Nang si Mama ay Makulong

Enero 16, 2022

Ni Zhou Jie, Tsina

Labinlimang taong gulang ako nang tumakas kami ng mama ko mula sa aming bahay. Naaalala ko na malalim na ang gabi nang umalis kami noong 2002. Biglang bumulong sa akin ang mama ko na darating ang mga pulis para arestuhin siya, na hindi kami maaaring manatili sa bahay at kailangan naming umalis agad. Nagkukumahog naming tinipon ang ilang gamit namin at nagmamadaling umalis ng aming bahay. Hindi na kami bumalik pa ng mama ko sa bahay mula noon. Kaya hindi ako isinama ni mama, iniwan niya ako sa ilang kamag-anak habang siya ay nagtago sa ibang lungsod. Dating tinutulungan ng mama ko ang mga kamag-anak na iyon nang siya ay nagnenegosyo pa, ngayon ay nasa peligro kami, pero nag-aalala sila sa kung ano ang maaaring mangyari at ayaw nilang masangkot. Ayaw nila akong tanggapin at pinaringgan pa ang mama ko, sinabing ang kanyang paniniwala sa Diyos ay iniwan siyang walang tahanan at ni hindi niya maalagaan ang kanyang anak. Gusto nilang alisin ako roon ni mama. Galit na galit ako sa kung paanong mali ang pagkaunawa nila sa mama ko. Malinaw na ang lahat ng ito ay dahil sa mga pulis, hindi ito kasalanan ng mama ko. Gusto ko talagang umalis na roon agad. Ayaw kong manatili pa nang kahit isang minuto. Umasa ako na babalik agad ang mama ko at kukunin ako. No’ng unang umalis ang mama ko, napakahirap n’on para sa akin. Pakiramdam ko’y wala akong sinumang masasandigan at labis akong nagdusa. Galing ako sa pamilya na may isang magulang, nagdiborsyo ang mga magulang ko noong ako’y tatlong taong gulang pa lang. Nagsama kami ng mama ko, at ni minsan ay hindi kami nagkahiwalay. Sa tuwing naiisip ko kung paanong hindi na ako maaalagaan ng mama ko, nagsisimula akong umiyak. Kapag nalulungkot ako at walang-magawa, nananalangin ako sa Diyos. Sasabihin ko: “Mahal kong Diyos! Hindi na ako maaalagaan ng mama ko. Pakiusap tulungan Mong mabigyan ako ng lakas.” Matapos manalangin, may nakita akong sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). “Sumulong nang may katapangan; Ako ang iyong matibay na sandigan, kaya manalig sa Akin!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Nilinaw ng mga salita ng Diyos ang mga bagay para sa akin. Wala na sa tabi ko ang mama ko, pero nasa likod ko naman ang Diyos at maaari akong umasa sa Kanya. Hindi ako dapat magpatalo sa paghihirap na ito at hindi na ako maaaring umasa sa mama ko, dapat ako matutong maging malakas—gaano man kahirap at kabigat ang mga bagay, dapat akong umasa sa Diyos at magtiyaga. Kalaunan, tumira ako kasama ng pamilya ni Sister Zhang. Ang pamilya nilang may tatlong miyembro ay pawang mananampalataya. Hindi kami magkadugo, pero napakabuti pa rin ng pagtrato nila sa akin. Madalas akong basahan ng mga salita ng Diyos ng anak na babae ni Sister Zhang at nagbabahagi siya sa katotohanan. Wala man sa tabi ko ang mama ko, pero hindi ako nalungkot. Gustong-gusto kong kasama ang aking mga kapatid.

Noong 2003 iyon. Ang mama ko ay nagpapalaganap ng ebanghelyo sa ibang lungsod. Isang araw, nagpadala siya sa akin ng isang liham na nagsasabing gusto niyang makipagkita, at sinabihan akong hintayin siya sa takdang lugar at oras. Tuwang-tuwa at sabik na sabik ako nang matanggap ang kanyang liham na halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Sa araw ng aming pagkikita, dumating ako sa lugar ng aming tipanan sa oras, pero makalipas maghintay nang isang oras, wala pa ring senyales niya. Ilang beses akong nag-page sa kanyang beeper, pero hindi siya sumagot. Naghintay ako mula alas dose ng tanghali hanggang alas otso ng gabi, pero hindi siya dumating. Bigong-bigo ako at nakaramdam na baka may masamang nangyari. Kinabukasan, ipinaalam sa akin ng lider ko na, kahapon, walong mga kapatid ang inaresto habang nagpapalaganap ng ebanghelyo, at na isa sa mga ito ay ang mama ko. Sinabihan niya akong agad na sirain ang beeper na ginamit ko para makipag-ugnayan sa mama ko. Labis akong nag-alala nang marinig ko ang balitang ito. Paulit-ulit akong nanalangin sa Diyos, hinihiling na protektahan Niya ang kaligtasan ni mama at tulungan siya na tumayong saksi. Sa panahong iyon, sa tuwing naiisip ko ang mama ko, hindi ko maiwasang umiyak. Madalas akong nag-aalala na baka binubugbog o pinahihirapan siya. Siguro labis ang paghihirap niya sa kulungan. Kailan kaya siya palalayain? Labis-labis ang pag-aalala ko kaya isang araw, bigla na lang akong hinimatay. Nang ako’y magkamalay, paika-ika akong bumalik sa aking silid, gamit ang mga dingding bilang suporta, tapos humiga ako sa kama at umiyak, iniisip kung gaano ako kalungkot at kawalang-magawa. Sa aking pinakamiserableng oras, ang Diyos ang gumabay sa akin. Naalala ko ang isang himno: “Sa panahon ng pagpipino sa akin, nagdadalamhati Ka para sa akin. Tinutustusan ng Iyong mga salita kung ano ang kulang sa akin; kapag nalulungkot ako, inaaliw ako ng mga ito. …” (“Natunaw Na ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Malinaw kong nakita na ito ay patnubay ng Diyos! Agad kong napagtanto na hindi ako nag-iisa—kasama ko ang Diyos. Dahil sa pag-uusig ng malaking pulang dragon, hindi ko makapiling ang mama ko. Hindi niya ako maalagaan at maalo, pero hindi umalis ang Diyos sa aking tabi. Sa aking pinakamadilim na sandali, naroon ang Diyos para aluhin ako. Naramdaman ko na napakalapit Niya, at napagtanto na Siya lang ang tunay kong maaasahan. Inisip ko sa sarili ko, “Kung kaya ng Diyos na patnubayan ako nang ganito, natitiyak kong kaya rin Niyang tulungan ang mama ko sa kanyang mga paghihirap.” Nang mapagtanto ko ito, bahagya akong nabuhayan at nabawasan ang pag-aalala at pagkabalisa ko sa sitwasyon ng mama ko. Kalaunan, nagawa ko ring makita ang mama ko. Apat na buwan siyang nakulong at nakalabas lang nang gumamit siya ng koneksyon para masiguro ang paglaya niya. Nang magkita kami, punong-puno siya ng pag-aalala sa akin at binigyan ako ng maraming payo. Nagbahagian kami at pinalakas ang loob ng isa’t-isa at nagkasundo kami na anuman ang mangyari sa amin, lagi kaming susunod sa Diyos at tutuparin ang aming mga tungkulin.

Naaalala ko, Setyembre noon at ang mama ko ay nagpapalaganap pa rin ng ebanghelyo sa ibang lungsod. Narinig ko na isang kapatid na babaeng may mahalagang tungkulin ang naaresto at marami sa mga tao na naka-ugnayan niya ang nasa panganib at kailangang lumipat. Inisip ko sa sarili ko, sino kaya ang kapatid na iyon? Tapos dumating ang aking lider at sinabi sa akin na kailangan kong sirain ang SIM card na ginamit ko para makipag-ugnayan sa mama ko. Napagtanto ko agad na ang mama ko ang naaresto. Alam ko na sa pagkakataong ito, inaaresto siya dahil sa pag-iimprenta ng mga aklat ng mga salita ng Diyos at maaaring isailalim sa malupit na pambubugbog at pagpapahirap. Sa sumunod na ilang araw, labis akong nag-aalala at halos hindi nakakatulog sa gabi. Hindi nagtagal, nalaman ko na mahigit sa dalawampung mga kapatid ang naaresto na at lahat sila ay pinahirapan. Nang marinig ko ito, lalo akong nag-alala. Pinahihirapan kaya sa mga oras na iyon ang mama ko? Buhay pa kaya siya o patay na? Nasa matinding panganib ang mama ko, pero ang kaya ko lang gawin ay mag-alala at mataranta—wala akong anumang magawa para sa kanya. Napakasama ng pakiramdam ko. Hindi ko naiwasang isipin na kung hindi sana tinanggap ng mama ko ang isang napakadelikadong tungkulin, hindi siguro siya naaresto at napahirapan. Napakahirap at napakadelikado na manampalataya sa Diyos sa China. Nang panahong iyon, napakahina ko. Ako’y naguluhan at ligaw at wala akong ganang gawin ang kahit ano. Wala akong lakas at walang motibasyong gawin ang aking tungkulin. Araw-araw, ang ginagawa ko lang ay manalangin sa Diyos at hilingin sa Kanya na protektahan ang mama ko.

Isang araw, may nakita akong isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Nang nawala kay Job ang kanyang kawan na pumupuno sa mga bundok at ang di-masukat na kayamanan, at ang kanyang katawan ay napuno ng masasakit na pigsa, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Kapag naririnig niya ang tinig Ko, si Jehova, at nakikita ang Aking kaluwalhatian, si Jehova, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nakasunod si Pedro kay Jesucristo dahil sa kanyang pananampalataya. Naipako siya sa krus alang-alang sa Akin at nakapagbigay ng maluwalhating patotoo dahil din sa kanyang pananampalataya. … Ang mga tao ay nakatanggap ng napakarami dahil sa kanilang pananampalataya, at hindi ito palaging pagpapala. Maaaring hindi nila matanggap ang uri ng kaligayahan at kagalakan na nadama ni David, o mapagkalooban ng tubig ni Jehova kagaya ni Moises. Halimbawa, pinagpala ni Jehova si Job dahil sa kanyang pananampalataya, nguni’t nagdusa rin siya ng sakuna. Kung ikaw man ay pinagpapala o nagdurusa ng sakuna, kapwa itong mga pinagpalang pangyayari. Kung walang pananampalataya, hindi mo matatanggap ang gawaing panlulupig na ito, lalong hindi mamamasdan ang mga gawa ni Jehova na ipinakikita sa harap mo ngayon. Hindi mo magagawang makakita, at lalong hindi mo magagawang tumanggap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1). Naisip ko: “Tama nga, nasa mga kamay lahat ng Diyos kung tayo ay pagpapalain o daranas ng kapahamakan. Ang mga paghihirap at pagsubok na dinaranas natin sa ating pananampalataya ay paraan ng Diyos para itaas at subukin tayo.” Gaya ni Job—nakipagpustahan si Satanas sa Diyos na kaya nitong tuksuhin si Job sa pamamagitan ng pagkakait sa kanya ng kanyang mga anak at alagang hayop at sa pagpuno sa kanyang katawan ng mga nagnananang pigsa at sugat, upang itatwa at talikuran niya ang Diyos. Ginagamit din ng Diyos ang mahigpit na pagsubok na ito upang subukin si Job at gawing perpekto ang kanyang pananampalataya. Hindi lang na hindi sinisi ni Job ang Diyos, pinapurihan niya ang Diyos at sinabi: “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Tumayong saksi si Job para sa Diyos at nakamit ang Kanyang papuri, at narinig pa niya ang tinig ng Diyos sa isang ipu-ipo. Bilang resulta, nagkaroon siya ng mas totoong pananampalataya sa Diyos, at ito ay isang higit na dakilang pagpapala mula sa Kanya. Inisip ko na sa panlabas, mukhang kapinsalaan na ang mama ko ay sinasaktan ng malaking pulang dragon, pero sa totoo ay ginagamit ito ng Diyos upang subukin kami at gawing perpekto ang amin pananampalataya. Ito ay pagpaparangal ng Diyos. Bigla kong napagtanto na pinanonood ako ni Satanas at hinihintay ng Diyos na ihayag ko ang aking posisyon. Hinihintay nilang makita kung mawawala ang pananampalataya ko sa Diyos, itatatwa at pagtataksilan Siya dahil naaresto ang mama ko. Nang mapagtanto ko ito, handa akong tumayo sa panig ng Diyos, hindi siya sisihin o pagtaksilan at tuparin ang aking tungkulin upang mapalugod Siya. Nang naunawaan ko ang layunin ng Diyos, tumigil na ako sa labis na pag-aalala at pagkabahala sa mama ko at handang magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos.

Sinentensyahan siya ng dalawang taon ng muling pagtuturo sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nabigla ako nang malaman ko ito. Napakahabang panahon ng dalawang taon. Ang kondisyon ng pamumuhay at pagkain sa kulungan ay napakasama at kailangan mong magtrabaho araw-araw. Paano malalampasan ng mama ko ang ganoong mala-impiyernong kondisyon at malupit na pagmaltrato? Lampas limampung taong gulang na siya—kakayanin pa ba talaga ng kanyang katawan ang karagdagang pagpapahirap gaya nito? Isang araw, may nakita akong sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gawin ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pagsasaayos at plano ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na ang bawat tao ay may papel at layunin sa kanilang buhay, at ang daan na tatahakin ng iyong buhay ay matagal nang itinakda ng Diyos. Ang mama ko ay may papel na kailangang gampanan at misyon na kailangang tapusin. Mahabang panahon ang dalawang taon sa kulungan, pero ito ay isang bagay na kailangan niyang pagdaanan. Kung paano ito kakayanin ng kanyang katawan at kung gaano karaming pagdurusa ang kanyang pagdaraanan ay nakasalalay sa Diyos. Pinahintulutan ng Diyos na ang mama ko ay masaktan ng malaking pulang dragon at maaresto at makulong upang subukin siya. Binibigyan siya ng Diyos ng pagkakataon na tumayong saksi para sa Kanya. Dapat akong magmalaki. May mga aral din ako na dapat matutunan sa sitwasyong ito. Kailangan kong matutunan kung paano hindi magreklamo at sisihin ang Diyos kapag nahaharap ako sa paghihirap at kung paano magpasakop at tuparin ang aking tungkulin. Matapos kong maunawaan ang layunin ng Diyos, nanalangin ako sa Diyos, sinasabi sa Kanya na nasa mga kamay Niya ang mama ko at hiniling ko sa Kanya na protektahan siya sa kulungan upang makatayo siyang saksi.

Makalipas ang isa’t kalahating taon, narinig ko na ang mama ko ay nakalabas ng kulungan nang maaga kung kaya nakipag-ugnayan ako sa kanya. Para maiwasang masundan at mamanmanan ng mga pulis, nagdesisyon kami na magkita sa isang sauna. Nang araw na iyon, dumating ako nang mas maaga ng isang oras. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa pag-asam: Sabik na sabik akong makita ang mama ko. Pinanatili kong nakapagkit ang mga mata ko sa entrada at pagkatapos sa may bintana, nakita ko ang payat na payat na may-edad na babae. Nang siya’y pumasok, sinabi niya sa isang staff na hinihintay siya sa loob ng kanyang anak na babae. Nang marinig ko siyang magsalita naisip ko, “Hindi ba’t boses ng mama ko iyon?” Isang segundo bago ko ito napagtanto. Kung hindi siya nagsalita, hindi ko talaga siya makikilala. Dati-rati ang mama ko ay may mataas at tuwid na tindig at isang pinong kagandahan, subalit ang laki ng nawala sa kanyang timbang at mukha siyang mas hukot. Hindi na siya kagaya ng dati. Tumakbo ako papunta sa kanya at sumigaw: “Mama!” Lumingon ang mama ko paharap sa akin at sobrang payat ng kanyang mukha na hindi ko siya nakilala. Maputla ang kanyang kutis at mukhang payat at pagod na pagod. Matamlay ang tingin ng kanyang mga mata tulad ng isang tao na nasobrahan sa istimulasyon. Halos napaiyak ako nang nakita siyang ganoon. Hindi ko lubos maisip kung ano ang maaaring pinagdaanan niya sa kulungan—hindi ko kayang isipin iyon. Nagsimulang umapaw ang luha sa aking mga mata. Ang mama ko na nakaupo sa tabi ko ay mahipit na pinisil ang aking kamay at tinanong ako kung kumusta ako sa mga nakalipas na taon. Sinabi niya na habang nakakulong siya, pinakanag-alala siya sa akin at madalas niya akong ipinagdarasal. Natakot siya na baka hindi ko makayanan ang trauma at tumalikod ako sa Diyos. Nang marinig niyang nananampalataya pa rin ako sa Diyos at tinutupad ang aking tungkulin, napakasaya niya. Kumirot ang puso ko para sa mama ko nang makita ko kung gaano na siya kapayat habang nasa silid-bihisan na kami. Nang tumalikod siya, nakita kong may peklat siya sa kaliwang collarbone. Maitim ang peklat at ang buto ay nakalubog sa gitna na parang ito’y nabali. Hindi ko talaga kinayang makita siyang ganoon. Pinigil ko ang aking mga luha at tinanong siya: “Paano mo nakuha ang peklat na ito? Binugbog ka ba ng mga pulis? Sumasakit pa ba ito?” Natakot ang mama ko na mag-aalala ako, kaya sinabi niyang ayos na at magaling na ito. Maraming taon pa ang lumipas bago ko nalaman na ang mama ko ay brutal na pinahirapan matapos siyang maaresto, at isang pulis na propesyonal na sinanay ang sumuntok sa kanyang balikat nang tatlumpung beses, kaya’t nabali at nabitak ang maraming buto, na-dislocate ang kanyang balikat at nawala sa puwesto ang maraming buto sa gulugod. Salamat na lang, na sa pag-iingat ng Diyos, ang mama ko’y himalang gumaling at lahat ng kanyang mga buto ay ganap na naghilom. Maging ang mga doktor sa kulungan ay nagulat kung gaano kabilis siyang gumaling.

Hindi nagtagal matapos n’on ay kinailangan naming maghiwalay dahil kalalaya pa lang ng mama ko at malamang na minamanmanan pa siya ng mga pulis. Para sa aking sariling kaligtasan, kailangan naming magkahiwalay ng kaunti pang sandali. Napakahirap para sa akin ng panahong iyon, gusto kong manatili sa kanyang tabi at tumulong na alagaan siya. Pero dahil sa pag-uusig ng malaking pulang dragon, ni hindi ko matupad ang aking responsibilidad bilang anak. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Habang papauwi, mga imahe ng mahinang katawan ng mama ko at ang peklat niya sa collarbone ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Sa tuwing sumasagi ang isang imahe, isang panibagong pagdurusa and dala nito. Hindi ko talaga lubos maisip kung paano siya pinahirapan at pinagmalupitan ng mga pulis na iyon. Galit na galit ako. Napakasama at napakalupit ng malaking pulang dragon! Isang sipi ng mga salita ng Diyos ang sumagi sa aking isip. “Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Malinaw kong nakita ang malupit, lumalaban sa Diyos, at mala-demonyong diwa ng malaking pulang dragon. Brutal na inatake ng mga pulis na ito ang isang may-edad na babae dahil lang nananampalataya siya sa Diyos, walang pakialam kung mabuhay man siya o mamatay. Ginalit ako nang labis nito. Ginawa ng Diyos ang sangkatauhan, kaya dapat lang na tayo ay manampalataya at sumamba sa Diyos, pero ang malaking pulang dragon ay hindi titigil na pahirapan at pagmalupitan ang mga tao upang itatwa at pagtaksilan nila ang Diyos. Labis silang kasuklam-suklam, masama at malupit! Iniisip ko dati na ang mga opisyal ng gobyerno at mga pulis ay mabubuting tao lahat. Pagkatapos lang usigin ng malaking pulang dragon ko napagtanto, na ang kanilang mga pahayag na ang mga mamamayan ay may karapatang legal at kalayaan pangrelihiyon ay mga panlilinlang at kasinungalingan lang. Nagkukumahog nilang inaaresto, inuusig, pinahihirapan at binubugbog ang mga mananampalataya at kating-kati silang pagpapatayin ang lahat ng mga ito. Sila’y walang iba kundi isang grupo ng mga demonyong lumalaban sa Diyos. Kinamumuhian ko silang lahat mula sa kaibuturan ng aking puso. Nais kong ibigay ang puso ko sa Diyos, sumunod sa Kanya at tuparin ang aking tungkulin.

Noong 2013, naaresto na naman ang mama ko. Noong una, medyo nag-alala ako. Inisip ko: “Pahihirapan na naman kaya ang mama ko? Hahatulan na naman kaya siyang makulong? Kakayanin pa ba talaga ng kanyang katawan ang isa pang pagkakakulong?” Habang iniisip ko ito, agad kong napagtanto na ang mama ko ay naaresto nang may pahintulot ng Diyos. Dapat akong magpasakop at hanapin ang layunin ng Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mapagtanto na ang mama ko ay naaresto sa pagkakataong ito nang may pahintulot ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang pag-uusig ng malaking pulang dragon upang gawing perpekto ang aming pananampalataya, bigyan kami ng katotohanan, at tulutan kaming tumayong saksi para sa Kanya. Narinig ko rin ang pagbabahagi ng mga kapatid hinggil sa mga mananampalataya na maka-ilang beses naaresto, at sa huli nang iharap sa pagkakakulong ng CCP, hindi na sila napigilan ng madilim na impluwensya ni Satanas. Ilang beses man silang naaresto, nanampalataya pa rin sila sa Diyos at tinupad ang kanilang mga tungkulin nang sila ay pakawalan, at naramdaman ang pagiging malaya. Ito ay pagliligtas ng Diyos. Nang maunawaan ko ang layunin ng Diyos, nakaramdam ako ng higit na kapanatagan. Nanalangin ako sa Diyos para kay mama, hinihiling na tulungan Niya siya na huwag matakot sa impluwensya ng malaking pulang dragon, At matunog na magpatotoo para sa Kanya. Hindi ko alam kung gaano katagal ako mawawalay sa mama ko sa pagkakataong ito, pero payapa ang pakiramdam ko sa puso ko. Hindi nagtagal, ibinuhos ko ang aking sarili sa pagtupad ng aking tungkulin.

Kalaunan, sinabi sa akin ng mama ko na nang tingnan ng pulis ang kanyang file para siyasatin ang mga dati niyang pagkakasala, kamangha-mangha na walang anumang nakatala. Sinabi ni mama na sa nakalipas na dalawang beses niyang pagkaka-aresto, personal niyang naranasan kung paano siya pinatnubayan ng Diyos sa kanyang paghihirap at nakagawa ng mga mahimalang gawain. Nagkaroon din siya ng mas mabuting pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay lalong lumakas. Nang tanungin siya ng pulis kung paano nila ipinalalaganap ang ebanghelyo, ang mama ko ay lantarang tumayong saksi sa gawain ng Diyos. Sa pamamagitan ng karanasan ng mama ko, nakita ko kung gaano karunong ang Diyos. Ginagamit niya ang pang-uusig ng malaking pulang dragon para bigyan tayo ng tapang, karunungan at pananampalataya, para mapabuti ang ating pagkakilala upang makita natin ang mala-demonyong diwa ng malaking pulang dragon at lubusan itong kamuhian at iwanan. Ang malaking pulang dragon ay isa lang kasangkapan sa kamay ng Diyos. Ginagamit nito ang lahat ng posibleng paraan para guluhin at idiskaril and gawain ng Diyos, pero ang mga pagsisikap nito ay nag-aambag lang sa pagkaperpekto ng hinirang na mga tao ng Diyos. Ito ay isang tigreng papel! Dahil nasaksihan ko ang pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, higit akong naging kompiyansa sa pagsunod sa Diyos at pagdanas ng Kanyang gawain. Dahil dito naisip ko ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Kapag pormal Ko nang sinimulan ang gawain Ko, gagalaw ang lahat ng mga tao gaya ng Aking paggalaw, upang maging abala ang mga tao sa buong sansinukob sa mga sarili nila kasabay Ko, mayroong ‘lubos na pagsasaya’ sa buong sansinukob, at nauudyukan Ko pasulong ang tao. Bilang bunga, nilatigo Ko ang malaking pulang dragon mismo sa isang kalagayan ng silakbo ng galit at pagkalito, at pinagsisilbihan nito ang gawain Ko, at, sa kabila ng pagiging atubili, hindi nito magawang sundin ang sarili nitong mga pagnanasa, datapuwa’t naiwang walang pagpipilian kundi magpasakop sa pamamahala Ko. Sa lahat ng mga plano Ko, ang malaking pulang dragon ay siyang Aking hambingan, kaaway Ko, at tagapagsilbi Ko rin; samakatuwid, hindi Ko kailanman niluwagan ang ‘mga pangangailangan’ Ko rito. Samakatuwid, gagawing ganap ang huling yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao Ko sa sambahayan nito. Sa ganitong paraan, mas nagagawang maglingkod nang maayos para sa Akin ng malaking pulang dragon, na sa pamamagitan nito’y lulupigin Ko ito at gagawing ganap ang plano Ko(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 29).

Maaaring ang pang-uusig ng malaking pulang dragon ay naging sanhi para magdusa ako nang higit kaysa sa ibang mga bata, pero sa kabila ng mga paghihirap at mga sandali nang panghihina, naging mas malakas ako. Ang mga karanasang ito ay naging napakahalaga para sa akin. Nakatulong ang mga ito na mabigyan ako ng malalim na pananalig na ang Diyos lang ang palaging nariyan para tumulong at mag-alok sa akin ng tunay na suporta. Basta’t hindi mawawala ang pananampalataya natin sa Diyos, papatnubayan Niya tayo sa mga paghihirap at masasaksihan natin ang Kanyang gawain. Handa akong umasa sa Diyos at matatag na sumunod sa Diyos, tuparin ang aking tungkulin at suklian ang Kanyang Pag-ibig!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi

Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng isang bagay na matatag upang maasahan ko! Binigyang-daan ako nito na tamasahin ang pagliliwanag at paggabay ng mga salita ng Diyos sa panahon ng aking labis na sakit at kahinaan, na siyang tanging paraan para malampasan ko itong madilim at pangmatagalang panahong ito.