Ang Ibig Sabihin ng Responsableng Paggawa ng Iyong Tungkulin ay Pagkakaroon ng Konsensiya

Hunyo 1, 2022

Ni Sophia, Nederland

Isang araw noong nakaraang Hulyo, iniulat ni Sister Ellie sa akin na ang lider ng grupo na si Brother Brody ay naging partikular na mayabang. Habang nakikipag-usap, palagi niyang iginigiit sa iba na pakinggan siya, at kapag nagbibigay ang ibang mga kapatid ng makatwirang mga mungkahi, tumatanggi siyang makinig o tumanggap, na nagiging sanhi ng pagkaantala ng pagsulong ng paggawa ng video. Naalala kong nakaugnayan ko na si Brody noon. Talaga ngang medyo mapagmagaling siya at hilig niyang gawin ang mga bagay-bagay nang ayon sa gusto niya. Kapag sa tingin niya ay hindi akma ang mga mungkahi ng iba, hindi niya tinatanggap ang mga ito. Hinding-hindi ko inakala na magiging ganito pa rin siya. Kung patuloy niyang igigiit na gawin kung ano ang gusto niya at tatangging magbago, hindi siya babagay na maging lider ng grupo. Kaya sinabi ko kay Ellie na sisiyasatin ko ang usapin. Pero naisip ko sa sarili ko, “Halos lahat sa paggawa ng video ay responsibilidad ng kapartner kong si Pam. Hindi ko trabahong tukuyin kung naaangkop ba ang lider ng grupo na ito at alamin kung paano sumusulong ang gawain. Tsaka kung masyado akong makikialam, baka magmukha akong wala sa katwiran. Kaya dapat ipasiyasat at ipaasikaso ko ito kay Pam. Dapat kong ilaan ang oras at lakas ko sa pangunahing responsibilidad ko, ang gawain ng ebanghelyo.” Kaya sinabi ko kay Pam ang tungkol sa mga problema ni Brody at pinaalalahanan siya na bigyang-pansin ang pagganap ni Brody sa kanyang tungkulin. Pagkatapos, nadama kong natupad ko na ang responsibilidad ko, kaya hindi na ako nangumusta o nagsiyasat pa.

Makalipas ang ilang panahon, napansin kong napakabagal pa rin ng pagsulong ng paggawa ng video, at nalaman ko mula sa mga kapatid na si Brody ay hindi lamang ipinipilit kung ano ang gusto niya at tumatangging tanggapin ang payo ng iba, iresponsable rin siya sa tungkulin niya. Sa sandaling makaharap siya ng mga paghihirap, umuurong siya at walang saloobin ng pagtanggap sa gayong mga hamon, at napakaliit din lang ng naging pag-unlad niya sa pagganap sa tungkulin niya. Naisip ko, “Paano mapahihintulutang maging isang lider ng grupo ang isang tulad niya? Dapat na ba kaming humanap ng kapalit niya?” Sinabi ko kay Pam ang tungkol sa bagay na ito. Pagkaraan ng ilang buwan, nagulat ako nang iulat sa akin ng ibang mga kapatid ang mga problema ni Brody. Sinabi nilang siya’y mayabang at mapagmagaling, iginigiit kung ano ang gusto niya, at na kapag pinapayuhan siya ng mga kapatid, ang lagi niyang idinadahilan ay “Hindi ito problema sa palagay ko” o “Wala akong mga kasanayan” para tanggihan ang mga mungkahi nila, na naging sanhi kaya nakaramdam ang mga kapatid na pinipigilan sila at hindi na naglalakas-loob na payuhan pa siya. Sinabi rin nila na naging napakabagal ng pagsulong ng paggawa ng video, at na may ilang video na paulit-ulit na ibinabalik upang iedit. Matapos kong marinig iyon, medyo nagulat ako. Kahit napakatagal na panahon na ang lumipas, bakit hindi pa rin nalulutas ang mga problemang idinulot ni Brody? Kaya agad kong sinabi kay Pam ang tungkol dito. Matapos niyang hatulan na hindi siya angkop na lider ng grupo, tinanggal siya.

Makalipas lang ang ilang araw, pinuntahan ako ni Ellie at sinabing sobrang huli na ang pagkakatanggal kay Brody. Sabi niya, “Ilang buwan na nang iniulat ko sa iyo ang mga problema kay Brody, kaya bakit ngayon lang siya mapapalitan?” Agad akong sumagot, “Alam mong hindi ako ang direktang responsable sa gawain ni Brody. Kailangan ko munang sabihin kay Pam ang tungkol sa mga problema niya, tungkol naman sa kung tatanggalin siya o hindi, kailangan niyang pag-isipan at pagdesisyunan iyon. Hindi ko siya pwedeng direktang tanggalin nang basta-basta, at kung ginawa ko iyon, magmumukha akong wala sa katwiran. Gayunman, si Pam ang direktang responsable sa gawain ni Brody, at madalas itong nakakaugnayan. Halatang-halata ang mga problema ni Brody, at ilang beses ko nang sinabi sa kanya, pero hindi niya ito tinanggal, kaya ngayon siya talaga ang may pananagutan sa pagkaantala ng gawain. Gayunman, noong panahong iyon, sinabi ko lang kay Pam ang mga isyu na ito, nang hindi kinukumusta ang mga ito o inaalam ang kinahinatnan, kaya dapat din akong sisihin.” Matapos marinig na sabihin ko iyon, tahimik si Ellie. Kalaunan, medyo nakonsensya ako. Sa totoo lang, alam na alam ko ang mga problema kay Brody, at maraming beses nang iniulat sa akin ng mga kapatid ang mga problema sa kanya. Pero hindi ako nangumusta o sumubok na lutasin ang usapin. Malinaw na naging iresponsable ako, pero gumawa ako ng lahat ng uri ng dahilan at palusot para hindi ako managot, at ibinunton ang lahat ng sisi kay Pam, para isipin ng iba na siya ang iresponsable at na wala akong kinalaman sa mga pagkaantala sa paggawa ng video. Naalala kong ang mga tao, usapin, at bagay-bagay na nakakaharap natin bawat araw ay pinahihintulutan ng Diyos. Sa likod ng pagpunta sa akin ni Ellie para itanong ang tanong na ito, naroon ang kalooban ng Diyos. Sa usapin ng pagkakatanggal kay Brody, hindi ako naghanap o nagnilay kung ano ang mga aral na dapat kong matutunan, o kung nagpakita ba ako ng ilang tiwaling disposisyon sa aking sarili na hindi ko pa natatanto. Kaya nagdasal ako sa Diyos, humihiling sa Kanya na gabayan ako sa pagninilay sa aking sarili at pagkilala sa sarili ko.

Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang salita ng Diyos na nagbubunyag sa makasarili at kasuklam-suklam na mga aspeto ng mga anticristo, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa kalagayan ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Paano naipapamalas ang pagiging makasarili at ubod ng sama ng mga anticristo? Sa anumang bagay na kapaki-pakinabang sa kanilang katayuan o reputasyon, nagsisikap silang gawin o sabihin ang anumang kailangan, at kusang-loob silang nagtitiis ng anumang pagdurusa. Pero pagdating sa may kinalaman sa gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, o pagdating sa may kinalaman sa gawain na kapaki-pakinabang sa paglago ng buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, lubos nilang binabalewala ito. Kahit kapag ang masasamang tao ay nanggagambala, nakikialam, at gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan, dahilan kaya lubhang naaapektuhan ang gawain ng iglesia, nananatili silang walang ginagawa at walang pakialam, na para bang walang kinalaman ito sa kanila. At kung may nakatuklas at nag-ulat ng masasamang gawa ng isang masamang tao, sinasabi nilang wala silang nakita at nagmamaang-maangan sila. … Kahit ano pa ang suungin nilang gawain, hindi kailanman iniisip ng uri ng tao na isang anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes, ang iniisip lamang nila ay ang medyo magaan na gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Wala silang gana sa kanilang pagsisikap, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na mapanatili ang sarili nilang posisyon at kapangyarihan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man katapat ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Lubos silang walang malasakit sa mga nagaganap sa iglesia, gaano man kahalaga ang mga kaganapang ito. Kahit pa nga nasa harapan na nila mismo ang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag tuwiran lamang silang iwinasto ng Itaas at inutusang ayusin ang isang problema ay saka lamang sila padabog at totohanang magtatrabaho nang kaunti at magpapakita ng resulta sa Itaas; pagkatapos na pagkatapos nito, magpapatuloy sila sa sarili nilang gawain. Wala silang interes at walang pakialam patungkol sa gawain ng iglesia, patungkol sa mahahalagang bagay na may mas malalawak na konteksto. Binabalewala pa nga nila ang mga problemang natutuklasan nila, at nagbibigay sila ng mga walang ganang sagot o ginagamit ang kanilang mga salita upang balewalain ka kapag tinatanong sila tungkol sa mga problema, hinaharap lamang ang mga ito nang may labis na pag-aatubili. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at masama, hindi ba?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus: Pagbubuod sa Katangian ng mga Anticristo at sa Diwa ng Kanilang Disposisyon (Unang Bahagi)). “Walang Diyos o iglesia sa puso ng isang anticristo, at lalo nang wala siyang pagpapahalaga sa mga taong hinirang ng Diyos. Sabihin mo sa Akin, kung saan naroroon ang mga kapatid, at kung saan gumagawa ang Diyos, paanong hindi matatawag na sambahayan ng Diyos ang gayong mga lugar? Sa anong paraan hindi mga iglesia ang mga ito? Ngunit iniisip lang ng mga anticristo ang mga bagay na sakop ng sarili nilang impluwensya. Wala silang pakialam sa ibang mga lugar. Kahit may matuklasan silang problema, wala silang pakialam. Ang mas masahol pa ay na kapag may nangyayaring mali at may nawawala dahil doon, hindi nila iyon pinapansin. Kapag tinanong kung bakit hindi nila iyon pinapansin, nagbibigay sila ng mga maling akala, sinasabing, ‘Huwag kang makialam sa hindi mo problema.’ Ang kanilang mga salita ay parang makatwiran, parang nauunawaan nila ang mga hangganan sa ginagawa nila, at parang wala silang panlabas na mga problema, pero ano ang diwa nito? Ito ay pagpapamalas ng kanilang pagkamakasarili at ubod ng sama. Ginagawa nila ang mga bagay para lang sa sarili nila, para lang sa sarili nilang katanyagan at katayuan. Hindi nila talaga ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Ito ay isa pang karaniwang katangian ng mga anticristo—sila ay makasarili at ubod ng sama(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus: Pagbubuod sa Katangian ng mga Anticristo at sa Diwa ng Kanilang Disposisyon (Unang Bahagi)). Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, natanto ko na ang mga anticristo, para maprotektahan ang kanilang reputasyon at posisyon, ay gagawin lamang ang gawain na responsable sila, samantalang wala talaga silang pakialam sa kabuuang gawain. Basta’t hindi nila ito pangunahing responsibilidad at walang kinalaman sa kanilang mga interes, gaano man napipinsala ang gawain ng iglesia, hinding-hindi nila ito seseryosohin o susubukang lutasin ang problema. Nakita ko na ang mga anticristo ay makasarili at kasuklam-suklam, wala talagang konsensya at katwiran, sariling reputasyon at katayuan lang ang inaalala, at hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iglesia o anupaman. Natanto kong naging ganoon din ako. Inakala kong hindi ko responsibilidad ang paggawa ng video, kaya nang iulat ng mga kapatid na may mga problema kay Brody, kahit na nangako akong lulutasin ang isyu, ang “solusyon” ko’y wala nang iba pa kundi pagpapaalala kay Pam at paghiling sa kanya na siyasatin at lutasin ito. Tungkol naman sa pinakahuling resulta, kung malipat man o mapalitan si Brody, wala akong pakialam at hindi ko kinumusta ang mga detalye. Nang makita kong walang nagiging resulta ang paggawa ng video, ang pinakanagawa ko lang ay paalalahanan si Pam, pero wala akong nadamang pagmamadali sa kawalan ng mga resulta. Sa kabilang banda, naging maasikaso ako nang husto sa gawain ng ebanghelyo na responsibilidad ko, at binigyan ng labis na pansin ang mga kalagayan ng aking mga kapatid para makita kung may mga problema at paghihirap sila sa pangangaral ng ebanghelyo, at kung mayroon, agad kong pinupuntahan ang mga tagapamahala para magkasama naming malutas ang mga ito. Kapag may natuklasan akong mga tagapamahala at lider ng grupo na iresponsable sa mga tungkulin nila, o kapag sila’y nasa hindi tamang kalagayan, agad akong nagbabahagi sa kanila dahil natakot akong kung hindi malutas ang mga kalagayan nila, mahahadlangan ang gawain ng ebanghelyo. Bilang resulta, maiisip ng mga lider ko na mahina ang kakayahan ko, na wala akong kasanayan, at hindi makagawa ng praktikal na gawain, na maglalagay sa posisyon ko sa alanganin. Kapwa gawain ng iglesia ang mga usaping ito, pero may napakalaking pagkakaiba sa pagpapahalagang ibinigay ko sa dalawang gampanin. Nag-isip ako nang husto para maprotektahan ang reputasyon at katayuan ko, habang naging lubos na pabaya sa gawain na hindi ko direktang responsibilidad. Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako! Higit pa riyan, ginamit kong palusot ang “Huwag kang makialam sa hindi mo problema,” sinabing ang paggawa ng video ay responsibilidad ni Pam, na siya ang kailangang umasikaso sa anumang paglilipat ng mga tauhan, at na kung direkta akong nakialam sa gawaing iyon, magmumukha akong wala sa katwiran. Sa ganitong paraan, nahanapan ko ang sarili ko ng isang katanggap-tanggap na palusot upang balewalain ang usapin. Malinaw na naging iresponsable ang pagganap ko sa tungkulin ko at hindi ko nalutas ang praktikal na problemang ito, dahilan kaya naapektuhan ang gawain ng iglesia. Sa huli, ginamit kong palusot ang “pagiging makatwiran” para makaiwas sa responsibilidad. Talagang napakatuso at napakamapanlinlang ko! Naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Kung saan naroroon ang mga kapatid, at kung saan gumagawa ang Diyos, paanong hindi matatawag na sambahayan ng Diyos ang gayong mga lugar? Sa anong paraan hindi mga iglesia ang mga ito?” Totoong-totoo iyon. Anumang tungkulin ang ginagampanan ko, gawain iyon ng iglesia, at sa pagtuon sa aking reputasyon at katayuan sa tungkulin ko, ganap akong nabibigong itaguyod ang gawain ng iglesia. Walang-wala talaga akong pagkatao!

Kalaunan, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Hindi nauunawaan ng ilang tao ang maraming katotohanan. Hindi nila nauunawaan ang mga prinsipyo sa anumang ginagawa nila, at kapag nakakaharap sila ng mga problema, hindi nila alam ang tamang paraan ng pag-asikaso sa mga iyon. Paano dapat magsagawa ang mga tao sa ganitong sitwasyon? Ang pinakamababang pamantayan ay ang kumilos ayon sa konsensya—ito ang panimulang punto. Paano ka dapat kumilos nang ayon sa konsensya? Kumilos ka nang mula sa sinseridad, at maging karapat-dapat sa kabaitan ng Diyos, sa pagbibigay sa iyo ng Diyos ng buhay na ito, at sa pagkakataong ito na ibinigay ng Diyos upang matamo ang kaligtasan. Pagkilos ba iyon ayon sa konsensya? Sa sandaling matugunan mo na ang pinakamababa sa mga pamantayan na ito, makakamit mo na ang proteksiyon at hindi ka gagawa ng matitinding pagkakamali. Hindi ka na madaling gagawa ng mga bagay upang suwayin ang Diyos o pabayaan ang iyong mga responsibilidad, ni manganganib na kumilos nang walang-interes. Hindi ka rin masyadong magbabalak ng pakana para sa iyong sariling posisyon, katanyagan, kayamanan, at kinabukasan. Ito ang papel na ginagampanan ng konsensya. Ang konsensya at katwiran ay dapat kapwa maging bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang mga ito ay kapwa pinakabatayan at pinakamahalaga. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsensya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong sukdulan ng sama ang pagkatao. Kung mas bubusisiin ang mga detalye, anong mga pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ang ipinapakita ng taong ito? Subukang suriin kung anong mga katangian ang matatagpuan sa gayong mga tao at anong partikular na mga pagpapamalas ang ipinapakita nila. (Makasarili sila at salbahe.) Ang mga taong makasarili at salbahe ay basta-basta lang sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos ni hindi sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos. Wala silang pinapasang kabigatan ukol sa pagpapatotoo sa Diyos o sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, at hindi sila responsable. Ano ang iniisip nila tuwing mayroon silang ginagawa? Ang unang iniisip nila ay, ‘Malalaman ba ng Diyos kung gagawin ko ito? Nakikita ba ito ng ibang mga tao? Kung hindi nakikita ng ibang mga tao na nagsisikap ako nang husto at masipag akong nagtatrabaho, at kung hindi rin ito nakikita ng Diyos, kung gayon walang silbi ang aking paggugol ng gayong pagsisikap o pagdurusa para dito.’ Hindi ba ito lubos na makasarili? Isa rin itong mababang-uring klase ng layunin. Kapag nag-iisip at kumikilos sila sa ganitong paraan, may papel bang ginagampanan ang kanilang konsensya? Nababagabag ba ang konsensya nila rito? Hindi. May ilang tao na hindi umaako ng anumang responsibilidad kahit ano pa ang tungkuling ginagampanan nila. Hindi rin nila iniuulat kaagad sa mga nakatataas sa kanila ang mga problemang nadidiskubre nila. Kapag may nakikita silang mga taong nakikialam at nanggagambala, nagbubulag-bulagan sila. Kapag nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang mga masasamang tao, hindi nila sinusubukang pigilan sila. Hindi nila binibigyan ng kahit katiting na pagsasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ni kung ano ang kanilang tungkulin at responsibilidad. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain ang mga taong kagaya nito; sila ay mga taong oo lang nang oo na sakim sa kaginhawahan; nagsasalita at kumikilos sila para lamang sa sarili nilang banidad, reputasyon, katayuan, at mga interes, at siguradong ilalaan nila ang kanilang panahon at pagsisikap sa anumang bagay na pakikinabangan nila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Matapos mabasa ang salita ng Diyos, nakadama ako ng matinding kirot sa puso ko. Ang isang taong may konsensya at katwiran ay isinasaalang-alang ang pasanin ng Diyos, nakikibahagi sa mga ikinababahala at alalahanin ng Diyos, at ibinibigay ang lahat-lahat niya para sa mga interes ng iglesia. Kapag may isang bagay na gumugulo sa gawain ng iglesia o pumipinsala sa mga interes nito, tumutulong siya, at mas gugustuhin pa niyang maapektuhan ang sarili niyang mga interes para maprotektahan ang gawain ng iglesia. Pero sa kaso ko, nang makita kong hindi angkop bilang lider ng grupo si Brody at naapektuhan ang pagsulong ng gawain, hindi ko sinubukang makipagtulungan kay Pam para malutas ito, sa halip hinayaan kong maantala ang gawain. Kung hindi dahil sa muling pag-uulat dito ng mga kapatid, o kung hindi ko nakita na naapektuhan na nang husto ang paggawa ng video, hindi ko pa sana hihimukin si Pam na tanggalin kaagad si Brody. Ngayon, natanggal na si Brody, pero matapos ang ilang buwan ng mga pagkaantala, paano mababawi ang mga nasayang na paggawa at resources? Naging mapagbigay-loob ang Diyos sa akin at tinulutan ako ng pagkakataong magsagawa bilang isang lider, sa pag-asang magawa kong hanapin ang katotohanan, maging responsable at tapat sa tungkulin ko, mabilis na matuklasan at malutas ang iba’t ibang problema sa gawain ng iglesia, at maisakatuparan ang praktikal na gawain. Pero namuhay ako batay sa mga satanikong lason na tulad ng “Hayaan lang ang mga bagay-bagay kung hindi naman personal na nakakaapekto ang mga ito sa iyo,” “Dapat gawin ng bawat tao ang sarili niyang gawain,” at “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam.” Ang tanging inalala ko ay ang gawain na responsable ako. Tungkol naman sa mga usaping walang kaugnayan sa aking mga interes, reputasyon at katayuan, ayaw ko talagang asikasuhin ang mga iyon. Sa aking tungkulin, pinrotektahan ko lang ang reputasyon at katayuan ko, nang walang anumang malasakit sa gawain ng iglesia, at talagang hindi ako nagkakaroon ng pakialam o sumusubok na tumulong kapag nakikita kong naaapektuhan ang mga interes ng iglesia. Labis ang pagiging makasarili ko at kawalan ng pakialam, at walang anupamang konsensya o katwiran! Sa katunayan, kahit na ginawa ko pa ang gawain na gampanin ko naman talaga at tinupad ang mga responsibilidad ko, ang lahat ng ginawa ko ay hindi para isagawa ang katotohanan, bigyang-kasiyahan ang Diyos, o tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, kundi para protektahan ang sarili kong reputasyon, katayuan, at personal na mga interes. Sa huli, hindi ako sasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ako magsisisi at magbabago, sa malao’t madali, tatanggihan at ititiwalag ako ng Diyos. Nang matanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos para sabihing nais kong magsisi.

Kalaunan, naisip ko ang tungkol sa ibinahagi ng Diyos tungkol sa mga responsibilidad ng mga lider. Ang isa sa mga ito ay, “Alamin ang mga kalagayan ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhang nananagot sa iba’t ibang mahahalagang trabaho, at dagliang ilipat o palitan sila kung kinakailangan, nang sa gayon ay maiwasan o malimitihan ang mga pinsalang bunga ng paglalagay ng mga tao sa hindi angkop na puwesto, at magarantiyahan ang mahusay at maayos na pag-usad ng gawain(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). May dalawa pang sipi ng salita ng Diyos na talagang umantig sa akin. Sabi ng Diyos, “Ang iba’t ibang superbisor at kawaning responsable sa mahalagang gawain: kung taglay nila ang realidad ng katotohanan, na maprinsipyo sila sa kanilang mga kilos, at kaya nilang gawin nang maayos ang gawain ng iglesia—kritikal ba ito, at napakahalaga? Kung nagtatamo ang mga lider at manggagawa ng tumpak na pagkaunawa sa sitwasyon ng mga pangunahing superbisor na namamahala sa iba’t ibang proyekto, at gumagawa sila ng angkop na mga pag-aakma ng mga tauhan, parang pagbabantay iyon sa bawat programa ng gawain. Katumbas ito ng pagtupad sa kanilang responsibilidad at tungkulin. Kung hindi tama ang pagkaka-ayos sa mga tauhang ito at nagkaroon ng problema, lubos na maaapektuhan ang gawain ng iglesia. Kung mabuti ang pagkatao ng mga tauhang ito, may pundasyon sila sa pananampalataya, responsable sila sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay, at nagagawa nilang hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, mas mapapadali ang mga bagay-bagay kapag sila ang pinamahala sa gawain. Ang mahalaga ay na makakasulong nang maayos ang gawain. Pero kung hindi maaasahan ang mga superbisor ng mga grupo, at masama ang kanilang pagkatao at hindi maganda ang pag-uugali, at hindi nila isinasagawa ang katotohanan—at, bukod pa riyan, malamang na magsanhi sila ng mga kaguluhan—magkakaroon ito ng negatibong epekto sa gawain na kanilang pananagutan at sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid na kanilang pinamumunuan. Siyempre pa, ang epektong iyon ay maaaring malaki o maliit. Kung hindi seryoso o pabaya lamang ang mga superbisor sa kanilang mga obligasyon, maaari itong magsanhi ng mga pagkaantala sa gawain; medyo babagal ang pagsulong, at medyo di-gaanong maayos ang gawain. Gayunman, kung sila ay anticristo, malubha ang problema: Ang problema ay hindi dahil sa medyo hindi maayos at hindi mabisa ang gawain—magagambala at masisira nila ang lahat ng gawaing pinananagutan nila. Kaya nga, ang pananatiling alam ang katayuan ng superbisor ng bawat proyekto at iba pang mahahalagang tauhan, at paggawa ng mga pag-aakma at pagtatanggal sa oras, ay hindi isang obligasyon na maaaring iisantabi ng mga lider at manggagawa—ito ay gawaing lubhang seryoso at mahalaga. Kung patuloy na aalamin ng mga lider at manggagawa ang personalidad ng iba’t ibang superbisor at pangunahing tauhan, at ang kanilang saloobin sa katotohanan, gayundin ang kanilang kalagayan at mga pagpapamalas sa bawat yugto at agad nilang maiaakma o malulutas ang mga bagay na ito ayon sa sitwasyon, maaaring tuluy-tuloy na umusad ang gawain. Sa kabilang dako, kung naghuhuramentado ang mga taong ito at hindi gumagawa ng tunay na gawain sa mga iglesia, at hindi maagap ang mga lider at manggagawa sa pagtukoy rito at paggawa ng mga pag-aakma, kundi naghihintay hanggang sa umusbong ang lahat ng uri ng mabibigat na problema, na nagdudulot ng malalaking kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos, bago lutasin ang mga iyon at bago kaswal na magsikap na gumawa ng mga pag-aakma, at itama at iligtas ang sitwasyon, kung gayon ang mga lider at manggagawa na iyon ay mga walang silbi. Sila ay tunay na mga huwad na lider na dapat palitan at palayasin(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). “Ang mga huwad na lider ay hindi kailanman inaalam sa sarili nila o sinusubaybayan ang estado ng gawain ng mga superbisor ng grupo, ni hindi nila inaalam sa kanilang sarili, sinusubaybayan, o tinatangkang maintindihan ang sitwasyon hinggil sa pagpasok sa buhay, gayundin ang saloobin sa gawain at tungkulin at ang saloobin sa paniniwala sa Diyos, sa katotohanan, at sa Diyos, ng mga superbisor ng grupo at mga kawaning responsable sa mahalagang gawain; hindi inaalam ng mga huwad na lider sa kanilang sarili ang tungkol sa kanilang mga pagbabago, ang kanilang progreso, o ang iba-ibang isyung lumilitaw habang nasa kanilang gawain, lalo na pagdating sa epekto, sa gawain ng iglesia at sa mga hinirang ng Diyos, ng mga pagkakamali at paglihis na naganap sa iba’t ibang yugto ng gawain. Walang alam ang mga huwad na lider tungkol sa kung nalutas na ba ang mga pagkakamali at paglihis na ito. Dahil wala silang alam tungkol sa mga detalyeng ito, wala silang ginagawa kapag may lumilitaw na mga problema. Gayunpaman, kapag gumagawa ang mga huwad na lider, wala talaga silang pakialam sa mga detalyeng ito. Isinasaayos lamang nila ang mga tagapangasiwa ng grupo, at pagkatapos ay ipinapalagay nila na tapos na ang kanilang tungkulin matapos ipasa ang gawain. Naniniwala sila na pagkatapos nito, tapos na ang trabaho nila, at anumang sumunod na mga problema ay walang kinalaman sa kanila. Dahil ang mga huwad na lider ay hindi pinangangasiwaan, ginagabayan, at sinusubaybayan ang mga tagapangasiwa ng bawat grupo, dahil hindi nila tinutupad ang kanilang mga responsibilidad sa mga aspetong ito, nasisira ang gawain. Ito ang ibig sabihin ng pagpapabaya bilang isang lider o manggagawa. Tinitingnan ng Diyos ang kaloob-looban ng tao; walang ganitong kakayahan ang mga tao, kaya kapag gumagawa sila, kailangan nilang maging mas masipag, at dapat mas magtuon ng pansin, at dapat pumunta nang madalas sa kung saan isinasakatuparan ang gawain upang siyasatin ang mga bagay-bagay, at mangasiwa, at magbigay ng gabay, dahil sa gayon lamang sila makakasiguro na normal na umuusad ang gawain ng iglesia. Malinaw na iresponsable ang mga huwad na lider sa kanilang gawain. Iresponsable sila sa simula pa lang, kapag isinasaayos nila ang gawain. Hindi sila kailanman nangangasiwa, sumusubaybay, at nag-aalok ng patnubay. Dahil dito, nananatili sa kanilang mga tungkulin bilang superbisor ang ilang superbisor na hindi nagagawang lutasin ang iba’t ibang problema kapag lumilitaw ang mga ito at wala lang talagang kakayahang magtagumpay sa kanilang gawain. Sa huli, paulit-ulit na naaantala ang gawain, nananatiling hindi nalulutas ang lahat ng uri ng problema, at nasisira ang gawain. Ito ang resulta ng kabiguan ng mga huwad na lider na maunawaan, mapangasiwaan, at masubaybayan ang mga superbisor. Lubos itong sanhi ng kapabayaan sa tungkulin ng mga huwad na lider. Patungkol sa kung ginagawa ba nang maayos ng mga superbisor ang kanilang trabaho at kung nakagawa ba sila ng aktwal na gawain, dahil ang mga huwad na lider ay hindi nagsisiyasat, hindi inaalam kadalasan kung ano ang nangyayari, at hindi naiintindihan ang kasalukuyang sitwasyon, wala silang alam kung gaano kahusay gumawa ang mga superbisor, ano ang nagagawa nilang progreso, at kung gumagawa sila ng praktikal na gawain o basta sumisigaw ng mga mantra at gumagamit ng ilang mababaw na kababalaghan para makitungo sa Itaas nang hindi nag-iisip. Kapag natanong tungkol sa gawain ng ilang superbisor at kung anong partikular na gawain ang ginagawa nila, ang sagot nila, ‘Hindi ko alam, ano’t anuman, dumadalo sila sa bawat pulong, at tuwing kakausapin ko sila tungkol sa gawain, hindi nila sinasabi na may anumang mga problema o suliranin.’ Ito ang lawak ng kaalaman ng mga huwad na lider; mali ang paniniwala nila na basta’t hindi nagpabaya ang superbisor sa kanyang mga responsibilidad at palaging nariyan, walang mga problema sa superbisor na ito. Ganito gumawa ang mga huwad na lider. Tanda ba ito ng pagiging huwad? Nabibigo ba sila o hindi sa pagtupad sa kanilang responsibilidad? Ito ay isang malaking kapabayaan sa tungkulin(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na ang isa sa mga pangunahing tungkulin ng mga lider at manggagawa ay ang magtalaga ng tamang tao para mamahala sa bawat proyekto, dahil kapag tamang tao ang namamahala saka lamang maaaring umusad nang maayos ang bawat proyekto. Ito ang ibig sabihin ng pagtupad ng isang tao sa responsibilidad at tungkulin niya. Kung ang taong namamahala ay mahina ang kakayahan, hindi makagawa ng praktikal na gawain o makalutas ng praktikal na mga problema, o kung siya ay may ilang kakayahan pero pinababayaan ang mga tungkulin niya, hindi tinatahak ang tamang landas, o hindi maayos na ginagampanan ang kanyang mga tungkulin, mahahadlangan nito ang gawain ng iglesia, at maaapektuhan din ang mga kapatid na saklaw ng kanyang responsibilidad. Kung ang taong namamahala ay masamang tao o isang anticristo at hindi kaagad napalitan, sa huli ay malalang pang-aabala at pinsala lamang ang idudulot niya sa gawain ng iglesia, o baka lubusan pang maparalisa ang gawain. Kaya, matapos mapili ng mga lider at manggagawa ang mga taong mamamahala, dapat nilang regular na kumustahin at pangasiwaan ang gawain ng mga ito, alamin ang mga paglihis at problema sa mga tungkulin ng mga ito at mag-alok kaagad ng pagbabahagi tungkol sa mga prinsipyo ng katotohanan at tulungan ang mga itong malutas ang mga problemang ito, para mabawasan ang epekto sa gawain dahil sa mga paglihis at problema. Ang mga taong namamahala na hindi naaangkop ay dapat ding malipat o matanggal kaagad para matiyak na ang gawain ay normal na makapagpapatuloy. Ito ang responsibilidad ng isang lider. Kung maghihintay ang lider hanggang sa tapos nang magdulot ng malaking pinsala sa gawain ang hindi naaangkop na taong namamahala bago niya tanggalin ito, kapabayaan iyon sa kanyang tungkulin. Nang maisip ito, napagtanto ko na kahit na hindi ako direktang responsable sa gawain ni Brody, bilang isang lider ng iglesia, dahil iniulat sa akin ng mga kapatid ko ang mga problema tungkol sa kanya, responsibilidad kong magsiyasat at mangumusta para maprotektahan ang gawain ng iglesia. Gayunman, pinanatili ko ang isang iresponsableng saloobin at binalewala ang sitwasyon, na umantala sa paglutas ng problema at naging sanhi para maapektuhan ang gawain. Hindi ba’t ito mismo ang ugali ng isang huwad na lider? Kasabay nito, inalala ko si Pam. Siya dati ang namamahala sa gawain ni Brody at palaging nakikipag-ugnayan sa kanya. Sa panahong iyon, ipinaalala ko sa kanya nang ilang beses na may mga problema kay Brody. Pero siniyasat ba niya ang sitwasyon ni Brody? Kung ginawa niya ito, nakita niya sana na hindi naaangkop si Brody na maging lider ng grupo, kaya bakit hindi niya ito pinalitan? Kung alam niya na may mga problema kay Brody at hindi niya pinalitan ito, hindi ba’t isa siya sa mga huwad na lider na ibinunyag ng Diyos? Kaya, tinanong ko si Pam tungkol sa sitwasyon. Pero sinabi niyang wala siyang pagkakilala kay Brody, at nang paalalahanan ko siya noon, hindi niya ito sineryoso, ni hindi niya siniyasat nang detalyado ang paggawa ni Brody. Napagtanto ko na si Pam ay lubos na walang responsibilidad sa pagtupad sa kanyang tungkulin, ni hindi siya lumutas ng anumang praktikal na mga problema. Malalang kapabayaan ito. Sa panahong ito ako pinadalhan ng mga lider ko ng dalawang pagsusuri kay Pam mula sa isang brother at isang sister. Iniulat nila na ginampanan niya ang kanyang mga tungkulin nang walang anumang pakiramdam ng pasanin, na kung minsa’y nakakatulog siya sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid, at hindi niya kinukumusta ang gawain sa tamang panahon, na seryosong nakaapekto sa pagsulong ng gawain. Nang lumitaw ang mga problemang ito, hindi siya nagnilay sa kanyang sarili. Matapos basahin ang mga pagsusuring ito, mas nadama kong isang huwad na lider si Pam. Alam kong ako’y naging makasarili, kasuklam-suklam, at iresponsable pagdating sa sitwasyon ni Brody, at ang kabiguan kong tanggalin siya kaagad ay nagdulot ng mga pagkaantala sa paggawa ng video. Ngayong kitang-kita na ang mga problema kay Pam, hindi ko na maaaring balewalain ang usapin.

Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Anumang tungkulin ang iyong ginagampanan, kapag iginigiit mong kumilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, saka mo lamang tunay na matutupad ang iyong responsibilidad. Ang paggawa nang wala sa loob ayon sa paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay-bagay ay ang pagiging walang interes at walang ingat; ang pagsunod lamang sa mga prinsipyo ng katotohanan ang maayos na pagganap sa iyong tungkulin at pagtupad sa iyong responsibilidad. At kapag tinutupad mo ang iyong responsibilidad, hindi ba ito pagpapamalas ng katapatan? Ito ang pagpapamalas ng katapatan sa iyong tungkulin. Kapag mayroon ka ng ganitong pakiramdam ng responsibilidad, at ganitong kagustuhan at hangarin, kapag nasumpungan sa iyo ang pagpapamalas ng katapatan sa iyong tungkulin, saka ka lamang papaboran ng Diyos, at titingnan ka nang may pagsang-ayon. Kung ni hindi mo taglay ang ganitong pakiramdam ng responsibilidad, ituturing ka ng Diyos na isang batugan, isang hangal, at kasusuklaman ka. Sa pananaw ng tao, ang ibig sabihin nito ay hindi ka iginagalang, hindi ka sineseryoso, at mababa ang tingin sa iyo(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Ang mga may seryoso at responsableng saloobin lamang sa kanilang tungkulin, na masigasig na ginagampanan ang kanilang tungkulin, ang masasabing tinatrato nang tapat ang kanilang mga tungkulin at mapagkakatiwalaan. Naglilingkod ang ilang tao bilang mga lider pero hindi sila gumagawa ng praktikal na gawain, iresponsable sila sa lahat ng kanilang ginagawa, hindi maingat kumilos, at tamad. Ang ganitong mga tao ay hindi lamang masama ang pagkatao, kundi wala ring kredibilidad. Lubos silang hindi mapagkakatiwalaan, at kinasusuklaman ng Diyos ang ganitong mga tao. Mula sa mga salita ng Diyos, nakakita rin ako ng isang landas ng pagsasagawa. Kapag nahaharap sa iba’t ibang problema sa gawain ng iglesia, dapat kong harapin agad ang mga ito ayon sa mga prinsipyo, at aktibong tuparin ang aking mga responsibilidad at tungkulin. Nakaayon ito sa kalooban ng Diyos. Kamakailan lamang, iniulat ng mga kapatid na hindi gumagawa ng praktikal na gawain si Pam. Kung totoo ito, hindi lamang maaapektuhan ang pagsulong ng gawain kung mananatili siyang lider, mapipinsala rin nito ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid ko. Kailangan kong malaman kaagad ang tungkol sa karaniwang pagganap ni Pam sa kanyang mga tungkulin, at suriin kung kwalipikado nga ba siya na maging isang lider batay sa mga prinsipyo. Kaya, humayo ako para talakayin ang usapin sa mga lider ko, na nagkataong nalaman din ang tungkol sa mga pag-uugali ni Pam. Sama-sama naming bineripika ang mga ulat, at nagpasyang ang mga ulat tungkol sa kanyang mga problema ay totoo. Si Pam ay isang huwad na lider na palaging hindi gumagawa ng praktikal na gawain, kaya tinanggal namin siya noong araw ring iyon. Matapos magsagawa sa ganitong paraan, nakadama ako ng bukod-tanging kaginhawahan.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nakita ko na ako ay naging napakamakasarili. Hindi ako kaisang puso ng Diyos sa aking mga tungkulin, isinaalang-alang ko ang sarili kong mga interes sa lahat ng bagay, at napakalayo pa rin bago ko matugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Kung wala ang paghahayag ng salita ng Diyos at ang nailantad ng mga katunayan, hinding-hindi ko sana natanto ang mga kapintasan at pagkukulang ko, ni hinding-hindi sana ako nagkaroon ng pagsisisi at pagbabago. Kasabay nito, naunawaan ko rin na kung tayo ay responsable at tapat sa ating mga tungkulin at pinoprotektahan ang mga interes ng iglesia, saka lamang masasabing mayroon tayong konsensya at pagkatao, at sa gayo’y magtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at sa ganitong paraan lamang tayo makakadama ng tunay na kapayapaan at kagalakan. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Ngayon ko lamang ito napagtanto, bagama't may oras na liliwanagan ng Diyos ang bawat tao, ito ay totoo, may prinsipyo sa likod ng gawain ng Banal na Espiritu sa tao. Ang tao mismo ay dapat na magkaroon ng nagnanasang, naghahanap na puso upang maging positibo at aktibong makasama sa gawain ang Diyos. Pagkatapos lamang magagawa ng Banal na Espiritu na kumilos sa tao at liwanagin at palinawin ang pag-unawa ng tao sa kalooban ng Diyos, upang maunawaan nila ang katotohanan sa Kanyang mga salita.