Binago Ako ng Paghahanap sa Katotohanan

Oktubre 13, 2022

Ni Ou Lin, Myanmar

Nung Mayo 2018, nilisan ko ang aking tahanan para sumali sa militar. Sa hukbo, kapag nag-uutos ang isang lider, masunuring ginagawa ng mga nakabababang ranggo ang ipinag-uutos sa kanila. Kapag nangangasiwa sa aming gawain, inuutus-utusan kami ng mga lider, at napakakagalang-galang nila. Talagang hinahangaan ko sila. Ang pinakamataas na lider sa mga babaeng sundalo ay may pera at kapangyarihan. Nang dalhin niya ang kanyang anak sa aming hukbo, nakangiti siyang binati ng lahat. Madalas sabihin sa amin ng mga nakatataas na pinuno na kailangan naming maging dedikado, tapos pagdating ng panahon ay pwede kaming maging tulad niya. Sa puntong iyon ay ipinangako ko sa sarili ko na magsisikap akong maging isang lider. Inisip ko na magiging napakaprestihiyoso na magkaroon ng katayuan at paghanga. Mula noon, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para gumanda ang imahe ko, at sinunod ko nang eksakto ang lahat ng sabihin ng mga lider. Gumanap ako nang napakahusay sa harap ng mga lider, at gustong-gusto nila ako. Hindi nagtagal, itinaas nila ang ranggo ko sa pagiging pinuno ng yunit. Tuwang-tuwa ako. Lalo pa akong naging masunurin sa mga lider pagkatapos ng pagtataas ng ranggo ko. Pinamunuan ko ang pang-araw-araw naming gawain at hindi ako nangahas na magpakatamad. Kapag nakikita kong nagpapakatamad ang mga mababang ranggong sundalo, nagiging mabagsik ang mukha ko at tinatakot ko sila sa mga kahihinatnan. Hindi iyon nagustuhan ng ilan sa kanila at nagsabi sila ng masasamang bagay tungkol sa akin sa aking likuran. Iniisip ko na kailangan kong ipagpatuloy ang pagtatrabaho nang husto para makapagpasikat at makakuha ng mas mataas na posisyon para pakinggan ako ng mga nakabababang sundalo. Sa pamamagitan ng aking pagsisikap, itinaas na naman ang ranggo ko sa pagiging lider ng squad. Pakiramdam ko ay talagang kagalang-galang iyon. Isa pa, nagsimula na akong pakinggan ng mga praybeyt nang maging lider ako ng squad. Pero kailangan pa ring magtrabaho ng mga lider ng squad, at nakapapagod iyon, kaya naisip ko na kailanga’y patuloy akong umakyat ng mga ranggo. Sa mas mataas na ranggo, magkakaroon ako ng higit na kapangyarihan at hindi na kakailanganing gumawa ng anumang trabaho. Magiging mabuti iyon! Para tumaas ang ranggo, nagsikap at nagtrabaho ako nang husto araw-araw, at inudyukan ang mga praybeyt na gawin din iyon. Palagi naming natatapos nang mas maaga sa iskedyul ang mga gawaing iniaatas ng mga lider. Masayang-masaya ang mga lider sa trabaho ko, at hindi nagtagal ay itinaas ang ranggo ko sa pagiging lider ng pulutong.

Nakahanap ako ng mga paraan para pakinggan ako ng mga praybeyt para maprotektahan ko ang aking posisyon bilang lider ng pulutong, para masigurong hindi mapag-iiwanan ng iba ang aming pulutong. Kapag hindi ako pinakikinggan ng mga praybeyt, pinatatayo ko sila bilang parusa o inuutusang mag-push up. Mas pinakikinggan na nila ako pagkatapos niyon. Hindi na sila nangangahas na magpakatamad sa harapan ko at magalang na magalang na. Masayang-masaya ako. Pero matindi rin ang nararamdaman kong pressure, at pinagagalitan ako ng nakatataas na lider kung hindi maganda ang trabaho ko. Para makaiwas sa pagpuna at makakuha ng kaunting papuri, palagi kong pinagagalitan ang mga sundalo nang mabagsik ang boses kapag nag-aasikaso kami ng mga gawain. Hindi nagtagal, hindi nila nagustuhan ang ugali ko at talagang kinamuhian ako. Magsasabi sila ng magagandang bagay sa harapan ko, pero magsasabi ng maraming masamang bagay tungkol sa akin sa likuran ko. Labis akong naasiwa nang matuklasan ko iyon. Minsan din kapag hindi namin natatapos ang mga gawain namin, nahaharap ako sa pagpuna ng mga lider. Sa puntong iyon, naisip ko na siguro kung mas mataas ako ng isang ranggo ay hindi na ako mapagagalitan, at hindi na labis na mape-pressure. Tapos ay makukuha ko rin ang respeto ng mas maraming tao. Sinimulan kong tahimik na pagtrabahuhan ang layuning iyon.

Tapos sa wakas ay isang araw, masayang sinabi sa akin ng kapitan na sa lahat ng mga lider ng pulutong, ako ang pinakapinagtitiwalaan niya, at kung sakaling titigil siya sa pagsisilbi bilang kapitan, ako ang papalit sa kanya. Labis akong nasabik nang marinig ko iyon. Noon ko lang nalaman kung gaano kalaki ang tiwala niya sa akin. Hindi nagtagal ay tinanggap ko ang posisyon ng kapitan. Parami nang parami sa mga praybeyt ang tumitingala sa akin at saanman ako pumunta ay nirerespeto ako. Hindi na ako gumagawa, at mas marami akong oras ng pahinga. Talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na nakatataas ako, na nakukuha ko sa posisyon ng pagiging kapitan. Pero pagkalipas ng ilang panahon, ilan doon sa mga kasabay kong itinaas ang ranggo sa pagiging lider ng pulutong ay nainggit sa akin at ayaw nilang sumunod sa mga utos ko. Galit na galit ako at pakiramdam ko ay napahiya ako, kaya nag-isip ako ng lahat ng klase ng paraan para mapasunod sila sa akin. Pero ayaw pa rin nilang sumunod. Pakiramdam ko ay hindi ko sila kayang kontrolin, pero alang-alang sa katayuan ko, kinailangan kong pilitin ang sarili kong magpatuloy. Iniisip ko na hindi kasing kagalang-galang ng inakala ko ang pagkakaroon ng mas mataas na posisyon na may malaking kapangyarihan. Palagi kong dinidisiplina ang mga nakabababa sa akin kapag hindi nila ginagawa ang sinasabi ko, at lalong nagiging mainitin ang ulo ko. Isa pa, madalas akong nag-aalala na sasabihin ng mga nakatataas na lider na hindi ko kayang kontrolin ang mga praybeyt at baka isipin nila na hindi ako mahusay. Baka mawala pa sa akin ang posisyon ko bilang kapitan. Labis iyong nakapag-aalala, at labis na nakapapagod. Gusto ko na talagang magbitiw, pero bigla kong naisip kung gaano karaming tao ang nagnanais na maging kapitan at hindi naging madali sa aking maabot iyon, kaya hindi ba’t sayang naman kung magbibitiw ako? Pakiramdam ko’y wala akong magagawa, kaya tiniis ko na lang ang stress at nagpatuloy ako araw-araw.

Noong Agosto 2020, pinalad ako na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagsimula akong magbasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, at dumalo sa mga pagtitipon kasama ng mga kapatid. Talagang sumaya ako at nagustuhan ko iyon nang husto. Isang araw, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal, kung saan ay nagiging sanhi na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga patakaran nito upang mabuhay, at magtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na kaya masyadong mahirap at nakaka-stress ang buhay ng mga tao ay ganap na dahil sa kanilang mga paraan ng pamumuhay at sa mga maling landas na pinagpapasyahan nilang tahakin. Matapos gawing tiwali ni Satanas, sinusubukan ng lahat na mangibabaw sa karamihan at magkamit ng kapangyarihan. Iniisip nila na kapag may katayuan at kapangyarihan, makakukuha sila ng respeto at paghanga, na pakikinggan sila ng mga tao, at mamumuhay sila sa karangalan. Kaya minamahal ng lahat ng tao ang reputasyon at pakinabang, pinahahalagahan ang katayuan, at hinahangad ang katayuan. Ganoon din ako. Matapos sumali sa hukbo, ginusto kong manguna sa mga babaeng sundalo at makuha ang paghanga ng iba. Para maabot ang layuning iyon, unti-unti akong umakyat sa mga ranggo, tumaas ang ranggo sa pagiging lider ng pulutong, tapos ay sa kapitan. Sa pagtaas ng ranggo ko at sa pagdami ng mga taong pinangangasiwaan ko, nagsasalita at kumikilos ako sa isang dominanteng paraan, at mahilig akong maghari-harian sa mga tao, manita sa kanila. Tama man ako o mali, kailangang makinig ng mga praybeyt. Para mapatibay ang aking posisyon, kapag ayaw makinig sa akin ng mga lider ng pulutong, ginagamit ko ang kapangyarihan ko para pigilan sila, at pinarurusahan ang mga praybeyt sa lahat ng klase ng paraan. Palagi akong dominante at walang pakikiramay sa iba. Unti-unting napalayo sa akin ang mga praybeyt at ayaw na nilang makisalamuha sa akin. Nakita ko na pagkatapos kong magkamit ng kaunting katayuan, naging isa akong nakatatakot na tao. Minsan ay gusto kong makipag-usap nang puso-sa-puso sa isang tao, pero hindi ko alam kung sino. Para hindi ako masermunan ng mga lider, labis akong magpapalakas sa kanila at titiisin ko ang anumang kahihiyan. Bawat araw ng buhay ko ay puno ng stress at mahirap, at gusto ko na talagang magbitiw, pero sa sandaling maisip ko kung paano ko napakinabangan ang katayuan ko, ayoko nang sumuko. Lumubog ako sa lusak na iyon ng reputasyon at pakinabang, na nakapapagod at miserable. Sa puntong iyon, napagtanto ko na isa ito sa mga paraan ng paggawang tiwali at pananakit ni Satanas sa mga tao. Patindi nang patinding pinalalala ng paghahangad sa katayuan ang mapupusok na pagnanasa ng mga tao, lalo silang ginagawang mapagmataas at mapanghamak sa iba, kaya hindi nila kayang magkaroon ng mga normal na kaugnayan. Bago ako nagkaroon ng pananampalataya, palagi ay pakiramdam kong ang paghahangad sa katayuan at paghahangad na mamukod-tangi sa iba ay pagkakaroon ng ambisyon at potensyal. Ngayon ay nauunawaan ko nang ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay hindi ang tamang landas. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na patnubayan akong makalaya sa mga gapos ng reputasyon at katayuan.

Tapos isang araw, pumunta ako sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para mag-download ng mga himno at nakakita ako ng bagong himno na pinamagatang “Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha”:

1 Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. Itinalaga Mo na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng mga taong ito, at ang dapat ko lamang gawin ay maging ganap na masunurin sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil lahat ay nakapaloob sa Iyong naitalaga.

2 Hindi ko iniisip ang katayuan; matapos ang lahat, isa lamang akong nilalang. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilalang. Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilalang. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilalang. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilalang.

3 Isa lamang akong napakaliit na nilalang na nilikha ng Panginoon ng paglikha, isa lamang sa lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at muli Mo ako ngayong inilagay sa Iyong mga kamay upang gawin sa akin ang gusto Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong hambingan dahil lahat ay kung ano ang Iyong naitalaga. Walang sinuman na maaaring baguhin ito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay.

—Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Habang pinakikinggan ang himnong ito, pakiramdam ko ay talagang interesante ang mga liriko. Napagtanto kong ang pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng katayuan ay tinutukoy lahat ng Diyos, na lahat ng iyon ay nasa Kanyang mga kamay, at hindi ko dapat hangarin iyon. Isa akong kapitan, pero sa harap ng Diyos ay isa lang akong hamak na nilikha na walang anumang katayuan. Hindi ko dapat paghigpitan ang iba. Habang iniisip ko kung paano ko napigilan ang mga praybeyt, labis akong nakonsensya at nabalisa. Gusto kong isuko ang katayuan ko at makasundo sila. Nagdasal ako sa Diyos at hiniling ko sa Kanya na tulungan ako. Unti-unti, nagawa kong isantabi ang sarili ko at subukang makipag-usap sa kanila, at itigil ang dominanteng paninita sa kanila. Nang gamitin ko nang ganoon ang mga salita ng Diyos sa aking tunay na buhay, nagtamo ako ng matinding kapayapaan.

Tapos isang umaga ay nagkaroon kami ng pulong. Hindi tiningnan ng isang pinangangasiwaan kong lider ng pulutong kung nandoon ang lahat ng nasa pulutong niya at hindi siya nagbilang ng mga tao. Mahuhuli na ang mga tao sa yunit namin, at kami ang pinakamabagal sa lahat ng yunit. Nag-aalala ako na baka isipin ng nakatataas na lider na kulang ang kasanayan ko sa pamamahala, at nag-aalala ako sa kung ano ang iisipin ng mga praybeyt. Pagkatapos ng pulong, galit ko siyang tinanong, “Saan ka galing kanina? Bakit hindi ka humingi ng araw ng pahinga? Walang nagbibilang ng tao sa pulutong mo. Inaantala mo ang buong yunit natin.” Pero ayaw niya iyong tanggapin, at agad siyang sumabat sa akin. Nagsimula kaming magtalo. Tapos ay dumating ang drillmaster at nagtanong kung bakit kami nagtatalo. Kanya-kanya naming ipinaliwanag ang sari-sarili naming panig, at sinabi ng drillmaster na hindi niya alam kung ano ang dapat gawin o kung sino ang may mali. Galit na galit ako nang marinig ko ito at naisip ko na hindi lang ako ayaw pakinggan ng lider ng pulutong, sumabat pa siya sa akin, kaya hindi ba’t ibig sabihin niyon ay mali siya? Isa pa, nakatataas ako sa kanya, kaya dapat ay nakinig siya sa akin. Hindi ba’t katawa-tawa na hindi alam ng drillmaster kung sino ang tama at sino ang mali? Sa sobrang inis ko ay galit akong umalis at padabog na isinara ang pinto. Bumalik ako sa baraks at agrabyadong-agrabyado ang pakiramdam ko, kung kaya’t hindi ko mapigilang mapaluha. Nang matuklasan ng kumander ang tungkol sa pagtatalo namin, sinabi niya sa lider ng pulutong, “Kapitan mo siya, kaya tama ang anumang sabihin niya at dapat kang makinig sa kanya.” Nang patuloy na pangatwiranan ng lider ng pulutong ang panig niya, galit siyang pinagsabihan ng kumander, “Sa kumpanya natin, may karapatan ang kapitan na sabihin sa’yo ang totoong sitwasyon, at mali ka kung hindi ka makikinig.” Nang marinig kong sabihin iyon sa kanya ng kumander, pakiramdam ko ay nailabas ko na ang mga damdamin ko. Talagang masaya ako at pakiramdam ko ay nakakuha ako ng respeto.

Isang araw, sa aking araw-araw na debosyonal, nakabasa ako ng ilan sa mga salita ng Diyos na tumulong sa aking makita iyon. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagkayamot at ilabas ang kanyang mga nadarama; madalas siyang magpupuyos sa matinding galit nang walang malinaw na dahilan, nang sa gayon ay maihayag ang kanyang kakayahan at maipaalam sa ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang mga pansariling kapakanan. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas nilang nailalabas ang kanilang mga nararamdaman at naibubunyag ang kanilang mapagmataas na kalikasan. Ang tao ay magpupuyos sa galit at ilalabas ang kanyang mga nadarama upang maipagtanggol at mapagtibay ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ng tao ang kanyang pagkayamot; puno ang mga ito ng karumihan, ng mga pakana at mga intriga, ng katiwalian at kasamaan ng tao; at higit sa lahat, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao. … Ang pagbubulalas ng tao ay isang pagtakas para sa mga puwersa ng kasamaan, isang pagpapahayag ng talamak at hindi mapigilang masamang ugali ng taong makalaman(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Maraming uri ng mga tiwaling disposisyon na kabilang sa disposisyon ni Satanas, pero ang isa na pinakahalatang-halata at pinakanamumukod-tangi ay ang mapagmataas na disposisyon. Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang takot sa Diyos sa kanilang mga puso. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong tao ay hindi iginagalang ang Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lalo na iyong mga nawalan na ng katinuan sa sobrang mapagmataas, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, at pinaparangalan pa nila at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos at talagang walang takot sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Nagiging walang kontrol at mapagmataas ang mga tao dahil sa katayuan. Madalas silang naghahayag ng pagkamainitin ng ulo at naninita ng mga tao para protektahan ang kanilang imahe at katayuan, at ipinangangalandakan nila ang kanilang awtoridad. Iyon ang kontrol ng isang mapagmataas na disposisyon. Nang sumali ako sa militar, ang hangad ko ay maging isang opisyal at makakuha ng respeto ng iba. Matapos magkamit ng ranggo at kapangyarihan, pakiramdam ko ay may awtoridad na ang mga salita ko at ako ang pinakamahalaga. Ako ang kapitan, kaya may kapangyarihan akong kontrolin ang mga lider ng pulutong at mga praybeyt. Dapat silang makinig sa akin, at kung hindi, dominante ko silang pagagalitan at ipaaalala ang posisyon nila. Napakamapagmataas ko. Nang hindi maagap na nagbilang ng tao ang lider ng pulutong, na nakaantala sa pag-usad ng yunit namin, galit ko siyang pinagsabihan, pero hindi lang siya hindi nakinig, sumabat pa siya sa akin. Pakiramdam ko ay mababa ang tingin niya sa akin, na minamaliit niya ako at ipinahiya niya ako sa harap ng lahat. Ginamit ko itong dahilan para magalit, maubusan ng pasensya sa kanya at ilabas ang pagkadismaya ko. Babala rin iyon para sa mga praybeyt na kailangan nilang maging masunurin. Ang tingin ko, isa akong kapitan at isa siyang lider ng pulutong, kaya dapat siyang makinig sa akin. Kung hindi siya makikinig, at kokontrahin pa niya ako, kailangan ko siyang pagalitan at ipakita sa kanya ang totoong sitwasyon. Napakamapagmataas ko at wala akong kontrol. Nang magkaroon ako ng katayuan, sa sandaling mayroong hindi makinig sa akin, nauubusan ako ng pasensya sa kanya, ginagamit ko ang posisyon ko para siilin siya at pilitin siyang gawin ang gusto ko. Bilang resulta, walang sinuman ang may gustong magkaroon ng kaugnayan sa akin. Isa akong mananampalataya, pero hindi ako nagbago. Wala sa katwiran ang pagmamataas ko at wala akong anumang wangis ng tao, kaya kinasuklaman at iniwasan ako ng mga tao, at nasuklam at napoot doon ang Diyos.

Kinausap ko ang isang sister tungkol sa mga karanasan ko, at pinadalhan niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng isang landas ng pagsasagawa. “Bilang isa sa mga nilalang, kailangang panatilihin ng tao ang kanyang sariling posisyon, at kumilos nang maingat. Matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha. Huwag kumilos nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng iyong kakayahan o na kasuklam-suklam sa Diyos. Huwag subukang maging dakila, o maging superman, o mataas sa lahat, o maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o superman. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim, at kasuklam-suklam. Ang kapuri-puri, at ang dapat na panghawakan ng mga nilalang nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilalang; ito lamang ang tanging mithiin na dapat hangarin ng lahat ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos ay naunawaan ko na ang pagsisikap na maging mataas, para magtamo ng paghanga at respeto ng mga tao ay isang kahiya-hiyang bagay. Dapat tayong manatili sa lugar natin at kumilos nang matuwid. Iyon ang hinihiling sa atin ng Diyos. Sinusubukan kong manguna, maging isang opisyal na may kapangyarihan, para maghari-harian sa iba, hangaan, at pakinggan ako ng iba. Isa iyong bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Kung hindi ako magsisisi, bagkus ay patuloy na maghahangad ng reputasyon at katayuan, magiging katulad na katulad ako ng isang hindi mananampalataya. Ang mga hindi mananampalataya ay naghahangad ng pera, reputasyon, at katayuan. Pumapatay at nag-aaway-away sila para sa mga bagay na ito. Bilang isang mananampalataya, hindi ako dapat manatili sa landas ng isang hindi mananampalataya. Dapat kong hanapin ang katotohanan at tumayo sa lugar ko bilang isang nilikha. Nang mapagtanto ito, ipinasya ko na handa na akong hanapin ang katotohanan at kumilos batay sa mga salita ng Diyos sa pang-araw-araw kong buhay. Dapat ay maging pantay ang katayuan ko sa iba at itigil ko na ang pag-uutus-utos sa iba mula sa perspektibo ng isang kapitan. Nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, gusto ko nang itigil ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at itigil na ang pamumuhay batay sa aking mapagmataas na disposisyon. Pakiusap, patnubayan Mo akong isagawa ang katotohanan.”

Pagkatapos niyon, sinimulan ko silang kumustahin araw-araw at magpakita ng malasakit sa kanila. Kapag nakagagawa sila ng mali at gusto ng lider na disiplinahin ko sila, hindi na ako katulad ng dati, na pinagagalitan sila at ipinangangalandakan ang awtoridad ko para panatilihin ang katayuan ko, bagkus ay nagawa kong makasundo sila, sabihin sa kanila kung saan sila nagkamali at bigyan sila ng pagkakataong pagbutihin sa susunod. Makalipas ang ilang panahon ng paggawa sa mga bagay-bagay nang ganito, nagkaroon ako ng magandang relasyon sa mga lider ng squad, mga lider ng pulutong, at mga praybeyt. Sinabi sa akin ng ilan sa mga praybeyt na dati ay kakaiba ang ugali ko, na natatakot sila sa akin, palaging nangangambang pagagalitan ko sila dahil sa isang pagkakamali. Pero ngayon ay malaki na ang ipinagbago ko, at nagsimula na akong magmalasakit sa kanila. Mas magaan na sa pakiramdam nila na makasalamuha ako. Nang marinig ko ito, nagpasalamat ako sa Diyos at sinabi ko sa kanila, “Alam ba ninyo kung bakit ako nagbago? Ito ay dahil tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Binago ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at iyon lang ang dahilan kung bakit nagbago ako. Bago sumampalataya sa Diyos, naghangad ako ng katayuan at paghanga ng iba. Palagi ko kayong pinagagalitan para mapanatili ang posisyon ko. Matapos magkaroon ng pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natutuhan ko na hindi tama ang mapagmataas na paninita sa mga tao, na dala iyon ng isang mapagmataas na disposiyon, at hindi ko iyon dapat gawin. Itong pagbabagong naranasan ko ay hindi isang bagay na magagawa ko nang mag-isa. Dahil ito sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos—binago ako ng Kanyang mga salita.” Halos hindi sila makapaniwala roon. Patuloy kong ibinahagi sa kanila ang ebanghelyo, at napangiti ang ilang praybeyt. Naging interesado sila sa pagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos niyon, ilan sa mga lider ng pulutong, lider ng squad, at praybeyt ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sama-sama kaming nagtitipon, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nagkakasundo nang husto, at nagbabahagi ng ebanghelyo at nagpapatotoo. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply