Pag-Iwan sa Pag-aaral Ko
Simula noong bata ako, sinabi sa akin ng mga magulang ko na dahil wala silang anak na lalaki, kami lang dalawa ng kapatid kong babae, nahihirapan silang harapin ang pamilya, kaya talagang kailangan kong mag-aral nang mabuti, para maipagmalaki nila at maipakita sa pamilya na kasinggaling ang mga anak na babae ng mga anak na lalaki. Nang sabihin ng nanay ko iyon, talagang naapektuhan ako nito, at nagpasya akong mag-aral nang mabuti, maipagmalaki nila, at bigyan sila ng karangalan. Palagi akong nag-aaral nang mabuti at nakakakuha ng matataas na grado. Kapag magiliw na tinatanong ng mga nakatatanda kung kumusta na ako, ang makitang mukhang napakasaya ng nanay ko kapag sumasagot siya ay talagang nagdudulot sa akin ng kagalakan, at ipinaparamdam nito sa akin na nakakakuha ako ng respeto para sa kanya at na naipagmamalaki niya ako.
Sa grad school, sinabi sa akin ng mga magulang ko: “Kailangan mong galingan sa grad school, tapos ay kumuha ka ng PhD. Pagkatapos ay makakakuha ka ng komportableng trabaho bilang isang propesor sa unibersidad, kikita ng maraming pera, at maipagmamalaki namin.” Na-stress talaga ako nang marinig ko ang sinabi ng mga magulang ko. Matapos ang lahat ng taong ito ng pag-aaral, matagal na akong nayayamot sa mga pagsusulit. Naisip ko ang lahat ng taong tumalon para magpakamatay dahil sa stress ng PhD at natakot ako na baka magaya ako sa kanila sa huli. Ayaw ko nang mag-aral. Pero nang tumingin ako sa mga mata ng mga magulang ko na puno ng pag-asa, hindi talaga ako makatanggi.
Noong panahong iyon ay tinanggap ko na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pero sa sobrang abala ko, hindi ako nakakadalo sa mga pagtitipon. Noon lang mag-grad school nang magturo ako sa probinsya na nakakadalo ako sa mga pagtitipon sa lokal na iglesia. Sa isang pagtitipon, sinabi sa akin ni Sister Zhang Lu na parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at agarang kinakailangan ng mga tagadilig. Tinanong niya ako kung madidiligan ko ang mga baguhan. Naisip ko noong bata ako at muntik na akong masagasaan ng trak habang nagbibisikleta. Dahil sa proteksyon ng Diyos kaya ako nakaligtas. Kasama ako sa malubhang car accident noong kolehiyo, pero nagtamo lang ako ng hiwa sa noo. Ito rin ay lihim na pagbabantay sa akin ng Diyos. Lagi akong lihim na pinoprotektahan ng Diyos para lumaki ako nang tama. Alam ko na bilang isang nilikha, tinamasa ko ang maraming biyaya ng Diyos at ang panustos ng katotohanan, at na dapat kong suklian ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng pagganap sa isang tungkulin, kaya masaya akong sumang-ayon. Habang dinidiligan ang mga baguhan, nagdarasal at umaasa kami ng kapareha kong sister sa Diyos para ibahagi ang salita ng Diyos at lutasin ang kanilang mga paghihirap. Kapag nakikita naming nalulutas ang mga problema nila at nagkakaroon sila ng pundasyon sa tunay na daan, tuwang-tuwa kami, at pakiramdam namin ay talagang makabuluhan ang mga tungkulin namin.
Kalaunan, habang parami nang parami ang mga baguhang nangangailangan ng pagdidilig, ginusto kong huminto sa pag-aaral at gawin ang tungkulin ko nang full-time, pero naisip ko kung paanong lubos na umaasa ang mga magulang ko sa akin. Kung hihinto ako sa pag-aaral, patuloy na mamaliitin ng ibang mga taganayon ang mga magulang ko. Malaki ang ginastos nila sa akin, kaya paanong bibiguin ko sila? Nag-alinlangan ako, hindi ko alam ang gagawin. Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Isa kang nilalang—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at mamuhay nang makahulugan. Kung hindi mo sasambahin ang Diyos kundi mamumuhay ka ayon sa iyong maruming laman, hindi ba isang hayop ka lamang na nakasuot ng damit ng tao? Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. Sa mundong ito, isinusuot ng tao ang damit ng diyablo, kinakain ang pagkaing nagmumula sa diyablo, at gumagawa at naglilingkod sa ilalim ng impluwensya ng diyablo, ganap na natatapakan sa karumihan nito. Kung hindi mo nauunawaan ang kahulugan ng buhay o natatamo ang tunay na daan, ano ang kabuluhan sa pamumuhay nang ganito? Kayo ay mga taong patuloy na naghahanap sa tamang landas, yaong mga naghahangad ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na isa akong nilikha, na ibinigay ng Diyos ang buhay ko, at na dapat akong mamuhay para sa Diyos. Ang paghahangad ng katotohanan sa aking tungkulin, pagwawaksi sa aking tiwaling disposisyon, at pagkamit ng pagliligtas ng Diyos—ito ay kapaki-pakinabang at makabuluhang buhay. Sa napakaraming taon, puro pag-aaral at pagtuturo lamang ang buhay ko, para mapasaya ang mga magulang ko. Palagi akong sobrang abala, pero hungkag ang pakiramdam ko sa loob. Ni hindi ko alam kung para saan ang lahat ng iyon. Kahit na sa libre kong oras, hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin na magiging makabuluhan. Hindi ko alam kung paano maiwawaksi ang pakiramdam na ito ng kahungkagan. Napakarami kong sinubukan, tulad ng pag-aaral ng mga instrumento, pagpipinta, pagbabasa, pakikinig sa musika, pagtakbo, pero wala ni isa sa mga ito ang nagpabago sa nararamdaman ko. Napakahungkag pa rin ng pakiramdam ko sa loob-loob. Wala pa ring direksyon at layon ang buhay ko. Inisip ko pa ang mga taon ko ng pagsisikap sa akademya. Kahit na nakakuha ako ng postgrad degree at naging guro, at natugunan ng papuri at pagsang-ayon ng mga nakapaligid sa akin ang aking banidad, ang mga bagay na ito ay hindi nagbigay sa akin ng espirituwal na kasiyahan o kaginhawahan. Sa harap ng malalaking sakuna, kahit na ang pinakamatayog na kaalaman ay hindi makapagliligtas sa iyo. Sa pamamagitan lamang ng paghahangad ng katotohanan, paggawa ng tungkulin, at paglaya mula sa iyong tiwaling disposisyon ka maliligtas ng Diyos at mabubuhay. Nang maunawaan ko ito, nagdasal ako sa Diyos, at nagpasyang magbitiw sa pagtuturo at magwithraw sa grad school.
Isang araw, pagkatapos bumalik mula sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya, nakita ko na paulit-ulit na nagmemensahe sa akin ang pamilya ko para subukang makipag-ugnayan sa akin. Nagsimulang kumabog ang puso ko. Ano ang gagawin ko kung determinado silang kontrahin ang paggawa ko ng tungkulin? Tinawagan ko ang nanay ko na sumigaw sa akin sa telepono: “Ang lakas naman ng loob mong huminto sa eskuwela nang hindi nagpapaalam sa amin!” Sumugod ang pamilya ko na galing sa bayan namin para sabihin sa akin na bumalik sa pagtuturo at tapusin ang pag-aaral, o kung hindi, ibabalik nila ako sa bayan namin. Natakot ako na talagang gagawin nila ito at hindi na ako makakadalo sa pagtitipon o makakagawa pa ng tungkulin. Kaya, bumalik na lang ako sa pagtuturo. Pero labis akong hindi mapalagay at nakokonsensya. Naisip ko ang mabilis na paglaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, ang lahat ng baguhang nangangailangan ng pagdidilig, at kung paanong dapat ginagawa ko ang tungkulin ko. Pero kapag naiisip ko ang mga inaasam ng mga magulang ko para sa akin, nagsisimulang magtalo ang kalooban ko. Pakiramdam ko ay may utang ako sa kanila, at natatakot akong masaktan sila. Sa isang pagtitipon, nalaman ng iba ang kalagayan ko at binasahan nila ako ng ilang salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi ba marami sa inyo ang pabagu-bago ng pagpili sa pagitan ng tama at mali? Sa mga paligsahan sa pagitan ng positibo at ng negatibo, ng itim at ng puti, siguradong alam ninyo ang mga pagpiling nagawa ninyo sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng kapayapaan at ng pagkagambala, ng kayamanan at ng kahirapan, ng katayuan at ng pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maipagtabuyan, at iba pa. Sa pagitan ng tahimik na pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, muli ninyong pinili ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo. Talagang manghang-mangha Ako sa katigasan ng puso ninyo. Mukhang walang anumang idinulot sa Akin ang maraming taon ng dedikasyon at pagsisikap kundi ang inyong pagpapabaya at kawalang-pag-asa, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kahihinatnan? Napag-isipan na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang una pa rin kaya? Bibiguin at palulungkutin pa rin kaya ninyo Ako nang husto?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Sobra akong naantig nang mabasa ko ang mga salitang ito. Ang Diyos ay nagkatawang-tao upang gumawa at iligtas tayo, at ibinuhos Niya ang Kanyang puso at kaluluwa sa atin para maligtas at manatili tayo sa huli. Ang sinumang makatwirang tao na may konsensya ay dapat gawin nang maayos ang isang tungkulin para palugurin ang Diyos. Pero sa tuwing nagpapasya akong gawin ang isang tungkulin, pakiramdam ko ay binibigo ko ang mga magulang ko, na napakalaki ng ipinuhunan nila sa akin at hindi ko sila nasusuklian, hinahayaang masayang ang lahat ng kanilang pagmamahal at debosyon. Natakot din ako na sa paghinto sa pag-aaral, hindi ako makapagbibigay ng karangalan sa mga magulang ko at mamaliitin sila sa pamilya. Ang tanging naiisip ko ay kung paano pasiyahin ang mga magulang ko at binitiwan ko pa nga ang tungkulin ko para hindi sila masaktan. Bilang isang nilikha, natamasa ko ang panustos ng salita ng Diyos, pero hindi ko tinutupad ang tungkulin ng isang nilikha para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Masyado akong walang konsensya. Binibigo ko ang Diyos. Bagamat sobrang rebelde ako, hindi pa rin ako tinalikuran ng Diyos. Patuloy lang Siya sa paggabay sa akin at pagsuporta sa akin sa pamamagitan ng mga kapatid. Pero ang ibinigay ko lang sa Diyos bilang kapalit ay pasakit at pagkabigo. Nabigo akong suklian ang masusing pagsisikap ng Diyos sa akin. Labis akong nagsisisi at nakokonsensya, kaya nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, hindi Kita napapalugod. Napakalaki ng utang ko sa Iyo. Pakiusap, bigyan Mo po ako ng pananalig at lakas, at patnubayan Mo po ako na makapagpasya nang tama.” Pagkatapos magdasal, sumulat ako sa aking pamilya, sinasabi sa kanilang nagpasya na akong huminto sa pag-aaral at gumawa ng isang tungkulin.
Tinawagan ako ng mga magulang ko kalaunan, sinasabing: “Kung mangangahas kang huminto sa pag-aaral, mag-o-overdose na lang kami para patay na kami kinabukasan.” Napakasakit na marinig na sinabi ito ng nanay at tatay ko, at patuloy akong nagdarasal sa Diyos: “Diyos ko, kahit anong sabihin nila, hindi Kita ipagkakanulo. Hinihiling ko lang po sa Iyo na ibigay sa akin ang tamang sasabihin. Napakaliit ng tayog ko, at natatakot ako na may masabi akong hindi ko sinasadya na gagamitin ni Satanas laban sa akin dahil sa aking kamangmangan at kahangalan. Pakiusap, gabayan Mo po ako na manindigan sa aking patotoo.” Medyo mas napanatag ako pagkatapos magdasal at sinabi ko sa kanila: “Alam niyo naman na pinili ko ang tamang landas, kaya bakit niyo ako pinipilit nang ganito? Gusto ko lang manalig sa Diyos, hangarin ang katotohanan, at gawin ang tungkulin ko. Hindi ba pwedeng hayaan niyo na lang akong pumili ng sarili kong landas?” Galit na galit na tumugon ang nanay ko: “Alam ko na ang pananalig sa Diyos ang tamang landas, pero upang gumawa ng isang tungkulin ay tinalikuran mo pa ang pag-aaral mo. Sa tingin mo ba naging madali para sa amin na magbayad para sa pag-aaral mo sa lahat ng taon na ito? Hindi ka pwedeng maging napakamakasarili!” Nang marinig ko ang sinabi ng nanay ko, naisip ko: “Ang tao ay nilikha ng Diyos. Lahat ng tinatamasa natin ay ibinigay Niya. Ang paggawa ng tungkulin at paggugol para sa Diyos ay responsibilidad at obligasyon natin. Kung hindi ko gagawin ang isang tungkulin para bigyang-kasiyahan ang mga magulang ko, iyon ay makasarili.” Kaya sinabi ko sa kanila: “Nakapagpasya na ako. Kahit gaano niyo pa ako hadlangan, gagawa ako ng tungkulin.” Masama ang loob na sinabi ng nanay ko: “Ang dami na naming ginastos sa iyo para umunlad ka sa buhay at maipagmalaki ka namin sa harap ng buong pamilya, at makakapamuhay tayo ng mas maginhawa. Paanong hindi mo man lang kami iniisip? Napakawalang-awa mo naman.” Tumawag din ang kapatid kong babae para sawayin ako: “Napagtanto mo ba na kung hihinto ka sa pag-aaral, lahat ng tao sa nayon ay mamaliitin tayo at mapapahiya ang mga magulang natin? Kung hihinto ka sa pag-aaral at trabaho, tatawagan ko ang mga pulis at ipapahuli ko kayong lahat na mananampalataya!” Sobrang nakapanlulumong marinig ang mga sinabing ito ng pamilya ko. Ang lahat ng ginawa nila para sa akin ay pamumuhunan lang pala. Noong nasa grad school ako, naipagmamalaki nila ako sa harap ng kanilang mga kaibigan at pamilya, banayad nila akong kinakausap, sinasabing ako ang kanilang pinakamamahal na anak, pero nang hangarin ko ang katotohanan at ginagawa ko ang isang tungkulin sa halip na bigyan sila ng karangalan, sinisigawan na nila ako. Hindi nila ako minamahal, kundi ginagamit lang nila ako. Naalala ko na sinasabi ng salita ng Diyos: “Ang ‘pagmamahal,’ ayon sa tawag dito, ay tumutukoy sa isang damdaming dalisay at walang dungis, kung saan ginagamit mo ang iyong puso para magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pagmamahal walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang distansya. Sa pagmamahal walang paghihinala, walang panlilinlang, at walang katusuhan. Sa pagmamahal walang humihingi ng kapalit at walang karumihan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang). Ito ang pinakamagandang pakahulugan ng Diyos sa pagmamahal. Ang pagmamahal lang ng Diyos sa sangkatauhan ang wagas at walang dungis. Upang iligtas ang sangkatauhan mula sa katiwalian at pinsala ni Satanas, dalawang beses na nagkatawang-tao ang Diyos at nagsalita ng milyun-milyong salita ng katotohanan, tahimik na nagbabayad ng halaga para sa atin. Hindi kailanman humingi ng anuman sa atin ang Diyos. Umaasa lang Siya na magagawa nating hanapin ang katotohanan at makamit ang kaligtasan. Tanging ang pagmamahal ng Diyos sa atin ang hindi makasarili. Ginagamit ako ng “pagmamahal” ng pamilya ko para makuha ang respeto ng iba. Hindi ito pagmamahal, kundi isang transaksyon, isang relasyon na lantarang naghahanap ng pakinabang. Naalala ko ang sinabi ng Diyos: “Itinuturing ng mga taong nabubuhay sa laman na kasiyahan ang iba’t ibang relasyon at pagbubuklod ng mga pamilya sa laman. Naniniwala sila na hindi mabubuhay ang mga tao nang wala ang kanilang mga mahal sa buhay. Bakit hindi mo iniisip kung paano ka dumating sa mundo ng tao? Dumating ka nang mag-isa, nang orihinal na walang relasyon sa iba. Dinadala rito ng Diyos ang mga tao nang paisa-isa; nang dumating ka, ang katunayan ay mag-isa ka” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ang relasyon sa pagitan ng mga magkakapamilya ay maaaring malapit sa laman, pero wala itong espirituwal na koneksyon. Ang bawat tao ay pauna nang itinakda ng Diyos na dumating sa mundong ito. Bawat isa ay may kanya-kanyang papel na gagampanan at kanya-kanyang misyon na tutuparin. Bagama’t sa dugo ay sila ang ina, ama, at kapatid ko, wala kaming espirituwal na koneksyon. Pinalaki lang nila ako, tinupad ang kanilang responsibilidad, at pinabuti ang aking pisikal na buhay, pero hindi nila mapagpapasyahan ang kinabukasan o kapalaran ko, lalo na ang iligtas ako mula sa katiwalian at pinsala ni Satanas. Ang Diyos lamang ang makapagbibigay sa akin ng katotohanan at buhay, at makapaglilinis at makapagliligtas sa akin. Ang hindi pagpayag ng mga magulang ko na gumawa ako ng isang tungkulin, maging malapit sa Diyos, o makamit ang pagliligtas ng Diyos ay pumipinsala sa akin at sumisira sa buhay ko. Hindi ako pwedeng magpapigil sa kanila. Nang mapagtanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakilatis sa pamilya ko. Pakiusap, bantayan Mo po ang puso ko upang makapanindigan ako!” Kinabukasan ng hapon, umalis na ako sa paaralan para gumawa ng tungkulin.
Kalaunan ay naisip ko sa sarili ko: “Alam kong pinili ko ang tamang landas, kaya bakit kapag hinahadlangan ako ng pamilya ko at pilit akong pinapahinto sa tungkulin, palagi akong napipigilan ng mga damdamin, na para bang napakalaki ng utang ko sa kanila? Bakit ba talaga ganito?” Sa isang debosyonal, nabasa ko ang salita ng Diyos. “Dati, palaging kumikilos ang mga tao batay sa kanilang konsiyensiya at ginagamit ito para sukatin ang iba. Laging kailangang makapasa ang mga tao sa pagsubok ng konsiyensiya, laging natatakot sa usap-usapan, natatakot na mapagtawanan o magkaroon ng masamang reputasyon, o matawag na ‘walang konsiyensiya, isang masamang tao.’ Kaya kailangan nilang atubiling umayon sa ilang bagay-bagay para lang makibagay. Paano na sinusukat ang mga tao ngayon? (Sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng katotohanan.) Kumusta ba ang mga bagay-bagay noon, noong nakatali ang buhay ng mga tao sa mga kuru-kuro at maling pag-iisip ng mga hindi mananampalataya? Halimbawa, mula noong maliit ka, palagi kang tinuturuan ng mga magulang mo ng mga salitang tulad ng: ‘Paglaki mo, dapat maipagmalaki ka namin; kailangan mong magdala ng karangalan sa ating pamilya!’ Ano ba ang mga salitang ito sa iyo? Pagpapalakas ng loob, o pagpipigil? Isang positibong impluwensiya, o isang uri ng negatibong pagkontrol? Sa katunayan ay isang uri ng pagkontrol ang mga iyon. Nagtakda ang mga magulang mo ng isang layunin para sa iyo batay sa kung anong pahayag o teorya na sa palagay ng mga tao ay tama at mabuti, itinutulak kang mabuhay sa paglilingkod sa layuning iyon, at sa huli ay nawawalan ka ng kalayaan. Bakit humantong ka sa pagkawala ng iyong kalayaan at pagkahulog sa kontrol nito? Dahil iniisip ng mga tao na ang pagdadala ng karangalan sa kanilang pamilya ay isang mabuting bagay na dapat magawa. Kung hindi ka sang-ayon sa isiping iyon o hindi nag-aasam na gumawa ng mga bagay na nagdadala ng karangalan sa iyong pamilya, ituturing kang isang hangal na walang silbi, isang walang pakinabang na talunan, at mamaliitin ka ng mga tao. Upang maging matagumpay, kailangan mong mag-aral nang mabuti, magkamit ng higit pang mga kasanayan, at magdala ng karangalan sa pangalan ng iyong pamilya. Sa ganoong paraan, hindi ka aapihin ng mga tao sa hinaharap. Hindi ba’t, samakatuwid, ang lahat ng bagay na ginagawa mo alang-alang sa layuning ito ay mga tanikalang gumagapos sa iyo? (Ganoon nga.) Yamang ang paghahangad sa tagumpay at pagdadala ng karangalan sa pamilya ang hinihingi ng mga magulang mo, at yamang kumikilos sila para sa kapakanan mo upang magkaroon ka ng magandang buhay at maipagmalaki ng pamilya mo, natural lamang na aasamin mo ang gayong pamumuhay. Pero sa totoo, ang mga bagay na ito ay uri ng mga paghihirap at tanikala. Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, iniisip nila na ang mga bagay na ito ay positibo, ang katotohanan, ang tamang daan, at samakatuwid, ipinagwawalang-bahala nila ang mga iyon at sinasang-ayunan ang mga ito o sinusunod ang mga ito. At kapag nanggagaling ang mga salita at kahilingang ito sa mga magulang mo, ganap mong sinusunod ang mga ito. Kung nabubuhay ka ayon sa mga salitang ito, nagsisikap at iniaalay ang iyong kabataan at iyong buong buhay sa mga ito, at sa wakas ay naabot mo na ang rurok, nagkaroon ka ng magandang buhay, at naipagmalaki ng iyong pamilya, maaaring pambihira ka sa ibang tao, pero sa loob, lalo kang nagiging hungkag. Hindi mo alam kung ano ang punto ng buhay, o kung anong destinasyon ang dala ng hinaharap, o kung anong uri ng landas ang dapat tahakin ng mga tao sa buhay. Wala kang anumang naunawaan o nakamit tungkol doon sa mga misteryo ng buhay na inaasam-asam mo ang mga kasagutan, at gusto mong malaman, at gusto mong maunawaan. Hindi ba’t sa totoo ay nasira ka ng mabubuting layunin ng iyong mga magulang? Hindi ba’t nasira ang kabataan at ang buong buhay mo sa mga hinihingi ng mga magulang mo, na sa mga salita nila ay ‘para sa kapakanan mo’? (Ganoon nga.) Kaya, tama ba o mali ang mga magulang mo na humingi ng mga bagay na ‘para sa iyong kapakanan’? Maaaring totoong iniisip ng mga magulang mo na kumikilos sila para sa kapakanan mo, pero sila ba ay mga taong nakauunawa sa katotohanan? Taglay ba nila ang katotohanan? (Hindi.) Maraming tao ang naggugugol sa kanilang buong buhay sa pakikinig sa mga salita ng mga magulang nila, ‘Kailangan ay maipagmalaki ka namin, kailangan kang magdala ng karangalan sa pamilya’—mga salitang nagbibigay-inspirasyon sa kanila, at nakaiimpluwensiya sa buong buhay nila. Kapag sinasabi ng mga magulang na, ‘Para ito sa kapakanan mo,’ nagiging udyok ito sa buhay ng isang tao, nagbibigay ng direksyon at layunin para pagtrabahuhan. Bilang resulta, gaano man kakaakit-akit ang buhay ng taong iyon, gaano man karangal at kamatagumpay ito, sa totoo ay sira na ang kanyang buhay. Hindi ba’t ganoon nga? (Ganoon nga.) Nangangahulugan ba ito na kung hindi nabubuhay ang isang tao ayon sa mga hinihingi ng kanyang mga magulang ay hindi siya nasira? Hindi; may sarili rin siyang layunin. Ano ang layuning iyon? Ganoon pa rin iyon, gaya ng ‘magkaroon ng magandang buhay at maipagmalaki ng kanyang mga magulang,’ bagaman hindi dahil sinabi sa kanya ng mga magulang niya, kundi dahil tinanggap niya ang layuning ito mula sa iba. Gusto pa rin niyang mabuhay batay sa mga salitang ito, at maipagmalaki ng kanyang mga magulang, at maabot ang rurok, at maging isang kagalang-galang, marangal na tao. Hindi nagbago ang kanyang layunin; iniaalay pa rin niya ang buong buhay niya sa pagtupad sa mga bagay na ito. Kaya naman, kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, marami silang tinatanggap na diumano ay mga tamang doktrina, tamang pahayag, at tamang pananaw na nangingibabaw sa lipunan. Pagkatapos ay ginagawa nilang direksyon, saligan, at motibasyon ang mga tamang bagay na ito para sa mga sarili nilang pagsisikap sa buhay. Sa huli, walang pagkokompromiso at walang pasubaling nabubuhay ang mga tao alang-alang sa mga layuning ito, nagpapakahirap sa buhay hanggang sa sila ay mamatay, sa puntong iyon, ang ilan ay hindi pa rin handang makita ang katotohanan. Kaawa-awa ang buhay ng mga tao! Gayunman, sa sandaling maunawaan mo ang katotohanan, hindi ba’t pagkatapos ay unti-unti mong iniiwan ang diumano ay mga tamang bagay, tamang aral, at tamang pahayag, pati na ang mga inaasahan sa iyo ng mga magulang mo? Sa sandaling unti-unti mong iwanan ang diumano ay mga tamang bagay na ito, at ang pamantayan kung saan mo sinusukat ang mga bagay-bagay ay hindi na nakabatay sa mga pahayag ng tradisyonal na kultura, hindi ba’t kung ganoon ay hindi ka na nakagapos sa mga pahayag na iyon? At kung hindi ka na nakagapos sa mga bagay na ito, malaya ka na bang mabubuhay? Maaaring hindi ka pa maging ganap na malaya noon, pero kahit paano ay lumuwag na ang mga tanikala” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Realidad ng Katotohanan?). Talagang naantig ako ng pagbabasa ng salita ng Diyos. Simula bata pa lang ako, palagi na akong sinasabihan ng nanay ko na mag-aral nang mabuti, manguna, na dapat maipagmalaki niya ako, at bigyan ko ng karangalan ang pamilya. Para magbigay ng karangalan sa pamilya ko at makuha ang papuri ng iba, ginawa kong mantra ko ang “Ituon ang sarili sa mga klasiko at huwag pansinin ang nagaganap sa mundong lampas sa iyong kalapit na kapaligiran” at naging tanging layunin ko ang pag-aaral. Sa napakaraming taon, nag-aaral ako na parang isang makina na gumagana buong araw at gabi. Wala akong karapatang mamili at walang pakiramdam ng pagtutol. Bagamat pinupuri ako ng mga magulang ko at ng mga nakapaligid sa akin, palagi puno ng kahungkagan ang pakiramdam ko. Madalas kong itanong sa sarili ko: Bakit ako namumuhay nang ganito? Makabuluhan ba ang ganitong buhay? Pero wala akong mahanap na sagot, at madalas na nanlulumo at nasasaktan. Ipinaunawa sa akin ng pagbabasa ng salita ng Diyos na lahat ng ito ay pinsalang ginawa ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang mga lason tulad ng “Ang paggalang sa magulang, higit sa lahat, ang katangiang dapat taglayin,” “Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa iyong mga ninuno,” para gapusin at kontrolin ang sangkatauhan. Para silang isang pamatok na inilagay ni Satanas sa katawan ko. Kung hindi ko hahangarin ang mga bagay na ito, kokondenahin ako ng pamilya ko at ng lipunan, babansagan ako na walang ambisyon at walang silbi. Dahil naimpluwensyahan ng kapaligirang ito, pasibo akong tumahak sa landas ng paghahangad ng kayamanan at kabantugan. Sa paghahangad ng magagandang grado at kurso, maraming estudyante ang nanlulumo dahil sa presyur ng akademya. May nagpapakamatay pa nga at nasisira ang buhay nila. Pero sa tuwing gusto kong huminto sa pag-aaral para gawin ang isang tungkulin, pakiramdam ko ay nakagapos at kontrolado ako ng mga lasong ito. Pakiramdam ko ay napakalaki ng ginastos ng mga magulang ko sa akin at kung hihinto ako sa pag-aaral, bibiguin ko sila at hindi magdadala ng karangalan sa kanila. Sa wakas ay nakita ko na ang mga lasong ito ay mga paraan ni Satanas para iligaw at gawin tayong tiwali. Binabaluktot ng mga ito ang direksyon at mga layon natin sa buhay, nagdudulot na talikuran natin ang ating pananalig, hindi gawin ang tungkulin ng isang nilikha, at dahan-dahang lumayo sa Diyos at ipagkanulo Siya. Kung hindi dahil sa paghahayag ng salita ng Diyos, hinding-hindi ko kailanman makikita ang pinsala ng mga satanikong lasong ito. Patuloy ko sanang tatahakin ang daang ito hanggang sa maging huli na ang lahat, sa huli ay mawawalan ako ng pagliligtas ng Diyos at mawawasak kasama ni Satanas. Nang mapagtanto ko ito, napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Pagpoprotekta at pagliligtas ito ng Diyos sa akin.
Kalaunan, nabasa ko ang marami pang salita ng Diyos. “Yamang ang pagiging masunurin sa mga magulang ay hindi ang katotohanan, kundi isa lamang responsabilidad at obligasyon ng tao, ano, kung gayon, ang dapat mong gawin kung ang iyong obligasyon ay sumasalungat sa iyong tungkulin? (Gawing prayoridad ang aking tungkulin; unahin ang tungkulin.) Ang isang obligasyon ay hindi naman tungkulin ng isang tao. Ang pagpili na gampanan ang tungkulin ng isang tao ay pagsasagawa ng katotohanan, samantalang ang pagtupad sa isang obligasyon ay hindi. Kung tama ang mga kondisyon, maaari mong tuparin ang responsabilidad o obligasyong ito, pero kung hindi ito pinahihintulutan ng kasalukuyang kapaligiran, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihin na, ‘Kailangan kong gawin ang aking tungkulin—iyon ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagiging masunurin sa aking mga magulang ay pamumuhay ayon sa aking konsiyensiya, at hindi tumutugon sa pagsasagawa ng katotohanan.’ Kaya, dapat mong unahin ang iyong tungkulin at itaguyod ito. Kung wala kang tungkulin ngayon, at hindi malayo sa bahay mo ang pinagtatrabahuhan mo, at malapit ang tirahan mo sa iyong mga magulang, maghanap ka ng mga paraan para alagaan sila. Gawin mo ang makakaya mo para tulungan silang mabuhay nang mas maayos at mabawasan ang paghihirap nila. Pero depende rin ito sa kung anong klase ng tao ang mga magulang mo. Ano ang dapat mong gawin kung ang mga magulang mo ay may masamang pagkatao at lagi kang hinahadlangan na sumampalataya sa Diyos, kung lagi ka nilang inilalayo sa pananampalataya sa Diyos at pagganap sa iyong tungkulin? Anong katotohanan ang dapat mong isagawa? (Pagtatakwil.) Sa pagkakataong ito, kailangan mo silang itakwil. Natupad mo na ang iyong obligasyon. Ang iyong mga magulang ay hindi sumasampalataya sa Diyos, kaya wala kang obligasyong tustusan sila. Kung sumasampalataya sila sa Diyos, sa gayon ay pamilya sila, mga magulang mo. Kung hindi sila sumasampalataya, magkaibang mga landas ang tinatahak ninyo: sumasampalataya sila kay Satanas at sumasamba sa demonyo, at tinatahak nila ang landas ni Satanas, na naiiba sa landas ng mga sumasampalataya sa Diyos. Hindi na kayo isang pamilya. Itinuturing nilang mga kalaban at kaaway ang mga mananampalataya ng Diyos, kaya wala ka nang obligasyong alagaan sila at kailangan nang ganap na putulin ang ugnayan sa kanila. Alin ang katotohanan: ang pagiging masunurin sa mga magulang, o ang pagganap sa tungkulin? Siyempre, ang pagganap sa tungkulin ang katotohanan. Ang pagganap sa tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay hindi lamang tungkol sa pagtupad sa obligasyon at paggawa ng kung ano ang dapat gawin. Ito ay tungkol sa pagganap sa tungkulin ng isang nilikha. Ito ang atas ng Diyos; ito ay obligasyon mo, responsabilidad mo. Isa itong tunay na responsabilidad, na tuparin ang iyong responsabilidad at obligasyon sa harap ng Lumikha. Ito ang hinihingi ng Lumikha sa mga tao, at ito ang dakilang usapin ng buhay. Samantalang ang paggalang sa mga magulang ay responsabilidad at obligasyon lamang ng isang anak. Talagang hindi ito iniatas ng Diyos, at lalong hindi nito tinutupad ang hinihingi ng Diyos. Samakatuwid, sa pagitan ng paggalang sa mga magulang at pagganap sa tungkulin, walang duda na ang pagganap sa tungkulin ng isang tao, at iyon lang, ang pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagganap sa tungkulin bilang isang nilikha ay ang katotohanan, at isa itong obligasyon. Ang paggalang sa mga magulang ay tungkol sa pagiging masunurin sa mga tao. Hindi ito nangangahulugang ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin, ni nangangahulugang isinasagawa niya ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Realidad ng Katotohanan?). Ipinapakita ng salita ng Diyos ang mga prinsipyo sa pakikitungo sa mga magulang: Kung sinusuportahan ka ng mga magulang mo sa iyong pananampalataya at tungkulin, maaari mo silang parangalan hangga’t maaari nang hindi naaantala ang iyong tungkulin. Pero kung kumokontra ang mga magulang mo sa Diyos at humahadlang sa iyong pananampalataya at tungkulin, hindi ka dapat magpapigil sa kanila at dapat mong unahin ang paggawa ng iyong tungkulin at pagpapalugod sa Diyos. Hinahangad ng mga magulang ko ang pera at reputasyon, sinusundan si Satanas. Sa diwa, sila ay mga demonyo, at nabibilang kay Satanas. Sa aking pananampalataya, gusto kong hanapin ang katotohanan at gawin ang isang tungkulin. Ganap na magkasalungat ang mga landas namin. Kung makikinig ako sa mga magulang ko at hindi gagawa ng tungkulin, sinusundan ko si Satanas at lalabanan ang Diyos. Nang mapagtanto ko ito, nakaramdam ako ng paglaya at alam ko na kung paano pakitunguhan ang pamilya ko ayon sa mga prinsipyo.
Pagkatapos nito, nagpatuloy ako sa paggawa ng tungkulin sa iglesia at sa gulat ko, pumunta sa paaralan ang pamilya ko para ayusin ang paghinto ko. Nakikita ko na parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Napakasuwerte ko na makasali sa hanay ng mga nagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo at maibigay ang kalakasan ko sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Masayang-masaya ako para dito. Ginagawa ko na ngayon ang tungkulin ko kasama ang aking mga kapatid, at ibinabahagi at isinasagawa namin ang katotohanan. Bagamat kaunting-kaunti lang ang nauunawaan ko sa katotohanan, pakiramdam ko ay unti-unting nagbabago ang tiwali kong disposisyon, isinasabuhay ko ang kaunting wangis ng tao, at naibabahagi ko ang katotohanan at napatotohanan ang gawain ng Diyos. Ito ang mga bagay na hinding-hindi ko matututunan, kahit ilang taon pa akong mag-aral sa paaralan. Talagang nararamdaman ko na ang paggawa ng aking tungkulin at paggugol para sa Diyos ang pinakatamang desisyon na nagawa ko.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.