Halos Napalampas Ko Ang Pagkakataon kong Salubungin ang Panginoon
Naging Kristiyano kami ng asawa ko noong 1995, at talagang masigasig kami sa aming paghahanap mula noon, at hindi nagtagal ay naging kapwa-manggagawa kami sa Sola Fide Church. Pagkatapos bandang 2000, maraming miyembro ng iglesiang iyon ang nakarinig ng ebanghelyo ng Kidlat ng Silanganan at nagsimulang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Mula noon, ang mga pastor at elder ay palaging nangangaral laban sa Kidlat ng Silanganan sa mga pagtitipon ng mga kapwa-manggagawa. Minsan, nabanggit ni Pastor Wang na sa Biblia, sinabi ni Pablo: “Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito’y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo’y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil” (Galacia 1:6–8). Sinabi rin niya na kailangan nating sumunod sa landas ng Panginoon, at ang pakikinig sa anumang ibang ebanghelyo ay pagtataksil sa Panginoon at kami ay mapapahamak. Sinabi niya na ang Kidlat ng Silanganan ay ipinangaral na nagbalik na ang Panginoon at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at na ito raw ay ibang ebanghelyo. Sinabi niya na hindi namin ito maaaring pakinggan, at lalong hindi namin maaaring paniwalaan—iyon ay pagtataksil sa Panginoon. Hinimok niya kami na agad paalisin ang isang tao kung sabihin niya sa amin ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Tuwing ihahayag ng aming mga pastor ang mga bersikulong ito sa Biblia, tahimik kong babalaan ang sarili ko, “Hindi kami papayagan ng mga pastor na makipag-ugnayan sa Kidlat ng Silanganan, at para iyon sa ikabubuti namin. Wala akong mahusay na pagkaunawa sa Kasulatan at ang aking tayog ay mababa, kaya’t hindi ako maaaring makinig sa kahit ano lang. Natamasa ko ang napakaraming biyaya ng Panginoon. ’Di ko Siya puwedeng pagtaksilan!” May mga kaibigan at kamag-anak ako na nagbahagi ng ebanghelyo sa akin nang makailang beses, pero tinanggihan ko silang lahat. Naisip kong dapat akong sumunod sa landas ng Panginoon, at hindi ako maaaring makinig sa kahit ano lang. Ano ang gagawin ko kung naligaw ako at pagkatapos ay tinanggihan ng Panginoon? Isang araw dumating ang pamangkin kong babae para ibahagi ang ebanghelyo sa amin ng asawa ko, at malamig akong tumugon, “Sinasabi sa Biblia, ‘Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil’ (Galacia 1:8). Nananampalataya kami sa Panginoong Jesus, at kung susundan namin ang anumang ibang landas, iyon ay magiging pagtalikod sa pananampalataya at pagtataksil sa Panginoon. Mapapahamak kami. Dapat kang magtapat at magsisi kaagad sa Panginoon.” Nakikinig ako sa sinabi ng pastor. Sinuman ang dumating para ibahagi ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, hindi ako nakinig sa kanila kahit anong mangyari, at gumamit ako ng kung anumang dahilan para mapaalis sila.
Sa ibang pagkakataon nang kami ng asawa ko ay nasa labas, nagtatrabaho sa bukirin, napakaingat niyang sinabi sa akin, “Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na. Siya ang Makapangyarihang Diyos.” Nang sinabi niya ito ay napagtanto ko na hindi lang siya nakinig sa ebanghelyo ng Kidlat ng Silanganan, pero tinanggap pa niya ito. Galit na galit ako, at minura ko siya, sinasabing, “Paulit-ulit na binigyang-diin ng mga pastor na hindi tayo maaaring makinig sa Kidlat ng Silanganan. Bakit hindi mo sila pinakinggan? Ang pagtanggap ng ibang daan ay pagtataksil sa Panginoon, at hindi ka makapapasok sa kaharian ng Diyos!” Patindi nang patindi ang pagkabalisa ko, at naisip ko ang bersikulong ito sa Biblia: “Ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang iyong sarili” (1 Timoteo 5:22). Naisip ko na dahil tinanggap niya ang Kidlat ng Silanganan at pinagtaksilan ang Panginoon, hindi ako maaaring magkaroon ng bahagi sa kanyang mga kasalanan. Sinabi ko agad sa pastor ang tungkol dito para mahimok niya siya na bumalik. Nagalit talaga siya nang marinig ito at sinabing, “Ang pakikinig sa mga taong nangangaral ng ibang paniniwala ay isang pagtataksil sa Panginoon, at siya ay palalayasin sa iglesia. Tingnan mo kung mayroon siyang anumang libro, at sirain mo ang mga ito kung may makita ka. Bumalik ka agad sa bahay para bantayan siya. Hindi mo talaga siya puwedeng hayaang lumabas at makinig sa mga taong iyon.” Nang marinig ko ito, naisip ko, “Oo! Ang paraan lang para mailigtas ang asawa ko ay gawin ang sinasabi ng pastor. Kung hindi, tatanggihan siya ng Panginoon at mawawalan siya ng pagkakataong makapunta sa langit.” Mula noon, binantayan ko nang mabuti ang asawa ko at hindi ko siya hinahayaang magkaroon ng anumang pakikipag-ugnayan sa mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan hangga’t nasa paligid ako. Pinabantayan ko siya sa dalawa naming anak na babae kapag nasa trabaho ako. Pero pumupuslit pa rin siya sa mga pagtitipon. Umuwi ako mula sa trabaho isang araw at nang hindi ko nakita ang asawa ko, alam kong nasa isa na naman siyang pagtitipon. Galit na galit talaga ako. Hindi ko siya makontrol kahit anong gawin ko, kaya naisip kong dapat akong gumamit ng mas mabigat na kamay. Hindi ako maaaring tumayo lang at panoorin siyang pagtaksilan ang Panginoon at mapalayas Niya. Nang bumalik siya, pinagbuhatan ko siya ng kamay. Hindi ko pa siya nasaktan sa buong panahon ng aming pag-aasawa. Sumama ang pakiramdam ko tungkol dito, pero pagkatapos no’n naisip ko, na natatakot lang ako na mapunta siya sa maling landas at mapagkaitan ng kaligtasan ng Panginoon. Pero anuman ang gawin ko, nanatili siyang malakas sa kanyang paniniwala sa Kidlat ng Silanganan. ’Di alam ang gagawin, naisip ko ang sinabi ni Pastor Wang tungkol sa pagsira sa kanyang mga libro. Naisip ko na tama siya, na kung walang librong mababasa, paano niya maisasagawa ang pananampalataya n’ya? Sa galit, lihim kong nahanap ang kanyang mga libro at sinira ang mga ito, pero wala pa rin siyang balak na tumalikod. Lagi siyang nakahahanap ng paraan para makatakas sa pagbabantay ko at makapunta sa mga pagtitipon, at lagi niyang sinasabi sa akin na dapat kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para makita ko mismo kung ito ay tinig ng Diyos. Ang totoo, nag-aalangan ako. Noon pa man ay laging madaling pakisamahan ang asawa ko—hindi pa naging matigas ang ulo niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya nakikiayon ngayon. Nagtataka ako kung ano talaga ang ipinangangaral ng Kidlat ng Silanganan, at kung bakit n’ya lubusang nagustuhan ito. Gusto kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Pero nang maalala ko ang sinabi ng pastor, binalaan ko ang aking sarili, “Kailangan nating manatili sa landas ng Panginoon sa ating pananampalataya. Ang paglihis ay isang pagtataksil sa Panginoon!” Kaya matatag akong tumanggi.
Isang araw nang nasa loob ako ng minahan ng karbon, isang detonator na sinisindihan ng isang katrabaho ang biglang sumabog sa kanya, at nabulag agad s’ya nang mismong oras na iyon. Hindi ako malayo, pero maayos naman ako. Nanginginig ako sa takot. Nalungkot talaga ako para sa katrabaho ko, pero kasabay nito, napakasaya ko na naprotektahan ako ng Diyos. Hindi pa rin humupa ang nerbiyos ko pag-uwi ko at sinabi ko sa asawa ko ang tungkol sa nangyari. Ang tugon niya ay, “Siya ay pisikal na bulag, pero ikaw ay bulag sa espiritu. Lagi kong sinasabi sa’yo na dapat basahin mo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero tumatanggi ka at kinokondena mo pa Siya. Nakalabas ka nang hindi nasaktan dahil sa proteksiyon ng Diyos, pero babala rin Niya ito para sa iyo!” Ang marinig na sabihin niya ito ay nakaapekto sa akin. Paano kung babala talaga ito ng Diyos sa akin? Makalipas ang ilang araw nang sinisiyasat ko ang conveyor belt sa minahan, bigla akong nahilo at kamuntik nang mahulog sa belt. Pinagpawisan ako ng malamig, at alam ko na kung nahulog ako, magiging tinadtad na karne ako. Nakaramdam ako ng pagkataranta na hindi ko mailarawan at sinabi ko ito sa asawa ko noong makauwi ako. Tinanong ko siya, “Bilang isang mananampalataya, bakit hindi ako pinananatiling ligtas? Ano ang nangyayari?” Sabi niya, “Ang Panginoong Jesus ay totoong nagbalik na. Siya ang Makapangyarihang Diyos. Patuloy mo Siyang nilalabanan, kaya binabalaan ka ng Diyos!” “Kailangan mong tumigil na labanan Siya.” Nakaramdam nga ako ng takot sa oras na iyon at nadama na hindi ko siya dapat patuloy na pigilan. Pero pagkatapos ay naisip ko ang tungkol sa sinasabi ng pastor na sumusunod siya sa ibang landas, pinagtataksilan ang Panginoon, at ito ang Diyos na sumusubok sa akin, at talagang kailangan kong tumayo sa Kanyang panig. Hindi ako nangahas na pag-isipan pa ito, natatakot na makumbinsi niya ako at mag-alinlangan ako. Patuloy akong humahadlang sa kanyang pagdalo sa mga pagtitipon at hinihimok siya na magtapat at magsisi. Pero nang sinubukan ko siyang pigilan, sa kung anong kadahilanan ay nanghina at nanlata ako. Wala akong ni kaunting lakas at hindi man lang makapasok sa trabaho. Nahiga lang ako sa kama na parang bangkay. Paulit-ulit akong nanalangin sa Panginoon, pero hindi gumaling. Sinabi sa akin ng asawa ko na tumawag sa Makapangyarihang Diyos, na sinasabi na Siya lang ang makapagliligtas sa akin. Sa aking pagkapuno, nagpasya akong subukan ito. Tahimik akong tumawag mula sa puso ko: “O, Makapangyarihang Diyos! Makapangyarihang Diyos…” Nabigla ako nang, sa sandaling tumawag ako sa Makapangyarihang Diyos, nagsimulang unti-unting bumalik ang lakas ko. Ilang beses pa itong nangyari. Sa sandaling hinadlangan ko s’ya, ganap akong nawalan ng lakas, at ni hindi ako makapagtrabaho. Pero sa sandaling nanalangin ako sa Makapangyarihang Diyos, ang lakas ko ay dahan-dahang bumabalik. Pagkatapos noon, hindi na ako masyadong nagmatigas, at nagsimula na akong sumuko. Napaisip ako kung talaga kayang ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik? Nang sumunod na hinimok ako ng asawa ko na siyasatin ang totoong landas, pumayag ako.
Nang araw ding iyon ay nakita ko ang ilang tao na nagbabahagi ng ebanghelyo ng Kidlat ng Silanganan sa bahay ng hipag ko. Ang isang sister ay nagsalita tungkol sa gawain ng Diyos mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya, tungkol sa gawain ng Panginoong Jesus na pagkapako sa krus, na tinutubos ang sangkatauhan mula sa ating mga kasalanan. Pagkatapos ay isinama niya ang mga salita ng Panginoong Jesus at pati na rin ang mga propesiya sa Biblia para magbahagi sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, na nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol, inaalis ang likas na pagkamakasalanan ng tao, lubusang nililinis at inililigtas tayo, at dinadala tayo sa Kanyang kaharian. Sinabi rin niya ang tungkol sa kung ano ang pagdadala, ang mga matalino at hangal na dalaga, at iba pa. Ang kanilang pagbabahagi ay talagang malinaw at ganap na nakaayon sa Biblia. Talagang pinuno nito ang puso ko ng liwanag. Hindi ko pa narinig ang anumang katulad nito sa lahat ng mga taong ako’y isang Kristiyano. Naisip ko sa sarili ko na ang mga sermon ng Kidlat ng Silanganan ay malinaw na mayroong gawain ng Banal na Espiritu at ito ay talagang nakakabuti sa akin. Nagtataka ako kung bakit inilayo kami ng mga pastor mula rito, at nais kong magbahagi sa kanila kapag nagpunta ako sa iglesia para maaari din nilang marinig ang lahat ng tungkol sa Kidlat ng Silanganan, at ikonsidera kung ito ba ang totoong landas. Bago ako nagkaroon ng pagkakataong makita sila, nagpunta sila sa bahay ko, pinipilit na umalis ang asawa ko sa Kidlat ng Silanganan. Nakipagtalo siya sa kanila ng dalawa o tatlong oras, at nang makita nilang determinado siyang panatilihin ang kanyang pananampalataya rito, sinigawan siya ni Pastor Wang, “Ayaw mong makinig, bagkus ay ipinipilit ang paniniwala sa Kidlat ng Silanganan. Ito ay pagtalikod sa pananampalataya at pagtataksil sa Panginoon! Hindi ka ligtas kung lalayo ka sa Panginoon, at kung may mangyari sa iyo, hindi ka tutulungan ng iglesia!” Malakas siyang pinagalitan ng isa pang pastor: “Tumatalikod ka sa Panginoon, at kailangan mong magtapat at magsisi kaagad. Kung hindi, mapapaalis ka sa iglesia!” Nais din nilang pilitin ang asawa ko na lumuhod at magtapat sa Panginoon. Nairita talaga ako sa agresibong paraan nila at naisip ko, “Kahit na hindi tama ang kanyang pananampalataya, hindi ninyo maaaring basta na lang husgahan at kondenahin ito. Dapat kayong maging mapagpatawad, mapagmahal, at matulungin, at matiyagang magbahagi sa kanya. Iyon ang kalooban ng Panginoon. Paanong napakadominante ninyo?”
Balisa ako nang gabing iyon, hindi makatulog. Hindi ko lang maunawaan kung bakit sila, bilang mga pastor, ay tatratuhin ang mga kapatid sa ganoong paraan. Wala silang ni kaunting pagmamahal, pagkahabag, at pagpapaubaya na itinuro sa atin ng Panginoon na dapat mayroon tayo. Anong uri ng mga pastor sila? Ang nakagulat talaga sa akin ay na napakabilis na kumalat sa iglesia ang mga sabi-sabi tungkol sa asawa ko, na sinasabi ng lahat na naniniwala siya sa Kidlat ng Silanganan at nasiraan na ng ulo. Galit na galit ako. Sa isang pagtitipon, tinanong ko si Pastor Wang: “Maliwanag na walang mali sa asawa ko, kaya bakit mo siya tinatawag na baliw? Paano mo nagawang basta gumawa ng mga sabi-sabing ito mula sa wala?” Nagulat ako nang walang pakialam n’yang sinabi, “Natatakot kaming ang ibang mga mananampalataya ay susunod din sa Kidlat ng Silanganan at pagtataksilan ang Panginoon, kaya ito ay dahil lang inaalala namin ang buhay nila …” Hindi lang ako makapaniwala na lumabas iyon sa bibig ng isang pastor. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama” (Mateo 5:37). Tinuruan Niya tayong magsalita nang matapat, na tawagin ang isang bagay sa kung ano talaga ito, na hindi tayo maaaring magsinungaling, manloko, o gumawa ng kuwento. Pero ang mga pastor ay hindi lang nagsasabi ng mga halatang kasinungalingan, pero hindi man lang sumama ang pakiramdam nila tungkol dito. Mapangahas lang na sinabi ni Pastor Wang na dahil ito sa pag-iisip para sa kongregasyon. Hindi talaga sila kumikilos na parang mga mananampalataya. Hindi ako makatuon sa kahit isang salita mula sa pagtitipong iyon at maaga akong umalis. Maraming kamag-anak at kaibigan ang dumaan para magtanong tungkol sa asawa ko dahil sa mga kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at pinag-uusapan ng buong kapitbahayan ang tungkol dito. Talagang inilagay kami ng asawa ko nito sa isang mahirap na sitwasyon. Nasaktan ako at nadismaya sa pag-uugali ng mga pastor at palaging nagdarasal: “O Panginoon, binabaluktot ng mga pastor ang katotohanan at nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa asawa ko para mapigilan ang mga mananampalataya na siyasatin ang Kidlat ng Silanganan. Hindi ko inaaprubahan ang kanilang mga aksyon kahit kaunti. Panginoon, narinig ko kung ano ang ipinangangaral ng Kidlat ng Silanganan at sa tingin ko ito ay kahanga-hanga, at talagang praktikal, pero natatakot akong pagtaksilan Ka. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Pakiusap bigyan Mo ako ng kaliwanagan at bigyan Mo ako ng pagkaintindi.”
Naguluhan talaga ako nang maiksing panahon at patuloy na iniisip ang tungkol sa naging pagbabahagi ko kasama ang mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan. Lahat sila ay lubos na kagalang-galang at magiliw magsalita. Mukha talaga silang maka-Diyos, dagdag pa roon ay ang kanilang pagbabahagi sa mga salita ng Panginoon ay talagang nakapagbibigay ng kaliwanagan. Hindi talaga ito tulad ng pakikinig sa mga pastor na nagsasalita. Pero kung ito ang tunay na daan, bakit hindi ito tinatanggap ng mga pastor at elder, o hinahayaang siyasatin ito ng mga mananampalataya? Habang pinag-iisipan ko ito nang paulit-ulit, bigla kong naramdaman ang tinig na ito na puno ng pagiging maharlika at awtoridad na sinabing, “Huwag mag-alinlangan, kundi laging magkaroon ng pananampalataya!” Ang marinig ang tinig na iyon ay parang harap-harapan ako sa Diyos, nakikinig sa Kanya. Ganap na napatigil ako nito. Nanatili lang ako doon at medyo nakaramdam ng takot. Naisip ko ang propesiya sa Paghahayag, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Naisip ko rin ang palaging sinasabi ng asawa ko, na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng maraming salita. Maaari kayang ang mga salitang iyon ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia? Sa oras na iyon, nagpasya akong siyasatin ang Kidlat ng Silanganan. Inanyayahan ng asawa ko si Brother Zhou mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa bahay namin para makapagbahagi siya ng patotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tinanong ko ang brother, “Sinabi ni Pablo sa Biblia: ‘Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito’y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo’y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil’ (Galacia 1:6–8). Laging sinasabi ng mga pastor at elder na nangangahulugan ito na kapag lumihis kami sa landas ng Panginoon at makinig sa ibang ebanghelyo, iyon ay pagtalikod sa pananampalataya, at pagtataksil sa Panginoon. Nag-aalala ako, hindi ba ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay pagtataksil sa Panginoon?” Bilang tugon, tinanong niya ako, “Ang mga pastor at elder ay ipinapakahulugan ito na ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay paglihis sa landas ng Panginoon, pagtanggap ng ibang ebanghelyo, at pagtataksil sa Kanya. Ito ba ang tamang pagkaunawa sa sinabi ni Pablo? Nangangahas ba silang garantiyahan na sa ‘iba pang ebanghelyo,’ ang tinutukoy ni Pablo ay ang ebanghelyo ng kaharian ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw? Iyon ba ang sinabi ni Pablo?” ’Di ako makapagsalita. Napagtanto kong hindi iyon kailanman sinabi ni Pablo. Pagkatapos ay nagpatuloy siya at nagbahagi: “Ang konteksto ng babala ni Pablo ay na sinabi niya ito pagkatapos na pagkatapos matapos ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, nang lumaganap ang Kanyang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Maraming taga-Galacia ang tumanggap sa Panginoong Hesus, pero ang ilan ay naligaw at nagsimulang maniwala sa ibang ebanghelyo. Ito ang nasa likod ng pagsulat ni Pablo ng liham na ito, na hinihimok ang mga taga-Galacia, binabalaan sila na sa Kapanahunan ng Biyaya, mayroon lang isang ebanghelyo, na siyang ebanghelyo ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Kung may nangaral ng anumang ibang ebanghelyo na naiiba sa Panginoong Jesus, iyon ang ‘iba pang ebanghelyo,’ at ito ay para iligaw ang mga tao. Hindi pa nagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw at walang sinuman ang nagbabahagi ng ebanghelyo ng mga huling araw noong sinabi ito ni Pablo. Kaya ang sinabi ni Pablo ay hindi tumutukoy sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng ’di-makatwirang paggamit sa mga salita ni Pablo sa mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya para kondenahin ang pagpapakita at paggawa ng Diyos sa mga huling araw, iniiba nila ang kahulugan ng mga bagay at namamali ang interpretasyon ng Kasulatan. Hindi ba iyon talagang kakatwa?”
Ang pagbabahagi ni Brother Zhou ay nagbigay sa akin ng ilang kabatiran sa kung ano ang sinabi ng pastor, pero mayroon pa rin akong kaunting pangamba. Ang pananampalataya sa Panginoon ay pagiging tapat sa Kanyang pangalan at sa Kanyang daan. Kung tatanggapin ko ang daan ng Kidlat ng Silanganan, hindi ba iyon pagtataksil sa Panginoon? Sinabi niya, “Isipin mo ito. Noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, maraming tao na nananampalataya sa Diyos na si Jehova ay narinig ang daan ng Panginoon at nagsimulang sumunod sa Kanya. Sa gayon nagtataksil ba sila sa Diyos na si Jehova? Pagtalikod ba ito sa pananampalataya? Malinaw na hindi. Sinusundan nila ang mga yapak ng Cordero. Sila ay mga tapat na tagasunod ng Diyos. Pero iyong mga sutil na kumapit sa kautusan ng Lumang Tipan at tinanggihan ang Panginoong Jesus ay tila ba tapat sa Diyos na si Jehova, pero sa katunayan, sila ang mga pinakanagrebelde at pinakalumaban sa Diyos. Itinaguyod lang nila ang dating gawain ng Diyos, pero ayaw nilang tanggapin at magpasakop sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos. Kinondena at nilabanan pa nga nila ang mga ito. Kaya’t sila ang nagtaksil sa Panginoon, at pagkatapos ay tinanggihan at pinaalis Niya.” Sinabi rin ni Brother Zhou, “Ang gawain ng Diyos ay palaging sumusulong at lagi Siyang gumagawa ng mas bago at mas mataas na gawain na ayon sa Kanyang plano ng pamamahala at sa pangangailangan ng sangkatauhan.” “Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para lang matubos tayo sa ating kasalanan, kaya pagkatapos natin magkasala, puwede tayong mapatawad matapos natin magdasal sa Panginoong Jesus. Pero hindi no’n naalis ang makasalanang kalikasan na mayroon sa loob natin. Nabubuhay pa rin tayo sa mapait na siklo ng pagkakasala at pagtatapat, pagtatapat at pagkakasala, ganap na hindi makatakas sa bigkis ng kasalanan. At anong klase ng kalagayan namumuhay ang mga mananampalataya sa Panginoon sa panahong ngayon? Lagi silang nagsisinungaling at nandaraya para sa reputasyon at katayuan, sumusunod sa makamundong mga kalakaran, sakim sa pera. Mayroong inggitan at labanan, panghuhusga, at walang pagmamahalan sa pagitan ng mga mananampalataya. Ang mga kapwa-manggagawa ay sangkot sa intriga at agawan ng kapangyarihan na sumisira sa mga iglesia. Ang mga pastor at elder ay tumatangging siyasatin man lang ang gawain ng nagbalik na Panginoon, sa halip ay gumagawa sila ng mga sabi-sabi, lumalaban at kumokondena dito, at pinipigilan ang iba mula sa paghahanap ng tunay na daan. Ang iba pa nga ay nakipagtulungan sa CCP, tinutulungan ang mga pulis para arestuhin ang mga nagbabahagi ng ebanghelyo sa mga huling araw.” Sabi niya, “Ang Diyos ay matuwid at banal, at ang kaharian Niya ay banal na lupa. Paano pahihintulutan ng Diyos ang mga palaging nagkakasala at lumalaban sa Kanya na makapasok sa Kanyang kaharian? Kaya nga ipinangako ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik muli. Ang Makapangyarihang Diyos ay pumarito sa mga huling araw, nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ito ay para lutasin ang ating makasalanang kalikasan nang sa gayon ay maaari nating ganap na maalis ang kasalanan, lubos na mailigtas ng Diyos, at maaari Niya tayong madala sa Kanyang kaharian. Ganap nitong tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:48). ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13).”
Sa puntong iyon ng kanyang pagbabahagi, nagbasa si Brother Zhou ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nakahiwalay, kundi nakabatay sa gawain ni Jehova. Iyon ay gawain para sa isang bagong kapanahunan na ginawa ng Diyos nang matapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, dahil ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong. Kapag lumipas ang lumang kapanahunan, papalitan ito ng isang bagong kapanahunan, at kapag natapos na ang lumang gawain, magkakaroon ng bagong gawain para ipagpatuloy ang pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sinusundan ang gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayaring mag-isa; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangang maghatid ito ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Matapos basahin ito, sinabi niyang, “Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol, at kahit iba ito sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus at sa gawain ng Diyos na si Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawaing ito ay binuo mula sa pundasyon ng dalawang yugto ng gawain. Ito ang yugto ng gawain na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw para ganap na malinis at mailigtas ang sangkatauhan. Ang bawat yugto ng gawain ay nagiging mas mataas kaysa sa huli, pero ang lahat ng ito ay ginagawa ng iisang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik, at ang paraan lang para talagang makalaya tayo mula sa kasalanan at malinis ay ang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos. Saka lang tayo maaaring maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Ang pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ay pagiging matalinong dalaga na naririnig ang tinig ng Panginoon at sinasalubong Siya. Ito’y pagiging itinaas sa harap ng trono at pagdalo sa piging ng kasal ng Panginoon! Paano iyon naging paglihis sa landas ng Panginoon o pagtataksil sa Kanya?” Nasabik talaga akong marinig ito. Napagtanto ko na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos para lang patawarin ang ating mga kasalanan, pero hindi Niya nilutas ang makasalanang kalikasan natin. Ang Makapangyarihang Diyos ay pumarito sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol na siyang paraan lang para maalis ang ating makasalanang kalikasan, malinis at ganap tayong maligtas, at madalhan tayo ng kaligtasan para makapasok tayo sa kaharian ng langit. Alam ko na ang pakikinig sa Kidlat ng Silanganan ay hindi pagtataksil sa Panginoon, kundi ay pagkarinig sa Kanyang tinig at pagsalubong sa Kanya. Ito ay pagsunod sa mga yapak ng Cordero! Naaalala ko diyan ang bersikulong ito mula sa Paghahayag: “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon” (Pahayag 14:4). Ngayon na ang Panginoon ay nagbalik na, ang hindi pagtanggap sa mga salita at gawain ng nagbalik na Panginoon ay ang tanging magiging pagtataksil sa Kanya! Sa oras na iyon, gulo-gulo ang mga damdamin ko. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik na hinihintay ko ng maraming taon! Maaari ko nang salubungin sa wakas ang Panginoon! Maaari kong marinig ang tinig ng Panginoon at masalubong Siya sa aking buong buhay—isang napakalaking pagpapala! Pero kahit kailan ay ’di ko inakalang sasalubungin ko ang Panginoon sa ganoong paraan. Maraming taon nang nagbabahagi sa akin ang mga tao ng ebanghelyo, pero nakikinig ako sa mga kasinungalingan ng mga pastor kaya’t paulit-ulit kong napagsarahan ng pinto ang Diyos at ginawa ang lahat ng makakaya ko para mapigilan ang asawa ko sa pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. At naudyukan ng pastor, sinira ko pa nga ang mga kopya ng mga salita ng Diyos ng asawa ko. Nararapat talaga akong maisumpa. Hindi ako karapat-dapat na lumapit sa harap ng Diyos!
Ang mga pastor at elder ay pawang bihasa sa Biblia at naglingkod sa Panginoon nang maraming taon. Paano nila nagawang kumuha at pumili sa Kasulatan, at maliin ang pagpapakahulugan para linlangin ang mga tao, at nag-imbento pa ng mga sabi-sabi para mapigilan ang mga mananampalataya na siyasatin ang tunay na daan? Mas naging malinaw ito sa akin pagkatapos ng ilang pagbabahagian kasama ang mga kapatid sa mga pagtitipon. Isipin mo noong dumating para gumawa ang Panginoong Jesus. Bakit gumawa ng mga kasinungalingan ang mga Fariseo para kondenahin at labanan Siya? Sa Kabanata 11, bersikulo 47 hanggang 48 sa Ebanghelyo ni Juan, sinabi na, “Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.” At nariyan ang Mateo 23:13–14, kung saan sinaway ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba’t mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya’t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa.” Ipinapakita sa atin ng mga siping ito ng Biblia na ang mga Fariseo ay nalulong sa kanilang kasinungalingan, nilalabanan at kinokondena ang Panginoong Jesus, at nililinlang ang mga mananampalataya para makakapit sila sa kanilang sariling katayuan at mga kabuhayan. Ipinahayag nila na ang landas ng Panginoong Jesus ay lumabag sa kautusan, na ito ay erehiya at iniligaw ang mga tao. Siniraan at nilapastangan nila Siya, na sinasabing nagpapalayas Siya ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, ang prinsipe ng mga demonyo. Nanuhol pa nga sila ng mga kawal para magsinungaling at pagtakpan ang katotohanan ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Bilang resulta, karamihan ng mga mananampalataya ay naligaw at tinanggihan nila ang Panginoong Jesus, naiwala ang Kanyang kaligtasan. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Ang mga pastor sa relihiyosong mundo ay nakita kung gaano kamaawtoridad at kamakapangyarihan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at na kayang makilala kaagaad ng mga tao ang tinig ng Diyos, at susundin nila ang Makapangyarihang Diyos. Kaya ito ay talagang mapanganib para sa mga pastor at elder. Kung ang lahat ay mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sino pa ang makikinig sa kanila? Sino pa ang patuloy na magbibigay ng mga handog sa kanila? Kaya sinisikap nilang protektahan ang kanilang sariling katayuan at kinikita sa pamamagitan ng matinding paninira at pagkondena sa Makapangyarihang Diyos, nililinlang ang mga tao, at pinipigilan silang marinig ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon. Paanong ang pagkondena at paglaban nila sa Makapangyarihang Diyos ay naiiba sa kung ano ang ginawa ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus? ’Di ba sila’y mga anticristo na pinipigilan ang mga tao na bumaling sa Diyos? Basahin natin ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Tutulungan ka nitong maunawaan ang diwa ng mga pastor.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesya at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Ipinahahayag ng mga pastor na pinoprotektahan nila ang kanilang kasapi, pero sa katunayan, pinoprotektahan nila ang kanilang sariling katayuan at kita. Ang nakikita ko lang dati ay kung gaano katapat ang mga pastor sa panlabas, pero hindi ko talaga napansin ang mga motibo sa likod ng kanilang mga kilos. Iyon ang dahilan kaya nila ako naloko. Kung iisipin natin, alam natin na ang pagsalubong sa Panginoon ay isang malaking bagay. Bilang mga pastor at elder, kapag may narinig silang nagpatotoo na ang Panginoon ay pumarito na, dapat ay hanapin at siyasatin nila ito kaagad, at akayin ang mga kapatid na pakinggan ang tinig ng Panginoon at salubungin Siya. Pero mas nag-aalala sa kanilang titulo at suweldo, sinimulan nilang maliin ang pakahulugan ng Kasulatan, nililinlang ang mga tao, at pinipigilan silang siyasatin ang tunay na daan. Kapag may tumanggap naman sa Mapangyarihang Diyos, binabaluktot nila ang mga katotohanan at sinasabotahe sila sa pamamagitan ng paninirang-puri kaya’t ang ibang mga mananampalataya ay kinokondena at tinatanggihan sila. Ang mga pastor ng iglesia ay napakamapanira, napakasama! Para sa kanilang posisyon at kanilang kabuhayan, ’di sila magdadalawang-isip na pinsalain ang mga pagkakataon ng mga kapatid na makapunta sa kaharian. Nakasusuklam ito! Ang mga pastor ng iglesia na iyon ay mga anticristong kontra sa Diyos. Sila ay kalaban ng Diyos. Ngayon ay napapaisip ako kung paano ako naging napakahangal at ignorate noon. Nananampalataya ako sa Panginoon nang hindi nakikinig sa Kanyang mga salita, sa halip ay nakikinig sa mga kasinungalingan ng mga pastor, Desperado akong kumapit sa mga relihiyosong kuru-kuro at pinagsarhan ang Diyos ng paulit-ulit. Tinangka ko pa ngang pigilan ang asawa ko sa pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos, nakikipaglaban sa Diyos kasama ng mga pastor. Halos nasira nila ako. Nakakatakot isipin! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ang nagbunyag sa tunay na mukha ng mga pastor ng iglesia para makita ko na sila ay mga anticristo at Fariseo na kontra sa Diyos, at pagkatapos ay mapalaya mula sa kanilang panlilinlang at kontrol. Ang gawain ng Diyos ay siyang tunay!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.