Mga Araw ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang
“Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang maaari niyang mapalaya ang kanyang sarili mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas, at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Kilalanin mo na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao” (“Ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos ang Liwanag ng Kaligtasan ng Tao” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Masyadong nakakapukaw sa akin ang pagkanta ng himno. Ipinamuhay ko noon ang mga lason na “Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno,” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” Hinanap ko ang katanyaga’t katayuan, niloko’t pininsala ni Satanas, balisa tungkol sa nakukuha’t nawawala. Mahirap na pamumuhay iyon. Nang maranasan ko ang paghatol, pagkastigo’t pagdisiplina ng salita ng Diyos doon ko na naunawaan nang kaunti ang tiwali kong pagkatao’t nakakuha ng kalinawan sa diwa ng paghahangad ng katanyagan at katayuan. Sa wakas nagising din ako at nagsisi. Ayoko nang mabuhay sa gayong paraan, gusto kong hanapin ang katotohana’t pasayahin ang Diyos.
Naalala ko noong Setyembre 2016, sinimulan kong gampanan ang aking tungkulin ng paggawa ng mga himno. Matapos iyon, pipili na kami ng magiging pinuno ng pangkat. Nang marinig ko ang tungkol doon, talagang natuwa ako, at inisip ko kung sino’ng mga magiging kandidato. Iyong iba kong mga kapatid na ginagawa ang tungkuling ito kasama ko ay kung hindi masyadong bata, hindi pa sapat ang kakayahan sa gawain. Si Brother Li lang ang pwede—praktikal ang pagbabahagi niya, at nauunawaan niya ang gawain. At bukod doon, kalmado siyang kumilos. Naramdaman kong may malaking pag-asa na siya ang mapipili, pero iyong pagbabahagi ko, hindi na rin masama, mabilis akong matuto, at madali kong nakukuha ang mga bagong bagay. Magaling akong tumingin sa pangkalahatan. Kaya naisip kong mas malaki ang pag-asa kong mapili. Pero lahat ng nasa pangkat, bago sa tungkuling iyon at dahil bago pa lang kami, hindi pa kami gaanong magkakakilala. Kaya hindi masasabi kung pipiliin nila ako. Kaya, iminungkahi ko sa pinuno na suriin niya ang resulta ng mga tungkuling natupad ng bawat isa, tapos saka magtalaga ng pansamantalang mamumuno. Sumang-ayon naman ang lahat. Dahil doon, lihim akong natuwa; ramdam ko kasing maganda ang tala ng mga nagawa ko sa tungkulin, kaya malamang, sigurado nang ako na ang mapipili sa halalan. Kinabukasan, pumunta ako sa pulong na puno ng kompyansa. Ang kaso nagulat ako, dahil pagdating sa huli, si Brother Li ang napili. Noong oras na iyon, talagang nabigo ako, pero nagpanggap akong wala lang iyon sa akin at sinabi kong “Salamat sa Diyos. Sama-sama nating gawin ang mga tungkulin natin.” Pero sa loob ko, hindi ko iyon matanggap. Wala akong lakas na naglakad pauwi ng bahay. Hindi ko iyon maunawaan. Ano’ng lamang ni Brother Li sa akin? Hindi ko iyon basta matanggap. Ramdam ko na marami akong talento, at dahil hindi ako pinili, hindi ba masasayang lang iyon lahat? Naramdaman kong kailangan kong patunayan ang sarili ko at ang kaya kong gawin. Kahit na mukha akong kalmado sa panlabas, tahimik kong nilalaban ang sarili ko kay Brother Li. Kaya nag-aral ako para mas lalo pang humusay para malampasan ko siya. Noong nakita kong mabagal siyang matuto, naisip ko, “Lumabas din ang katotohanan! Hindi ka pala magaling! Kapag nagtagal, makikita ng mga kapatid kung sino’ng mas magaling.” Nagsaya ako sa bawat pagkakamali niya, naisip ko sa sarili ko, “Kakayanin mo ba talaga? Mabubuking ka rin nila!” Kapag nakikita kong nilulutas niya ang problema ng iba, naiinggit ako. Naramdaman kong may gayon din akong praktikal na karanasan, at kung ako ang pinuno ng pangkat, magaling din ako sa pagbabahagi. Lalo na kapag gawain ang pinag-uusapan namin, ano man ang iminumungkahi ni Brother Li, nagmamadali akong magsabi ng bagay na mas pangmalawakan at mas malalim.
Naalala ko na sa isang pagpupulong, habang tinatalakay namin ang tungkol sa isang himno, nagbigay ng isang magandang mungkahi si Brother Li. Pero naisip ko, kung tatanggapin ko iyon, hindi ba lalabas na mas magaling siya? Paano pa ako makakapagmalaki? Dahil doon, bigla akong sumagot at nagbigay ng ibang mungkahi, pero sa huli, mas pinili ng grupo iyong ideya niya. Para iyong sampal sa akin. Habang masayang pinag-uusapan iyon ng mga kapatid, mas lalo akong tumutol kay Brother Li, at wala na akong interes na makinig. Inalala ko iyong dati kong tungkulin, naging pinuno ng pangkat na ako dati, tiningala ako ng mga kapatid. Pero ngayon, hindi na ako pinuno ng pangkat, at mas lamang na siya sa akin sa lahat. Kung alam kong mangyayari iyon, hindi na sana ako pumunta roon. Matapos ang pagtitipon, gulung-gulo ang isip ko, at saka madilim ang pakiramdam ko. Dahil medyo alam kong mali ang lagay ko, nagdasal ako sa Diyos, at naisip ko ang sipi na ito: “Malalim ang kaalaman Ko tungkol sa mga karumihan sa puso ng bawat nilalang, at bago Ko kayo nilikha, alam Ko na ang di-pagkamatuwid na umiral sa kaibuturan ng puso ng mga tao, at alam Ko ang lahat ng panlilinlang at kabuktutan sa puso ng tao. Samakatuwid, kahit ni wala man lang anumang mga bakas kapag gumagawa ng masasamang bagay ang mga tao, alam Ko pa rin na ang kasamaang kimkim ninyo sa inyong puso ay higit pa sa kayamanan ng lahat ng bagay na Aking nilikha. Bawat isa sa inyo ay nakaakyat na sa tugatog ng maraming tao; nakaakyat na kayo upang maging mga ninuno ng masa. Masyado kayong padalus-dalos, at naghuhuramentado kayo sa gitna ng lahat ng uod, na naghahanap ng isang maginhawang lugar at nagtatangkang lamunin ang mga uod na mas maliliit kaysa sa inyo. Malisyoso kayo at masama sa inyong puso, na higit pa maging sa mga multo na lumubog na sa pusod ng dagat. Naninirahan kayo sa ilalim ng tae, ginagambala ang mga uod mula ibabaw hanggang ilalim hanggang sa mawalan na ng kapayapaan ang mga ito, nag-aaway sandali at pagkatapos ay kumakalma. Hindi ninyo alam ang inyong lugar, subalit nilalabanan pa rin ninyo ang isa’t isa sa tae. Ano ang mapapala ninyo sa ganyang sagupaan? Kung totoong mayroon kayong pagpipitagan para sa Akin sa inyong puso, paano ninyo naaatim na mag-away-away sa Aking likuran? Gaano man kataas ang iyong katungkulan, hindi ba mabaho ka pa ring maliit na uod sa tae? Magagawa mo bang magpatubo ng mga pakpak at maging isang kalapati sa himpapawid?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat Nito, Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Nagawa Mo). Inilantad ng salita ng Diyos ang kapangitan ng pakikipagpaligsahan ko para sa pangalan at pakinabang. Nilamon ako ng ambisyon mula nang tinanggap ko ang tungkuling ito, ninais kong magkamit ng isang bagay para tumaas ang tingin sa akin ng mga kapatid at para magkaroon ako ng posisyon sa pangkat. Sa proseso ng pagpili, sinubukan kong gamitin ang talas ng isip ko, kinumbinsi ko ang pinuno naming magsagawa ng eleksyon base sa mga natupad namin. Noong napili si Brother Li, nainggit ako sa kanya, at kinompitensya ko siya. Nang may nakita akong mga problema sa gawain niya, hindi ko pinagtibay ang interes ng iglesia o sinubukan siyang tulungan, sa halip gustung-gusto ko siyang mapalitan dahil sa kawalan ng kakayanan, na magbibigay sa akin ng pagkakataon. Naging masama ang kalagayan ko, at naghangad ako ng titulo at pakinabang, at talagang walang konsensya ang mga kilos ko. Talagang kasuklam-suklam iyon. Talagang sinisi ko ang sarili ko nang mapagtanto ko ang tungkol doon. Nagdasal ako sa Diyos na gabayan Niya akong isagawa ang katotohanan para hindi na ako maigapos ng tiwali kong disposisyon.
Isang araw, nabasa ko ang siping ito ng salita ng Diyos: “Para sa bawat isa sa inyo na tumutupad sa inyong tungkulin, gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, kung nais mong pumasok sa katotohanang realidad, ang pinakasimpleng paraan para magsagawa ay isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo, at bitiwan ang iyong mga makasariling hangarin, indibidwal na layon, mga motibo, reputasyon, at katayuan. Unahin mo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakamaliit na dapat mong gawin. Kung hindi ito magawa ng isang taong gumaganap sa kanyang tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi ito pagganap ng isang tao sa tungkulin” (“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Itinuro ako ng salita ng Diyos sa direksyon ng pagganap sa tungkulin ko, na pagbitaw sa pagnanasa ko sa titulo’t katayuan, at pag-una sa gawain ng iglesia anumang mangyari, at pagganap sa tungkulin ko sa abot ng makakaya ko. Doon ko lang matutupad ang tungkulin ng isang nilalang, at magiging kawangis ng tao. Kung naghangad ako ng titulo at katayuan at pinabayaan ang gawain ko, hindi iyon pagtupad sa tungkulin ko; paglaban iyon sa Diyos at paggawa ng masama. Matapos iyon, nagtapat ako sa mga kapatid ko tungkol dito sa isang pagtitipon at inihayag ko ang katiwalian ko. Hindi nila ako hinamak nang dahil doon, at nawala iyong pader sa pagitan namin ni Brother Li. Matapos iyon, nagbahagi ako sa mga pinangangasiwaan niyang pagtitipon, at nang may nakita akong mga mali sa gawa niya, hindi ako tumawa. Sa halip, nag-alok ako ng mungkahi at tulong, at sa tuwing nakikita ko siyang tumutulong sa problema ng mga kapatid, hindi na ako nainggit gaya nang dati, naramdaman kong sa bahay ng Diyos, papel lang namin ang iba, hindi ang katayuan namin. Gusto ko lang na magtulungan kami para magawang mabuti ang tungkulin namin. Nang isagawa ko iyon, mas gumaan ang pakiramdam ko, at kalaunan, nakita ko ang pagpapala ng Diyos. Kahit na ang grupo namin noon ang may pinakamalalang pundasyong musikal, hindi nagtagal bago namin nabuo ang unang awiting Espanyol, ay maganda ang naging pagtanggap doon ng mga kapatid.
Lumipas ang kalahating taon at unti-unti akong naging mas pamilyar sa gawain. Tinatanggap ng mga kapatid ang mga ideya ko kapag pinag-uusapan namin ang gawain. At ako ang karaniwang namumuno sa pagpapalitan namin ng gawain. Napunan na ang pangangailangan ko sa titulo’t katayuan. Noong panahon ding iyon, mas inatasan ako ng pinuno naming mamahala sa gawain. Dahil gayon ang tingin sa akin ng pinuno namin, naramdaman kong mayroon akong halaga. May isang puntong mayroon kaming dagdag na gawain, at kahit nababagay iyon sa akin, kinalkula ko iyon sa isip ko: “Hindi ako noon pasisikatin, at kakainin noon ang oras ko. Kaya kung gagawin ko iyon, malamang mawala iyong ibang atensyong nasa akin na. Pero kung gagawin iyon ni Brother Li, maitatatag ko na ang sarili ko dito.” Nag-isip ako ng lahat ng dahilan para tanggihan iyon, at nirekomenda ko si Brother Li. Ang totoo, nakonsensya ako noong oras na iyon at hindi mapakali, pero nagmatigas pa rin ako, dahil gusto kong protektahan ang posisyon ko. Si Brother Li ang gumawa sa gawaing iyon. Nang magkaroon na ng mga problema, naging negatibo siya, na nakaapekto sa gawain niya. Nang marinig ko iyon, hindi pa rin ako nagnilay. Madalas na hindi nakakasali si Brother Lisa gawain namin, kaya halos lahat ng problema ng grupo namin, sa akin napupunta. Dahil doon, iyong pagnanasa ko sa titulo at katayuan ay lumaki. Nakita kong may mga pagkukulang sa gawain ng mga kapatid na humahadlang sa progreso namin, at nabalisa ako dahil doon. Naisip ko, “Ako ang namumuno sa gawaing ito, ano’ng iisipin sa akin ng pinuno? Iisipin niya kayang kulang ang kakayahan ko?” Sa pag-iisip noon, hindi ako nakapagpigil at pinagalitan ang mga kapatid, “Ito ba’ng paggawa ng tungkulin? Hindi niyo ba kayang magpokus? Lagi na lang kayong mali.” Dahil dito, naramdaman nilang talagang hinigpitan ko sila. Noong minsan, umalis ako ng ilang araw para tumupad sa tungkulin, at pagbalik ko, nakita kong may isang sister na gumawa ng plano ng gawain nang hindi sinasabi sa akin. Talagang nagalit ako. Naisip ko, “Sobra na ito! Wala ka man lang respeto sa akin.” Pinagsalitaan ko siya ng masasakit. Samantala, nagsunud-sunod na ang dating ng problema sa grupo namin. Hindi ginagawa ng mga kapatid ang mga ideya ko, nagbibigay pa nga sila ng puna. Parang isang pang-iinsulto iyon, kaya sumiklab na ang galit ko. Sinabi ko, “Dahil mukhang iba naman ang iniisip niyong lahat, sige, kayo na ang bahala. Gawin niyo ang gusto niyo! Pero oras na pumalpak iyan, kayo ang mananagot diyan!” Pagkasabi ko noon, nakaramdam ako ng pagkataranta at pagsisisi. Naisip ko iyong tungkol sa pagiging mayabang ko, at laging pagkagalit sa mga kapatid. Sasang-ayunan ba iyon ng Diyos? Pero naisip ko, hindi ba ginagawa ko iyon para sa tungkulin ko? Saka lahat naman may katiwalian. Hindi ako talagang nagnilay sa sarili ko. Kinabukasan, napilayan ako habang nagba-basketball; namaga iyon na parang lobo, at talagang sumakit. Hindi ako makalakad at makaganap sa tungkulin. Doon ko na naisip na posibleng pagdidisiplina ito ng Diyos, at doon lang ako nagsimulang magnilay sa sarili. Sa buong panahong iyon, naghangad ako ng titulo, nagyabang, pinagalitan ang mga kapatid. Nakita ko sa isip ko ang bawat eksena noon, parang pelikula. Nagalit ako sa sarili ko. Bakit hindi ako nagbago kailanman? Bakit hindi ko mapigil lumaban at magrebelde sa Diyos?
Matapos ang ilang araw, pinuntahan ako ng ilang mga kapatid at nagbahagi sila tungkol sa kalooban ng Diyos. Binasa nila ang siping ito na bagay sa kalagayan ko: “Kung ang ilang mga tao ay may nakikitang isang tao na mas magaling kaysa sa kanila, sinasawata nila ang mga ito, nagpapasimula sila ng tsismis tungkol sa mga ito, o gumagamit sila ng ilang nakakahiyang paraan para hindi hangaan ng ibang tao ang mga ito, at na walang taong mas mahusay kaysa iba, sa gayo’y ito ang tiwaling disposisyon ng kayabangan at pagmamagaling, gayundin ng kabuktutan, panloloko at katusuhan, at walang makakapigil sa mga taong ito na makamtan ang kanilang mga layon. Ganito ang buhay nila subalit iniisip pa rin nila na malalaking tao at mabubuting tao sila. Gayunman, may takot ba sila sa Diyos? Una sa lahat, para magsalita mula sa pananaw ng likas na mga katangian ng mga bagay na ito, hindi ba ginagawa lamang ng mga taong ganitong kumilos ang gusto nila? Isinasaalang-alang ba nila ang mga interes ng pamilya ng Diyos? Iniisip lamang nila ang sarili nilang damdamin at nais lamang nilang makamtan ang sarili nilang mga layon, anuman ang mawala sa gawain ng pamilya ng Diyos. Hindi lamang mayabang at mapagmagaling ang ganitong mga tao, makasarili rin sila at nakakamuhi; wala talaga silang pakialam sa intensyon ng Diyos, at ang ganitong mga tao, walang duda, ay walang takot sa Diyos. Kaya nga ginagawa nila ang anumang gusto nila at kumikilos sila nang walang-ingat, nang walang nadaramang anumang pagsisisi, walang anumang pangamba, walang anumang pagkabalisa o pag-aalala, at hindi iniisip ang mga ibubunga nito. Ito ang madalas nilang ginagawa, at kung paano sila palaging kumikilos. Ano ang mga kahihinatnan na hinaharap ng ganitong mga tao? Magkakaproblema sila, hindi ba? Sa mas magaang salita, ang mga gayong tao ay napakamainggitin at may napakalakas na paghahangad para sa pansariling kasikatan at katayuan; sila ay napakamapanlinlang at taksil. Sa mas masakit na pananalita, ang mahalagang problema ay ang mga puso ng gayong mga tao ay wala ni katiting na takot sa Diyos. Hindi sila takot sa Diyos, naniniwala sila na sila ang pinakamahalaga, at itinuturing nila na bawat aspeto ng kanilang sarili ay mas mataas kaysa sa Diyos at mas mataas kaysa sa katotohanan. Sa kanilang puso, ang Diyos ang pinaka-hindi nararapat banggitin at pinaka-walang halaga, at wala man lang anumang mataas na katayuan ang Diyos sa kanilang puso. Nakapasok na ba sa katotohanan yaong mga walang lugar sa puso nila para sa Diyos, at hindi nagpipitagan sa Diyos? (Hindi.) Kaya, kapag karaniwan ay masaya silang kumikilos at pinananatiling abala ang kanilang sarili at gumugugol ng matinding lakas, ano ang ginagawa nila? Sinasabi pa ng mga taong ito na tinalikuran na nila ang lahat upang gumugol para sa Diyos at nagdusa na sila nang malaki, ngunit ang totoo, ang motibo, prinsipyo, at layunin ng lahat ng kilos nila ay para makinabang sila mismo; sinusubukan lang nilang protektahan ang lahat ng sarili nilang interes. Masasabi ba ninyo o hindi na masama ang ganitong uri ng tao? Anong uri ng tao ang masasabi ninyong hindi nagpipitagan sa Diyos? Mayabang ba siya? Ang ganitong tao ba ay si Satanas? Anong uri ng mga bagay ang hindi nagpipitagan sa Diyos? Bukod sa mga hayop, kasama sa lahat ng hindi nagpipitagan sa Diyos ang mga demonyo, si Satanas, ang arkanghel, at yaong mga nakikipaglaban sa Diyos” (“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Talagang tinamaan ako ng malulupit na salita ng Diyos. Nakita ko na naging mayabang ako, makasarili, at tuso, talagang wala akong paggalang sa Diyos. Kapag kailangan ang isang tao para sa gawain, alam na alam kong nababagay ako sa gayon, pero para mapanatili ang titulo’t katayuan ko, ginawa ko ang anumang paraan, na kumompromiso sa gawain ng Diyos. Nang makita ko na hinadlangan ang progreso namin ng mga problema sa gawain ng mga kapatid, hindi ako gumawa kasama nila para lutasin ang mga problema; sa halip, naisip ko na pinipigil nila na mapansin ako, kaya sinamantala ko na pagalitan sila, at nakaramdam sila ng paghihigpit at nagdusa. Hindi ko rin tinatanggap ang mga mungkahi nila. Nagmaktol ako, at ibinuhos ang aking pagkasiphayo sa pagganap sa aking tungkulin, na walang pagsaalang-alang sa magiging epekto noon sa gawain ng iglesia. Ang totoo, wala akong anumang tunay na talento; ang mayroon lang ako ay interes sa musika, at kaunting kasigasigan—pero binigay pa rin ng Diyos ang pagkakataong ito para magkaroon ako ng pagsulong bilang propesyunal at sa aking paghahanap sa katotohanan. Sa halip na mahalin iyon, nagsikap ako para sa katanyagan. Inatupag ko ang sarili kong interes habang tumutupad kuno sa tungkulin, ginagamit ang mga kapatid para makausad ako. Wala akong kabaitan. Sa lahat ng mga kilos ko, gumagawa ako ng masama at nagkakasala sa Diyos. Nakakasuklam at kamuhi-muhi iyon para sa Diyos! Nang mapagtanto ko iyon, nakaramdam ako ng takot at pagsisisi. Lumuluha akong nagdasal sa Diyos: “O Diyos ko, mali ako! Ayoko nang magrebelde at lumaban sa IYo para sa sarili kong pakinabang. Handa na akong magsisi.”
Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos na ito: “Ano ang ginagamit ni Satanas upang mapanatili ang tao sa mahigpit nitong kontrol? (Katanyagan at pakinabang.) Kaya, ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang naiisip ng mga tao ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagbabata ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakripisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Walang kaalam-alam nilang dinadala ang mga kadenang ito at lumalakad nang may matinding paghihirap. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya at mas lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, nasisira ang sali’t salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Ang paghahayag ng salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pag-unawa sa motibo ni Satanas na paggamit ng katanyagan at pakinabang para gawing tiwali ang tao. Ginagapos at pinipinsala nito ang mga tao sa ganitong paraan, nagtutulak sa kanilang pagtaksilan ang Diyos. Titulo’t katayuan ang mga gamit ni Satanas para sirain ang mga tao. Inimpluwensyahan ako ni Satanas ng mga pilosopiyang gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno,” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” Inangkin ko ang mga iyon bilang personal kong mga kasabihan. Mas lalo akong naging mayabang, at kahit saan mang grupo, hinahabol ko ang katayuan para tingalain ako ng iba. Kahit nang maging mananampalataya ako, lagi ko pa ring hangad ang titulo’t katayuan imbes na hinahanap ang katotohanan. Naghirap ako para sa mga bagay na ito, talagang nagsipag ako para mas mapabuti ang kakayahan ko, upang makipagpaligsahan ako sa iba. Ang taas ng tingin ko sa sarili ko sa tuwing may nakakamit akong anuman, kaya mayabang kong pinagalitan ang mga kapatid. Talagang mapagmataas ako at palalo; wala akong wangis ng pagkatao. Nabubuhay ako sa satanikong mga pilosopiya, nagpupumilit na magkaroon ng titulo’t katayuan. Hindi ko lang sinaktan ang iba, napakarami ko pang nagawang mga bagay na karumal-dumal sa Diyos. Naapektuhan ko rin ang gawain ng iglesia dahil sa mga paglabag at masasama kong gawain. Maraming pinsalang naidulot sa akin ng titulo’t katayuan. Doon ko lang nakita na ang mga satanikong pilosopiya gaya ng “Mamukod-tangi sa iba” ay kamalian, at ang pamumuhay sa mga iyon ay humahantong lang sa higit pang kasamaan, nagsasanhi para lumaban sa Diyos ang tao’t maparusahan. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, naramdaman kong napakabulag at walang alam ako sa pagtrato ko sa titulo’t katayuan na parang mga lubid kung saan ko kailangang kumapit, anuman ang mangyari. Nakita ko ring isang landas na sumasalungat sa landas ng Diyos ang pagsusumikap para sa titulo’t katayuan. Nanalangin at nagsisi ako sa harap ng Diyos. Matapos iyon, sa tuwing naiisip kong hangarin ang mga iyon sa tungkulin ko, talagang natatakot ako, kaya nagdasal ako, at tinalikuran ko ang laman. At saka, nagtapat ako sa mga kapatid, inilantad ang katiwalian ko. Matapos ang ilang panahon, nabawasan na ang sigla ko sa pagkakamit ng titulo’t katayuan, at nagkaroon ako ng panloob na kapayapaan.
Noong pumipili na ng pinuno ang iglesia, nagnasa uli ako ng titulo’t katayuan, at nauwi iyon sa panloob na laban: “Iboboto ko ba si Brother Li, o ang sarili ko? Kung ako, hindi ako magaling sa paglutas ng problema sa pamamagitan ng pagbabahagi. Pero si Brother Li naman, kung sakaling siya ang manalo sa halalan, ano’ng magiging tingin sa akin ng iba?” Napagtanto kong gaya nang dati, naghahangad ako ng katanyagan, at napakapangit ng pag-iisip na gayon. Nagdasal ako sa Diyos, sinumpa ko ang mga pag-iisip na iyon. Kalaunan, naisip ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Kung ang puso mo ay puno ng mga ideya kung paano ka matataas ng posisyon, o kung ano ang gagawin sa harap ng iba para hangaan ka nila, mali ang landas na tinatahak mo. Nangangahulugan ito na ginagawa mo ang mga bagay para kay Satanas; ikaw ay nagsisilbi. Kung ang puso mo ay puno ng mga ideya kung paano magbago para mas lalo mong makawangis ang tao, nakaayon ka sa mga layon ng Diyos, nagpapasakop ka sa Kanya, kaya mong magpitagan sa Kanya, magpakita ng pagpipigil sa lahat ng ginagawa mo, at lubos mong matatanggap ang Kanyang masusing pagsusuri, bubuti nang bubuti ang lagay mo. Ito ang kahulugan ng pagiging isang tao na namumuhay sa harap ng Diyos. Sa gayon, mayroong dalawang landas: Ang isa ay binibigyang-diin lamang ang pag-uugali, tinutupad ang sariling mga ambisyon, hangarin, layon, at plano ng isang tao; ito ay pamumuhay sa harap ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito. Ang isa pang landas ay binibigyang-diin kung paano mapalugod ang kalooban ng Diyos, pumasok sa realidad ng katotohanan, magpasakop sa Diyos, hindi magkaroon ng mga maling pagkaunawa o pagsuway sa Kanya, lahat para magtamo ng pagpipitagan sa Diyos at gampanang mabuti ang tungkulin ng isang tao. Ito ang ibig sabihin ng mamuhay sa harap ng Diyos” (“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maaaring Magtaglay ang Tao ng Normal na Pagkatao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Habang pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang tinitingnan Niya ay ang mga motibo ng mga tao’t pananaw sa kilos nila. Kung motibasyon ko’y reputasyon at katayuan, at pagnanasang tingalain ako ng iba, kung gayon landas iyon na laban sa Diyos hindi iyon maghahatid sa akin sa pagpeperpekto ng Diyos. Pumayag akong maitama ang mga motibo ko, at mahalal man ako bilang pinuno o hindi, handa akong magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos at gampanan ang tungkulin ko. Noong oras na para bumoto, tinimbang ko ang mga prinsipyo’t binoto si Brother Li. Sa huli, siya ang napiling maging pinuno ng iglesia. At kahit gayon, ayos lang sa akin. Hindi man ako nanalo, wala akong pagsisisi, dahil isinasagawa ko na ang katotohanan, naitapon ko na ang tanikala ng titulo’t katayuan. Nakaramdam din ako ng kapayapaa’t katatagan mula sa pagsasagawa ng katotohanan, at naranasan kong ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay kaligtasan para sa akin.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.