Sa Wakas, Natutunan Ko Kung Paano Gampanan ang Aking Tungkulin

Mayo 13, 2021

Ni Xincheng, Italy

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag. Yaong mga gumagawa para matapos na lamang ang kanilang tungkulin at hindi hinahanap ang katotohanan ay aalisin sa bandang huli, sapagkat ang gayong mga tao ay hindi ginagawa ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sila yaong mga nananatiling hindi nagbabago at isusumpa. Hindi lamang marumi ang kanilang mga pagpapahayag, kundi masama ang lahat ng kanilang ipinapahayag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). “Ang pagsasapuso ng iyong tungkulin at pagtanggap ng responsibilidad ay nangangailangan ng iyong pagdurusa at pagsisikap—hindi sapat ang pag-usapan lamang ito. Kung hindi mo isasapuso sa iyong tungkulin, sa halip ay palagi mong gustong magsikap sa pisikal, siguradong hindi magagawa nang maayos ang iyong tungkulin. Tatapusin mo lamang ito nang hindi nag-iisip at wala nang iba pa, at hindi mo malalaman kung gaano kahusay mong nagawa ang iyong tungkulin. Kung isasapuso mo ito, unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan; kung hindi, hindi mo ito mauunawaan. Kapag isasapuso mo ang pagganap sa iyong tungkulin at hahanapin ang katotohanan, unti-unti mong mauunawaan ang kalooban ng Diyos, matutuklasan ang sarili mong katiwalian at mga kakulangan, at makakasanayan ang iyong iba-ibang kalagayan. Kung hindi mo gagamitin ang puso mo para suriin ang iyong sarili, at magtutuon lamang sa panlabas na pagsisikap, hindi mo matutuklasan ang iba’t ibang kalagayan na nanggagaling sa puso mo at ang lahat ng reaksyon mo sa iba’t ibang sitwasyon sa paligid; kung hindi mo gagamitin ang puso mo para suriin ang iyong sarili, mahihirapan kang lutasin ang mga problema sa puso mo(“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagiging Matapat Maaaring Makapamuhay na Tulad ng Isang Tunay na Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na kailangan nating maging maingat, responsable, at hanapin natin ang katotohanan para gampanan ang ating tungkulin. Isa akong taong pabaya dati. Hindi ko masyadong pinagsisikapan ang mga bagay. Ganoon din ako sa bahay ng Diyos. Hindi ko sinubukang galingan ang aking tungkulin. Tuwing may makakaharap akong bagay na komplikado at kinakailangang paghirapan ko, nagiging pabaya at iresponsable ako kaya lagi akong nagkakamali sa aking tungkulin. Noong naglaon, bahagya kong naintindihan ang sarili kong tiwaling disposisyon mula sa mga salita ng Diyos at kung paano ko gagampanan ang aking tungkulin upang matupad ang kalooban ng Diyos, para magampanan ko nang responsable at tuluy-tuloy ang aking tungkulin.

Ang tungkulin ko noong panahong iyon ay magsuri ng mga salin sa Italyano. Masipag ako noong umpisa at laging handang lutasin ang anumang paghihirap. Pero noong naglaon, nagpatung-patong ang trabaho ko at nagsimula akong mabalisa, lalo na kapag nakakakita ako ng mga dokumentong may mga tala sa iba’t ibang kulay at maraming tuldok, kuwit, at iba-iba pang mga bantas. Bawat isa ay kailangang suriin ang anyo at pagkakalagay. Hindi ako mapakali. Naisip ko, “Kailangan ko ba talaga itong pag-isipan nang mabuti? Masyadong matrabaho.” Pagkatapos noon, ayoko nang suriin nang maayos ang mga ito, tinitingnan ko na lamang nang mabilis ang mga ito at sinisiguradong kahit papaano ay tama. Minsan kailangan kong patahimikin ang utak ko at pag-isipan nang mabuti kung tama ang pagsasalin, pero tuwing makakakita ako ng komplikadong istruktura ng pangungusap, nagkakaroon ako ng mga makasariling kalkulasyon: “Masyadong matrabahong busisiin at saliksikin pa ang bawat salita, at kung wala akong mapala, hindi ba’t aksaya lang iyon sa pagod? Hindi bale na, hayaan ko na lang na problemahin ito ng ibang tao.” At basta gayon na lang, naging pabaya ako at wala sa loob ang pagganap sa tungkulin.

Pagtagal, lagi nang may nagsusulputang mga problema. May nakikita ang ibang tao na mga mali sa paggamit ng malalaking letra at bantas sa mga dokumentong sinuri ko at ang iba ay mayroon pang mga nawawalang salita mula sa pagsasalin. Sumama talaga ang loob ko nang makita ko iyon. Nakita agad ng ibang tao iyong mga maliliit na problema pero hindi ko nakita kahit nasa harapan ko na. At paano nagkaroon ng halatang-halatang kulang na mga salita? Habang pinag-iisipan ko, lalong sumasama ang loob ko. Isang araw pagkatapos mananghalian, nakatanggap ako ng mensahe na nagsasabing mayroong isang napakasimpleng pagkakamali sa paggamit ng isahan at maramihan sa isang dokumentong sinuri ko. Para akong sinaksak sa puso. Paano ako naging napakapabaya? Paano ko napalampas ang isang napakasimpleng pagkakamali? Hindi ako sigurado kung ang ibang dokumentong sinuri ko ay may ganoon ding mga pagkakamali. Punung-puno ng pagkakamali iyong gawa ko. Ano nang gagawin ko? Sa pagdurusa ko, nagmadali akong humarap sa Diyos at nagdasal. Pinagnilayan ko ang sitwasyon ko at ang naging pag-uugali ko sa aking tungkulin.

Nagbasa ako ng isang sipi ng salita ng Diyos: “Kung hindi mo sineseryoso ang tungkulin mo at wala kang ingat, ginagawa mo lamang ang mga bagay-bagay sa pinakamadaling paraan na kaya mo, anong klaseng mentalidad iyan? Ginagawa mo ang mga bagay na iyan sa wala-sa-pusong paraan, hindi ka tapat sa tungkulin mo, hindi mo iniisip na responsibilidad mo iyan, at misyon mo iyan. Tuwing ginagawa mo ang tungkulin mo, hindi mo ibinubuhos ang lakas mo; ginagawa mo ito nang wala sa loob mo, hindi mo ito pinagsisikapan nang husto, at sinisikap mo lang na matapos na ito nang ganoon, walang pagiging taimtim kahit kaunti. Ginagawa mo ito sa napakaginhawang paraan na para bagang naglalaro ka lang. Hindi ba ito hahantong sa mga problema? Sa bandang huli, may mga taong magsasabi na kayo ay mga taong ginagampanan ang tungkulin nang hindi maayos, at basta gumagawa kayo nang wala sa loob. At ano ang sasabihin ng Diyos tungkol doon? Sasabihin Niya na hindi ka mapagkakatiwalaan. Kung napagkatiwalaan ka ng isang trabaho at, pangunahing responsibilidad man iyon o karaniwan, kung hindi mo pinagsisikapan iyon o hindi mo ginagawa ang inaasahan sa iyo, at kung hindi mo ito ituturing na isang misyon na naibigay sa iyo ng Diyos o isang bagay na naipagkatiwala sa iyo ng Diyos, o tinatanggap ito bilang pakikibahagi sa sarili mong tungkulin at obligasyon, kung gayon magiging problem ito. ‘Hindi mapagkakatiwalaan’—ang dalawang salitang ito ang tutukoy kung paano mo isinasagawa ang tungkulin mo, at sasabihin ng Diyos na hindi tugma ang ugali mo sa tungkulin mo. Kung ipinagkatiwala sa iyo ang isang bagay pero ito ang saloobin mo rito at ito ang kung paano paggawa mo rito, aatasan ka pa ba ng karagdagang mga tungkulin sa hinaharap? Maipagkakatiwala ba sa iyo ang anumang bagay na mahalaga? Marahil ay maaari kang pagkatiwalaan, ngunit nakadepende iyon sa kung paano ka gumawi. Sa kaibuturan, gayunman, sa puso ng Diyos, palaging makikimkim ang kaunting kawalan ng tiwala sa iyo, gayundin kaunting kawalan ng kasiyahan. Magiging problema ito, hindi ba?(“Nagmumula ang Landas sa Madalas na Pagninilay-Nilay sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inoobserbahan ng Diyos ang puso ng mga tao. Bawat isa sa mga salita Niya ay tumagos sa aking malalang kapintasan. Napagtanto ko na ang paggawa ng mga bagay sa madaling paraan sa tungkulin ko ay pabayang pag-uugali. Walang pagiging maingat rito, ito ay pagsasagawa nang hindi isinasaloob ang mga bagay at hindi pagiging responsable para dito. Kung babalikan ko ang aking paggawa, tuwing may bagay na nangangailangan ng oras at pagsusumikap, pipiliin ko ang pinakamabilis na paraan nang hindi ako naaabala para matapos ito. Gagawin ko kung anuman ang pinakamadali, kung saan makakaiwas sa abala, o kung saan ako hindi mapapagod. Kapag maraming bagong salita o mahirap na balarila o istruktura ng pangungusap, hindi na ako magpapakahirap na saliksikin ang mga ito. Pinipili ko ang madaling paraan na markahan na lamang ang mga ito at kumonsulta sa ibang tao. Tuwing nakakakita ako ng komplikadong mga tala o kung kailangan kong suriin ang mga bantas nang maigi, sisilipin ko lang ang mga ito nang mabilis at lalampasan ang ibang mga problema. Nagiging pabaya ako at tinatakasan ko ang responsibilidad ko sa aking tungkulin at sa tagubilin ng Diyos. Ang inisip ko lang ay umiwas sa pagdurusa ng laman. Nagkaroon man lang ba ng maliit na lugar sa puso ko para sa Diyos?

Kalaunan ay may mga nabasa pa akong salita ng Diyos: “Para sa mga taong makatao, madali nilang nagagampanan ang kanilang mga tungkulin nang mahusay kapag walang nakatingin; dapat itong gawing bahagi ng kanilang mga responsibilidad. Para sa mga hindi makatao at hindi maaasahan, hirap na hirap silang gampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang iba ay palaging dapat mag-alala sa kanila, pinamamahalaan sila, at tinatanong tungkol sa kanilang progreso; kung hindi, makakasira sila tuwing may ipinagagawa kang trabaho sa kanila. Sa madaling salita, kailangang palaging magnilay-nilay ang mga tao sa sarili nila habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin: ‘Sapat ko bang natupad ang tungkuling ito? Inilagay ko ba ang puso ko rito? O tinapos ko lang ba ito nang hindi nag-iisip?’ Kung nangyari ang anuman sa mga bagay na iyon, hindi maganda iyon; mapanganib iyon. Sa makitid na kahulugan, ibig sabihin ay walang kredibilidad ang taong iyon, at hindi siya mapagkakatiwalaan ng mga tao. Sa mas malawak na kahulugan, kung palagi na lamang magkukunwari ang taong iyon na ginagawa niya ang kanyang tungkulin, at kung patuloy niyang binabalewala ang Diyos, nasa malaking panganib siya! Ano ang mga resulta ng pagiging sadyang mapanlinlang? Sa loob ng maikling panahon, magkakaroon ka ng tiwaling disposisyon, madalas kang magkakasala nang hindi nagsisisi, at hindi ka matututong magsagawa ng katotohanan, ni hindi mo ito isasagawa. Sa loob ng mahabang panahon, habang patuloy mong ginagawa ang mga bagay na iyon, mawawala ang kalalabasan mo; magkakaproblema ka. Ang tawag dito ay hindi paggawa ng anumang malalaking pagkakamali kundi patuloy na paggawa ng maliliit na pagkakamali. Sa huli, hahantong ito sa mga resultang hindi na maitatama. Napakabigat niyan!(“Ang Pagpasok sa Buhay ay Dapat Magsimula sa Karanasan ng Pagganap sa Tungkulin ng Isa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nang makita kong inihahayag sa akin ng Diyos ang aking likas at kinahinatnan ng aking pagpapabaya, hindi ko mapigilang matakot. Ang paggawa sa aking tungkulin nang wala sa loob ay mapanlinlang sa ibang tao at sa Diyos. Itinatakwil ng Diyos ang pag-uugaling ito. Kung hindi ako nagsisi, kalaunan ay makakagawa ako ng malubhang paglabag at aalisin ako ng Diyos. Noong isinaayos ng iglesia ang tungkulin ko, taimtim akong nanumpa na gagampanan ang aking tungkulin nang maayos, pero nang kinailangan kong pagsumikapan ito, ang iniisip ko lang ay ang laman, natatakot ako sa abala at pagdurusa. Nagmamadali at pabaya kong sinuri ang mga dokumento, kaya napalampas ko kahit na ang mga pagkakamaling kitang kita naman. Hindi ba’t pandaraya iyon? Ang mga isiping ito ay pinuno ako ng panghihinayang at panisisi sa sarili, kaya nagdasal ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Hindi ako naging responsable sa aking tungkulin, sa halip ay sinusubukang linlangin Ka. Kasuklam-suklam ito sa Iyo. Kulang na kulang ako sa konsensya. Diyos ko, gusto kong magsisi. Gabayan Mo ako, bigyan Mo ako ng lakas na tiisin ang paghihirap at ng kakayanan na talikdan ang laman at gampanan ang aking tungkulin.”

Sa bawat dokumento pagkatapos noon, sinusuri ko na ang bawat salitang makita kong hindi gaanong akma sa iba’t ibang diksyunaryo. Tatanungin ko ang mga kapatid o ang isang propesyunal na tagasalin kapag hindi ako sigurado hanggang masiguro kong malinaw ito. Para sa mga dokumentong komplikado at mahaba, hindi ako nangangahas na gawin lang ito nang basta-basta at pasadahan para makaraos lang, sa halip ay maingat kong isasaalang-alang ang bawat pangungusap nang paulit-ulit at detalyado sinusubukan ang aking makakaya upang pagbutihin ang katumpakan ng pagsasalin. Kapag tinatapos ang isang dokumento, inililista ko ang lahat ng detalyeng kailangan kong suriin at patuloy na pinapaalalahanan ang sarili ko na kailangan kong isaalang-alang ang bawat hakbang nang mabuti. Kapag tinatapos ko ang dokumento, sinusuri ko ang bawat detalye at sinisikap na mabawasan ang mga pagkakamali sa huling hakbang. Kalaunan, nakakakuha na ako ng mas magagandang resulta sa aking tungkulin at pati ang sukatan ng pagkakamali ko ay bumaba.

Nang maglaon, isang sister ang sumali sa pangkat at tumulong na isunod sa pamantayan ang anyo ng mga naisalin nang dokumento. Tatanungin niya ako paminsan-minsan, “Tama ba ang bantas na ito? Anong problema sa bantas na iyan?” Kapag marami siyang tanong, maiinis ako nang kaunti at mapapaisip, “Masyadong malaking abala na ipaliwanag pa lahat. Sundan mo lang iyong natapos nang dokumento.” Kaya nagdahilan na lang ako sa kanya at sinabing: “Ito na ang natapos na dokumento. Wala nang anumang problema sa mga bantas. Ang mga bantas sa Italyano at Ingles ay halos magkapareho lang. Karamihan sa mga ito ay pwedeng tratuhin na parang sa Ingles, pero may mga eksepsyon. Kailangan mong isaalang-alang ang kahulugan.” Pagkatapos ay tinanong niya ako, “Ang mga sangguniang aklat natin ngayon ay pang-propesyunal. Hindi ko naiintindihan ang ilang mga bahagi nito. Mayroon ba tayong ibang mas simpleng dokumento sa paggamit ng bantas sa Italyano?” Sabi ko’y wala pa. Pagkatapos noon ay naisip kong gumawa ng dokumento na pwedeng gawing sanggunian ng mga bagong miyembro, pero napakaraming mga bantas. Ibig sabihin nito ay kailangang suriin ang mga sangguniang aklat at masyado itong malaking abala. Isinantabi ko muna ito. Akala ko doon na nagtatapos iyon, pero nang sinunod niya ang sinabi ko at itinuring ang bantas sa Italyano nang parang sa Ingles sa kanyang anyo, nagkusa na siya at tinanggal lahat ng patlang bago at pagkatapos ng mga dash sa isang dokumentong may lagpas 150,000 na salita. Natigilan na lang ako nang malaman ko ito. Sa Italyano, kailangan mong lagyan ng patlang bago at pagkatapos ng dash para hindi mapaghalo ang mga dash sa mga hyphen, na kakaiba sa Ingles. Pero hindi ko ito sinabi sa kanya. Wala nang magagawa. Kailangan niyang balikan at iwasto bawat isa. Sumama ang loob ko at nagsisi. Kinamuhian ko ang aking sarili, at naisip na, “Bakit hindi na lang ako naglaan ng kaunting pagsusumikap noong umpisa pa lang at gumawa ng sangguniang dokumento? Bakit lagi kong iniisip ang laman at takot na takot akong maabala? Kinailangan niyang ulitin itong lahat dahil sa aking kapabayaan. Kailangan din itong beripikahin ulit. Kinailangan itong pagsikapan, at higit sa lahat ay naantala nito ang aming pag-usad sa trabaho. Hindi ba’t paggambala iyon sa gawain ng bahay ng Diyos?” Bumalik na naman iyong pakiramdam ko ng pagkakautang, paninisi sa sarili, at panghihinyang. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ko ba ulit ito ginagawa? Ano ba talagang mali sa akin?

Isang beses sa aking debosyonal, may nakita akong sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi ba isang bagay sa loob ng isang tiwaling disposisyon na pamahalaan nang walang galang at iresponsable ang mga bagay-bagay? Anong bagay? Kabastusan iyan; sa lahat ng usapin, sinasabi nilang ‘tama lang iyan’ at ‘puwede na’; ito ay isang saloobin ng ‘siguro,’ ‘posible,’ at ‘malamang’; ginagawa nila ang mga bagay-bagay nang hindi pinag-iisipan, nasisiyahan na silang gumawa sa pinakamababang paraan, at nasisiyahang gumawa nang walang kaplanu-plano hangga’t kaya nila; wala silang nakikitang dahilan para seryosohin ang mga bagay-bagay o magpunyaging gumawa nang may katumpakan, at lalong wala silang nakikitang dahilan para maghangad ng mga prinsipyo. Hindi ba ito isang bagay na nasa loob ng isang tiwaling disposisyon? Pagpapakita ba ito ng normal na pagkatao? Tama lamang na tawagin itong kayabangan, at angkop na angkop ding tawagin itong bulok—ngunit para maunawaan ito nang malinaw, ang tanging salitang puwede na ay ‘bastos.’ Ang gayong kabastusan ay nasa pagkatao ng karamihan sa mga tao; sa lahat ng bagay, nais nilang gawin ang pinakamaliit na posibleng gawin, upang makita kung makakalusot sila, at may bakas ng panlilinlang sa lahat ng ginagawa nila. Dinadaya nila ang iba tuwing may pagkakataon sila, nilalaktawan ang ilang hakbang hangga’t kaya nila, at ayaw na ayaw nilang gumugol ng napakaraming oras o pag-iisip tungkol sa isang bagay. Hangga’t maiiwasan nilang mabunyag sila, at wala silang idinudulot na problema, at hindi sila pinananagot, akala nila ay maayos ang lahat, at sa gayon ay patuloy silang gumagawa nang hindi nag-iisip. Para sa kanila, hindi talaga sulit na gawin ang isang trabaho nang maayos. Ang gayong mga tao ay walang natututuhang kasanayan, at hindi nila ginagamit ang kanilang pinag-aralan. Gusto lang nilang makuha ang malawakang balangkas ng isang paksa at pagkatapos ay tinatawag ang sarili nila na bihasa roon, at pagkatapos ay umaasa silang matapos ito kahit hindi nila alam ang gagawin. Hindi ba ganito ang pag-uugali ng mga tao sa mga bagay-bagay? Maganda ba ang ganitong pag-uugali? Ang ganitong uri ng pag-uugali na ginagamit ng mga taong ito sa mga tao, kaganapan, at bagay-bagay, sa maikling salita, ay ang ‘mangapa,’ at ang gayong kabastusan ay umiiral sa lahat ng tiwaling sangkatauhan(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (9)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Direktang tinukoy ng mga salita ng Diyos ang ugat ng kawalan ko ng pagsusumikap sa aking tungkulin. Napakalubha ng marumi kong likas, at ginagawa ko ang lahat nang walang gana at may mapanlinlang na pag-uugali. Nang tanungin ako ng kapatid tungkol sa tamang paggamit ng bantas, ayokong maabala. Hindi ko ito sineryoso at ayoko ng masyadong maraming tanong, kaya dinispatsa ko lang siya sa pamamagitan ng pagsasabing sundan niya ang isang simpleng panuntunan At nang tanungin niya ako tungkol sa sangguniang dokumento, pwede ko sana siyang gawan, ngunit nang maisip ko ang gugugulin batay sa aking pagdurusa, nagdesisyon akong huwag nang mag-abala. Nag-alala ako sa mga pagkakamaling pwedeng mangyari, pero pinili ko pa ring dayain ito. Mabuti sana kung nakaiwas ako sa trabaho at naging maayos ang lahat. Tuwing gagawa ako nang walang pagsusumikap, umaasa ako sa swerte para makalusot. Lagi akong nakatuon sa paggamit ng pinakakaunting pagsisikap para lang makaraos. Hindi ako nagsusumikap nang tunay at tapat para gampanan ang aking tungkulin sa pagsasaalang-alang sa bawat detalye at paggawa sa abot ng aking makakaya upang siguruhing walang mga pagkakamali. Mukha akong nagtatrabaho, at sumasagot ng mga tanong, pero ang totoo, nililinlang ko lang ang kapatid na iyon at naging tuso. Bilang resulta, nagtiwala siya sa mga sagot ko at nakagawa ng malubhang mga pagkakamali at pinagod ang kanyang sarili sa isang trabahong walang kinapuntahan. Kinailangan pa niyang umulit ng napakaraming trabaho, na nakapagpabagal sa kabuuang pag-usad ng gawain at nagdulot ng pagkalugi sa gawain ng iglesia. Ang prinsipyo sa likod ng aking mga kilos, na gawin ang pinakamadali at pinakawalang abala, ay isang prinsipyo ng pananakit ng kapwa. Gumamit ako ng mga munting panlilinlang para panandaliang makaiwas sa pagod. Hindi ako pisikal na nagdusa, ngunit ang mga paglabag ko sa aking tungkulin ay walang tigil at nakaantala sa gawain sa bahay ng Diyos. Sinasaktan ko ang ibang mga tao at ang sarili ko! Inatasan ako ng isang napakahalagang trabaho, pero hindi ko ito sineryoso, at isinapuso, iresponsable ako, mapanlinlang, pabaya, at walang pakialam sa kahihinatnan. Wala ako ni katiting na konsensya. Noon ko lang nakita kung gaano karumi ang aking likas, gaano kababa ang aking integridad, at gaano ako kawalang-kwenta.

Kinalaunan ay nanood ako ng video ng isang pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay nagbibiru-biruan at gumagawa lamang para matapos na, naiwala na nila ang tungkuling dapat taglayin ng isang nilalang. Ang gayong mga tao ay kilala bilang ‘mga walang-kabuluhan’; sila ay mga walang-silbing yagit. Paano matatawag nang wasto na mga nilalang ang gayong mga tao? Hindi ba mga tiwali silang nilalang na maningning sa labas ngunit bulok sa loob? … Sino ang magiging karapat-dapat sa inyong mga salita at pagkilos? Karapat-dapat kaya ang napakaliit na sakripisyo ninyo sa lahat ng Aking naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-puso na Akong naging tapat sa inyo, subalit nagkikimkim kayo ng masasamang layon at wala kayong interes sa Akin. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ng inyong tanging tungkulin. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na lubos kayong bigong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang nilalang? Hindi ba malinaw sa inyo ang inyong ipinapahayag at isinasabuhay? Nabigo kayong tuparin ang inyong tungkulin, ngunit hinahangad ninyong matamo ang pagpaparaya at saganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at hamak na katulad ninyo, kundi para sa mga yaong walang hinihinging kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, na mga walang kabuluhan, ay lubos na hindi karapat-dapat na matamasa ang biyaya ng langit. Hirap at walang-katapusang kaparusahan lamang ang makakasama ninyo sa araw-araw! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang kahihinatnan ninyo ay isang kaparusahan. Lahat ng biyaya, pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay hindi magkakaroon ng kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat na mapasainyo at ang bunga ng inyong sariling kagagawan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Sabi ng mga salita ng Diyos, “Wala Akong ibang magagawa at buong-puso na Akong naging tapat sa inyo, subalit nagkikimkim kayo ng masasamang layon at wala kayong interes sa Akin. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin.” Tumagos sa puso ko ang mga salitang ito. Binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na gampanan ang aking tungkulin, para mahanap at makamit ko ang katotohanan sa pamamagitan ng aking tungkulin, maitakwil ang aking tiwaling disposisyon at mailigtas ng Diyos. Ngunit sa halip na hanapin ang katotohanan, laman lang ang inintindi ko, isinasantabi at nililinlang ang Diyos. Naisip ko kung paanong nagkatawang-tao ang Diyos para sagipin ang sangkatauhan, nagtitiis sa matinding pagkapahiya at pasakit, tinutugis at inuusig ng pamahalaan, hinahatulan at itinatakwil ng mga tao, ngunit lagi Niyang pinapahayag ang katotohanan at nagsusumikap na sagipin ang mga tao. Kulang ang ating kakayahan kaya’t mabagal ang ating pag-unawa sa katotohanan. Hindi lang tayo hindi pinabayaan ng Diyos, taimtim din Siyang nagbabahagi sa atin mula sa bawat anggulo. Detalyado Niyang ipinapaliwanag ang lahat ng katotohanan. Nagkukuwento Siya, nagbibigay ng mga halimbawa’t gumagamit ng mga talinghaga para tulungan tayong makaintindi. Ang ilang mga katotohanan ay komplikado at nagpapatungkol sa maraming bagay, kaya iniisa-isa ito ng Diyos at binibigyan tayo ng mga balangkas. Matiyaga at sistematiko Niya tayong ginagabayan para maintindihan natin nang unti-unti ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbabahagi. Makikita nating malaki ang pananagutan ng Diyos sa mga buhay natin. Ngunit paano ko tinrato ang aking tungkulin? Akala ko ay hindi sulit na maglaan ng higit na pag-iisip at pagsusumikap dito. Hindi ako naging seryoso o responsable sa pagsusuri ng mga dokumento. Pinipili ko ang landas na hindi ako mahihirapan nang hindi tinitingnan ang kalalabasan o mga kahihinatnan nito. Hindi ko sineryoso ang mga tagubilin ng Diyos, basta’t iniraraos lang. Nasaan ang konsensya ko? Nararapat akong parusahan ng Diyos. Ngunit hindi sumuko ang Diyos sa pagsagip sa akin. Ginamit Niya ang Kanyang mga salita para maliwanagan at patnubayan ako, tulungan akong kilalanin ang aking sarili at maintindihan ang kalooban ng Diyos. Kung itinuloy ko pa ang pagiging tamad at paggawa ng tungkulin nang basta-basta para makaraos lang, hindi ako magiging karapat-dapat na mabuhay o matawag na tao. Kaya’t nagdasal ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Masyadong malubha ang marumi kong likas. Ayokong magpatuloy na mamuhay nang kahiya-hiya at walang dignidad. Pakiusap, bigyan Mo ako ng lakas na isagawa ang katotohanan para maisakabuhayan ko ang tunay na wangis ng tao at magampanan ang tungkulin ng isang nilikha.”

Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang tao, para matanggap ang tagubilin ng Diyos, kailangan siyang maging deboto. Kailangang maging ganap siyang deboto sa Diyos, at hindi maaaring wala siyang sigla, hindi tumatanggap ng pananagutan, o kumikilos batay sa sarili niyang interes o pakiramdam; hindi ito pagiging deboto. Ano ang tinutukoy ng pagiging deboto? Ibig sabihin nito ay habang tinutupad mo ang iyong mga tungkulin, hindi ka naiimpluwensyahan at nahihigpitan ng mga pakiramdam, sitwasyon, tao, usapin, o bagay-bagay. ‘Natanggap ko ang tagubiling ito mula sa Diyos; ibinigay na Niya ito sa akin. Ito ang dapat kong gawin. Kung gayon ay gagawin ko ito na itinuturing itong sarili kong gawain, sa anumang paraang nagbubunga ng magagandang resulta, na ang kahalagahan ay nakatuon sa pagbibigay-lugod sa Diyos.’ Kapag ganito ang iyong kalagayan, hindi ka lamang kontrolado ng iyong konsiyensya, kundi may kasama ring pagiging deboto. Kung nasisiyahan ka lamang na magawa ito, nang hindi hinahangad na maging mahusay at magkamit ng mga resulta, at nadarama mo na sapat nang magpakita lamang ng kaunting pagsisikap, pamantayan lamang ito ng konsiyensya, at hindi maituturing na debosyon. Kapag deboto ka sa Diyos, medyo mas mataas ang pamantayang ito kaysa sa pamantayan ng konsiyensya. Ito, kung gayon, ay hindi na patungkol lamang sa pagpapakita ng kaunting pagsisikap; kailangan mong pagsumikapan ito nang husto. Kailangan mong palaging ituring ang iyong tungkulin bilang sarili mong trabahong gagawin, tumanggap ng mga pasanin para sa gawaing ito, hayaang mapangaralan ka kung makagawa ka ng pinakamaliit na pagkakamali o kung medyo padaskol kang magtrabaho, madama na hindi ka maaaring maging ganitong klaseng tao, dahil ginagawa ka nitong lubhang hindi marapat sa Diyos. Ang mga taong talagang matino ay tumutupad sa kanilang mga tungkulin na para bang ang mga ito ay sarili nilang trabahong gagawin, mayroon mang namamahala o wala. Masaya man sa kanila ang Diyos o hindi at paano man Niya sila tinatrato, laging mahigpit ang kahilingan nila sa kanilang sarili na tuparin ang kanilang mga tungkulin at tapusin ang tagubiling naipagkatiwala sa kanila ng Diyos. Ang tawag dito ay debosyon(“Makakaya Lamang ng Mga Tao na Maging Totoong Masaya sa Pamamagitan ng Pagiging Matapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa. Sa ating tungkulin, hindi tayo pwedeng sumunod lamang sa ating kalooban at mga kagustuhan, at gawin kahit ano’ng naisin natin. Hindi tayo pwedeng gumawa na lamang basta-basta kung ang isang bagay ay nangangailangan ng masikap na paggawa, bagkus dapat nating tratuhin ang ating tungkulin bilang tagubilin ng Diyos, bilang sarili nating responsibiliad. Kailangan nating maglaan ng pag-iisip at pagsisikap para makuha ang pinakamabuting resulta. Kahit gaano kahirap, may nagbabantay man sa atin o wala, dapat ay lagi nating tuparin ang ating tungkulin nang buong puso, isip, at lakas. Nang mapagtanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos, handang magsisi at magsagawa nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos, naglaan ako ng oras para gumawa ng dokumento ukol sa paggamit ng bantas sa Italyano para maging sanggunian ng mga bagong miyembro. Pagkatapos nito ay ibinuod ko ang mga karaniwang problemang nakakaharap sa pagsasalin at inilista ang lahat ng bagay na nangagailangan ng pansin. Tinitingnan ko ito tuwing nagsusuri ako ng dokumento para walang makaligtaan. At kapag may kapatid na nagtatanong sa akin tungkol sa kanilang tungkulin, hindi ko mamadaliin ang pagtingin at gagamitin ang imahinasyon ko para sumagot, sa halip ay pag-iisipan ko nang maigi ang kanilang tanong, gagamitin ang mga prinsipyo at maghahanap ng propesyunal na kaalaman na magagamit para sagutin sila. Tuwing may hindi ako naiintindihan, sa pamamagitan ng pagsusumikap kasabay ng kaliwanagan at gabay mula sa Diyos, unti-unti ko itong naiintindihan. Pinagnilayan ko rin ang mga maling motibo ko sa aking tungkulin. Tuwing makakaharap ako ng mga problema, at gusto kong makaraos na lamang, magdarasal ako sa Diyos upang matalikdan ko ang laman para malutas ko ang mga isyung iyon gamit ang tunay na halaga ng pagsisikap na kinakailangan. Unti-unti, naitama nang husto ang pag-uugali ko sa aking tungkulin at hindi na ako nagtatrabaho para matapos lang. Nagawa kong tuparin ang aking tungkulin nang may katatagan. Ang pagbabagong ito sa akin ay resulta ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagtatanggal ng Maskara

Ni Tinghua, France Noong nakaraang Hunyo, nung kasisimula ko pa lang na tuparin ang tungkulin ko bilang isang lider. Sa simula, dahil...