758 Mapalad ang mga Nagmamahal sa Diyos
I
Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos ang makakapagpatotoo sa Diyos,
sila lamang ang mga saksi ng Diyos,
sila lamang ang pinagpapala ng Diyos at makakatanggap ng mga pangako ng Diyos.
Ang mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos;
sila ang mga tao na minamahal ng Diyos,
at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ng Diyos.
Ang mga taong tulad lamang nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan,
at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman
sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos.
II
Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos,
at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos,
ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos
ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan
nang walang sinumang mangangahas na labanan sila,
at makakaya nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa
at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos.
Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba't ibang dako ng mundo.
Nagsasalita sila ng iba't ibang wika at may iba't ibang kulay ng balat,
ngunit ang kanilang pag-iral ay may katulad na kahulugan;
silang lahat ay may pusong nagmamahal sa Diyos,
silang lahat ay nagtataglay ng magkakatulad na patotoo,
at may magkakatulad na kapasyahan, at magkakatulad na minimithi.
Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos,
at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos.
Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpapala sila ng Diyos,
at mabubuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag