123  Labis na Pinagpala ang mga Nagmamahal sa Diyos

I

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos;

tinatamasa nila ang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu.

Habang binabasa ang mga salita ng Diyos, naliliwanagan at natatanglawan sila;

lumiliwanag ang mga puso nila't may landas silang masusundan.

Naghihimagsik sila laban sa laman at iniiwan nila ang sekular na mundo;

kayligayang mamuhay sa harap ng Diyos.

Nang may pagsasaalang-alang sa puso ng Diyos,

ginagampanan nang maayos ang tungkulin nila,

masaya't payapa ang espiritu nila.

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos;

madalas sumasakanila ang paghatol at pagkastigo.

Habang tinatanggap ang paghatol, nalilinis sila, nalilinis sila,

at nagdadala ng luwalhati sa Diyos ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon.

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos;

ang pagsunod sa kalooban Niya'y itinuturing nilang bokasyong panglangit.

Isinasagawa ang katotohanan at nagpapasakop sa Diyos,

may takot sila sa Diyos at namumuhay sa liwanag.

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos;


II

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos;

natatanggap nila ang mga pagsubok at pagpeperpekto Niya.

Kasama Siya sa kanilang tabi sa sakit at paghihirap,

natitikman nila kung gaano katotoo ang Kanyang pag-ibig.

Sa pagtakas mula sa impluwensiya ni Satanas,

sila ay nakikiisa sa Diyos sa puso at isipan.

Sa pamamagitan ng pagpipino, mas nagiging dalisay ang pagmamahal nila,

dinadakila nila ang Diyos at nagpapatotoo sa Kanya magpakailanman.

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos;

nagpapasailalim sila sa mga pagsasaayos Niya sa hirap at ginhawa.

Matapat silang sumusunod sa Diyos hanggang sa kamatayan

at ginugugol nila ang kanilang buong buhay para sa Kanya.

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos;

Siya'y sinasamba nila nang may puso at katapatan.

Sila'y nagiging kapalagayang-loob Niya,

tumatanggap ng mga pangako't pagpapala Niya.

Labis na pinagpala ang mga nagmamahal sa Diyos.

Sinundan: 122  Mahalin ang Diyos Upang Mamuhay sa Liwanag

Sumunod: 124  Sinasang-ayunan ng Diyos ang mga Nagmamahal sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418  Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

I-type ang hinahanap mong term sa search box

Mga Nilalaman
Mga Setting
Mga Aklat
Hanapin
mga Video