64. Ang Nakamit Ko sa Pagiging Matapat na Tao
Sa isang pulong, tinanong ako ng isang lider kung kumusta ang pagdidilig sa mga baguhan ng iglesiang pinangangasiwaan ko. Natigilan ako. Hindi ko ito nasubaybayan nitong mga nakaraang araw at hindi ko alam ang mga detalye. Paano ako dapat tumugon? Kung sasabihin kong hindi ko alam, tiyak na sasabihin ng lider at iba pang mga katrabaho na hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain, at nakakahiya iyon. Naisip ko na pwede ko na lang ibahagi ang nalalaman ko dati at pagkatapos ay tingnan kung ano ang pwede kong gawin pagkatapos niyon. Kaya sumagot ako, “Nagawa na ang mga pagsasaayos para sa lahat ng gawaing iyon, at nagdagdag kami ng ilang miyembro ng grupo.” Kaagad na sinabi ng lider, “Hindi mo sinasagot ang tanong, umiiwas ka. Pagiging tuso iyan. Kung hindi mo alam, sabihin mo na lang at kumustahin iyon sa lalong madaling panahon. Bakit masyado kang paliguy-ligoy? Hindi maganda iyan. Ang pagkakamali ay isang pagkakamali, at dapat mayroon kang lakas ng loob na aminin ito!” Hindi ako mapakali noon at nababalisa, at nag-iinit ang mukha ko. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Pakiramdam ko napahiya ako nang husto, na nahalata na ako ng lahat. Alam kong tama ang sinabi ng lider, pero sa puso ko, hindi ako makapagpasakop. Pakiramdam ko ay hindi naman niya kailangang masyadong magsalita tungkol dito. Hindi ba’t ayos lang naman kung asikasuhin ko na lang ito sa lalong madaling panahon? Bakit kailangan pa niya akong tabasan at iwasto sa harap ng lahat ng taong iyon? Sumama talaga ang loob ko, kaya tahimik akong nagdasal, “Diyos ko, tumututol po ako sa nangyayari ngayon at hindi ko kayang magpasakop dito. Pakiusap, bigyang-liwanag Mo po ako para makilala ko ang sarili ko at matuto ng leksyon.”
Nabasa ko ang mga salita ng Diyos kalaunan: “Tingnan muna natin kung anong uri ng tanong ang itinanong ng Diyos na si Jehova kay Satanas. ‘Saan ka nanggaling?’ Hindi ba’t ito’y diretsahang tanong? Mayroon bang natatagong kahulugan? Wala; ito ay isang diretsahang tanong lamang. Kung tatanungin Ko kayo: ‘Saan ka nanggaling?’ paano kayo sasagot? Ito ba’y isang tanong na mahirap sagutin? Sasabihin ba ninyong: ‘Sa pagpaparoo’t parito, at sa pagmamanhik manaog’? (Hindi.) Hindi kayo sasagot ng ganito, kaya ano ang nararamdaman ninyo kapag nakikita ninyo si Satanas na sumasagot sa ganitong paraan? (Nararamdaman natin na si Satanas ay kakatwa ngunit mapanlinlang rin.) Masasabi ba ninyo kung ano ang nararamdaman Ko? Sa tuwing nakikita Ko ang mga salitang ito ni Satanas, naiinis Ako, sapagkat nagsasalita si Satanas ngunit walang anumang kabuluhan ang sinasabi nito. Sinagot ba ni Satanas ang tanong ng Diyos? Hindi, ang mga salitang sinabi ni Satanas ay hindi isang kasagutan at walang anumang kinahantungan ang mga ito. Ang mga iyon ay hindi kasagutan sa katanungan ng Diyos. ‘Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.’ Ano ang nauunawaan mo sa mga salitang ito? Saan ba talaga nanggaling si Satanas? Nakatanggap ka ba ng kasagutan sa tanong na ito? (Hindi.) Ganito ‘kadalubhasa’ sa pagkatuso si Satanas—hindi hinahayaan ang sinuman na matuklasan kung ano talaga ang sinasabi nito. Pagkadinig sa mga salitang ito hindi mo pa rin mababatid kung ano ang sinabi nito, kahit na tapos na itong sumagot. Gayunman naniniwala si Satanas na perpekto ang naging sagot nito. Ano kung gayon ang iyong nararamdaman? Naiinis ka ba? (Oo.) Nagsisimula ka ngayong makaramdam ng inis sa mga salitang ito. Mayroong partikular na katangian ang mga salita ni Satanas: Ang sinasabi ni Satanas ay iiwanan kang napapakamot sa iyong ulo at hindi maunawaan ang pinagmumulan ng mga salita nito. Kung minsan, may mga motibo si Satanas at sinasadya ang sinasabi, at kung minsan pinangingibabawan ng kalikasan nito, na ang gayong mga salita ay kusang lumalabas, at namumutawi mismo sa bibig ni Satanas. Hindi gumugugol si Satanas nang mahabang panahon sa pagsasaalang-alang sa gayong mga salita; bagkus, inihahayag ang mga ito nang hindi pinag-iisipan. Nang tanungin ng Diyos kung saan ito nanggaling, sumagot si Satanas gamit ang ilang hindi malinaw na salita. Makakaramdam ka ng sobrang pagkalito na hindi mo kailanman malalaman nang eksakto kung saan nagmula si Satanas. Mayroon ba sa inyo na nangungusap ng tulad nito? Anong uri ng paraan ng pagsasalita ang ganito? (Ito ay hindi maliwanag at hindi nagbibigay ng isang tiyak na sagot.) Anong uri ng mga salita ang dapat nating gamitin upang ilarawan ang ganitong paraan ng pananalita? Ito ay nakapagliligaw at mapanlinlang. Ipagpalagay na ayaw ipaalam sa iba ng isang tao kung ano ang ginawa niya kahapon. Tinatanong mo siya: ‘Nakita kita kahapon. Saan ang punta mo?’ Hindi niya sinabi sa iyo nang diretso kung saan siya nagpunta. Bagkus ay sinabi niya: ‘Maraming nangyari kahapon. Nakakapagod!’ Sinagot ba niya ang tanong mo? Oo sinagot niya, ngunit hindi iyon ang sagot na nais mo. Ito ang ‘pagkadalubhasa’ sa panlilinlang na nasa pananalita ng tao. Hindi mo kailanman matutuklasan kung ano ang ibig niyang sabihin o maiintindihan ang pinagmulan o intensyon sa likod ng kanyang mga salita. Hindi mo alam kung ano ang kanyang sinusubukang iwasan sapagkat may sarili siyang kuwento sa puso niya—ito ay panlilinlang” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Nakita ko mula sa ibinubunyag ng mga salita ng Diyos na lahat ng salita at gawa ni Satanas ay may dalang mga motibo at panlilinlang. Upang pagtakpan ang kahiya-hiyang mga layunin nito, paliguy-ligoy itong nagsasalita para hindi ito maintindihan ng mga tao. Napakasama at tuso talaga nito. Malabo at mapanlinlang na sinasagot ni Satanas ang mga tanong ng Diyos. Kasuklam-suklam ito sa Diyos. Samantalang ako, malinaw na hindi ko alam kung kumusta ang pagdidilig sa mga baguhan, pero hindi ako naging totoo. Hindi ako direktang sumagot para lituhin ang lider. Sinagot ko ang tanong nang hindi hinahayaang makita ng lider ang totoo. Para protektahan ang reputasyon at katayuan ko, at para hindi malaman ng lider na hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain at hindi ako maliitin ng mga kapatid doon, pangahas akong nagsabi ng isang bagay para ikubli ang mga katunayan, para iligaw at linlangin sila. Nagpapakita ako ng satanikong disposisyon! Kung gugunitain ito, kadalasan ay ganoon ako sa mga kapatid. Gaya na lang minsan, tinatanong ako ng ilang tao ng mga tanong na nakabatay sa kasanayan, pero wala talaga akong mabuting pagkaunawa sa mga bagay na ito, at natakot ako na sa pagsasabi ng totoo ay mamaliitin nila ako, kaya nagsasabi ako ng mga bagay gaya ng, “Kung hindi nalulutas ang problemang ito, hindi lang ito isyu sa antas ng kasanayan mo, hindi ba? Hindi ba dahil ito sa iniraraos mo lang ang iyong tungkulin? O nabibigo ka bang matuto at makipag-usap?” Sa panlabas, mukhang sinasagot ko ang tanong, pero alam ko sa puso ko na ang ganoong uri ng sagot ay hindi lulutas sa isyu. Akala ko kapag nagtanong ako nang ganoon bilang tugon, magninilay sila sa sarili, at na titigil din sila sa pagtatanong sa akin. Sa ganoong paraan, hindi malalantad ang mga pagkukulang ko. Palagi akong tuso at mapanlinlang para protektahan ang aking reputasyon at katayuan. Mas gugustuhin ko pang magsabi ng mga kasinungalingan kaysa mapahiya. Lubos niyong ibinunyag ang aking tuso at mapanlinlang na kalikasan na nayayamot sa katotohanan. Akala ko na ang pagsisinungaling at panlilinlang ay talagang katalinuhan, pero ang totoo, kahangalan ito! Kahit malinlang at mailigaw ko ang lahat, at tingalain nila ako at isiping kaya kong tapusin ang gawain at gawin nang maayos ang aking tungkulin, hindi sasang-ayon ang Diyos—kasusuklaman Niya ako. Kung gayon, ano ang silbi ng pagsang-ayon ng mga taong ito? Noong sandaling iyon, bigo at miserable ang pakiramdam ko. Abala ako mula umaga hanggang gabi, pero wala akong masabi kahit isang matapat na bagay. Hindi talaga nagbago ang aking tusong disposisyon, at wala akong anumang katotohanang realidad. Ang malupit na mailantad, matabasan at maiwasto ng lider noong araw na iyon ay isang babala para sa akin! Alam kong hindi ako pwedeng magpatuloy nang ganoon, kundi kailangan kong magsisi sa Diyos, hangarin na maging isang matapat na tao, at isabuhay ang realidad na iyon.
Pagkatapos niyon, napaisip ako kung anu-ano pa ang mga hindi matapat na pag-uugali ko. Alam kong kailangan kong magnilay at baguhin ang mga iyon. Napagtanto ko sa pagninilay ko sa sarili na may ilang tusong bahagi rin sa aking buod ng gawain kamakailan. Detalyado kong itinala ang gawain na masusing natapos, nang mas kompleto. Pero ang gawaing basta-basta lang ginawa at hindi epektibo ay isinulat ko sa mga karaniwang termino, o hindi isinulat kung paano man lang ito sumusulong. Naaalala ko na may isang proyekto na hindi nagkakaroon ng magagandang resulta, at nang dumating ang oras para gawin ang buod ng gawain, nagsimula akong mag-isip kung ano ang iisipin ng lahat sa akin kung isusulat ko ang totoo. Sasabihin ba nila na hindi ko man lang magawa nang maayos ang maliit na proyektong iyon, na wala akong kakayahan? Tinimbang ko ang mga bentaha at disbentaha, at nagpasyang hindi isulat ang tungkol sa pag-usad ng proyektong iyon para walang makakaalam, at baka sakaling isipin nila na masyado lang akong abala at nakalimutan ko na ito. Nagpapakana ako, paulit-ulit na nagiging mapanlinlang at hindi matapat. Napakatuso ko! Sa mga taon ng aking pananampalataya, bagama’t nakagawa ako ng maraming tungkulin at kayang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga, hindi ako nagsusumikap sa pagsasagawa ng katotohanan. Iniisip ko lang kung paano protektahan ang reputasyon at katayuan ko, kaya ni kaunti ay hindi pa rin ako nagsasalita at kumikilos na parang isang matapat na tao. Wala akong lakas ng loob na maging simple at tapat—kalunus-lunos ito! Minsan naitatanong ko sa sarili ko: Napakarami nang sinabi ng Diyos sa atin, at marami-rami na akong nabasa sa mga salita Niya, pero isinasabuhay ko ba ang realidad ng alinman dito? Hindi man lang ako makapagsulat ng tumpak na buod ng gawain. Ano ang mapapala ko sa ganoong paraan sa huli? Pakiramdam ko ay nasa bingit ako ng panganib. Kung hindi ako magsisisi at maghahangad ng pagbabago sa disposisyon, palalayasin ako ng Diyos anumang oras. Umusal ako ng dasal sa puso ko, “Diyos ko, napakatiwali ko. Palagi akong nagsisinungaling at nanlilinlang para protektahan ang reputasyon at katayuan ko. Pakiusap bigyang-liwanag Mo po ako para tunay na makilala ang sarili ko.”
Nabasa ko ang marami pa sa mga salita ng Diyos pagkatapos niyon, sinasabi nitong: “Kung kayo ay isang lider o manggagawa, natatakot ba kayong kuwestiyunin at pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang inyong gawain? Natatakot ba kayong matuklasan ng sambahayan ng Diyos ang mga kapabayaan at kamalian sa inyong gawain at iwasto kayo? Natatakot ba kayo na kapag nalaman na ng Itaas ang inyong tunay na kakayahan at tayog, maiiba ang tingin nila sa inyo at hindi kayo ikokonsidera na taasan ng ranggo? Kung may ganito kang mga kinatatakutan, pinatutunayan nito na hindi para sa kapakanan ng gawain ng iglesia ang mga motibasyon mo, nagtatrabaho ka alang-alang sa katayuan at katanyagan, na nagpapatunay na may disposisyon ka ng isang anticristo. Kung may disposisyon ka ng isang anticristo, malamang na tahakin mo ang landas ng mga anticristo, at gawin ang lahat ng kasamaang inihasik ng mga anticristo. Kung, sa iyong puso, hindi ka natatakot na pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang iyong gawain, at nagagawa mong magbigay ng mga totoong sagot sa mga katanungan at pag-uusisa ng Itaas, nang walang itinatagong anuman, at sinasabi kung ano ang nalalaman mo, kung gayon tama man o mali ang sinasabi mo, kahit ano pang katiwalian ang naipapakita mo—kahit naipakita mo pa ang disposisyon ng isang anticristo—siguradong hindi ka tutukuyin na isang anticristo. Ang susi ay kung nagagawa mo bang kilalanin ang sarili mong disposisyon ng isang anticristo, at kung nagagawa mo bang hanapin ang katotohanan upang malutas ang problemang ito. Kung isa kang taong tinatanggap ang katotohanan, maaayos ang iyong anticristong disposisyon. Kung alam na alam mo na mayroon kang disposisyon ng isang anticristo pero hindi mo hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, kung sinusubukan mo pang pagtakpan o pagsinungalingan ang mga problemang nagaganap at ipinapasa ang responsabilidad, at kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan kapag isinasailalim ka sa pagtatabas at pagwawasto, kung gayon ay isa itong seryosong problema, at wala kang ipinagkaiba sa isang anticristo. Nababatid mong may disposisyon ka ng isang anticristo, bakit hindi ka nangangahas na harapin ito? Bakit hindi mo ito maharap nang tapatan at sabihing, ‘Kung magtatanong ang Itaas tungkol sa aking gawain, sasabihin ko ang lahat ng alam ko, at kahit malantad pa ang masasamang bagay na nagawa ko, at hindi na ako gamitin ng Itaas sa sandaling malaman nila, at mawalan ako ng katayuan, sasabihin ko pa rin nang malinaw ang kailangan kong sabihin’? Ang takot mong pangasiwaan at kuwestiyunin ang gawain mo ng sambahayan ng Diyos ay nagpapatunay na mas mahal mo ang iyong katayuan kaysa sa katotohanan. Hindi ba ito ang disposisyon ng isang anticristo? Ang pagpapahalaga sa katayuan nang higit sa lahat ay disposisyon ng isang anticristo. Bakit mo pinakakaingatan nang husto ang katayuan? Ano ba ang mga pakinabang ng katayuan? Kung naghatid sa iyo ng kapahamakan, mga paghihirap, kahihiyan, at pasakit ang katayuan, pakakaingatan mo pa rin ba ito? (Hindi.) Napakaraming pakinabang ng pagkakaroon ng katayuan, mga bagay na tulad ng inggit, paggalang, mataas na pagkakilala, at matatamis na salita mula sa ibang mga tao, pati na ang kanilang paghanga at pagpipitagan. Nariyan din ang pakiramdam na angat ka at may pribilehiyo na nagbibigay sa iyo ng dignidad at diwa ng pagpapahalaga sa sarili. Dagdag pa rito, matatamasa mo rin ang mga bagay-bagay na hindi natatamasa ng iba, tulad ng mga pakinabang ng katayuan at espesyal na pagtrato. Ito ang mga bagay na ni hindi ka nangangahas na isipin, at ang mga inaasam-asam mo sa iyong mga panaginip. Pinahahalagahan mo ba ang mga bagay na ito? Kung hungkag lamang ang katayuan, walang tunay na kabuluhan, at walang layunin ang pagtatanggol dito, hindi ba kahangalang pahalagahan ito? Kung kaya mong bumitaw sa mga bagay na tulad ng mga interes at tinatamasa ng laman, hindi ka na matatali sa katanyagan at katayuan. Kaya, ano ang kailangang malutas bago lutasin ang mga isyung nauugnay sa pagpapahalaga at paghahangad sa katayuan? Una, kilatisin ang kalikasan ng problema ng paggawa ng masama at panlilinlang, pagtatago, at pagtatakip, maging pagtanggi sa pangangasiwa, pagtatanong, at pagsusuri ng sambahayan ng Diyos, upang matamasa ang mga pakinabang ng katayuan. Hindi ba’t ito ay lantarang paglaban at pagsalungat sa Diyos? Kung mahahalata mo ang kalikasan at mga kahihinatnan ng pagnanasa sa mga pakinabang ng katayuan, malulutas ang problema ng paghahangad ng katayuan. At kung wala kang kakayahang mahalata ang diwa ng pagnanasa sa mga pakinabang ng katayuan, hindi malulutas ang problemang ito kailanman” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Tinulungan ako nitong mapagtanto na hindi ko mapigilan ang sarili kong magsinungaling at manlinlang dahil labis kong itinatangi ang aking reputasyon at katayuan. Para protektahan ang aking karangalan at posisyon, at para hindi makita ng lider ang realidad ng mga pagkabigo kong masubaybayan ang gawain, sinubukan kong magpakana, manlinlang, at iligaw ang lider gamit ang mga salita ko. Sa aking buod ng gawain, pinagtatakpan ko ang mga pagkukulang ko, isinusulat lang ang mabubuti, hindi ang masasama, para isipin ng iba na isa akong lider na gumagawa ng praktikal na gawain. Natakot ako na makikita nila ang totoong ako at hindi na nila ako titingalain, at pagkatapos ay hindi ko matatamasa ang pakiramdam ng pagiging nakatataas na dulot ng katayuang iyon. Nang makita ko sa mga salita ng Diyos ang: “Ang pagpapahalaga sa katayuan nang higit sa lahat ay disposisyon ng isang anticristo,” napagtanto ko sa wakas kung gaano kalubha ang isyung ito. Naisip ko ang mga anticristong naitiwalag. Palagi silang naghahangad ng karangalan at katayuan sa kanilang tungkulin, at palihim na nanlalansi at nanlilinlang. Lubha niyong ginagambala ang gawain ng iglesia, kaya inilantad sila at pinatalsik. Mayroon ding mga huwad na lider na tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan. Palagi silang tuso sa kanilang tungkulin at pinagtatakpan ang totoo kapag hindi sila gumagawa ng tunay na gawain, na nakakaantala sa gawain ng iglesia. Naaalala ko ang isang sister na namamahala sa gawain ng ebanghelyo. Nangangasiwa rin siya ng ibang gawain noong panahong iyon, pero tuso at mapanlinlang siya sa parehong posisyon. Sa gawain ng ebanghelyo, sinabi niyang abala siya sa isa pa niyang gawain, at sa isa pa niyang gawain ay sinabi niyang abala siya sa gawain ng ebanghelyo. Ang totoo ay hindi niya ginagawa ang gawain niya sa magkabilang panig, at sa huli ay inilantad at pinalayas siya. Ang mga aral mula sa mga kabiguan ng iba ay isang babala para sa akin. Ang panlalansi at panlilinlang alang-alang sa karangalan at katayuan ko ay pandaraya lang sa sarili ko at sa iba, isang kahangalan. Nakikita ng Diyos ang lahat at gusto Niya ang matatapat na tao. Ang matatapat na tao lang ang may matatag na posisyon sa sambahayan ng Diyos, at ang mga tusong tao ay malalantad at mapapalayas sa malaon at madali. Sa pananampalataya ko, hindi ko hinahangad na maging isang matapat na tao, kundi nagpapanggap ako, nag-iiwan ng maling impresyon, at bagama’t naloloko ko ang ilang tao, hindi ako makakatakas sa pagsisiyasat ng Diyos. Sa huli, malalantad ako ng Diyos at mapapalayas. Kalaunan, napagtanto ko ang kahalagahan ng pagiging matapat at natutunan na ang pagiging matapat ayon sa mga hinihingi ng Diyos at pagtanggap sa Kanyang pagsisiyasat sa lahat ng bagay ay ang tanging paraan upang makamit ang Kanyang pagsang-ayon. Gaya ng sinasabi ng salita ng Diyos: “Kung laging sinasabi ng isang tao kung ano ang tunay na nilalaman ng puso niya, kung magsasalita siya nang tapat, kung magsasalita siya nang diretsahan, kung siya ay taos, at hindi talaga pabaya o walang gana habang gumaganap sa kanyang tungkulin, at kung kaya niyang isagawa ang katotohanang nauunawaan niya, may pag-asa ang taong ito na matamo ang katotohanan. Kung laging pinagtatakpan ng isang tao ang kanyang sarili at itinatago ang nilalaman ng kanyang puso para hindi iyon makita nang malinaw ninuman, kung nagbibigay siya ng maling impresyon para linlangin ang iba, siya ay nasa matinding panganib, siya ay nasa malaking gulo, magiging napakahirap para sa kanya na makamit ang katotohanan. Makikita ninyo sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao at sa kanyang mga salita at gawa kung ano ang kanyang mga inaasam. Kung ang taong ito ay laging nagkukunwari, laging mahangin, hindi siya isang taong tumatanggap ng katotohanan, at ibubunyag siya at palalayasin sa malao’t madali. … Ang mga taong hindi nagtatapat ng laman ng kanilang puso kahit kailan, na laging sinusubukang magkubli at magtago ng mga bagay-bagay, na nagpapanggap na sila ay kagalang-galang, na gustong tingalain sila ng iba, na hindi tinutulutan ang iba na lubos silang masukat, na nagnanais na hangaan sila ng iba—hindi ba’t hangal ang mga taong ito? Pinakahangal ang mga taong ito! Iyon ay dahil sa malao’t madali ay malalantad ang totoo tungkol sa mga tao. Anong landas ang kanilang tinatahak sa ganitong klase ng pag-uugali? Ito ang landas ng mga Pariseo. Nanganganib ba ang mga mapagpaimbabaw o hindi? Ito ang mga taong pinakakinamumuhian ng Diyos, kaya sa tingin mo ba ay nanganganib ang mga ito o hindi? Lahat ng Pariseong iyon ay tumatahak sa landas tungo sa kapahamakan!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Ang palaging pagtatago at pagkukubli, palaging pagpapanggap ay ang maling landas, at kung hindi ka magbabago, sa huli ay mawawasak ka. Nanalangin ako sa Diyos at nagpasya, handang simulang hangarin ang pagbabago sa disposisyon at maging isang matapat na tao.
Naisip ko ang sinasabi ng salita ng Diyos: “Lahat ng iyong ginagawa, bawat kilos, bawat layunin, at bawat tugon ay dapat dalhin sa harap ng Diyos. Kahit ang iyong pang-araw-araw na espirituwal na buhay—ang iyong mga dalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, kung paano ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ang pakikipagbahaginan mo sa iyong mga kapatid, at ang buhay mo sa loob ng iglesia—at ang iyong paglilingkod na bilang magkatuwang ay maaaring dalhin sa harap ng Diyos para sa Kanyang masusing pagsusuri. Ang gayong pagsasagawa ang tutulong sa iyo na lumago sa buhay. Ang proseso ng pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ang proseso ng pagdadalisay. Kapag mas matatanggap mo ang masusing pagsusuri ng Diyos, mas napapadalisay at mas umaayon ka sa kalooban ng Diyos, kaya hindi ka maaakit sa kahalayan, at mabubuhay ang puso mo sa Kanyang presensya. Kapag mas tinatanggap mo ang Kanyang masusing pagsusuri, mas napapahiya si Satanas at mas tumataas ang kakayahan mong talikdan ang laman. Kaya, ang pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ay isang landas ng pagsasagawa na dapat sundan ng mga tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso). Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, nagkamit ako ng landas ng pagsasagawa: pagtanggap sa pagsisiyasat ng Diyos. Hangga’t tinatanggap natin ang pagsisiyasat ng Diyos, madaling maitutuwid ang ating mga tuso at mapanlinlang na motibo, at sa gayon lang magiging mas lalong dalisay at matapat ang mga puso natin, at sa gayon lang natin madaling maisasagawa ang katotohanan at magagampanan nang maayos ang ating mga tungkulin. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, isinagawa kong buksan ang puso ko sa Diyos, hindi nagkukunwari o ipinipresenta ang sarili, at tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos sa lahat ng bagay. Kapag nagsusulat ako ng buod ng gawain pagkatapos niyon, pinapaalalahanan ko ang sarili ko na maging matapat at tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, at tumpak na ilarawan ang gawaing hindi ko nagawang mabuti. Kapag tinatanong ng lider ang tungkol sa gawain ko, sadya kong isinasagawa ang pagsasabi ng totoo. Kapag tinatanong ako ng iba, nagtatapat ako sa kung ano ang hindi ko alam. Kung alam ko, sinasabi kong alam ko, at kung hindi, sinasabi kong hindi. Pagkatapos itong maisagawa, mas lumuwag ang pakiramdam ko. Naranasan ko na ang sadyang pagtanggap sa pagsisiyasat ng Diyos ay isang landas para makapasok sa katotohanang realidad at maiwaksi ang katiwalian. Kung hindi natabasan at naiwasto, hindi ko sana seryosong sinuri ang sarili kong tiwaling disposisyon, at hindi talaga hahangarin ang katotohanan para makapasok sa realidad. At gaano man karaming taon akong nananalig, gaano karaming tungkulin ang ginawa ko o gaano man ako nagdusa, hinding-hindi sana mababago ang tiwali kong disposisyon. Hindi sana ako maliligtas kahit na kumapit ako sa pananalig ko hanggang sa huli, at itatakda akong palayasin ng Diyos.
Ang matabasan at maiwasto noong panahong iyon ay ipinakita sa akin ang kahalagahan ng pagiging matapat, at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking tuso at mapanlinlang na satanikong disposisyon. Iyon ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos.