Paano Makikilala ang Realidad

Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawain ay praktikal, lahat ng salitang binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng katotohanang ipinahahayag Niya ay praktikal. Wala sa Kanyang mga salita ang hungkag, hindi umiiral, at hindi makatwiran. Ngayon, nariyan ang Banal na Espiritu para gabayan ang mga tao sa mga salita ng Diyos. Kung hahangarin ng mga tao ang makapasok sa realidad, kung gayon ay dapat nilang hanapin ang realidad, at kilalanin ang realidad, at pagkatapos ay dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Kapag mas nakikilala ng mga tao ang realidad, mas nakikilala nila kung tunay ang mga salita ng iba; kapag mas nakikilala ng mga tao ang realidad, nagiging mas kaunti ang kanilang mga kuru-kuro; kapag mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas nalalaman nila ang mga gawain ng praktikal na Diyos, at nagiging mas madali para sa kanilang kumalas mula sa kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; kapag mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at kapag mas mayroong realidad ang mga tao, mas malapit na nilang maabot ang mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos. Ang mga taong nakamit ng Diyos ay nagtataglay ng realidad, nakakakilala ng realidad, at nakakakilala sa mga tunay na gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng realidad. Kapag mas nakikipagtulungan ka sa Diyos sa praktikal na paraan at dinidisiplina ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawain ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas maliliwanagan ka ng Diyos, at sa ganitong paraan, mas lalaki ang iyong kaalaman sa tunay na mga gawain ng Diyos. Kung nakakapamuhay ka sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu, kung gayon ay mas magiging mas malinaw sa iyo ang kasalukuyang landas tungo sa pagsasagawa, at mas makakaya mong ihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong kuru-kuro at lumang gawi ng nakaraan. Ngayon, ang realidad ang pinagtutuunan: Kapag mas mayroong realidad ang mga tao, nagiging mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, at mas lumalaki ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Napapangibabawan ng realidad ang lahat ng salita at mga doktrina, napapangibabawan nito ang lahat ng teorya at kasanayan, at kapag mas pinagtutuunan ng mga tao ang realidad, mas tunay silang umiibig sa Diyos, at nagugutom at nauuhaw sa Kanyang mga salita. Kung lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiya sa buhay, mga relihiyosong kuru-kuro, at likas na katangian ay natural lamang na mabubura kasunod ng gawain ng Diyos. Ang mga hindi naghahangad ng realidad, at walang kaalaman sa realidad, ay malamang na maghahangad ng kababalaghan at madali silang malilinlang. Walang epekto ang Banal na Espiritu sa ganitong mga tao, kung kaya’t nakakaramdam sila ng kahungkagan, at na walang kahulugan ang kanilang mga buhay.

Nagkakaroon lamang ng epekto ang Banal na Espiritu sa iyo kapag ikaw ay tunay na nagsasanay, tunay na naghahanap, tunay na nagdarasal, at handang magpakasakit alang-alang sa paghahanap ng katotohanan. Ang mga hindi naghahanap sa katotohanan ay wala ni anuman kundi mga salita at doktrina, at hungkag na teorya, at ang mga walang katotohanan ay natural na mayroong maraming kuru-kuro tungkol sa Diyos. Hinahangad lamang ng ganitong mga tao na palitan ng Diyos ang kanilang katawang-lupa ng isang katawang espirituwal nang sa gayon ay maaari silang makaakyat sa ikatlong langit. Kayhahangal ng mga taong ito! Lahat ng nagsasabi ng ganitong mga bagay ay walang kaalaman sa Diyos, o sa realidad; hindi maaaring makipagtulungan sa Diyos ang ganitong mga tao, at maaari lamang maghintay nang walang ginagawa. Upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, at malinaw na makita ang katotohanan, at higit pa rito, upang makapasok sila sa katotohanan at maisagawa ito, dapat silang tunay na magsanay, tunay na maghanap, at tunay na magutom at mauhaw. Kapag nagugutom at nauuhaw ka, at kapag tunay kang nakikipagtulungan sa Diyos, ang Espiritu ng Diyos ay tiyak na aantig sa iyo at magkaka-epekto sa kalooban mo, na siyang magdadala sa iyo ng higit na kaliwanagan, at magbibigay sa iyo ng higit na kaalaman sa realidad, at magiging mas malaking tulong sa iyong buhay.

Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay isang praktikal na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang praktikal na pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao, at ang praktikal na gawain ng Diyos. Magagawa mo lamang na tunay na makipagtulungan sa Diyos kapag iyo nang nalaman na ang lahat ng gawain ng Diyos ay praktikal, at sa pagtahak ng landas na ito mo lamang matatamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng taong walang kaalaman sa realidad ay walang paraan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, nabitag ng kanilang mga kuru-kuro, at namumuhay sa kanilang guni-guni, kaya wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Kapag mas malaki ang kaalaman mo tungkol sa realidad, mas malapit ka sa Diyos, at mas palagay ang loob mo sa Kanya; kapag mas hinahangad mo ang kalabuan, mga bagay na mahirap unawain, at doktrina, mas malalayo ka sa Diyos, at mas mararamdaman mong nakakapagod at mahirap ang pagdanas sa mga salita ng Diyos, at wala kang kakayahang makapasok. Kung nais mong pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos at patungo sa tamang landas ng iyong espirituwal na pamumuhay, dapat mo munang kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa mga bagay na malabo at mga kababalaghan, ang ibig sabihin, dapat mo munang maunawaan kung paano tunay na nagbibigay-liwanag at gumagabay ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban. Sa ganitong paraan, kung tunay mong nauunawaan ang tunay na gawain ng Banal na Espiritu sa kalooban ng tao, nakapasok ka na sa tamang daan ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos.

Ngayon, nagsisimula ang lahat sa realidad. Ang gawain ng Diyos ang pinakatotoo, at mahihipo ng mga tao; iyon ang maaaring maranasan at maisakatuparan ng mga tao. Kayrami ng malabo at kababalaghan sa mga tao, na siyang pumipigil sa kanila na makilala ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Kaya palagi silang lumilihis sa kanilang mga karanasan, at palaging nakararamdam na mahirap ang mga bagay, at ang lahat ng ito ay dulot ng kanilang mga kuru-kuro. Hindi kayang maunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi nila kilala ang realidad, kaya lagi silang negatibo sa kanilang landas ng pagpasok. Tinitingnan nila ang mga hinihingi ng Diyos mula sa malayo at hindi naisasakatuparan ang mga iyon; nakikita lamang nilang tunay na mabubuti ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi mahanap ang landas upang makapasok. Gumagawa ang Banal na Espiritu batay sa prinsipyong ito: Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang aktibong pagdarasal, paghahanap at paglapit sa Diyos, matatamo ang mga resulta at maaari silang maliwanagan at matanglawan ng Banal na Espiritu. Hindi totoong kumikilos nang mag-isa ang Banal na Espiritu, o kumikilos ang tao nang mag-isa. Silang dalawa ay lubos na kinakailangan, at kapag mas nakikipagtulungan ang mga tao, at habang mas hinahangad nilang maabot ang mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos, nagkakaroon ng mas malaking epekto ang Banal na Espiritu. Tanging ang totoong pakikipagtulungan ng mga tao, dagdag sa gawain ng Banal na Espiritu, ang maaaring magbunga ng tunay na mga karanasan at ng kinakailangang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, sa pamamagitan ng pagdanas sa ganitong paraan, isang perpektong tao ang maibubunga sa huli. Hindi gumagawa ng mga kababalaghan ang Diyos; sa mga kuru-kuro ng mga tao, ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat, at ang lahat ay gawa ng Diyos—na ang bunga ay ang walang-aksiyong paghihintay ng mga tao, hindi pagbabasa ng mga salita ng Diyos o pagdarasal, at paghihintay na lamang sa pag-antig ng Banal na Espiritu. Samantala ang mga may tamang pagkaunawa ay naniniwala rito: Maaari lamang makasulong hanggang sa aking pakikipagtulungan ang mga pagkilos ng Diyos, at nakasalalay sa paraan ng aking pakikipagtulungan ang epekto ng gawain ng Diyos sa aking kalooban. Kapag nagsasalita ang Diyos, dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang mahanap at pagsumikapan ang mga salita ng Diyos; ito ang dapat kong maisakatuparan.

Sa mga halimbawa nina Pedro at Pablo, malinaw ninyong makikita na si Pedro ang pinakanagbigay-pansin sa realidad. Batay sa pinagdaanan ni Pedro, makikitang nabuod sa kanyang mga karanasan ang mga aral ng mga nabigo sa nakaraan, kung kaya’t nakuha niya ang mga kalakasan ng mga banal ng nakaraan. Maaaring makita mula rito kung gaano katotoo ang mga karanasan ni Pedro, na kaya ng mga tao na abutin, mahawakan, at makamit ang mga karanasang ito. Gayunman, naiiba si Pablo: Lahat ng sinabi niya ay malabo at hindi nakikita, mga bagay na tulad ng pagpunta sa ikatlong langit, pag-akyat sa trono, at korona ng pagkamatuwid. Pinagtuunan niya ang bagay na panlabas: ang katayuan at ang pagsaway sa mga tao, ang pagmamalaki ng kanyang senyoridad, ang pagkaantig ng Banal na Espiritu, at iba pa. Wala sa mga hinangad niya ang tunay, at karamihan doon ay pantasya, kaya makikita na ang lahat ng kababalaghan, gaya ng kung gaano inaantig ng Banal na Espiritu ang mga tao, ang malaking kagalakan na tinatamasa ng mga tao, ang pagpunta sa ikatlong langit, o ang antas ng kanilang pagtatamasa ng kanilang regular na pagsasanay, ang antas ng kanilang pagtatamasa ng mga salita ng Diyos—wala sa mga ito ang tunay. Lahat ng gawain ng Banal na Espiritu ay karaniwan at tunay. Kapag ikaw ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nagdarasal, maningning at matatag ka sa loob mo, at hindi ka kayang guluhin ng panlabas na mundo; sa loob mo, handa kang mahalin ang Diyos, handa kang makisangkot sa mga positibong bagay, at kinamumuhian mo ang masamang mundo. Ito ang pamumuhay sa piling ng Diyos. Hindi ito tulad ng sinasabi ng mga tao na pagdanas ng malaking kaligayahan—hindi praktikal ang gayong pananalita. Ngayon, nagsisimula dapat ang lahat sa realidad. Tunay ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at dapat mong pagtuunan ng pansin ang tunay na pagkilala sa Diyos sa iyong mga karanasan, at ang paghahanap sa mga bakas ng gawain ng Diyos at ang mga paraan kung paano inaantig at nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang mga tao. Kung kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, at nagdarasal, at nakikipagtulungan ka sa mas totoong paraan, isinasaloob kung ano ang mabuti mula sa mga panahong nagdaan, at tinatanggihan kung ano ang masama tulad ni Pedro, kung nakikinig ka gamit ang iyong mga tainga at nagmamasid gamit ang iyong mga mata, at madalas na nagdarasal at nagninilay sa iyong puso, at ginagawa ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, tiyak na gagabayan ka ng Diyos.

Sinundan: Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos

Sumunod: Hinggil sa Isang Normal na Espirituwal na Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito