May Paraan upang Lutasin ang Kayabangan

Agosto 29, 2019

Xiaochen Lunsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Nakamamatay na kahinaan ko ang kayabangan. Madalas ko dating ipakita ang aking mayabang na disposisyon, laging iniisip na mas mahusay ako kaysa sa ibang tao. Lalo na nang inayos ko ang mga artikulo o nakipag-usap ako sa aking kasosyo tungkol sa trabaho, lagi akong mayabang at hindi nakikinig nang may pagpapakumbaba sa ibang mga opinyon. Ang kawalan ko ng kakayahang makipagtulungan nang may pagkakasundo sa mga kasosyo ko ang madalas magdulot ng mga problema sa trabaho. Kinausap ako ng mga kapatid tungkol sa usaping ito nang maraming beses, at madalas din akong nagbabasa tungkol sa paglalantad ng Diyos sa mayabang na kalikasan ng mga tao. Pero dahil hindi ko pa nakakamit ang tunay na pagkakaunawa sa sarili kong kalikasan at diwa at hindi ko rin tunay na makamuhian ito, nawawalan ako ng kontrol tuwing mahaharap ako sa naaayong kapaligiran. Pagkaraan, makararamdam din ako ng pagkainis, pero dahil hindi na ito maibabalik, ang tangi ko na lang magagawa ay patuloy na subukang unawain ito. Kaya nangyari ito nang paulit-ulit. Pakiramdam ko ay lubos akong napapahiya at walang magawa.

Nakita ko minsan ang sumusunod na mga salita ng Diyos habang isinasagawa ang espiritwal na debosyon: “Paano mo dapat lutasin ang iyong pantaong kalikasan? Una, dapat mong kilalanin ang kalikasang ito at dapat mo ring maunawaan kapwa ang salita at ang kalooban ng Diyos. Paano, kung gayon, iyong natitiyak, sa pinakamalawak, na iniiwasan mong makagawa ng maling mga gawain at ginagawa lamang yaong umaayon sa katotohanan? Kung nais mong magkaroon ng pagbabago, kung gayon dapat mong pakaisiping mabuti ito. Kaugnay sa iyong may-kapintasang kalikasan, kung anong mga uri ng tiwaling disposisyon ang taglay mo at aling mga uri ng mga kilos ang kaya mo, anong paglapit ang magagamit at paano maaaring isagawa ito upang makontrol ito—ang mga ito ang napakahalagang mga katanungan. … Mabilis magalit si Lin Zexu. Batay sa kanyang sariling kahinaan, isinulat niya ang isang kasabihan sa kanyang silid: ‘Pigilan Mo Ang Iyong Galit.’ Ito ay isang pamamaraan ng tao, nguni’t, ito ay tunay na mabisa. Ang bawa’t indibidwal ay may sariling mga prinsipyong susundin, kaya dapat ka ring magtakda ng mga prinsipyo batay sa sarili mong kalikasan. Kinakailangan ang mga prinsipyong ito, at imposibleng mawala ang mga ito. Ito rin ang dapat mong maging kasabihan sa paniniwala sa Diyos at alituntunin ng iyong pag-uugali(“Pagsasagawa ng Katotohanan at Paglutas sa Kalikasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng landas na puwede ko agad tahakin. Naunawaan ko: Para mabago ang suwail na disposisyon, sa isang banda dapat madalas mong kainin at inumin ang mga salita tungkol sa paglalantad ng Diyos sa tiwaling diwa ng tao, at sa kabilang banda kailangan mong tumutok sa isang kasabihan sa pagkontrol ng iyong kalikasan para namamalayan mong makontrol ang mga pagbubunyag tungkol sa iyong kalikasan at kung gayon talikuran ang iyong sarili sa pagsasagawa ng katotohanan. Kung gayon, alinsunod sa mga aspeto ng aking katiwalian tulad ng mayabang na kalikasan ko, pagmamalaki sa kawastuhan ng sarili, at pagtangging pakinggan ang mga opinyon ng mga kasosyo, nakabuo ako ng kasabihan: “Paaano maaaring ipagmalaki ng isang bunton ng tae ang baho nito?” Tuwing makikipag-usap ako sa isang tanong sa mga kasosyo ko, gagamitin ko muna ang kasabihang ito para bigyang-babala ang sarili ko, matibay na inaalalang tae ang diwa ko at nababalutan ng alingasaw ang buong katawan ko. Inaalala ko rin kung paano ako nagdulot ng masyadong maraming problema para sa trabaho dahil sa kayabangan at pagkamakasarili ko, at walang anumang dapat ipagyabang. Sa gayong paraan, hindi ko sasabihing talagang lagi akong tama, at magbibigay din ito sa akin ng salingsing ng pusong naghahanap, ginagawa akong may kagustuhang magpakumbaba at pakinggan ang mga opinyon ng iba. Minsan gusto ko pa ring pabulaanan ang mga pananaw ng iba, pero sa sandaling maisip ko ang kasabihan, namamalayan kong talikuran ang sarili at isagawa sa katotohanan ng may pagkakasundongpakikipagtulungan.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagugulat kong natuklasan na, nang magpakumbaba ako, nakatatanggap ako ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu mula sa pakikipag-usap sa mga kasosyo ko, at nakikita ang ilang kakatwang mga aspeto sa pagtanggap ko ng katotohanan. Kasabay nito, natuklasan ko rin ang ilang mga kalakasan ng ibang tao, at may kagustuhan akong lumapit sa mga ito at punan ang sarili ko. Hindi ko rin iniisip na mas mahusay ako kaysa sa ibang tao sa lahat ng bagay at ibinababa ko rin ang aking mapagmataas na kaisipan. Hindi na kasingsakit tulad ng dati ang pakiramdam ng pagtalikod sa aking sarili, at naramdaman ko sa puso na ang pagpapakumbaba ng aking sarili at pagpapakumbaba sa pakikinig sa opinyon ng mga kasosyo ko ay medyo nakatutuwa, nakikinabang hindi lang sa pagsulong ng sarili kong buhay kundi napapahusay din ang mga resulta ng gawain namin sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga pagkukulang ng isa’t isa at pagkakaisa.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, natikman ko ang tamis ng pagsasagawa ng katotohanan at nakitang ang pagbuo ng isang kasabihan ay nagagawa ang sarili na may malay na kontrolin ang mga pagbubunyag ng aking katiwalian, hindi lamang binabawasan ang aking mga paglabag kundi nagkakaroon ng mas maraming pagkakataon na maunawaan ang katotohanan. Kasabay nito, napagtanto ko rin na ang nakalipas na mga pagbubunyag ng mayabang na kalikasan ko ay sobrang pangit at nakakasuka. Salamat sa Diyos sa paggabay sa akin para malaman ang mga bagay na ito. Mula ngayon, bubuo ako ng katugmang mga kasabihan sa iba’t ibang aspeto ng aking katiwalian at pigilan ang aking sarili upang maaari kong isagawa ang katotohahan. Madalas ko ring babasahin ang salita ng Diyos para malaman ang diwa ng sarili kong kalikasan pang magawa kong tunay na kamuhian ang aking sarili at matanggal ang katiwalian sa lalong madaling panahon upang bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman