Ang mga Tagumpay at Kabiguan ng Landas ng Pangangaral ng Ebanghelyo ng Isang Sundalo

Pebrero 17, 2025

Ni Ayden, Myanmar

Noong 2021, hindi nagtagal matapos kong tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw, sinimulan kong ipangaral ang ebanghelyo. Isang beses, inimbitahan ko ang mahigit sa 20 kasamahan ko para makinig sa isang sermon. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagbabahaginan at pagpapatotoo tungkol sa gawain Niya sa mga huling araw, sa huli ay tinanggap nilang lahat ang Makapangyarihang Diyos. Sobrang saya ko, at may pananalig ako na magpatuloy sa pangangaral ng ebanghelyo.

Hindi nagtagal pagkatapos kong magsimulang ipangaral ang ebanghelyo, nagsimula akong usigin ng aking platoon leader. Sinabi niya na sumobra na ako sa aking pananalig sa Diyos, at sinabi niya rin ito sa harap ng mga tropa ng mga sundalo: “Iniisip kong linangin ka para maging lider ng squad, pero ngayon, nananampalataya ka na sa Diyos at hindi ka na nakikinig sa akin—pagsisisihan mo ito! Sa hinaharap, kahit na mamatay ang mga magulang mo, hindi kita papayagang lumiban.” Pagkatapos marinig ang mga salita ng platoon leader, kinutya din ako ng ilang kasamahan ko: “Naniniwala kay Buddha ang lahat; sa pagsampalataya mo sa Diyos, iniinsulto mo ang aming pananalig.” Dahil naharap ako sa pangungutya at pamamahiya ng napakaraming tao, nagsimula akong makadama ng kaunting kahinaan, at mabilis akong umalis. Nakahanap ako ng isang tahimik na lugar, lumuhod ako, at nanalangin sa Diyos: “O Diyos, pinagalitan ako ng platoon leader at ipinahiya ako, at kinutya ako ng mga kasamahan ko. Napakahina ko; bigyan Mo nawa ako ng pananalig at lakas. Alam kong sinusubok ako, at hindi ko puwedeng hayaang maapektuhan ako nito o magambala ang tungkulin ko.” Kaagad pagkatapos nito, pumunta sa digmaan ang unahang hanay, at mahigpit na binantayan ng mga tropa ang mga silid. Isang gabi, naghahanda ako para magdilig sa mga bagong mananampalataya, pero naisip ko na kamakailan ay binigyan lang kami ng limitadong kalayaan, at parurusahan ang sinumang mahuling tumatakas. Gugulpihin at pagagalitan siya o iiwang nakatali sa labas nang magdamag. Nag-alala ako na kung malaman ng platoon leader na madalas akong lumabas, siguradong pagagalitan niya ako, gugulpihin, at ipapahiya akong muli. Sa pag-iisip ko nito, hindi ako nangahas na lumabas at diligan ang mga baguhan. Sinabi ko ang nasa isip ko kay Carter, na naging katuwang ko sa aking tungkulin. Sinabi ni Carter: “Masyado mong iniintindi ang kahihiyan mo. Isinaayos ng Diyos ang gayong kapaligiran para makita natin kung paano natin ito mararanasan, para malaman kung may matutunan ba tayong anumang aral. Dapat kang lalong manalangin sa Diyos at mas pagnilayan ang sarili mo. Kung napapamahalaan ka ng iyong banidad at respeto sa sarili at isusuko ang tungkulin mo dahil hindi mo kayang pangasiwaan ang pangungutya sa iyo ng iba, anong klaseng problema ito? Kung hindi mo didiligan ang lahat ng baguhang iyon sa nayon, kung gayon, hindi ba’t hindi mo siniseryoso ang tungkulin mo at nagiging iresponsable ka?” Pinadalhan din niya ako ng sipi ng mga salita ng Diyos: “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensya at dapat kang parusahan. Ito ay talagang natural at makatuwiran na dapat tapusin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, nagtataksil ka sa Kanya sa pinakamalalang paraan. Sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Hudas, at dapat na sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano tatratuhin ang ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila at, kahit papaano, dapat maunawaan nilang ang mga tagubiling ipinagkakatiwala Niya sa sangkatauhan ay mga pagpupuri at natatanging pabor mula sa Diyos, at na ang mga ito ay mga pinakamaluwalhating bagay. Ang iba pang mga bagay ay maaari nang talikdan. Kahit na kailangang isakripisyo ng isang tao ang kanyang sariling buhay, dapat pa rin niyang tuparin ang tagubilin ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Sa pamamagitan ng pagbabasa sa siping ito ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na napakahalaga ng saloobin ng pag-ako ng responsabilidad sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao. Itinaas ako ng Diyos at binigyan ng pagkakataong gampanan ang tungkulin ko, kaya dapat kong panghawakan ang tungkulin ko at gawin ang pinakamakakaya ko para tapusin ito. Isa akong nilikha, at nakakain at nakainom na ako ng napakaraming salita ng Diyos at naunawaan ko na ang mga layunin at hinihingi ng Diyos, pero ngayon ay gusto ko nang isuko ang tungkulin ko nang maharap ako sa ilang paghihirap. Pagkakanulo ito sa Diyos! Naisip ko ang mga sibilyan dito na puwedeng maharap sa giyera anumang oras, na nasa kalagayan ng kabalisahan sa bawat araw. Inilagay ako ng Diyos sa kapaligirang ito para hayaan akong ipangaral ang ebanghelyo sa mga taong ito nang hindi naaantala, para diligan nang wasto ang mga bagong mananampalatayang ito, para makapaglatag sila ng isang pundasyon sa tunay na daan at makamtan ang kaligtasan, at matanggap ang proteksyon ng Diyos sa gitna ng sakuna. Umaasa ang Diyos na makita ang katapatan ko at umaasang magkakaroon ako ng pananalig at maninindigan sa aking patotoo, at ayaw Niya na makitang umaatras ako kapag ginagampanan ang aking tungkulin. Pero hindi ko makayanang maharap sa kahihiyan, at naging pabasta at iresponsable ang pagtrato ko sa aking tungkulin. Pagkakanulo ito sa Diyos, mas matindi pa kaysa sa ginawa ni Hudas, at nararapat akong sumpain. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na anuman ang sitwasyon, gaano man ako magdusa o gaano man ako maipahiya, at kahit pa buhay ko ang kabayaran, dapat kong tapusin ang lahat ng ipinagkatiwala sa akin ng Diyos. Ito ang responsabilidad at tungkulin na dapat kong tuparin. Pagkatapos noon, nakatuwang ko ang dalawang brother ko para ipangaral ang ebanghelyo at diligan ang mga baguhan. Sa loob ng isang buwan, 27 na tao ang tumanggap ng ebanghelyo, at kalaunan ay ipinasa sila sa iglesia. Sobra akong nagpapasalamat para sa gabay ng Diyos, at nakadama ako ng kapayapaan sa puso ko.

Kalaunan, inilipat ang aming tropa, at inilipat ako sa ibang lugar. Hindi alam ng ilang baguhan na inusig ng platoon leader ang mga nananampalataya sa Diyos, kaya sinubukan nilang ipangaral ang ebanghelyo sa kanya, at sinimulan ng platoon leader na alamin kung sino ang nangangaral ng ebanghelyo sa mga taga-nayon. Natakot ako: “Malalantad kaya ang aking pangangaral ng ebanghelyo sa mga taga-nayon? Aarestuhin kaya ako ng lider ng tropa at ipapakulong ako? Kung gayon, siguradong magdurusa ako at mapapahiya. Magiging mas mabuti kung maghihintay muna ako nang kaunti hanggang sa ibalik ang mas mahaba naming oras ng kalayaan para makapangaral ako ng ebanghelyo. Sa ganoong paraan, hindi ako mahuhuli; ayaw ko nang mapahiyang muli.” Kaya, tatlong araw akong hindi lumabas para mangaral ng ebanghelyo. Kahit na dumadalo ako sa mga pagtitipon sa online tuwing gabi, nakakadama ako ng kahungkagan sa kaibuturan. Hindi ako kampante di-gaya noong ginagawa ko ang tungkulin ko dati.

Kalaunan, nalaman ng isa sa mga sister ko ang aking kalagayan at pinadalhan ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Naniniwala kayong tinataglay ng mga sarili ninyo ang sukdulang kataimtiman at katapatan sa Akin. Iniisip ninyong kayo ay napakabait, napakamahabagin, at naglaan na nang sobra para sa Akin. Iniisip ninyong higit sa sapat na ang nagawa ninyo para sa Akin. Ngunit sinuri na ba ninyo ito kailanman kumpara sa sarili ninyong mga kilos? Sinasabi Kong kayo ay napakamapagmataas, napakasakim, napakawalang interes; ang mga panlalansing ginagamit ninyo upang lokohin Ako ay napakatuso, at marami kayong kasuklam-suklam na layunin at kasuklam-suklam na pamamaraan. Masyadong katiting ang katapatan ninyo, masyadong kaunti ang sigasig ninyo, at ang budhi ninyo ay higit pang mas salat. … Kapag ginagampanan mo ang tungkulin mo, iniisip mo ang sarili mong kapakanan, ang sarili mong kaligtasan, ang mga kasapi ng pamilya mo. Ano ba ang nagawa mo na kailanman para sa Akin? Kailan mo ba Ako naisip? Kailan mo ba nailaan ang sarili mo, anuman ang kapalit, para sa Akin at sa gawain Ko? Nasaan ang katibayan na kaayon Kita? Nasaan ang realidad ng katapatan mo sa Akin? Nasaan ang realidad ng pagpapasakop mo sa Akin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, pinagnilayan ko ang aking sarili. Dati, akala ko ay inihahandog at iginugugol ko na nang sapat ang sarili ko para sa Diyos. Pagkatapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos, palagi kong ipinangangaral ang ebanghelyo, at ginagawa ko iyon kahit pa nasa unahang hanay ako. Isang beses, bumalik ako mula sa pagdidilig ng mga baguhan, at inakala ng komandante ko na kalaban ako at naghahanda na siyang barilin ako. Mabuti na lang, napansin kaagad ng isa sa mga brother ko na ako iyon, kaya hindi niya kinalabit ang gatilyo. Naniwala ako na ang pangangaral ng ebanghelyo at paggugugol ng sarili ko para sa Diyos sa ganitong paraan, at ang pagdurusa nang marami habang nagtatamo rin ng ilang tao ay nagpakita na tapat ako sa Diyos, at Siya ay dapat mapaluguran. Pero ang totoo, hindi talaga ako tapat. Kapag ginagawa ko ang aking tungkulin, ang unang iniisip ko ay ang kahihiyan at mga interes ko. Natatakot ako na gugulpihin, pagagalitan, at ipapahiya ako ng platoon leader kapag nahuli niya ako na lumalabas para mangaral ng ebanghelyo; natatakot akong mapahiya. Kaya, tumigil ako sa paggawa ng aking tungkulin at hindi na ako nangaral ng ebanghelyo o nagdilig ng mga baguhan. Noong siyasatin ng platoon leader kung sino ang nangangaral ng ebanghelyo sa mga taga-nayon, natakot akong malaman niya na ako iyon at na aarestuhin at ikukulong nila ako, kaya tumigil na naman akong gawin ang tungkulin ko. Kapag paulit-ulit akong naharap sa gayong mga sitwasyon, ang iniisip ko lang ay ang sarili kong kahihiyan. Tuwing may isang bagay na kinasasangkutan ng kahihiyan ko o ng ilang pamamahiya, isasantabi ko ang tungkulin ko at ititigil ang paggampan nito. Nakita ko na bagama’t handa akong gugulin ang sarili ko para sa Diyos, tuwing nasasangkot ang sarili kong mga interes, pinili kong ingatan ang sarili ko at hindi ko talaga ipinagtanggol ang gawain ng iglesia. Hindi ako responsable sa paggampan ng aking tungkulin, at wala akong konsensiya o katwiran. Ngayon, sa wakas ay nakita ko na hindi ako tapat, na hindi ako ganoon kasinsero sa Diyos, at na masyado akong makasarili at kasuklam-suklam!

Nang oras na iyon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at lubos na nabigyang-inspirasyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagpapalaganap sa ebanghelyo ay responsabilidad at obligasyon ng lahat. Anumang oras, anuman ang ating marinig, o makita, o anumang klase ang pagtrato sa atin, kailangang palagi nating panindigan ang responsabilidad na ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Anuman ang sitwasyon, hindi natin dapat isuko ang tungkuling ito dahil sa pagiging negatibo o sa kahinaan. Ang tungkuling ipalaganap ang ebanghelyo ay hindi mapayapang paglalayag, kundi puno ng panganib. Kapag nagpalaganap ka ng ebanghelyo, hindi ka haharap sa mga anghel, o mga taga-ibang planeta, o mga robot. Haharap ka lamang sa masama at tiwaling sangkatauhan, sa buhay na mga demonyo, sa mga halimaw—lahat sila ay mga taong nabubuhay sa masamang lugar na ito, sa masamang mundong ito, sila ay lubhang nagawang tiwali ni Satanas, at lumalaban sa Diyos. Samakatwid, sa proseso ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, tiyak na naroon ang lahat ng uri ng panganib, maliban pa sa walang-katuturang paninirang-puri, panunuya, at mga di-pagkakaunawaan, na madalas nang mangyari. Kung talagang itinuturing mo ang pagpapalaganap ng ebanghelyo na isang responsabilidad, isang obligasyon, at bilang tungkulin mo, magagawa mong ituring nang tama ang mga bagay na ito at mapamahalaan pa nang tama ang mga ito. Hindi mo susukuan ang iyong responsabilidad at ang iyong obligasyon, ni hindi ka lilihis mula sa iyong orihinal na layunin na ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos dahil sa mga bagay na ito, at hinding-hindi mo isasantabi ang responsabilidad na ito, sapagkat ito ang tungkulin mo. Paano dapat unawain ang tungkuling ito? Ito ang halaga at pangunahing obligasyon ng buhay ng tao. Ang pagpapalaganap ng mabuting balita ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang ebanghelyo ng gawain ng Diyos ay ang halaga ng buhay ng tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Pagkatapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi madali ang pangangaral ng ebanghelyo. Dahil nakikitungo tayo sa tiwaling sangkatauhan, tiyak na makakatagpo tayo ng iba’t ibang panganib kapag nangangaral ng ebanghelyo, tulad ng pagkakagulpi, pagsasaway, pamamahiya, pagkukutya, at paninirang-puri—hindi ito maiiwasan. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay ang hindi maiiwasang tungkulin ng lahat ng nananampalataya sa Diyos. Anumang pang-uusig ang mangyari sa kanila, at paano man sila ipahiya o kutyain ng iba, hindi nila puwedeng isuko ang sarili nilang tungkulin, lalo na kapag dumating ang kritikal na sandali, aalalahanin lang sila ng Diyos kapag maayos nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Ang tungkulin at responsabilidad na ibinigay ng Diyos sa akin ang may pinakamataas na halaga, at dapat kong bitiwan ang banidad ko at pagrespeto sa sarili at patuloy na ipangangaral ang ebanghelyo at magpapatotoo sa Diyos, magdadala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos at tutuparin ang responsabilidad ko. Ito ang pinakamainam na paraan para magpatotoo sa Diyos at ipahiya si Satanas. Paano man ako pagalitan o ipahiya ng platoon leader, paano man ako kutyain ng mga kasamahan ko, at kahit pa itali nila ako sa puno at ibitin ako, dapat ko pa ring ipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos.

Kalaunan, inilipat na naman sa ibang lugar ang aming tropa, at walang paraan para makalabas ako at makapangaral ng ebanghelyo, kaya ipinangaral ko ang ebanghelyo sa online kasama ng ilang kapatid ko sa hukbo. Gumawa ako ng grupo sa telepono ko at idinagdag sa grupo ang mga kapatid na ito. Sa hindi inaasahan, kinuha ng platoon leader ang telepono ko noong hindi ako nakatingin, at sinabi niya sa akin: “Kung patutunayan mo na hindi ka nananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng isang nakasulat na kasunduan, ibabalik ko sa iyo ang telepono mo.” Sinabi ko: “Wala akong ginawang kahit anong mali. Bakit mo kinumpiska ang telepono ko?” Sinabi ng platoon leader: “Sumusobra ka na sa pananalig mo sa Diyos. Ang pananalig ng mga tao sa Wa ay nasa partido nila—ilegal ang pananampalataya sa Diyos!” Habang sinasabi niya ito, dumampot siya ng pala at hinampas ako. Kinabukasan, natuklasan ng platoon leader ang usapan namin sa chat ng mga kapatid ko mula sa aking telepono, at nakita niya rin ang mga salita ng Diyos pati na rin ang mga pelikula at video ng iglesia. Iniulat niya ito sa mga superyor niya sa punong himpilan. Tinanong ako ng komandante: “Saan mo tinanggap ang Makapangyarihang Diyos? Anong posisyon mo sa iglesia? Kanino mo ipinangaral ang ebanghelyo? Ilang mananampalataya ang nasa tropa natin?” Noong tinatanong nila ako, natakot ako, at medyo nanginginig ang katawan ko. Naisip ko: “Kung sasabihin ko ang katotohanan, ipagkakanulo ko ang Diyos gaya ni Hudas, pero kung hindi, tatanungin ng komandante at ng iba pa ang mga kapatid kung sino ang nangaral ng ebanghelyo sa kanila, at kung sabihin nilang ako iyon, siguradong magiging mas masama pa ang kapalaran ko.” Sa puso ko ay paulit-ulit akong nananalangin sa Diyos, hinihingi sa Kanyang gabayan ako at bigyan ako ng lakas na manindigan sa patotoo ko, para paano man ako ipahiya o paano man ako magdusa, hindi ko ipagkakanulo ang mga kapatid ko at gagawin ang ginawa ni Hudas. Pagkatapos, sinabi ko: “Ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos ay nangangahulugan ng pagtitipon at pagsamba sa Diyos.” Hindi ko na sinagot ang anumang tanong nila pagkatapos niyon. Sa huli, pinabalik nila ako at ikinulong ako. Kinadenahan nila ako at ang tatlong iba pa sa paa. Kapag kumakain, natutulog, at nagpupunta kami sa palikuran, sabay-sabay naming apat na ginagawa itong lahat, at napakahirap ding lumakad. Medyo nanghina ang puso ko: “Ikinulong ako at nakaposas at nakakadena. Kung makikita ako ng mga walang pananampalatayang kasamahan ko, ano ang iisipin nila? Sasabihin din kaya nila na sumobra na ako sa pananalig ko sa Diyos?” Kapag iniisip ko ang mga bagay na ito, nakakadama ako ng kahihiyan at kawalan ng dangal. Nasa bingit ako ng mental breakdown. Gusto kong tulungan ako ng Diyos na makalaya sa kapaligirang ito, at ayaw ko nang mapahiya pa nang ganito. Kailangan kong magsuot ng mga posas kapag kakain ako, at kinukutya ako ng ibang sundalo: “Bakit hindi mo hilingan ang Diyos mo na tanggalin ang mga posas mo?” Nakayuko akong kumakain, hindi nangangahas na tumingala, at sa puso ko ay tahimik akong nanalangin: “O Diyos, nasasaktan ako. Napakababa ng tayog ko. Gabayan Mo nawa ako at bigyan ako ng pananalig at lakas upang makaya kong harapin ang panghihiya ng iba.” Pagkatapos manalangin, nadama kong mas malakas ako, at naalala ko ang isang himno na tinatawag na “Isang Pasyang Walang Pagsisisi”:

1  Kapag lalong nagiging mabagsik ang pag-aresto at pag-uusig ni Satanas sa mga Kristiyano, kapag puno ng madilim na katatakutan ang lungsod, at tumatakas ako saan man pwede, kapag walang habas na pinagkakait at nililimitahan ang mga karapatang pantao, kapag ang tangi kong kapiling ay isang mahabang gabi ng pasakit, hindi matitinag ang aking pananampalataya sa Diyos, hindi ko ipagkakanulo ang Lumikha, ang nag-iisang tunay na Diyos. Makapangyarihang Diyos na tunay, Iyo ang puso ko. Makokontrol lang ng pagkakakulong ang aking katawan, pero hindi nito mapipigil ang mga yapak ko sa pagsunod sa Iyo. Masakit na pagdurusa, isang baku-bakong daan, sa gabay ng Iyong mga salita, walang takot sa aking puso; kasama ang Iyong pagmamahal, busog ang aking puso.

2  Kapag mas tumitindi ang nakapipinsalang pahirap ng mga diyablo ni Satanas, kapag paulit-ulit kong nararamdaman ang nakapapasong sakit, kapag malapit nang umabot sa hangganan ng laman ang paghihirap nito, kapag malapit na akong bawian ng buhay sa huling sandali, hinding-hindi ako susuko sa malaking pulang dragon, hinding-hindi ako magiging isang Judas, isang tanda ng kahihiyan sa Diyos. Makapangyarihang Diyos na tunay, magiging tapat ako sa Iyo hanggang kamatayan. Mapapahirapan at masisira lamang ni Satanas ang aking katawan, ngunit hindi nito masisira ang pananalig at pagmamahal na mayroon ako para sa Iyo. Buhay at kamatayan ay mapapailalim sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos magpakailanman. Para magpatotoo sa Iyo, lahat ay aking tatalikdan. Kung kaya kong magpatotoo sa Iyo at ipahiya si Satanas, mamamatay ako nang walang reklamo.

Malaking karangalan sa akin na sundan si Cristo at hangarin ang pagmamahal ng Diyos sa buhay na ito! Nang may puso at espiritu, dapat kong suklian ang pagmamahal ng Diyos; handa akong talikdan ang lahat para magpatotoo tungkol sa Diyos. Hangga’t buhay ako, ang pagbibigay ng aking buong pagkatao sa Diyos ay isang pasyang hinding-hindi ko pagsisisihan.

—Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Binigyan ako ng pananalig ng awit na ito. Paano man ako tratuhin ng iba, hindi ko puwedeng ipagkanulo ang Diyos. Ang pagsunod sa Diyos ay isang pagpili na hindi ko pagsisisihan sa buong buhay ko. Dapat kong bitiwan ang reputasyon ko at ipagsapalaran ang lahat upang makapanindigan sa patotoo ko.

Dati, palagi kong nadarama na isang nakakahiyang bagay ang mausig bilang isang mananampalataya sa Diyos, pero kalaunan, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na bumago sa aking pananaw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isa kang nilikha—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at mamuhay nang makahulugan. Kung hindi mo sasambahin ang Diyos kundi mamumuhay ka ayon sa iyong maruming laman, hindi ba isang hayop ka lamang na nakasuot ng damit ng tao? Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. Sa mundong ito, isinusuot ng tao ang damit ng diyablo, kinakain ang pagkaing nagmumula sa diyablo, at gumagawa at naglilingkod sa ilalim ng impluwensiya ng diyablo, ganap na natatapakan ng karumihan nito. Kung hindi mo nauunawaan ang kahulugan ng buhay o natatamo ang tunay na daan, ano ang kabuluhan sa pamumuhay nang ganito? Kayo ay mga taong patuloy na naghahanap sa tamang landas, yaong mga naghahangad ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga diyablo na nang-aresto at nang-usig sa mga Kristiyano ay mga kaaway ng Diyos, at na hindi pinayagan ng mga gobyernong nasa diktadura na manampalataya at sumunod sa Diyos ang mga tao, pinapayagan lamang silang sumamba kay Buddha at sa pangulo at maniwala sa United Wa State Party. Dahil sa kanila, umasa ang mga tao sa sarili nilang dalawang kamay para lumikha ng isang magandang kinabukasan, at baguhin ang kapalaran nila sa pamamagitan ng pag-aaral at pagkita ng pera. Hahantong sa pang-uusig at mga balakid ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa isang lugar na gaya nito. Dito, ang mga nananampalataya sa Diyos at nangangaral ng ebanghelyo ay mahaharap sa pang-uusig, pangungutya, mga panggugulpi at pananaway, at maging pagkakakulong. Ngunit ito ay pang-uusig para sa kapakanan ng katuwiran—makabuluhan ang pagdurusang ito. Kung, kapag isinailalim ako sa pagpapahirap at pangungutya at pamamahiya, pakiramdam ko ay napahiya ako at hindi ko na kayang tingnan sa mata ang sinuman, kung gayon hindi tama ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Isa akong nilikha, at ang pananampalataya at pagsamba sa Diyos ay isang bagay na ganap na likas at makatwiran. Ang pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay ang misyon at responsabilidad na ibinigay sa atin ng Lumikha, at ito rin ang pinakamakatarungang bagay sa buong sangkatauhan. Hindi isang nakakahiyang bagay ang mapailalim sa pang-uusig dahil sa pangangaral ng ebanghelyo—ito ay pagdanas ng pag-uusig alang-alang sa katuwiran. Gaya ito ni Job. Noong naharap siya sa mga pagsubok, ninakaw ng mga bandido ang pagmamay-ari ng pamilya niya, namatay ang mga anak niya, at nagkasugat ang buong katawan niya. Kinutya siya ng mga kaibigan niya, at kahit ang asawa niya ay sinabihan siyang abandonahin ang Diyos at mamatay na, pero nanalangin siya sa Diyos sa lahat ng oras, dinadakila ang pangalan Niya at naninindigan sa patotoo niya para sa Kanya. Napailalim din si Pedro sa pang-uusig sa kanyang pangangaral ng ebanghelyo, at sa huli, pabaligtad siyang ipinako sa krus, pero hindi niya nadama na nakakahiyang bagay ito. Sa kabaligtaran, inisip niyang parte siya ng tiwaling sangkatauhan at hindi karapat-dapat na ipako sa krus gaya ng Panginoong Jesus, kaya pinili niyang maipako nang pabaligtad, na nagpapatotoo sa Diyos nang malakas at malinaw. Ang mga buhay nila ang pinakamakabuluhang mga buhay; pinakadakilang karangalan ang matawag na matuwid ng Diyos. Naunawaan ko rin ang layunin ng Diyos. Masyado kong inaalala ang kahihiyan ko at hindi ako nangahas na gawin ang mga tungkulin ko dahil sa takot na mapahiya. Sa pagsasaayos ng ganitong uri ng kapaligiran para sa akin, pinahihintulot ng Diyos na makilala at malutas ko ang sarili kong tiwaling disposisyon at ang maling pananaw ko sa mga bagay sa loob ng mga kapaligirang ito. Ito ay para maperpekto ako at iligtas ako, at ipinakita rin nito sa akin na ang gobyerno ng mga tao sa Wa ay isang demonyo na namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos, at paano man nila ako usigin at hadlangan, hindi ako puwedeng sumuko sa kanila. Ang Diyos ang namamahala sa mundong ito at sa sangkatauhan, at nasa mga kamay Niya ang kapalaran ko. Walang gobyerno ng bansa ang makapagpapabago sa kapalaran o sa kinabukasan ko. Hindi ko kailangang mag-alala. Gaano man ito kahirap, palagi akong susunod sa Diyos at maninindigan sa aking patotoo sa Kanya. Nang makita ko ito, nadama kong sulit ang pananampalataya sa Diyos at ang lahat ng pagdurusa. Hindi na ako takot na laitin at ipahiya ng ibang tao, at kapag kumukuha ako ng pagkain, hindi na ako nahihiyang tumingin sa iba. Madalas akong nananalangin sa Diyos at nadama kong sinasamahan Niya ako, at bawat araw ay mas masaya ako kaysa sa naunang araw.

Pagkatapos ng kalahating buwan sa kulungan, natuklasang nahawa ako ng COVID-19, kaya inilipat nila ako sa punong himpilan ng brigada para i-quarantine. Noong papunta ako sa himpilan, tinrato nila ako nang mas malala pa kaysa sa isang mamamatay-tao. Naglagay sila ng tatlong kadena sa paa ko. Kinutya ako ng platoon leader at ng lahat ng iba pa: “Hindi ba’t nananampalataya ka sa Diyos? Kung gayon bakit ka nagka-COVID-19? Sinasabi mong may Diyos, pero wala naman talagang Diyos sa mundo.” Nang marinig ko ang mga salitang ito, hindi ako nanghina. Paano man ako kutyain ng platoon leader at ng iba pa, at paano man ako tingnan ng iba, handa akong magpasakop. Pagkatapos, sinabi ng platoon leader na ipapakulong niya ako sa security section. Nabalot ng takot ang puso ko, dahil napakaistrikto sa security section, at nag-aalala rin ako na mapahiya sa kulungan. Bukod doon, kung nasa kulungan ako ay hindi ako makakauwi. Noong panahong iyon, nakakulong ako sa isang silid. Wala sa akin ang telepono ko, at hindi ako makapagbasa ng mga salita ng Diyos. May gitara roon, at ang magagawa ko lang ay tumugtog ng gitara at umawit ng mga himno. Gustung-gusto kong magbasa ng mga salita ng Diyos, at nanalangin ako sa Kanya, nagmamakaawang palayain Niya ako. Pagkalipas ng ilang araw, hiniram ko ang telepono ng aking brother na si Ivan at nanood ako ng isang pelikulang may pamagat na Kwento Ko, Kwento Natin. Inaresto ng Tsinong Partido Komunista ang mga kapatid na nasa pelikula dahil sa pananampalataya sa Diyos at pangangaral ng ebanghelyo. Labis silang pinahirapan at sinaktan, at pinahiya sila ng maraming tao. Hinatulan silang makulong at mabilanggo nang ilang taon; nakulong ng mahigit 10 taon ang ilan. Wala silang kalayaan, at labis silang pinagtrabaho araw-araw, pero nagawa pa rin nilang manalangin sa Diyos sa bilangguan at ipasa ang mga salita ng Diyos sa isa’t isa. May saloobin sila ng pagpapasakop sa Diyos at alam nilang lumalakad sila sa tamang landas sa buhay. Silang lahat ay may pananalig at nanindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Partikular akong naantig nang marinig kong binabasa nila ang mga salita ng Diyos. Talagang hinangaan ko sila. Lubos silang nagdusa pero nagawa pa rin nilang maging matatag sa pananalig nila, upang sumunod sa Diyos at hindi kailanman umatras. Pero nang naranasan ko ang kahihiyan, panggugulpi at pananaway ng iba, hindi ko ito matiis. Natakot akong makulong, at nawalan ako ng lakas ng loob nang magdusa ako nang kaunti, gusto kong tulungan ako ng Diyos na makalaya mula sa gayong kapaligiran. Nadama kong pinagkakautangan ko ang Diyos, at umaasa akong bibigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon. Ilang taon man ako makulong, at gaano man katindi ang kahihiyan, magpapasakop ako sa Diyos at haharapin ko ito. Pagkatapos akong i-quarantine nang mahigit 10 araw, nagkataong oras na para sa mga bumalik mula sa unahang hanay na magkaroon ng naka-iskedyul na isang buwang bakasyon. Ang hindi ko inaasahan ay ang hahayaan din ako ng hukbo na magbakasyon. Sinabi ng isang walang pananampalatayang kasamahan ko: “Tingnan ninyo, nagkamali si Ayden at nasa labor reform siya, pero mukhang dumating nang mas maaga ang bakasyon niya kasya ang sa atin.” Talagang nagpasalamat ako sa Diyos. Inakala kong makukulong ako sa loob ng ilang taon, at hindi ko inasahan na makakapagbakasyon ako at makakauwi ng bahay. Nakita ko ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos, at nakita ko ang Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan. Bago ako umalis, sinabi ng komandante na huwag akong mangaral ng ebanghelyo kapag umuwi ako. Naisip ko: “Noong nangaral ako ng ebanghelyo sa mga sundalo, kinontrol mo ako at ginulpi ako. Ngayong uuwi ako, mayroon akong gayon kagandang pagkakataon para magpatotoo sa Diyos—paano ko ito palalampasin? Ibubuhos ko ang lahat ng enerhiya ko sa pangangaral ng ebanghelyo; hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng kahit isang maliit na bagay na sasabihin mo.” Pagkauwi ko, sinimulan kong tipunin ang mga kapatid ko para pumunta sa isang nayon at mangaral ng ebanghelyo. Nang panahong iyon, may 6 na taong tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Mahigit sa 10 araw pagkabalik ko sa hukbo, inilipat ako ng platoon leader sa posisyon ng isang guwardiya sa isang checkpoint. Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos. Dati, napakaabala ko sa hukbo, at wala akong masyadong oras para mangaral ng ebanghelyo. Pagkatapos kong mapuwesto sa posisyong ito, hindi na ako ganoon kaabala pa, at mas marami na akong oras sa pangangaral ng ebanghelyo. Kahit na hindi tumigil kailanman ang pang-uusig ng hukbo, nagpatuloy pa rin ako sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, at nagdala ng mas maraming tao sa Diyos upang magtamo ng pagliligtas Niya.

Sa pangangaral ng ebanghelyo, kahit na nagdusa ako nang kaunti, napailalim sa kahihiyan at mga panggugulpi at pananaway, at nakulong din, nakita ko ang aking sariling katiwalian at kakulangan, pati na ang pagmamahal ng Diyos. Anumang mga sitwasyong harapin ko, laging naroroon ang mga salita ng Diyos para gabayan ako, para bitiwan ko ang banidad at kahihiyan ko, at magkaroon ng pananalig at lakas na magpatuloy. Personal na ipinakita sa akin ng mga karanasang ito na ang pagdurusa at pagdanas ng pag-uusig sa ngalan ng pangangaral ng ebanghelyo ay isang napakamakabuluhang bagay. Ang sumunod sa Diyos, gugulin ang sarili para sa Kanya, at tuparin ang tungkulin ay ang pinakamakabuluhang buhay na matataglay ng isang tao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Liitan ang Font Size
Lakihan ang Font Size
Pumasok sa Full Screen
Lumabas sa Full Screen