Ang mga Aral na Natutuhan Ko Mula sa Pagiging Maingat Laban sa mga Huwad na Cristo

Marso 15, 2025

Ni Zhi Jian, Tsina

Isa akong katrabaho sa isang bahay-simbahan. Isang araw noong 2000, nagpatawag ang mga nakatataas na lider ng isang pulong ng mga katrabaho. Sabi nila, “Sa mga huling araw, lumalabas ang mga huwad na Cristo para manlinlang ng mga tao. Ang ilan ay nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, at parang napakaprogresibo ng pangangaral nila. Sinasabi rin nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Huwag kayong makikinig sa kanila, at huwag kayong makikipag-ugnayan sa kanila. Dapat ninyong siguruhin na mag-iingat kayo para pigilan ang mga tao ng Kidlat ng Silanganan na pumasok sa simbahan at magnakaw ng mga tupa. Malinaw na sinasabi ng Bibliya, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Ang mga talatang ito ay tanda ng pagparito ng Panginoong Jesus. Nagbababala rin ito sa mga mananampalataya na sa mga huling araw, magpapakita ang mga huwad na Cristo ng mga dakilang himala upang linlangin ang mga hinirang ng Diyos, kaya dapat tayong maglatag ng matatag na pundasyon sa pananampalataya at hindi makinig sa mga sermon ng Kidlat ng Silanganan. Kung hindi, kung susundin ninyo ang mga huwad na Cristo, mawawalan kayo ng pagkakataong salubungin ang Panginoon.” Tinalakay ng lahat ng mga katrabaho ang usaping ito at sinabing gusto nilang protektahan ang kawan hanggang sa dumating ang Panginoon. Naisip ko rin na hindi kami dapat kumilos nang padalus-dalos sa pagsalubong sa Panginoon, at na dapat kaming mag-ingat sa mga huwad na Cristo, upang hindi kami malinlang. Kinabukasan, sinunod ko ang mga tagubilin ng mga lider, pumunta ako sa mga lugar ng pagtitipon na pinangangasiwaan ko, at hinimok ang mga mananampalataya na mag-ingat laban sa mga huwad na Cristo at huwag tumanggap ng mga estranghero, lalo na ng mga nangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Kahit na sila ay mga nakatataas na katrabaho, kung ipangangaral nila na ang Diyos ay pumarito para gumawa ng bagong gawain, hindi sila dapat tanggapin. Kung hindi, mawawalan ng saysay ang paniniwala sa Panginoon ng mga nalinlang ng mga huwad na Cristo. Nung panahong iyon, sinabi ng lahat na hinding-hindi sila makikinig sa mga sermon ng Kidlat ng Silanganan.

Pagkaraan ng ilang buwan, sinabi ng mga lider namin na tinanggap ng mga nakatataas na katrabaho naming sina Brother Li at Brother Cao ang Kidlat ng Silanganan, at sinabi ng mga lider sa amin na huwag na huwag silang tanggapin, upang hindi kami malinlang. Naisip ko, “Sila ay mga nakatataas na katrabaho na talagang pamilyar sa Bibliya. Pinagbawalan nila kaming makipag-ugnayan sa Kidlat ng Silanganan. Paano nila ito natanggap?” Hindi ko maintindihan, gayunpaman, kahit ano pa ang gawin nila, kailangan kong sundin ang daan ng Panginoon at protektahan ang kawan. Pagkatapos, sinabi ko sa mga kapatid sa isang pagtitipon na huwag tanggapin sina Brother Li at Brother Cao. Isang araw, pumunta sa bahay ko ang katrabaho kong si Xiao kasama ang isang brother, at agad akong naging maingat. Sinabi ng mga nakatataas na lider na tinanggap na ng katrabahong si Xiao ang Kidlat ng Silanganan. Hindi niya ako pwedeng malinlang at maipagkanulo ang Panginoon. Kaya, paano man nila ako binahaginan nung araw na ‘yon, nakasimangot lang ako at hindi ko sila pinansin. Sa huli, wala silang nagawa kundi umalis. Habang pinagmamasdan ko silang umalis, nakahinga ako nang maluwag. Natuwa ako na hindi nila ako nalinlang. Kalaunan, dumating din si Brother Zhang Mingyi na taga-simbahan namin para ipangaral sa akin ang ebanghelyo, pero nagtago ako, hiniling ko sa asawa ko na harapin niya ito, at sinabi sa kanya na huwag makinig sa pagbabahagi nito upang maiwasang malinlang. Kalaunan, lumala nang lumala ang sitwasyon sa simbahan namin. Bumibigkas ng mga salawikain ang aming mangangaral at hindi siya nakapagbibigay ng bagong liwanag, at wala sa amin ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi nakatatanggap ng panustos ng buhay ang mga kapatid, sa espirituwal, lahat sila ay madilim, pasibo, at mahina, at ayaw nilang dumalo sa mga pagtitipon. Karamihan sa mga dumadalo ay sumusunod lang sa mga patakaran, at nakatuon ang pag-uusap sa pamilya, trabaho, at iba pa. Nalito ako. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang isang simbahan na dating may patnubay ng Banal na Espiritu, pero hindi ko alam ang pinakaugat nito o ang solusyon. Ang alam ko lang ay kailangan kong sundin ang turo ng Panginoon at hintaying pumarito ang Panginoon.

Pagkalipas ng dalawang taon, parami nang parami ang mga taong nangangaral sa akin ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagbahagi sila, “Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:7). Malalaman lang natin kung ang isang bagay ay ang tunay na daan pagkatapos nating maghanap at magsiyasat. Kung hindi tayo maghahanap, paano natin masasalubong ang Panginoon?” Nung panahong ‘yon, akala ko ay tama sila, pero natakot akong malinlang ng mga huwad na Cristo, kaya nagpasya ako na, “Hindi ako makikinig sa sinumang nangangaral na ang Panginoon ay pumarito para gumawa ng bagong gawain.” At ganun-gano’n lang, araw-araw akong parang nakabantay sa mga magnanakaw. Nagtatago ako kapag nakikita kong paparating ang mga ebanghelista, pero pumupunta pa rin sila sa bahay ko para ipangaral ang ebanghelyo gaya ng dati. Naisip ko, “Kahit paano pa ako umayaw, dumarating pa rin sila. Paano sila nagkaroon ng labis na pananampalataya at pagmamahal?” Medyo sinaway ko ang sarili ko. Labis ang pagmamahal nila para sa mga tao, pero ganito pa rin ang pakikitungo ko sa kanila. Hindi ito naaayon sa kalooban ng Panginoon. Pero, paulit-ulit na idiniin ng mga lider namin na hindi kami pwedeng makinig sa mga sermon ng Kidlat ng Silanganan. Kung malilinlang ako, mawawalan ng kabuluhan ang pagdurusang tiniis ko sa loob ng maraming taon ng pananalig sa Panginoon. Kailangan kong sundin ang daan ng Panginoon at hinding-hindi tumanggap ng iba pang ebanghelyo. Kahit sino pa ang dumating para mangaral, hindi ako pwedeng makinig. Kaya, hindi ko kailanman hinanap o siniyasat ang mga sermon ng Kidlat ng Silanganan.

Kalaunan, maraming kapatid sa simbahan ko ang tumanggap sa Makapangyarihang Diyos, kahit ang asawa ko. Madalas nilang sabihin sa akin na ang pananalig sa Panginoong Jesus ay nangangahulugan lang na pagtanggap sa gawain ng pagtubos ng Diyos. Kung hindi tayo sasabay sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi tayo tunay na nananalig sa Diyos, at hindi natin sinusundan ang mga yapak ng Kordero. Nabagabag ako. Sa mga taong ito, higit na naging mapanglaw ang simbahan, maraming tao ang negatibo at mahina, malamig ang kanilang pananampalataya, kahit ang mga katrabaho ko ay hindi na pumupunta sa mga pagtitipon, at wala na ang gawain ng Banal na Espiritu sa simbahan. Pero ipinangangaral sa akin ng mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang ebanghelyo, at kahit anong pagtanggi ko sa kanila, dumarating pa rin sila. Kung hindi dahil sa gawain ng Banal na Espiritu, paano sila magkakaroon ng gano’n katinding pagmamahal at pagtitiyaga? Gawain ba talaga ng Diyos ang Kidlat ng Silanganan? Para alamin ang totoo, palihim kong binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos kapag wala sa bahay ang asawa ko. Isang araw, nakita ko ang siping ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang iba. Lahat kayo ay dapat magkaroon ng katinuan at maging mga taong tumatanggap sa katotohanan. Marahil, matapos marinig ang daan ng katotohanan at marinig ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Bibliya, at sa gayon ay dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag kang masyadong tiwala sa sarili, at huwag mong masyadong itaas ang sarili. Sa kaunting pagpipitagang taglay mo sa puso mo para sa Diyos, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung katotohanan ang mga ito o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Matapos kong basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, naantig ang puso ko. Totoo ito. Bilang isang mananampalataya ng Panginoon, dapat akong magkaroon ng katwiran, pati na rin ng kababaang-loob na maghanap. Hindi ako kwalipikadong humusga o kumondena sa sinuman. Sa paglipas ng mga taon, napakaraming tao ang nangaral sa akin ng ebanghelyo, at nagpatotoo na ang Diyos ay gumagawa ng isang bagong yugto ng gawain, pero hindi ko ito tinanggap, at ganap na wala akong kababaang-loob na maghanap. Naaayon man ito sa mga kuru-kuro ko o hindi, dapat ay mapagpakumbaba akong naghanap. Kahit na isa lamang sa sampung libo ng mga salitang ito ang naaayon sa Bibliya, dapat ay hinanap at siniyasat ko ang isa sa sampung libong ito at hindi ito tinanggihan. Naisip ko rin kung paanong pagkatapos manalig ng asawa ko sa Makapangyarihang Diyos, bumuti nang husto ang kalagayan niya. Araw-araw siyang nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at aktibong dumadalo sa mga pagtitipon at nangangaral ng ebanghelyo. Nagsimula akong magtaka kung baka mali ako. Maaari kayang ang Makapangyarihang Diyos talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus? Sa susunod na may mangaral sa akin ng ebanghelyo, nagpasya akong hindi na tumanggi.

Isang araw, dumating si Brother Lin Muguang para muling ipangaral ang ebanghelyo sa akin. Noong oras na iyon, tinanong niya ako, “Kumusta ang espirituwal na kalagayan mo ngayon?” Walang magawang sinabi ko, “Nasa kadiliman ang espiritu ko, hindi ako makapangaral ng mga sermon, at hindi makakuha ng panustos ang mga kapatid ko. Wala kaming magawa kundi maghintay na dalhin kami ng Panginoon sa kaharian ng langit.” Sabi ni Muguang, “Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Ang sinumang umiinom ng tubig na Aking ibibigay sa kanya ay hindi mauuhaw magpakailanman; bagkus ang tubig na Aking ibibigay sa kanya ay magiging isang balon ng tubig sa kanya na bubukal ng buhay na walang hanggan(Juan 4:14). Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, walang katapusan at hindi nauubos. Ang mga mananampalataya ng Panginoon ay dapat na matustusan mula sa bukal ng tubig na buhay, nang walang uhaw, pero ngayon, walang bagong liwanag sa pangangaral mo, at ang mga kapatid ay nauuhaw, pasibo, at mahina ang espiritu. Malinaw na wala na ang gawain ng Banal na Espiritu sa simbahan. Kaya, ang paghihintay mo ba sa pagbabalik ng Panginoon ay Kanyang kalooban? Sigurado ka bang hindi ka tatalikdan ng Panginoon?” Hindi ako nakaimik sa mga tanong ni Muguang. Tila hindi tama ang paghihintay sa Panginoon sa ganitong paraan, pero sumusunod din naman ako sa mga turo ng Panginoong Jesus. Kaya, sinabi ko, “Malinaw na sinasabi ng Bibliya, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Malinaw na sinasabi sa atin ng dalawang talatang ito na sa mga huling araw, lumilitaw ang mga huwad na Cristo, at anumang pahayag na dumating na ang Panginoon ay hindi totoo. Sinusunod ko ang mga turo ng Panginoon. May problema ba sa katunayan na hindi ako nagsisiyasat kapag ipinangangaral ng iba ang pagparito ng Panginoon?” Sinabi ni Muguang, “Malinaw na sinasabi ng Panginoong Jesus na muli Siyang paparito sa mga huling araw, pero sinasabi mo na ang anumang pahayag na ang Panginoon ay pumarito na ay hindi totoo. Hindi ba ito ang pagtatatwa sa mga salita ng Panginoon, at pagtanggi at pagkondena sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw? Isipin natin ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Dahil lumilitaw ang mga huwad na Cristo, ibig sabihin nito ay tiyak na paparito si Cristo. Kung bulag tayong mag-iingat laban sa mga huwad na Cristo, kapag bumalik na ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, at tumanggi tayong makinig o magbasa, hindi ba’t pinagsasarhan natin ang Panginoong Jesus? Paano natin masasalubong ang Panginoon nang ganoon? Kapag nahaharap sa pagpapakita ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, hindi uubra ang basta lang matakot na malinlang. Ang mahalaga ay matutong makakilatis sa pagitan ng tunay at huwad na mga Cristo. Makaiiwas kang malinlang ng mga huwad na Cristo dahil dito.”

Gumaan ang loob ko nang marinig ko ito. May katuturan ang pagbabahagi niya. Kung bulag akong mag-iingat at matatakot sa mga huwad na Cristo, at tatangging makinig, maghanap, o magsiyasat, kung ang Makapangyarihang Diyos talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi ba’t mapalalampas ko ang pagkakataong makapasok sa kaharian ng langit? Kaya agad akong nagtanong, “Kung gayon, paano tayo makakikilatis sa mga huwad na Cristo?” Sabi ni Muguang, “Ang propesiya sa Bibliya ay ang babala ng Panginoong Jesus sa mga tao. Sa mga huling araw, lilitaw ang mga huwad na Cristo upang linlangin ang mga tao, pero sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang isa sa mga pinakamahalagang prinsipyo ng pagkilatis, na ang mga huwad na Cristo ay nililinlang ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan. Kung gayon, tiyak na magiging malinaw na si Cristo sa mga huling araw ay darating nang walang mga himala, dahil ang gawain ng Diyos ay laging bago, hindi kailanman luma, at hindi kailanman nauulit. Ito ay palaging mas bago, mas mataas na gawain. Darating si Cristo sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol at ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Pero ang mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta ay hindi nagtataglay ng diwa ng Diyos. Lahat sila ay masasamang espiritu. Samakatuwid, wala talaga silang katotohanan, at hindi nila maipapahayag ang katotohanan. Kaya lamang nilang gayahin ang Panginoon at magpakita ng mga himala para linlangin ang mga tao. Maiintindihan natin kung babasahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. ‘Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Nagpatuloy si Muguang, “Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga nagsasabing sila ang nagbalik na Panginoong Jesus habang gumagawa ng mga himala, nagpapagaling ng mga maysakit, at nagpapalayas ng mga demonyo ay tiyak na mga huwad na Cristo, dahil ginawa na ng Panginoong Jesus ang ganoong uri ng gawain, at ang gawain ng Diyos ay hindi nauulit. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, hindi Niya inulit ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa halip, ayon sa plano ng Diyos para sa gawain ng kaligtasan, at batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ginawa Niya ang gawain ng pagtubos. Personal Siyang ipinako sa krus para sa sangkatauhan bilang isang walang hanggang handog para sa kasalanan, tinutubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan, winawakasan ang Kapanahunan ng Kautusan, at sinisimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, at walang mga tanda at kababalaghan. Batay sa gawain ng Panginoong Jesus, gumagawa Siya ng isang yugto ng gawain na mas mataas at mas malalim, ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kung saan ipinapahayag Niya ang katotohanan para hatulan at linisin ang mga kasalanan ng mga tao, lubusan tayong inililigtas mula sa kasalanan upang makabalik tayo sa Diyos at madala sa Kanyang kaharian. Winawakasan ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya at sinisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawaing ito ay naiiba sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at hindi ito nauulit. Mula rito, makikita natin na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Ito ang pinakamalinaw na katangian ng gawain ng Diyos, ang pagiging bago. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, nagpapahayag ang Diyos ng mga bagong salita, nagsisimula ng bagong kapanahunan, at itinuturo sa mga tao ang landas at direksyon ng pagsasagawa na angkop para sa kapanahunan, para unti-unti, ganap na maliligtas ang mga tao mula sa kasalanan at madadala sa kaharian ng Diyos. Ang mga huwad na Cristo, sa kabaligtaran, ay talagang hindi makapagpapahayag ng katotohanan o makagagawa ng bagong gawain, at tiyak na hindi sila makapaglilinis o makapagliligtas ng mga tao. Kaya lamang nilang gayahin ang gawaing ginawa ng Panginoong Jesus at magpakita ng maliliit na tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kapag naunawaan na natin ang aspetong ito ng katotohanan at nakabisado ang prinsipyong ito, hindi na natin kailangang katakutan ang malinlang ng mga huwad na Cristo.”

Matapos kong marinig ang pagbabahagi ni Muguang, bigla kong napagtanto: “Ang katangian ng gawain ng Diyos ay pagiging bago. Tama ‘yan. Ang gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya ay ganap na naiiba. Sa isa, inakay Niya ang mga tao na mamuhay sa lupa at tinuruan silang sundin ang mga batas at kautusan, at sa isa naman, ipinako Siya sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay tiyak na naiiba sa gawaing ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ay bagong gawaing ginawa mula sa isang bagong pasimula. Napakapraktikal ng pagbabahagi na ito.” Sa puntong ito, nagtapat ako sa kanya at sinabi ko, “Napakapraktikal ng pagbabahagi mo, at lubos ko itong nauunawaan. Ang mga huwad na Cristo ay hindi makagagawa ng bagong gawain, kaya lamang nilang gayahin ang nakaraang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Pero may isang bagay pa rin akong hindi maunawaan. Paano natin matitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang Cristo ng mga huling araw, ang nagbalik na Panginoong Jesus?”

Masayang sinabi ni Muguang, “Maganda ang tanong mo. Malulutas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng kalituhan natin, at mauunawaan natin kung babasahin natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos.” Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagbahagi si Muguang, “Upang matukoy kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, kailangan nating tingnan ang diwa sa halip na ang panlabas na anyo. Ang Cristo ay kapag pumarito ang Diyos sa lupa, nagsusuot ng ordinaryong katawang-tao, nagiging tao, at nagpapakita at gumagawa kasama ng mga tao. Sa panlabas, si Cristo ay isang ordinaryo at normal na tao, nasa Kanya ang mga ritmo ng buhay ng isang normal na tao, pati na rin ang mga kagalakan at kalungkutan ng isang normal na tao. Napasasaya Siya ng masasayang bagay at napalulungkot ng mga nakasasakit na bagay. Ngunit gaano man kaordinaryo at kanormal ang itsura ni Cristo, ganap na naiiba ang Kanyang diwa ng buhay kaysa sa mga tao. Si Cristo ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa loob ni Cristo, at si Cristo ay ganap na banal, kaya naipapahayag Niya ang katotohanan anumang oras, nailalantad at nasusuri Niya ang katiwalian ng tao, natutukoy Niya ang landas at direksyon para maiwaksi ng mga tao ang kanilang mga kasalanan at mailigtas sila ng Diyos, at kaya Niyang ganap na madalisay at mailigtas ang sangkatauhan. Ang ipinapahayag at inihahayag ni Cristo ay ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at ang ginagawa ni Cristo ay ang sariling gawain ng Diyos. Ito ang mga bagay na hindi kayang taglayin o kamtin ng sinumang tao. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nang magkatawang-tao ang Diyos sa unang pagkakataon, sa panlabas, isa Siyang ordinaryo at normal na tao, ipinanganak sa isang ordinaryong pamilya, walang katayuan sa lipunan o anumang mataas at marangal na imahe, ngunit ang diwa ng Panginoong Jesus ay Diyos. Ibinigay Niya sa atin ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian at ang daan ng pagsisisi, ipinahayag Niya ang katotohanan sa anumang oras at saanmang lugar upang magtustos at magpastol ng mga tao, at sa huli ay ipinako Siya sa krus para sa sangkatauhan at tinubos Niya ang lahat ng tao, upang mapatawad ang mga kasalanan ng mga tao at maging kwalipikadong mabuhay at patuloy na sumulong ang mga tao. Mula sa mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, lubos tayong makatitiyak na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Cristo. Upang matukoy kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, dapat din natin itong gawin sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa Kanyang mga salita at gawain. Sa mga huling araw, pumarito ang Makapangyarihang Diyos upang magpahayag ng milyun-milyong salita batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus at maghayag ng mga misteryo sa Bibliya na nakatago sa loob ng libu-libong taon, tulad ng mga misteryo ng pagkakatawang-tao, ang tatlong yugto ng gawain, ang mga pangalan ng Diyos, at iba pa. Hinahatulan at inilalantad din ng Makapangyarihang Diyos ang diwa at katotohanan ng paggawang tiwali ni Satanas sa tao, at itinuturo ang landas ng pagsisisi at pagbabago, tulad ng kung paano makamit ang tunay na pagsisisi, kung paano isabuhay ang normal na pagkatao, kung sino ang gusto at kinasusuklaman ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ililigtas at anong uri ang palalayasin, ang wakas at hantungan ng sangkatauhan, at ang kagandahan ng kaharian. Ipinapaliwanag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang kailangan ng sangkatauhan para maligtas upang magkaroon ng landas ang mga tao, makalaya sa gapos ng kasalanan, makamit ang pagbabago sa disposisyon, at mailigtas ng Diyos. Ganap nitong tinutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). At gayundin ang propesiya sa Pahayag, ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag Mga Kabanata 2, 3). Isipin natin ito. Sino sa buong tiwaling sangkatauhan ang makapagpapahayag ng mga katotohanan at misteryong ito? Sino ang makagagawa ng gawain ng paghatol upang lubusang linisin at iligtas ang mga tao? Sino ang may kakayahang tukuyin ang kalalabasan ng mga tao at bigyan sila ng magandang hantungan? Bukod sa Diyos, walang sinuman ang may ganitong awtoridad o kapangyarihan. Ang mga may puso at espiritu ay nakukumbinsi kapag nababasa nila ang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, at nakatitiyak sila mula sa puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Walang duda ito.”

