Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa

Marso 27, 2019

Ni Zhao Zhihan, China

Habang naglalakbay tayo sa buhay, bawat isa sa atin ay makakaranas ng ilang hindi pangkaraniwang pangyayari kung saan natatatak sa ating alaala at hindi kailanman malilimutan. Ang karanasang nag-iwan na sa akin ng pinakamalalim na tatak ay ang panahong nasangkot ang asawa ko sa isang aksidente sa kotse, na walang nakaalam kung malalampasan niya ito o hindi, at sa mga araw na sumunod, ang panahon kung kailan ay naramdaman ko ang ganap na kawalan at nasa hangganan na ng aking pagtitiis. Ngunit ang naiiba sa akin ay dahil sumasaakin ang Diyos at nasa akin ang Kanyang patnubay, kaya mayroon akong suporta, at sa pamamagitan ng panalangin sa Diyos at pag-asa sa Kanya, nasaksihan ko ang himala sa gitna ng aking kawalan ng pag-asa. Sa panahong iyon ng pagdurusa, ang aking higit na natamo ay ang pag-unawa sa awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at tunay na pagpapahalaga sa pag-ibig ng Diyos

Noong gabi ng Agosto 13, 2014, pauwi na ako pagkaraang tapusin ang ilang gawain at halos hatinggabi na. Kakapasok ko pa lang sa tarangkahan ng komunidad, nang hindi inasahang pahintuin ako ng aking pinakamatandang kapatid na babae at kanyang asawa at ng pangalawang kapatid na babae ng asawa ko. Naisip ko na talagang kakaiba ito: Anong ginagawa nilang lahat dito gayong gabing-gabi na? Bago pa makakapag-isip ng tungkol dito, ang aking pinakamatandang kapatid na babae ay nagmadaling lumapit sa akin at umiiyak na sinabi, “Zhihan, saang sulok ng mundo ka ba galing? Naloloko na kami rito sa pag-aalala. Naaksidente sa kotse ang iyong asawa. Tumawag ang aming kapatid na lalaki, gusto ka niyang pumunta kaagad sa ospital.” Nang narinig ko itong biglaang masamang balita, hindi ko talaga mapapaniwalaan ang aking mga tainga at nakatayo lang ako doon. Naisip ko sa sarili ko: “Naaksidente ang asawa ko? Paano mangyayari iyon? Kausap lang siya sa telepono ng aming anak kaninang hapunan ….” Pagkatapos sinabi sa akin ng dalawa kong bayaw kung paano nangyari ang aksidente sa kotse at sinabi sa akin kung anong nasabi nang mga doktor, na nasa malubhang kondisyon ang asawa ko at kahit na susuwertehin siyang mabuhay, mayroong 99 na porsiyentong tsansa na magiging brain-dead siya…. Umiyak ako nang walang-maaaring makaaliw habang nakikinig ako at naramdamang parang babagsak ang langit. Wala akong ideya kung paano harapin ang lahat ng ito.

Dahil gabing-gabi na, nagtagal bago kami makahanap ng isang taksi na magdadala sa amin sa ospital ng lungsod. Ginawa ako nitong lalo pang balisang-balisa, nag-aalala na hindi ko na kailanman muling makikitang buhay ang asawa ko. Habang nakaramdam ng pagkalubog at pagkataranta, biglang naisip ko ang kuwento ni Job na nasa Biblia. Nang nangyari ang mga pagsubok sa kanya, ninakaw ang lahat ng kanyang ari-arian, nasawi ang kanyang mga anak, at nabalot ang buong katawan niya ng nakapangingilabot na mga pigsa. Kahit na ang pagsubok na ito ay nagdulot kay Job ng matinding sakit at pagkabalisa, nasa puso niya ang Diyos, at mas pinili niyang isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan kaysa sa magkasala sa pagsasalita. Ganap na masunurin siya sa Diyos, maging binigay man ng Diyos, o kinuha ng Diyos. Hindi nagsabi si Job ng kahit isang salita ng reklamo ngunit pinarangalan pa niya ang pangalan ni Jehova at lubos na nagpatotoo sa Diyos. Kung kaya, dali-dali akong nanalangin sa Diyos: “O Diyos ko! Nang narinig ko ang tungkol sa aksidente sa kotse ng asawa ko, napipi ako at nadama ang ganap na pagkalito, at hindi ko alam ang kalagayan niya sa ngayon. Ngunit kapag naisip ko kung paano Ka pinarangalan at sinunod ni Job, nauunawaan ko na dapat kong subukang maging katulad niya at manalig sa Iyo. O Diyos ko! Ang lahat ng bagay ay nasa Iyong mga kamay, at maging mayroon man o walang anumang pag-asa na gagaling ang asawa ko, hinihingi ko na huwag Mong hayaan ang puso kong sisihin Kita. Nais kong pasakop sa Iyong mga pagsasaayos at kaayusan, at ipinagkakatiwala ang asawa ko sa Iyong mga kamay.” Pagkatapos kong nanalangin, unti-unting huminahon ang puso ko.

Ang Kapangyarihan ng Panalangin—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asaAng Kapangyarihan ng Panalangin—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa

Di naglaon, nakahanap ang bayaw ko ng isang taksi at mabilis kaming pumunta sa ospital. Sa oras na iyon, pasado alas singko na ng umaga, at napasok na ang asawa ko sa intensive care. Mabilis kong hinanap ang isang doktor at tinanong ang tungkol sa kondisyon ng asawa ko. Sinabi ng doktor na hindi umaasa, “Masyadong malubha ang mga pinsala ng pasyente. Kung masuwerte pa siyang mabuhay, mayroong 99 na porsiyentong tsansa na siya ay magiging brain-dead. Dapat mong ihanda ang iyong sarili para sa posibilidad na ito at maghanap ng hindi bababa sa 200 libong yuan para sa medikal na pambayad.” Pagkarinig nito, halos nahimatay ako. Nakaramdam ako ng sobrang pag-aalala: “Walang katiyakang mabubuhay ang asawa ko, at magkakahalaga ito ng napakalaki para sa medikal na pambayad. Kung mangyayari nga ito na hindi gumana ang paggamot niya, kung gayon hindi lang sa mawawalan ako ng asawa, ngunit gugugulin ko pa ang lahat ng perang iyon sa wala. Kung walang maghahanap-buhay sa aming pamilya, ano nang mangyayari sa anak ko at sa akin? Kung talagang magiging brain-dead ang asawa ko, paano ko pa mabubuhay ang pamilyang ito?” Noon din, naramdaman ko na parang may matinding bigat na nagdiin sa akin, dinidiin akong mabuti pababa na hindi na ako makakahinga. Nadama ko ang ganap na kahinaan at kawalan sa kung ano ang kailangang gawin. Naging madilim ang lahat sa aking paningin, at hinang-hina akong biglang napasandal pababa sa pader.

Sa aking kawalan ng magagawa, mabubuhos ko lamang sa Diyos ang sakit na nadama ko. At kaya, nanalangin ako sa Diyos, na sinasabi, “O Diyos ko! Napakaliit ng katayuan ko. Masyado akong mahina ngayon dahil nangyari na ito sa akin, at hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. O Diyos ko! Mangyaring liwanagan at gabayan ako.” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos(“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao”). Oo, nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay, at binigyan Niya rin tayo ng buhay. Ipinagkakaloob sa atin ng Diyos ang lahat na kailangan natin, at pinamumunuan at inaayos Niya ang tadhana ng bawat isa sa atin. Ang buhay at kamatayan ay lalo pang nasa Kanyang mga kamay, dahil ito ang awtoridad ng Diyos. Ang isang nilalang na nilikha tulad ko ay walang kontrol sa aking hinaharap at sa aking tadhana, kaya’t dapat kong ilagay ang lahat ng ito sa mga kamay ng Diyos at pasakop sa Kanyang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Naisip ko pagkatapos ang panahong inakay ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto. Nang napunta sila sa ilang at walang makain, hinayaan ni Jehova na mahulog ang manna mula sa langit at binigyan sila ng pugo para makain, at nangako Siya sa kanila na bibigyan Niya sila ng sapat na pagkain sa araw-araw. Gayunman ang ilan ay walang pananalig sa Diyos at natakot na mawawalan sila ng pagkain sa susunod na araw. At kaya, itinago nila ang ilang manna para kainin sa kasunod na araw, ngunit nang sumunod na araw, natuklasan nila na hindi na maaaring kainin ang manna. Mula doon, naunawaan kong ang Diyos ay ang Maylikha na tumutustos at nagpapakain sa sangkatauhan, at hangga’t taos puso tayong naniniwala sa Kanya at sumusunod sa Kanya, kung gayon hindi kailanman mauubos ang Kanyang panustos para sa atin. Subali’t walang pananalig sa Diyos ang mga tao at palaging nababahala tungkol sa kanilang kinabukasan at nagbabalak para sa kanilang sariling mga interes. Sa puntong ito, napagtanto ko sa pamamagitan ng pagninilay sa sarili na wala akong tunay na pananalig sa Diyos at palaging nag-aalala at nababalisa tungkol sa buhay ko sa hinaharap. Hindi lamang sa hindi nito malulutas ang mga problema ko, kundi sa kabaligtaran ay magdaragdag lamang ng panggigipit at pasanin na naramdaman ko. Sa pag-iisip nito, nanalangin ako sa Diyos, na ipinagkakatiwala sa Kanyang mga kamay ang buhay na hinaharap ng pamilya ko. Ano pa man ang ginawa ng Diyos, sinabi ko sa aking panalangin, nais ko lamang na magawang magpasailalim sa Kanyang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Noon lang, ang kahirapan at tensiyon na nadama ko ay bahagyang nawala.

Pumunta ako sa intensive care at nakita ang asawa ko. Dahil nagkaroon siya ng pagkabasag sa bungo, patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang dalawang taynga. Nagkaroon din siya ng bali sa tatlong tadyang, nabali ang buto ng hita sa kanyang kanang binti, nadurog ang lahat ng mga daliri sa kanyang kaliwang paa, napinsala ang pareho niyang baga, at itim at asul na may mga pasa ang karamihang bahagi ng katawan niya. Naisip ko kung gaano kasaya ang asawa ko kahapon ng umaga, at kung paano pa siya tumawag sa aming anak kagabi, at ngayon ay ganito na siya …. Habang mas inisip ko ito, lalong naramdaman ko ang sakit na tumatagos sa puso ko.

Sa ikatlong araw mula ng aksidente, biglang lumala ang kondisyon ng asawa ko. Naging masyadong mababaw ang kanyang paghinga at naging malagkit ang mukha niya, na para bang malapit na siyang mamatay. Sa pagtingin sa asawa ko, umiyak ang aming pamilya at sinabing hindi na siya maaaring magtagal pa ng isang araw. Iniisip na iiwan na kami ng asawa ko, nabiyak ng dalamhati ang puso ko at ako ay nasa matinding sakit. Kasabay nito, naisip ko kung gaano walang kabuluhan ang mga tao, at kung gaano walang magagawa at walang lakas tayo sa harap ng karamdaman. Ang magagawa ko lang ay tahimik na manalangin sa Diyos at pagmasdan Siya at ipagkatiwala sa kanya ang asawa ko. Sa oras na iyon, naisip ko ang isang himno, “Di Maarok ang mga Paraan ng Diyos,” na sinasabi, “Saklaw Mo ang langit at lupa, Sinong alam ang sakop ng 'Yong mga gawa? Isang butil lang ang nakikita namin sa dalampasigan, tahimik na naghihintay na gamitin Mo.” Tahimik akong humuni ng awit na iyon sa puso ko at naunawaan kong ang Diyos ay ang Maylikha, na Siya ang naghahari at nangangasiwa ng lahat ng bagay, na itinatalaga ng Diyos ang buhay, kamatayan, karamdaman at pagtanda, gayon din ang mga alituntuning sumasakop ng pagbabago sa lahat ng bagay, at walang tao ang maaaring makapagpabago sa mga ito, o kahit pa sumira sa mga ito. Kapag ginampanan ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga gawain, nangusap lamang Siya ng isang salita ng pagsaway sa hangin at dagat, at kumalma ang mga ito; sa isang salita, tinawag ng Panginoong Jesus si Lazaro na lumabas sa libingan nito at siya ay muling nabuhay pagkaraang naging patay ng 4 na araw. Nasa pag-iingat ng Diyos ang mga susi sa impiyerno at kinokontrol ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan. Tanging ang Diyos ang makakapagbalik ng buhay sa mga tao, magawa ang wala na isang bagay at ang isang bagay sa wala—hindi masusukat ang awtoridad ng Diyos! Habang pinagnilayan ko ang mga gawa ng Diyos, natagpuan ko ang aking pananampalataya sa Diyos at naunawaan ko na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng bagay. Magigising muli o hindi man ang asawa ko at kung hanggang saan aabot ang mga pinsala niya ay nakasalalay sa Diyos. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos, na ipinagkakatiwala ang asawa ko sa Kanya at handang magpasailalim sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

Sa umaga ng ika-apat na araw, ang anak ko at ako ay pumunta sa intensive care at tinanong ang nars tungkol sa kondisyon ng asawa ko. Sinabi niya na walang mga pagbabago, ngunit bumuti siya ng kaunti kaysa sa dati. Umiyak ako sa pasasalamat, at tahimik na inalay ang pasasalamat ko at papuri ko sa Diyos.

Ang Kapangyarihan ng Panalangin—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa

(Pinagmumulan: Megapixl)

Lumipas ang isang linggo, at hindi pa gumising ang asawa ko. Sinabi sa akin ng doktor “Dahil hindi pa nagising ang iyong asawa, kailangan na naming ilipat siya sa isa pang ospital para sa operasyon. Kakailanganin mong maghanap ng ilang daang libo pang yuan para bayaran ang operasyon.” Habang nagsalita siya, itinuro niya ang isa pang pasyente sa silid, at sinabi, “Tingnan mo siya. Ang kanyang mga pinsala ay hindi kasing-tindi ng sa asawa mo, ngunit nagamot na siya ng 10 araw sa ngayon at hindi pa nawala ang pamamaga niya at hindi pa siya nagkamalay. Wala na kaming pagpipilian kundi ilipat siya sa isa pang ospital.” Sa pakikinig sa sinasabi ng doktor, hindi ko alam ang pinakamabuting gawin. Nag-aalala ako na magiging brain-dead ang asawa ko, at hindi ko alam kung saan pupunta upang humanap ng perang pambayad sa kanyang operasyon. Sa panahong iyon, binayaran ko ang gastos ng asawa ko sa ospital sa pamamagitan ng paggamit na lampas pa sa kaya ng credit card ko. Kapag naantala ang paggamot niya dahil naubusan ako ng pera, ano na kaya ang gagawin ko? Sa sandaling iyon, magkakasabay na nangibabaw sa akin ang pag-aalala, pagkabalisa, sakit at kawalan ng pag-asa. Ang magagawa ko lamang ay manalangin sa Diyos, tumingin sa Kanya at ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng ito, at hingin ang Kanyang tulong at patnubay.

Sa ikasampung araw, sinabi sa akin ng tumitinging doktor, “Kokontakin ko ang ibang ospital para sa iyo. Kung hindi pa magkakamalay ang asawa mo sa susunod na dalawang araw, kakailanganin na siyang mailipat. Ito ay dahil dapat maoperahan ang buto sa hita ng asawa mo sa loob ng dalawang linggo, kung hindi ay magiging permanente ang kanyang kapansanan. Dapat kang maghanda kaagad ng mga 400 libong yuan upang bayaran ang operasyon. Hindi na talaga ito makakapaghintay ….” Sa pagkarinig noon, naging sobra akong nabalisa, at wala akong ideya kung saan makakahiram ng ganoong kalaking pera. Nagbigay ang pamilya ng mga regalo sa pulis trapiko para tutulong sila sa aming hanapin ang tao na nakabangga sa asawa ko, ngunit walang nangyari. Nakita ng aming mga kamag-anak at kaibigan ang aming sitwasyon at alam na hindi namin kailanman mababayaran ang anumang utang, at kaya’t nagsabi na lang sila sa akin ng mga salita ng pakikiramay, at walang sinuman ang handang magpautang sa amin. Ang pagkasalawahan ng mundo at mga damdamin ng tao ang nagdulot sa aking mawalan ng pag-asa. Umiiyak, nanalangin ako sa Diyos at sinabi, “O Diyos ko! Lahat ng bagay ay nasa Iyong mga kamay. Kahit na ang asawa ko ay walang malay ng 10 araw, buhay pa rin siya, at dito makikita ko ang Iyong pagprotekta sa kanya. Ngunit ngayon, gusto ng doktor na lumipat kami sa isa pang ospital at magiging napakamahal ng operasyon. Hindi ko alam talaga ang gagawin ko. O Diyos ko! Hinihingi kong palakasin Mo ang pananalig ko at magbukas ng isang daan para sa akin. Ano pa man ang Iyong ginagawa, nais kong maranasan ito na may masunuring puso.” Pagkatapos manalangin, bahagyang naging mas kalmado ako. Sa mga nagdaang ilang araw, naging mas malapit ako sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at nasaksihan ko ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos sa sarili kong mga mata. Kahit mahirap mangyari, buhay pa ang asawa ko, at lahat ng ito ay sa pangangalaga at pagprotekta ng Diyos. Naniwala ako, na hangga’t patuloy akong nagdarasal sa Diyos at umaasa sa Kanya, tiyak na gagabayan ako ng Diyos. Dapat akong magkaroon ng pananampalataya sa Diyos at hindi dapat panghinaan ng loob at mawalan ng pag-asa dahil sa isang kaunting sagabal, sapagkat kapag ginawa ko ito, kung gayon paano ko mararanasan ang gawain ng Diyos?

Di naglaon, bumalik ako sa bahay upang subukan at maghanap ng pera. Sa hindi inaasahan, handang magpahiram ng pera ang tiyo ko, at ang mas maganda pa rito, natagpuan ang taong nagsanhi ng banggaan. Noon lang, tumawag sa akin ang anak ko at tuwang-tuwang sinabi, “Mom, nagising na si dad. Sinasabi ng doktor na hindi na siya kailangang ilipat ng isa pang ospital, at inaayos ang araw na maoperahan si dad. Dalian po ninyo at bumalik na dito sa ospital ….” Sa pagkarinig sa anak ko, labis akong natuwa, bumuhos ang mga luha mula sa aking mata at ang aking dalamhati ay nahaluan ng tuwa. Sa aking puso, patuloy akong nagpapasalamat sa Diyos at nagpupuri sa Kanyang mga kahanga-hangang gawa.

Bago naoperahan ang asawa ko sa buto ng hita niya, pinapirma ako ng doktor ng isang pormularyo ng garantiya at abiso ng kritikal na karamdaman, at sinabi sa akin, “Kahit nagkamalay na ang asawa mo, dahil sa likas na malubha ang mga pinsala niya, ang kanyang katawan ay labis na mahina. Kailangan niya ngayong sumailalim sa isang mahabang operasyon at kung hindi niya matitiis ito ay magsisimula siyang gumalaw sa paligid ng operating table. Samakatuwid, kailangan naming bigyan siya ng general anesthetic. Ngunit sa paggawa nito, hinaharap namin ang panganib na hindi siya magkamalay pagkatapos ng operasyon. Nakita na naming nangyari ito dati. Bilang kamag-anak ng pasyente, dapat mong isiping mabuti kung gusto mong harapin ang panganib na ito o hayaan na lang siya sa kanyang kasalukuyang kalagayan.” Pagkaraang matapos sa pagsasalita ang doktor, naiwan ako sa silakbo ng pag-aalinlangan. Nawala ako, at sa maikling sandali, hindi ko alam kung paano ko magagawa ang desisyong ito. Saka ko naisip kung paano ang asawa ko nakayang magtagal ng huling 10 araw sa ospital nang walang labis na panganib. Hindi lamang sa hindi na siya inilipat sa isa pang ospital, ngunit sa halip ay nagising pa bago ng operasyon—hindi ba ito ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos? Samantalang ang pasyenteng hindi kasing seryoso ang pinsala kaysa sa asawa ko ay hindi pa nagkamalay sa kabila ng paggamot ng mahigit sa 10 araw. Sa huli, ang pasyenteng iyon ay kinailangang mailipat sa isa pang ospital, at hindi tiyak kung makakaligtas pa siya o hindi. Naisip ko kung paano naprotektahan ng Diyos mula sa simula ang asawa ko, kaya kahit ano man ang dumating na kasunod ay pagpapasiyahan ng Diyos. Ang buhay, kamatayan, kapalaran at kasawian ay hawak lahat ng mga kamay ng Diyos, at kailangan kong magpasakop sa mga pagsasaayos at kaayusan ng Diyos. At kaya’t hindi na ako nag-isip tungkol doon, at habang pinirmahan ko ang mga dokumento, bumigkas ako ng taimtim na panalangin sa Diyos: “O Diyos ko! Naniniwala ako na ang buhay at kamatayan ng asawa ko ay nasa Iyong mga kamay, at hindi ang mga doktor ang may huling pagpapasiya. Nais kong umasa sa Iyo at tumingin sa Iyo habang nararanasan ko ang sitwasyong ito. Anuman ang mangyari sa asawa ko sa katapusan, naniniwala akong lahat na Iyong ginagawa ay para sa pinakamabuti, at ang ganitong kaliit na nilalang na nilkha na tulad ko ay dapat na sumunod sa Maylikha.”

Hindi ko inasahan na ang operasyon sa asawa ko ay magiging napakabuti, at habang sinubaybayan ko ang paglayo niya sa panganib nang unti-unti, bumigay sa wakas ang bato sa puso ko. Sinabi sa akin ng doktor na may pagtataka, “Ang paggising ng asawa mo ay talagang lampas sa aming inisip. Tunay na isang himala ito!” Alam ko sa kaibuturan na lahat ng ito ay pagprotekta ng Diyos, at nagpasalamat ako sa kabaitan ng Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso. Pagkatapos ng operasyon, gayunman, ganap na nawala ang lahat ng memorya ng asawa ko at hindi man niya ako nakilala. Madali siyang mainis at may IQ ng isang sanggol, at labis na nag-aalala ako. Kumunsulta ako sa doktor at tinanong kung magiging katulad pa siya ng dati, ngunit sinabi ng doktor, “Dumaranas siya ng postoperative amnesia at mahirap sabihin kung kailan siya gagaling. Kapag gumaling na ang mga pinsala ng asawa mo, maaari siyang pumunta sa rehabilitation center para magpagaling pa ….” Sa pagkarinig ko sa sinasabi niyang ito, muli na namang nagsimula akong manghina sa pag-aalala: “Kung mamamalaging ganito ang asawa ko, matutulad siya sa isang uto-uto. Anong magagawa ko?” Sa pag-aalalang ito, hindi ko makakayang kumain o matulog, at nang hindi ko na malaman ang gagawin ko, naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Na ang ibig sabihin, ang buong buhay ng tao, pagkatapos na pagkatapos nilang mamatay at saan sila pupunta kapag sila ay muling nagkatawang-tao, maging sila man ay lalaki o babae, kung ano ang kanilang misyon, kung ano ang pagdadaanan nila sa buhay, ang kanilang mga kasawian, kung anong mga pagpapala ang kanilang tinatamasa, sino ang kanilang makikilala, kung ano ang mangyayari sa kanila—walang makahuhula nito, makaiiwas nito, o makapagtatago mula rito. Na ang ibig sabihin, pagkatapos maitakda ang iyong buhay, sa anumang mangyayari sa iyo, gaano mo man balakin at iwasan ito, sa anumang mga pamamaraan mo balakin at iwasan ito, wala kang paraan para labagin ang pag-inog ng buhay na itinakda para sa iyo ng Diyos sa espiritwual na mundo(“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X”). Ang mga salita ng Diyos ang nagdulot sa aking maunawaang ang Diyos ay matagal ng itinalaga ang lahat ng bagay na mararanasan natin sa ating buhay. Maging ito man ay kahirapan o magandang kapalaran, hindi nakasalalay sa atin kung ano ang mangyayari, at hindi natin mahuhulaan ito. Ngunit bawat yugto na ating maranasan sa buong buhay natin ay masusing inayos ng Diyos at nasa likod ng lahat ng ito ang Kanyang mabubuting intensiyon. Umaasa ang Diyos na magkakaroon tayo ng tunay na pag-unawa sa Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya habang nararanasan natin ang mga ganitong kapaligiran, at umaasa Siyang magagawa ng mga ito na lumago ang ating buhay. Sa pag-alala sa mga karanasan ko sa nakaraang ilang araw, nang malapit ng mamatay ang asawa ko dahil sa aksidenteeng iyon at nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa at sakit, ang napapanahong kaliwanagan at pamamatnubay ng mga salita ng Diyos ang nagpaunawa sa akin ng Kanyang dakilang kapangyarihan at awtoridad. Doon ko lamang binitawan ang pag-aalala sa puso ko at natagpuan ko ang pananalig na umasa sa Diyos; nang kaharap ko ang malaking gastos ng operasyon at hindi alam ang gagawin, taos puso akong nanalangin sa Diyos at binuksan ng Diyos ang daan para sa akin. Hindi lang sa nalutas Niya ang kakulangan ko sa pera, kundi nagsanhi Siyang magkamalay ang asawa ko. Pagkalipas nito, tunay na naranasan ko ang pagmamahal at patnubay ng Diyos. Hindi ako kailanman iniwan ng Diyos kahit isang sandali, at sa tuwing nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa at panghihina, naroon ang Diyos para gabayan ako sa mga sagabal sa pamamagitan ng Kanyang napapanahong mga salita. Kung wala ang patnubay ng Diyos, hindi ko malalaman kung paano malampasan ang lahat ng sakit na iyon. Ngayon lamang nagagawa kong maunawaan, na kung hindi ko naranasan ang sitwasyong ito, hindi ko kailanman magagawang tunay na kilalanin ang Diyos, mananatili kailanmang panteorya ang pag-unawa ko sa awtoridad ng Diyos, at hindi madaragdagan ang aking pananampalataya sa Diyos. Ang mga sitwasyong ito ang nagdudulot ng pinakamaraming pakinabang sa buhay ko at hindi ko na nais iwasan ang mga ito, at nakahanda akong umasa sa Diyos upang sundan ang landas na hinaharap, at naniniwala akong papatnubayan ako ng Diyos.

Namalagi ang asawa ko sa ospital ng lungsod nang 21 araw bago siya inilipat. Pagkatapos noon, nanalangin ako sa Diyos sa bawat araw at inilagay ang asawa ko sa mga kamay ng Diyos, at matiyaga kong tinuruan siya kung paano magsalita at makilala ang lahat ng uri ng mga bagay at ng mga taong nasa paligid niya. Nang di-mapapansin, hindi na siya naiinis at nagawang makilala ang mga kamag-anak. Sa pagkakita sa asawa kong unti-unting bumubuti, labis akong natuwa, at sinabi sa akin ng lahat ng doktor na nagtataka, “Hindi kapani-paniwala ito. Walang sinuman ang mag-iisip na maaari siyang gumaling ng ganoon kabilis. Talagang isang himala ito! Ang pasyenteng katabi niya ay nasa parehong aksidente sa kotse at hindi pa rin nagkamalay anim na buwan na pagkaraan ng aksidente. Pinag-uusapan pa rin kung makakaligtas ba siya o hindi. Tunay na masuwerte ka!” Sa pagkarinig nito, nagpatuloy akong nagpapasalamat at nagpupuri sa Diyos sa aking puso, dahil tanging ang pagprotekta ng Diyos ang nagpahintulot sa asawa ko para mabuhay.

Pagkaraang lumabas ang asawa ko sa ospital, bumilis ang kanyang paggaling. Hindi lamang sa makakalakad siya gamit ang mga saklay, ngunit ang kanyang pangunahing memorya ay bumalik. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa lahat ng nangyari simula ng pumasok siya sa ospital, kung paano ako umasa sa Diyos at kung paano ako ginabayan ng Diyos sa mga araw na iyon ng sukdulang sakit at kahinaan. Napuno ng mga luha ang kanyang mga mata habang sinabi sa akin, “Kapag mas gumaling na ako, magpapatotoo ako na iniligtas ako ng Diyos, para mas maraming tao ang makakaalam sa pagiging makapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga kahanga-hangang gawa.” Nang narinig kong sabihin ng asawa ko ito, naramdaman ko ang tunay na pasasalamat para sa pagliligtas ng Diyos.

Sa pamamagitan ng pambihirang karanasang ito, tunay na nakita ko ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos, at nakita ko na ang Diyos ay ang Naghahari sa lahat ng bagay. Ang Diyos talaga ang kumukontrol sa buhay at kamatayan ng bawat isang tao, at walang nilalang na nilikha ang kailanman makakahigit sa Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Gaya ng sinasabi ng salita ng Diyos, “Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol(“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

4 na Prinsipyo ng Mabisang Panalangin

Ang pananalangin sa Diyos ay ang pinaka-direktang paraan para sa mga Kristiyano upang makipag-usap sa Diyos, at tanging ang mga mabisang panalangin ang dinidinig ng Diyos. Kaya, ang paggawa ng mga mabisang panalangin ay mahalagang parte ng pang-araw-araw na buhay ng mga Kristiyano

Hindi na Ako Naduduwag

Ni Mu Yu, Tsina Nabalitaan ko ang pagkaaresto ng isang sister noong Setyembre 2. Papunta ako sa bahay ng isang lider noong araw na iyon,...