Isang Pagninilay sa Paghihiganti

Enero 7, 2025

Ni Yang Yue, Tsina

Noong Pebrero ng 2021, ginagampanan ko sa iglesia ang tungkulin ko sa gawaing nakabatay sa teksto. Nang panahong iyon, papababa ang pagkaepektibo ng gawain ng pangkat namin, at nang malaman na ito ng superbisor, natuklasan niya na walang matiwasay na pagtutulungan sa pangkat. Nagkukompetensiya para sa kasikatan at pakinabang sina Sister Xiaoyue at si Xu Li na lider ng pangkat, at mapanghamon si Xiaoyue dahil hindi siya pinili bilang lider ng pangkat. Madalas niyang punahin kahit maliliit na bagay sa mga pagsasaayos ng gawain ni Xu Li, na lubhang nakaapekto sa gawain, kaya inilipat ng superbisor ang tungkulin ni Xiaoyue. Inilantad din ako ng superbisor, na nagsasabing, “Alam na alam mo na nagkukompetensiya para sa kasikatan at pakinabang sina Xiaoyue at ang lider ng pangkat, pero hindi ka nakipagbahaginan para tumulong, at madalas kang kumampi kay Xiaoyue, sumasang-ayon ka sa kanya na naging dahilan upang maging napakanegatibo ng lider ng pangkat na ginusto na niyang magbitiw. Hindi mo man lang pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Alam mo ba ang diwa at mga kahihinatnan ng pagkilos nang ganito?” Nang panahong iyon, wala talaga ako kahit kaunting kamalayan, at sa loob-loob ko ay sumasagot ako, iniisip na, “Bakit isisisi sa akin ang pagiging hindi epektibo ng gawain ng pangkat? Kung talagang tama naman ang mga mungkahi ni Xiaoyue, tatanggapin ko ang mga iyon. Paano mo nasasabing nakikigpagkampihan ako kasama niya para siraan ang lider ng pangkat?” Pero alam kong tinulutan ng Diyos ang sitwasyong ito, at na dapat akong magsimula sa pamamagitan ng pagpapasakop dito. Nang gabing iyon, lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “O Diyos ko, wala akong malay sa mga problemang tinukoy ng superbisor, pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo ako!” Pagkatapos kong manalangin, nagsimula akong magnilay.

Noong Setyembre ng 2020, magkasama naming sinubaybayan ni Xu Li ang gawain sa mga artikulo ng sermon sa ilang iglesia. Bagamat minsan ay nagkakaiba kami ng opinyon at may kaunting di-pagkakaunawaan, kaya pa rin naming magtulungan nang matiwasay sa pamamagitan ng hayagang pakikipagbahaginan sa isa’t isa. Sa kalagitnaan ng Nobyembre, dalawang sister pa ang naidagdag sa pangkat, at kinailangan naming pumili ng isang lider ng pangkat. Nagkakaisa naming pinili si Xu Li bilang lider ng pangkat. Medyo may pagkaprangka ang personalidad ni Xu Li, at kapag napapansin niyang nagpapakita kami ng katiwalian o wala kaming pagpapahalaga sa pasanin para sa aming mga tungkulin, pupunahin niya ito sa mga pagtitipon, at aakayin kaming kumain at uminom ng mga salita ng Diyos upang makapagnilay at makilala ang aming mga sarili. Noong una, inakala kong medyo mabuti ang ganitong uri ng pagsasagawa. Pero pagtagal, pinuna ni Xu Li sa harap ng dalawa pang sister ang mga problema ko, at medyo magaspang ang tono niya. Napahiya ako dahil dito, at medyo nahirapan akong tanggapin ito. Nagkaroon ako ng pagkiling laban sa kanya, at unti-unting nagkalayo ang ugnayan namin. Naalala ko na isang beses noong magkasama kami sa aming mga debosyonal, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi muna si Xu Li, pero bago siya natapos, sumingit na ako sa sarili kong pagbabahagi. Nagsabi sa akin si Xu Li, sa seryosong mukha at matigas na tono na, “Sister, napansin kong mahilig kang biglang sisingit, at nakagagambala ito sa daloy ng pag-iisip ng iba.” Talagang napahiya ako, namula ang mukha ko, at naisip ko, “Alam ko na hindi makatwiran at mali para sa akin na magsalita nang hindi ko pa oras, pero hindi mo dapat pinuna ang problema ko sa harap ng lahat. Ano na lang ang iisipin sa akin ngayon ng mga bagong kapatid? Hindi mo ba puwedeng punahin nang pribado ang mga pagkukulang ko? Hindi ba’t sinasadya mong subukang ipahiya ako?” Sa isa pang pagkakataon, tinatalakay ko ang isang artikulo ng sermon sa dalawang kapatid, at hindi sila sumang-ayon sa pananaw ko. Akala ko ay tumpak kong naarok ang mga prinsipyo kaysa sa kanila, kaya iginiit ko ang sarili kong pananaw at nakipagtalo sa kanila. Matagal-tagal pinanood ni Xu Li ang pagtatalo namin, at sinabing may mayabang akong disposisyon at hindi ako dapat nakipagtalo sa mga kapatid dahil sa init ng ulo. Sinabi niyang dapat akong magbahagi ng mga prinsipyo sa mga kapatid at dapat kaming matuto sa mga kalakasan ng isa’t isa. Hindi ko ito matanggap at naging masyado akong mapanlaban, iniisip na, “Bakit mo ba ako palaging pinupungusan? Sa tingin mo ba ay madali akong target? Noong nagtutulungan tayo dati, walang kaso sa akin ang pagpupungos mo, pero ngayon ay palagi mo akong pinupungusan sa harap ng mga kapatid, sinasadya mo akong ipahiya. Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kapatid ngayon?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nagagalit, iniisip na, “Kung pupungusan mo ako nang ganito, pupunahin ko rin ang mga isyu mo kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, para maramdaman mo rin kung paano ang mapahiya!”

Kalaunan, hindi natuwa si Xiaoyue dahil hindi siya napili bilang lider ng pangkat at nagsimulang makipag-away kay Xu Li, sa parehong direkta at hindi direktang paraan. Palagi niyang pinupuna ang mga kapintasan sa mga pagsasaayos ng gawain ni Xu Li, at kapag mas mahaba kaysa karaniwan ang gawain sa gabi, nilalapitan ako ni Xiaoyue, na nagrereklamo kung paanong hindi marunong si Xu Li na magsaayos ng gawain. Sa isang pagtitipon, pasimpleng pinuntirya ni Xiaoyue ng mga pamumuna si Xu Li, na nagkukunwaring ibinabahagi niya ang kanyang sariling katiwalian, inaakusahan si Xu Li ng pagpapaliban-liban, at pinupuri ang dating lider ng pangkat sa pagiging mahusay, magaling sa pagsasaayos ng gawain, at sa kung paanong kaya nitong pangasiwaan ang lahat ng gawain nito sa mismong araw na itinalaga ang mga iyon. Pagkatapos ko itong marinig, nadama kong may mali, iniisip ko na, “Hindi mo talaga kilala ang sarili mo, nagrereklamo ka lang na walang kakayahan sa gawain si Xu Li. May nakatambak na dose-dosenang artikulo ng sermon ang pangkat, at kahihiling lang sa amin ni Xu Li na magtrabaho ng dagdag na oras para salain nang mabilis ang mga ito alang-alang sa gawain. Kahit na hindi siya mahusay sa ilang aspekto, maaari mo naman siyang kausapin tungkol dito kapag nagkaroon ka ng pagkakataon. Sa pagsasalita ng gaya nito, malamang maramdaman niyang nalilimitahan siya.” Gusto kong punahin ang problema ni Xiaoyue, pero naisip ko na ilang beses akong pinungusan noon ni Xu Li, kung paanong sa wakas ay may nagsasalita na sa interes ko, at na ngayong araw, oras nang maramdaman ni Xu Li kung paano mapungusan. Kaya nagdagdag ako at nagsabing, “Dahil maganda ang paraan ng paggawa ng dating lider, simulan nating gawin itong muli. Sa ganitong paraan ay mas mabisa tayong makagagawa.” Hindi inaasahan, pagkatapos na pagkatapos kong magsalita, sinabi ni Xu Li nang may luha ng pagsisisi, “Hindi ko talaga alam kung paano magsaayos ng gawain. Pakiusap, tulungan pa ninyo ako kung makikita ninyo ang mga kakulangan ko sa hinaharap.” Nabagabag ako nang makita kong napakalungkot niya.

Ilang panahon pagkatapos noon, dahil bumagsak ang mga resulta ng gawain ng aming pangkat, pumunta ang lider para ibuod sa amin ang mga paglihis. Patuloy naming tinukoy ni Xiaoyue kung saan nagkulang si Xu Li. Hiyang-hiya si Xu Li at nagsabing, “Kung may nakikita kayong anumang problema, pakiusap, tulungan ninyo akong itama ang mga iyon.” Nang sumunod na araw sa pagtitipon, inilahad ni Xu Li ang tungkol sa kanyang kayabangan at kapalaluan, ang kanyang kasabikan para sa mabibilis na resulta sa tungkulin niya, ang pagtuon niya sa paggawa para magpakitang-gilas, at kung paanong kapag nakikita niyang pinahahalagahan siya ng lider, gusto niyang mahusay na gawin ang kanyang gawain sa pinakamabilis na paraan, para mag-iwan ng magandang impresyon sa lider. Pagkatapos ng pagbabahagi niya, hiningi niya sa aming tukuyin ang mga isyu niya. Naisip ko, “Dahil ikaw mismo ang nagsabi niyan, mabuti pang samantalahin ko ang pagkakataong ito para gawin kang masama sa harap ng ibang mga kapatid.” Kaya ibinulalas ko ang lahat ng isyu niya, na nagsasabing mayabang at palalo siya, mahilig magpakitang-gilas, pabasta-basta, at sobrang iniisip ang reputasyon at katayuan. Nagdagdag din si Xiaoyue. Napayuko si Xu Li sa mga pamumuna namin. Noong makita kong wala siyang sinasabing kahit ano, napaisip ako kung sumobra ba ako. Pero naisip ko na totoo ang sinabi ko, at na ang pagpuna ko sa mga isyu niya ay makatutulong sa kanyang pagnilayan ang sarili niya. Kalaunan, naging mas kimi at mapag-alangan si Xu Li sa pagsasaayos ng gawain, at sa ilang bagay na dati ay kaya niyang pangasiwaan nang mag-isa, ngayon ay tinatalakay na niya sa amin. Paminsan-minsan ay pinupuri ni Xiaoyue kung paanong magaling sa pagsasaayos ng gawain ang dating lider, na nagparamdam kay Xu Li na para bang wala siyang kakayahan sa gawain, na naglugmok sa kanya sa isang kalagayan ng imperyoridad, at nagpanegatibo sa kanya. Dahil madalas akong kumampi kay Xiaoyue, pabagsik siya nang pabagsik, minsan ay kinukuha pa niya ang pagsasaayos ng gawain ng pangkat at isinasantabi si Xu Li. Minsan, lantaran ding pinupungusan at ibinubukod ni Xiaoyue si Xu Li sa harap namin, at sasang-ayunan ko siya o kung hindi naman ay mananahimik ako. Labis na napigilan ni Xiaoyue si Xu Li, at lumubog si Xu Li sa palalim nang palalim na kalagayan ng pagkasira ng loob, nadaramang hindi siya maaaring maging isang lider at gusto nang magbitiw. Napagtanto ko na ang pakikipagkompetensiya ni Xiaoyue kay Xu Li para sa kasikatan at pakinabang ay nakaapekto sa gawain at na dapat kong tukuyin ang mga problema ni Xiaoyue. Pero nang maisip ko kung paanong dalawang beses akong pinungusan noon ni Xu Li, nagbulag-bulagan na lang ako. Tutal naman, kung hindi epektibo ang gawain, si Xu Li naman ang pupungusan ng superbisor, at pagkatapos ay matitikman niya rin ang kapaitan ng mapahiya. Dahil hindi kami nagtulungan nang matiwasay, unti-unting halos ganap na naparalisa ang gawain. Nang pagnilayan ko ang pag-uugali ko, medyo natakot ako, dahil nakita ko kung gaano ko kayang gumawa ng gayong mga malisyosong bagay para lang paghigantihan si Xu Li. Hindi ko talaga pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Kung hindi dahil sa pagpuna rito ng superbisor, hindi ko na sana malalaman pa na pagnilayan ang sarili ko.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sila ang mga taong mahilig maghiganti. Batay sa pariralang ‘mahilig maghiganti,’ malinaw na hindi mabuti ang mga taong ito; sa pangkaraniwang pananalita, salot sila sa lipunan. Batay sa mga palagiang pagpapamalas at pagbubunyag ng pagkatao nila, pati na sa mga prinsipyo nila sa pagkilos, hindi mabuti ang puso nila. Gaya ng karaniwang kasabihan, ‘maitim ang budhi’ nila. Sinasabi natin na hindi sila mabuti; sa mas partikular, ang mga taong ito ay hindi mabait bagkus ay masama, mapaminsala, at malupit. Kapag may nagsabi o gumawa ng isang bagay na kumakanti sa interes, imahe, o katayuan nila, o kung sila mismo ay sumama ang loob sa mga salita o kilos ng iba, sa isang banda, nagkikimkim sila ng pagkamapanlaban sa puso nila. Sa kabilang banda, batay sa pagkamapanlabang ito, kumikilos sila; kumikilos sila nang may layong maibulalas ang pagkamuhi nila at mapawi ang galit nila, isang pag-uugaling kilala bilang paghihiganti. Laging may ganitong ilang indibidwal sa mga tao. Ito man ay pagiging mababaw, dominante, o sobrang sensitibo, anuman ang mga terminong ginagamit para ilarawan o ibuod ang pagkatao nila, ang karaniwang pagpapamalas ng pakikitungo nila sa iba ay kung sinuman ang di-sadya o sadyang makasakit o makapagpasama ng loob nila ay dapat magdusa at humarap sa mga kaukulang kahihinatnan. Katulad ito ng sinasabi ng ilang tao: ‘Kapag napasama mo ang loob nila, hindi ka basta-basta makakalusot. Kung magalit o masaktan mo sila, huwag mong asahang basta ka na lang makakatakas.’ May umiiral bang mga gayong indibidwal sa mga tao? (Oo.) Tiyak na mayroon(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 25). “Paano ipinapamalas ng mga anticristo ang pagiging mapaminsala at malupit nila? (Sa abilidad nilang mag-imbento ng mga kasinungalingan at idiin ang iba.) Ang pag-imbento ng kasinungalingan at pagdidiin sa iba ay kinasasangkutan ng palagiang pagsisinungaling at pagiging mapaminsala at malupit; mahigpit na magkaugnay ang dalawang katangiang ito. Halimbawa, kung gumawa sila ng kasamaan at ayaw nilang managot dito, lumilikha sila ng huwad na anyo, nagsisinungaling, at pinapaniwala nila ang mga tao na iba ang gumawa nito, hindi sila. Ipinapasa nila ang sisi sa iba, at ipinapapasan sa iba ang mga kahihinatnan. Hindi lang ito buktot at ubod ng sama, kundi higit pa itong mapaminsala at malupit. Ano ang iba pang pagpapamalas ng pagiging mapaminsala at malupit ng mga anticristo? (Kaya nilang pahirapan, atakihin, at gantihan ang mga tao.) Kalupitan ang magawang pahirapan ang mga tao. Sinuman ang maging banta sa kanilang katayuan, reputasyon, o katanyagan, o sinumang hindi pabor sa kanila, gagawin nila ang lahat para atakihin at gantihan ang mga ito. Minsan, puwede pa nilang gamitin ang iba para saktan ang mga tao—ito ay pagiging mapaminsala at malupit(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Inilalantad ng Diyos na hindi mabubuting tao at malisyoso ang pagkatao ng mga mahilig sa paghihiganti. Hindi ba’t ganito ang ikinilos ko? Kung pagninilayan ang dati kong pakikipagtulungan kay Xu Li, kinaya kong tanggapin ang pagpuna ng kapatid sa mga problema ko, dahil kaming dalawa lang ang sangkot at hindi talaga tinamaan ang dangal ko. Kalaunan, noong maging lider ng pangkat si Xu Li, dalawang beses niyang isiniwalat sa harap ng mga sister ang mga isyu ko, na nagpahiya sa akin. Nagkimkim ako ng sama ng loob dito at gusto kong makahanap ng pagkakataon para maghiganti sa kanya. Nagkataong nakikipagkompetensiya si Xiaoyue kay Xu Li para sa kasikatan at pakinabang, sinasamantala ang mga kapintasan ni Xu Li, kaya sinamantala ko rin ang pagkakataong ito para sumang-ayon kay Xiaoyue at sabihin ang mga bagay na pumupuri sa iba at nangmamaliit kay Xu Li, na naging dahilan para lalong madama ni Xu Li na mas mababa siya at mamuhay siya sa negatibong kalagayan. Noong hiniling sa amin ni Xu Li na tukuyin ang mga isyu niya, sinunggaban ko ang pagkakataon para bigyang-diin ang mga katiwaliang ibinunyag niya at pinalaki ko ito, na may intensyong ipahiya siya, sa pagtatangkang mabawi ang kaunti sa dangal ko. Ang patuloy kong suporta kay Xiaoyue ay naging dahilan ng lalong pagmamalabis niya, madalas niyang pinupuna at ibinubukod si Xu Li, na naging dahilan upang maging napakanegatibo ni Xu Li na ginusto na nitong magbitiw. Binalak kong punahin ang mga problema ni Xiaoyue, pero nang maalala ko kung paanong pinungusan at ipinahiya ako ni Xu Li, nagbulag-bulagan ako at nagsawalang-bahala lang at hinayaan ko si Xiaoyue na gambalain at guluhin ang pangkat. Umasa pa nga akong pupungusan ng superbisor si Xu Li o papalitan siya, para matikman din niya ang kapaitan ng mapahiya. Hindi ba’t naghihiganti at nambabatikos ako ng tao? Sa panlabas, nanatili akong mahinahon, pero sa likod ng lahat, nakipagkampihan ako kay Xiaoyue para batikusin at ibukod ang lider ng pangkat, na naglalayong maghiganti nang hindi ito namamalayan ng iba. Gaya ng sa isang anticristo ang mga pamamaraan ko, na ginagamit ang iba para gawin ang masamang gawain ko. Napakasama at malisyoso nito! Inakala kong katanggap-tanggap ang pagkatao ko at wala akong mapaghiganting puso, pero dahil lang iyon sa hindi apektado ang mga interes ko. Kapag pinakialaman na ang mga interes ko, nalalantad ang malisyosong kalikasan ko. Sa pamamagitan ng pagbubunyag na ito, nakita kong hindi mabuti ang pagkatao ko, at na kaya kong gumawa ng gayong mga malisyosong bagay para lang protektahan ang kahihiyan ko. Ginambala at ginulo ko ang gawain at pinigilan at pininsala si Xu Li, at nag-iwan din ako ng bakas ng aking malulubhang pagsalangsang. Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong nadarama ang pagkakautang ko sa Diyos, kaya nagsisi ako sa Kanya.

Pagkatapos noon, nagsimula akong mag-isip, ano kaya ang kumontrol sa akin sa pagbubunyag ng aspektong ito ng disposisyon ko? Nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang pag-atake at paghihiganti ay isang uri ng pagkilos at pagbubunyag na nagmumula sa mapaminsala at satanikong kalikasan. Isa rin itong uri ng tiwaling disposisyon. Ganito mag-isip ang mga tao: ‘Kung hindi ka mabait sa akin, gagawan kita ng masama! Kung hindi mo ako pakikitunguhan nang may dignidad, bakit kita pakikitunguhan nang may dignidad?’ Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba’t isa itong mapaghiganting klase ng pag-iisip? Sa pananaw ng isang karaniwang tao, hindi ba’t tama ang ganitong perspektiba? Hindi ba’t makatwiran ito? ‘Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, siguradong gaganti ako ng atake,’ at ‘Ito ang karma mo’—madalas na sabihin ng mga walang pananampalataya ang gayong mga bagay; sa kanila, ang lahat ng ito ay mga pangangatwirang tama at lubos na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Subalit paano nga ba dapat tingnan ng mga naniniwala sa Diyos at ng mga naghahangad sa katotohanan ang mga salitang ito? Tama ba ang mga ideyang ito? (Hindi.) Bakit hindi tama ang mga ito? Paano ba dapat kilatisin ang mga ito? Saan ba nanggagaling ang mga bagay na ito? (Mula kay Satanas.) Walang pagdududang nanggagaling ang mga ito kay Satanas. Sa aling mga disposisyon ni Satanas nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa malisyosong kalikasan ni Satanas; nagtataglay ang mga ito ng lason, at tinataglay ng mga ito ang totoong mukha ni Satanas na puno ng pagkamalisyoso at kapangitan. Naglalaman ang mga ito ng ganitong uri ng kalikasang diwa. Ano ang katangian ng mga perspektiba, kaisipan, pagbubunyag, pananalita, at pati na rin ng mga kilos na naglalaman ng ganoong uri ng kalikasang diwa? Walang duda na ito ang tiwaling disposisyon ng tao—ito ang disposisyon ni Satanas. Nakaayon ba sa mga salita ng Diyos ang mga satanikong bagay na ito? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? May batayan ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Ang mga ito ba ang mga pagkilos na dapat gawin ng mga sumusunod sa Diyos, at mga saloobin at pananaw na dapat nilang taglayin? Ang mga kaisipan at paraan ng pagkilos na ito ay naaayon ba sa katotohanan? (Hindi.)” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). Pagkatapos kong basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang dahilan kung bakit ako may pag-iisip ng paghihiganti, ay pangunahing dahil sa namuhay ako sa pamamagitan ng mga pilosopiya ni Satanas, gaya ng “Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, siguradong gaganti ako ng atake,” “Ngipin sa ngipin, mata sa mata,” at “Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo.” Ginawa akong makasarili, mapanlinlang, mapaglalang, at malisyoso ng mga satanikong lason na ito. Kapag pinakialaman ng iba ang dangal ko o mga interes ko, nagkikimkim ako ng sama ng loob, at sinusubukan kong umisip ng mga paraan at naghahanap ako ng mga pagkakataon para maghiganti, na ganap na nawawala ang pagkatao at katwiran ko. Pinuna lang ni Xu Li sa harap ng dalawang kapatid ang mga isyu ko, pero nadama kong napahiya ako at nagkaroon ng pagnanais na maghiganti, sinamahan ko si Xiaoyue sa pambabatikos at pagbubukod sa kanya. Tunay akong naging malisyoso! Ang totoo niyan, nararapat ang pagpuna ni Xu Li na isang panggugulo ang pagsabad at pagputol ko sa daloy ng pag-iisip ng iba sa pagbabahaginan sa mga pagtitipon. Sa mga talakayan kasama ng mga kapatid tungkol sa mga artikulo ng sermon, hindi ko sila inakay na hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, kundi nakipagtalo ako sa kanila sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mapagmataas kong disposisyon, na may layong makinig sila sa akin. Ang pagpupungos sa akin ni Xu Li dahil sa mayabang kong disposisyon ay hindi para pahirapan ako, kundi para tulungan akong makilala ang sarili ko at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Isa itong pagpapamalas ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan. Pero hindi ko ito tinanggap mula sa Diyos. Sa halip, itinuring kong kaaway ko ang taong tumulong sa akin, at palihim kong ginustong maghiganti, sinamahan ko pa nga si Xiaoyue sa pambabatikos at pagbubukod kay Xu Li. Pagbubunyag ito ng disposisyon ng isang anticristo. Nakita ko kung gaano kahindik-hindik na mamuhay sa pamamagitan ng mga satanikong lason na ito! Naisip ko ang mga anticristong pinatalsik sa iglesia. Nakatuon sila sa pagprotekta sa kanilang reputasyon at katayuan, at hindi nila hinayaan ang sinuman na ilantad o punahin ang kanilang mga isyu, at pinahirapan nila ang sinuman na naglantad sa kanilang mga problema. Hindi talaga nila itinaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at sa huli, pinatalsik sila dahil sa kanilang maraming masasamang gawa. Paano naiiba ang pag-uugali ko sa pag-uugali ng isang anticristo? Kung hindi ako magbabago, mabubunyag at matitiwalag ako. Nakita ko na sa pamumuhay sa mga satanikong lason ay nawalan ako ng pagkatao, nagambala at nagulo ang gawain ng iglesia, at natamo ang pagkamuhi at pagkasuklam ng Diyos. Hindi ako dapat magpatuloy na mamuhay sa pamamagitan ng mga satanikong lason.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at pag-uugali ng mga mananampalataya na tulad ng mga walang pananampalataya, mas buktot pa sila kaysa mga walang pananampalataya; sila ay napakatipikal na mga demonyo. Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang ititiwalag sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. May ilang tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon lamang, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang inihahayag ng kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong mga diyablo at si Satanas. … May mga panuntunan ang mga pamilya, at may mga batas ang mga bansa—hindi ba lalo na sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba higit na mas mahigpit pa ang mga pamantayan nito? Hindi ba higit na mas marami pa itong atas administratibo? Ang mga tao ay malayang gawin ang gusto nila, ngunit ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring baguhin kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapalampas ng kasalanan ng mga tao; Siya ay isang Diyos na nilalagay sila sa kamatayan. Hindi pa ba ito alam talaga ng mga tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sa pagbubulay-bulay ko sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang disposisyon ng Diyos ay hindi nalalabag. Pagdating sa mga mananampalataya sa Diyos na kumikilos at nagsasalita na gaya lang ng mga walang pananampalataya, na nagkakalat ng pagkanegatibo sa iglesia, bumubuo ng mga grupo-grupo, at palihim na sinisiraan ang mga tao, sinasabi ng Diyos na tunay na mga diyablo at Satanas ang gayong mga tao. Noon, kapag binabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos, hindi ko ito inilalapat sa sarili ko, dahil akala ko ay isa akong mananampalataya sa Diyos, at hindi ko gagawin ang gayong mga bagay. Pero noong patnugutan ng Diyos ang mga sitwasyon para ibunyag ako, nagulat ako na makitang kaya kong gawin ang gayong masasamang bagay! Para mapaghigantihan si Xu Li, hinayaan kong salungatin siya ni Xiaoyue sa bawat pagkakataon sa kompetisyon para sa kasikatan at pakinabang, pero hindi ko pinuna ang mga isyu ni Xiaoyue, sa halip ay pinili kong suportahan siya. Ginatungan nito ang kayabangan niya, na naging dahilan upang lalo niyang maliitin at batikusin si Xu Li, at nagdulot kay Xu Li na mapuno ng pagkanegatibo at mawalan ng motibasyon para subaybayan ang gawain. Nagresulta ito sa unti-unting paralisadong kalagayan ng gawain ng pangkat. Kung tinulungan ko nang mas maaga si Xiaoyue, baka hindi niya nagawa ang maraming bagay para pinsalain si Xu Li at gambalain at guluhin ang gawain ng iglesia, at hindi naparalisa ang gawain ng pangkat. Sa paghahangad kong maghiganti, isinakripisyo ko pa ang mga interes ng iglesia, na sa diwa ay ginambala at ginulo ang gawain ng iglesia at naging dahilan upang ganapan ko ang papel ni Satanas. Bumuo kami ng grupo ni Xiaoyue at siniraan ang lider ng pangkat, nilugmok sa kaguluhan ang pangkat at inantala ang gawain. Hindi ba’t gawain ito ng isang diyablo? Talagang hindi ako nararapat mamuhay sa harap ng Diyos! Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang Diyos ay palaging nasa puso ng mga taong tunay na naniniwala sa Kanya, at palagi silang may-takot-sa-Diyos na puso, isang mapagmahal-sa-Diyos na puso. Dapat gawin ng mga naniniwala sa Diyos ang mga bagay-bagay nang maingat at masinop, at lahat ng ginagawa nila ay dapat maging alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos at makalugod sa Kanyang puso. Hindi dapat maging matigas ang kanilang ulo, na ginagawa ang anumang gusto nila; hindi iyan nababagay sa banal na kaangkupan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang mga mananampalataya sa Diyos ay dapat magkaroon ng isang may-takot-sa-Diyos na puso sa kanilang mga kilos at salita, at na hindi sila dapat maging matigas ang ulo, na ginagawa ang anumang naisin nila. Sa halip, dapat nilang harapin ang mga tao, pangyayari, at mga bagay sa paligid nila ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Dapat tratuhin nang tama ang mga partikular na nagbibigay sa atin ng payo o nagpupungos sa atin, at hindi batikusin o paghigantihan. Sinasabi ng mga taong ito ang katotohanan at tunay na tulong sila sa atin. Kung nagkaroon ako ng katiting na may-takot-sa-Diyos na puso at hinanap ko ang layunin ng Diyos sa mga sitwasyong ito, hindi ko sana nagawa ang mga bagay na sumalungat sa disposisyon ng Diyos. Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, lalo akong nakokonsensiya at nalulungkot, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “O Diyos, sa paghahayag Mo, nakikita kong medyo malisyoso ang pagkatao ko, at na kaya kong batikusin at paghigantihan ang mga tao para sa personal na pakinabang, at magdulot ng malubhang pinsala sa gawain ng iglesia. O Diyos, hindi Mo ako tinrato ayon sa mga pagsalangsang ko, kundi binigyan ako ng isang pagkakataong magsisi. Handa akong magsisi at magbago.”

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang pagmamahal at pagkamuhi ay mga bagay na dapat taglayin ng normal na pagkatao, ngunit kailangan mong makita nang malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong minamahal at ng iyong kinamumuhian. Sa puso mo, dapat mong mahalin ang Diyos, mahalin ang katotohanan, mahalin ang mga positibong bagay, at mahalin ang iyong mga kapatid, samantalang dapat mong kamuhian si Satanas at ang mga diyablo, kamuhian ang mga negatibong bagay, kamuhian ang mga anticristo, at kamuhian ang masasamang tao. Kung nagagawa mong pigilan at gantihan ang iyong mga kapatid dahil sa galit, lubhang nakakatakot iyan, at iyan ang disposisyon ng isang masamang tao. Ang ilang tao ay mayroon lamang kapoot-poot na mga saloobin at ideya—masasamang ideya, pero hinding-hindi sila gagawa ng anumang masama. Hindi masasamang tao ang mga ito dahil kapag may nangyayari, nagagawa nilang hanapin ang katotohanan, at binibigyang-pansin nila ang mga prinsipyo sa kung paano sila umasal at humarap sa mga bagay-bagay. Kapag nakikipag-ugnayan sa iba, hindi sila humihingi sa mga ito ng labis sa nararapat; kung nakakasundo nila nang maayos ang tao, patuloy silang makikipag-ugnayan dito; kung hindi nila nakakasundo, hindi sila makikipag-ugnayan. Halos hindi ito nakakaapekto sa pagganap ng kanilang tungkulin o sa kanilang buhay pagpasok. Ang Diyos ay nasa puso nila at mayroon silang takot sa Diyos na puso. Ayaw nilang magkasala sa Diyos, at natatakot silang gawin iyon. Bagama’t maaaring magkimkim ang mga taong ito ng ilang maling saloobin at ideya, nagagawa nilang maghimagsik at abandonahin ang mga iyon. Nakakapagpigil sila sa kanilang mga kilos, at hindi bumibigkas ng isang salita na hindi naaangkop, o nagkakasala sa Diyos. Ang isang taong nagsasalita at kumikilos sa ganitong paraan ay isang taong mayroong mga prinsipyo at nagsasagawa ng katotohanan. Ang iyong personalidad ay maaaring hindi tugma sa personalidad ng ibang tao, at maaaring ayaw mo sa kanya, ngunit kapag kasama mo siyang gumagawa, nananatili kang walang pinapanigan at hindi mo ibubunton ang mga pagkadismaya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, o ilalabas ang mga pagkadismaya mo sa mga interes ng pamilya ng Diyos; mapapangasiwaan mo ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Ano ang ipinamamalas nito? Ito ay isang pagpapamalas ng pagkakaroon ng takot sa Diyos na puso(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Sinabi sa atin ng Diyos ang mga prinsipyo kung paano tratuhin ang iba: Kung sinasabi ng mga kapatid ang mga bagay na nakasasakit sa atin, dapat natin itong tratuhin nang wasto. Hindi natin kailanman dapat batikusin at paghigantihan ang mga tao, ni ibunton sa ating tungkulin ang mga hinanakit natin. Kapag ginagawa natin ang ating mga tungkulin kasama ng mga kapatid, dapat nating makita ang mga kalakasan ng iba at sikaping punan ang isa’t isa. Ito ang natatanging paraan para makamit ang matiwasay na pagtutulungan. Naisip ko ang pinsalang idinulot ko kay Xu Li at nakadama ako ng kaunting pagkakonsensiya. Gumawa siya kasama ko noon at maraming naitulong sa akin at ganito ko siya tinrato samantalang direkta niya lang na pinuna ang ilan sa mga pagkukulang ko. Talagang mahina ang pagkatao ko! Kalaunan, sa isang pagtitipon, nagkusa akong magtapat kay Xu Li ng tungkol sa malisyosong disposisyon na ibinunyag ko sa panahong ito at humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ginamit ni Xu Li ang lahat ng ito laban sa akin kundi hinikayat ako, na nagsasabing, “Mabuti na kaya mong pagnilayan at kilalanin ang sarili mo. Sa hinaharap, kapag ibinunyag natin ang ating katiwalian, dapat natin itong tukuyin sa isa’t isa at tulungan ang bawat isa, para hindi natin mabigyan ng pagkakataong makagawa si Satanas.” Isang beses, sinabi ni Xu Li sa harap ng lider at ng superbisor na masyadong mataas ang mga hinihiling ko sa mga miyembro ng pangkat, at na hindi ko tinutulungan ang iba nang may pagmamahal. Naasiwa akong marinig ito, iniisip na, “Paano mo ito nasasabi tungkol sa akin sa harap ng lider at ng superbisor? Ano na lang ang iisipin nila sa akin?” Ngunit kahit galit ako, nadama kong hindi angkop na makipagtalo sa kanya sa harap ng superbisor, kaya sa puso ko ay tahimik na lamang akong nanalangin sa Diyos. Nang sandaling iyon, napagtanto ko na nag-aalala na naman ako sa aking dangal, at naisip ko kung paano ako naghiganti sa aking sister alang-alang sa aking dangal, at kung paanong talagang nasaktan ko siya. Sa pagkakataong ito, kailangan kong matutuhang isantabi ang sarili ko at tanggapin ang payo niya. Sa puso ko ay tahimik akong nanalangin sa Diyos, hinihingi sa Diyos na protektahan ang puso ko at pagkalooban ako ng isang saloobin na tumatanggap sa katotohanan, para makapagpasakop ako sa kapaligirang isinaayos Niya. Nang makapag-isip ako nang ganito, kumalma ang puso ko. Kalaunan, nagbahagi ang superbisor ng mga salita ng Diyos para tugunan ang mga isyu ko at tulungan ako, at nagkamit ako ng kaunting pang-unawa sa mga problema ko. Sa paggawa ko kasama si Xu Li, natuto ako ng ilang mga aral, at hindi nagtagal, naghiwalay kami ng landas. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa pagsasaayos ng gayong kapaligiran na nagtulot sa aking maunawaan ang malisyosong kalikasan ko at matutuhan kung paano makipag-ugnayan sa iba.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman