Mag-ingat! Nasa Paligid Mo ang mga Anticristo!
Noong Marso 2021, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Marami akong nabasang salita ng Makapangyarihang Diyos, madalas akong nakipagtipon sa mga kapatid, at ‘di nagtagal, naging lider ako ng grupo. Sa iglesia, nakilala ko si Claudia. Sinabi niya sa’kin na isa’t kalahating taon na siyang nananalig sa Makapangyarihang Diyos, na ngayon ay siya ang diyakono ng pagdidilig at namamahala sa maraming grupo ng pagtitipon, at marunong siyang magdilig at sumuporta nang mabuti sa mga kapatid. Napakamagiliw rin niya sa akin. Binabati niya ako araw-araw at binabahaginan ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya tuwang-tuwa ako, at pakiramdam ko’y may malasakit siya sa’kin. Sinabi rin niya sa’kin na dahil sandali pa lang ako nananalig sa Diyos, hindi ko kayang maging lider ng grupo nang mag-isa, na kung hindi ko nauunawaan ang salita ng Diyos, malamang na magkakamali ako, kaya hiniling niya sa akin na ipaalam sa kanya ang tungkol sa bawat pagtitipon. Nang marinig kong sinabi niya ‘yon, labis akong nag-alala. Natakot ako na baka magkamali ako, kaya sa tuwing nagho-host ako ng pagtitipon, ipinapaalam ko sa kanya. Naisip kong mahusay siyang makipagbahaginan at kailangan ko ang tulong niya, dahil hindi ko ito kayang gawin nang mag-isa. Minsan, susuportahan ko sana ang isang sister na hindi regular na dumadalo, at sinabi sa akin ni Claudia, “Kakasimula mo lang manalig at hindi mo alam ang mga bagay-bagay. Hindi mo kayang suportahan ang baguhan nang mag-isa. Lagi akong nandito para suportahan at gabayan ka.” Gusto rin daw niya akong turuan pa. Akala ko’y napakabuting sister niya dahil tinutulungan niya ako tuwing nagkakaproblema ako.
Kalaunan, kinailangan ng iglesia na maghalal ng mga bagong lider at diyakono. Bago ang halalan, sinabi sa akin ni Claudia, “Hindi nakikipagbahaginan nang maayos sa mga pagtitipon ang nakatataas na lider. Kailangan nating manindigan para tutulan at labanan siya. Hindi natin siya pwedeng hayaang manatiling lider. Kung makikita mong hindi niya ginagawang mabuti ang isang bagay, nangangahulugan iyon na isa siyang huwad. Kapag natuklasan mo ang mga bagay na ito, kailangan mong sabihin sa akin. Kung hindi mo sasabihin sa akin, pinagtataksilan mo ang Diyos.” Sabi ko, “Sa palagay ko ay wala namang mali sa lider. Hindi ko magagawa ang hinihiling mo. Hindi ko masasabi ang hindi ko alam.” Idinagdag niya, “Isa’t kalahating taon na akong nagtatrabaho sa iglesia, at marunong akong mamuno, pero kahit kailan hindi ako pinili ng nakatataas na lider na mamuno. Kailangan mong tutulan ang halalan nila. Iyan lang talaga ang paraan na maaari kang mahalal bilang lider.” Pakiramdam ko’y mali siya. Hindi pwedeng basta na lang maging lider ang mga tao kung gusto nila. Ang lahat ng lider ay inihahalal ng mga kapatid batay sa mga prinsipyo, at mapili man tayo o hindi na mamuno, dapat sumunod tayong lahat sa mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi nagtagal, nahalal ako bilang diyakono. Galit na galit si Claudia nang malaman niya ito, at sinimulan niyang sabihin na nagkamali ang mga lider. Sinabi rin niya, “Baguhan ka, at wala ka pang alam. Paano ka nila hinayaang maging diyakono?” Pagkarinig ko sa sinabi niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong tanggihan ang tungkulin, pero nag-alala akong hindi ko ‘yun magagawa nang maayos. Labis akong naguluhan.
Kalaunan, dinala ni Claudia ang mga diyakono ng iglesia, mga lider ng grupo, at ako, sa isang grupo. Mga isang dosenang tao lahat-lahat ang nandoon, at hiniling niya sa amin na huwag na huwag sasabihin sa mga lider. Tinanong ko siya kung bakit, at sinabi niya, “Itinatag ko ang grupong ito para turuan kayong lahat. Kaya ko kayong gabayan para higit n’yong maunawaan ang katotohanan at matutulungan ko kayong magampanan nang mas mabuti ang inyong mga tungkulin. Ang grupong ito ay walang kinalaman sa mga lider. Ginagawa ko ito para sa ikabubuti ninyo.” Nung panahong iyon, akala ko ay napakabait ni Claudia, at na palagi siyang masigasig na tulungan kami. Naisip ko, “Sige, dahil para ito sa ikabubuti namin, ayos lang na huwag sabihin sa mga lider.” Kalaunan, sinabi ni Claudia sa grupong iyon na masama ang mga lider, na hindi nila alam kung paano gawin ang kanilang trabaho, na silang lahat ay huwad na lider, na kailangan naming makakilala, at iba pa. Hindi ko inisip na totoo ang sinabi niya. Mapagmahal ang mga lider namin, at tinutulungan nila kaming maunawaan ang mga salita ng Diyos at gawin ang aming mga tungkulin. Hindi tama ang sinabi niya tungkol sa mga lider namin. No’ng panahong ‘yon, pinabulaanan siya ng isang brother, sinasabing, “Hindi totoo ang sinabi mo, at maling sabihin ito.” Pero nagalit nang husto si Claudia pagkatapos itong marinig, at nakipagtalo sa brother na ito. Pagkatapos nun, umalis sa grupo ang brother kasama ang isa pang sister. Kalaunan, pinuntahan ko si Claudia, at sinabi ko, “Mali na pinuna mo ang mga lider sa likod nila. Nung tinukoy ito ng brother sa iyo, bakit ka nagalit? Bakit ka nakipagtalo sa kanya?” Hindi lang ito hindi tinanggap ni Claudia, galit na galit din siya. Kalaunan, umalis na rin ako sa grupo.
Hinding-hindi ko inasahan na sa bawat pagpupulong ng mga magkakatrabaho ay pupunahin niya ang mga problema ng mga lider. Sa isang pulong ng mga magkakatrabaho, kinumbinsi niya ang isang diyakono na magpadala ng mensahe sa grupo na nagsasabing hindi gumagawa nang mabuting trabaho ang lider ng iglesia na si Noelia, na hindi nito nilulutas ang mga problema ng mga kapatid o nililinang ang mga lider ng grupo, at na dapat itong magbitiw at ipaubaya ang posisyon sa iba. Sinabi ng nakatataas na lider, “Nabigong gumawa ng ilang gawain si Noelia dahil nagkasakit siya kamakailan, pero kadalasan ay napakaresponsable niya sa kanyang tungkulin.” Pero kahit na narinig ito ni Claudia, hindi niya ito mapalampas, sinasabing, “Siya ang lider, kaya kailangan niyang mas magsikap kaysa sa amin.” Pagkatapos ay nagpadala siya ng mensahe na nagsasabing, “Ipinagtatanggol ko ang gawain ng iglesia. Noon, iwinasto ako ng lider dahil sa pagraraos lang ng gawain at hindi paggawa ng praktikal na gawain. Nasaktan ako nun, pero kilala ng Diyos ang puso ko, at malalantad ang lahat.” Kalaunan, palaging sinasabi ni Claudia na hindi maganda ang iglesia namin, na huwad ang mga lider namin, at na gusto niyang gawin ang kanyang tungkulin sa ibang iglesia. Sa mga pagtitipon, palagi kong nakikitang sinasabi niyang hindi ito maganda o hindi iyon tama, at dahil do’n, naging imposible para sa iba na pakalmahin ang kanilang sarili at pagnilayan ang salita ng Diyos. Pakiramdam ko ay talagang hindi ito maganda, at hindi ko gusto ang kapaligiran. Ang iglesia ay lugar dapat para sambahin ang Diyos, isang lugar kung saan nagtitipon ang mga kapatid para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, pero sa puntong ito, tuluyan na itong nasira. Gusto kong iulat ito sa lider, pero nag-alala ako na kapag nalaman ni Claudia, huhusgahan niya ako. at iisiping nagkakalat ako ng tsismis tungkol sa kanya. Ayokong mapasama ang loob ng kahit sino, kaya wala akong sinabi. Kalaunan, nilapitan na naman ako ni Claudia, sinasabing huwad ang mga lider ng iglesia at na kailangan naming manindigan laban sa kanila. Nung panahong ‘yun, wala akong pagkakilala, at hindi ko alam kung ano ang gagawin, kaya lubos akong nahirapan. Inilapit ko ang mga bagay na ito sa harap ng Diyos at nanalangin, hinihiling sa Diyos na pangunahan Niya ako. Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ibuhos ang lahat ng iyong pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan. Huwag magsikap na maging isang bagay sa harap ng ibang mga tao; hindi ba’t mas mahalaga at matimbang ang bigyan Ako ng kasiyahan? Sa pagbibigay ng kasiyahan sa Akin, hindi ka ba higit na magkakaroon ng walang-hanggan at panghabambuhay na kapayapaan at kaligayahan?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na. Nakita kong ginugulo ni Claudia ang buhay-iglesia, pero hindi ako nangahas na iulat ito, dahil masyado kong inaalala ang aking reputasyon at katayuan at natatakot akong mapasama ang loob ng mga tao. Pero, hindi ko kailanman naisip na kung hindi ko poprotektahan ang buhay-iglesia, tatayo ako sa panig ni Satanas, na isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Wala akong kapayapaan at kagalakan sa puso ko, puro pasakit at pagdurusa lang, lahat dahil hindi ko isinagawa ang katotohanan. Hindi ko na pwedeng protektahan ang mga ugnayan ko sa mga tao. Kailangan kong magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos at protektahan ang buhay-iglesia. Isang araw, tinanong ako ng nakatataas na lider kung ano ang tingin ko sa pag-uugali ni Claudia sa mga pagtitipon. Sabi ko, “Hindi tama ang ginawa niya. Hindi dapat nangyayari ang ganitong bagay sa iglesia.” Sinabi ko rin sa lider ang tungkol sa iba pang pag-uugali ni Claudia.
Kalaunan, nakipagbahaginan sa amin ang lider ng iglesia tungkol sa kung paano makakilala kay Claudia at binasa namin ang isang sipi ng salita ng Diyos. “Ang manlinlang at mangumbinsi ay magkatulad ang kahulugan, ngunit magkaiba ang diwa at mga pamamaraan. Ang manlinlang ay ang gumamit ng mga kathang-isip para iligaw ang mga tao at paniwalain sila na iyon ang katotohanan; ang mangumbinsi ay ang sadyang gumamit ng ilang pamamaraan at ipagawa sa mga tao ang sinasabi ng isang tao at pasunurin sila sa landas niya, at medyo halata ang motibasyong ito. Ang manlinlang at mangumbinsi ay ang gumamit ng tamang pananalita upang dayain ang mga tao. Iyon ay ang magsabi ng mga bagay na nadarama ng mga tao na lubos na tama at na madali para sa kanila na tanggapin, na nagiging dahilan para maniwala sila sa nagsasalita at sundin siya nang hindi nila nalalaman, at papilahin sila na kasama siya, pagkatapos niyon ay nagiging barkada sila ng kanyang mga tauhan. Iyon ay para akitin ang mga tao mula sa tamang grupo tungo sa sariling kampo ng isang tao. Sa madaling salita, kung tinatanggap ng mga tao ang gayong pamamaraan ng isang anticristo, unti-unti nilang paniniwalaan at susundan ang anticristo, at mula roon, tatanggapin at susundin nila ang anumang sabihin ng anticristo. Hindi nila namamalayan, unti-unti na silang susunod sa likod ng anticristo. Hindi ba sila naloko? Ang ilang anticristo ay kadalasang gumagamit ng ilang pamamaraan sa pakikipag-usap sa mga tao at sa kanilang pananalita, upang makamtan ang kanilang pakay na linlangin ang mga tao at kumbinsihin ang mga ito. Humahantong ito sa pagkakaroon ng mga pangkat, paksyon, at tribu sa iglesia. … Sa ganitong paraan, nililinlang ng isang anticristo ang mga tao at kinukumbinsi sila nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, lumilikha ng mga pangkat at paksyon. Ginagamit niya ang mga pamamaraang ito para hati-hatiin at kontrolin ang iglesia. Ano ang kanyang mithiin sa paggawa nito? (Para bumuo ng isang nagsasariling kaharian.) Ano ang diwa ng pagbubuo ng isang nagsasariling kaharian? Iyon ay para salungatin ng isang tao si Cristo, puwersahang pangibabawan ang mga taong hinirang ng Diyos, at kontrahin ang Diyos. Hindi ba pagtatangka itong makipagpaligsahan sa Diyos? (Oo.) Tama, gayon nga” (“Nililito, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Ginamit ng lider ang mga salita ng Diyos sa pakikipagbahaginan sa amin tungkol sa pag-uugali ni Claudia, sinasabing madalas na nagpapatotoo si Claudia sa harap ng iba na isa siyang nakakaunawa ng maraming katotohanan at kaya niyang gawin ang gawain ng mga lider at diyakono, na dahilan kaya maraming baguhan ang nalinlang niya, sinasamba siya, at nakikipagtalo na hindi makatarungan na hindi pa siya ginagawang lider. Sa katunayan, nung panahong diyakono siya, palagi niyang iniraraos lang ang gawain, hindi siya kailanman gumawa ng praktikal na gawain, at marami sa mga baguhang dinidiligan niya ay hindi regular na dumadalo. Matapos makipagbahaginan sa kanya ng nakatataas na lider tungkol sa kanyang mga problema, bukod sa hindi siya nagnilay sa sarili, sinabi rin niyang hindi siya patas na tinrato at na kilala ng Diyos ang puso niya. Isa pa, madalas siyang makipagkumpitensya para sa katanyagan at pakinabang sa iglesia. Nung hindi siya pinili ng iglesia bilang lider, sinimulan niyang ipagkalat na ang mga nahalal na lider ay walang karanasan at hindi kaya ang gawain. Ibinahagi sa kanya ng nakatataas na lider ang mga prinsipyo sa paghalal ng mga lider, sinasabi na ang mga pinipili ay ang mga taong may mabubuting pagkatao na naghahangad ng katotohanan, hindi lamang ang mga may pinakamaraming karanasan sa gawain, pero hindi man lang niya ito tinanggap, at palihim pa nga siyang nagtayo ng grupo. Dito, pinagsama-sama niya ang lahat ng malapit sa kanya, kung saan patago niyang sinabi na hindi kayang magsaayos ng gawain ang nakatataas na lider at nag-udyok ng hidwaan sa pagitan ng lider at ng mga kapatid. Kinumbinsi pa nga niya ang ilang diyakono na atakihin ang mga bagong lider at sabihing dapat silang bumaba sa puwesto. Ginulo niya ang iglesia, para hindi maisakatuparan nang normal ang gawain nito. Si Claudia ay isang anticristo na sadyang ginugulo ang buhay-iglesia at hinahati ang iglesia. Sa sandaling panahon, nahirapan akong tanggapin ang sinabi ng lider. Hindi ako makapaniwala. Paanong naging anticristo si Claudia? Kadalasan, mukha siyang mabait, at laging masigasig na tumulong sa mga tao. Bagamat may mga nagawa siyang mali, hindi naman siya nito ginawang anticristo, ‘di ba? Hindi ba dapat bigyan siya ng isa pang pagkakataon para magsisi? Pagkatapos mag-isip nang ganito, nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako sa pag-unawa sa Kanyang kalooban at tulungan akong makilala si Claudia.
Matapos gamitin ng lider ko ang salita ng Diyos para magbahagi tungkol sa mga layunin at mithiin ng mga salita at kilos ng mga anticristo, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala kay Claudia. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang diwa ng pag-uugali ng mga anticristo ay ang patuloy na gumamit ng iba’t ibang mga diskarte at pamamaraan upang makamit ang kanilang mithiin na magkaroon ng katayuan, makuha ang suporta ng mga tao at pasunurin ang mga ito at ipagpitagan sila. Posibleng sa kaibuturan ng kanilang mga puso ay hindi nila sinasadyang makipag-agawan sa Diyos para sa sangkatauhan, ngunit isang bagay ang tiyak: Kahit na hindi sila nakikipag-agawan sa Diyos para sa mga tao, nais pa rin nilang magkaroon ng katayuan at kapangyarihan sa gitna nila. Kahit na dumating ang araw na mapagtanto nila na nakikipagkumpitensya sila sa Diyos para sa katayuan, at magpigil man sila ng kanilang sarili nang kaunti, gumagamit pa rin sila ng iba’t ibang pamamaraan upang hanapin ang katayuan at reputasyon; malinaw sa kanila sa mga puso nila na magkakamit sila ng lehitimong katayuan, sa pamamagitan ng pagkamit ng pagsang-ayon at paghanga ng iba. Sa madaling sabi, kahit na ang lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay lumilitaw na binubuo ng isang pagganap ng kanilang mga tungkulin, ang bunga nito ay ang linlangin ang mga tao, pasambahin sila at pasunurin sa kanila—kaya nga, ang pagganap sa kanilang tungkulin sa ganitong paraan ay pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili. Ang kanilang ambisyon na kontrolin ang mga tao—at makakuha ng katayuan at kapangyarihan sa iglesia—ay hindi kailanman magbabago. Ito ay walang pasubaling isang anticristo. Kahit ano pa ang sabihin o gawin ng Diyos, at kahit anong hinihingi Niya sa mga tao, hindi ginagawa ng mga anticristo ang dapat nilang gawin o ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa paraang angkop sa Kanyang mga salita at kinakailangan, ni hindi rin nila isinusuko ang kanilang paghahangad ng kapangyarihan at katayuan bilang resulta ng pagkaunawa sa Kanyang mga pagbigkas at sa kaunti ng kahulugan ng katotohanan. Nananatili pa rin ang kanilang ambisyon at mga pagnanasa, nananahan pa rin ang mga ito sa kanilang mga puso at kinokontrol ang kanilang buong pagkatao, pinangungunahan ang kanilang pag-uugali at saloobin, at itinatakda ang landas na kanilang tinatahak. Ito ay isang totoong anticristo” (“Nililito, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Ibinahagi ng lider na, “Mula sa mga salita ng Diyos na nagbubunyag sa mga anticristo, makikita natin na nananalig sila sa Diyos para sa katayuan at para matugunan ang kanilang pagnanais na magkaroon ng kapangyarihan. Para magkamit ng katayuan, madalas nilang itinataas at pinatototohanan ang kanilang sarili para tingalain at hangaan sila ng iba, o kung minsan ay bumubuo pa sila ng mga grupo at naghahasik ng hidwaan sa iglesia. Ngayon ay magagamit natin ang pag-uugali ng mga anticristo para magkaroon ng pagkakilala kay Claudia. Mula nang maging diyakono siya ng pagdidilig, lagi na niyang inaasam na maging lider. Para makuha ang pagsang-ayon ng mga kapatid, para piliin nila siya na maging lider, madalas niyang itinataas at pinatototohanan na matagal na siyang nananalig sa Diyos, nangunguna sa maraming grupo, may karanasan sa trabaho, at nauunawaan ang maraming katotohanan. Inatake rin niya ang mga bagong mananampalataya, sinasabing wala silang anumang naiintindihan, at sinabing kailangan nila ang kanyang tulong at suporta para magampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin, na naging dahilan kaya sinamba at sinunod siya ng mga tao. Nang makita niyang pumili ang iglesia ng mga taong mas bagong nananalig sa Diyos kaysa sa kanya bilang mga lider at diyakono, hindi siya nasiyahan. Nagpakalat siya ng mga akusasyon sa iglesia na sila ay mga huwad na lider, at hiniling sa lahat na tanggihan ang mga lider, suportahan siya, at makinig sa kanya, para maaari siyang mapili bilang lider. Hinimok din niya ang ilang tao na atakihin at kondenahin ang mga bagong halal na lider, na nagparamdam sa mga bagong halal na lider na napipigilan sila at nagiging negatibo. Ang iglesia ay isang lugar dapat para kumain at uminom ng salita ng Diyos at sumamba sa Diyos, pero naghasik ng hidwaan si Claudia at ginulo ang lahat, na nag-alis sa mga kapatid ng isang normal na buhay-iglesia. Ginamit niya ang anumang paraan para magkamit ng katayuan. Ang kanyang kalikasan at diwa ay talagang tuso at masama, at isa siyang anticristo na napopoot sa katotohanan at kalaban ng Diyos.” Matapos basahin ang mga salita ng Diyos at marinig ang pagbabahagi ng lider, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala kay Claudia. Akala ko noon na mabait siya, at na masigasig siya sa kanyang tungkulin at sa pagtulong sa mga tao. Akala ko ginagawa niya iyon para sa ikabubuti ng iglesia. Bagamat palagi niyang pinupuna ang mga lider sa likod nila, at madalas makipagtalo sa mga kapatid namin, Hindi ko matukoy ang mga layunin at pakay sa likod ng kanyang mga salita at kilos. Ngayon napagtanto ko na na ginagawa ni Claudia ang lahat ng ito alang-alang sa pagiging isang lider. Araw-araw niya akong binabati at pinapadalhan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi niya sa akin na ginawa niya ang kanyang tungkulin nang mahigit isang taon, na marami siyang alam na salita ng Diyos, at taglay niya ang gawain ng Banal na Espiritu. Sinabi rin niya na ang mga bagong halal na lider ay pawang huwad, pati na ang nakatataas na lider. Lahat ng sinabi at ginawa niya ay para itaas ang kanyang sarili at maliitin ang mga lider dahil gusto niyang piliin siya ng iba bilang lider. Palihim siyang bumuo ng isang grupo, inatake at hinusgahan ang mga lider, at hinimok ang lahat na tanggihan ang mga lider, at pagkatapos, kapag sinisisi siya ng iba sa pagsasabi ng isang bagay na hindi tama, bukod sa hindi niya ito tinatanggap o pinagsisisihan, walang patid din siyang nakikipagtalo sa kanila. Ngayon, malinaw ko nang nakikita na para magkamit ng katayuan, bumuo siya ng grupo, nag-udyok ng hidwaan sa mga lider, at sinubukang hatiin ang iglesia. Isa nga siyang anticristo.
Nagpatuloy ang lider, “Bilang tugon sa paggawa ni Claudia ng mga bagay na ito, maraming beses na nagbahagi ang nakatataas na lider tungkol sa mga nauugnay na prinsipyo ng katotohanan para tulungan siya, pero hindi man lang niya ito tinanggap. Sa halip, nagpatuloy siyang maghasik ng hidwaan sa iglesia, bumuo ng mga grupo, at lumikha ng pagkakahati, na lubhang nakagambala sa gawain ng iglesia.” Binasa sa amin ng lider ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Yaong mga kapatid na palaging nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo ay mga utusan ni Satanas, at ginugulo nila ang iglesia. Ang mga taong ito balang araw ay kailangang itiwalag at alisin. … Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang palalayasin sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong diyablong si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakaabala at nakakagambala sa gawain ng Diyos, nakakasama ito sa pagpasok ng mga kapatid sa buhay, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, ibinahagi ng lider na, “Malinaw na sinasabi sa atin ng salita ng Diyos na ang mga madalas nagkakalat ng pagkanegatibo, naghahasik ng hidwaan, at bumubuo ng mga grupo sa iglesia— nakakagawian na nilang manggambala, hindi sila kailanman gumaganap ng positibong papel, at tumatanggi silang magsisi. Lahat sila ay mga taong palalayasin ng Diyos, at lahat ay dapat alisin sa iglesia. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Tinatrato ng iglesia ang masasamang tao ayon sa mga prinsipyo. Ang ilang tao ay mayroon lamang tiwaling disposisyon, pero hindi sila masasamang tao sa diwa. Kaya nilang tanggapin ang katotohanan, at pagkatapos nilang gumawa ng masama, kaya nilang magsisi pagkatapos ng pagbabahaginan. Binibigyan ng iglesia ang gayong mga tao ng isa pang pagkakataon. Pero ang ilang tao ay likas na mapanira at hindi talaga tumatanggap ng katotohanan. Kinamumuhian nila ang sinumang nagbabahagi sa kanila tungkol sa katotohanan, at patuloy silang gumagawa ng kasamaan pagkatapos. Ang ipinapakita nila ay hindi panandaliang pagpapamalas ng katiwalian. Ang diwa nila ay pagkapoot sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Sila ay mga tunay na anticristo, at saanman sila matagpuan, inaalis sila.” Mula sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng lider, naunawaan ko na si Claudia ay laging naghahasik ng hidwaan sa pagitan ng mga kapatid, inaatake at hinuhusgahan ang mga lider, ginagambala ang buhay-iglesia, at hinihikayat ang mga kapatid na umalis sa iglesia at sumunod sa kanya, lahat ng ito ay ginawa siyang isang tunay na anticristo. Kulang ako sa pagkakilala noong una. Naisip ko, “Bakit hindi bigyan ng pagkakataon si Claudia na magsisi?” Sa katunayan, maraming beses na siyang nakatanggap ng pagbabahaginan at tulong at nabigyan na siya ng maraming pagkakataon, pero hindi pa rin niya tinanggap ang katotohanan at tumanggi siyang magsisi. Ang kanyang kalikasan ay ang pagkapoot sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Gaano man karaming pagkakataon ang ibigay sa kanya, hinding-hindi siya tunay na magsisisi, kaya kinakailangan siyang alisin. Nang matanto ko ito, hindi ko naiwasang mapaisip, “Paano ako nakakilala ng gayong tao no’ng kasisimula ko pa lang manalig sa Diyos? Bakit lumilitaw ang mga anticristo sa iglesia?”
Matapos kaming basahan ng lider ng dalawang sipi ng salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. “Kapag lumilitaw ang mga anticristo at ginagambala nila ang iglesia, mabuti ba o masama ang bagay na iyon? (Masama.) Paano iyon naging masama? Nagkamali ba ang Diyos? Hindi ba nagbantay nang husto ang Diyos, at pinayagang makapasok ang mga anticristo sa sambahayan ng Diyos? (Hindi naman.) Kung gayon ay ano ang nangyayari? (Inilalantad ng Diyos ang mga anticristo upang lumago ang ating pagkakilala, matuto tayo kung paano mahalata ang kanilang likas na pagkatao at diwa, hindi hayaang lokohin tayong muli ni Satanas, at magawa nating manindigan sa ating patotoo sa Diyos. Ito ang pagliligtas ng Diyos sa atin.) Palagi nating sinasabi kung gaano kasama, kalupit, at kamapanira si Satanas, na nayayamot at namumuhi si Satanas sa katotohanan. Nakikita mo ba ito? Nakikita mo ba kung ano ang ginagawa ni Satanas sa espirituwal na mundo? Kung paano ito nagsasalita at kumikilos, kung ano ang saloobin nito sa katotohanan at sa Diyos, kung saan nakalagak ang kasamaan nito—hindi mo nakikita ang anuman sa mga bagay na ito. Kaya, paano man namin sabihin na masama si Satanas, na nilalabanan nito ang Diyos, at na nayayamot ito sa katotohanan, sa iyong isipan, isang pahayag lamang ito. Wala itong tunay na larawan. Napakahungkag nito, at hindi ito praktikal; hindi ito maaaring magsilbing isang praktikal na sanggunian. Ngunit kapag nakaugnayan ng isang tao ang isang anticristo, nakikita niya nang medyo mas malinaw ang masama at malupit na disposisyon ni Satanas, at ang diwa nito na nayayamot sa katotohanan, at ang pagkaunawa niya kay Satanas ay medyo mas matalas at praktikal. Kung wala ang mga tunay na halimbawa at kaganapang ito na makakaugnayan at makikita ng mga tao, ang mga katotohanang nauunawaan ng mga tao ay magiging malabo, hungkag, at hindi praktikal. Ngunit kapag tunay na nakakaugnayan ng mga tao ang mga anticristo at masasamang taong ito, nakikita nila kung paano gumagawa ng masama at lumalaban sa Diyos ang mga ito, at natutukoy nila ang kalikasan at diwa ni Satanas. Nakikita nila na ang masasamang tao at anticristong ito ay si Satanas na nagkatawang-tao—na ang mga ito ang buhay na Satanas, ang buhay na diyablo. Maaaring magkaroon ng gayong epekto ang pakikipag-ugnayan sa mga anticristo at masasamang tao” (“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikawalong Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). “Sa iglesia, ang isang anticristo ay hindi lamang kaaway ng Diyos, kundi kaaway rin ng mga taong hinirang ng Diyos. Kung hindi mo matukoy ang isang anticristo, malamang na malilinlang at makukumbinsi ka, tatahak sa landas ng anticristo, at isusumpa at parurusahan ng Diyos. Kung mangyari iyon, ganap na nabigo ang iyong pananampalataya sa Diyos. Ano ang dapat taglayin ng mga tao para mapagkalooban ng kaligtasan? Una, dapat maunawaan nila ang maraming katotohanan, at magawang tukuyin ang diwa, disposisyon, at landas ng isang anticristo. Ito ang tanging paraan para matiyak na hindi mga tao ang sasambahin o susundan habang nananalig sa Diyos, at ang tanging paraan para makasunod sa Diyos hanggang sa huli. Ang mga tao lamang na nagagawang tukuyin ang isang anticristo ang maaaring tunay na manalig, sumunod, at magpatotoo sa Diyos. Ang pagtukoy sa isang anticristo ay hindi simpleng bagay, at nangangailangan ng kakayahang makita nang malinaw ang kanyang diwa, at mahalata ang mga pakana, panlalansi, at binabalak na mithiin sa likod ng lahat ng kanyang ginagawa. Sa gayong paraan hindi ka niya malilinlang o makokontrol, at makakaya mong manindigan, ligtas at siguradong hangarin ang katotohanan, at maging matatag sa landas ng paghahangad ng katotohanan at pagtatamo ng kaligtasan. Kung hindi mo kayang tukuyin ang isang anticristo, maaaring masabing nasa malaking panganib ka, at malamang na malinlang at mabihag ka ng isang anticristo at madala upang mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. … Kaya, kung nais mong makarating kung saan maaari kang mabigyan ng kaligtasan, ang unang pagsubok na kailangan mong maipasa ay ang magawang makilala si Satanas, at dapat ay mayroon ka ring tapang na manindigan at ilantad at itakwil si Satanas. Nasaan, kung gayon, si Satanas? Si Satanas ay nasa iyong tabi at nasa palibot mo; maaari pa ngang namumuhay sa loob ng iyong puso. Kung nabubuhay ka na mayroong disposisyon ni Satanas, maaaring masabi na ikaw ay kay Satanas. Hindi mo makikita o mahahawakan ang Satanas at ang masasamang espiritu ng espirituwal na mundo, ngunit ang Satanas at ang mga nabubuhay na diyablo na umiiral sa totoong buhay ay nasa lahat ng dako. Sinumang tao na nayayamot sa katotohanan ay masama, at ang sinumang pinuno o manggagawa na hindi tumatanggap sa katotohanan ay isang anticristo o huwad na lider. Hindi ba’t ang gayong mga tao ay mga Satanas at nabubuhay na diyablo? Maaaring ang mga gayong tao mismo ang sinasamba at hinahangaan mo; maaaring sila ang mga taong namumuno sa iyo o mga taong matagal mo nang hinahangaan, pinagkakatiwalaan, inaasahan, at inaasam sa iyong puso. Sa totoo lang, gayunpaman, sila ay mga hadlang sa iyong landas at pumipigil sa iyong hangarin ang katotohanan at tamuhin ang kaligtasan; sila ay mga huwad na lider at anticristo. Maaari nilang kontrolin ang iyong buhay at ang landas na iyong nilalakaran, at maaari nilang sirain ang pagkakataon mong mabigyan ng kaligtasan. Kung mabibigo kang kilalanin at mahalata sila, sa anumang sandali, maaari kang malinlang, mabihag at madala nila. Kaya ikaw ay nasa malaking panganib. Kung hindi mo mailayo ang iyong sarili sa panganib na ito, ikaw ay biktimang isasakripisyo ni Satanas. Ano’t anuman, ang mga taong nalilinlang at nakokontrol, at nagiging mga tagasunod ng isang anticristo ay hindi magtatamo ng kaligtasan kailanman. Dahil hindi nila minamahal at hinahangad ang katotohanan, maaari silang malinlang at sumunod sa isang anticristo. Iyon ang di-maiiwasang resulta” (“Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahanap ng Katotohanan” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Ibinahagi ng lider na, “Hinahayaan ng Diyos na lumitaw ang mga anticristo sa iglesia para matuto tayo ng mga aral at pagkakilala, at para ibunyag din ang lahat ng uri ng tao. Kung hindi natin kayang makakilala ng mga anticristo, pikit-mata tayong sasamba at susunod kapag nililinlang at ginugulo tayo ng mga anticristo, at madali nila tayong maloloko at makokontrol. Maaari pa nga nating masundan ang mga anticristo sa paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos, at mapalayas ng Diyos, o kapag sinusupil at pinarurusahan tayo ng mga anticristo, hindi tayo maglalakas-loob na labanan o tanggihan sila, at makakaramdam tayo ng kadiliman at pasakit sa puso natin, o mas malala pa, iiwanan at ipagkakanulo natin ang Diyos at isusuko natin ang ating pagkakataong mailigtas ng Diyos.” Nagpatuloy ang lider, “Sa pamamagitan ng karanasang ito, hinahanap natin ang katotohanan at natututo tayong makilala ang iba’t ibang uri ng tao, alam natin kung ano ang mga anticristo at kung paano sila kumilos, nakikita natin nang malinaw ang kalikasan at diwa ng mga anticristo, kaya nating kilalanin, isumbong, at tanggihan ang mga anticristo ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at nagagawa nating ilayo ang sarili natin sa mga anticristo. Sa ganitong paraan lamang tayo makakatakas sa panlilinlang at kontrol ni Satanas. Kung wala tayong pagkakilala at hindi natin kayang tanggihan ang mga anticristo, maaari tayong malinlang ng mga anticristo at mawalan ng pagkakataong maligtas at magawang perpekto.” Pagkatapos ng pagbabahagi ng lider, naunawaan ko na hinahayaan ng Diyos na lumitaw ang mga anticristo sa iglesia para makamit natin ang katotohanan at pagkakilala at mapalaya natin ang ating sarili mula sa panlilinlang at kontrol ni Satanas. Kung walang aktuwal na pakikipag-ugnayan sa mga anticristo, hindi natin magagawang makilala ang mga tao, at maaari pa rin tayong malinlang at sumunod sa mga anticristo. Matapos maranasang linlangin at guluhin ng anticristong ito, naunawaan ko rin na kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, kailangan nating hanapin ang katotohanan at tingnan ang mga bagay batay sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Kung may nakikita tayong lumalabag sa mga prinsipyo, dapat nating isagawa ang katotohanan at ilantad ito, at dapat natin itong iulat agad sa mga lider. Isa pa, dati akong mapagpalugod ng mga tao, at lagi akong natatakot na mapasama ang loob ng mga tao at palagi kong pinananatili ang aking mga ugnayan sa kanila. Ngayon nakikita ko na na isa itong satanikong pilosopiya. Kapag nakakakita tayo ng isang bagay na sumasalungat sa katotohanan, kailangan natin itong sabihin nang direkta, at dapat nating pangalagaan ang gawain ng iglesia, hindi ang ating mga ugnayan sa mga tao, na isang bagay na nagkakasala at kasuklam-suklam sa Diyos.
Pagkatapos nun, nagkaroon ng pagkakilala kay Claudia ang lahat ng kapatid, at lahat ay sumang-ayon na itiwalag siya sa iglesia. Pagkaalis niya sa grupo, tinawagan niya ako. Umiiyak niyang sinabi, “Sinasabi ng mga tao sa iglesia na isa akong anticristo. Hindi nila pwedeng sabihin ‘yon tungkol sa akin! Sister, kailangan mong umalis sa iglesia. Pawang huwad ang mga lider ng iglesia. Lahat sila ay sinungaling, at sinusuportahan mo ang kanilang mga kasinungalingan sa pananatili mo.” Sinabi ko sa kanya, “Bilang mga mananampalataya sa Diyos, dapat nating sundin ang mga salita ng Diyos. Ang pagbabahagi ng mga lider ay naaayon sa mga salita ng Diyos, kaya siyempre dapat nating gawin ang sinasabi nila. Ayaw mong makinig, kaya problema mo na iyon. Huwag mo akong subukang kumbinsihin. Nawala ang pagkakataon mong maligtas. Ayokong mawala ang sa akin.” Wala na akong masyadong sinabi pa sa kanya pagkatapos nun, at hindi na niya ako sinubukang kausapin muli kahit kailan. Pagkaalis ni Claudia sa iglesia, may dalawang tao na hindi kailanman nakakilala sa kanya at mapagmatigas na sumunod sa kanya kahit anong pagbabahaginan ang narinig nila, at kalaunan ay umalis din sila ng iglesia. Mula sa karanasang ito, nakita ko ang patnubay at pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa akin. Ang salita ng Diyos ang nagprotekta sa akin, gumabay sa akin na matutong makakilala ng mga anticristo, at tumulong sa aking manatili sa tamang landas at hindi malinlang ng mga anticristo. Alam kong marami pa rin akong mga kakulangan, kailangan ko pang sangkapan ang sarili ko ng maraming katotohanan, pero magbabasa ako ng marami pang salita ng Makapangyarihang Diyos at aasa sa Diyos para maranasan ang gawain Niya.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.