat ng malalaking desisyon ay dumadaan sa akin, at kahit gaano pa ako kapagod o gaano kahirap ang sitwasyon, palagi kong ginagawa ang dapat kong gawin nang walang pagkukuwestiyon. Dahil naimpluwensiyahan ako ng mga tradisyonal na kaisipan, kapag may tunggalian sa pagitan ng aking pamilya at ng aking tungkulin, parati kong inuuna ang pamilya ko. Tinanggihan ko ang mga tungkulin para kumita ng mas maraming perang maiipon para sa aking anak na lalaki. Kahit bilang isang lider ng iglesia, hinati ko ang oras ko sa pagitan ng tungkulin ko at ng pamilya ko, at hindi ko naigugol nang buo sa aking tungkulin ang aking sarili. Kinalaunan, nang magkaroon ako ng pagkakataon na maitaas ng ranggo, nilabanan ko ito at tinanggihan. Ngayon napagtanto ko na na ang tradisyonal na kultura na ikinintal sa atin ni Satanas ay salungat sa Diyos. Ginagawa nito ang mga tao na mapalayo sa Diyos, ipagkanulo Siya at sa huli ay maharap sa pagkalipol, gaya ni Satanas. Nang mapagtanto ko na ginamit ni Satanas ang tradisyonal na kultura para gawin akong tiwali, ginusto kong baguhin ang mga gawi ko at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos.

Nang gabing iyon, habang nagdedebosyonal ako, nakita ko ang siping ito: “Bilang isang taong sumasampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan at kaligtasan, ang natitirang enerhiya at oras sa buhay mo ay dapat igugol sa pagganap ng iyong tungkulin at sa anumang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos; hindi ka dapat gumugol ng anumang oras sa iyong mga anak. Hindi pag-aari ng iyong mga anak ang buhay mo, at hindi ito dapat gamitin para sa kanilang buhay o pananatiling buhay, o para tugunan ang iyong mga ekspektasyon sa kanila. Sa halip, dapat itong ilaan sa tungkulin at sa ipinagkatiwalang gampanin ng Diyos sa iyo, pati na rin sa misyon na dapat mong tuparin bilang isang nilikha. Dito nakasalalay ang halaga at kabuluhan ng iyong buhay. Kung handa kang mawalan ng iyong sariling dignidad at maging alipin ng iyong mga anak, na mag-alala para sa kanila, at gawin ang lahat para sa kanila upang matugunan ang mga sarili mong ekspektasyon sa kanila, walang kabuluhan at walang halaga ang lahat ng ito, at hindi ito gugunitain. Kung magpapatuloy kang gawin ito at hindi mo bibitiwan ang mga ideya at kilos na ito, nangangahulugan lamang ito na hindi ka isang taong naghahangad sa katotohanan, na hindi ka isang kuwalipikadong nilikha, at na labis kang mapaghimagsik. Hindi mo iniingatan ang buhay o ang oras na ibinigay sa iyo ng Diyos. Kung ang buhay at oras mo ay iginugugol lamang para sa iyong laman at mga damdamin, at hindi para sa tungkuling ibinigay sa iyo ng Diyos, ang buhay mo ay walang kabuluhan at walang saysay. Hindi ka karapat-dapat mabuhay, hindi ka karapat-dapat magtamasa ng buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat magtamasa ng lahat ng ibinigay sa iyo ng Diyos. Binigyan ka ng Diyos ng mga anak para lang matamasa mo ang proseso ng pagpapalaki sa kanila, para magkamit ka ng karanasan at kaalaman sa buhay mula rito bilang isang magulang, para iparanas sa iyo ang isang bagay na espesyal at pambihira sa buhay ng tao, at pagkatapos, para hayaan ang iyong mga anak na dumami…. Siyempre, ito rin ay upang tuparin ang responsabilidad ng isang nilikha bilang isang magulang. Ito ang responsabilidad na inorden ng Diyos na tuparin mo tungo sa susunod na henerasyon, pati na rin ang papel na ginagampanan mo bilang magulang para sa susunod na henerasyon. Sa isang aspekto, ito ay ang pagdaanan ang pambihirang prosesong ito ng pagpapalaki ng mga anak, at sa isa pang aspekto, ito ay ang pagganap ng papel sa pagpaparami ng susunod na henerasyon. Sa sandaling matupad na ang obligasyong ito, at nasa hustong gulang na ang iyong mga anak, kung sila ba ay magtatagumpay nang husto o mananatiling payak, ordinaryo, at simpleng indibidwal, wala itong kinalaman sa iyo, dahil hindi ikaw ang nagtatakda ng kanilang tadhana, at hindi mo rin ito sariling pasya, at lalong hindi ikaw ang nagbigay sa kanila ng kanilang tadhana—ito ay inorden ng Diyos. Dahil ito ay inorden ng Diyos, hindi ka dapat makialam o makisali sa kanilang buhay o pananatiling buhay. Ang kanilang mga gawi, pang-araw-araw na gawain, at saloobin sa buhay, anuman ang mga estratehiya nila para manatiling buhay, anuman ang pananaw nila sa buhay, anuman ang saloobin nila sa mundo—ang mga ito ay sarili nilang mga pagpapasya, at hindi mo na problema ang mga ito. Wala kang obligasyon na ituwid sila o pasanin ang anumang paghihirap alang-alang sa kanila para lang matiyak na masaya sila araw-araw. Ang lahat ng ito ay hindi kinakailangan. … Kaya, ang pinakamakatwirang saloobin para sa mga magulang pagkatapos lumaki ang kanilang mga anak ay ang matutong bumitiw, ang hayaan ang mga ito na maranasan ang buhay nang mag-isa, ang hayaan ang mga ito na mamuhay nang nakapagsasarili, at na harapin, pangasiwaan, at lutasin ang iba’t ibang hamon sa buhay nang mag-isa. Kung hihingi sila ng tulong sa iyo at mayroon kang kakayahan at mga angkop na kalagayan para tulungan sila, siyempre, pwede mo silang tulungan at bigyan ng kinakailangang suporta. Gayunpaman, kinakailangan dito na anuman ang tulong na ibigay mo, ito man ay pinansiyal o sikolohikal, dapat ay pansamantalang tulong lamang ito, at hindi nito mababago ang anumang malalaking isyu. Kailangan nilang tahakin ang sarili nilang landas sa buhay, at wala kang obligasyon na pasanin ang anuman sa kanilang mga gawain o kahihinatnan. Ito dapat ang saloobin ng mga magulang pagdating sa kanilang mga anak na nasa hustong gulang na(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19). Ipinaliwanag ng mga salita ng Diyos kung paano dapat tingnan ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad. Kapag bata pa ang ating mga anak, may responsabilidad tayong palakihin sila nang maayos. Pero sa oras na malaki na sila, dapat na hayaan natin silang gumawa ng mga bagay nang mag-isa, at ibuhos ang oras natin sa paggawa ng ating mga tungkulin bilang mga nilikha. Kung ibubuhos natin sa ating mga anak at pamilya ang lahat ng oras at lakas natin, maiwawala natin ang kahulugan ng pananalig at hindi tayo magiging karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos. Binigyan ako ng Diyos ng isang pamilya at mga anak upang magkaroon ako ng karanasan sa buhay sa proseso ng pagpapalaki sa mga anak ko. Kasali rito ang responsabilidad ko na palakihin ang mga bata at pati na rin ang aking gampanin sa pagtiyak ng pagpapatuloy ng lipi. Kung maayos kong pinalaki ang mga anak ko, natupad ko na ang aking responsabilidad. Bukod dito, ang kapalaran ng aking mga anak ay nasa mga kamay ng Diyos. Gaano mang materyal na bagay o kayamanan ang ihanda ko para sa mga anak ko, hindi ko mababago ang kanilang kapalaran. May mga magulang na nagpapalaki ng mga anak pero hindi nila kayang tumulong sa pagsisimula ng mga ito ng pamilya at trabaho, pero nagiging maayos pa rin naman ang mga anak. Sa kabaligtaran naman, may mga magulang na nagtatrabaho nang maigi para kumita ng pera para matulungan ang mga anak nilang makapagsimula, pero hindi pa rin nangyayari ang hiniling nila. Kagaya ko, halimbawa na, hindi ako iniwanan ng bahay o pera ng tatay ko, pero nagawa ko pa ring makapag-asawa. Wala rin akong ibinigay na maraming pera o ari-arian sa aking anak na lalaki, pero nakapagtapos pa rin siya, nakapagtrabaho at kumikita ng pera para alagaan ang sarili niya. Maaaring may sakit ang anak kong babae, pero nasa mga kamay ng Diyos ang kinabukasan niya at wala akong tunay na kontrol doon. Marami na akong responsabilidad ngayon bilang isang lider ng iglesia, pero marami pa rin akong mga kakulangan at marami pang katotohanang prinsipyo na dapat kong matutunan. Kaya kailangan kong maglaan ng mas maraming oras sa aking tungkulin, umasa sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa mga bahaging hindi ko nauunawaan, at mas makipagbahaginan sa aking kapartner na brother upang magawa ko nang maayos ang aking tungkulin. Noong binabalanse ko pa ang aking oras sa pagitan ng pamilya ko at ng tungkulin ko, iba’t ibang pampamilyang bagay ang kumakain ng maraming panahon at lakas ko. Ngayong umalis na ako sa bahay para gawin ang aking tungkulin, nangangasiwa ako sa ilang iglesia at nalantad ako sa maraming tao at sitwasyon—ang lahat ng ito ay magagandang pagkakataon para makamit ang katotohanan. Kung hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon para makamit ang katotohanan mula sa mga sitwasyong ito, baka hindi na uli ako magkaroon ng isa pang tsansa. Napakarami kong dapat gawin ngayon sa bawat araw. Kapag hindi ko maunawaan ang isang bagay, nananalangin ako sa Diyos, naghahanap at nakikipagbahaginan. Sa ganitong uri ng kapaligiran, marami akong pagkakataon para makalapit sa Diyos. Nakakaramdam ako ng kapayapaan at kaginhawaan at hindi na ako nag-aalala para sa aking mga anak. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pagkakataong magampanan ko ang tungkulin na ito.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

Ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin para maunawaan na hindi ko mabatid ang tinig ng Diyos dahil ako ay masyadong arogante, masyadong rebelde, at masyadong mapagmataas, masyadong madaling matukso para makinig nang mabuti at tumango bilang pagsang-ayon sa mga nasa posisyon at estado, habang minamaliit ko ang mga walang posisyon at estado, kung kaya’t kahit na sinabi nila ang katotohanan, hindi ko ito naririnig.