110 Ang Kuwentong Nakapaloob sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos
Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
ang una’y ginawa ng Espiritu
at ‘di ng katawang-tao,
at ang pangwakas sa tatlong yugto
ay ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos,
hindi ng Espiritu.
I
Ang gitnang yugto ng gawain ng pagtubos
ay ginawa rin ng nagkatawang-taong Diyos.
Pinakamahalaga sa gawaing pamamahala
ay kaligtasan ng tao sa impluwensya ni Satanas.
Paglupig sa tiwaling tao’ng pangunahing gawain,
napanunumbalik paggalang ng tao sa Diyos,
tinutulutan siyang makamit
ang isang normal na buhay.
‘To’ng susi, pangunahin sa gawain ng pamamahala.
May kahulugan at batayan
sa bawat yugto ng gawain ng Diyos.
‘Di mga imahinasyong walang batayan,
ni ‘sinagawa nang sapalaran.
Ito’y may tiyak na karunungan.
Ito’ng katotohanan sa lahat ng gawain ng Diyos.
II
Dalawang yugto’y ginawa
ng nagkatawang-taong Diyos,
‘pagkat mahalaga ‘to sa gawain ng pamamahala.
Kung wala ito’y titigil lahat ng gawain.
Gawain ng pagliligtas ng tao’y
mawawalang saysay.
Kung ang gawaing ito’y mahalaga o hindi
ay batay sa pangangailangan
ng tao at kabuktutan,
at sa kung gaano kasuwail si Satanas,
at sa pang-aabala ni Satanas sa gawain.
Ang siyang nararapat para sa gawain,
pinipili batay sa kalikasan ng kanyang paggawa
at sa kahalagahan ng gawain.
May kahulugan at batayan
sa bawat yugto ng gawain ng Diyos.
‘Di mga imahinasyong walang batayan,
ni ‘sinagawa nang sapalaran.
Ito’y may tiyak na karunungan.
Ito’ng katotohanan sa lahat ng gawain ng Diyos.
III
Ito ma’y gawain ng Espiritu
o nagkatawang-taong Diyos,
bawat isa’y may plano ng Kanyang gawain.
‘Di Siya kailanman gumagawa ng walang batayan,
ni gumagawa ng gawaing walang saysay.
Direktang gawain ng Espiritu’y may layunin Niya.
‘Pag Siya’y tao, ito’y higit pang may layunin Niya.
Ba’t pa Niya binabago’ng pagkakakilanlan?
Ba’t magpapakahamak, pinag-uusig?
May kahulugan at batayan
sa bawat yugto ng gawain ng Diyos.
‘Di mga imahinasyong walang batayan,
ni ‘sinagawa nang sapalaran.
Ito’y may tiyak na karunungan.
Ito’ng katotohanan sa lahat ng gawain ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao