Ang Lihim na Nakatanim nang Malalim sa Puso Ko
Noong tagsibol ng 2006, inalisan ako ng katungkulan bilang pinuno at ipinabalik sa pinanggalingan ko dahil ako raw ay “hindi marunong tumanggi.” Sa una kong pagbabalik, hindi ko natiis ang labis na pagdurusa at paghihirap. Hindi ko akalain na pagkaraan ng maraming taon ng pamumuno ay mababalewala ang lahat dahil ako ay “hindi marunong tumanggi.” Ito na ang wakas para sa akin, naisip ko, malalaman ng lahat ng pamilyar sa akin ang aking kabiguan at ituturing akong isang masamang halimbawa sa iglesia. Paano ko haharapin ang iba pagkatapos ng lahat ng ito? Nang lalo akong mag-isip, lalo akong naging negatibo, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng pananampalatayang patuloy na hanapin ang katotohanan. Gayunpaman, nang maisip ko ang lahat ng sakripisyo at ginugol ko nitong nakalipas na ilang taon, hindi ko magawang tumigil, at naisip ko: “Kung susuko ako at tatanggapin ko ang kabiguan, hindi ba mauuwi lang sa wala ang lahat ng pinagsikapan ko? Hindi ba lalo lang akong mamaliitin ng mga tao? Hindi ko mahahayaang mangyari iyon! Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko at hindi ko dapat hayaang hamakin ako ng iba. Ngayon, gaano man ako kailangang magsikap, gaano man karami ang magkasala sa akin, kailangan kong magpakatatag—hindi ako maaaring tumigil sa gitna! Hangga’t natatandaan ko ang mga aral ng kabiguan at nakatuon ako sa paghahanap ng katotohanan, balang araw siguro ay maaaring muli akong maging pinuno.” Nasasaisip ang mga ito, naglaho ang lahat ng pagka-negatibo at kalungkutan at nakadama ako ng panibagong lakas sa aking gawain.
Simula noon, gumugugol na ako ng mahahabang oras araw-araw, aktibo akong kumakain at umiinom ng salita ng Diyos upang mapasaakin ang katotohanan habang nagninilay-nilay at inuunawa ko ang aking nakaraang mga paglabag. Sumulat ako ng napakaraming sanaysay na nagdedetalye ng karanasan ko sa buhay, gayundin ang mga sermon. Pagkaraan ng ilang sandali, nang makita kong napili ang dalawa sa aking mga sanaysay, mas nadama ko ang higit na pananampalataya sa aking ginagawa. Naisip ko sa sarili ko: Patuloy lang akong magsisikap at di-magtatagal ay magkakatotoo ang pangarap ko. Sa ganoong paraan, nagpatuloy ako sa aking ginagawa at napanatag ako na humigit-kumulang ay bumalik na sa “normal” ang kalagayan ko.
Isang araw noong panahon ng espirituwal na pagpapalago, naakit ako sa isang partikular na sipi ng salita ng Diyos: “Kung uunawain ng mga tao ang kanilang mga sarili, dapat nilang unawain ang tunay nilang mga katayuan. Ang pinakamahalagang aspeto ng pag-unawa sa sariling katayuan ng isa ay ang magkaroon ng pagtangan sa sariling mga kaisipan at mga ideya. Sa bawa’t sakop ng panahon, ang mga kaisipan ng mga tao ay pigil ng isang pangunahing bagay. Kung nagagawa mong kontrolin ang pag-iisip mo, nagagawa mong kontrolin ang bagay na nasa likod ng mga ito” (“Ang Mga Taong Gumagawa ng Palagiang Paghingi sa Diyos ang Pinaka-hindi-makatwirang Mga Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Habang iniisip ko ang salita ng Diyos, bigla kong ibinalik ang tanong sa sarili ko: Ano ang nangingibabaw sa isipan ko ngayon? Ano ang nasa likod ng lahat ng iniisip ko? Sinimulan kong pagnilayang mabuti ang proseso ng pag-iisip ko at, sa patnubay ng Diyos, napagtanto ko na mula nang palitan ako, nangibabaw na sa isipan ko ang paghahangad na “Kailangan kong maibalik ang dati kong reputasyon at katayuan at ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ako maaaring hamak-hamakin na lang ng iba.” Naging parang isang espirituwal na haligi ang ideyang ito, na nagpahintulot sa akin na magtiyaga sa kabila ng labis kong kawalan ng pag-asa at nagbigay sa akin ng lakas na ipagpatuloy ang aking mithiin. Nasasaisip ito, nanatili akong “matatag at matibay” sa kabila ng patuloy na “mga insulto at paghamak.” Sa sandaling ito, napagtanto ko na ang ginagawa ko ay hindi dalisay, puno ng paghahangad at ni hindi positibo.
Sa pagbabalik-tanaw, nakikita ko na inilantad na ako ng Diyos para makapag-isip-isip ako tungkol sa sarili ko at maunawaan ko ang sarili kong likas na kademonyohan para maging mapakumbaba at tahasan ang paghahanap ko sa katotohanan, pagwawaksi sa kasamaan at kasalanan at pagtanggap ng pagliligtas ng Diyos. Gayunpaman, talagang hindi ako nagpasalamat sa Diyos para sa Kanyang kaloob na kaligtasan, ni hindi ko kinamuhian ang sarili ko sa mga kasamaang ginawa ko. Bukod pa roon, hindi ako nahiya o nagsisi sa kabiguang mamuhay ayon sa mga inaasahan ng Diyos. Sa halip, dahil sa aking likas na kayabangan na “kailangang ako ang manaig anuman ang mangyari,” ibinuhos ko ang sarili ko sa pagbubuo ng pakanang ito, na iniisip lamang ang araw na babangon akong muli, muling hihiranging pinuno, at mababawi ko ang reputasyon na lubos kong nasira. Dahil dito, umaasa ako na muling maitindig ang aking imahe para hangaan at sambahin ako ng iba. Sukdulan ang kayabangan ko at wala ako ni katiting na pagpipitagan o takot sa Diyos sa puso ko. Hindi ko ba sinuway ang plano at pagsasaayos ng Diyos? Hindi ko ba kinontra ang Diyos? Sa paggunita sa dati kong katayuan, nanindig ang balahibo ko sa takot. Hindi ko naisip kailanman na nanahan sa isip ko ang gayon karahas na ambisyon. Kaya pala sinabi ng Diyos, “Kung nagagawa mong kontrolin ang pag-iisip mo, nagagawa mong kontrolin ang bagay na nasa likod ng mga ito.” Totoo nga. Dati-rati, itinuring kong mga panandaliang paniwala ang mga naiisip ko at hindi ko pinag-aralan at inunawa ang mga ito kailanman. Ngayon ko lang nauunawaan na ang pag-unawa sa mga iniisip ng isang tao at aktibong pagsusuri sa mga bagay na nakatanim nang malalim sa kanyang puso ay napakahalaga upang maunawaan ang likas na pagkatao ng isang tao!
Salamat sa Diyos sa kaliwanagang ito, na nagpalinaw sa aking bulag na mga mata. Kung hindi, malilinlang pa rin ako ng sarili kong kamalian—tuliro sa bulag na ambisyon patungo sa napipinto kong pagbagsak. Talaga namang nakakatakot! Habang nangyayari ito, napagtanto ko rin na sa pagpapalit sa akin, pinrotektahan ako ng Diyos at pinagkalooban ako ng kaligtasan. Para sa isang tao na masyadong mayabang at ambisyoso, kung hindi ako nakaranas ng matinding pagkastigo at paghatol ng Diyos, siguradong magiging anticristo ako at ipapahamak ko ang sarili ko. Mahal kong Diyos, nangangako ako na tatalikuran ko ang lahat ng maling gawain, ititigil ko ang aking kayabangan at ambisyon at susundin ang bawat utos Mo. Masigasig kong hahanapin ang katotohanan, gagampanan ko ang bawat tungkulin ko at mamumuhay ako bilang isang tunay at totoong tao para mapanatag ang puso Mo.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.