Nahihirapang Aminin ang Pagkakamali
Sabado, Disyembre 3, 2022, Umaambon
Ngayong araw, habang inaayos ko ang worksheet, hindi sinasadyang nakita ko ang isang video na hindi maayos na nakatalaga, na inulit ang gampaning produksyon. Labis akong nagulat. Matapos ang maingat na inspeksyon, napagtanto ko na ito ay dahil nakalimutan kong tingnan ang mga talaan bago ang produksyon. Naalala ko na dalawang beses akong nagkamali dati dahil hindi ko tiningnan ang mga talaan. Noong panahong iyon, pinuna ako ng lider dahil hindi ako masipag at ibinuod niya ang mga sanhi ng aking mga pagkakamali, sinasabi sa akin na iwasang gawin ang parehong pagkakamali sa hinaharap. Hindi ko inakala na magagawa kong muli ang parehong pagkakamali ngayon. Nakaramdam ako ng labis na panghihina. “Ilang araw pa lang akong superbisor, at nakagawa na naman ako ng ganito kababaw na pagkakamali. Kapag nalaman ito ng lider, tiyak na madidismaya siya sa akin! Kapag pinungusan at pinuna niya na naman ako, paano pa ako magiging kumpiyansa?” Naalala ko rin na noong nakaraang ilang araw, tinanggal si Sister Nadya sa aming grupo dahil palagi siyang pabaya sa kanyang mga tungkulin. Noong panahong iyon, nakipagbahaginan at isiniwalat ko pa ang kalikasan at mga kahihinatnan ng pagiging pabaya sa kanyang tungkulin. Pero ngayon ay nakagawa rin ako ng isang ganito kababa na pagkakamali dahil sa aking pagiging pabaya. Kung malalaman ng mga kapatid, siguradong sasabihin nilang ipinapangaral kong mabuti ang mga salita at mga doktrina pero pabaya kong ginagawa ang aking mga tungkulin at wala akong katotohanang realidad, dahilan para hindi ako maging angkop na superbisor. Habang mas lalo ko iyong iniisip, lalo akong hindi mapalagay, at nagsisi akong hindi ako nag-check nang mabuti noong oras na iyon. Hiyang-hiya akong aminin sa lahat ang pagkakamali ko, kaya binura ko ang nakaraang talaan sa produksyon. Nang sandaling iyon, isang parirala mula sa mga salita ng Diyos ang biglang dumaan sa isip ko: “Ang lihim na mga salita at gawa ng tao ay laging nananatili sa harapan ng Aking luklukan ng paghatol” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao). Nakaramdam ako ng takot at kaba sa aking puso: Sinisiyasat ng Diyos ang kaloob-loobang katauhan ng tao. Bagama’t kaya kong itago ito sa mga tao, hindi ko malilinlang ang Diyos. Kung gagamitin ko ang panlilinlang, malinaw itong nakikita ng Diyos at kokondenahin Niya ako. Takot na takot ako at mabilis kong ibinalik ang binurang talaan. Ang pagtingin ko sa talaang ito ay parang pagtingin sa isang mantsa na hindi mabubura. Pero talagang wala akong lakas ng loob para aminin sa lider ang pagkakamali ko. Naisip ko na kung wala akong sinabing anuman, walang makakaalam, kaya mabilis kong isinara ang worksheet.
Kinagabihan, hindi ako mapakali sa kama, hindi ako makatulog, hindi ako mapalagay. Malinaw na nagkamali ako na nagdulot ng kawalan sa gawain, pero nagpanggap akong walang alam tungkol doon at hindi ako nagplanong sabihin sa lider ang tungkol sa isyung ito. Tahasan akong mapanlinlang! Kalaunan, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Hindi pineperpekto ng Diyos yaong mga mapanlinlang. Kung ang puso mo ay hindi tapat—kung hindi ka isang tapat na tao—kung gayon hindi ka makakamit ng Diyos. Hindi mo rin makakamit ang katotohanan, at hindi rin makakayang makamit ang Diyos. Ano ang ibig sabihin kung hindi mo makakamit ang Diyos? Kung hindi mo makakamit ang Diyos at hindi mo naunawaan ang katotohanan, hindi mo makikilala ang Diyos, kaya’t mawawalan ng paraan na maaari kang maging kaayon ng Diyos, kung magkagayon ay ikaw ang kaaway ng Diyos. Kung hindi ka kaayon ng Diyos, hindi mo Diyos ang Diyos; at kung ang Diyos ay hindi mo Diyos, hindi ka maaaring maligtas. Kung hindi mo hinahangad na matamo ang kaligtasan, bakit ka naniniwala sa Diyos? Kung hindi mo matatamo ang kaligtasan, magiging matinding kaaway ka ng Diyos magpakailanman, at itatakda na ang iyong kahihinatnan. Kaya, kung nais ng mga tao na maligtas, dapat silang magsimula sa pagiging matapat. Sa huli, ang mga nakakamit ng Diyos ay minamarkahan ng isang tanda. Alam ba ninyo kung ano ito? Nasusulat ito sa Pahayag, sa Bibliya: ‘At sa kanilang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis’ (Pahayag 14:5). Sino yaong ‘sila’? Sila yaong mga naligtas, nagawang perpekto at nakamit ng Diyos. Paano inilalarawan ng Diyos ang mga taong ito? Ano ang mga katangian at mga pagpapahayag ng kanilang pag-asal? Wala silang dungis. Hindi sila nagsasabi ng mga kasinungalingan. Marahil ay nauunawaan at naiintindihan ninyong lahat ang kahulugan ng hindi pagsasabi ng mga kasinungalingan: Nangangahulugan ito ng pagiging matapat” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). “Ang lahat ng tao ay may mapanlinlang na disposisyon; nagkakaiba lang sa kung gaano ito katindi. Bagamat maaaring nagtatapat at nagbabahagi ka ng iyong mga problema sa mga pagtitipon, nangangahulugan ba iyon na wala kang mapanlinlang na disposisyon? Hindi, mayroon ka rin niyon. Bakit Ko ito nasasabi? Narito ang isang halimbawa: Maaaring kaya mong magtapat sa pagbabahagi tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa iyong pagpapahalaga sa sarili o banidad, mga bagay na hindi nakahihiya, at mga bagay kung saan hindi ka mapupungusan—pero kung may nagawa kang bagay na lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, bagay na kapopootan at kasusuklaman ng lahat, magagawa mo bang matapat na magbahagi tungkol dito sa mga pagtitipon? At kung may nagawa kang karima-rimarim, lalo nang magiging mas mahirap para sa iyo na magtapat at ibunyag ang katotohanan tungkol doon. Kung may magsisiyasat dito o magtatangkang alamin kung sino dapat ang sisihin para dito, gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya para itago ito, at matatakot kang malantad ang usaping ito. Palagi mo iyong susubukang pagtakpan at lusutan. Hindi ba’t isa itong mapanlinlang na disposisyon? Maaaring naniniwala ka na kung hindi mo ito sasabihin nang malakas ay walang makaaalam nito, at na maging ang Diyos ay imposibleng malaman ito. Mali iyan! Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Kung hindi mo ito madama, hindi mo talaga kilala ang Diyos. Hindi lamang nililinlang ng mga mapanlinlang na tao ang iba—nangangahas pa silang subukang lansihin ang Diyos at gumamit ng mga mapanlinlang na pamamaraan para labanan Siya. Matatamo ba ng gayong mga tao ang pagliligtas ng Diyos? Matuwid at banal ang disposisyon ng Diyos, at ang mga mapanlinlang na tao ang pinakakinamumuhian Niya. Kaya, pinakamahirap para sa mga mapanlinlang na tao na matamo ang kaligtasan. Ang mga taong may mapanlinlang na kalikasan ang pinakamadalas magsinungaling. Magsisinungaling sila maging sa Diyos at susubukan nilang lansihin Siya, at nagmamatigas sila sa hindi pagsisisi. Nangangahulugan ito na hindi nila matatamo ang pagliligtas ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili). Sa pagkukumpara ko ng mga salita ng Diyos sa aking mga iniisip at ikinikilos matapos kong magkamali, napagtanto kong nagbubunyag ako ng isang mapanlinlang na disposisyon. Isa itong katunayan na pabasta-basta kong ginawa ang aking mga tungkulin, na nagresulta sa naulit na gawain at inaksaya ko ang lakas ng tao at mga materyal. Dapat akong maging isang matapat na tao at tapat na aminin sa lider ang aking pagkakamali at akuin ang responsabilidad. Pero natakot ako na hahamakin ako ng lider at mga kapatid, kaya pinagtakpan ko ang aking pagkakamali sa pamamagitan ng pagbubura sa dating talaan ng produksyon, sa pag-aakalang mapipigilan nito ang sinuman na matuklasan ang problema. Bagaman kalaunan ay ibinalik ko ang talaan, ayaw ko pa ring aminin ang aking pagkakamali, umaasang hindi iyon mahahalata; hangga’t walang makakadiskubre niyon kalaunan, maaaring hayaan na lang iyon nang hindi naaayos. Kung may makatuklas doon kalaunan, puwede kong sabihing napansin ko iyon noon pero nakalimutan kong banggitin, hindi sa sinasadya kong ilihim iyon. Sa ganitong paraan, maaari kong pagtakpan ang pagkakamali ko nang hindi nagmumukhang mapanlinlang. Napakamapanlinlang ko! Banal ang diwa ng Diyos, at gusto Niya ang matatapat na tao at kinamumuhian ang mga mapanlinlang na tao. Kahit na alam kong sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay, nanlinlang at nanlansi pa rin ako. Kinasuklaman ng Diyos ang mga kilos ko. Kung hindi ako nagsisi at hindi naging isang matapat na tao, gaano man ako magsakripisyo sa panlabas, hindi ako maliligtas sa huli. Gayumpaman, masyadong nakakahiya na aminin sa lider ang aking pagkakamali. Natakot ako na madidismaya sa akin ang lider at pupungusan ako, at wala akong lakas ng loob na magsalita. Nakaramdam ako ng pagkalito at bigat sa aking puso.
Lunes, Disyembre 5, 2022, Makulimlim
Dalawang araw na ang nakalipas, at wala pa rin akong lakas ng loob na magsabi sa lider. Sa nakaraang dalawang araw na iyon, desperado kong gustong burahin ang insidenteng ito sa aking alaala; nang sa gayon ay hindi ko na kailangang aminin ang pagkakamali ko at harapin ang kahihiyan. Isinubsob ko ang buong sarili ko sa aking gawain, na pansamantalang nakakatulong sa akin na makalimutan ang tungkol sa insidenteng ito. Gayumpaman, kapag may saglit akong pahinga, hindi ko mapigil na isiping muli iyon. Nakakapit sa akin ang pagkakamaling ito na parang isang bangungot. Kumakain man ako, naglilinis, o naglalakad, sumasakit ang aking puso sa pag-iisip tungkol doon na para bang pinipilipit ito. Para bang may isang tinig sa isip ko na palaging nag-aakusa sa akin: “Hindi ka isang matapat na tao; hindi ka maliligtas.” Sa gabi, hindi rin ako makatulog nang mahimbing, at nagdurusa ang puso ko. Inisip ko ang mga salita ng Diyos: “Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao. Napakapayak ng sinasabi Ko, ngunit doble ang hirap nito para sa inyo. Maraming tao ang mas nanaisin pang maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang tapat. Hindi kataka-takang iba ang magiging pagtrato Ko sa mga hindi tapat” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Noong nabasa ko dati ang mga salitang ito ng Diyos, hindi ko iyon talaga naunawaan. Naisip ko, “Talaga bang ganoon kahirap maging isang matapat na tao? Malinaw na sinasabi ng Diyos na kapag hindi tayo naging matatapat na tao, hindi tayo maliligtas. Dahil alam ko ang mga kahihinatnan, para maligtas at makapasok sa kaharian ng langit, dapat akong magsalita at kumilos nang matapat ayon sa mga salita ng Diyos, anumang paghihirap ang aking tiisin. Hindi ito dapat maging mahirap! Bukod doon, likas na sa pagkatao ko ang pagiging prangka; madali kong masabi ang aking iniisip, kaya hindi dapat maging mahirap para sa akin ang maging matapat at magsabi ng katotohanan.” Pero sa pagbubunyag ng mga katunayan, napagtanto kong ang pagiging isang matapat na tao ay hindi kasing-simple gaya ng inakala ko. Ni wala nga akong lakas ng loob na aminin ang sarili kong pagkakamali. Para iligtas ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, gumamit pa ako ng mga panlalansi para takpan ang katunayan. Kahit na malinaw kong nalalaman na hindi ako maliligtas nang hindi nagiging matapat, ayaw ko pa ring aminin ang pagkakamali ko. Hindi ba’t ako ang klase ng taong inilalarawan ng Diyos bilang isang mas nanaisin pang mahatulan sa impiyerno kaysa magsalita nang matapat? Inisip ko kung paano ako nanampalataya sa Diyos nang mahigit sa sampung taon pero hindi ko pa rin magawang maging isang matapat na tao sa maliit na usaping ito, ni hindi ko rin matapat na maamin ang aking pagkakamali. Hindi ako nagtataglay ng ni katiting na katotohanang realidad! Nakaramdam ako ng panghihina ng loob at pagkadismaya sa sarili ko. Palagi kong sinasabi na gusto kong isagawa ang katotohanan, pero nang maharap ako sa isang bagay na may kinalaman sa aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, kusa akong nabibigo na isagawa iyon. Pinanghinaan ako ng loob at ayaw kong makipag-usap sa mga kapatid; palagi kong nararamdaman na hindi ko isinasagawa ang katotohanan at hindi ako isang matapat na tao, kaya wala akong mukhang maihaharap sa kanila. Sa gabi, bago matulog, habang may luha ang aking mga mata, nagdarasal ako sa Diyos, inilalabas ang lahat ng bigat mula sa aking puso: “O Diyos, nakikita ko kung gaano ako kaawa-awa. Ni hindi ko maisagawa ang katotohanan sa ganito kaliit na bagay; ni hindi ako makapagsalita ng isang makatotohanang pahayag o umamin sa isang pagkakamali. Labis akong ginawang tiwali ni Satanas! O Diyos, masyado akong pinanghihinaan ng loob. Ayaw kong mabuhay nang ganito; pakiusap iligtas Mo po ako.”
Lunes, Disyembre 12, 2022, Maulap, Umaaliwalas
Noong una gusto ko sanang aminin sa lider ang aking pagkakamali, pero nang oras na para magsalita, nakaramdam pa rin ako ng sobrang kaba. Hindi ko mapigilang mag-isip: Bakit napakahirap para sa akin na aminin ang aking pagkakamali at sabihin ang katotohanan? Ano ba talaga ang pumipigil sa akin na maging matapat? Ibinahagi ko ang aking kalagayan kay Sister Tracy, at pinadalhan niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, na sa wakas ay nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa tungkol sa bagay na ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung mayroon kang kahandaan kapag ginagawa ang isang bagay, magagawa mo itong mabuti sa isang buhos ng lakas; pero hindi ka ganap na nagiging matapat sa isang pagkakataon lang ng pagsasabi ng katotohanan nang walang kasinungalingan. Ang pagiging isang matapat na tao ay may kasamang pagbabago ng disposisyon, nangangailangan ito ng sampu o dalawampung taong karanasan. Dapat mong iwaksi ang mapanlinlang mong disposisyon ng pagsisinungaling at panlilinlang bago mo maabot ang batayang pamantayan sa pagiging isang matapat na tao. Hindi ba’t mahirap ito para sa lahat? Isa itong napakalaking hamon. Gusto ng Diyos ngayon na magawang perpekto at makamit ang isang grupo ng mga tao, at lahat ng naghahangad ng katotohanan ay dapat tumanggap ng paghatol at pagkastigo, mga pagsubok at pagpipino, ang layon nito ay para lutasin ang kanilang mapanlinlang na disposisyon at gawin silang matatapat na tao, mga taong nagpapasakop sa Diyos. Hindi ito isang bagay na makakamit sa iisang buhos ng lakas; kailangan nito ng tunay na pananampalataya, at dapat dumanas ang isang tao ng maraming pagsubok at matinding pagpipino bago niya makamit ito. Kung hiningi sa iyo ng Diyos ngayon na maging matapat na tao at na magsabi ka ng totoo, isang bagay na may kinalaman sa mga katunayan, at sa iyong hinaharap at kapalaran, na ang mga kahihinatnan marahil ay hindi makabubuti sa iyo, na hindi ka na titingalain ng iba, at pakiramdam mo ay masisira ang iyong reputasyon—sa gayong mga sitwasyon, magagawa mo bang maging prangka, at magsabi ng totoo? Magagawa mo pa rin bang maging matapat? Iyon ang pinakamahirap gawin, mas mahirap kaysa isuko ang buhay mo. Maaari mong sabihing, ‘Hindi Mo ako mauutusang sabihin ang katotohanan. Mas gugustuhin ko pang mamatay para sa Diyos kaysa sabihin ang katotohanan. Ayaw ko talagang maging isang matapat na tao. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa hamakin ako ng lahat at isipin na isa akong ordinaryong tao.’ Anong ipinapakita nito na pinakapinahahalagahan ng mga tao? Ang pinakapinahahalagahan ng mga tao ay ang kanilang katayuan at reputasyon—mga bagay na kontrolado ng kanilang mga satanikong disposisyon. Pumapangalawa lamang ang buhay. Kung pipilitin sila ng sitwasyon, magsisikap silang magkalakas ng loob na ihandog ang kanilang buhay, pero hindi madaling isuko ang katayuan at reputasyon. Para sa mga taong nananalig sa Diyos, ang paghahandog ng kanilang buhay ay hindi ang pinakamahalaga; hinihingi ng Diyos na tanggapin ng mga tao ang katotohanan, at tunay na maging matatapat na tao na sinasabi kung ano man ang nasa puso nila, nagbubukas at nagtatapat sa lahat. Madali bang gawin ito? (Hindi.) Sa katunayan, hindi hinihingi sa iyo ng Diyos na isakripisyo mo ang buhay mo. Hindi ba’t bigay sa iyo ng Diyos ang buhay mo? Ano ang pakinabang ng buhay mo sa Diyos? Hindi ito gusto ng Diyos. Ang gusto Niya ay magsalita ka nang tapat, sabihin mo kung sino ka at ano ang nilalaman ng puso mo. Masasabi mo ba ang mga bagay na ito? Dito, nagiging mahirap ang gawain, at maaari mong sabihing, ‘Pagtrabahuhin Mo ako, at magkakaroon ako ng lakas na gawin iyon. Sabihan Mo akong isakripisyo ang lahat ng pag-aari ko, at magagawa ko ito. Madali kong matatalikdan ang aking mga magulang, anak, asawa, at propesyon. Ngunit ang pagsasabi ng nasa puso ko, pagsasalita nang tapat—iyan ang isang bagay na hindi ko magagawa.’ Bakit hindi mo magagawa iyon? Dahil kapag ginawa mo iyon, sinumang nakakakilala sa iyo o pamilyar sa iyo ay mag-iiba ang tingin sa iyo. Hindi ka na nila titingalain. Mapapahiya ka na at ganap na mahahamak, at maglalaho ang iyong integridad at dignidad. Mawawala ang matayog na katayuan at reputasyon mo sa puso ng iba. Kaya nga, sa gayong sitwasyon, anuman ang mangyari, hindi mo sasabihin ang totoo. Kapag nakakaharap ito ng mga tao, may pagtatalo sa puso nila, at kapag lumipas na ang pagtatalong iyon, sa huli ay nakakaraos ang ilan sa kanilang mga paghihirap samantalang ang iba ay hindi, at mananatili silang kontrolado pa rin ng kanilang mga tiwaling satanikong disposisyon at ng kanilang sariling katayuan, reputasyon, at tinatawag na dangal. Mahirap ito, hindi ba? Hindi isang dakilang tagumpay ang magsalita lamang nang tapat at magsabi ng katotohanan, subalit napakaraming matatapang na bayani, napakaraming tao na ang sumumpa na ilalaan ang kanilang sarili at gugugulin ang kanilang buhay para sa Diyos, at napakaraming nagsabi ng magagandang bagay sa Diyos ang nahihirapang gawin iyon” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong hindi ako nangahas na aminin sa lider ang pagkakamali ko dahil mas inuuna ko ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, at labis kong inaalala ang aking imahe sa paningin ng iba. Naaalala ko, simula noong maliit pa ako ay isinaalang-alang ko na ang mga lason ni Satanas gaya ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” bilang mga matalinong kasabihan. Palagi kong binibigyan ng malaking importansya ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan. Anuman ang gawin ko, gusto kong mag-iwan ng isang magandang impresyon sa iba at tumanggap ng kanilang papuri. Kapag hindi maganda ang nagawa ko at napahiya ako, labis akong nababagabag. Naalala ko noong nasa paaralan ako, sasabihin ng guro sa mga estudyanteng nakagawa ng pagkakamali na magtaas ng kanilang mga kamay. Kapag madalas akong makagawa ng mga pagkakamali, pakiramdam ko ay iisipin ng aking guro at mga kaklase na estupido ako at pagtatawanan ako, kaya hindi ako nangahas na magtaas ng aking kamay. Kapag dinaanan ako ng aking guro, tatakpan ko ang aking mga pagkakamali para hindi makita ng guro ang mga iyon. Para mapanatili ang aking pagpapahalaga sa sarili, natuto akong gumamit ng mga panlalansi at maging mapanlinlang sa murang edad. Matapos manampalataya sa Diyos, nagtrabaho ako sa paggawa ng video sa iglesia. Alam kong ang trabahong ito ay nangangailangan ng matinding atensyon sa mga detalye, dahil anumang maliit na pagkakamali ay maaaring humantong sa malalaking kawalan. Samakatwid, sinubukan kong maging metikuloso hangga’t maaari, hinahangad na isipin ng mga kapatid na masipag ako at responsable, at para magkaroon sila ng isang magandang impresyon sa akin. Hinangad ko rin na pahalagahan ako ng lider. Lalo na at kamakailan lang ako namahala sa gawaing pang-video, inakala kong marahil dahil iyon sa sinasang-ayunan ako ng lahat, at nakikita ako bilang isang seryoso, responsable, at mapagkakatiwalaang tao. Kaya nang makagawa ako ng mga pagkakamali, ang una kong inalala ay ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan. Nag-alala ako na kapag nalaman ng lider na nakagawa ako ng ganoon ka-simpleng pagkakamali, siguradong hindi niya na ako pagkakatiwalaan o pahahalagahan, at hahamakin ako ng mga kapatid, iniisip na iresponsable ako at marumi, na siyang sisira sa magandang imaheng inukit ko sa nakalipas na mga taon. Upang protektahan ang aking pagpapahalaga sa sarili at mapanatili ang aking magandang imahe sa mata ng lahat, nanlinlang at nanloko ako, at sinubukan kong pagtakpan ang aking pagkakamali. Naisip ko pa ngang isawalang-bahala ang isyu, na huwag banggitin iyon sa sinuman, umaasang mawala iyon at malusutan iyon. Napakamapanlinlang ko! Alam na alam kong sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay, pero sinubukan ko pa ring pagtakpan ang aking pagkakamali, na nagpapakitang hindi lang ako mapanlinlang kundi masyado ring mapagmatigas. Napagtanto kong ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan ang pinakamalalaking balakid sa pagiging isang matapat na tao. Kung hindi ako makakawala mula sa pagkakagapos at pagpigil ng aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, hindi ko makakayang isagawa ang katotohanan, at sa huli, ako ay ititiwalag.
Binasa ko rin ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Maraming praktikal na problema ang lumilitaw habang nararanasan ng mga tao ang pagiging matapat. Kung minsan ay nagsasalita lang sila nang hindi nag-iisip, nagkakamali sila saglit at nagsasabi ng kasinungalingan dahil sila ay pinatatakbo ng isang maling motibo o pakay, o banidad at pride, at dahil dito, kailangan nilang magsabi ng mas higit na maraming kasinungalingan para pagtakpan iyon. Sa huli, hindi sila panatag sa puso nila, pero hindi na nila mababawi ang mga kasinungalingan na iyon, wala silang lakas ng loob na itama ang kanilang mga pagkakamali, na aminin na nagsinungaling sila, at sa ganitong paraan, patuloy silang nagkakamali. Pagkatapos nito, parang palaging may batong nakadagan sa puso nila; gusto nila palaging humanap ng pagkakataong magsabi ng totoo, na aminin ang kanilang pagkakamali at magsisi, pero hindi nila ito kailanman isinasagawa. Sa huli, pinag-iisipan nila ito at sinasabi sa kanilang sarili, ‘Babawi ako kapag ginampanan ko ang tungkulin ko sa hinaharap.’ Lagi nilang sinasabing babawi sila, pero hindi nila ginagawa. Hindi iyon kasingsimple ng paghingi lang ng tawad pagkatapos magsinungaling—mababawi mo ba ang pinsala at mga kahihinatnan ng pagsisinungaling at panlilinlang? Kung, sa gitna ng matinding pagkamuhi sa sarili, nagagawa mong magsisi, at hindi mo na muling gagawin ang bagay na iyon, kung gayon ay maaaring matanggap mo ang pagpaparaya at awa ng Diyos. Kung nagsasabi ka ng matatamis na salita at nagsasabing babawi ka para sa mga kasinungalingan mo sa hinaharap, pero hindi ka talaga nagsisisi, at kalaunan ay patuloy kang nagsisinungaling at nanlilinlang—kung gayon ay masyado kang mapagmatigas sa iyong pagtangging magsisi, at siguradong matitiwalag ka. … Na ang manlinlang ng mga tao ay isang pagpapakita ng tiwaling disposisyon, ito ay para maghimagsik at lumaban sa Diyos, kaya magdudulot ito sa iyo ng pasakit. Kapag nagsisinungaling at nanlilinlang ka, maaaring nararamdaman mo na nakapagsalita ka nang napakatalino at napakaingat, at na wala kang naibigay na anumang maliliit na pahiwatig tungkol sa iyong panlilinlang—pero kalaunan, nakakaramdam ka ng paninisi at pang-aakusa, na maaaring bumagabag sa iyo sa buong buhay mo. Kung kusa at sinasadya mong magsinungaling at manlinlang, at dumating ang araw kung kailan napagtanto mo ang bigat nito, tatagos ito sa puso mo na parang isang kutsilyo, at palagi kang maghahanap ng pagkakataong makabawi sa mga mali mong nagawa. At iyon ang kailangan mong gawin, maliban na lang kung wala kang konsensiya, at hindi ka pa namuhay nang naaayon sa iyong konsensiya, at wala kang pagkatao, at walang karakter o dignidad. Kung mayroon kang kaunting karakter at dignidad, at kaunting kamalayan ng konsensiya, kapag napagtanto mo na nagsisinungaling at nanlilinlang ka, mararamdaman mo na kahiya-hiya ang pag-uugali mong ito, kakutya-kutya at mababa; kamumuhian at kasusuklaman mo ang sarili mo, at tatalikuran mo ang landas ng kasinungalingan at panlilinlang” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Sa nakalipas na ilang araw, hindi ko pa sinabi kaninuman ang tungkol sa aking pagkakamali sa paggawa ng aking mga tungkulin. Bagama’t hindi nagdusa ng anumang pinsala ang aking pagpapahalaga sa sarili, sa puso ko ay palagi akong nakokonsensiya tuwing wala akong ginagawa. Ito ang dahilan kaya hindi ako mapakali at balisa araw-araw; hindi ako makatulog nang mabuti sa gabi, at nagdurusa ang aking puso dahil sa pagkakasala. Labis kong nararamdaman na kung wala ang pagiging isang matapat na tao, walang kapayapaan o kagalakan. Sa pagtitiwala sa panlilinlang at pagpapanggap, pansamantala kong nailigtas ang aking pagpapahalaga sa sarili, pero nawala ko naman ang aking dignidad at integridad, at napakabigat ng pasakit mula sa pagkakonsensiya. Habang inaalala ko ito, napagtanto kong maraming beses akong nakagawa ng parehong mga pagkakamali dahil hindi ko tiningnan ang dating mga talaan bago gumawa ng mga video. Kung sinunod ko sana ang mga hakbang ng gawain at tiningnan nang mabuti ang lahat, maaaring ganap na naiwasan ang mga pagkakamaling ito. Bagaman binigyang-diin ng lider ang kahalagahan ng pagsusulat at pagsusuri sa mga form matapos ang aking naunang dalawang pagkakamali, masyadong matrabaho ang proseso para sa akin at nagbakasakali ako, inaakalang marahil ay hindi magdudulot ng anumang problema ang hindi pagsusuri. Minsan, kapag abala ako, nilalaktawan ko ang hakbang na ito. Nakita ko na sa paggawa ng aking mga tungkulin, hindi lang ako pabaya kundi mayabang at mapagmagaling din, at masyadong marumi. Kapag nagkakamali ako, sinubukan ko pang pagtakpan ang mga iyon; nagbalat-kayo at binalot ko ang aking sarili at nilinlang ang iba gamit ang isang huwad na imahe. Talagang kasuklam-suklam ito at walang kahihiyan! Nang mapagtanto ko ang kalubhaan ng isyung ito, nanalangin ako sa Diyos at nagsisi.
Nagbasa rin ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nahanap ko ang landas sa pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Matatapat na tao lang ang maaaring magkaroon ng bahagi sa kaharian ng langit. Kung hindi ka magsisikap na maging matapat na tao, at kung hindi ka dumaranas at nagsasagawa sa direksyon ng paghahanap sa katotohanan, kung hindi mo ilalantad ang sarili mong kapangitan, at kung hindi mo ilalantad ang iyong sarili, hinding-hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Anuman ang ginagawa mo o anumang tungkulin ang ginagampanan mo, dapat mayroon kang matapat na saloobin. Kung wala kang matapat na saloobin, hindi mo magagampanan nang mabuti ang tungkulin mo. Kung palagi mong ginagampanan ang iyong tungkulin nang pabasta-basta, at nabibigo kang gawin nang mahusay ang isang bagay, dapat mong pagnilayan ang iyong sarili, kilalanin ang iyong sarili, at magtapat upang mahimay ang iyong sarili. Pagkatapos ay dapat mong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo at sikaping mas paghusayan sa susunod, sa halip na maging pabasta-basta” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, biglang naging malinaw ang puso ko. Kapag nagkakamali ako sa paggawa ng mga tungkulin, dapat kong pagnilayan ang aking sarili, ibuod ang mga paglihis, at buksan, ilantad, at himayin ang aking sarili sa harap ng lahat, tinatanggap ang kanilang pangangasiwa. Makakatulong ito para mapigilan ang mga pagkakamali sa hinaharap at isa ring pagsasagawa ng pagiging isang matapat na tao. Ang papel ko bilang isang superbisor ay isang pagkakataong ibinigay ng Diyos sa akin para magsagawa. Bukod pa roon, hindi kailanman hiniling ng sambahayan ng Diyos na hindi magkamali ang mga tao sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, lalong hindi rin nito uuriin ang mga tao sa paggawa ng mga pagkakamali. Ang susi ay nasa kung matapos magkamali ay kaya ng isang tao na ibuod kaagad ang mga dahilan, pagnilayan ang kanyang sarili, hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, at iwasang ulitin ang parehong mga pagkakamali. Hangga’t ang pagganap sa tungkulin ng isang tao ay hindi palagiang pabasta-basta at hindi-na-mababago, ang sambahayan ng Diyos ay tatratuhin sila nang tama at bibigyan sila ng mga oportunidad. Dahil nauudyukan ng mga tiwaling disposisyon, ang aking pagiging pabaya sa paggawa sa aking mga tungkulin ay humantong sa mga pagkakamali, nagdulot ng mga kawalan sa mga interes ng iglesia. Isa itong katunayan. Dapat akong maging isang matapat na tao, ilantad at himayin ang aking sarili, tumuon sa paghahanap ng katotohanan upang malutas ang aking mga tiwaling disposisyon, at masigasig na gawin ang aking mga tungkulin. Ito ang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan. Kung ako ay naglilihim at nanlilinlang kapag nagkakamali, at pinagtatakpan ang aking mga kamalian gamit ang isang huwad na imahe habang halatang puno ng kapabayaan sa paggawa ng aking mga tungkulin upang malinlang ang iba, bagaman maaari kong pansamantalang maingatan ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, mananatiling hindi nalulutas ang problema ng pagiging pabaya, at hindi ko magagawang tuparin ayon sa pamantayan ang aking mga tungkulin. Pinipinsala talaga nito ang aking sarili. Hindi ko na maaaring ibalot ang sarili ko upang protektahan ang aking pagpapahalaga sa sarili; dapat kong isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao. Naisip ko ang ibang mga kapatid na nagkaroon din ng mga isyu sa paulit-ulit na produksyon. Bilang isang superbisor, dapat akong magsilbing isang halimbawa sa pamamagitan ng paglalantad sa sarili kong mga problema, ng pagbubuod ng mga iyon sa lahat, ng paghahanap ng landas, at ng pagpigil sa lahat na makagawa ng parehong mga pagkakamali na maaaring makapinsala sa gawain. Ang pag-iisip ko nito ang nagbigay sa akin ng motibasyon upang isagawa ang katotohanan at ng lakas ng loob para aminin ang aking pagkakamali.
Miyerkules, Disyembre 14, 2022, Maaraw
Sa pagtitipon, lantaran kong ibinahagi sa lahat ang aking kalagayan, isinisiwalat ang aking katiwalian at pagkakamali, at pinaalalahanan ang lahat na matuto mula sa mga aral na ito. Matapos ang pagtitipon, pakiramdam ko ay natanggal na sa wakas ang isang mabigat na dalahin sa aking dibdib. Gumaan ang aking puso at naranasan ko ang tamis at ginhawang mula sa pagiging tapat at pagsasabi ng katotohanan. Kabaligtaran sa aking mga inaasahan, hindi ako hinamak ng lider sa halip ay nakipagbahaginan sa akin ng mga salita ng Diyos upang tulungan ako, na lubhang nakakapagpatibay. Nagdesisyon akong mag-pokus sa paglutas sa problema ng pagiging pabaya sa paggawa sa aking mga tungkulin, upang ang aking mga tungkulin ay magkamit ng magagandang resulta.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto kong ang pagiging isang matapat na tao ay hindi kasing-simple ng gaya ng inakala ko. Hindi ito tungkol sa pagkakaroon ng isang prangkang pagkatao at tuwirang pagsasalita. Ito ang aking baluktot na pagkaunawa. Labis akong ginawang tiwali ni Satanas, pinuno ng mga tiwaling disposisyon gaya ng pagiging mapanlinlang, kayabangan, at pagkamakasarili. Upang protektahan ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, kaya kong magsinungaling at manlinlang. Kailangan kong tanggapin ang paghatol, pagkastigo, at pagpupungos ng mga salita ng Diyos, upang magbago. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko noon: “Sa mga mata ng Diyos, ang magawang maging isang matapat na tao ay kinasasangkutan ng higit pa sa pagbabago lamang sa asal at pag-uugali; kinasasangkutan din ito ng napakahahalagang pagbabago sa mentalidad at mga pananaw ng isang tao sa mga usapin. Wala na siyang layuning magsinungaling o manlinlang, at ganap na wala nang pagkukunwari o panlilinlang sa sinasabi at ginagawa niya. Nagiging mas totoo na ang mga salita at gawa niya, at dumarami na ang matatapat na salita. Halimbawa, kapag tinanong ka kung may nagawa ka, kahit pa ang pag-amin dito ay magdudulot na masampal o maparusahan ka, masasabi mo pa rin ang katotohanan. Kahit pa ang pag-amin dito ay nangangahulugan ng pagpasan ng malaking responsabilidad, pagharap sa kamatayan o pagkawasak, masasabi mo pa rin ang katotohanan at handa kang isagawa ang katotohanan para mapalugod ang Diyos. Ipinahihiwatig nito na ang saloobin mo sa mga salita ng Diyos ay naging napakatatag na. Kahit kailan pa, ang pagpili sa isa sa mga pamantayan ng pagsasagawang hinihingi ng Diyos ay hindi na naging isyu pa sa iyo; natural mo itong nakakamit at naisasagawa nang hindi napipigilan ng mga panlabas na sitwasyon, ng paggabay ng mga lider at manggagawa, o ng pagkadama ng pagsisiyasat ng Diyos sa tabi mo. Nagagawa mong mag-isa ang mga ito nang walang kahirap-hirap. Dahil hindi ka napipigilan ng mga panlabas na sitwasyon, at hindi dahil sa takot sa pagdidisiplina ng Diyos, ni dahil sa takot sa pang-uusig ng konsensiya mo, at lalong hindi dahil sa takot sa pangungutya o pagbabantay ng iba—hindi dahil sa alinman sa mga ito—kaya mong maagap na suriin ang pag-uugali mo, sukatin ang kawastuhan nito, at timbangin kung nakakasunod ba ito sa katotohanan at kung napapalugod ba nito ang Diyos. Sa puntong iyon, sa kabuuan ay natugunan mo na ang pamantayan ng pagiging isang matapat na tao sa mga mata ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos 3). Kung ikukumpara ang aking sarili sa pamantayan ng isang matapat na tao na hinihingi ng Diyos, alam kong malayo pa ako roon. Gayumpaman, handa akong magsikap upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, isagawa ang mga salita ng Diyos sa bawat sitwasyong nagaganap, mag-pokus sa tapat na pagsasalita, at isagawa ang katotohanan upang maging isang matapat na tao.