Paano Naging Transaksyunal ang Aking Tungkulin?
Noong 2008, natanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos naunawaan ko na ang layon ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw at ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan ay para lubusang linisin ang sangkatauhan, iligtas ang mga tao mula sa kasalanan, at dalhin sila sa isang magandang hantungan. Tuwang-tuwa ako at gusto kong gugulin ang aking sarili sa pagganap ng isang tungkulin para sa Diyos. Hindi nagtagal ay isinaayos ng isang lider ng iglesia na ako ang magdilig sa mga baguhan at mangasiwa sa ilang grupo ng pagtitipon. Para magampanan ko nang maayos ang aking tungkulin, isinara ko ang klinikang maraming taon ko nang pinatatakbo at ginugol ang mga araw ko sa pagtatrabaho sa iglesia. Kalaunan, dahil sa mga pag-aresto at pag-uusig na isinagawa ng Partido Komunista, diniborsyo ako ng asawa ko. Sa mga taon na iyon, palagi kong ginagampanan ang tungkulin ko nang malayo sa tahanan, at kahit nanghihina ako paminsan-minsan, nang maisip ko na ang pagdurusang tiniis ko ay ginugunita ng Diyos, nagkaroon ako ng pananampalataya at lakas.
Noong Abril ng 2017, kinonsidera ng lider ng iglesia ang alta presyon ko at panghihina ng katawan at pinahinto ako sandali sa pagganap sa aking tungkulin para makapagpahinga ako. Talagang sumama ang loob ko at naisip ko, “Matatapos na ng Diyos ang Kanyang gawain, kaya ngayon ang mahalagang panahon para gawin ko ang aking tungkulin at maghanda ng mabubuting gawa. Kung wala akong tungkuling gagampanan, magkakaroon ba ako ng magandang hantungan at kahihinatnan? Kung hindi ako makatanggap ng pagpapala sa huli, mawawalan ba ng saysay ang lahat ng taon ng pagsusumikap at pagpapakahirap ko?” Kalaunan, kinupkop ako ng isang sister. Nagbahagi siya sa akin tungkol sa kalooban ng Diyos at tinulungan niya ako, pero talagang nainggit ako nang makita kong abala siya palagi sa tungkulin niya. Hindi ako makagawa ng tungkulin dahil may karamdaman ako. Ginagamit ba ng Diyos ang kundisyon ko para alisin ang pagkamarapat ko sa aking tungkulin, sinusubukan ba Niya akong ilantad at palayasin? Nanlambot ang buong katawan ko sa ideyang ito, at talagang naging miserable ako at nawalan ng pag-asa. Lumitaw rin ang mga maling pagkaunawa at reklamo ko tungkol sa Diyos; naisip ko kung paanong sa nakaraang huling ilang taon na ito, naisuko ko na ang lahat at nagdusa akong masyado nang wala ni isang reklamo. Paano ako humantong sa ganito? Sa panahong yon, hindi ko talaga maintindihan ang mga salita ng Diyos at hindi ko alam ang sasabihin sa Diyos sa panalangin. Nawalan ako ng gana at hindi ako makatulog nang maayos. Puspos ng kadiliman ang aking puso. Nakikitang ganito ako, iwinasto ako ng sister, na sinasabing, “Hindi mo talaga binabasa ang mga salita ng Diyos, talagang parang ibang tao ka na ngayon. Hindi mo hinahanap ang katotohanan.” Talagang napakahirap para sa akin ang marinig na mapakitunguhan nang ganito, at nagdasal ako sa Diyos sa aking paghahanap: “Diyos ko, hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyong ito, hindi ko maunawaan ang Iyong kalooban, at hindi ko alam kung anong landas ang dapat kong tahakin. Nabubuhay ako sa kadiliman at talagang miserable ako. Liwanagan Mo sana ako at gabayan.”
Patuloy akong nagdasal at nagsaliksik na mabuti sa sumunod na ilang araw. Isang umaga, biglang pumasok sa isip ko ang isang parirala mula sa mga salita ng Diyos: “Taglay mo ba ang mukha ng isang magtatamo ng mga pagpapala?” Agad kong binuksan ang computer ko para makita ang siping ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao’y manhid at mapurol ang isip; siya’y naging demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang naitala na sa mga aklat ng kasaysayan ang pagiging mapanghimagsik ng tao tungo sa Diyos, at kahit ang tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong ulat ng kanyang ugaling mapanghimagsik—sapagka’t ang tao ay nagawang tiwali na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas, na anupa’t hindi niya nalalaman kung saan tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kanya, at kapag hindi niya nakikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon pa ngang iba na, bagaman nasasaksihan na ang mga sumpa ng Diyos at poot ng Diyos, pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya’t sinasabi Kong nawala na ng katinuan ng tao ang orihinal nitong gamit, at na ang konsensiya ng tao, gayundin, ay nawalan ng orihinal nitong gamit. Ang taong nasisilayan Ko ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man niya subukang magmukhang kahabag-habag sa mga mata Ko, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagka’t ang tao ay walang pagkaunawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng katotohanan at di-katotohanan. Masyadong namanhid ang katinuan ng tao, nguni’t patuloy siyang naghahangad na magkamit ng mga pagpapala; masyadong walang-dangal ang kanyang pagkatao nguni’t naghahangad pa rin siyang taglayin ang kataas-taasang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya mauupo sa isang trono sa gayong katauhan? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais magkamit ng mga pagpapala, ipinapayo Kong humanap muna kayo ng salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang mga kinakailangan upang maging hari? Taglay mo ba ang mukha ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala pa rin kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo pa naisagawa ang alinman sa katotohanan, nguni’t hinahangad mo pa rin ang isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo ang iyong sarili!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Nabasa ko rin ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Nananalig ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t may ganito sa puso ng lahat? Totoo na mayroon nga. Bagamat hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at hangaring magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay hindi matinag-tinag noon pa man. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang karanasan o kaalaman ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang isinasakripisyo nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagseserbisyo para rito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang paniniwala sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Marahil, habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin o ipinamumuhay ang buhay ng iglesia, nararamdaman nilang nagagawa nilang talikdan ang kanilang mga pamilya at masayang gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos, at na mayroon na silang kaalaman ngayon tungkol sa kanilang motibasyon na tumanggap ng mga pagpapala, at naisantabi na nila ang motibasyong ito, at hindi na sila napamumunuan o napipigilan nito. Pagkatapos, iniisip nilang wala na silang motibasyon pa na mapagpala, pero kabaligtaran ang pinaniniwalaan ng Diyos. Mababaw lang kung tingnan ng mga tao ang mga bagay-bagay. Kapag walang mga pagsubok, maganda ang pakiramdam nila sa kanilang sarili. Basta’t hindi sila umaalis sa iglesia o hindi itinatatwa ang pangalan ng Diyos, at nagpupursigi silang gumugol para sa Diyos, naniniwala silang nagbago na sila. Pakiramdam nila ay hindi na personal na kasiglahan o pabugso-bugsong damdamin ang nagtutulak sa kanila sa pagganap ng kanilang tungkulin. Sa halip, naniniwala silang kaya na nilang hangarin ang katotohanan, at kaya na nilang patuloy na hanapin at isagawa ang katotohanan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, nang sa gayon ay nadadalisay ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nakakamit nila ang ilang tunay na pagbabago. Gayunpaman, kapag may mga nangyayari na tuwirang may kinalaman sa hantungan at katapusan ng mga tao, paano sila umaasal? Nahahayag ang katotohanan sa kabuuan nito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Wala akong mapagtaguan dahil sa mga salita ng paghatol ng Diyos. Dati-rati, alam ko sa teorya na ang pananampalataya ay hindi para sa mga pagpapala, pero hindi ko talaga kilala ang sarili ko. Biglang inilantad ng sitwasyong ito ang motibasyon kong magtamo ng mga pagpapala. Natalikdan ko na ang aking tahanan at trabaho sa nakalipas na ilang taong iyon para isagawa ang tungkulin ko anuman ang mangyari. Akala ko sa pagbabayad ng lahat ng halagang ito ay tiyak na matatamo ko ang pag-ayon at mga pagpapala ng Diyos, at na magkakaroon ako ng magandang hantungan, kaya talagang naengganyo ako sa aking tungkulin. Ngayo’y hindi ko magawa ang tungkulin ko dahil sa karamdaman ko, kaya naisip ko na nawala na sa akin ang aking hantungan at nasira na ang mga pangarap kong pagpapala. Hindi ko lang pinagsisihan na tinalikdan ko ang lahat-lahat, kundi sinisi ko ang Diyos, nangatwiran ako at lumaban sa Kanya. Lungkot na lungkot ako para kumilos. Itinuring kong puhunan ang aking mga sakripisyo para makipagkalakalan sa Diyos para sa mga pagpapala, na iniisip na ang mga pagdurusa at mga kontribusyon ko ay nangangahulugan na may utang sa akin ang Diyos na magandang hantungan at kahihinatnan. Nang mawala iyon, nagreklamo ako at sinisi ko ang Diyos. Ang motibong mapagpala ay nakatago sa likod ng aking pagkanegatibo. Ang pananaw na iyon sa aking pananampalataya ay pakikipagtransaksyon sa Diyos at paggamit sa Kanya para magtamo ng mga pagpapala. Ito ay pandaraya sa Diyos at paglaban sa Kanya. Ang mga kontribusyon at paggugol ni Pablo ay para makipagkasunduan sa Diyos, at humingi ng isang korona ng pagiging matuwid mula sa Kanya. Nilabag nito nang malubha ang disposisyon ng Diyos at pinarusahan siya. Matapos akong gumawa ng ilang sakripisyo at mga paggugol, humingi rin ako ng mga gantimpala, pangako, at pagpapala mula sa Diyos. Nang hindi ko nakuha ang aking inasam, nagkamali ako ng pag-unawa at sinisi ko ang Diyos, at inisip ko pang pagtaksilan Siya. Paano ako naiba kay Pablo? Nagkaroon ba ako ng kahit katiting na katwiran o konsensya? Gumugol na ako ng kaunting panahon at nagpakahirap sa aking tungkulin, pero dahil hindi ko naunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, at puno pa rin ako ng katiwalian at mga karumihan, hindi ko nagawang magtamo ng anumang magagandang resulta sa aking tungkulin, at paminsan-minsa’y nakagambala pa ako. Sa ganitong paraan ay ginagamit ko ang aking mga kontribusyon at paggugol bilang puhunan para subukang makipagkasunduan sa Diyos at magtamo ng mga pagpapala. Talagang wala akong hiya! Kung hindi ako napigilan ng aking karamdaman sa paggawa ng tungkulin ko, hindi ko sana nakita kailanman ang hindi angkop na paghahangad ko ng mga pagpapala sa aking pananampalataya, at nanatili sana akong nakatahak sa maling landas, na nagwawakas na kagaya ni Pablo sa bandang huli. Nanatili ang takot ko dahil sa mga ideyang ito, at natanto ko na ang pagsasaayos ng Diyos sa sitwasyong ito ay Kanyang pag-ibig at pagliligtas sa akin. Napuspos ako ng pagsisisi at pagkagalit sa sarili nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, at lumuluha akong nagdasal, “Diyos ko! Salamat sa pagliligtas Mo. Kung hindi ako nalantad nang ganito, kinontra sana Kita nang hindi ko nalalaman kung bakit. Diyos ko, gusto kong magsisi sa Iyo at tumigil sa paghahangad ng mga pagpapala. Gusto ko lang hanapin ang katotohanan, iwaksi ang aking tiwaling disposisyon, at isabuhay ang wangis ng tao.”
Pagkatapos magdasal, binasa ko ang iba pang mga salita ng Diyos, na tumalakay sa mga karanasan ni Pedro sa pagpipino. Sabi sa mga salita ng Diyos: “Maraming beses Ko siyang isinailalim sa mga pagsubok—mga pagsubok, natural, na muntik na niyang ikamatay—ngunit sa kabila ng daan-daang pagsubok na ito, hindi siya nawalan ng pananampalataya sa Akin kailanman o nadismaya sa Akin. Kahit noong sabihin Ko na tinalikuran Ko na siya, hindi pa rin siya pinanghinaan ng loob, at patuloy niya Akong minahal sa isang praktikal na paraan at alinsunod sa dating mga prinsipyo ng pagsasagawa. Sinabi Ko sa kanya na hindi Ko siya pupurihin kahit minahal niya Ako, na sa huli ay ihahagis Ko siya sa mga kamay ni Satanas. Ngunit sa gitna ng mga pagsubok na ito, mga pagsubok na hindi sumapit sa kanyang laman, kundi sa mga salita, nanalangin pa rin siya sa Akin at nagsabing, ‘Diyos ko! Sa langit at sa lupa, at sa lahat ng bagay, mayroon bang sinumang tao, anumang nilalang, o anumang bagay na hindi Mo hawak sa mga kamay Mo, ang Makapangyarihan sa lahat? Kapag maawain Ka sa akin, labis na nagagalak ang puso ko sa Iyong awa. Kapag hinahatulan Mo ako hindi man ako karapat-dapat, lalo kong nadarama ang napakalalim na hiwaga ng Iyong mga gawa, dahil puno Ka ng awtoridad at karunungan. Bagama’t nahihirapan ang aking laman, naaaliw ang aking espiritu. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at mga gawa? Kahit mamatay ako matapos Kang makilala, paanong hindi ko magagawa iyon nang may galak at masaya? Makapangyarihan sa lahat! Talaga bang ayaw Mo akong makita Ka? Talaga bang hindi ako karapat-dapat na tumanggap ng Iyong paghatol? Maaari kayang may isang bagay sa akin na ayaw Mong makita?’ Sa gayong mga pagsubok, kahit hindi naintindihang mabuti ni Pedro ang Aking kalooban, malinaw na ipinagmalaki at ikinarangal niya na kinasangkapan Ko siya (kahit tinanggap niya ang Aking paghatol upang makita ng sangkatauhan ang Aking kamahalan at poot), at na hindi siya nabalisa sa mga pagsubok na ito. Dahil sa kanyang katapatan sa Aking harapan, at dahil sa Aking pagpapala sa kanya, naging isa siyang uliran at huwaran sa tao sa loob ng libu-libong taon. Hindi ba ito mismo ang dapat ninyong tularan?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 6). Nakita ko sa mga salita ng Diyos na hindi pinigil si Pedro ng kanyang kapalaran o hantungan. Kahit nang sabihin ng Diyos na hindi Niya sasang-ayunan si Pedro sa kabila ng kanyang pagmamahal at sa huli ay ibibigay siya kay Satanas, hinangad pa rin ni Pedro na mahalin ang Diyos at magpasakop hanggang sa mamatay siya. Walang anumang pakikipagkalakalan o marumi sa pagmamahal ni Pedro sa Diyos. Iyon ay tunay na pagmamahal at pagsunod. Nakasumpong ako ng landas ng pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos at naging handa akong hangaring mahalin ang Diyos gaya ni Pedro. Paano man ako tratuhin ng Diyos, mayroon man akong kahinatnan o hantungan, magpapasakop ako sa tuntunin at mga pagsasaayos ng Diyos. Bagama’t noong panahong iyon ay hindi ko nagawa ang tungkulin ko sa iglesia na gaya ng dati, tinatamasa ko ang panustos ng mga salita ng Diyos sa nakalipas na huling ilang taon na iyon at nagkaroon ng kaunting karanasan, kaya puwede kong isulat ang naranasan ko mula sa gawain ng Diyos para magpatotoo sa Kanya. Paggawa rin ito ng tungkulin ng isang nilalang. Pagkatapos nito, sinimulan kong madalas na patahimikin ang sarili ko sa harap ng Diyos, na pinagninilayan ang Kanyang mga salita at isinusulat ang mga patotoo tungkol sa aking mga karanasan. Nadama ko na mas malapit ako sa Diyos at tumigil ako sa pag-aalala tungkol sa aking kinabukasan at mga inaasam. Nakaramdam ako ng matinding kalayaan at kapahingahan. Matapos ang kaunting ilang panahon ng pagpapagaling, naging normal na ang presyon ng dugo ko, at bumalik na ako sa paggawa ng aking tungkulin sa iglesia.
Akala ko, pagkatapos ng karanasang iyon, nagkaroon na ako ng kaunting pagkaunawa tungkol sa mga pananaw ko sa paniniwala sa Diyos, at na hindi na ako mapipigilan pa ng mga pag-asam sa mga pagpapala. Pero pagkaraan ng kaunting panahon, muli kong nadama ang pagnanais na mapagpala.
Noong panahong iyon, naglingkod ako bilang isang lider ng iglesia. Sa isang pagtitipon, inutusan kami ng lider namin na suriin ang kakayahan ng bawat isa sa mga lider ng grupo na gumawa ng praktikal na gawain at sinabihan kami na talagang walang buktot na mga tao, o mga taong hindi tatanggap sa katotohanan ang puwedeng piliin para sa posisyong iyon. Matapos marinig ito naisip ko na kailangan kong gawin iyon kaagad, na ang paggamit sa maling tao ay puwedeng makapinsala sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid. Sa pagkakataong ito, hindi lang ako puwedeng paalisin, kundi magiging isang paglabag at masamang gawain ito. Pagkaraan ng isang buwan, nabago na ang mga tauhan, at masayang-masaya ako. Pero ang nakakagulat, nalaman kaagad ng lider namin na ang isa sa mga pinili ko ay isang buktot na tao. Talagang nakakagalit iyon para sa akin. Pakiramdam ko hindi nagawa nang maayos ang tungkulin ko at nagambala ko ang gawain ng iglesia. Hindi nagtagal, iniulat ng ilang kapatid na ang isa ko pang pinili ay may napakayabang na disposisyon. Diktador siya sa kanyang mga tungkulin, hindi niya tinanggap ang mga mungkahi ng iba, at pinagalitan at pinigilan niya ang mga kapatid. Nakikitang sunud-sunod ang mga problemang naglilitawan sa gawain, bigla kong nadama na hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan, na wala akong katotohanang realidad. Kung may iba pang nangyaring mali at naapektuhan ang gawain ng iglesia, isang malaking kasamaan iyon. Kung gayo’y hindi ba sira na ang kinabukasan at hantungan ko? Pakiramdam ko dapat akong magpalit kaagad ng tungkulin. Nagsimula akong mahilo isang umaga, at nakita ko na mas mataas kaysa rati ang presyon ng dugo ko. Sinabihan ko ang lider namin tungkol sa kundisyon ng katawan ko, na iniisip na dahil nagkaproblema ako sa aking kalusugan, malaking tulong kung mapapalitan niya ang tungkulin ko. Sa gayo’y hindi na gayon kalaki ang responsibilidad ko. Sinabi ko sa sister na kasama ko sa gawain, “Kung pauuwiin ako, handa akong sumunod, at gagawin ko ang anumang tungkuling magagawa ko pagkatapos niyon.” Matapos kong sabihin ito, iwinasto ako ng sister, na sinasabing nagpapakita ako ng pagkanegatibo at na dapat akong magnilay sa sarili ko. Ayaw kong tanggapin ito. Akala ko nagawa kong sumunod at handa akong gawin ang anumang tungkuling kaya ko. Paano iyon naging pagpapakita ng pagkanegatibo? Pero naisip ko na tinulutan siya ng Diyos na sabihin iyon, kaya nagdasal ako sa Diyos para humiling ng Kanyang patnubay para malaman ko ang tunay kong kalagayan.
Pagkatapos ay nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; ngunit para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang uring ito ng mga hamak na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi sila karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang ninanais ay nalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, ay agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napalayas, ang mga demonyong ito na papatay nang walang kurap, hindi ba sila magiging tagong panganib?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Nakadama ako ng pagkapahiya dahil sa mga salita ng paghatol at pagbubunyag ng Diyos. Hindi ba ako mismo ang uri ng taong ibinubunyag Niya? Naging masigasig at masipag ako nang akalain ko na magbubunga ng mga pagpapala ang tungkulin ko. Kung hindi, bigla akong magiging mapanlaban at ayaw ko nang gawin ang tungkuling iyon. Inisip ko lang ang kinabukasan at hantungan ko. Nang nagkamali ako sa aking tungkulin, hindi ako nagnilay at naghanap ng katotohanan dahil sa mga kabiguan ko, o bumawi para sa mga kapintasan ko, o nagsikap na gawin ang lahat ng kaya ko sa aking tungkulin; sa halip, natakot akong magkaroon ng responsibilidad at malagay sa panganib ang kinabukasan ko. Ginusto kong iwasan ang tungkuling ito at papalitan ito ng isang di-gaanong malaki ang responsibilidad, gamit ang presyon ng dugo ko bilang dahilan. Sa tingin ay parang may katwiran ako, pero nasa likod niyon ang kasuklam-suklam kong mga motibo. Napakabuktot ko!
Nagsimula akong magnilay tungkol sa tunay na pinag-ugatan ng patuloy na paghahangad ko sa mga pagpapala sa aking pananampalataya. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling kapakanan; kapag tinatalikdan nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, ito ay para pagpalain, at kapag tapat sila sa Kanya, ito ay para gantimpalaan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa hangaring pagpalain, gantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit. Sa lipunan, nagtatrabaho ang mga tao para sa kanilang pansariling pakinabang, at sa sambahayan ng Diyos, gumagawa sila ng tungkulin para pagpalain. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikdan ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa: Wala nang mas maganda pang katibayan ng satanikong kalikasan ng tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nalaman ko mula sa mga salitang ito ng Diyos na lagi kong iniisip ang aking kinabukasan at hantungan dahil masyado akong nagawang tiwali ni Satanas. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” at “Huwag tumulong kung walang gantimpala,” ang mga satanikong batas na ito para mabuhay ay matagal nang naging kalikasan ko mula noon, kaya ako naging mas sakim, kasuklam-suklam, at makasarili. Inisip ko ang personal na pakinabang sa lahat ng ginawa ko. Kung titingnan ang landas ng aking pananampalataya sa paglipas ng mga taong iyon, ang simula ng paggawa ko ng tungkulin ay ang mapagpala, magantimpalaan, at sa huli ay magkaroon ng magandang hantungan sa pamamagitan ng pagpasok sa kaharian ng langit. Ang maraming taon ng pagsusumikap at pagdurusa ko ay hindi naging tapat na paggugol para sa Diyos, o paggawa ng tungkulin ng isang nilalang. Lahat ng iyon ay para gamitin ang Diyos, dayain Siya, at makipagkasunduan sa Kanya. Hindi talaga iyon para mahalin o palugurin ang Diyos. Paano ako matatawag na isang taong may pananampalataya? Dahil sa biyaya ng Diyos kaya nakapagsanay akong maging isang lider—ang kalooban ng Diyos ay ang magsagawa ako gamit ang katotohanan para lutasin ang mga problema at matuto ng pagkakilala at kabatiran, pero hindi ko pinahalagahan ang pagkakataong ito. Hindi ko sinangkapan ng katotohanan ang sarili ko at hindi ko pinasok iyon, at inisip ko lang ang aking kinabukasan at kapalaran. Tumatahak ako sa landas ng isang kaaway ng Diyos. Alam ko na kailangan kong magsisi at hanapin ang katotohanan, o kung hindi ay tiyak na pupuksain ako sa huli.
Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos sa isa sa aking mga debosyonal: “Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay napatungo sa laman ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga pagpapakasakit at paghihirap ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang mga kalamangan o kahinaan o mga pabuya para sa Diyos; hindi Siya gagapas ng anumang ani sa hinaharap, kundi ng mga una nang pagkakautang sa Kanya. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga ipinagpapakasakit para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng malalaking pabuya, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao). Masyado akong naantig ng pag-ibig ng Diyos nang pagnilayan ko ito. Ang Diyos—na kataas-tasan, banal, at marangal—ay naging tao nang dalawang beses para iligtas ang lubhang nagawang tiwaling sangkatauhan, na nagdaranas ng matinding kahihiyan at pasakit. Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan, kapalit ng Kanyang buhay. Nagpunta sa Tsina ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na nagpapahayag ng mga katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan, at inusig, tinugis, at siniraang-puri ng CCP at ng mundo ng relihiyon. Pinagdurusahan Niya ang lahat para gumawa sa gitna natin, para ibigay sa atin ang Kanyang mga salita nang walang kapalit, para lang iligtas tayo sa impluwensya ni Satanas. Nagdusa nang husto ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, nang hindi iniisip man lang ang sarili Niyang mga pakinabang o kawalan. Hindi Siya humihingi sa atin ng kapalit, wala Siyang hinihinging anuman sa atin. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi makasarili at totoo. Ang diwa ng Diyos ay napakaganda at napakabuti! Pagkatapos, tinitingnan ang sarili ko, nasabi ko nang may pananampalataya ako at na gusto kong palugurin ang Diyos, pero hindi talaga ako naging tapat sa Kanya. Patuloy akong gumugol para sa Kanya, para lang tangkaing makipagkalakalan para sa mga pagpapala. Ito ay paggamit at pandaraya sa Diyos. Nakita ko kung gaano ako naging sakim, buktot, aba, at kahiya-hiya. Ang isang taong kagaya ko ay hindi kailanman magtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, gaano man kalaki ang kanyang sakripisyo. Nabasa ko rin ito sa mga salita ng Diyos: “Bilang isang nilalang ng Diyos, dapat hangaring gampanan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hangaring mahalin ang Diyos nang hindi pumipili ng iba pa, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Yaong mga naghahangad na mahalin ang Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o hangarin yaong personal nilang inaasam; ito ang pinakatamang paraan ng paghahangad” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Nakita ko sa mga salita ng Diyos na bilang mga nilalang, hindi tayo dapat magkaroon ng pananampalataya alang-alang sa mga pagpapala. Dapat nating hangaring mahalin ang Diyos at gawin nang maayos ang ating tungkulin bilang mga nilalang. Ito ang pinakamakabuluhang paraan ng pamumuhay. Ito ang ipinagdasal ko sa Diyos: “Diyos ko, gusto kong magsisi sa Iyo, tumigil sa paghahangad ng mga pagpapala. Ano man ang maging huli kong hantungan, gusto ko lang gawin nang maayos ang tungkulin ko para masuklian ang pag-ibig Mo.” Nang maitama ko ang aking kalagayan, umayos na ang presyon ng dugo ko.
Kalaunan, binasa ko rin ang dalawa sa mga sipi ng mga salita ng Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). “Sa huli, kung magtatamo man ng kaligtasan ang mga tao ay hindi nakasalalay sa kung anong tungkulin ang tinutupad nila, kundi kung kaya ba nilang maunawaan at makamit ang katotohanan, at kung, sa huli, ay kaya ba nilang lubos na magpasakop sa Diyos, magpasailalim sa Kanyang pagsasaayos, hindi isaalang-alang ang kanilang hinaharap at tadhana, at maging isang karapat-dapat na nilikha. Matuwid at banal ang Diyos, at ang mga ito ang pamantayan na ginagamit Niya upang sukatin ang buong sangkatauhan. Hindi nababago ang mga pamantayang ito, at dapat mo itong tandaan. Ikintal mo ang mga pamantayan na ito sa iyong isipan, at kahit anong oras, huwag mong isipin na maghanap ng iba pang landas sa paghahangad ng ilang bagay na hindi totoo. Ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa lahat ng nais na matamo ang kaligtasan ay hindi nagbabago magpakailanman. Nananatiling pareho ang mga iyon maging sino ka man” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ipinaunawa sa akin ng mga salitang ito ng Diyos na ang tungkulin natin ay walang kinalaman sa kung tayo ba ay pagpapalain o isusumpa sa huli. Ang susi sa lubos na kaligtasan ay kung mahahanap at matatamo natin ang katotohanan, at mababago natin ang ating disposisyon. Kung ano ang tungkuling ginagampanan ko at kung kailan ko ginagawa iyon ay parehong pinagpapasyahan ng Diyos, at ang aking kahihinatnan at hantungan ay lalo pang napapailalim sa mga tuntunin at pagsasaayos ng Diyos. Ang dapat kong gawin ay tanggapin ang mga pangangasiwa ng Diyos at tapat na gampanan ang aking tungkulin. Natanto ko rin na ang aking paglilingkod bilang lider ng iglesia ay pagtataas ng Diyos, at pagbibigay sa akin ng Diyos ng pagkakataong magsagawa, na nagtutulot sa akin na makita ang aking mga pagkukulang at kakulangan sa pagsasagawa ko ng aking mga tungkulin. Ang paghahanap sa katotohanan at pag-unawa sa mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng aspeto ay maaaring mag-udyok sa aking paglago sa buhay. Nang maunawaan ko ito, hindi na ako nag-alala tungkol sa aking kinabukasan at kapalaran at ayaw ko nang magpalit ng mga tungkulin. Matatag akong nakapagpasakop at nakagawa ng aking mga tungkulin sa matinong paraan, na naghahanap ng katotohanan para malutas ang anumang problemang lumitaw. Sa paglipas ng panahon, dahan-dahan kong naunawaan ang ilang prinsipyo, at unti-unting nabawasan ang mga pagkakamali ko sa aking tungkulin. Ang pagsasagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos at hindi pagganap sa aking mga tungkulin alang-alang sa mga pagpapala ay talagang nakapagpalaya sa akin. Nagabayan ng Diyos ang aking mga tungkulin, at paganda na nang paganda ang mga resulta. Salamat sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.