Ang Nakamit Ko Mula sa Pagiging Natabasan at Naiwasto
Nagsimula akong pangasiwaan ang paggawa ng video noong Nobyembre 2018. Masyado akong tensyonado araw-araw dahil sa dami ng gawain. Naging abala ako sa paglulutas ng lahat ng uri ng problema at pagsusubaybay sa gawain ng iba. Hindi ako makapagpahinga. Pagkalipas ng maikling panahon, madalas na nagbibigay ng payo si Sister Liu tungkol sa mga video namin, at sinasabi na ang mga problemang ito ay dahil sa kulang kami sa pagsisikap. Talagang tutol ako nang makita ko ang mga mensaheng ito mula sa kanya. Ginagawa na namin ang aming makakaya para mabawasan ang mga pagkakamali, at ang magtamo nang ganoon karami sa gawain ay mabuti na rin naman. Hindi ba’t pinapatagal lang niya ang proseso sa paghahanap ng mali sa maliliit na bagay? Hindi ko kailanman isinapuso ang mga mungkahi niya, sa pag-aakalang gumagawa lang siya ng kaguluhan nang walang dahilan at inaantala ang aming gawain. Isang araw, nakipagkita ako kay Sister Liu para makipag-usap. Isinama ko ang ilang prinsipyo para magbahagi kung paano nakakaapekto ang kanyang paghahanap ng mga mali sa pag-usad ng gawain namin. Nagulat ako nang pagkatapos magbahagi, sinabi niya sa marahas na tono, “Isang aspeto ‘yan ng prinsipyo ng usapin. Pero hayaan mong ipaalala ko sa iyo— huwag mong isipin na ang mga prinsipyo ay palusot para sa pabaya at iresponsableng pag-uugali sa iyong tungkulin. Magkaibang bagay ang dalawang ito. Huwag kang malito.” Nang marinig ko ang sinabi niya, bagamat wala akong sinabing anuman, naisaloob ko ito. Naisip ko, “Ibig mo bang sabihin, pabaya at iresponsable ako sa tungkulin ko? Halatang naghahanap ka ng mali at pinapabagal ang mga bagay, pero pinipintasan mo pa rin ako! Ano ba ang meron sa maliliit na problema? Hindi ito makakaapekto sa kalidad ng mga video, at medyo maganda na ang nagawa namin. Hindi mo alam kung gaano karami ang trabaho namin, pero pinupuna mo lang ang maliliit na isyu at tapos lalapit ka sa akin nang ganito. Napakayabang mo!” Pagkatapos nun, ayaw ko nang makipag-ugnayan kay Sister Liu. Hangga’t isa itong isyu na tinukoy niya, nagpapahayag ako ng pagkontra, at nasasangkot ang emosyon ko kapag nilulutas ang mga isyu.
Halos bawat kalahating buwan pagkatapos nito, naghahanda si Sister Liu ng buod ng pagsusuri para sa amin tungkol sa mga isyu sa trabaho. Minsan, ibinahagi pa niya ang pagsusuring ito sa lider. Nang marinig ko ito, galit na galit ako. Nagkamali kami, pero sa napakaraming trabaho bawat buwan, hindi ba normal na may maliliit na bagay na hindi magawa nang tama? Kailangan ba talagang sabihin sa lider? Nahuhumaling ka sa maliliit na bagay, masyadong mataas ang mga pamantayan mo. Tinatrato mo ba kaming mga kapatid na parang makina? Hindi ba kami pwedeng magkamali? Habang mas iniisip ko ‘to, mas lalo akong naiinis. Nang dumating ang lider para kausapin ako, direkta kong itinuro si Sister Liu, sinabing napakayabang niya. Wala siyang kamalayan sa sarili, kundi tinutukoy lang niya ang mga problema namin. Nakita ng lider na wala akong kamalayan sa sarili, at nakipagbahaginan na kailangan kong tratuhin nang tama si Sister Liu. Sinabihan niya akong magnilay sa sarili at matuto ng leksyon. Pero hindi ko pinansin ang sinabi ng lider. Ipinagpaliban ko ang paglutas sa mga isyung binanggit ni Sister Liu sa kanyang pagsusuri, at hindi ako nagsikap na pag-isipan kung paano maiiwasan ang mga katulad na isyu sa hinaharap. Alam mo ba noong panahong ‘yon na wala ka sa mabuting kalagayan? Hindi ko gaanong namalayan, at hinanap ko ang Diyos sa panalangin, hinihiling sa Kanya na pangunahan ako para matutuhan ang aral ko at magkaroon ng kamalayan sa sarili sa usaping ito.
Sa aking mga debosyonal isang araw, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos na nakatulong sa aking magkamit ng kaunting kamalayan sa kalagayan ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag pinag-uusapan ng mga tao ang tama at mali, sinusubukan nilang linawin kung tama ba o mali ang bawat isang bagay, hindi sila tumitigil hangga’t hindi nalilinaw ang usapin at naunawaan na kung sino ang tama at kung sino ang mali, nakapako ang kanilang mga isip sa gayong mga bagay, nakapako ang isip sa mga bagay na wala namang kasagutan: Ano ba talaga ang silbi ng pagkilos nang ganito? Tama ba talagang pag-usapan ang tama at mali? (Hindi.) Nasaan ang pagkakamali? May koneksyon ba sa pagitan nito at ng pagsasagawa ng katotohanan? (Walang koneksyon.) Bakit mo nasasabing walang koneksyon? Ang pagtalakay sa tama at mali ay hindi pagsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan, hindi ito pagtalakay o pagbabahagi sa mga prinsipyo ng katotohanan; sa halip, lagi na lang pinag-uusapan ng mga tao kung sino ang tama at kung sino ang mali, kung sino ang nakagawa ng tama at kung sino ang nagkamali, kung sino ang nasa katwiran at kung sino ang hindi, kung sino ang may matinong katwiran, at kung sino ang wala, at kung sino ang mas tamang pakinggan; ito ang sinusuri nila. Kapag sinusubok ng Diyos ang mga tao, lagi nilang sinusubukang mangatwiran sa Diyos, lagi na lang silang nakakaisip ng ipapalusot. Tinatalakay ba ng Diyos ang gayong mga bagay sa iyo? Tinatanong ba ng Diyos kung ano ang konteksto? Tinatanong ba ng Diyos ang mga dahilan at sanhing itinuro mo? Hindi Niya itinatanong. Ang tinatanong ng Diyos ay kung nagkaroon ka ba ng saloobin ng pagsunod o paglaban nang subukin ka Niya. Tinatanong ng Diyos kung naunawaan mo ba o hindi ang katotohanan, kung naging masunurin ka ba o hindi. Ito lamang ang tinatanong ng Diyos, at wala nang iba. Hindi tinatanong sa iyo ng Diyos kung ano ang dahilan ng hindi mo pagsunod, hindi Niya tinitingnan kung may maganda ka bang rason—talagang hindi Niya isinasaalang-alang ang gayong mga bagay. Tinitingnan lang ng Diyos kung naging masunurin ka ba o hindi. Kahit ano pa ang kapaligirang tinitirhan mo at kung ano ang konteksto, ang masusing sinisiyasat lang ng Diyos ay kung may pagsunod ba sa iyong puso, kung mayroon ka bang saloobin ng pagsunod; hindi nakikipagdebate sa iyo ang Diyos sa kung ano ang tama at mali, walang pakialam ang Diyos sa kung ano ang mga dahilan mo, ang mahalaga lamang sa Diyos ay kung tunay kang masunurin, ito lamang ang hinihingi sa iyo ng Diyos. Ang uri ng mga taong salita nang salita tungkol sa tama at mali, na gustung-gustong nakikipagpalitan ng maiinit na salita—may mga prinsipyo ba ng katotohanan sa kanilang mga puso? (Wala.) Bakit wala? Kahit kailan ba ay pinagtuunan nila ng pansin ang mga prinsipyo ng katotohanan? Kahit kailan ba ay nagsumikap sila para sa mga ito? Hinanap man lang ba nila ang mga ito? Hindi nila kailanman pinagtuunan ng pansin ang mga ito, o pinagsumikapan ang mga ito o hinanap ang mga ito, at lubhang wala ang mga ito sa kanilang mga puso. Bunga nito, nakakapamuhay lamang sila sa kung ano ang tama at mali, ang pawang laman ng kanilang mga puso ay tama at mali, matuwid at di-matuwid, mga palusot, mga dahilan, mga pangangatwiran, mga argumento, at pagkaraan naman nito ay babatikusin, paparatangan, at kokondenahin nila ang isa’t isa. Ang disposisyon ng mga taong kagaya nito ay na gusto nilang pinagdedebatihan ang tama at mali, gusto nilang pinaparatangan at kinokondena ang mga tao. Ang mga taong kagaya nito ay walang pagmamahal o pagtanggap sa katotohanan, malamang na subukan nilang mangatwiran sa Diyos, at gumawa pa ng mga panghuhusga tungkol sa Diyos at lumaban sa Diyos. Sa huli, mapaparusahan sila” (Ang Salita, Vol. IV. Mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Mula sa paghahayag ng Diyos, nakita ko na ang mga taong laging nagsasalita tungkol sa tama at mali sa isang sitwasyon ay sinisiyasat muna ito nang maigi: kung sino ang tama, sino ang mali, sino ang may katwiran sa kanilang panig. Kung kaya nilang magsalita nang paliguy-ligoy na napapaligiran ng iba, nagsisimula silang igiit ang kanilang paniniwala, itinutuon nila ang kanilang tingin sa iba, nagiging masuwayin, sumasalungat, at umaatake pa sa iba nang hindi hinahanap ang katotohanan o pinagninilayan ang kanilang sariling mga isyu. Hindi sila nagpapasakop sa mga sitwasyong inilalatag ng Diyos para sa kanila. Naisip ko kung paano ako kumilos nang ganito. Nang tinukoy ni Sister Liu ang ilang problema sa gawain namin, alam kong umiiral ang mga problemang ito, pero nakahanap ako ng mga palusot at dahilan para pangatwiranan ang sarili ko, iniisip na mabuti naman ang pagganap namin sa trabaho kung ikokonsidera ang dami nito, at hindi maiiwasan ang maliliit na problema. Sinubukan ko pang pabulaanan siya gamit ang mga prinsipyo para pigilan siyang tukuyin ang mga problema, iniisip na masyadong mataas ang kanyang mga inaasahan, at na maliliit lang ang mga problema at hindi mahalaga kahit na hindi ito malutas. Nang punahin ako ni Sister Liu sa pagiging pabaya at iresponsable, hindi ko lamang ito hindi tinanggap mula sa Diyos, kundi nagkaroon pa ako ng pagkiling laban sa kanya at inisip na naghahanap siya ng mali. Nang magsalita siya nang mahigpit at nasaktan ng mga salita niya ang pagpapahalaga ko sa sarili, binansagan ko ang kanyang disposisyon na mayabang, at hinusgahan ko pa siya sa harap ng lider, nagpapakana para mahikayat ang lider na pumanig sa’kin at pagmukhain siyang masama. Nang tulungan ako ng lider, tumanggi akong makinig. Hindi ko tinatanggap ang mga sitwasyong mula sa Diyos o pinagninilayan ang sarili kong mga problema. Sa halip, gumawa ako ng mga pangangatwiran, dahilan, at nakipagtalo kung sino ang tama at mali. Ang ipinakita ko lang ay pagkamainitin ng ulo, walang kahit katiting na saloobin ng pagsunod. Paano ko matatawag ang sarili ko na isang mananampalataya? Kumikilos akong parang isang walang pananampalataya.
Pagkatapos, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na mas maunawaan pa ang kalooban ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “May sangkot na paghahanap ng katotohanan at pagsasagawa ng katotohanan ang paggawa ng anumang bagay. At hangga’t may kinalaman sa katotohanan ang isang bagay, may kinalaman ito sa pagkatao ng mga tao at sa kanilang saloobin. Madalas, kapag gumagawa ang mga tao ng mga bagay-bagay sa isang di-maprinsipyong paraan, ito ay dahil hindi nila nauunawaan ang mga prinsipyo sa likod ng mga ito. Pero kadalasan, hindi lamang sa hindi nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo, kundi hindi rin nila nais na unawain ang mga ito. Bagama’t maaaring may kaunti silang nalalaman tungkol sa mga ito, ayaw pa rin nilang gawin nang mabuti ang kanilang gampanin; wala ang pamantayang ito sa kanilang puso, at wala rin ang kinakailangang ito. Kaya napakahirap para sa kanila na gawin nang maayos ang mga bagay-bagay, napakahirap para sa kanila na gawin ang mga bagay-bagay sa paraang naaayon sa katotohanan at nakalulugod sa Diyos. Ang susi sa kung nagagampanan ba ng mga tao ang kanilang tungkulin nang katanggap-tanggap ay nakadepende sa kung ano ang hinahanap nila at kung minamahal ba nila o hindi ang mga positibong bagay. Kung inaayawan ng mga tao ang mga positibong bagay, hindi madali para sa kanila na tanggapin ang katotohanan—na napakalaking problema; kahit na gumaganap sila ng tungkulin, gumagawa lamang sila ng serbisyo. Nauunawaan mo man o hindi ang katotohanan, at naiintindihan mo man o hindi ang prinsipyo, kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin nang may konsensya, kahit papaano ay magkakamit ka ng mga katamtamang resulta. Ito lamang ang pwede. Kung pagkatapos ay nagagawa mo nang hanapin ang katotohanan at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, magagawa mo na nang husto ang hinihingi ng Diyos at matutupad ang kalooban ng Diyos. Ano ang hinihingi ng Diyos? (Na ibuhos natin ang ating buong puso at lakas para matapos ang ating tungkulin.) Paano bibigyang kahulugan ang ‘ibuhos ang iyong buong puso at lakas’? Kung inilalaan ng mga tao ang kanilang buong isip sa pagganap sa kanilang tungkulin, ibinubuhos nila ang kanilang buong puso. Kung ginagamit nila ang bawat bugso ng lakas na mayroon sila kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, ibinubuhos nila ang kanilang buong lakas. Madali bang ibuhos ang iyong buong puso at lakas? Hindi ito madaling makamit kung walang konsensya at pag-unawa. Kung walang puso ang mga tao, kung wala silang talino at wala silang kakayahang magnilay-nilay, at kung, kapag nahaharap sila sa isang isyu, hindi nila hinahanap ang katotohanan, at walang mga paraan o diskarte, maibubuhos ba nila ang kanilang buong puso? Tiyak na hindi” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaki ang Pakinabang sa Plano ng Pamamahala ng Diyos). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang kalooban Niya. Hindi hinihingi ng Diyos na matamo ng mga tao ang pagiging perpekto sa kanilang mga tungkulin, bagkus tinitingnan Niya kung nagsisikap silang gawin ang kanilang makakaya, at kung may saloobin silang magsikap na bumuti sa kanilang tungkulin. Sinusuri ng Diyos ang puso ng mga tao. Pinagnilayan ko ang saloobin ko sa tungkulin ko kumpara sa mga salita ng Diyos. Palagi kong nararamdaman na napakarami kong trabaho, na may maraming bagay na dapat ikonsidera at asikasuhin, at na normal lang na lumitaw ang maliliit na problema sa trabaho. Minsan kahit alam kong maiiwasan ang mga problemang ‘yon, ayaw kong magsikap na mapabuti ang mga bagay, na humantong sa mga problema na tumatagal at hindi nalulutas. Pero ang totoo, hindi hinihingi ng Diyos na hinding-hindi ako magkamali sa tungkulin ko. Kinasusuklaman lang Niya ang pabaya at iresponsable kong ugali. Tinutukoy ni Sister Liu ang problema para mabigyang-pansin ko ito, tinutulungan akong ayusin ito sa tamang oras at gawin ang tungkulin ko nang maayos. Sa sandaling napagtanto ko ito, medyo bumuti ang kalagayan ko. Pagkatapos nun, nakipagbahaginan ako at nagbuod kasama ang iba, at nag-isip kung paano magbago. Sa sumunod na may tumukoy sa isang problema, hindi na ako gaanong tutol at pabasta-basta tungkol dito, bagkus nilutas ko ito kasama ng lahat.
Pinagnilayan ko rin ang sarili ko. Bakit ako tutol na tutol sa mga mungkahi ni Sister Liu? Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkamit ako ng kaunting kamalayan sa sarili. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang karaniwang pag-uugali ng mga anticristo sa pagwawasto at pagtatabas ay masidhing tanggihang tanggapin o aminin iyon. Gaano man karaming kasamaan ang ginagawa nila o gaano mang pinsala ang ginagawa nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa pagpasok sa buhay ng hinirang na mga tao ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ni katiting na pagsisisi o na may pagkakautang silang ano man. Mula sa pananaw na ito, mayroon bang pagkatao ang mga anticristo? Talagang wala. Nagdudulot sila ng samu’t saring pinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos at nagdadala ng matinding pinsala sa gawain ng iglesia—kitang-kita itong maliwanag pa sa sikat ng araw ng hinirang na mga tao ng Diyos, at nakikita nila ang sunod-sunod na masasamang gawa ng mga anticristo. At gayunpaman hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang katunayang ito; nagmamatigas silang tumatangging aminin na mali sila o na sila ang may pananagutan. Hindi ba ito indikasyon na sawang-sawa na sila sa katotohanan? Ganoon na lamang katindi ang pagkayamot ng mga anticristo sa katotohanan. Gaano man karaming kasamaan ang gawin nila, tumatanggi silang aminin ito, at nananatili silang hindi nagpapasakop hanggang sa huli. Pinatutunayan nito na hindi kailanman sineseryoso ng mga anticristo ang gawain ng sambahayan ng Diyos o tinatanggap ang katotohanan. Hindi nila nagawang maniwala sa Diyos; mga kampon sila ni Satanas, na naparito para gambalain at guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Reputasyon at katayuan lamang ang laman ng puso ng mga anticristo. Naniniwala sila na kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali, kakailanganin nilang managot, at kung magkagayon, lubhang makokompromiso ang kanilang katayuan at reputasyon. Bilang resulta, lumalaban sila nang may saloobin ng ‘magkaila hanggang mamatay.’ Anumang mga paghahayag o pagsusuri ang ginagawa ng mga tao, ginagawa nila ang makakaya nila upang itanggi ang mga ito. Kung sinasadya man o hindi ang kanilang pagtanggi, sa madaling salita, sa isang banda, inilalantad nito ang kalikasan at diwa ng mga anticristo na nayayamot at namumuhi sa katotohanan. Sa isa pang banda, ipinapakita nito kung gaano pinahahalagahan ng mga anticristo ang kanilang sariling katayuan, reputasyon, at mga interes. Samantala, ano ang kanilang saloobin ukol sa gawain at mga interes ng iglesia? Pagkutya at pagtanggi sa responsibilidad. Walang-wala silang konsensya at katwiran. Ipinapakita ba ng pag-iwas ng mga anticristo sa responsibilidad ang mga problemang ito? Sa isang banda, ang pag-iwas sa responsibilidad ay pinatutunayan ang kanilang diwa at kalikasan na nayayamot at napopoot sa katotohanan, habang sa isa pang banda, ipinapakita nito ang kawalan nila ng konsensya, katwiran, at pagkatao. Gaano man napipinsala ng kanilang pangingialam at masasamang gawain ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, hindi sila nakadarama ng paninisi sa sarili at hindi kailanman naliligalig nito. Anong uri ng nilalang ito? Kahit ang pag-amin sa bahagi ng kanilang pagkakamali ay maituturing bilang pagkakaroon nila ng kaunting konsensya at katinuan, ngunit wala ni katiting na ganoong pagkatao ang mga anticristo. Kaya ano sila sa palagay ninyo? Ang diwa ng mga anticristo ay ang diyablo” (Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)). Nagnilay ako pagkatapos ikumpara ang sarili ko sa mga salita ng Diyos. Malinaw na pabaya ako sa tungkulin ko, at maraming pagkalingat at problema, pero hindi ako nakonsensya o nagsisi. Kapag nahaharap sa pagtatabas, pagwawasto, at pagpapaalala, hindi ko ito tinatanggap. Palagi akong nakakahanap ng mga dahilan para pangatwiranan ang sarili ko at balewalain ito. Hindi ako handang aminin ang sarili kong mga pagkakamali. Akala ko na sa pag-amin ng mga pagkakamali, magmumukha akong masama, at mapipinsala ang reputasyon, katayuan, at imahe ko, na dahilan para maliitin ako ng iba. Lubos akong hindi makatwiran. Ibinubunyag ko ang isang disposisyon ng pagkayamot sa katotohanan. Binigyan ako ng mga mungkahi ng iba para tulungan akong makita ang mga paraang nagkulang ako sa tungkulin ko, para maituwid ko ang mga problema sa tamang oras at magawa nang mas mabuti ang tungkulin ko. Pero hindi ko ito kailanman tinanggap mula sa Diyos, ni hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Kaya, hindi kailanman nalutas ang isyu ng pagiging pabaya sa tungkulin ko, at hindi ko kailanman tinupad ang tungkulin ko bilang superbisor, dahilan para maging pabaya ang iba sa kanilang tungkulin at magkamali rin. Sa puntong ito, nakita ko sa wakas na ang hindi paglutas sa satanikong disposisyong ito ng pagkayamot sa katotohanan ay ginawang mahirap para sa’kin na tanggapin ang katotohanan at mga mungkahi ng iba. Kung patuloy akong hindi magsisi o lutasin ang tiwaling disposisyong ito, dadami ang mga problema at kahinaan sa tungkulin ko, at sa huli ay gagawa ako ng kasamaan, kokontrahin ang Diyos at kasusuklaman at palalayasin Niya. Nakababahala talaga para sa’kin ang mapagtanto ito, at nanalangin ako sa Diyos sa pagsisisi, handang isagawa ang katotohanan sa tungkulin ko mula noon, at hindi na mamuhay sa katiwalian.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas para malutas ang disposisyon ng pagkayamot sa katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kung, kapag hindi mo nauunawaan ang isang katotohanan, may nagbibigay sa iyo ng suhestiyon, at sinasabi sa iyo kung paano kumilos ayon sa katotohanan, ang unang bagay na dapat mong gawin ay tanggapin ito, at hilingin sa lahat sa sama-samang magbahaginan, para makita kung ito ang tamang landas, kung alinsunod ba ito sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kung natiyak mo na alinsunod ito sa katotohanan, magsagawa ka sa ganitong paraan; kung natiyak mo na hindi, huwag mo itong isagawa. Ganoon lang iyon kasimple. Dapat mong hanapin ang katotohanan mula sa maraming tao, pinapakinggan kung ano ang sasabihin ng lahat at sineseryoso ang lahat ng ito; huwag kang magbingi-bingihan o balewalain ang mga tao. Kasama ito sa iyong tungkulin, kaya dapat mo itong seryosohin. Ito ang tamang saloobin at kalagayan. Kapag tama ang kalagayan mo, hindi ka na magpapakita ng isang disposisyon ng pagkasawa at pagkapoot sa katotohanan; pinapalitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan ang iyong tiwaling disposisyon, at ito ay pagsasagawa ng katotohanan. At ano naman ang epekto ng pagsasagawa ng katotohanan sa ganitong paraan? (Nagkakaroon ng patnubay ng Banal na Espiritu.) Ang pagkakaroon ng patnubay ng Banal na Espiritu ay isang aspeto. Kung minsan, napakadali ng bagay na ito, at matatamo sa pamamagitan ng paggamit ng sarili mong talino; sa sandaling nagbigay ng mga suhestiyon sa iyo ang mga tao at naunawaan mo, ayusin mo ang mga bagay-bagay at magpatuloy ka lamang ayon sa prinsipyo. Para sa mga tao, maaaring tila wala itong halaga, pero sa paningin ng Diyos, malaking bagay ito. Bakit Ko ito sinasabi? Kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, nakikita ng Diyos na nagagawa mong isagawa ang katotohanan, na isa kang taong nagmamahal sa katotohanan, hindi isang taong sawa na sa katotohanan, at gayundin habang tinitingnan ang puso mo, nakikita rin ng Diyos ang iyong disposisyon. Malaking bagay ito. At kapag gumaganap ka ng tungkulin at gumagawa ng mga bagay-bagay sa harap ng Diyos, ang naisasabuhay at naipapakita mo ay ang realidad ng katotohanan na marapat masumpungan sa mga tao; sa harap ng Diyos, ang iyong saloobin, mga iniisip, at kalagayan sa lahat ng ginagawa mo ay napakahalaga talaga, ang mga ito ang masusing sinisiyasat ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Kapag binibigyan ako ng mga mungkahi o tinutukoy ng mga kapatid ang mga problema ko, dapat muna akong magkaroon ng saloobin ng pagtanggap at pagsunod. Kapag hindi ko alam kung paano ito isakatuparan, hindi ko ito dapat kasuklaman o kontrahin, kundi dapat ko muna itong tanggapin, tapos makipagbahaginan sa isang taong nakakaunawa sa katotohanan, at pagkatapos ay isagawa ito kapag naintindihan ko na ang mga prinsipyo. Ito ay pagsasakatuparan ng tungkulin ko ayon sa kalooban ng Diyos. Naisip ko kung paanong kapag napapansin at tinutukoy ng iba ang mga problema o pagkukulang sa gawain ko, kapag binibigyan nila ako ng mga mungkahi at iwinawasto ako, lahat ito ay pagiging responsable nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi ako pinupuntirya o pinapahirapan. Dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos at maging masunurin at tumatanggap, pinagninilayan ang mga problema ko, at binabago at inaayos ang mga ito sa tamang oras. Iyan lang ang paraan para bumuti ang gawain ko nang paunti-unti, at maiwasan na makagambala ang aking tiwaling disposisyon sa gawain ng iglesia.
Isang araw, nagpadala si Sister Liu ng mensahe na tumutukoy sa ilang isyu sa mga video namin. Nang makita ko ito, saglit akong kumontra. Tinalakay at nilutas ko na ang mga isyung ito kasama ang iba. Bakit niya muling binabanggit ang mga ito? May gusto akong sabihin para depensahan ang sarili ko, pero nang tumigil ako para pag-isipan ‘to, kung tinukoy niya ito, siguradong mayro’n pa ring mga pagkalingat o pagkukulang sa gawain. Kaya, nagkusa akong tanungin si Sister Liu tungkol dito. Matapos magkaroon ng malalim na pagkaunawa, sa wakas ay natanto ko na tinalakay ko lang ang mga isyung ito sa mga kapatid, pero hindi ko nasubaybayan ang gawain nila sa tamang oras pagkatapos. Napagtanto ko rin na hindi ako nagiging maagap at responsable sa gawain ko, kundi pasibo lang akong naghihintay na tukuyin ng iba ang mga problema bago ito lulutasin. Kaya, nagkusa akong tanungin ang iba kung anong mga problema ang nando’n pa rin sa mga video namin, at nakipagbahaginan at nilutas ang mga ito sa tamang oras. Pagkaraan ng ilang panahon, malinaw na paunti nang paunti ang mga problema, at napayapa at gumaan ang loob ko sa aking tungkulin. Naramdaman ko rin sa puso ko na sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa mga mungkahi ng iba, paghanap sa katotohanan at paglutas ng aking mga problema ko magagawa nang maayos ang aking tungkulin.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.