Hindi Ko Ipagpapatuloy ang Pag-aaral na Ito
Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya. Parehong magsasaka ang mga magulang ko. Pagtatanim ng mga gulay at palay ang ikinabubuhay ng aming pamilya. Noon pa man ay mahusay na ako sa paaralan, kaya’t labis ang suporta ng mga magulang ko sa aking pag-aaral at inaasam nila na umasenso ako sa hinaharap. Umaasa sila na makahahanap ako ng magandang trabaho at mababago ko ang mahirap na buhay ng aking pamilya. Noong panahong iyon, dahil mahirap kami, madalas nangungutang ng pera ang mga magulang ko para bayaran ang aking pag-aaral, nag-iipon din ng pera ang lolo ko para sa akin mula sa kanyang panggastos, at nagtatrabaho nang part-time ang kapatid kong babae para kumita ng pera para bayaran ang matrikula ko. Labis ang pag-asa sa akin ng aking pamilya na iaahon ko sila sa kahirapan. Nakita kong nagsisikap ang aking mga magulang sa bukid araw-araw, at naisip ko na napakahirap mabuhay nang ganito, kaya’t nagpasya akong mag-aral nang mabuti, mamukod-tangi sa karamihan, para hindi na labis na maghirap ang aking pamilya. Para makakuha ng mataas na marka sa mga eksaminasyon, lalo pa akong nagsikap, at madalas magpuyat para mag-aral. Kalaunan, natupad ang kahilingan ko at nakapasok ako sa unibersidad. Pagkatapos niyon, nagkaroon ako ng bagong ambisyon, na maging isang propesor at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Nang makapagtapos, kumuha ako ng PhD at nagtrabaho sa siyentipikong pananaliksik sa unibersidad. Noong panahong iyon, madalas akong tinatawagan ng aking mga magulang, at pinapaalalahanan na, “Kailangan ay lalo kang magdasal sa Diyos at tumutok sa iyong pag-aaral.” Tinanong din ako ng aking ama, sinasabi na, “May simbahan ba sa paaralan mo? Kailangan mong magsimba.” Pero gusto ko lang magbasa ng Bibliya sa bahay at magdasal sa Diyos, dahil ginugugol ko ang halos lahat ng panahon ko sa siyentipikong pananaliksik, at wala akong libreng oras para pumunta sa mga pagtitipon. Sa proseso ng pananaliksik, maraming akademikong pagtatalo. Kapag pinagtatalunan ng iba ang paksa ng mga siyentipikong teorya at ang pagiging makapangyarihan sa lahat at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, bilang isang siyentipikong mananaliksik, palagi ay awtomatiko akong gumagamit ng mga siyentipikong pananaw para ipaliwanag ang lahat ng bagay. Bago ko pa mamalayan, lumayo na nang lumayo ang puso ko sa Diyos, mas madalang na akong magdasal at magbasa ng Bibliya, at madalas na pagod at hungkag ang aking kalooban. Kahit na minsan ay pumupunta ako sa mga baybayin, bakasyunan, o parke kasama ng mga kasamahan ko kapag Sabado at Linggo bilang paraan para magpahinga, sa pag-asang mabawasan ang hirap galing sa trabaho ko, sa huli, hungkag pa rin ang kalooban ko, na walang anumang tunay na kapayapaan at kagalakan. Nang araw ng Bagong Taon noong 2020, nagdasal ako sa Diyos at nagpasya na maging mas malapit sa Diyos, hinihiling sa Diyos na patnubayan at baguhin ang buhay ko, dahil ang pamumuhay sa hungkag na kalagayang iyon, sa totoo lang, ay nakapapagod.
Hindi nagtagal pagkatapos niyon, may nakilala akong sister sa Facebook na nag-imbita sa akin sa isang online na pagtitipon. Noong panahong iyon, may sinabi siya na tunay na umantig sa akin. Sinabi niya na napakahalaga ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagkakaroon ng magandang relasyon sa Diyos. Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Isa akong Kristiyano, pero ginugol ko ang lahat ng panahon ko sa paggawa ng siyentipikong pananaliksik, kahit kailan ay hindi ako nagpunta sa mga pagtitipon para sambahin ang Diyos, at madalang akong magdasal o magbasa ng Bibliya. Napagtanto ko na hindi normal ang relasyon ko sa Diyos, at ginusto kong maging malapit sa Diyos, kaya masaya akong pumayag na sumali sa online na pagtitipon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng aking mga kapatid, naunawaan ko na sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos, na binuksan na Niya ang balumbon para sa atin, at na nagbalik ang Diyos sa pagkakataong ito para gawin ang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga tao upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Pagkatapos ng ilang pagtitipon, nakatitiyak na ako na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sabik na sabik ako noong panahong iyon, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkalipas ng mga dalawang buwan, sinimulan ko ang isang tungkulin sa iglesia. Habang mas nagbabasa ako ng salita ng Diyos, unti-unti kong nauunawaan ang ilan sa mga katotohanan.
Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos na sariwa pa rin sa aking isipan. Napukaw ng siping ito ng mga salita ng Diyos ang aking puso. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kaalaman ba ay itinuturing ng lahat na isang positibong bagay? Kahit paano, iniisip ng mga tao na ang salitang ‘kaalaman’ ay nagpapahiwatig ng positibo kaysa negatibo. Kaya bakit natin binabanggit dito na gumagamit si Satanas ng kaalaman upang gawing tiwali ang tao? Ang teorya ng ebolusyon ba ay isang aspeto ng kaalaman? Hindi ba’t ang mga batas ng siyensya ni Newton ay bahagi ng kaalaman? Ang paghila ng grabidad ng daigdig ay bahagi ng kaalaman, hindi ba? (Oo.) Kung gayon, bakit inililista ang kaalaman na kasama sa mga bagay na ginagamit ni Satanas upang gawing tiwali ang sangkatauhan? Ano ang pananaw ninyo dito? Mayroon bang kahit katiting na katotohanan sa kaalaman? (Wala.) Kung gayon, ano ang diwa ng kaalaman? Sa anong basehan natututuhan ng tao ang lahat ng kaalamang kanyang napag-aaralan? Ito ba ay batay sa teorya ng ebolusyon? Hindi ba’t nakabatay sa ateismo ang kaalaman na natamo ng tao sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pagbubuod? Mayroon bang kaugnayan sa Diyos ang alinman sa kaalamang ito? May kaugnayan ba ito sa pagsamba sa Diyos? Ito ba ay konektado sa katotohanan? (Hindi.) Kung gayon, paano ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang gawing tiwali ang tao? Kasasabi Ko lang na walang anuman sa kaalamang ito ang kaugnay ng pagsamba sa Diyos o katotohanan. Ganito ito iniisip ng ilang tao: ‘Maaaring walang kinalaman sa katotohanan ang kaalaman, ngunit hindi pa rin nito ginagawang tiwali ang mga tao.’ Ano ang inyong pananaw dito? Tinuruan ka ba ng kaalaman na ang kaligayahan ng tao ay nakadepende sa malilikha gamit ang kanyang sariling mga kamay? Tinuruan ka ba ng kaalaman na ang kapalaran ng tao ay nasa kanyang sariling mga kamay? (Oo.) Anong uri ng pagsasalita ito? (Ito ay mala-diyablong pagsasalita.) Tumpak na tumpak! Ito ay mala-diyablong pagsasalita! Kumplikadong paksa ang kaalaman kung tatalakayin. Maaari mong ipalagay na ang isang larangan ng kaalaman ay walang iba kundi kaalaman lamang. Iyon ay isang larangan ng kaalaman na natututuhan batay sa hindi pagsamba sa Diyos at kakulangan ng pagkaunawa na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay. Kapag pinag-aaralan ng mga tao ang ganitong uri ng kaalaman, hindi nila nakikita ang pagkakaroon ng Diyos ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay; hindi nila nakikita ang Diyos na namumuno o namamahala sa lahat ng bagay. Sa halip, ang tangi nilang ginagawa ay walang humpay na pananaliksik at pagsisiyasat sa larangang iyon ng kaalaman, at paghahanap ng mga kasagutan batay sa kaalaman. Gayunpaman, hindi ba’t kung hindi naniniwala ang mga tao sa Diyos at sa halip ay nagpapatuloy lamang sa pananaliksik, hindi sila kailanman makakahanap ng mga totoong kasagutan? Ang tanging maibibigay sa iyo ng kaalaman ay kabuhayan, trabaho, at kita upang hindi ka magutom; ngunit hindi ka nito kailanman pasasambahin sa Diyos, at hindi ka nito kailanman ilalayo sa kasamaan. Habang lalo pinag-aaralan ng mga tao ang kaalaman, lalo nilang nanaising magrebelde sa Diyos, upang isailalim ang Diyos sa kanilang pagsasaliksik, upang tuksuhin ang Diyos, at kalabanin ang Diyos” (Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Tumagos sa puso ko ang mga salita ng Diyos. Mula pa noon, inisip ko nang ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya. Sumampalataya ako sa Diyos mula pagkabata, at kahit na nag-aral ako ng siyensiya at gumawa ng siyentipikong pananaliksik, binalak ko lang naman na gamitin ang aking pananaliksik para makakuha ng magandang trabaho, mabago ang sarili kong buhay, at mamukod-tangi sa karamihan sa hinaharap. Kailanman ay hindi ko isinaalang-alang kung itinatatwa o nilalabanan ko ba ang Diyos. Sa pamamagitan ng mga paghahayag ng salita ng Diyos, napagtanto ko na mali ang pag-iisip ko. Ang siyensiya at kaalaman ay hindi ang katotohanan at hindi positibong mga bagay. Ang mga teoryang gaya ng ateismo, materialismo, at ebolusyon, ang lahat ng ito na nagtatatwa sa Diyos ay nagmumula kay Satanas. Gumagamit si Satanas ng siyentipikong kaalaman para gawing tiwali ang mga tao, ilayo ang kanilang mga puso sa Diyos, at ipatanggi sa kanila na mayroong Diyos. Pinag-aaralan ko ang siyentipikong kaalamang ito araw-araw, pero maililigaw lang ako nito, palayo sa Diyos, at kailanman ay hindi ko makakamit ang katotohanan mula rito. Kapag ginagawa ko ang aking pananaliksik, ang aking isipan ay lubos na okupado ng mga malaateistang pananaw at puno ng lahat ng uri ng teorya, mga bagay na tulad ng mga batas ni Newton, gravity, at iba pa. Paano ko ba ito mailalarawan? Ang mga teoryang ito ang gumawang tiwali sa akin na parang lason. Araw-araw, ginagamit ko ang mga batas at pormula na ito para kalkulahin at pag-aralan kung ano ang nangyayari sa sansinukob. Habang mas nag-aaral ako, lalo kong nararamdaman na ang lahat ay maipaliliwanag ng mga siyentipikong prinsipyo. Hindi ko namamalayan, sinimulan kong itatwa ang nilikha at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at palayo rin nang palayo sa Diyos ang aking puso. Kung magpapatuloy ako sa pag-aaral nang ganito, patuloy akong sisirain ng mga teoryang ito, at palagi akong mamumuhay sa ilalim ng kapamahalaan ni Satanas at lalaban sa Diyos. Nang mapagtanto ko kung paano ako nilalason ng siyentipikong kaalaman, naisip ko na dapat kong isuko ang siyentipikong pananaliksik, pero nag-alala ako kung ano ang magiging kinabukasan ko kung talagang gagawin ko iyon. May labanan na nagaganap sa aking puso kung dapat ko bang ipagpatuloy ang aking pananaliksik o isuko ito at gumawa ng ibang bagay. Naisip ko kung paano ako naging abala sa pagtatangkang matakasan ang aking kahirapan. Gumugol ako ng maraming panahon at lakas sa paghahangad ng katayuan at ng isang magandang kinabukasan, pero kailanman ay hindi ako nagkaroon ng tunay na kaligayahan. Sa halip, madalas na hungkag at hirap ang pakiramdam ko. Hindi ito ang buhay na inaasam ko. Mula nang tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nabasa ko ang salita ng Diyos at natupad ang aking tungkulin bilang isang nilikha, at ibang-iba na sa dati ang buhay ko. Habang mas nagbabasa ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lalo akong nakararamdam ng espirituwal na kaginhawahan. Mas naging malapit din ang relasyon ko sa Diyos, at mas naging payapa at panatag ang aking pakiramdam, na isang bagay na hinding-hindi ko naramdaman noon. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, naunawaan ko rin na si Satanas ang lubos na gumawang tiwali sa akin, at natutuhan ko na ang paghahangad sa katotohanan at sa buhay ang pinakamahahalagang bagay. Iniisip ito, nagpasya ako na gumugol ng mas maraming oras sa paghahangad sa katotohanan at paggawa ng aking tungkulin.
Pagkatapos niyon, nangaral ako ng ebanghelyo sa aking mga magulang, at mga kapatid. Sinabi ko sa kanila na nagbalik na ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at na nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming katotohanan para dalisayin tayo at iligtas tayo mula sa gapos ng kasalanan. Sinabi ko rin sa aking mga magulang, “Tinanggap ko ang bagong gawain ng Diyos, naunawaan ko ang marami sa mga salita ng Diyos, at natagpuan ko ang paraan para malinis at maligtas, pero napakarami pa ring mananampalataya na hindi nakaaalam sa mabuting balita ng pagbabalik ng Panginoon. Gusto kong ipangaral sa kanila ang ebanghelyo.” Sinabi ko na nagpunta ang lolo ko sa iba’t ibang nayon para ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, kaya’t gusto kong tularan ang kanyang halimbawa at gumugol ng mas maraming panahon at lakas sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa mas maraming tao. Ang akala ko ay siguradong susuportahan ako ng mga magulang ko, at nagulat ako nang magsimulang umiyak ang nanay ko. Nalungkot din ako nang makita ko siyang umiiyak. Hindi madaling isipin ang lahat ng pera na ginastos ng mga magulang ko para makapasok ako sa paaralan. Umasa sila na makahahanap ako ng magandang trabaho at masusuportahan sila at ang aming pamilya sa hinaharap. Kung gugugulin ko ang lahat ng panahon ko sa pangangaral ng ebanghelyo, mawawalan ng saysay ang lahat ng ginastos sa akin ng mga magulang ko, kaya tiyak na malungkot na malungkot sila. Nang mapagtanto ko ito, nagsimula na rin akong umiyak. Ayaw kong maging malungkot ang aking mga magulang, pero gusto kong gawin ang aking tungkulin at ipangaral ang ebanghelyo. Kaya, nagdasal ako sa Diyos para hilingin sa Kanya na dagdagan ang aking pananampalataya upang makapanindigan ako sa aking patotoo. Noong sandaling iyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagtanda. Sa prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na lumalaki siya sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng kanyang pag-iral, at na mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, kaya nga inaaksaya niya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi’t araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos sa paghubog sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Ipinaunawa sa akin ng salita ng Diyos na ibinigay sa akin ng Diyos ang aking buhay, at ang mga magulang ko at ang pamilya kung saan ako ipinanganak ay isinaayos lahat ng Diyos. Ang paggugol nang husto ng mga magulang ko para sa akin ay pagsasaayos din ng Diyos. Dati, iniisip ko lagi na ginagawa iyon ng mga magulang ko para sa akin, at naniniwala ako na kailangan kong mabuhay para tuparin ang mga kahilingan ng mga magulang ko at ang sarili kong mga mithiin, at na dapat akong magsikap para sa paghahangad ng katanyagan at katayuan. Pero ipinatanto sa akin ng salita ng Diyos na hindi ang mga magulang ko ang gumabay sa aking buhay. Kung ano’ng ginawa ko sa anong oras, o kung anong papel ang ginampanan ko sa aking buhay— ang mga bagay na ito ay isinaayos lahat ng Diyos. Dati ay gusto kong baguhin ang aking tadhana sa pamamagitan ng pagkatuto ng kaalaman, para magkaroon ng masaganang buhay ang aking pamilya. Noong panahong iyon, hindi ko alam ang tungkol sa pagiging makapangyarihan sa lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ngayon, tinanggap ko na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga tadhana ng mga tao ay inorden ng Diyos. Kung anong klase ang magiging buhay ng aking mga magulang at pamilya sa hinaharap at kung mayroon silang magandang kapalaran ay nasa mga kamay rin ng Diyos, ang mga ito ay mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi ko mababago ang mga ito. Dapat tanggapin ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at sundin ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Pagkatapos itong maunawaan, kahit na nakita ko ang aking mga magulang na umiiyak para sa akin, mas kalmado na ako. Kasabay niyon, napagtanto ko rin na ang paglapit sa Diyos, pagganap ng tungkulin ng isang tao bilang isang nilikha, pangangaral ng ebanghelyo, at pagpapatotoo sa Diyos, ang pinakamakabuluhan at pinakamahalagang buhay na maaaring isabuhay ng isang tao. Kahit na hindi ako nauunawaan ngayon ng aking mga magulang, hindi ko pwedeng isuko ang aking tungkulin nang ganoon kadali. Anuman ang mangyari, gusto kong ipagkatiwala ang lahat sa Diyos at umasa sa Diyos para makausad.
Kaya nagpasya ako na sumunod sa Diyos at buong-pusong gampanan ang aking tungkulin, at isuko ang aking pag-aaral. Una, pinadalhan ko ng mensahe ang aking guro tungkol sa aking desisyon. Gulat na gulat ang guro, at tinanong niya ako, “Bakit ito ang naging pasya mo? Pera ba ang problema?” Sinabi rin niya sa akin na may programa sa pagpopondo ang unibersidad, isang napakapambihirang pagkakataon, at na gusto niya akong tulungan. Sinabi niya ring gusto niyang makipagkita at makipag-usap sa akin, pero buo na ang pasya ko, kaya hindi ako nakipagkita o tumawag sa kanya. Pinadalhan ako ng guro ng isa pang liham. Gusto niyang malaman ang dahilan ng aking pasya. Habang tinitingnan ang liham ng guro, nag-atubili ako, pero sa huli, hindi ako sumagot. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo” (Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Ipinaunawa sa akin ng salita ng Diyos na ang mga ito ay mga tukso ni Satanas. Nang magpasya akong sumunod sa Diyos at gawin ang aking tungkulin, alam ni Satanas na mayroon pa rin akong pagnanasang hangarin ang pera, katanyagan, at kayamanan, kaya ginamit nito ang mga ito para linlangin ako at subukang ipasuko sa akin ang aking tungkulin. Naisip ko ang panunukso kay Job ng kanyang asawa para itatwa niya ang pangalan ng Diyos. Sa panlabas, mukhang mga tao ang nakikipag-usap kay Job, pero sa likod niyon ay si Satanas iyon na nakikipaglaban sa Diyos. Tapos ay naisip ko na sa panlabas, mukhang sinisikap ng aking guro na panatilihin akong nag-aaral at naglalahad siya sa akin ng isang proyekto, pero mga panlilinlang ni Satanas ang nasa likod niyon. Gusto akong ibalik ng Diyos sa tamang landas sa buhay. Tinutukso ako ni Satanas na magrebelde sa Diyos sa anumang paraan, pero hindi ko maaaring hayaang malinlang ako. Kailangan kong umasa sa Diyos upang maranasan ang sitwasyong ito. Kaya’t nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko! Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananampalataya at alisin Mo ang aking mga maling pagnanasa. Sa mahalagang panahong ito, nais kong magpatotoo sa Iyo.” Matapos magdasal nang ganito, naging panatag na panatag ako. Pagkalipas ng dalawang araw, nagpadala ako ng text sa guro para sabihin sa kanya na ito ang huli kong pasya at hindi ko na maipagpapatuloy ang aking pananaliksik. Matapos kong ipadala ang mensahe, nakadama ako ng matinding kaginhawahan, at panatag na panatag na ako. Pagkatapos niyon, tumigil na ako sa pag-iisip sa mga bagay na ito. Inisip ko na lang kung paano ipangangaral ang ebanghelyo sa aking mga kapatid at gagawin nang mabuti ang aking tungkulin.
Pagkalipas ng ilang buwan, sinabi ko sa mga magulang ko na hindi ko na ipagpapatuloy ang aking pag-aaral, at na magtatapos na ang gawain ng Diyos, kaya kailangan kong magmadali at ipalaganap ang ebanghelyo, upang mas maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Hindi nila iyon naunawaan, pero nang makita nilang nakapagpasya na ako na sumampalataya sa Diyos at gawin ang aking tungkulin, wala na silang masyadong sinabi. Sa proseso ng paggawa ng aking tungkulin, unti-unti kong napagtanto na sa pamamagitan ng paggawa ng ating mga tungkulin, makakakamit tayo ng mas maraming katotohanan, at ang katotohanan ang pinakamahalagang bagay sa buhay. Nang maunawaan ko na ito, mas handa na akong gawin ang aking tungkulin, paunti nang paunti ang aking mga alalahanin tungkol sa aking pamilya at kinabukasan, at natutuhan kong ipaubaya ang lahat sa mga kamay ng Diyos at hayaan ang Diyos na pangasiwaan at isaayos ang mga bagay-bagay. Ngayon, ang iniisip ko na lang ay kung paano ipalalaganap ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw sa mas maraming tao, upang ang mga namumuhay sa ilalim ng kapamahalaan ni Satanas, at nalilinlang at napipinsala ni Satanas ay maaaring marinig ang tinig ng Diyos, magbalik sa Diyos, at makamit ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.