Paano Ko Nagawang Salubungin ang Panginoon

Pebrero 13, 2023

Ni Ding Yan, Tsina

Noong 1991, nanalig ako sa Panginoong Jesus. Pagkatapos umanib sa pananampalataya, madalas kong binabasa ang Bibliya. Labis akong naantig nang mabasa ko kung paanong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan at nagsimula akong aktibong dumalo sa mga pagtitipon at sabik na ginugol ang sarili ko para sa Panginoon. Minsan, sa isang pagtitipon, sinabi ng isang mangangaral: “Ang mga propesiya ng pagparito ng Panginoon ay natupad nang lahat ngayon, at paparito ang Panginoon sakay ng ulap para dalhin tayo sa kaharian ng langit. Dapat tayong maging alerto at magdasal para mapaghandaan ang pagparito ng Panginoon.” Labis akong natuwa nang marinig ito. Napakagandang pagpapala na masalubong ang Panginoon at madala sa kaharian! Ito ang inaasam ng bawat mananampalataya! Subalit noong 1997, hindi pa rin namin nasasalubong ang Panginoon at nagiging mapanglaw na ang simbahan. Pawang paulit-ulit ang mga sermon ng mga mangangaral, hindi sila nagbigay ng anumang bagong kaliwanagan, hindi natustusan ang mga mananampalataya at humina ang kanilang pananalig. Bumalik pa nga sa sekular na mundo ang ilang mangangaral para magnegosyo. Sumama talaga ang loob ko nang makitang mangyari ang lahat ng ito. Alam kong nagkakasala rin ako sa araw at nangungumpisal sa gabi, na hindi ko naisagawa ang mga salita ng Panginoon at hindi ko man lang magawang magpasensya at magparaya sa pamilya ko. Kapag gumagawa ng mga bagay na nakakasakit sa akin o nakakakompromiso sa mga interes ko ang biyenan at asawa ko, nagtatanim ako ng sama ng loob. Nag-aalala talaga ako—nakaipit ako sa isang walang katapusang siklo ng pagkakasala at pangungumpisal—dadalhin ba ako ng Panginoon sa kaharian sa pagparito Niya? Pero sinabi ng isang mangangaral: “Habang nabubuhay tayo, lahat tayo ay hindi maiiwasang magkasala, pero inako ng Panginoon ang ating mga kasalanan noong ipinako Siya sa krus. Hangga’t nangungumpisal at nagsisisi tayo sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan, at sa pagparito ng Panginoon, tayo ay madadala.” May mga pag-aalinlangan din ako, naalala ko ang sinabi ng Diyos: “Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(Levitico 11:45). Ang Diyos ay banal, at ang kaharian ng langit ay isang banal na lupain—kung hindi natin nakamit ang kabanalan, makakapasok nga ba tayo sa kaharian? Labis akong nalito at nag-alala, pero wala akong mahanap na landas para alisin sa sarili ko ang kasalanan.

Sa pagtitipon para sa Pasko noong taong iyon, binigyan ako ni Sister Xin Lu ng libro. Naging interesado ako at tinanong ko siya: “Saan galing ang librong ito?” Sabi niya: “Ito ang mga salita ng Diyos. Nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos. Ang mga salitang ito ay ang katotohanang ipinahayag ng kasalukuyang pagkakatawang-tao ng Diyos.” Nabigla ako at sabik na nagtanong: “Nagbalik na ang Panginoon? Ito ang mga salita ng Diyos?” Pero medyo nalito rin ako, sinabi ko, “Paano ito nangyari? Kapag bumalik ang Panginoon, paparito Siya sakay ng mga ulap. Paanong nagkatawang-tao Siya?” Sumagot si Xin Lu: “Hindi maliit na bagay ang pagparito ng Panginoon. Hindi natin ito dapat limitahan. Kung mayroon kang kalituhan, maaari tayong maghanap kasama ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.” Sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:7). Pagkalipas ng ilang araw, nakipagkita ako kina Sister Wang Qing at Li Xue mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at binanggit ko ang kalituhan ko: “Sinasabi ninyo na nagkatawang-tao ang Panginoon, pero imposible ito. Madalas sinasabi ng aming mga mangangaral na bababa ang Diyos sakay ng mga ulap, gaya ng ipinopropesiya ng Pahayag: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Paano mo nasasabing nagkatawang-tao muli ang Diyos? Sinusuportahan ba ito ng Bibliya?” Sumagot si Wang Qing: “Maraming propesiya ang Bibliya sa kung paano babalik ang Panginoon. Ang kanyang pagparito sakay ng mga ulap ay isang uri lamang. Marami ring propesiya na nagsasabing magkakatawang-tao ang Panginoon at bababa nang palihim, gaya ng: ‘Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Binabanggit ng dalawang kasulatang ito ang ‘pagparito ng Anak ng tao.’ Kaya, sino itong Anak ng tao? Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao at ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya ang ‘Anak ng tao’ ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang pagparito ng Anak ng tao ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik. Gayundin, kung paparito ang Panginoon sakay ng mga ulap sa Kanyang espirituwal na katawan, lahat ay yuyuko sa Kanya kapag nakita ito. Kung gayon ba ay magdurusa ang Diyos at itatakwil ng henerasyong ito? Kapag nagkatawang-tao ang Panginoon bilang Anak ng tao saka mabibigo ang mga tao na kilalanin Siya bilang Diyos na nagkatawang-tao, saka Siya kokondenahin at tatanggihan, at saka lang magdurusa ang Diyos. Kaya, sa pagkakataong ito, hindi pumarito ang Diyos sakay ng mga ulap para gawin ang Kanyang gawain, sa halip ay pinili Niyang magkatawang-tao bilang Anak ng tao.” Nagulat ako sa sinabi ni Wang Qing. Naaayon sa Bibliya ang ibinahagi niya: Ipinopropesiya ng Bibliya na paparito ang Panginoon bilang Anak ng tao sa mga huling araw. Paanong hindi ko iyon nakita noon? Pero kung nagkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para magpakita at gumawa, kung gayon, paano matutupad ang propesiya sa Pahayag 1:7 “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata”? Ipinahayag ko ang aking pagkalito kay Wang Qing. Nagpatuloy siya sa pagbabahagi, sinasabing: “Tiyak na matutupad ang lahat ng propesiyang ito, pero may partikular na pagkakasunud-sunod sa mga ito. Sa mga huling araw, paparito ang Panginoon sa dalawang paraan: Una Siyang magkakatawang-tao at bababa nang palihim para ipahayag ang Kanyang mga salita at gawin ang gawain ng paghatol upang lubusang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos nito, magsisimula ang mga sakuna at ang lihim na gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay magtatapos. Kapag lumipas na ang mga sakuna, hayagang paparito ang Diyos sakay ng mga ulap, magpapakita sa lahat ng bansa at sangkatauhan. Pagkatapos ay matutupad ang propesiyang ito mula sa Pahayag: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Bakit tatangis ang lahat ng angkan sa lupa sa pagparito ng Diyos sakay ng mga ulap? Dahil kapag nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain, hindi nila Siya makikilala, at lalabanan at tatanggihan Siya. Kapag pumarito ang Diyos sakay ng mga ulap ay saka nila malalaman na ang nilalabanan at kinokondena nila ay si Cristo ng mga huling araw. Sa panahong iyon, kahit na gusto nilang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, magiging huli na ang lahat, dahil sa pagparito ng Diyos sakay ng mga ulap, magtatapos na ang Kanyang gawain na iligtas ang tao. Pagpapasyahan Niya ang mga kahihinatnan ng mga tao, at parurusahan ang masasama at gagantimpalaan ang mabubuti. Yaong mga lumalaban sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay masasadlak sa mga sakuna, walang hanggan na tatangis at magngangalit ng kanilang mga ngipin.”

Nakita kong puno ng liwanag ang pagbabahagi ni Wang Qing. Sa katunayan, may dalawang paraan ng pagbabalik ang Panginoon. Una Siyang magkakatawang-tao nang palihim, pagkatapos ay hayagan Siyang paparito sakay ng mga ulap. Naaayon ito sa Bibliya. Pero tungkol sa kanilang patotoo na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi pa rin ako sigurado. Kaya sinundan ko pa ng tanong: “Sumasang-ayon ako na sa mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao, pero paano natin matitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay Diyos na nagkatawang-tao?” Una, binasa sa akin ni Li Xue ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Matapos basahin ang siping ito, sinabi ni Li Xue: “Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: Hindi natin matutukoy kung ang isang tao ay Diyos na nagkatawang-tao batay lang sa panlabas na anyo. Ang susi ay ang makita kung mayroon siyang diwa ni Cristo. Siya na si Cristo ay kayang magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Tulad ng Panginoong Jesus—sa panlabas, mukha Siyang normal na tao at imposibleng makita na Siya ay Diyos. Pero nasa loob Niya ang Espiritu ng Diyos, kaya Siya Mismo ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya niyang magpahayag ng katotohanan para bigyan ang sangkatauhan ng daan ng pagsisisi, at nagawa Niyang isagawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Noong panahong iyon, ang mga disipulo ng Panginoong Jesus ay kinilala Siya bilang Diyos batay sa Kanyang mga salita at gawain. Pero hindi tinanggap ng mga Pariseo ang katotohanan, at tinrato lang ang Panginoong Jesus bilang ordinaryong tao batay sa Kanyang panlabas na anyo. Walang pakundangan nilang nilabanan at kinondena Siya at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Kaya, upang matukoy kung ang isang tao ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw, ang susi ay ang makita kung ang mga salitang ipinapahayag niya ay ang katotohanan at kung kaya niyang gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang tanging paraan para makilala si Cristo at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.” Pagkatapos sabihin ito, tinanong kami ni Wang Qing: “Bakit hindi maaaring tawaging Cristo ang mga propetang sina Isaias, Ezekiel, Jeremias at Daniel, pero si Jesus ay maaaring tawaging Cristo?” Natigilan ako sa tanong na ito. Wala akong sagot at nagmamadali kong hiniling sa kanila na magbahagi. Sinabi ni Wang Qing: “Sinasabi lang natin kung paanong si Cristo ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos Mismo. Sa panlabas, maaaring mukha Siyang normal na tao, pero Siya ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos at sa diwa ay naiiba sa mga nilikha. Hindi lang Siya may normal na pagkatao, mayroon din Siyang ganap na pagka-Diyos. Naipapamalas ito sa katunayan na ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang magpahayag ng katotohanan at magbunyag ng mga misteryo anumang oras, at kayang magpahayag ng disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang mga iniisip at ideya, ang Kanyang pagmamahal at Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan, na nagbibigay-daan sa lahat ng sangkatauhan na maunawaan at makilala ang Diyos. Ito ay sapat na para mapatunayan na si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos. Ang mga propeta ay mga nilikha lang—may pagkatao sila pero walang pagka-Diyos. Kaya nilang maghatid ng mga salita ng Diyos, pero hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan. Kaya, tanging ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang matatawag na Cristo. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). Sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng sister, natutunan ko na Si Cristo ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos, at si Cristo lang ang makakapagpahayag ng katotohanan na hindi kayang ipahayag ng sinumang propeta o iginagalang na tao. Ito ang mga katotohanan at misteryo na hindi ko pa kailanman narinig sa maraming taon ng aking pananampalataya. Maaari kayang ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon? Kung hindi, sino bukod sa Diyos ang kayang magpahayag ng gayong mga katotohanan at magbunyag ng gayong mga misteryo?

Sa oras na iyon, mayroon pa rin akong kalituhan. Narinig kong sinabi nila na sa mga huling araw ay ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol para lubusang iligtas ang sangkatauhan, pero dati ko nang narinig na sinasabi ng mga mangangaral na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at inako ang ating mga kasalanan, lahat tayo ay pinatawad na at wala nang kasalanan, at direktang madadala sa kaharian sa pagparito ng Panginoon. Kaya bakit muling magkakatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis? Binanggit ko ang kalituhang ito sa mga sister. Sumagot si Wang Qing: “Naniniwala tayo na hindi tayo makasalanan, pero napalaya na ba tayo sa kasalanan at nakapagkamit ng kadalisayan? Makakasiguro ba tayo na hindi na tayo muling magkakasala?” Hindi ako nakaimik sa tanong ng sister. Tinubos tayo ng Panginoong Jesus, pero nagkakasala pa rin tayo sa araw at nagkukumpisal sa gabi. Talagang hindi pa tayo nakalaya mula sa mga gapos ng kasalanan! Nagpatuloy si Wang Qing, sinasabing: “Sa kabila ng pagkakapako ng Panginoong Jesus sa krus para akuin ang ating kasalanan at tubusin tayo, hindi maikakaila sa buhay natin na nagkakasala pa rin tayo. Hindi natin maiwasang magsinungaling at manlinlang, at pagkatapos gumawa ng ilang sakripisyo at gumugol para sa Diyos, ipinagmamalaki natin ang ating kalamangan. Kapag hindi naaayon sa ating mga kuru-kuro ang gawain ng Diyos, sinisisi natin ang Diyos at hinuhusgahan pa Siya. Habang nananalig tayo sa Diyos, sumasamba at sumusunod pa rin tayo sa mga tao. Malinaw na hindi pa rin tayo nakakawala sa mga gapos ng kasalanan. Sabi ng Bibliya, ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(Levitico 11:45). ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman(Juan 8:34–35). Kasinglinaw ng sikat ng araw ang mga salita ng Diyos. Ang mga nabubuhay sa kasalanan ay madalas pa ring nagkakasala at lumalaban sa Diyos—sila ay kauri ni Satanas at hindi makapapasok sa Kanyang kaharian. Sa mga huling araw, para lutasin ang pagkamakasalanan ng sangkatauhan, iligtas sila at ilayo sila sa kasalanan, muling nagkakatawang-tao ang Diyos, nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol para lubusang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, ipagkaloob sa mga tao ang ganap na kaligtasan, ginagawa silang karapat-dapat na makapasok sa kaharian.” Pagkatapos niyon, binasa ni Wang Qing ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin: “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi si Wang Qing, sinasabing: “Ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Hindi niya ginawa ang gawain ng lubusang paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan. Kung hahangarin nating makawala sa kasalanan, makamit ang kaligtasan at makapasok sa kaharian ng Diyos, dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Nagpapahayag siya ng milyun-milyong salita, ibinubunyag ang mga misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, pati na ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang tagong kuwento ng Bibliya. Inilantad din ng Diyos kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga huling araw, kung paano Niya pinagpapasyahan ang bawat uri ng kahihinatnan at hantungan ng tao, atbp. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay isang pagpapahayag mula sa Diyos sa panahon ng Kanyang gawain sa mga huling araw at isang patotoo sa Kanyang gawain ng paghatol. Sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at sariling pagpapastol at pagdidilig ng Makapangyarihang Diyos, nakikita ng lahat ng hinirang ng Diyos kung paanong tunay na praktikal ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Talagang namumuhay ang Diyos kasama ng sangkatauhan at nagpapahayag ng mga katotohanang nauugnay sa mga praktikal na sitwasyon ng mga tao para suportahan at tustusan sila, inilalantad ang mga kamalian sa kanilang pananampalataya, ang kanilang mga maling pananaw sa paghahangad, at lahat ng uri ng satanikong disposisyon, na nagbibigay-daan sa kanilang makaunawa at magbago. Ipinaalam din ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga layunin at hinihingi, binibigyan ang mga tao ng mga pinakapraktikal at pinakatumpak na layon para sa kanilang paghahangad at mga prinsipyo ng pagsasagawa, na nagtutulot sa kanilang makapasok sa realidad ng katotohanan, makamit ang kaligtasan, at makalaya sa kasalanan at impluwensya ni Satanas. Lahat ng sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay lubos na nakadarama na kung hindi dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos na nagpapahayag ng katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan, hindi kailanman makikilala ng tao ang kanilang makasalanang kalikasan, lalong hindi sila makakawala sa mga gapos at hadlang ng kasalanan. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos maaaring malinis ang tao sa kanilang tiwaling disposisyon at makamit nila ang kaligtasan. Batay sa mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at sa nakamit ng Kanyang gawain, makatitiyak ba tayo na ang Makapangyarihang Diyos ang pagkakatawang-tao ng Diyos at ang Cristo ng mga huling araw?”

Pagkatapos kong marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang pagbabahagi ng sister, saka ko lang napagtanto na napatawad lang ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, pero hindi lubusang nalutas ang ating makasalanang kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit namumuhay pa rin tayo sa kasalanan at hindi makawala sa mga gapos nito. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw tayo lubusang makakawala sa kasalanan, makakamit ang kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit. Pagkatapos niyon, binasa sa akin ni Wang Qing ang ilan pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na nagbigay sa akin ng higit pang kalinawan. Naramdaman ko na maaaring ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoong Jesus.

Pero hindi nagtagal, nalaman ng pastor mula sa aking orihinal na simbahan na sinisiyasat ko ang Kidlat ng Silanganan. Pumunta siya sa bahay ko kasama ang mahigit sampung katrabaho para hadlangan at guluhin ako. Sinabi nila sa akin na huwag patuluyin ang dalawang sister at sinubukan pa akong hikayatin na itaboy ang mga ito. Sinabi ko sa pastor ko: “Sinasabi ng Bibliya na dapat nating tratuhin ang mga estranghero nang may pagmamahal at malasakit. Kung bukod sa hindi natin sila patutuluyin, ay itataboy pa natin sila sa kalagitnaan ng gabi, pagiging mapagmahal at mapagmalasakit ba iyon? Hindi ito nagdudulot ng kaluwalhatian sa Panginoon! Higit pa rito, malinaw na sinasabi ng Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Sa mga huling araw, ang Banal na Espiritu ay magsasalita sa lahat ng simbahan—kung mabibigong makinig at magsiyasat ang mga tao, paano nila maririnig ang tinig ng Panginoon at masasalubong ang Kanyang pagbabalik?” Pero ayaw makinig ng pastor at pinilit akong paalisin ang mga sister. Nang makita kung paanong hindi sila natitinag, nag-alala ako na baka nasa panganib ang mga sister kung mananatili sila roon, kaya agad ko silang hinatid paalis. Pagkatapos niyon, pinaghiwalay kami ni Xin Lu ng pastor at nagsabi ito ng maraming bagay na paninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para linlangin kami. Sinabi rin nito na wala nang iba pang gawain ng kaligtasan, at kung mananalig kami sa ibang pananampalataya, ipagkakanulo namin ang simbahan at ang Panginoon. Nagbahagi ako sa kanila sa katotohanang narinig ko noong mga nakaraang araw, pero kahit anong sabihin ko, hindi sila nakikinig. Sa sumunod na mga araw, nagsalitan ang mga pastor at mga mangangaral sa panggugulo sa amin, sinasabihan kaming nananalig kami sa maling pananampalataya, na nagsasanhing maligalig kami at malito. Hayagan din nila kaming pinuna sa isang pagtitipon ng mga katrabaho at inutusan kami na sabihin sa harap ng lahat na natahak namin ang maling landas. Sumagot ako, sinasabing: “Sinisiyasat ko ang tunay na daan gaya ng sinasabi ng Panginoon na dapat gawin. Wala akong ginagawang mali! Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya”(Mateo 25:6). Pinapatotohanan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoon. Bakit hindi natin dapat siyasatin ang isang bagay na napakahalaga? Bakit ninyo kami patuloy na hinahadlangan?” Pagkatapos ay sinabi ni Xin Lu: “Oo nga, marami kaming narinig na mga salita ng Makapangyarihang Diyos nitong mga nakaraang araw at natutunan namin ang maraming katotohanan na hindi namin naunawaan noon sa pagbabasa ng Bibliya. Naniniwala rin ako na ito ang tinig ng Diyos at dapat itong siyasatin. Sa isang bagay na kasinghalaga ng pagbabalik ng Panginoon, paanong hindi man lang kayo nagsisiyasat at naghahanap, at hinahadlangan pa nga kami?” Mapanghamak na sumagot ang pastor: “Hindi na kailangang magsiyasat, sigurado nang natahak ninyo ang maling landas. Mas mabuti pang magsisi kayo kaagad sa Panginoon! Wala kayong tayog, kaunti ang nalalaman ninyo sa Bibliya at madali kayong malinlang. Para sa ikabubuti ninyo kaya hindi ko kayo hinahayaang magsiyasat. Kung tatahak kayo sa maling landas at aabandonahin ng Panginoon, mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng inyong sakripisyo at pagsisikap, pero magiging huli na para sa mga pagsisisi!” Nang marinig ko ito, naisip ko: “Kung talagang tumahak ako sa maling landas gaya ng sinabi ng pastor ko, hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng taon ng aking pananampalataya?” Pero naisip ko rin: “Talagang pambihira ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tila tinig ito ng Diyos. Kung hindi ako magsisiyasat, hindi ba’t mapapalampas ko ang pagkakataong salubungin ang Panginoon?” Medyo nagtalo ang kalooban ko. Pagkatapos niyon, masinsinan silang nagplano at naglunsad ng isang buwang “Seminar sa Pagsasanay ng Katapatan,” na naglalayong himukin kami na huminto sa pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Araw-araw, may mga taong sumusubaybay sa amin, paulit-ulit na dumating ang mga mangangaral para ipaliwanag ang Bibliya, at sinabi nila sa amin na sa mga huling araw ay dumarami ang katampalasanan, at marami ang unti-unting nawalan ng damdamin ng pagmamahal at pagmamalasakit. Nang sabihin nila iyon, bigla kong napagtanto: “Oo, bagamat natanggap na natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, namumuhay pa rin ang lahat sa kasalanan at nasasangkot sa pagkakasala at pangungumpisal. Walang sinuman ang makakawala sa mga gapos at hadlang ng kasalanan. Maging sa gitna ng mga pastor at elder, mayroong palagiang lihim na labanan. Mas malala pa nga kaysa sa maraming hindi mananampalataya ang pag-uugali ng ilan sa mga katrabaho namin. Kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, paano tayo makakaasa na mapapalaya mula sa kasalanan at makakamit ang kadalisayan? Kung hindi tayo madadalisay, paano tayo papasok sa kaharian ng Diyos? Hindi ba tayo mapapahamak niyon?” Nang mapagtanto ko ito, nagpasya ako: Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong salubungin ang Panginoon at kailangan kong magpatuloy na magsiyasat Kaya’t nagdasal ako sa Diyos, nagsusumamo sa Kanya na magbukas ng daan para sa amin. Pagkatapos niyon, nakahanap kami ng pagkakataong makatakas mula sa tinuluyang bahay.

Pagbalik ko, nagpatuloy ako sa pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos at nagbasa ng maraming sipi ng Kanyang mga salita. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kapatid, naunawaan ko ang mga misteryo ng Bibliya, ang mga pangalan at pagkakatawang-tao ng Diyos, ang layon ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang mga misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, kung paano umunlad ang sangkatauhan hanggang sa puntong ito, ang ugat ng paggawang tiwali ni Satanas sa tao at ang mga kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Habang mas binabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mas nalilinawan ako—ganap akong nakumbinsi na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang mga kilos ng pastor at mga mangangaral ay nagpaalala sa akin sa sinabi ng Panginoong Jesus sa mga Pariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Noong gumagawa ang Panginoong Jesus, nag-alala ang mga Pariseo na susunod ang lahat sa Kanya at mawawalan sila ng katayuan at kabuhayan, kaya’t sinubukan nilang hanapan ng mga kapintasan ang Panginoon, walang pakundangang nilabanan at kinondena Siya, hinadlangan ang mga mananampalataya sa pagsunod sa Kanya, at sa huli ay nakipagsabwatan sa pamahalaang Romano para ipapako Siya sa krus. Sa diwa, ang mga Pariseo ay mga anticristong napopoot sa Diyos, at lumalaban sa Diyos. Katulad lang ng mga Pariseo ang mga pastor at elder na ito. Nakita nilang nagkatawang-tao ang Diyos at nagpakita upang gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, niyayanig ang buong mundo ng relihiyon sa Kanyang mga pagpapahayag ng katotohanan, pero bukod sa hindi nila ito siniyasat, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan, at sinikap nilang itaboy palayo ang mga sister na nagbabahagi ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Katulad lang sila ng mga Pariseo na nilabanan ang Panginoong Jesus, masasamang tagapagsilbi na pumipigil sa mga tao na pumasok sa kaharian. Sa kanilang paghadlang at panggagambala, nagkaroon ako ng pagkakilala sa tunay na diwa ng mga pastor at elder. Gaano man nila ako hadlangan pagkatapos niyon, hindi ko na naramdamang napipigilan ako. Hindi nagtagal, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagsimulang sundan ang mga yapak ng Kordero.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...