Napakagandang Iwaksi ang mga Gapos ng Katayuan sa Lipunan
Ako si Liang Zhi, at anim na taon na mula nang tanggapin ko ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw. Sa isang demokratikong halalan ng iglesia nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Pagkarinig ko sa balitang ito, nagulat ako at natuwa, at naisip ko: Ang mahalal bilang lider mula sa napakaraming kapatid, magkaroon ng responsibilidad para sa lahat ng gawain ng iglesia—ipinapakita nito na mas magaling ako kaysa sa ibang mga kapatid! Nasa isip ito, kahit hindi ko gusto nag-umapaw sa aking kalooban ang pakiramdam na nakahihigit ako kaysa sa iba at naglakad ako nang taas-noo at tuwid, at napakalakas ng kumpiyansa ko sa mga pakikipag-usap sa mga kapatid sa mga pagtitipon. Gayunpaman, makalipas ang ilang panahon nakita ko na ang isang kapatid na babae na katuwang ko sa trabaho ay napakahusay, na malinaw ang takbo ng isipan sa pagbabahagi ng katotohanan, at nagawa rin niyang maintindihan ang ugat ng mga katanungan ng mga kapatid at ipinaliwanag at nilutas ang mga ito, at itinuro din ang isang praktikal na landas. Lahat ng kapatid ay ginustong marinig ang kanyang pagbabahagi. Pagkakita ko rito, nainggit ako at nagselos at ayaw kong magpatalo, bago ang bawat pagtitipon, nagtuon ako sa kondisyon ng mga kapatid at kinailangan kong maghandang maigi, at pinag-isipan kong mabuti ang mga paraan ng pagbabahagi na magiging mas kumpleto at magbibigay ng mas malaking kaliwanagan kaysa sa kapatid na iyon. Nang matapos akong magbahagi, at nakita kong nagtatanguan ang mga kapatid sa pagsang-ayon, tuwang-tuwa ako sa aking sarili, at nakaramdam ako ng tagumpay. Kung nakita kong matabang ang reaksyon ng mga kapatid, naliligalig ako at naguguluhan. Paglaon, natuklasan ko rin na ang isang kapatid na lalaki na nakatuwang ko ay medyo pamilyar sa kaalaman tungkol sa industriya ng pelikula at mahusay din siya sa paggamit ng computer. Tuwing nakikita ko na madalas siyang kausapin ng mga kapatid na magkakasamang nagtatrabaho sa paggawa ng mga pelikula tungkol sa ebanghelyo tungkol sa ilang tanong na likas na propesyonal, at ako, na isang responsableng tao ng iglesia, ay hindi makasingit sa usapan, pakiramdam ko hindi ako kailangan, isinasantabi. Pakiramdam ko sa sandaling iyon parang nagtrabaho ako nang husto at hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Naghinala ako na lahat ng kapatid ay kinakausap siya tuwing may nangyayari, hindi kaya pakiramdam nila hindi ako kasinggaling niya? Kung mayroon lang din sana akong ganitong propesyonal na kaalaman, mas mabuti sana. Hindi kaya lalapit din ang mga kapatid sa akin para talakayin ang anumang mga problema nila? Kaya nagtatrabaho ako mula madaling araw hanggang takipsilim na naghahanap ng mga kaugnay na materyal at nag-aaral para makaalam tungkol sa paggawa ng pelikula. Bagama’t hindi ako kailanman napagod sa paghahanap at pagiging abala alang-alang sa katayuan ko sa lipunan, patuloy na naglitawan ang mga problema sa trabaho ng bawat isa sa mga pangkat ng iglesia, at gaano man ako nagplano ng mga pagtitipon at nakipag-ugnayan, lahat ng iyon ay nawalan ng saysay. Hirap na hirap ako kaya halos hindi ako makapahinga, at gulung-gulo ang aking isipan. Naisip ko sa sarili ko: Ano na lang ang iisipin ng mga kapatid sa akin? Hindi ba nila mararamdaman na wala akong kakayahang magtrabaho bilang lider nila at hindi ko talaga kaya ang tungkulin? Lumalabas na ang hindi ako mananatili sa posisyon ko bilang lider. Nang lalo kong isipin ang tungkol dito. lalo akong naging negatibo. Parang bolang goma ang katawan ko na inalisan ng hangin, at wala na ang dati kong lakas. Kalaunan dahil palagi akong nanlalambot at negatibo, nawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu at tinanggal ako at pinalitan dahil walang anumang naging tunay resulta sa tungkulin ko. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko sirang-sira ako, desperadong maghanap ng bitak na mapagtataguan ko, habang sabay na naghihinalang: Hindi kaya sinasabi ng mga kapatid habang nakatalikod ako na isa akong huwad na lider na nagkakandarapang maging tanyag at makinabang at hindi gumagawa ng praktikal na gawain? Nang lalo kong maisip ito, lalo akong naligalig, na para bang lahat ng uri ng mapanuring boses ay umaalingawngaw noon sa aking mga tainga … Pagsapit ng gabi, pabiling-biling ako sa kama at hindi ako makatulog. Ang tangi kong nagagawa ay paulit-ulit na magdasal sa Diyos, na nagmamakaawa sa Kanya na akayin ako, na gabayan ako.… Nabasa ko na sinabi ng Diyos: “Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibiduwal na mga pagkaunawa, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para pakitunguhan ang inyong hangaring magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at pagkaunawa ay pawang mga halimbawang kumakatawan sa napakasamang disposisyon. Umiiral ang mga bagay na ito sa puso ng mga tao dahil palaging sinisira ng lason ni Satanas ang isipan ng mga tao, at palaging hindi magawang iwaksi ng mga tao ang mga tuksong ito ni Satanas. Nakasadlak sila sa kasalanan subalit hindi sila naniniwala na kasalanan iyon, at iniisip pa rin nila: ‘Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan Niya kaming pagkalooban ng mga pagpapala at isaayos nang angkop ang lahat para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan kaming makalamang sa iba, at kailangan kaming magkaroon ng mas magandang katayuan at kinabukasan kaysa sa iba pa. Dahil naniniwala kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hangganang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na paniniwala sa Diyos.’ … Kayo ngayon ay mga alagad, at nagtamo na kayo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunman, hindi pa rin ninyo naisasantabi ang inyong pagnanasa sa katayuan. Kapag mataas ang inyong katayuan naghahanap kayong mabuti, ngunit kapag mababa ang inyong katayuan hindi na kayo naghahanap. Palagi ninyong iniisip ang mga pagpapala ng katayuan. … Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang napapala mo. Kapag mas matindi ang paghahangad ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas mahigpit siyang pakitunguhan at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay walang kuwenta! Kailangan silang pakitunguhan at hatulan nang sapat upang lubusan nilang talikuran ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, wala kayong mapapala. Yaong mga hindi naghahangad na matamo ang buhay ay hindi maaaring mabago, at yaong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). “Takot palagi ang ilang tao na maging mas sikat sa kanila ang iba at mahigitan sila, na nagtatamo ng pagkilala habang sila naman ay kinaliligtaan. Dahil dito, inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong mas may kakayahan kaysa sa kanila? Hindi ba makasarili at nakasusuklam ang ganitong pag-uugali? Anong klaseng disposisyon ito? Masama ito! Sarili lang ang iniisip, sariling mga hangarin lamang ang binibigyang-kasiyahan, walang konsiderasyon sa mga tungkulin ng iba, at iniisip lamang ang sariling mga interes at hindi ang mga interes ng bahay ng Diyos—ang ganitong klaseng mga tao ay may masamang disposisyon, at hindi sila mahal ng Diyos. Kung talagang kaya mong bigyan ng konsiderasyon ang kalooban ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung binibigyan mo ng rekomendasyon ang isang tao, at nagkaroon ng talento ang taong iyon, at sa gayo’y nagdadala ka ng isa pang taong may talento sa bahay ng Diyos, hindi ba nagawa mo nang maayos ang iyong gawain? Hindi ba naging tapat ka sa pagganap sa iyong tungkulin? Magandang gawa ito sa harap ng Diyos, at ganitong klaseng konsiyensya at katwiran ang dapat taglayin ng mga tao” (“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
Inilantad ng salita ng Diyos ang diwa ng aking paghahangad sa katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan, at naduro ang puso ko. Mula nang magsimula akong gumanap sa tungkulin ng lider ng iglesia, masigasig ko nang ginugol palagi ang sarili ko at sa gayo’y naniwala na ako na isa akong taong nagsisikap na matamo ang katotohanan. Ngunit ngayong nahayag na sa akin ang mga katotohanan, naharap sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nakita ko rin sa wakas ang mga karumihan sa aking pananalig sa Diyos. Pinagbulayan ko kung paano, tuwing nakikitipon ako sa mga kapatid upang ibahagi ang salita ng Diyos, hindi iyon upang dakilain ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, maunawaan ng mga kapatid ang katotohanan ng salita ng Diyos, maunawaan ang mga layon ng Diyos, malaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos at pumasok sa realidad nito. Sa halip iyo’y para pag-isipan kong mabuti kung paano ko mapapahusay ang pagbabahagi kaysa sa katuwang kong kapatid upang purihin at hangaan ako ng mga kapatid. Sinubukan kong itanim sa isipan ng mga kapatid ang sarili kong imahe, upang mas masiguro ko ang aking katayuan sa lipunan. Nang makita ko na mas magaling ang propesyonal na mga kakayahan ng aking katuwang na kapatid kaysa sa akin at na anuman ang mga tanong ng mga kapatid, hahanapin at kakausapin nila ang kapatid na iyon, kapag malinaw na hindi ako ang pipiliin nila, nagselos ako at hindi ko siya isinali, na labis na nakakaramdam ng takot na aagawan niya ako ng eksena, sasarilinin niya ang kasikatan. Kapag may lumitaw na mga problema sa iglesia na hindi ko malutas, hindi ako lumapit sa Diyos para magdasal at umasa sa Kanya, para tingalain Siya, ni hindi ko hinanap ang katotohanan na kasama ng mga kapatid upang lutasin ang problema, kundi sa halip ay ginugol ko ang maghapon sa pag-aalala tungkol sa mga mapapakinabangan at mawawala sa sarili kong katayuan sa lipunan, na lubhang natatakot na kung hindi ko gagawing mabuti ang trabaho ko ay manganganib ang aking posisyon bilang lider. Nakita ko na hindi ko ginagampanan ang aking mga tungkulin upang pagsikapang matamo ang katotohanan at matugunan ang mga layon ng Diyos, ni hindi iyon upang maghangad na magbago ng disposisyon habang isinasagawa ko ang aking mga tungkulin, kundi sa halip ay upang gawing parang propesyon ang aking mga tungkulin, maging angat ako sa iba, at para makilala ako. Samakatuwid, ang tangi kong inisip ay kung paano magpasikat at patunayan ang aking sarili, upang tumaas ang tingin sa akin at pahalagahan ako ng masa, at upang ganap na matugunan ang sarili kong mga ambisyon at hangarin na maging angat sa iba. Paano ito naging pagtupad sa aking mga tungkulin at paghahanda ng mabubuting gawa? Ito ay ganap na pamumuhay para sa katanyagan, pakinabang, at katayuan sa lipunan!
Nakita ko ang mga salita ng Diyos: “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung angkin niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Nang mabasa ko ang salita ng Diyos, naintindihan ko ang Kanyang mga layon. Sa pagtatakda ng kahihinatnan ng isang tao, hindi ito ibinabatay ng Diyos sa taas ng kanyang katayuan sa lipunan o kung gaano kahanga-hanga ang kanyang mga kwalipikasyon, o kung gaano karami na ang nagawa niya para sa Diyos, kung gaano siya nagdusa, kundi sa halip ay isinasaalang-alang ng Diyos kung nagsisikap ang tao na matamo ang katotohanan o hindi, at nakakamit ang katotohanan, kung nagbago na ba ang kanyang disposisyon sa buhay o hindi. Napakahalaga nito. Pinag-isipan ko ang aking sariling pananalig sa Diyos nang ilang taon, hindi ko talaga hinanap ang katotohanan at isinagawa ang salita ng Diyos, kundi sa halip ay hinangad ko lamang ang katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan. Ang aking pananaw sa kung ano ang pagsisikapang matamo ay ganap na sumalungat sa mga hinihingi ng Diyos. Naging dahilan ito upang hindi ako makapasok sa anumang realidad ng katotohanan sa kabila ng pananalig ko sa Diyos nang ilang taon. Hindi kailanman nagbago ang aking disposisyon sa buhay. Sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid kaunti lang ang ibinahagi kong karanasan at kaalaman sa salita ng Diyos at madalas ay bumanggit ako ng ilang sulat at doktrina upang lokohin ang mga tao. Sa bandang huli nawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu, at wala man lang mga resulta sa pagsasagawa ng aking mga tungkulin. Kung patuloy kong sinunod ang maling landas, kalaunan ay maaari lang akong ibunyag at alisin ng Diyos, at mawawalan ako ng pagkakataong tanggapin ang pagliligtas ng Diyos. Ngayon kapag iniisip ko ang pagtatanggal at pagpapalit sa akin bilang lider ng iglesia, ito ay matuwid na paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ito ay upang harapin at dalisayin ang mga ambisyon at pagnanais sa aking kalooban na nagkakandarapang tumanyag at makinabang, at akayin ako tungo sa tamang landas ng paghahanap sa katotohanan. Ito ang pagliligtas ng Diyos sa akin! Sa pagkakataong ito hindi ko mapigilang lumapit sa Diyos at magdasal: Diyos ko, salamat sa paghatol at pagkastigo Mo sa akin, sa pagtulong na makilala ko ang maling daan na natahak ko, at makita ang mapanganib na mga kahihinatnan ng paghahanap ng katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan. Diyos ko, gusto kong bumalik sa Iyo, isantabi ang katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan, at piliin ang landas ng paghahanap sa katotohanan upang aliwin ang Iyong puso.
Matapos akong makaranas ng isang panahon ng espirituwal na debosyon at pagninilay sa sarili, nagsimulang unti-tunting magbago ang aking kalagayan. Ipinlano ng mga lider ng iglesia na magtrabaho ako sa pagtulong sa mga kapatid na nagsisimula pa lang sa kanilang pananalig. Nagpasamalat ako sa Diyos lalo na sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na tuparin ang aking tungkulin. Lihim kong ipinangako sa aking sarili: Tiyak na kailangan kong pahalagahan ang pagkakataong ito na isagawa ang aking tungkulin. Hindi na ako maaaring tumahak sa dating lumang daan ng kapahamakan sa pagsunod sa landas ng paghahangad sa katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan! Pagkatapos sa pagsasagawa sa aking mga tungkulin, sa tuwing mahaharap ako sa anumang mga problema tatalakayin ko ang mga ito sa mga kapatid, at makikinig sa kanilang mga mungkahi. Kapag lumabas ang kalagayan ng pagkakandarapa para sa katanyagan at pakinabang, nagdasal ako sa Diyos at sinadya kong magbasa nang higit pang mga salita ng Diyos tungkol sa paghatol sa naitiwaling diwa ng tao, at kumilos alinsunod sa salita ng Diyos. Matapos maranasan ang ilang panahon sa ganitong paraan, naramdaman ko na naisantabi ko na kahit papaano ang mga pagnanais ng katanyagan, pakinabang at katayuan. Subalit, ang mala-satanas na kalikasan sa aking kalooban na nagkakandarapa para sa katanyagan at pakinabang, naghahangad na maging mas nakakaangat kaysa sa iba, ay hindi ganap na malulutas sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng kaunting kaalaman. Bago ko makamit ang paglilinis at pagbabago, kinailangan kong sumailalim sa iba pang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Makalipas ang ilang buwan, muling isinaayos ng Diyos ang kapaligiran upang ibunyag at iligtas ako. Dahil parami nang parami ang mga taong nagsisiyasat at tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang gawain ng pagtulong at pagsuporta sa mga bagong tao ay naging lalong abala. Sabi ng mga lider, kailangang pumili ng isang lider ng pangkat na maging responsable sa pagsasaayos ng gawain. Nang marinig ko ito, sinimulan kong timbangin ang aking sarili: Sa pitong kapatid na nasa pangkat, ipinalagay ko na ang kakayahan ni Brother Zhang sa gawain ang pinakamahusay kumpara sa iba. Gayon din, mayroon siyang pagpapahalaga sa katarungan at medyo praktikal sa pagbabahagi ng katotohanan kumpara sa iba, nakaya niyang positibong pangalagaan ang gawain ng iglesia. Malamang na ang kapatid na iyon ang mapipiling lider ng pangkat. Ngunit nang maisip ko kung paano ko naiplano ang lahat ng gawain ni Brother Zhang noong ako ay isang lider ng iglesia at na kung siya ang pinili ngayon bilang lider ng pangkat sa susunod ay kakailanganin kong sundin ang kanyang mga plano, kung gayon hindi ba malinaw na mas mahina ako sa kanya? Anong mukha ang ihaharap ko? Nang maisip ko ito sumama ang pakiramdam ko. Pagsapit ng araw ng halalan, ninerbiyos ako kahit hindi ko gusto, at nagtalo nang walang humpay ang aking kalooban: Sino ang dapat kong iboto? Dapat ko bang iboto si Brother Zhang? Ngunit nang maisip ko kung paano malimit na talakayin sa kanya ng mga kapatid ang anumang mga hirap nila sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin, sobra ang selos ko, at ayaw ko siyang piliin. Ano kaya kung iboto ko ang sarili ko? Hindi ako kasinghusay ni Brother Zhang. Kung hindi ako pipiliin ng mga kapatid, hindi ako maaaring maging lider ng pangkat. Sa pagkakataong ito, hindi ko alam ang gagawin at may pumasok pang masamang ideya sa isip ko: kung hindi ako magiging lider ng pangkat, hindi rin kita papayagang maging lider. Kaya nga, ibinoto ko si Brother Li na karaniwan ay kasundo ko, bagama’t medyo kulang ang kanyang kakayahan sa gawain. Ngunit sa bandang huli, si Brother Zhang ang nanalo bilang lider ng pangkat. Napakalungkot ko nang makita ko ang resultang ito, ngunit kalaunan ay hindi ako napakali. Habang pauwi, pinagnilayan ko ang aking mga iniisip at ideya na lumitaw noong halalan, at natanto ko na muli akong nagkandarapang maging tanyag at makinabang, at nag-aalala ako nang husto. Wala akong balak na magkandarapang tumanyag at makinabang, ngunit tuwing may nangyayari, bakit palagi akong bumabalik sa dati kong gawi? Taimtim akong nagdasal sa Diyos, na nagsusumamo na liwanagan at gabayan Niya ako, na bigyan Niya ako ng kakayahang mahanap ang pinagmumulan ng problema hinggil sa bagay na ito. Pag-uwi ko, nakita ko ang mga salita ng Diyos: “Ano ang ginagamit ni Satanas upang mapanatili ang tao sa mahigpit nitong kontrol? (Katanyagan at pakinabang.) Kaya, ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang naiisip ng mga tao ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagbabata ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakripisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Walang kaalam-alam nilang dinadala ang mga kadenang ito at lumalakad nang may matinding kahirapan. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya at mas lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, nasisira ang sali’t salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga pagkilos ni Satanas, hindi ba kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil hindi pa rin ninyo nakikita ngayon nang malinaw ang masasamang motibo ni Satanas sapagka’t iniisip ninyo na hindi maaaring mabuhay kung walang katanyagan at pakinabang. Iniisip ninyo na kapag iniwan ng mga tao ang katanyagan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa hinaharap, hindi na makikita ang kanilang mga layunin, na ang kanilang hinaharap ay magiging madilim, malamlam at mapanglaw. Subali’t, dahan-dahan, isang araw ay makikilala ninyong lahat na ang katanyagan at pakinabang ay parang halimaw na mga kadena na ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Hanggang sa sumapit ang araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at lubusang lalabanan ang mga kadena na ginagamit ni Satanas upang igapos ka. Kapag dumating ang oras na nanaisin mong iwaksi ang lahat ng bagay na ikinintal sa iyo ni Satanas, ikaw sa gayon ay ganap na hihiwalay kay Satanas at tunay mong kamumuhian ang lahat ng idinulot sa iyo ni Satanas. Sa gayon lamang magkakaroon ng isang totoong pag-ibig at pananabik sa Diyos ang sangkatauhan” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI).
“Anong klaseng pag-uugali ang ipapakita ng isang taong may takot sa Diyos? (Hindi nila basta-basta gagawin ang anumang gusto nila o kikilos sila nang walang ingat.) Kaya ano ang dapat gawin ng isang tao para hindi sila kumilos ayon sa gusto nila? (Magkaroon ng pusong mapaghanap.) Maaaring nadarama ng ilang tao na mali ang kanilang iniisip, ngunit nadarama rin nila na ayaw nilang makinig sa mga tamang mungkahi ng iba, na iniisip na: ‘Di hamak na mas magaling ako kaysa sa kanya. Kung makikinig ako sa mungkahi niya ngayon, magmumukhang mas magaling siya sa akin! Hindi, hindi ako maaaring makinig sa kanya sa bagay na ito. Gagawin ko na lang ito sa aking paraan.’ Pagkatapos ay nakakahanap sila ng dahilan at katwiran para ibukod ang ibang tao. Kung may nakikita silang isang tao na mas magaling kaysa sa kanila, sinasawata nila ang mga ito, nagpapasimula sila ng tsismis tungkol sa mga ito, o gumagamit sila ng ilang nakakahiyang paraan para hindi hangaan ng ibang tao ang mga ito, at na walang taong mas mahusay kaysa iba, sa gayo’y ito ang tiwaling disposisyon ng kayabangan at pagmamagaling, gayundin ng kabuktutan, panloloko at katusuhan, at walang makakapigil sa mga taong ito na makamtan ang kanilang mga layon. Ganito ang buhay nila subalit iniisip pa rin nila na malalaking tao at mabubuting tao sila. Gayunman, may takot ba sila sa Diyos? Una sa lahat, para magsalita mula sa pananaw ng likas na mga katangian ng mga bagay na ito, hindi ba ginagawa lamang ng mga taong ganitong kumilos ang gusto nila? Isinasaalang-alang ba nila ang mga interes ng pamilya ng Diyos? Iniisip lamang nila ang sarili nilang damdamin at nais lamang nilang makamtan ang sarili nilang mga layon, anuman ang mawala sa gawain ng pamilya ng Diyos. Hindi lamang mayabang at mapagmagaling ang ganitong mga tao, makasarili rin sila at nakakamuhi; wala talaga silang pakialam sa intensyon ng Diyos, at ang ganitong mga tao, walang duda, ay walang takot sa Diyos. Kaya nga ginagawa nila ang anumang gusto nila at kumikilos sila nang walang-ingat, nang walang nadaramang anumang pagsisisi, walang anumang pangamba, walang anumang pagkabalisa o pag-aalala, at hindi iniisip ang mga ibubunga nito. Hindi sila takot sa Diyos, naniniwala sila na sila ang pinakamahalaga, at itinuturing nila na bawat aspeto ng kanilang sarili ay mas mataas kaysa sa Diyos at mas mataas kaysa sa katotohanan. Sa kanilang puso, ang Diyos ang pinaka-hindi nararapat banggitin at pinaka-walang halaga, at wala man lang anumang mataas na katayuan ang Diyos sa kanilang puso” (“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
Nang subukan kong pagnilayan ang mga salita ng Diyos naintindihan ko na ang katanyagan, pakinabang, at katayuan sa lipunan palang hinangad ko ay hindi nakikitang mga kadenang ipinanggagapos ni Satanas sa tao. Iyon ang lason ni Satanas na nililinlang at ginagawang tiwali ang tao! Naisip ko yaong panahon na hindi ako nanalig sa Diyos. “Iniiwan ng isang tao ang kanyang pangalan saan man siya namamalagi, tulad ng gansang kumakakak saan man ito lumilipad.” “Dapat ay palaging magsikap ang mga tao na higitan ang kanilang mga kaedaran.” “Walang tiyaga, walang nilaga.” “Umaakyat ang tao sa mas matataas na lugar, dumadaloy ang tubig patungo sa pinakamababa.” Nagawa ko nang sarili kong mga patakaran sa buhay at mga kasabihan ang napakasasamang ideya at pananaw na ito. Nang matanggap ko ang napakasasamang ideyang ito, lalo akong naging mayabang at mapagmataas, at nabighani sa kapangyarihan at katayuan sa buhay. Naituring ko nang layon ng buhay ng tao ang paghahangad sa katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan, at pagiging higit kaysa lahat ng iba pa at nakibaka at ginawa ko ang lahat para dito. Basta’t nagtatamo ako ng katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan, kaya kong tiisin ang sakit at pagod kung kinakailangan. Matapos manalig sa Diyos, nagsikap pa rin akong magkaroon ng katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan, at hinangad kong maging higit kaysa sa iba, na umaasa sa mga lason ni Satanas. Naging likas na ito sa akin. Sa ilalim ng pagkontrol ng isang likas na kasamaan, kahit hindi ko gusto naghimagsik ako laban sa Diyos, at nilabanan ko ang Diyos. Nang gunitain ko ang aking mga naisip at gawi noong halalan, hiyang-hiya akong magpakita, isang pagkapahiyang mahirap ipaliwanag. Alam na alam ko na kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia na maging lider ng pangkat si Brother Zhang, ngunit kinainggitan ko ang matalino at mahusay, at labis akong natakot na mahigitan at upang mapangalagaan ang aking sariling katayuan sa lipunan at dangal, hindi ko siya ibinoto. Para sa akin, mas mabuti pa nga na walang taong nababagay ang umako sa tungkuling ito, at magdanas ng kawalan ang gawain ng iglesia, kaysa mahalal si Brother Zhang. Nakita ko na lubha akong nagawang tiwali ni Satanas. Upang mapangalagaan ang aking sariling dangal at katayuan sa lipunan, gumamit ako ng maruruming paraan upang hindi siya isali, nang hindi man lang tumatanggap ng pagsisiyasat ng Diyos, na walang pusong nagpipitagan sa Diyos ni katiting. Tuwing mayroong nangyayari inisip ko lamang ang aking sariling dangal at katayuan sa lipunan, at hindi ko pinangalagaan man lang ang gawain ng iglesia. Napakasakim ko at napakasama. Talagang kahit katiting ay hindi ako makatao. Paanong hindi masusuklam at mandidiri sa akin ang Diyos? Inisip ko ang sinabi ng Diyos: “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno,” naramdaman ko na napakadelikado ng sarili kong kalagayan. Kung magpapatuloy ako nang ganito, magiging pakay ako ng malamig na pagtitiwalag at pag-aalis ng Diyos. Naisip ko ang mga Fariseo na lumaban sa Panginoong Jesus. Upang maprotektahan ang kanilang katayuan sa lipunan at kapangyarihan sa sagradong templo, hindi nila hinangad ni bahagya ang pagpapakita ng Panginoong Jesus at ang katotohanang ipinahayag Niya. Pikit-mata nilang nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus at ipinako pa nila ang Panginoong Jesus sa krus, kaya pinarusahan at isinumpa sila ng Diyos. Malinaw kong nakita na sa sarili kong pananalig sa Diyos hindi ko napahalagahan ang paghahanap sa katotohanan, at pagpasok sa katotohanan, kundi sa halip ay naibuhos ko ang lahat ng aking pagsisikap sa pagtatamo ng katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan. Ito ay pagtahak sa landas ng paglaban ng mga Fariseo sa Diyos! Nang maisip ko iyon, hindi ko napigilang matakot sa maling landas na aking natahak at nagpasiya akong kumawala sa mga gapos at teribleng pinsalang idinulot sa akin ng katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan at lumakad sa landas ng pagsisikap na matamo ang katotohanan at maging tapat sa pagtupad sa aking mga tungkulin, at makamit ang papuri ng Diyos. Pagkatapos, binasa ko ang salita ng Diyos: “Yaong mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba at hindi tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, kung gayon, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang mga taong tulad nito ay walang paggalang sa Diyos. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng tahanan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pamamagitan ng pagmumuni-muni kung ikaw ay naging dalisay o hindi sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng tahanan ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. … Bukod pa riyan, kung kaya mong tuparin ang iyong mga responsibilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at tungkulin, isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, isantabi ang sarili mong mga layon at motibo, mayroon kang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, at inuuna mo ang mga interes Niya at ng Kanyang sambahayan, kung gayon pagkaraang danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na maganda ang ganitong pamumuhay. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, nang hindi nagiging isang hamak at walang-silbing tao, at pamumuhay na makatarungan at marangal kaysa pagiging makitid ang utak o salbahe. Madarama mo na ganyan dapat mamuhay at kumilos ang isang tao. Unti-unti, mababawasan ang hangarin sa puso mo na bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes” (“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Malinaw na ipinakita sa akin ng mga salitang ito ang layunin at direksyon ng aking pag-uugali sa buhay. Lalong naliwanagan ang aking puso, at nalaman ko kung paano isagawa ang pagsunod sa mga layon ng Diyos. Pagkatapos, kusa kong ipinagtapat kay Brother Zhang kung paano ako nabuhay sa pagkakandarapang tumanyag at makinabang at na nainggit ako sa kanya. Ibinunyag ko ang aking masasamang layon na nagsilitaw noong halalan. Matapos akong pakinggan ng kapatid na iyon hindi niya ako talaga hinamak, kundi ibinahagi niya ang katotohanan ukol sa aking kalagayan at nagtapat din siya sa akin para pag-usapan ang kanyang karanasan at kaalaman. Pagkatapos naming mag-usap naglaho ang agwat sa pagitan namin ng kapatid na ito, at lalo akong nakaramdam ng paglaya at tibay sa aking puso. Paglaon, tuwing mayroon akong anumang mga paghihirap o problema na hindi ko maintindihan sa pagsasagawa ng aking mga tungkulin, kusa kong hinahanap ang kapatid na ito at matiyaga niyang ibinabahagi at ipinaliliwanag sa akin ang mga bagay-bagay. Pagkaraan ng kaunting panahon, mas gumanda ang mga resulta ng pagsasagawa ko ng aking mga tungkulin. Talagang naintindihan ko ang pagsasantabi sa katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan, pamumuhay ayon sa salita ng Diyos, pagharap sa Diyos upang tapusin ang sariling mga tungkulin ay pagpapalain ng Diyos. Ang pamumuhay sa ganitong paraan ay makatarungan at marangal, ang puso ay matibay at mapayapa, at lalong naging malapit ang kaugnayan ko sa Diyos.
Noong Oktubre 2017, nagsimula ang mga taunang halalan ng iglesia. Nahalal ako bilang kandidato para sa pamunuan ng iglesia. Nang malaman ko ang balitang ito, hindi ako nasabik na tulad ng dati kundi sa halip ay binago ko ang aking isipan upang maranasan ko ang gawain ng Diyos. Ang pakikibahagi sa halalan ay hindi upang makipaglaban para sa pamumuno, kundi sa halip ang proseso ng halalan ay isang pagsasanay sa aking sariling responsibilidad. Ayon sa mga prinsipyo ng iglesia sa pagpili ng mga lider dapat ihalal sa pamunuan ang mga taong angkop. Kung mahalal ako bilang lider nanaisin ko lamang tuparin nang taimtim at tapat ang mga tungkulin ng mga nilikha upang bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi ko palulungkutin ang puso ng Diyos tulad noon sa pagkakandarapang tumanyag at makinabang. Kung matalo ako sa halalan hindi ko sisisihin ang Diyos, patuloy akong makikipagtulungan sa Diyos, at ilalaan ko ang lahat ng aking lakas sa pagtupad sa aking sariling tungkulin, upang sundin ang pagsasaayos at mga plano ng Diyos. Dahil sa simula ay isa akong nilikha, anumang mga tungkulin ang aking isinasagawa ay pawang mga responsibilidad ko at kailangan kong kumpletuhin ang mga ito nang buong puso at buong lakas. Nang lumabas ang mga resulta ng halalan, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia, ngunit hindi na ako kampante. Hindi ko na naramdaman na mahusay ang nagawa ko, na mas magaling ako kaysa sa ibang mga kapatid. Bagkus, naramdaman ko na isa itong tungkuling ipinagkatiwala sa akin at responsibilidad ko. Naramdaman ko ang inaasahan ng Diyos sa akin. Tiyak na kailangan kong tapat na sikaping matamo ang katotohanan at makipagtulungan sa Diyos sa pagsasagawa ng aking mga tungkulin upang masiyahan ang Diyos at hindi ako magkulang sa pagmamahal at pagliligtas ng Diyos sa akin. Sabi sa salita ng Diyos: “Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang maaari niyang mapalaya ang kanyang sarili mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas, at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Kilalanin mo na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Mula sa praktikal na karanasan talagang nabatid ko na: Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang liwanag na nagliligtas sa tao, at sila ang pinakatunay na minamahal ng Diyos. Ang paghatol at pagkastigo, pagdusta at pagdidisiplina ng mga salita ng Diyos ang nagpakita sa akin nang malinaw sa matinding kapahamakang dulot sa akin ng katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan at pinukaw ang aking tapang at pagpapasiya na hanapin ang katotohanan. Nang isantabi ko ang katanyagan, pakinabang at katayuan sa lipunan naramdaman ko na ang isinantabi ko ay hindi lamang ang katayuan sa lipunan, kundi pati na ang mga gapos na isinuklob ni Satanas sa aking katawan. Nagkaroon ng walang-katulad na kapayapaan, kagalakan, kapahingahan at paglaya ang kaibuturan ng aking puso. Bagama’t nagpapakita pa rin ako ngayon ng tiwaling disposisyon sa pagkakandarapang tumanyag at makinabang, hindi na ako kontrolado at gapos nito. Nabatid ko na ang pagsasagawa ng katotohanan ay nagbibigay-kakayahan sa isang tao na alisin sa sarili ang tiwali at napakasamang disposisyon at habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, lalo mong makakayang mamuhay na tulad ng isang tao, at matanggap ang pagpapala ng Diyos. Talagang naramdaman ko na bawat katiting na ginagawa ng Diyos sa akin ay masakit na halagang ibinabayad ng Diyos para sa akin. Napakapraktikal ng pagliligtas ng Diyos sa akin, napakalaki ng Kanyang pagmamahal, at napakatunay! Mula sa araw na ito, nais kong mas maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at hanapin ang katotohanan at sa lalong madaling panahon ay iwaksi ang tiwali at napakasamang disposisyon, upang aliwin ang puso ng Diyos sa pamumuhay na tulad ng isang tunay na tao. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.