244 Ang Paglaban sa Diyos ay Humahantong Lamang sa Kaparusahan

I

Gumawa na ang Diyos sa libu-libong taon,

at dumaan sa ilang kapanahunan,

upang makumpleto’ng pamamahalang

dinisenyo Niya’t maligtas ang sangkatauhan.


‘Di Niya nais makita kapag ang mga tao,

na nililigtas Niya, nilalabanan Siya,

lalo na ang ipagkanulo

ng mga nagtamasa ng biyaya Niya.


Paglaban sa Diyos ay humahantong

sa kaparusahan. Walang makakatakas dito.

Ito’y disposisyon ng Diyos,

pangunahing paraan upang kasamaa’y harapin.

Parusa ang dulo ng paglapastangan

at pagtataksil sa Diyos.

Noon pa man, ngayon, at sa hinaharap.

Ito’y walang hanggang katotohanan.


II

Lahat ng Kanyang ginagawa

ay para iligtas ang maraming tao,

makamit ang maraming taong

nakakaunawa sa kalooban Niya,

nang sila’y makapasok sa kaharian

at tamasahin ang mga pangako Niya.


Kaya, ang paglaban sa Kanyang pamilya

ang pinakaayaw Niya.

Ano pa’ng magagawa ng Diyos kundi parusahan

at sumpain yaong salungat sa Kanya?


Anong mas mabuting pananaw

ang dapat gawin sa mga lumalaban sa Kanya?

Anong pagpipilian mayroon ang mga taong yaon

kaysa tanggapin ang Kanyang kaparusahan?


Paglaban sa Diyos ay humahantong

sa kaparusahan. Walang makakatakas dito.

Ito’y disposisyon ng Diyos,

pangunahing paraan upang kasamaa’y harapin.

Parusa ang dulo ng paglapastangan

at pagtataksil sa Diyos.

Noon pa man, ngayon, at sa hinaharap.

Ito’y walang hanggang katotohanan.


Hango sa Mga Klasikong Halimbawa ng Kaparusahan sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos, Pagtatapos na Pananalita

Sinundan: 243 Ang mga Kahihinatnan ng Pagtanggi kay Cristo ng mga Huling Araw

Sumunod: 245 Inaasahan ng Diyos na Hindi Maging mga Fariseo ang mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito