Paano Ko Iniwan ang Aking Negatibong Damdamin

Oktubre 22, 2024

Ni Daisy, USA

Noong Oktubre 2022, napili ako at si Shelley bilang mga lider ng iglesia. Dahil kasisimula pa lamang namin na magsagawa at hindi pa kami pamilyar sa maraming gampanin, palagi naming pinag-uusapan nang magkasama ang mga bagay-bagay. Pagkalipas ng ilang panahon, nagsimulang magpakita ng ilang resulta ang gawain namin. Mayroong medyo mahusay na kakayahan si Shelley. Tuwing may mga itinatanong ang lider, kaya niyang sumagot kaagad. Maraming beses, kinikilala rin siya ng lider. Bilang resulta, laging inuunang hanapin ng lider ang mga mungkahi ni Shelley sa maraming bagay, samantalang ako ay parang katulad ng isang di-mahalagang tao na nakaupo sa isang tabi. Naisip ko, “May mahusay na kakayahan si Shelley at medyo mataas ang tingin ng lider sa kanya, samantalang ako ay madalas na walang sinasabi sa loob ng mahahabang oras. Marahil nakita ng lider ang kakulangan ko sa abilidad at inisip nito na kaya ko lang gumawa ng ilang pangsuportang gawain.” Medyo nanghina ang loob ko, pero naisip ko na dahil kasisimula ko lang magsagawa at hindi gaanong mahusay ang kakayahan ko, normal para sa akin na hindi magamit sa importanteng gawain. Pinagaan ko ang loob ko at nawala ang pakiramdam ko na iyon.

Kalaunan, nagdagdagan pa ang gawaing kami ang responsable. Kapag nag-aatang ng gawain, tatawagin kaming pareho ng lider. Pero pagdating sa pagpapatupad ng ilang mas mahihirap na gampanin, partikular na hihilingin ng lider kay Shelley na subaybayan ang mga iyon, bihira nitong binabanggit ang pangalan ko. Madalas na magtatapos ang lider sa, “Shelley, puwede ninyong subaybayan ang gampaning ito.” Sa panlabas, nagkunwari akong walang pakialam, pero sa loob ko, magulo ang pakiramdam ko: “Palagi akong hindi pinapansin, hindi ako kilala. Parang hindi talaga ako umiiral sa isip ng lider. Wala akong magagawa; hindi naman kasi kasinggaling ng kay Shelley ang kakayahan ko. Gagawin ko na lang ang makakaya ko.” Kasunod nito, unti-unti akong naging pasibo sa pagsubaybay sa mga gampanin at ayaw kong masangkot masyado sa gawaing si Shelley ang responsable. Kapag dumarating siya para talakayin sa akin ang gawain, walang gana akong sumasagot. Minsan, aktibong tatalakayin ng lahat ang isang problema, at pakiramdam ko ay parang tagalabas ako, halos wala akong sinasabi sa buong hapon. Kung minsan, may ilang ideya ako, pero hindi ako sigurado kung tama ba talaga ang mga iyon. Kung may masabi akong mali, hindi ba’t pagmumukhain ko lang ang sarili ko na estupido? Pagkatapos ko itong pag-isipan, nagpasya akong huwag nang magsalita. Sa ganitong paraan, unti-unti kong naramdaman na may mahina akong kakayahan at walang masyadong silbi, kaya ayaw ko nang maging responsable sa masyadong maraming gawain. Pagkatapos, inilipat ko ang aking tuon sa gawain ng pagdidilig. Noong panahong iyon, kulang ng isang lider ng grupo ng pagdidilig, at naisip ko si Sister Rose, na dating nagkaroon ng ilang resulta sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya. Gayunpaman, iniulat ng mga kapatid na hindi siya nagdala ng pasanin sa kanyang tungkulin at hindi angkop na maging lider ng grupo. Gusto kong talakayin ito kay Shelley, pero nang makita ko kung gaano siya kaabala, hindi ko na ito sinabi sa kanya, sa takot na baka sabihin niyang napakahina ng kakayahan ko dahil hindi ko kayang pangasiwaan maging ang maliit na gampaning ito. Naisip ko, “May mahusay na kakayahan si Rose at kayang magbahagi para lutasin ang ilang problema. Kahit na hindi siya magdala ng isang pasanin ngayon dahil napipigilan siya ng kanyang asawa, sa mas maraming pagsubaybay at pagbabahagi mula sa akin, hindi nito dapat maantala ang gawain.” Kaya, pinili ko si Rose bilang lider ng grupo ng pagdidilig. Pero paglipas ng ilang araw, nalaman kong binitiwan ni Rose ang mga tungkulin niya at umuwi dahil pinipigilan siya ng kanyang asawa. Nang marinig ko ito, parang naparalisa ako, naisip ko na, “Ito na ito. Pinili ko siya. Hindi ba’t ipinapakita nito na wala akong pagkilatis? Nakagawa ako ng mga pagkakamali kahit na mag-isa akong gumagawa ng isang maliit na gampanin; nakakakilabot talaga ito. Kung inantala nito ang pagdidilig sa mga bagong mananampalataya, gagambalain ko ang gawain ng iglesia.” Habang mas lalo ko itong iniisip, mas lalong sumasama ang pakiramdam ko, naniniwalang wala akong kakayahang gawin nang maayos ang kahit na ano. Dahil wala akong kakayahan at pagkilatis, hindi ko makita nang malinaw ang mga bagay, dapat mag-resign na ako kaagad bago pa ako magdulot ng higit na pinsala sa mga kapatid at ng pagkaantala sa gawain ng iglesia. Kaya, nagsulat ako ng aking resignation letter at pinadala ko ito sa lider at kay Shelley. Hindi nagtagal, pinadalhan ako ni Shelley ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang sitwasyon o kapaligiran sa trabaho, nagkakamali ang mga tao paminsan-minsan, at may mga aspekto kung saan nagkukulang ang kanilang mga kakayahan, kabatiran, at perspektiba. Normal lang ito, at kailangan mong matutunan kung paano ito harapin nang tama. Ano’t anuman, kahit ano pa ang pagsasagawa mo, dapat mong harapin ito nang tama at kusa. Huwag manlumo o makaramdam ng pagkanegatibo o pagpipigil kapag nakaranas ng kaunting paghihirap, at huwag masadlak sa mga negatibong emosyon. Hindi kailangan ang lahat ng iyon, huwag nang palakihin ang usaping ito. Ang dapat mong gawin ay agad na pagnilay-nilayan ang iyong sarili, at tukuyin kung may isyu sa iyong mga propesyonal na kasanayan o problema sa iyong mga layunin. Suriin kung mayroong anumang karumihan sa iyong mga kilos o kung ang ilang kuru-kuro ang may kasalanan. Pagnilayan ang lahat ng aspekto. Kung ito ay isang problema ng kawalan ng kahusayan, maaari kang magpatuloy sa pag-aaral, maghanap ng taong tutulong sa iyo na tumuklas ng mga solusyon, o kumonsulta sa mga tao na nasa parehong larangan. Kung may kalakip na ilang maling layunin, na kinasasangkutan ng isang problema na maaaring malutas gamit ang katotohanan, maaari kang lumapit sa mga lider ng iglesia o sa isang taong nakakaunawa sa katotohanan para ikonsulta ito at makipagbahaginan dito. Makipag-usap sa kanila tungkol sa kalagayan mo at hayaan silang tulungan kang lutasin ito. Kung isa itong isyu na may kinalaman ang mga kuru-kuro, sa sandaling masuri at mapagtanto mo ang mga ito, maaari mong himayin at unawain ang mga ito, pagkatapos ay iwasan ang mga ito at maghimagsik laban sa mga ito. Hindi ba’t iyon lang naman iyon? Ang bagong araw ay may dalang bagong pag-asa, sisikat muli ang araw bukas, at kailangan mong magpatuloy sa buhay. Dahil nabubuhay ka, dahil isa kang tao, dapat patuloy mong gampanan ang iyong tungkulin. Hangga’t buhay ka at may mga kaisipan, dapat mong pagsikapang gampanan ang iyong tungkulin at tapusin ito. Ito ay isang layon na hindi dapat magbago sa buong buhay ng isang tao. Kailan ka man makaranas ng paghihirap, anuman ang mga paghihirap na mararanasan mo, anuman ang kakaharapin mo, hindi ka dapat makaramdam na napipigilan ka. Kung napipigilan ka, hindi ka makakakilos at masisiraan ka ng loob. Anong uri ng mga tao ang laging nakakaramdam na napipigilan sila? Ang mga mahina at hangal ay madalas na napipigilan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 6). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nakadama ako ng sobrang init sa loob ko. Sinabi ng Diyos na kapag ginagawa ng mga tao ang mga tungkulin nila, may mga pagkakataon na maaaring malito sila, makagawa ng mga pagkakamali, o makalabag ng mga prinsipyo dahil sa kakulangan ng pang-unawa sa katotohanan. Kaya, kapag lumitaw ang mga problema na nagdudulot ng kaunting kawalan sa gawain, o kapag pinungusan ang mga tao, normal ang lahat ng ito at dapat tratuhin ito nang tama. Ang susi ay ang matuto ng mga aral mula sa mga kabiguan, magnilay sa sarili, magsisi, at magbago. Kung ang mga kawalan sa gawain ay dulot ng pagkilos ayon sa mga tiwaling disposisyon, kung gayon ay dapat hanapin ng isang tao ang katotohanan para malutas ang mga tiwaling disposisyon. Kung hindi epektibo ang gawain dahil sa kakulangan ng mga kasanayan, dapat mabilis na matutuhan niya ang mga iyon o sumangguni siya sa isang taong mas may kasanayan. Kung, dahil lamang sa pagpapakita ng mga paglihis o pagkakamaling ito, iniisip ng isang tao na nabunyag siya at sa gayon ay nagiging negatibo siya at nililimitahan niya ang kanyang sarili at hindi pa siya handang gawin ang mga tungkulin niya, ipinapakita nito na hangal at mahina siya. Pinagnilayan ko ang mga isyung ito ng pagpili kay Rose at napagtanto kong masyado akong nag-aalala sa sarili kong reputasyon at katayuan. Noong panahon ng pakikipagtulungan ko kay Shelley, dahil nadama kong hindi ako napapansin sa lahat ng lugar, gusto kong tuparin ang isang gampanin nang mag-isa para patunayan na mayroon pa rin akong ilang abilidad sa gawain. Samakatwid, sa bagay ng pagpili sa isang lider ng grupo sa pagdidilig, bagaman malinaw na nagkulang ako sa mga prinsipyo at hindi makakilatis ng mga tao, dahil takot ako na kapag tinanong ko ang mga kapatid, baka isipin nila na talagang wala akong kakayahan dahil hindi ko mapangasiwaan maski ang gayong maliit na gampanin, pinili ko si Rose ayon sa aking sariling imahinasyon. Nagkulang ako sa pagkilatis sa mga tao at hindi sumunod sa mga prinsipyo sa pamimili at paggamit sa kanila. Ang totoo, matagal nang ibinahagi ng sambahayan ng Diyos na kapag pumipili at gumagamit ng mga tao, dapat tayong sumangguni at magtanong sa mga nakakaalam ng mga pinanggalingan nila para masiguradong ang mga napili ay may pagpapahalaga sa responsabilidad at may ilang kakayahan bago sila linangin, at kapag may natuklasang isang isyu sa isang tao, dapat mag-imbestiga tayo agad para maunawaan ang sitwasyon. Kung hindi natin ito makita nang malinaw, dapat tayong magtanong sa isang taong nakakaunawa ng katotohanan. Sa ganitong paraan lang magiging mas tumpak ang ating pagpili at paggamit sa mga tao. Gayumpaman, alang-alang sa pagpoprotekta sa aking banidad at katayuan, itinaas ko ng ranggo si Rose ayon sa sarili kong kalooban. Pabasta akong kumikilos at napakairesponsable ko para sa gawain. Ngayong naantala na ang gawain, dapat mag-isip ako kaagad ng mga paraan para lutasin ang problema sa halip na malugmok sa pagkasira ng loob at pagsasantabi sa sarili. Iniiwasan ko ang aking responsabilidad sa paggawa ko niyon. Napakamakasarili ko!

Sa isang pagtitipon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na sobrang nakatulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung isa kang taong may paninindigan, kung kaya mong ituring na mga mithiin at layunin ng iyong paghahangad ang mga responsabilidad at obligasyong dapat pasanin ng mga tao, ang mga bagay na kailangan makamit ng mga taong may normal na pagkatao, at ang mga bagay na dapat maisakatuparan ng mga taong nasa hustong gulang, at kung kaya mong pasanin ang iyong mga responsabilidad, anumang halaga ang iyong ibayad at anumang pasakit ang iyong tiisin ay hindi ka magrereklamo, at hangga’t nakikilala mo na ito ay mga hinihingi at layunin ng Diyos, magagawa mong tiisin ang anumang pagdurusa at tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Sa panahong iyon, ano ang magiging kalagayan ng iyong pag-iisip? Ito ay mag-iiba; makadarama ka ng kapayapaan at katatagan sa iyong puso, at makararanas ka ng kasiyahan. Kita mo, sa pamamagitan lang ng pagnanais na magsabuhay ng normal na pagkatao, at ng paghahangad sa mga responsabilidad, obligasyon, at misyon na dapat pasanin at isagawa ng mga taong may normal na pagkatao, ay nakadarama ng kapayapaan at kasiyahan sa kanilang puso ang mga tao, at nakararanas sila ng ligaya. Hindi pa nga sila umaabot sa punto kung saan isinasagawa nila ang mga bagay-bagay nang ayon sa mga prinsipyo at nagtatamo sila ng katotohanan, pero sumailalim na sila sa ilang pagbabago. Ang gayong mga tao ang nagtataglay ng konsensiya at katwiran; sila ay matutuwid na taong kayang mapagtagumpayan ang anumang paghihirap at isagawa ang anumang gampanin. Sila ang mabubuting kawal ni Cristo, sumailalim na sila sa pagsasanay, at walang paghihirap na makadadaig sa kanila. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang tingin ninyo sa ganoong asal? Hindi ba’t mayroong tibay ng loob ang mga taong ito? (Mayroon.) Mayroon nga silang tibay ng loob, at hinahangaan sila ng mga tao. Madarama pa ba ng mga gayong tao na napipigilan sila? (Hindi.) Kung gayon, paano nila nabago ang mga emosyong ito ng pagkapigil? Bakit sila hindi mababagabag ni magkakaroon ng mga emosyong ito na pagkapigil? (Ito ay dahil minamahal nila ang mga positibong bagay at nagdadala sila ng pasanin sa kanilang mga tungkulin.) Tama iyan, iyan ay tungkol sa pag-aasikaso sa nauukol na gawain ng isang tao. … Kung aasikasuhin ng isang tao ang nauukol niyang gawain at tatahakin niya ang tamang landas, hindi uusbong ang mga emosyong ito. Kahit pa makaranas siya ng mga emosyon ng pagkapigil paminsan-minsan dahil sa mga pansamantalang natatanging sitwasyon, magiging panandaliang lagay ng kalooban lamang ang mga iyon, dahil agad na madadaig ng mga taong may tamang paraan ng pamumuhay at tamang perspektiba sa pag-iral ang mga negatibong emosyong ito. Bilang resulta, hindi ka madalas na makukulong sa mga emosyon ng pagkapigil. Nangangahulugan ito na hindi ka mababagabag ng gayong mga emosyon ng pagkapigil. Maaari kang makaranas ng pansamantalang hindi magagandang lagay ng kalooban, pero hindi ka makukulong sa mga iyon. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng paghahangad sa katotohanan. Kung sinisikap mong asikasuhin ang iyong nauukol na gawain, kung nagpapasan ka ng mga responsabilidad na dapat pasanin ng mga taong nasa hustong gulang, at sinisikap mong magkaroon ng isang normal, mabuti, positibo, at maagap na paraan ng pag-iral, hindi ka magkakaroon ng mga negatibong emosyong ito. Hindi ka magkakaroon o kakapitan ng mga emosyong ito ng pagkapigil(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 5). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, hiyang-hiya ako. Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga nasa hustong gulang at mga nag-aasikaso sa wastong gawain ay nagtutuon ng mga isip nila sa mga wastong bagay. Araw-araw, iyong mga bagay na may kinalaman sa kanilang mga tungkulin ang iniisip nila, gaya ng kung paano gagawin nang maayos ang mga tungkulin nila, kung anong mga problema ang umiiral pa rin sa mga tungkulin nila, kung paano gagawin nang mas maayos ang gawain nila, at iba pa. Kahit na maaaring may mga kaunting paglihis o pagkakamali sa kanilang mga tungkulin, at maaaring maharap sila sa mga dagok at maging mahina o sandaling masiraan ng loob, hindi sila palaging nananatili sa mga negatibong emosyon, kundi sa halip, aktibo nilang hahanapin ang katotohanan para malutas ang kanilang mga suliranin. Pero, ngayon, parang katulad lang ako ng isang walang silbing tao na hindi makaako ng mga responsabilidad. Dahil sa pagharap sa ilang dagok, naging negatibo ako at sumuko, nang wala man lang kahit katiting na tibay na dapat taglayin ng isang taong nasa hustong gulang. Dagdag pa rito, inilantad din nito kung paano ako nabigong asikasuhin ang dapat kong ginagawa kamakailan. Simula noong tanggapin ko ang gawain ng iglesia, pagkakita ko na ang kapatid na kasama kong gumawa ay mas magaling kaysa sa akin sa iba’t ibang aspekto, nadama kong wala akong kakayahan at hindi ako pinahahalagahan. Kaya, talagang umasa ako sa isang pagkakataon para patunayan ang mga abilidad ko. Kapag nakikipagtipon ang lider sa amin, palagi kong pinagmamasdan ang mga ekspresyon niya at sinusubukan kong husgahan sa kanyang tono kung pinapahalagahan niya ba ako. Kapag partikular na hiniling sa akin ng lider na gawin ko ang ilang gawain, masaya ako, iniisip na pinahalagahan ako ng lider, at may motibasyon akong gawin ang mga tungkulin ko. Pero kapag inatang ng lider ang mga pangunahing responsabilidad sa kapatid na nakapareha ko, pakiramdam ko ay hindi ako pinahalagahan. Ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan ay nagdulot sa akin ng pagkabagabag kapag hindi ito natugunan. Habang nakikipagtulungan ako sa mga kapatid, wala ang isip ko sa aking mga tungkulin kundi nasa kung gaano sila sumasang-ayon sa sinasabi ko. Minsan, kapag nagbahagi ako ng pananaw at walang tumugon, naaasiwa ako. Kapag nagsabi sila ng mga sumasalungat na mungkahi, mas lalo akong nagiging negatibo at tinukoy kong napakababa ng kakayahan ko, ayaw ko pa ngang makilahok sa talakayan. Lalo na sa usapin pagdating kay Rose, padalus-dalos akong kumilos ayon sa sarili kong kalooban sa kabila ng kawalan ng pagkilatis, at hindi ako nagnilay sa sarili ko pagkatapos magkamali, kundi nahulog ako sa mga negatibong damdamin at ginusto kong mag-resign. Lahat ng ito ay dahil hindi ko inasikaso ang wastong gawain sa paggampan ng aking mga tungkulin, kundi palagi kong hinangad ang reputasyon at katayuan. Wala ibang pinagtuunan ang mga mata at isip ko kundi ang aking reputasyon at katayuan. Kapag hindi ko natatanggap ang paghanga ng mga tao, nagiging negatibo at nababagabag ako, isinasantabi ko pa nga ang gawain ng iglesia. Hindi ko talaga magawa nang maayos ang tungkulin ko sa ganitong paraan. Ang saloobing ito ay talagang kinasusuklaman ng Diyos. Naalala kong sinabi ng Diyos: “Lalo na yaong sa kasalukuyan ay gumagampan ng kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, mayroon bang anumang oras para madama nilang napipigilan sila? Wala nang oras. Kaya, ano ang nangyayari sa mga nakadaramang napipigilan sila, sa mga umiinit ang ulo, at nalulumbay o labis na nalulungkot sa tuwing nahaharap sila sa isang medyo hindi kaaya-ayang bagay? Iyon ay na hindi sila nagpapakaabala sa mga tamang bagay at sila ay walang ginagawa(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 5). Nakikita ko na abala lahat ng mga kapatid sa paligid ko sa paggawa ng mga tungkulin nila habang ako ay nananatiling abala sa mga alalahanin tungkol sa reputasyon at katayuan ko nang hindi hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga isyung ito, sa halip, nagiging mas negatibo at mapanlaban ako, napagtanto ko na hindi ako isang taong naghahangad sa katotohanan. Lalo na nang maisip ko kung paano binanggit ni Shelley na hindi magaganda ang resulta ng gawain ng ebanghelyo kung saan siya responsable, at namuhay sa mga paghihirap ang lahat, at na talagang umaasa siya na makakaya naming magkaisa sa isip at puso para sama-sama naming mapagtagumpayan ang mga paghihirap na ito, talagang nakonsensiya ako at nabagabag ang loob ko. Isinaayos ng Diyos ang paligid para magtulungan kami na maging responsable sa gawain ng iglesia, pero sa halip na pagtuunan kung paano gawin nang maayos ang mga tungkulin ko, naligaw ako sa mga walang kabuluhang kaisipan, naging negatibo at lumayo, at gustong mag-resign. Napakasama talaga ng aking pagkatao! Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, napakamakasarili ko. Napakaraming paghihirap sa gawain ng iglesia ngayon, pero hindi ko inintindi ang mga wastong bagay kundi araw-araw na nakipagkompetensiya ako sa kapatid. Noong hindi ko kinayang maging mas magaling kaysa sa kanya, naging negatibo ako. Pakiramdam ko, punung-puno ako ng karumihan, walang anumang positibong paghahangad. Hindi lang ako nagdudulot ng pagdurusa sa sarili ko, inaantala ko rin ang gawain ng iglesia. Ngayon, napagtanto ko na ang mga problema ko. Bagama’t hindi masyadong mahusay ang kakayahan ko, dapat kong gawin ang makakaya ko para makipagtulungan at gumawa nang matiwasay kasama ng kapatid. Sa pinakamababa, hindi ako dapat magdulot ng mga pagkaantala sa gawain dahil sa saloobin ko. Siyasatin Mo nawa ang puso ko; handa akong magsisi!” Pagkatapos niyon, naging mas aktibo ako sa paggawa ng aking mga tungkulin. Sinimulan kong maagap na talakayin at lutasin ang mga problema sa gawain kasama si Shelley. Para sa ilang mahihirap na gampaning kinatatakutan ko dati, nananalangin ako sa Diyos at nakilahok sa abot ng aking makakaya. Kapag napapansin kong may mga paghihirap sa mga tungkulin ng iba, kung hindi ako masyadong makakapagbigay ng tulong, hahanap ako ng isang tao na nakakaunawa ng katotohanan para makipagtulungan sa paglutas sa mga iyon. Minsan, kahit na partikular na itinalaga ng lider si Shelley para sumubaybay sa isang gampanin, nang hindi binabanggit ang pangalan ko, basta’t nagsabi si Shelley sa akin, makikilahok ako at magbibigay ng mga mungkahi, nang hindi inaalala kung mapapansin ba ito ng lider o hindi. Nagsanay akong gumawa ng mga bagay sa harap ng Diyos, tumutuon sa maingat na paggawa ng bawat gampanin, at naniniwala na ang susi ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pagbibigay-lugod sa Diyos. Kapag sinadya kong maghimagsik laban sa sarili kong mga layunin at araw-araw na itinuon ang puso ko sa aking mga tungkulin, nadarama kong matatag ako at nailalabas ko nang kaunti ang mga negatibo kong mga damdamin.

Pagkatapos ng ilang panahon, naharap ako sa isang pagpupungos, at bumagsak ako sa mga negatibong damdamin. Nang panahong iyon, hiniling ng lider na ayusin ko ang ilang materyales. Dahil wala akong karanasan, nakipagtulungan ako sa mga kapatid sa paggawa nito. Pagkatapos naming magawa ang draft, binasa ito ng lider at maayos ito sa tingin niya, pero nagmungkahi siya na magdagdag ng ilang detalye sa ilang bahagi. Natuwa ako nang makita kong walang malalaking problema, inakala ko na ito ay isang gampanin na maayos na nagawa, madaling maidadagdag ang mga karagdagang detalye, at magiging kasiya-siya na magdagdag na lang ng kaunti pang nilalaman. Kaya, hindi ko ibinahagi ang mga prinsipyo sa mga kapatid. Hindi inaasahan, pagkatapos ng mga pagdaragdag, nakita ng lider na mahaba at hindi malinaw ang bagong nilalaman, na nagpasama sa nilalaman nito. Tinanong niya kung maingat ba namin itong pinagbulayan at kung malinaw ba naming nauunawaan ang problema. Pagkatapos, sinabihan niya ang iba na ayusin ulit ang mga materyales. Nang marinig ito, nagulat ako, “Ginusto kong gawin ito nang maayos, pero bakit ganito ang nangyari?” Nang pagnilayan ko ito, nadama kong dahil pa rin ito sa mahinang kakayahan ko at mababaw na pagkaunawa sa katotohanan. Inakala kong kaya ko nang pangasiwaan ang ilang pangkalahatang gawain, pero pagdating sa trabahong humihingi ng pang-unawa sa katotohanan, kulang pa ako. Ngayon, hindi naman sa sinadya kong umatras; talagang gusto ko pero kulang ako sa kakayahan. Pagkatapos, naging atubili ako sa pakikipagtulungan sa gawain. Kapag may napansin akong ilang problema sa gawain, gusto ko sanang punahin ang mga iyon pero itinatatwa ko ang sarili ko, iniisip na, “Sa mahina kong kakayahan, kaya ko nga bang makita ang mga problema? Kaya ko ba ang trabahong ito? Mahina ang kakayahan ko at kulang ako sa pagkilatis sa mga bagay-bagay, kung hindi, hindi sana ganoon kasama ang paggampan ko sa gawain; kaya, mas mabuti pang huwag ko nang tukuyin ang mga problema para sa iba.” Dahil dito, bumagsak ako sa mga negatibong damdamin, nagiging pasibo ako sa aking mga tungkulin, palaging nag-aalala tungkol sa kinabukasan at mga oportunidad ko, at hindi ko nagawang papayapain ang puso ko.

Hanggang sa isang pagtitipon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong para mapabuti ang kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lahat ng bagay na dumarating sa bawat araw, malaki man o maliit, na kayang yumanig sa iyong pagpapasya, sakupin ang iyong puso, o pigilan ang iyong kakayahang gawin ang iyong tungkulin at ang iyong pasulong na pag-unlad ay nangangailangan ng masigasig na pakikitungo; dapat mong siyasating mabuti ang mga ito at hanapin ang katotohanan. Lahat ng ito ay mga problemang dapat malutas habang nararanasan mo. Ang ilang tao ay nagiging negatibo, nagrereklamo, at nagbibitiw sa kanilang mga tungkulin kapag nahaharap sila sa mga suliranin, at hindi nila nagagawang tumayong muli matapos ang bawat dagok. Lahat ng taong ito ay mga hangal na hindi nagmamahal sa katotohanan, at hindi nila ito makakamtan kahit pa buong buhay silang manampalataya. Paano makasusunod hanggang katapusan ang mga hangal na ito? Kung sampung beses nangyari sa iyo ang isang bagay, ngunit wala kang nakamtan mula rito, isa kang mababang uri at walang silbing tao. Ang matatalinong tao at ang mga may totoong kakayahan na mayroong espirituwal na pang-unawa ay mga naghahanap ng katotohanan; kung may mangyari man sa kanila nang sampung beses, marahil sa walo sa mga kasong iyon, magagawa nilang magkamit ng kaunting kaliwanagan, matuto ng kaunting aral, makaunawa ng kaunting katotohanan, at makagawa ng kaunting pagsulong. Kapag ang mga bagay ay sampung beses na nangyayari sa isang hangal—isang tao na walang espirituwal na pang-unawa—ni isang beses ay hindi makikinabang ang buhay niya, ni isang beses ay hindi siya babaguhin nito, at ni isang beses ay hindi ito magiging sanhi na malaman niya ang kanyang pangit na mukha, sa gayon ay katapusan na para sa kanya. Sa tuwing may nangyayari sa kanila, natutumba sila, at sa tuwing natutumba sila, kailangan nila ang iba upang alalayan sila at himukin; kung walang pag-alalay at paghimok, hindi sila makatatayo, at, sa tuwing may nangyayari, nanganganib silang matumba at mapasama. Hindi ba’t ito ang katapusan para sa kanila? May iba pa bang katwiran upang maligtas ang mga ganoong tao na walang silbi? Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay pagliligtas sa mga nagmamahal sa katotohanan, pagliligtas sa bahagi nila na may kalooban at kapasyahan, at sa bahagi nila na nananabik sa katotohanan at katarungan sa kanilang puso. Ang kapasyahan ng isang tao ay ang bahagi nila sa kanilang puso na nananabik sa katarungan, kabutihan, at katotohanan, at nagtataglay ng konsensiya. Inililigtas ng Diyos ang bahaging ito ng mga tao, at sa pamamagitan nito, binabago Niya ang kanilang tiwaling disposisyon, upang maunawaan at makamit nila ang katotohanan, upang malinis ang kanilang katiwalian, at mabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kung wala sa loob mo ang mga bagay na ito, hindi ka maliligtas. … Pakiramdam ng ilang tao ay napakababa ng kanilang kakayahan at wala silang kakayahang makaunawa, kaya nililimitahan nila ang kanilang sarili, at nadarama nila na gaano man nila hangarin ang katotohanan, hindi nila matutugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Iniisip nila na gaano man sila magsumikap, walang saysay iyon, at iyon lang iyon, kaya lagi silang negatibo, at dahil dito, kahit pagkaraan ng maraming taong paniniwala sa Diyos, wala pa silang natatamong anumang katotohanan. Kung sinasabi mo, nang hindi ka nagsusumikap na hangarin ang katotohanan, na napakahina ng iyong kakayahan, sinusukuan ang sarili mo, at lagi kang namumuhay sa negatibong kalagayan, at dahil dito, hindi mo nauunawaan ang katotohanang dapat mong maunawaan o isinasagawa ang katotohanan nang ayon sa iyong kakayahan—hindi ba’t ikaw ang humahadlang sa sarili mo? Kung lagi mong sinasabi na hindi sapat ang iyong kakayahan, hindi ba’t pag-iwas at pagpapabaya ito sa responsabilidad? Kung kaya mong magdusa, magbayad ng halaga, at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, tiyak na mauunawaan mo ang ilang katotohanan at makakapasok ka sa ilang realidad. Kung hindi ka humihingi ng tulong o umaasa sa Diyos, at sinusukuan mo ang sarili mo nang hindi ka nagsisikap kahit paano o nagbabayad ng halaga, at sumusuko ka na lang, ikaw ay isang walang silbi, at wala ka ni katiting na konsensiya at katwiran. Mahina man o mahusay ang iyong kakayahan, kung mayroon ka mang kaunting konsensiya at katwiran, dapat mong tapusin nang wasto ang dapat mong gawin at ang iyong misyon; ang pagtakas ay isang mahirap na bagay at isang pagtataksil sa Diyos. Hindi na ito maitatama pa. Ang paghahangad sa katotohanan ay nangangailangan ng matatag na kalooban, at ang mga taong masyadong negatibo o mahina ay walang magagawa. Hindi nila magagawang manalig sa Diyos hanggang wakas, at, kung nais nilang matamo ang katotohanan at magkamit ng pagbabago ng disposisyon, mas maliit pa rin ang pag-asa nila. Yaon lamang mga may matibay na pagpapasya at naghahangad sa katotohanan ang magtatamo nito at magagawang perpekto ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, iniugnay ko ito sa sarili ko. Napagtanto ko na kapag nahaharap ako sa mga dagok at kabiguan, palagi akong partikular na mahina at negatibo, na para bang isa akong piraso ng nilukot na papel. Ang unang reaksyon ko ay palaging isipin na, “Hayaan nang iba ang mangasiwa nito,” o “Masyadong mahina ang kakayahan ko,” at pagkatapos ay ipinapasa ko ang gawain para lutasin ng iba. Mukhang makatwiran ako at kilala ko ang sarili ko sa paggawa ko niyon, pero ang totoo, nililimitahan at sinusukuan ko ang sarili ko. Ipinakita nito na hindi ko tinatanggap o minamahal ang katotohanan. Kapag nahaharap tayo sa mga dagok at kabiguan, gusto ng Diyos na hanapin natin ang katotohanan para malutas ang mga problema at makausad tayo. Sa pamamagitan ng ating kalooban at pananabik sa katuwiran, ginagawa tayong perpekto ng Diyos. Maaagap ang mga taong nagmamahal sa katotohanan at may mahusay na kakayahan. Magaling sila sa pagbubuod ng mga karanasan mula sa mga kabiguan, sa pagsusuri ng kanilang kakulangan, at kaya nilang maunawaan ang ilang katotohanan sa pamamagitan ng paghahanap, kaya nilang magkamit ng ilang kaalaman tungkol sa kanilang sarili, at makausad sa buhay. Sa pagkakataong ito, noong maharap ako sa pagpupungos, hindi ko sinuri ang mga dahilan ng kabiguan ko kundi gumawa ako ng mga palusot. Sa tingin ko, hindi ito dahil ayaw kong gumawa nang maayos, kundi dahil nagdulot ng napakaraming problema ang mahinang kakayahan ko sa paggawa ko ng aking mga tungkulin. Ang implikasyon ay nagawa ko ang makakaya ko batay sa mga kakayahan ko at wala akong kailangang pagnilayan. Pero sa mas malapitang pagsusuri, totoo ba na wala talaga akong kahit anong problema? Nang punahin ng lider na kulang sa detalye ang mga materyales, hindi ako nagbulay-bulay o naghanap kundi nagdagdag ako ng maraming hindi kinakailangang nilalaman batay sa imahinasyon ko, na dahilan kaya naging masyadong mahaba at walang kabuluhan ang binagong materyales. Hindi ko hinanap ang mga prinsipyo o inisip kung paano makamit ang mas magagandang resulta; sinunod ko lang ang mga panuntunan nang hindi nag-iisip. Ang ganitong pamamaraan ng paggawa ng aking mga tungkulin ay pabasta-basta lang. Dapat pagnilayan ko agad at itama ang pamamaraan ko. Wala na nga akong kakayahan, at kung kulang pa ako sa kaisipan ng pagiging maagap at pasibo na lang akong umaatras tuwing nahaharap ako sa mga paghihirap, magiging mahirap para sa akin na mapabuti.

Kalaunan, pinagnilayan ko kung bakit palagi kong gustong tumakas kapag nahaharap ako sa mga dagok at kabiguan. Pagkatapos ng masusing pag-iisip, napagtanto ko na dahil ito sa aking masyadong malaking pag-aalala para sa reputasyon at katayuan, at dahil hindi tama ang landas na tinahak ko sa aking pananalig sa Diyos. Naalala ko ang isang sipi kung saan hinihimay ng Diyos ang mga anticristo. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nasa loob ng kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; kung hindi, hindi nila isasaalang-alang ang mga problemang ito. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Sinasabi ng Diyos na mas pinapahalagahan ng mga anticristo ang kanilang reputasyon at katayuan kaysa sa mga normal na tao, at ang panghabambuhay nilang hinahangad ay ang reputasyon at katayuan at ito rin ang simula at layon ng lahat ng ginagawa nila. Kapag tinitingala at pinupuri sila ng mga tao, ganado silang gampanan ang kanilang mga tungkulin at handa silang gawin ang kahit na ano. Pero kapag naiwala nila ang paghanga ng mga tao, nagiging negatibo at tamad sila, nadarama pa nga nilang walang kabuluhan ang pagsampalataya sa Diyos at ang paggampan sa kanilang mga tungkulin. Ang pananaw ko sa paghahangad ay katulad ng sa mga anticristo. Kapag kikilalanin at gagamitin ng lahat ang mga opinyon ko, kaya kong gawin nang maagap ang ilang gawain. Gayumpaman, kapag pinahalagahan ang kapatid na kasama kong gumagawa at ako ay palaging binabalewala, pakiramdam ko ay sobra akong nawawala at nalulungkot, nawawalan ako ng motibasyon sa mga tungkulin ko. Kapag naharap ako sa mas maraming kabiguan, lalo kong nililimitahan ang sarili ko bilang kulang sa kakayahan at hindi angkop para sa gawain, gusto kong tumakas. Palagi kong iniisip na gusto kong mag-resign dahil talagang wala akong kakayahan para sa gawaing ito, at ipinapakita nito na kilala ko ang sarili ko, pero ang totoo, ito ay dahil masyado kong pinapahalagahan ang aking reputasyon at katayuan. Alam ko na sa paggawa ng tungkuling ito, mahihirapan akong magkaroon ng kumpiyansa, at kung ipagpapatuloy ko ang tungkuling ito, malamang na mabibigo ako at mabubunyag nang mas marami pang beses, at ganap akong makikilatis ng iba. Kaya, gusto kong lumipat sa mas simpleng tungkulin para mapanatili ang reputasyon at katayuan ko. Mula pa noon, sa pagpili man ng isang tungkulin, o kung saan mag-aaral o magtatrabaho, ang pangunahing pamantayan ko ay kung mapapaganda ba nito ang tingin sa akin ng iba at kung magiging angat ako. Noong nag-a-apply ako para sa kolehiyo, may isang unibersidad na may mahirap na kurso at may isa pa na may mas madaling kurso. Gayumpaman, paulit-ulit akong inanyayahang mag-apply ng mga guro mula sa unibersidad na may mas madaling kurso, at nadama kong pahahalagahan ako roon. Sa huli, pinili ko ang unibersidad na may mas madaling kurso. Noong nagkokolehiyo na ako, ganoon din. Nagsikap ako sa mga asignatura kung saan pinapahalagahan ako ng mga guro at iniwasan ang mga asignatura kung saan hindi ako pinapahalagahan. Sa buong buhay ko, hinusgahan ko ang mga bagay batay sa kung makakapagdala ba iyon sa akin ng reputasyon at katayuan. Gusto ko ang mga lugar kung saan pahahalagahan at aangat ako at iniwasan ko ang mga lugar kung saan babalewalain o ipapahiya ako. Ngayon, napagtanto ko na malalim ang ugat ng pag-aalala ko para sa reputasyon at katayuan, at naging bahagi ko na ito, na nag-uudyok sa akin para palagi itong protektahan. Halimbawa, ngayon, maliwanag na alam ko na ang pagiging lider ay nangangahulugan na madalas akong mabubunyag o mapupungusan, na kapaki-pakinabang para sa pang-unawa ko sa mga katotohanang prinsipyo at para sa aking buhay pagpasok. Gayumpaman, para mapanatili ang aking reputasyon at katayuan, napag-isipan ko pang bitiwan ang tungkulin ko. Nakita ko na mas pinahalagahan ko ang reputasyon at katayuan kaysa sa katotohanan, at ibinunyag ko ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Kung ipinagpatuloy kong hangarin ang daang ito, ano ang makakamit ko sa huli? Hindi ko magagawang gamitin ang mga kasanayan ko o umusad sa aking buhay pagpasok, at sa huli, ako ay magiging walang silbing tao lamang na kinamumuhian at itinitiwalag ng Diyos. Sa panahong iyon ko napagtanto na ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay hahantong sa wala, at kailangan kong hanapin ang katotohanan at bitawan ang paghahangad ko sa reputasyon at katayuan, para makawala sa kalagayang ito.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nahanap ko ang paraan para magsagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan kapag nananalig sa Diyos? Mataas man o mababa ang kakayahan ng isang tao, may espirituwal na pang-unawa man siya, o anumang uri ng pagpupungos ang kinakaharap niya—wala sa mga ito ang mahalaga. Ano ang mahalagang bagay sa mga panahong ito? Ito ay kung paano kayo pumapasok sa katotohanang realidad. Para magawa ito, ano ang pinakapangunahing bagay na dapat taglayin ang isang tao? Dapat ay may tapat silang puso. Ano ang ibig sabihin ng pagiging tapat? Ang ibig sabihin nito ay ang hindi pagiging mapanlinlang kapag may mga bagay na nangyayari sa iyo, hindi pagsasaalang-alang sa sarili mong interes, hindi pakikipagsabwatan at pagpapakana kasama ang ibang tao, at hindi pakikipaglokohan sa Diyos. Kung kaya mong dayain ang Diyos at hindi maging tapat sa Kanya, ganap kang nasa panganib at hindi ka ililigtas ng Diyos, kaya para saan pa ang pag-unawa sa katotohanan? Maaaring mayroon kang espirituwal na pang-unawa, may mataas na kakayahan, mahusay magsalita, at mabilis makaarok ng mga bagay-bagay, maghinuha, at makaunawa sa lahat ng sinasabi ng Diyos, subalit kung makikipaglokohan ka sa Diyos kapag may mga bagay na nangyayari sa iyo, isa itong satanikong disposisyon at napakamapanganib. Walang silbi ang kakayahan mo gaano man ito kahusay, at hindi ka gugustuhin ng Diyos. Sasabihin ng Diyos na, ‘Magaling kang magsalita, may mataas na kakayahan, mabilis mag-isip, at may espirituwal na pang-unawa, subalit may isang problema lang—hindi mo minamahal ang katotohanan.’ Iyong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay mapanggulo, at hindi sila gusto ng Diyos. Kung paanong buong-buong itatapon ang isang kotse na maayos tingnan subalit pangit ang makina, itatakwil ang isang tao na hindi mabuti ang puso. Tulad din nito ang mga tao: Gaano man kahusay tingnan ang iyong kakayahan, gaano katalino, kagaling magsalita, o kamaaasahan ka, o gaano kagaling ka sa paglutas ng mga problema, walang silbi ang lahat ng mga ito, at hindi ito ang pangunahing punto. Kung gayon, ano ang pangunahing punto? Tungkol ito sa kung nagmamahal sa katotohanan ang puso ng isang tao. Hindi ito tungkol sa pakikinig kung paano siya nagsasalita, kundi pagtingin sa kung paano siya kumikilos. Ang Diyos ay hindi tumitingin sa sinasabi o ipinapangako mo sa harap Niya; tinitingnan Niya kung ang ginagawa mo ba ay may katotohanang realidad. At saka, walang pakialam ang Diyos kung gaano kataas, kalalim, o kagiting ang iyong mga ikinikilos, at kahit na maliit na bagay ang ginagawa mo, kung nakikita ng Diyos ang pagiging taos-puso sa iyong bawat kilos, sasabihin Niyang, ‘Taos-pusong nananalig sa Akin ang tao na ito. Hindi siya kailanman nagyabang. Kumikilos siya ayon sa kanyang katungkulan. Bagama’t maaaring hindi malaki ang kanyang naiambag sa sambahayan ng Diyos at mahina ang kanyang kakayahan, matatag at may pagiging taos-puso siya sa lahat ng kanyang ginagawa.’ Ano ang nilalaman ng ‘pagiging taos-puso’ na ito? Naglalaman ito ng takot at pagpapasakop sa Diyos, gayundin ng tunay na pananampalataya at pagmamahal; naglalaman ito ng lahat ng nais makita ng Diyos. Maaaring hindi kapansin-pansin ang ganitong mga tao sa iba, maaaring sila ang taong tagaluto ng pagkain o tagalinis, isang taong nagsasagawa ng isang ordinaryong tungkulin. Ang ganitong mga tao ay hindi kapansin-pansin sa iba, walang anumang dakilang nagawa, at walang anumang kapita-pitagan, kahanga-hanga o kainggit-inggit tungkol sa kanila—mga ordinaryong tao lamang sila. Gayunpaman, ang lahat ng hinihingi ng Diyos ay nasa kanila, naisasabuhay nila, at ibinibigay nila ang lahat ng ito sa Diyos. Sabihin mo sa Akin, ano pa ba ang gusto ng Diyos? Nalulugod Siya sa kanila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Dati, binigyan ko ng malaking importansya kung may kakayahan ba at mga kaloob ang isang tao, sa paniniwalang ang mga may mahusay na kakayahan lang ang magagamit nang husto sa sambahayan ng Diyos. Noong paulit-ulit akong nabunyag na walang kakayahan at hindi magawang makita nang malinaw ang mga bagay-bagay, naging negatibo ako at nilimitahan ko ang aking sarili, hindi ko nga magawa ang mga gampaning kaya ko. Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi dapat tumuon ang mga mananampalataya sa antas ng kanilang kakayahan, o kung mahuhusay ba silang magsalita o matatalas ang isip nila—hindi ang mga ito ang pinapahalagahan ng Diyos. Pinapahalagahan ng Diyos ang puso ng tao at kung may tapat ba silang puso sa Diyos at sa gawain ng iglesia. Ang kakayahan at husay magsalita na ibinigay sa akin ng Diyos ay hindi susi para matukoy kung kaya ko bang gawin nang maayos ang mga tungkulin ko. Kung mahusay akong magsalita at may kakayahan ako pero iniiwasan ang mga responsabilidad ko at kumikilos nang di-tapat sa aktuwal kong pagsasagawa, kung gayon, gaano man kahusay ang kakayahan ko, isa akong tao na kinasusuklaman ng Diyos. Kahit na puwedeng makatulong sa mga tao ang kakayahan para magawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin, mas mahalaga ang saloobin ng tao ukol sa katotohanan at sa kanilang mga tungkulin, kung mayroon ba silang maagap at pusong nagmamahal sa katotohanan, kung kaya ba nilang hanapin ang katotohanan kapag nabibigo sila at nabubunyag, natututo mula sa kanilang mga karanasan, at hinahangad ang paglago sa kanilang buhay—ito ang mga pinahahalagahan ng Diyos. Dati, naglingkod din bilang mga lider ng iglesia ang ilang taong may mga kaloob at kakayahan, pero marami ang hindi gumawa nang wasto ng mga tungkulin nila. Pagkatapos ng ilang panahon, nag-asam sila ng kaginhawahan at kagaanan, hindi gumawa ng aktuwal na gawain, o nakipaglaban sa katanyagan at mga pakinabang, ginagambala ang gawain ng iglesia, at sa huli ay itiniwalag. Gayumpaman, may ilang tao na mukhang hindi kapansin-pansin, mga walang kaloob, may pangkaraniwang kakayahan, pero ginawa nila ang mga tungkulin nila sa praktikal na paraan, hinahanap ang mga prinsipyo sa lahat ng bagay, at umusad sila sa paggawa sa kanilang mga tungkulin nang hindi pinapalitan o itinitiwalag. Ipinapakita nito na matuwid ang Diyos, at na hindi Niya hinahatulan ang isang tao batay sa mga kakayahan nito kundi pinapahalagahan Niya kung naghahangad ba ito at nagsasagawa ng katotohanan at kung kaya ba nitong gampanan ang bawat gawain sa praktikal at responsableng paraan. Nang maunawaan ko ito, sa puso ko ay sinabi ko na mula ngayon, kailangan kong ituon ang isip ko sa aking mga tungkulin at gumawa nang tapat, at basta’t iniatang sa akin ang gawain, dapat na gawin ko ito nang masigasig at responsable, magsisikap sa abot ng aking makakaya, at maging responsable at maaasahang tao na umaasikaso sa wastong gawain nito.

Mula noon, sinimulan kong magtuon sa pag-aaral ng mga aralin mula sa bawat kabiguan, binabago ang aking pag-iisip sa bawat pagkakataong nabubunyag ako. Dati, tuwing nahaharap ako sa kabiguan o pagpupungos, iniisip ko, “O, nakilatis siguro ako ng lider,” o “Iniisip siguro ng lahat na wala akong kakayahan.” Kapag nalugmok ako rito, masyado akong nasisiraan ng loob. Kalaunan, sinimulan kong pagbulayan kung bakit ako nabubunyag, kung anong mga problema ang puwede kong matuklasan sa aking sarili at kung anong mga kakulangan ang puwede kong punan. Sa bagong pag-iisip na ito, sa puso ko ay mas tumuon ako sa mga tamang bagay. Kalaunan, sa loob ng ilang panahon, sunud-sunod akong naharap sa pagpupungos, minsan dahil sa mababang husay sa paggawa ng mga bagay, minsan dahil sa hindi ko pag-arok sa mga prinsipyo ng pangangasiwa sa mga gampanin, at minsan dahil sa pagkakaroon ng isang panig na perspektiba para sa isang partikular na usapin at sa kawalan ng tamang pang-unawa. Kaya, pinagnilayan ko ang aking mga problema, at naghanap ako ng mga pamamaraan para pagbutihin ang husay ko sa gawain kung may kinalaman ang mga iyon sa kasanayan ko, at kung usapin ito ng pang-unawa, pagbubulayan ko ang mga suliranin ko, sinusuri kung ano ang mali sa pagkaunawa ko, at pagkatapos ay maghanap ng kapatid na nakakaunawa ng katotohanan at may karanasan na. Kapag nagbubulay-bulay ako nang ganito, bumubuti ang saloobin ko ukol sa pagpupungos. Bagama’t ngayon ay nasisiraan pa rin ako ng loob paminsan-minsan, hindi na ako naiipit doon, at araw-araw, hindi na masyadong nabibigatan ang isip ko habang ginagawa ko ang mga tungkulin ko, at kaya ko nang normal na maranasan ang mga sitwasyong kinakaharap ko.

Sa pagninilay ko sa panahong ito, noong nakulong ako sa pagiging negatibo at nalugmok sa kalungkutan at kapaguran, kung hindi dahil sa gabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko maiiwan ang negatibong damdamin na iyon, at patuloy akong lumubha, inilayo ang sarili sa Diyos, at naiwala pa ang mga kasalukuyan kong tungkulin. Mula sa puso ko, pinasasalamatan ko ang Diyos, dahil sa pinakamahihinang sandali ko, pinadalhan Niya ako ng mga paalala sa pamamagitan ng mga tao sa paligid ko, at ginabayan ako gamit ang mga salita Niya, tinutulungan akong iwan ang emosyong iyon. Mula ngayon, gusto ko lang manahimik at gawin ang mga tungkulin ko sa abot ng aking mga abilidad.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman