Kabanata 50

Lahat ng iglesia at lahat ng makadiyos ay dapat alalahanin ang nakalipas at gayundin ay tumingin sa hinaharap: Ilan sa inyong mga nakaraang pagkilos ang kuwalipikado, at ilan sa mga iyon ang nagkaroon ng bahagi sa pagtatayo ng kaharian? Huwag kayong magmarunong! Dapat mong makita nang malinaw ang mga sarili mong pagkukulang at dapat mong maunawaan ang mga sarili mong kalagayan. Alam Ko na wala sa inyo ang handang mag-ukol ng anumang pagsisikap o gumugol ng anumang panahon para dito, kaya wala kayong anumang maipagmalaking nakakamit. Sinasayang ninyo ang lahat ng inyong panahon sa pagkain, pag-inom at pagliliwaliw. Kapag ang ilan sa inyo ay nagkasama-sama, kayo’y nagloloko, hindi nagbibigay ng pansin sa pagbabahaginan ng mga espirituwal na bagay sa buhay o sa pagtutustos ng buhay sa isa’t isa. Hindi Ko matiis na makita kayong nagtatawanan at nagbibiruan kapag kayo’y nagsasalita, gayunman lubha kayong katawa-tawa. Maraming ulit Ko nang sinabi, ngunit hindi talaga ninyo alam ang kahulugan ng Aking sinasabi—hindi ba ito isang bagay na lubhang kitang-kita na nasa dulo na ng inyong ilong? Nakapagsalita na Ako ng mga bagay na gaya nito noon, gayunman hindi pa rin kayo naniniwala at hindi ninyo kinikilala ang Aking sinasabi, at iniisip na hindi Ko kayo nauunawaan, iniisip na hindi totoo ang sinasabi Ko. O maaari kayang hindi ganyan ang kaso?

Kung kikilos ka nang basta-basta sa Akin, ilalagay kita sa isang tabi. Subukan mo lang kumilos uli nang basta-basta! Subukan mo lang kumilos uli nang walang pagpapahalaga at walang ingat! Ang Aking mga salita ay isang pang-ukit na kutsilyo; anumang hindi umaayon sa Aking kalooban ay tatapyasin gamit ang kutsilyong ito, at hindi mo na kailangang mag-ukol ng labis na pagsasaalang-alang para sa paggalang mo sa iyong sarili. Inuukit Kita upang ikaw ay magkaroon ng hubog at makaayon sa Aking kalooban. Huwag kang magkaroon ng maling pagkaunawa sa Aking puso; katanggap-tanggap lamang iyon kung mayroon kang pagsasaalang-alang sa Aking puso hangga’t maaari. Kung nagpapakita ka ni kaliit-liitan mang pagsasaalang-alang, hindi kita tatalikuran nang may panghahamak. Huwag mo itong laging basta ipagwalang-bahala; hayaan mo ang Aking kalooban na palagiang maisakatuparan sa iyo.

Ang napakaraming makadiyos ay lahat nasa magkakaibang posisyon, kaya siyempre kayong lahat ay may iba’t ibang katungkulan. Ngunit dapat ninyong gawin ang lahat ng kaya ninyong gawin upang taos na igugol ang inyong sarili para sa Akin; ang inyong tungkulin ay ang gawin ang lahat ng inyong makakaya. Dapat kayong maging tapat dito, at maging masayang nakahanda. Talagang hindi kayo dapat maging matamlay! Kung hindi, ang Aking paghatol ay laging sasainyo; hindi ito matatagalan ng inyong laman, espiritu at kaluluwa, at magkakaroon kayo ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.

Sinundan: Kabanata 49

Sumunod: Kabanata 51

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito