Isang Karanasan ng Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Nagbahagi na ‘ko ng ebanghelyo mula nang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Tahimik kong napagpasyahang gagawin kong maayos ang tungkulin ko anumang problema ang kaharapin ko para marinig ng tupa ng Diyos ang Kanyang tinig at lumapit sa Kanya.
Nung February 2018, nakilala ko online si Brother Mel mula sa Pilipinas. Nasa divinity school siya at nung una, palagi kaming nag-uusap tungkol sa matatalino at mga hangal na birhen, ano ang pagdadala, at iba pa. Nang mapag-usapan namin kung sinong makakapasok sa kaharian, tinanong ko si Brother Mel, “Tingin mo, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay makakapasok sa kaharian ng langit?” Nagmamalaki niyang sinabi, “Syempre naman. Sa Mga Taga-Efeso 2:8-9, sinabi ni Pablo, ‘Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.’ Napawalang-sala tayo ng ating pananampalataya at maliligtas tayo kung magtitiis hanggang wakas. Kapag bumalik ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian. Kung may pagdududa man tayo roon, ito’y pagtatatwa sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at kakulangan ng pananampalataya.” Matapos niyang sabihin ‘yun, tinanong ko siya, “Sabi mo, napapawalang-sala tayo ng pananampalataya at inililigtas ng biyaya. May biblikal bang basehan para dito? Sinabi ba ‘yun ng Panginoong Jesus? Sinabi ba ‘yun ng Banal na Espiritu? Binabanggit ng Biblia ang tungkol sa pagiging pinawalang-sala at iniligtas ng pananampalataya, pero hindi nito sinasabing ang mga bagay na iyon ay magdadala sa’tin sa kaharian. Walang basehan ang pagsasabi nito. Hindi ba’t isa lang iyong haka-haka ng tao?”
Natigilan si Mel at pabulong na sinabing, “Kung gano’n, hindi ito nangangahulugang pagpasok sa kaharian?” Tapos, pinadalhan ko siya ng ilang talata sa Biblia: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ‘Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anumang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit’” (Mateo 18:3). “Sa kani-kaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:5). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Sabi ko, “Ang mga salita ng Panginoon ay napakalinaw sa mga kondisyon. Banal ang Panginoon, at hinihingi Niya sa ating maging kasingdalisay, tapat, at totoo tulad ng mga bata, para itakwil ang katiwalian at malinis, at sumunod sa Diyos at gawin ang Kanyang kalooban. ‘Yun lang ang magpapaakma sa tao sa kaharian. Mmm. At natugunan na ba natin ang mga kinakailangang iyon? Mangangahas ka bang sabihing ‘di ka nagsisinungaling? Mangangahas ka bang sabihing ‘di ka nagkakasala at nalinis ka na?” Wala nang anumang sinabi si Mel. Ipinagpatuloy ko ang pagbabahagi ko: “Totoo na kung mangungumpisal tayo sa Panginoon, mapapawalang-sala tayo ng pananampalataya’t maililigtas ng biyaya, Pero ano bang ibig sabihin ng mapawalang-sala ng pananampalataya at ng mailigtas ng biyaya? Alam nating lahat na sa Kapanahunan ng Kautusan, nagbigay-gabay ang Diyos gamit ang batas at kautusan sa pamamagitan ni Moises, pero sa pagtatapos noon, walang sinumang nakakasunod sa utos. Lalo’t lalo lang silang nagkakasala. Ang lahat ay nanganib na makondena o mapatay sa ilalim ng kautusan. Ito ang konteksto ng pagkakatawang-tao ng Diyos at pagpapapako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao at pagliligtas sa kanila mula sa kautusan. Basta tinanggap ng tao ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas, nangumpisal at nagsisi, ang mga kasalanan nila’y pinatawad at ‘di kinondena sa ‘di pagsunod sa kautusan. Hindi na tayo nakikita ng Panginon bilang makasalanan, matatawag tayong matuwid dahil sa pagtubos ng Panginoon, at angkop tayong humarap sa Diyos sa panalangin at tamasahin ang biyaya, kapayapaan, at kasiyahang iginawad Niya. Kaya ang ibig sabihin ng pagpapawalang-sala gamit ang pananampalataya’t pagkaligtas gamit ang biyaya, ay na napatawad na tayo at hindi tayo kinondena. Pero ‘di ibig sabihin, malaya na tayo sa kasalanan o nalinis, na tunay tayong matuwid o karapat-dapat sa kaharian.”
Sumagot si Mel, “Ang ibig sabihin ng pagpapawalang-sala gamit ang pananamampalataya, pinatawad na ng Panginoon ang mga kasalanan natin at hindi na Niya tayo nakikita bilang makasalanan, pero ‘di ibig sabihin, matuwid tayo at makakapasok sa kaharian. Kailanma’y walang sinabi ang pastor namin tungkol dito.” Tapos, binasa ko sa kanya ang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa panahong iyon, ang gawain ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay pinatawad; basta’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, wala ka na sa pagkakasala, ikaw ay pinawalang-sala na sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng maligtas, at mapawalang-sala ng pananampalataya. Ngunit sa mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at kailangan pa ring dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusan nang nakamit ni Jesus, kundi na ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan. Basta’t ikaw ay naniniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2). “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim, at kailangan niyang umasa sa paghatol ng salita upang makamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan).
Tapos, sinabi ko sa pagbabahagi: “Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang hakbang ng pagtubos base sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ipinahayag niya ang daan ng pagsisisi para makapangumpisal at magsisi ang tao, hangaring mahalin ang Panginoon, mahalin ang kapwa gaya ng sarili, at iba pa. Ang pagkatuto ng mga tao ng mabubuting asal ang resulta ng gawain ng pagtubos. ‘Pag tinubos tayo ng Panginoong Jesus, pinapatawad ang mga kasalanan natin at hindi Niya tayo nakikita bilang makasalanan. Pero di ibig sabihin, malaya na tayo sa pagkakasala o nalinis na tayo, dahil ang makasalanan nating kalikasa’y nariyan pa, at lagi nating ibinubunyag ang tiwali nating disposisyon tulad ng kayabangan, kabuktutan, panlilinlang, kasamaan, at kabagsikan. Halimbawa, kung meron tayong kaloob o lakas, o may kaunting kakayahan, tingin nati’y kamangha-mangha tayo. Mayabang tayo’t minamaliit ang iba. Kapag nagsasakripisyo tayo o bahagyang nahihirapan sa trabaho natin, di natin maiwasang ibida ang mga sarili natin para hangaan tayo ng iba. Pag nakikita nating may ibang mas magaling sa’tin, naiinggit o nasusuklam tayo. Kapag mayroong banta sa mga interes natin, maaari tayong magsinungaling at mandaya. Sa harap ng mga pagdurusa, pagsubok, sakuna, sakit, o krisis sa pamilya, minsa’y ‘di natin naiintindihan at sinisisi natin ang Diyos. Ipinapakita ng lahat ng ito na nakagapos pa rin tayo sa kasalanan at nalalabanan pa rin ang Diyos. Sa loob ng dalawang libong taon, ang lahat ay paulit-ulit na nagkasala’t nangumpisal at walang kahit isang nakalaya rito. Malinaw na makikita ito. Kung ikukumpara natin ang sarili natin sa kinakailangan ng Diyos, hindi nagsisinungaling, pagiging malaya sa mga kamalian, at pagiging dalisay, napakalayo natin doon. Di tayo pwedeng magpuri o magpatotoo sa Diyos. Pa’no makakapasok sa kaharian ang mga taong tulad natin? Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman’ (Juan 8:34–35). Kaya naman, kung gusto nating malinis at makapasok sa kaharian, kailangang bumalik ng Diyos at gumawa para alisin ang kasalanan natin, upang lutasin ang ating mala-satanikong disposisyon, at ganap na lipulin ang mga kasalanan at paglaban natin sa Diyos.”
Pagkatapos ng pagbabahaging ito, sinabi ni Mel na naintindihan na niya ito, na ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, at kahit na pinawalang-sala tayo ng pananampalataya, nagkakasala pa rin tayo’t nakagapos sa kasalanan, kaya hindi tayo makakapasok sa kaharian. Pero, matapos pag-isipan ito, itinanong niya, “Sinabi mong ang Panginoon ay gagawa ng isa pang hakbang ng gawain ng pagliligtas. Mukhang pagtatatwa ‘yan sa pagliligtas ng Panginoon. Pinatawad tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, kaya kahit ‘di tayo matuwid, perpekto ang pagliligtas ng Diyos. Inayos na iyon ng pagtatapos ng gawain ng Panginoong Jesus, kaya wala nang pagliligtas. ‘Di na tayo maliligtas muli pag nailigtas na tayo. Ibig sabihin, walang silbi ang pagliligtas ng Panginoon? Kapatid, mukhang may agam-agam ka lang dahil wala kang pananampalataya sa pagliligtas ng Panginoon.”
Dito’y naisip ko, “Napakabata pa ni Brother Mel pero matindi ang mga palagay niya. Sang-ayon siyang ang pagpapawalang-sala gamit ang pananampalataya’y hindi nakapagkakamit ng pagpasok sa kaharian, pero ‘di niya matanggap ang gawain ng pagliligtas ng Diyos.” Nagdasal ako sa Diyos at hiningi ang Kanyang patnubay. Matapos magdasal, sinabi ko kay Mel, “Pinropesiya sa Biblia na gagawa ang Diyos ng isa pang hakbang ng gawain sa mga huling araw. Nariyan ang 2 Mga Taga-Corinto 1:10: ‘Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan, at nagliligtas: na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin.’ Nariyan din ang Mga Hebreo 9:28: ‘Ay gayon din naman si Cristo; na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kanya.’ Sinasabi sa 1 Pedro 1:5: ‘Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.’ At sinasabi sa Juan 12:47-48: ‘Kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw.’ Sinasabi sa 1 Pedro 4:17: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.’ Binabanggit ng mga talatang ito: ‘Ihahatid pa Niya tayo,’ ‘at sa mga naghahanap sa Kanya, Siya’y magpapakita sa pangalawang pagkakataon,’ ‘handa nang mabunyag ang kaligtasan sa huling pagkakataon,’ at ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.’ Kaya, gagawa ang Diyos ng isa pang hakbang ng gawain sa mga huling araw, hindi para tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan, kundi para hatulan, linisin, at ganap tayong iligtas. Pinatawad ang kasalanan natin ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at sa mga huling araw, gagawin ng Diyos ang paghatol para tuluyang lutasin ang makasalanan nating kalikasan, upang ganap tayong linisin at mapalaya sa kasalanan.”
Tapos, ‘di makapaniwalang sinabi ni Mel, “Kung ganon, ang Diyos ay gagawa ng paghatol at paglilinis sa mga huling araw at may isa pang hakbang ng kaligtasan. Sabihin mo, pa’no ginagawa ng Diyos itong gawain ng paghatol?”
Kaya ibinahagi ko ito sa kanya: “Sinasabi sa Mga Hebreo 4:12: ‘Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.’” Binasahan ko rin siya ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). “Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kapanahunang ito una sa lahat ay ang paglalaan ng mga salita para sa buhay ng tao; ang paglalantad ng likas na pagkatao at diwa ng tao, at ang kanyang tiwaling disposisyon, at ang pag-aalis ng mga haka-hakang pangrelihiyon, piyudal na pag-iisip, at lipas na pag-iisip, at ang kaalaman at kultura ng tao ay dapat linisin sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, hindi ng mga tanda at kababalaghan, para gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makikita ng tao ang karunungan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, mapagmamasdan ng tao ang mga gawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Ipinagpatuloy ko ang pagbabahagi: “Sa mga huling araw, ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagkatawang-tao at dumating sa mundo at ginagamit Niya ang katotohanan para gawin ang paghatol. Ipinapahayag Niya ang mga katotohanang naglilinis at nagliligtas, inilalantad at hinihimay ang mala-satanikong disposisyon ng tao, inilalantad ang mga palagay natin at pagkakaintindi sa Diyos, at ang mga satanikong pilosopiya, lason, at pananaw na pinanghahawakan natin. Sa ganito natin maiintindihan ang lahat ng uri ng katotohanan, malalaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang banal at magandang diwa, at ang Kanyang kapangyarihan at karunungan. Inihahayag ng mga salita Niya ang mga katiwaliang ‘di natin napansin, at makikilala natin ang Diyos at ang mga sarili natin sa pamamagitan ng inihahayag ng mga salita Niya. Ang mga tiwali nating disposisyon ay unti-unting nalilinis at nababago. Kapag nabasa natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, naintindihan ang ilang katotohanan, at nagtamo ng pagkakilala sa pagpapawalang-sala gamit ang pananampalataya at kaligtasan gamit ang biyaya ang pagnanais nating makapasok sa kaharian sa kabila ng katiwalian natin ay ‘di makatuwiran. Tapos, magsisimula tayong magsisi sa Diyos, at sinisimulan nating tanggapin ang paghatol ng mga salita Niya.”
Matapos marinig ito, ngumiti si Mel at sinabing, “May pakiramdam talaga ako na hinahatulan ng Diyos. Akala ko, ang pagpapawalang-sala gamit ang pananampalataya at pagkakaligtas gamit ang biyaya’y nangangahulugang makakapasok ako sa kaharian at ‘di ako nag-alinlangan na totoo ito. Ngayon, alam ko nang ang pananampalataya ko’y nabuo sa mga haka-haka ko at mga guni-guni at ‘di ito tugma sa kalooban ng Diyos.”
“Tama ‘yan,” sabi ko. “Kung ‘di dahil sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbunyag dito, walang sinumang makakaintindi nito.” Binasahan ko pa siya ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Bakit ang gawain ng paglupig ang huling yugto? Hindi ba ito ay upang tiyak na ipamalas kung anong klaseng katapusan ang sasapitin ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawain ng paglupig ng pagkastigo at paghatol, na ipakita ang kanilang tunay na mga kulay at sa gayon ay mapangkat ayon sa kanilang uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na ipinapakita nito kung ano ang uri ng magiging katapusan para sa bawat uri ng tao. Ito ay tungkol sa paghatol sa mga kasalanan ng mga tao at pagkatapos ay paghahayag ng iba’t ibang uri ng tao, sa gayon ay pinagpapasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawain ng paglupig, susunod naman ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Ang mga tao na buung-buong sumusunod—ibig sabihin ang mga lubusang nalupig—ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpapalaganap ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob; ang mga hindi nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman muling makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1). Sinabi ko sa kanya, “Sa pamamagitan ng paghatol at paglalantad gamit ang mga salita ng Diyos, ang mga tiwaling disposisyon ng tao’y nalilinis at sila’y nagiging matuwid. Pwede silang maprotektahan at makaligtas sa mga delubyo at makapasok sa kaharian ng Diyos. Pero ‘yung mga ang iniisip lang ay biyaya’t pagkakaligtas habang tinatanggihan ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay malalantad at aalisin Niya. Sila’y mananangis kapag dumating ang mga delubyo. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag 22:11: ‘Ang liko, ay hayaang magpakaliko pa: at ang marumi, ay hayaang magpakarumi pa: at ang matuwid, ay hayaang magpakatuwid pa: at ang banal, ay hayaang magpakabanal pa.’ Sa gano’n ihihiwalay ang matutuwid mula sa ‘di matutuwid, saka sisimulan ng Diyos na gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama.”
Masayang sumagot si Mel. “Kaya’t ang paghatol sa mga huling araw ay hindi lang para linisin ang tao, kundi para ilantad ang uri ng tao. Talagang napakatalino ng gawain ng Diyos! Sabi ng pastor, ang mapawalang-sala ng pananampalataya at pagkakaligtas gamit ang biyaya’y mali. Hindi ako nagkaroon ng pagkilala. Kumapit lang ako sa mga haka-hakang iyon, iniisip na ang pagliligtas ng Diyos ay kumpleto na at wala nang kaligtasan, at makakapasok tayo sa kaharian gamit ang pagpapawalang-sala at kaligtasang iyon. Nakakahiya ngang isipin ito ngayon. Nagpapasalamat ako sa awa ng Panginoon. Handa akong tanggapin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw.”
Natuwa akong makita na gusto niyang tanggapin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pero nagulat ako nang magkita kami pagkalipas ng ilang araw at sinabi ni Mel na pumunta siya sa bahay ng kanilang pastor at ibinahagi rito ang aking pagbabahagi. Sabi ng pastor, mali raw ako, na ang pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay tama. at hindi na kailangang mahatulan ng Diyos sa mga huling araw. At putulin na raw ni Mel ang ugnayan sa’kin. Nakita kong medyo malungkot siya nang sinabi niya iyon sa’kin at di na siya sigurado tungkol sa pagtanggap sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mabilis akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanyang patnubayan ako. Tapos, may isang sipi ng mga salita ng Diyos na pumasok sa isip ko. “Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahing nagsasalita kayo tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat ding magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibubunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natitiis at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; magsalita kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat magpatotoo para sa Diyos at suklian Siya para sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng diwa ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag ninyong pag-usapan ang mga walang kabuluhang teorya. Magsalita kayo nang mas matapat; magsalita kayo na mula sa puso. Ganito ang dapat ninyong maranasan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at hungkag na teorya para magpakitang-gilas; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan na totoo at mula sa puso; ito ay pinakakapaki-pakinabang sa iba, at pinakanararapat na makita nila” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Totoo ‘yan. Ang pagpapatotoo’y di lang pagsasabi sa mga tao ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang susi ay ang gamitin ang mga karanasan natin para magpatotoo na ang paghatol ng Diyos ay kayang linisin at iligtas ang tao. Sumailalim ako sa paghatol ng Diyos, kaya bakit ‘di ko sabihin sa kanya ang tungkol sa sarili kong karanasan? Pinakalma ako ng isiping ito at binigyan ako ng daan pasulong.
Sinabi ko kay Mel, “Gumagawa ang Diyos ng isa pang hakbang ng kaligtasan sa mga huling araw. Bumalik ang Panginoon at ginagawa ang paghatol, at ito’y katotohanang walang makapagtatanggi. Matapos gawing tiwali ni Satanas, likas nating hindi mahal ang katotohanan at ‘di natin kayang isagawa ito. May ilang kayang kontrolin ang sarili, o nag-aayuno’t nagdarasal, pero walang makakatakas sa kasalanan. Sabi nga nila, ‘Mas madaling ilipat ang bundok at ilog kesa sa kalikasan ng tao.’ Pag hindi natin tinanggap ang hatol at paglilinis ng Diyos, ang mala-sataniko nating kalikasan ay mananatiling nakaugat sa’tin at pwedeng ihayag ang mga mala-sataniko nating disposisyon o gawin tayong lumalaban at nagrerebelde sa Diyos. Halimbawa na lang ako. Talaga namang napakayabang kong tao. Marami akong nagawa at may mga sakripisyo para sa Panginoon. Pakiramdam ko, lagi akong nagbibigay-saya sa Diyos, pero nung narinig ko na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at ginagawa ang paghatol sa mga huling araw, tumanggi akong tanggapin ito. Akala ko pinawalang-sala tayo ng pananampalataya at iniligtas ng biyaya. Kaya nang panahong iyon, sinabi ko nang ‘di pinag-iisipan ito, ‘Imposible ‘yan. Hindi gagawa ng iba pang gawain ang Diyos. Hindi natin kailangang tanggapin ang Kanyang paghatol.’ Nagpatuloy sa pagbabahagi ang mga kapatid tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang mga palagay ko’y naitama sa wakas. Matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, nabasa ko ang ilang mga sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagparamdam talaga sa’kin ng kahihiyan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Huwag mong isipin na likas kang matalino, medyo mas mababa lamang kaysa sa kalangitan ngunit walang hanggan na mas mataas kaysa sa lupa. Hindi ka talaga mas matalino kaysa sa iba—at masasabi pa nga na talagang kahanga-hanga na mas hangal ka kaysa sinumang iba pang mga tao sa lupa na may katwiran, sapagkat napakataas ng tingin mo sa iyong sarili, at hindi ka nakaramdam kailanman na mas mababa ka sa iba; na tila nahihiwatigan mo ang pinakamaliit na detalye ng Aking mga kilos. Sa katunayan, isa kang tao na wala talagang katwiran, sapagkat wala kang ideya kung ano ang Aking gagawin, at lalong wala kang alam kung ano ang Aking ginagawa ngayon. Kaya sinasabi Ko na hindi ka man lamang kapantay ng isang matandang magsasaka na nagtatrabaho sa lupain, isang magsasaka na wala ni katiting na pagkaunawa sa buhay ng tao subalit lubos na umaasa sa mga pagpapala ng Langit habang nagbubungkal ng lupa’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang: Hindi Ba Sila mga Hayop?). ‘Pakawalan ninyo ang inyong mga pananaw tungkol sa “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). ‘Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).”
Sabi ko sa kanya, “Inantig ako ng mga salita ng Diyos. Nakita ko kung ga’no ako kayabang Nang dumating sa’kin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw hindi ko ito hinanap o siniyasat o binasa ang mga salita Niya upang makita kung tinig Niya nga ito. Basta sinabi kong hindi na Siya gagawa ng iba pang gawain na para bang mayroon akong bintana sa gawain ng Diyos. Isa lang akong taong ginawang tiwali ni Satanas. Paano ko maiintindihan ang gawain ng Diyos? Ang Diyos ang Lumikha at anumang gawaing ginagawa Niya’y naaayon sa Kanyang plano ng pamamahala. Para bang kailangan ng Diyos na kunin ang pagpayag ko sa gawain Niya, at iayon ito sa mga haka-haka ko. Ang pagpapahayag ko ng ‘Hindi maaari’ ay aking paglilimita sa Diyos, at ipinapakitang nilalabanan at kinokondena ko Siya. Tulad iyon ng mga Fariseo, na palaging naghihintay na dumating ang Mesias, pero nung nagpakita ang Panginoong Jesus, hindi nila Siya kilala. Hinatulan at kinondena nila Siya base sa mga haka-haka nila at hindi lang iyon, ipinapako pa Siya sa krus. Nagkasala sila sa disposisyon ng Diyos at pinarusahan Niya. Walang ipinagkaiba ang pag-uugali ko sa mga Fariseong nilabanan ang Panginoong Jesus! Naintindihan ko ring ang pagtatamasa sa biyaya ng Panginoon at paggawa ng mabubuting bagay ay ‘di mapapalitan ang pagbabago ng disposisyon. Kung wala ang paghatol at paglilinis ng Diyos, mamamayani ang kayabangan ko kapag may nangyaring hindi ko gusto, hanggang sa mawala na lahat ng katwiran. Akala ko’y dinedepensahan ko ang tunay na daan at tapat din ako sa Diyos. Kulang ako sa pang-unawa. Talagang nakakatakot iyon. Medyo naintindihan ko ang mayabang kong disposisyon sa tulong ng paghatol ng mga salita ng Diyos at pag may oras na ipapakita ko na sana ang aking kayabangan, binabasa ko ang mga salita ng Diyos ng paghatol at pagkastigo. ‘Di ko namalayang naging mas mapagpakumbaba ako at nakuha kong muli ang likas kong konsensya at katwiran. Nagkaro’n ako ng kakayahang hanapin ang katotohanan kapag may nangyaring ‘di ko gusto sa halip na kumapit sa aking sariling mga pananaw. Nagkaroon din ako ng higit na paggalang para sa Diyos at ng wangis ng tao. Napahalagahan ko na ang paghatol at pagkastigo ay nangangahulugang unti-unting pagbabago at paglilinis, at ito’y proseso ng pagbabago ng mala-sataniko nating mga disposisyon. Ang mga salita ng Diyos ay malupit at tumutusok, pero ito ang Kanyang mas dakila at mas malalim na pagmamahal sa sangkatauhan. Gaya ng sabi nila, ‘Ang mapait na gamot ang nagpapagaling sa’yo.’ Ang paghatol at paglalantad sa’tin ng Diyos sa ganitong paraan ay upang mas mabago ang tiwali nating disposisyon. Ginagawa Niya ito dahil mahal Niya tayo. Nang maunawaan ko ito, tinanggap ko pa ang maraming paghatol at pagkastigo mula sa mga salita Niya at itinakwil ang kayabangan para isabuhay ang wangis ng tao. Napahalagahan ko rin na ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang mismong kailangan natin sa buhay at ang ganitong paghatol lang ang makakapagligtas sa’tin mula sa kasalanan. Ang paghatol at pagkastigo’y talagang pagliligtas ng Diyos para sa atin at ang pagmamahal na iyo’y higit sa biyaya o handog para sa kasalanan.”
Matapos marinig ang pagbabahagi ko, masayang sinabi ni Mel, “Sa lahat ng taon ko ng pananampalataya, wala pa ‘kong narinig na ibang miyembro ng iglesia na pinag-uusapan ang katiwalian nila. Ipinapakita lang nila kung ga’no sila kabuti. Isinasagawa nila ang pagpapaubaya sa isa’t isa, pero kapag nadamay na ang mga interes nila, ang pagmamahal ay nawawala. Nakikita ko na ngayon na dahil ‘to sa mala-sataniko nating disposisyon, at kung hindi mararanasan ang paghatol at pagdadalisay ng mga salita ng Diyos, ‘di natin makikilala ang sarili natin o makikinig sa mga salita Niya at magpapasakop sa Kanya. O makakayang mahalin ang iba gaya ng ating sarili. Ang paghatol at pagkastigo’y pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan, at ito ang kailangan natin. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan. Hindi na ako makikinig sa ibang tao. Sa Makapangyarihang Diyos lang ako bukod-tanging maniniwala!” Habang sinasabi niya ito, binago niya ang pangalan ng chat group namin sa “Ito ang tunay kong pamilya.” Ang lalaking ito ay umiyak at sinabi niya na, “Nahanap ko na’ng Diyos; nahanap ko na’ng pamilya ko. Pamilya ko saan ko man pwedeng mabasa ang mga salita Niya.” Talagang nadala ako nang marinig kong sabihin niya ito.
Napahalagahan ko sa karanasan ko sa pagbabahagi ng ebanghelyo kay Mel na kapag walang pagkaunawa ng katotohanan, ang mga tao’y makukuha at makukulong ng iba’t ibang haka-haka. Kailangan nating sumandal sa Diyos, basahan sila ng mga salita Niya at magbahagi gamit ang tunay na pagkaunawa natin upang magpatotoo sa pagliligtas Niya. Kailangan nilang maintindihan ang katotohanan at magkaroon ng pagkakilala sa kanilang mga palagay para tunay na humarap sa Diyos. Naranasan ko rin kung ga’no kahirap ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Gusto kong gumawa kasama ang Diyos at dalhin ang marami pang tunay na mananampalataya sa Kanyang harapan para bigyan Siya ng ginhawa.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.