Lumiwanag ang puso ko matapos marinig ang mga bagay na ito, at naantig ako, sinabi ko sa brother, “Sa pagbabahagi mo, nakakikilatis na ako sa pagitan ng tunay at huwad na mga Cristo, at alam ko na kung paano tukuyin kung sino si Cristo. Taglay ni Cristo ang diwa ng Diyos, kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng Diyos, at kaya Niyang linisin at iligtas ang mga tao. Pero ang mga huwad na Cristo ay hindi ang pagkakatawang-tao ng Diyos at hindi nagtataglay ng banal na diwa, kaya hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan o gawin ang gawain ng pagliligtas sa mga tao. Kaya lamang nilang linlangin ang mga tao sa pamamagitan ng paggaya sa nakaraang gawain ng Diyos at pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan.” Matapos marinig ang sinabi kong ito, taos-pusong sinabi ni Muguang, “Salamat sa Diyos! Tunay na awa at biyaya ng Diyos na makaunawa ka sa ganitong paraan. Kapag nagpakita at gumawa ang nagkatawang-taong Diyos, gaano man karaming tao ang magtatwa o kumondena sa Kanya, kahit na tanggihan pa Siya ng buong sangkatauhan, Siya pa rin ang Diyos at Cristo. Paano man maaaring magpatotoo sa kanilang sarili ang mga huwad na Cristo, sila ay huwad, at hindi makapapantay.” Ang totoo ay hindi maaaring maging huwad, ang huwad ay hindi maaaring maging totoo. Isa itong katunayan na hindi mababago ng sinuman.

Pagkatapos, binasa sa akin ni Muguang ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos at dahil dito, lalo akong nakatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nakahiwalay, kundi nakabatay sa gawain ni Jehova. Iyon ay gawain para sa isang bagong kapanahunan na ginawa ng Diyos nang matapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, dahil ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong. Kapag lumipas ang lumang kapanahunan, papalitan ito ng isang bagong kapanahunan, at kapag natapos na ang lumang gawain, magkakaroon ng bagong gawain para ipagpatuloy ang pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sinusundan ang gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayaring mag-isa; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangang maghatid ito ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Nagbahagi si Muguang, “Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, alam natin na ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan ay may tatlong yugto. Ang mga yugtong ito ay hindi tumatayong mag-isa. Ang bawat isa ay ginagawa batay sa nakaraang gawain, at sa hakbang-hakbang, mas malalim at mas mataas ang mga ito, upang sa huli, ganap na maililigtas ang mga tao sa kasalanan at madadala sa kaharian ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan, nagdeklara ang Diyos ng mga batas para pangunahan ang sangkatauhan sa pamumuhay sa lupa, turuan ang mga tao kung ano ang kasalanan at kung paano sambahin ang Diyos na si Jehova. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkatawang-tao ang Diyos upang bigyan ang mga tao ng daan ng pagsisisi, ginawa ang gawain ng pagpapako sa krus, tinubos ang buong sangkatauhan, pinatawad ang ating mga kasalanan, at pinahintulutan tayong maligtas sa pamamagitan ng biyaya para hindi na tayo makondena ng kautusan. Pero ang gawain ng Panginoong Jesus ay gawain lamang ng pagtubos, ang kapatawaran ng mga kasalanan ng tao. Ang ating makasalanang kalikasan ay hindi pa rin nalulutas, at namumuhay pa rin tayo sa kasalanan, sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Sa Kapanahunan ng Kaharian, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol upang lubusang linisin at iligtas ang mga tao, para makatakas tayo sa impluwensya ni Satanas at makapasok sa kaharian ng Diyos. Mula rito, makikita natin na ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay nakabatay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Hinding-hindi ito umuulit o sumasalungat sa isa’t isa, at lahat ng ito ay para lubusan tayong mailigtas sa kasalanan, upang ganap tayong makamit ng Diyos. Ang tatlong yugto ng gawaing ito ay ang buong plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ang huling yugto ng plano ng pamamahala ng Diyos. Kung hindi tatanggapin ng mga tao ang paghatol at paglilinis ni Cristo sa mga huling araw, hindi sila kailanman magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos.”

Matapos mapakinggan ang pagbabahagi niya, lalo pang gumaan ang loob ko. Ngayon ay alam ko na na gumagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Ang bawat yugto ng gawain ay mas malalim kaysa sa nauna, at sa huli ay inililigtas ng mga ito ang mga tao mula sa kasalanan. Ang gayong pagbabahagi ay naaayon sa Bibliya at sa mga katunayan. Napakaraming taon na akong sumasampalataya sa Panginoon, pero hindi pa ako nakaririnig ng ganoong sermon kahit kailan. Walang pastor o mangangaral ang lubusang nakapagpaliwanag sa gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Kinasuklaman ko ang sarili kong pagmamataas, ang bulag kong pagtitiwala sa mga maling paniniwala ng aking mga lider at katrabaho. Ilang taon ko nang tinatanggihan ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Napakaignorante ko! Tulad nito, mawawalan ako ng pagkakataong masalubong ang Panginoon at makapasok sa kaharian ng langit. Kaya, nagpasya akong ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Bago umalis, binigyan ako ni Muguang ng isang aklat ng salita ng Diyos.

Pagkatapos niyon, sabik kong binasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko ang maraming katotohanan at misteryo, at habang mas nagbabasa ako, lalo akong naniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Cristo ng mga huling araw. Mula noon, opisyal ko nang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Pareho akong masaya at nahihiya na salubungin ang Panginoon. Sa nakalipas na ilang taon, paulit-ulit na ipinangaral sa akin ng mga kapatid ang ebanghelyo, pero matigas ang ulo ko. Bukod sa hindi ako naghanap at nagsiyasat, tinrato ko pa silang mga kaaway. Isinara ko pa nga ang simbahan at pinigilan ang iba na marinig ang tinig ng Panginoon at masalubong Siya. Gumawa ako ng kasamaan! Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, nagpakalat ang mga Pariseo ng lahat ng uri ng maling paniniwala na lumalaban at kumokondena sa Panginoong Jesus para pigilan ang mga mananampalataya sa pagsunod sa Panginoon. Ang ginawa ko ay walang ipinagkaiba sa mga Pariseo. Karapat-dapat talaga akong sumpain at parusahan ng Diyos. Pero hindi inalala ng Diyos ang mga paglabag ko, at paulit-ulit Siyang nagpadala ng mga kapatid upang ipangaral sa akin ang ebanghelyo hanggang sa, sa wakas ay narinig ko na ang tinig ng Diyos. Napakadakila ng pagmamahal at awa ng Diyos para sa akin! Kailangan kong magkaroon ng konsensya at katwiran, at ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa mga nananabik sa pagparito ng Panginoon pero mga nalinlang ng mga sabi-sabi, nang sa gayon ay madala ko sila sa sambahayan ng Diyos at maaliw ang puso ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Liitan ang Font Size
Lakihan ang Font Size
Pumasok sa Full Screen
Lumabas sa Full Screen